I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
And I want to express my
heartfelt gratitude to Tito Vern for giving me a new Laptop all the way from
California. And for making me feel like his own son. To Tito Vern I really
appreciate all you did to me.
Chapter 24
Nagising ako sa isang kubo malapit sa dalampasigan,
Naramdaman ko parin ang pananakit ng aking katawan at sobrang sakit ng aking
ulo. Tumingin ako sa paligid, babangon na sana ako ng marinig ko si Evo.
"Wag ka muna bumangon, mahina ka pa kailangan mo ng
sapat na lakas" Inapuhap niya ang noo ko at leeg.
"Mainit ka pa" nag-aalala niyang tugon.
Tinanggal ko ang kamay niyang nasa leeg ko pa.
"Wag mo na akong intindihin kaya ko ang sarili
ko" seryoso kong sagot. Nagpumilit akong bumangon ngunit natumba ako na
agad naman niyang nasalo.
"Kaya pala ah?" nakangiti niyang sabi.
"You are not funny" Sagot ko. umayos ako ng
aking tayo. naramdaman kong nagrereklamo na ang tiyan ko dahil sa gutom.
"I know you are hungry. naglakad lakad ako kanina,
ito oh may buko at saging, pagtiyagaan muna natin" inabot niya sa ang mga
pagkaing dala niya. mataray ko naman itong inabot.
"hindi pa ba naaayos ang sasakyan mo?" tanong ko
sa kanya.
"Hindi pa eh..ngayon ko lang kasi yun nasubukang
dalhin sa malayong lugar" paliwanag niya.
"Ano ba kasi ang pumasok sa kukute mo at hinayaan mo
silang umalis habang wala ako?" singhal ko dito.
"A..eh..gusto kasi kitang masolo Francis"
Nahihiya niyang sagot.
"For what?..Don't you ever knew you brought me into
trouble?..I'm in hell rigth now." galit kong singhal sa kanya.
"I'm sorry franz, hindi naman ito yung gusto kong
mangyari eh"
"Eh ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" giit
ko.
"Ang makausap ka. I want to fix things up"
"Fixing things?..umaasa ka parin ba ah?..are you
still hoping that there would still be an "US". Evo may girlfriend
ka, she's not only your girlfriend. She's my bestfriend too. ayaw kong saktan
ang damdamin niya at sirain ang pagkakaibigan namin."
"Mahalaga pa ba yun sa nararamdaman natin?"
matamalay niyang sagot. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa
pagkain.
Alam kong nalulungkot at nahihirapan si Evo sa mga
ipinapakita ko, ngunit kailangan kong maging matatag at hindi bumigay sa mga
nararamdaman ko.
Matapos naming kumain ay agad nitong tinungo ang dagat
para maligo. napaka kisig paring tignan ni Evo, inaamin ko na mahal ko parin
siya hanggang ngayon ngunit hindi ko kayang makipagsabayan kay Bianca.
Kinuha ko ang ang cellphone ko para ng tulong ngunit
naubusan na ito ng baterya. Napansin kong mukhang hindi nag-aalala si Evo sa
sitwasyon namin. Pinilit kong bumaba sa kubo at naglakad, nagbabakasakali na
may makikita akong taga roon at mahingan ko ng tulong.
"Saan ka?" tanong niya ng mapansin niyang
naglalakad ako palayo.
""Maghahanap ako ng tulong!. kung ikaw wala kang
balak bumalik ng manila ako meron" galit kong sagot dito. Tumigil siya sa
kanyang paglilibang at dali daling sinundan ako.
"Wag mong sabing tangkahin eh, naghanap na ako kanina
pero wala akong napala" pangungubinse niya sa akin.
"Wag mo akong gawing tanga!. wala tayo sa isla para
hindi makahanap ng mahihingan ng tulong. Evo may mga trabaho akong dapat
tapusin dun kaya please lang?' nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng gubat.
"papasukin mo ang gubat mag-isa? di mo ba batid na
mag-gagabi na?" pananakot niya sa akin.
"Then what?" singhal ko dito. nagpatuloy ako sa
aking paglalakad hanggang inaakyat ko na ang matarik na bahagi ng gubat,
madilim na sa mga oras na iyon at nagsimula ng umulan ng malakas.
Bago ako maka punta sa pinakamataas na bahagi ng lugar na
iyon, kailangan kong kumapit sa isang naka usling sanga para hilahin ko ang
aking sarili pataas. Ngunit sa hindi ko inaasahang pangyayari ay natanggal ang
sanga, maagap kong nilipat ang pagkakapit ko sa gahiblang damo.
Alam kong mataas ang bahaging babagsakan ko kung sakaling bibitaw ako sa aking pagkakakapit.
Sana nagpapigil na lamang ako kay Evo, naiinis din naman kasi ako sa kanya
dahil hindi man lamang niya ako sinundan. nanganagwit na ang mga kamay at braso
ko, gusto ko ng bumitaw. pinikit ko na lamang ang aking mga mata at sa katulad
ng lagi kong ginagawa ay hihintayin ang aking kapalaran.
Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang boses ni Evo,
Sinisigaw niya ang pangalan ko.
"Francis!..nasaan ka?!!!" paulit ulit niya iyong
sinisigaw.
"E..evo! evo tulungan mo ko dito!"
"Nasan ka?" mabilis niyang sagot. Hindi niya ako
madaling makita dahil sa madilim na ang paligid.
"Dito!..dito ako! sundan mo ang boses ko..di ko rin
alam kung nasaan ka" naiiyak kong sagot.
"Wait!, alam ko na kung nasan ka"
Naririnig ko na ang mga kaloskus ng mga yapak niya mula sa
mga dahong nadadaanan niya. Unting-unti nalang at bibitaw na ako, hindi ko na
kaya pang tagalan ang pagkakakapit. Ngunit nahawakan ako kaagad ni Evo bago
paman ako nakapagbitaw.
Hinila niya ako palapit sa kanya, ngunit siya naman itong
nadulas at hindi na namin pa napaghandaan ang sumunod na nangyari, tuloy-tuloy
itong nahulog pababa, halos mag-unahan ang dugo ko pababa sa kumakabog kong
dibdib sa takot at pag-alala sa ano mang mangyari sa pagbagsak ng taong mahal
ko.
"Evo!!!" napasigaw ako. Dahan-dahan akaong
bumaba papunta sa kung saan nahulog si Evo, Hindi ko alam kung saan nangagaling
ang lakas at tapang ko mula sa mga oras na iyon. Sigaw ako ng sigaw kung nasaan
siya ngunit wala akong marinig, natatakot akong baka natuluyan na siya. Umiiyak
akong paikot-ikot, nakagapang sa mga damo umaasang mahahawakan ko siya ngunit
bigo ako.
Mga ilang oras din akong nasa ganoong sitwasyon ng may
marinig akong umuungol. Sinundan ko ang tinig na iyon hanggang sa nadatnan ko si
Evo na nakasalampak sa malaking sanga at namimilipit sa sakit. Agad ko
siyang niyakap.
"Evo?.are you okey?" umiiyak kong tanong. Hindi
siya makasagot tanging ungol lamang ang naririnig ko sa kanya, napapaiyak ako
sa nakikita ko sa kanya. Napayakap ako ng mahigpit kay Evo, gusto kong kahit
papaano'y mabigyan siya ng init mula sa aking katawan at maibsan ang sakit na
nararamdaman niya. Ilang minuto din kami sa ganoong sitwasyon ng pinilit ko
siyang ibangon, inilalayan ko siya palabas ng gubat pabalik sa kubo malapit sa
dalampasigan.
Inihiga ko siya sa kubo, Hinubad ko ang T-shirt ko at
hinugasan sa dagat. pinunasan ko ang katawan niya na nababalot ng putik pati na
rin ang ilang sugat niya sa katawan. Kinaumagahan ay namimilipit parin sa sakit
si Evo sa mga sugat na natamo niya, buti nga lang at puro galos lamang ito
ngunit alam kong mahapdi ito.Muli kong pinunasan ang katawan niya para hindi
kumapit ang dumi, hindi ko alam kung bakit ko ginagawa iyon basta na lamang
kumikilos ang sarili ko para alagaan siya.
"Salamat" bulong niya sa akin.
"Wag kang magpasalamat, kasalanan ko rin naman
kasi" mahinaon kong sagot. napangiti siya.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" nakataas ang
kilay ko habang tinatanong siya.
"Wala, may maganda din palang naidulot ang pagkahulog
ko kagabi. Ang sarap palang inaalagaan ka" mas lumapad ang pagkakangiti
niya. Namula ako sa sinabi niya kaya kailangan kong umakting na naiirita,
tinigil ko ang pagpunas sa kanya saka dahan-dahang pinisil ang bahagi kung saan
siya may sugat.
"Ahh!" napasigaw siya sa sakit, inaamin kong
mahina lang ang pagpisil ko pero di ko inaasahang ganun kasakit ang
mararamdaman niya. namimilipit siya sa sakit, kinabahan ako kaya wala akong
nagawa kundi yakapin siya ng mahigpit. nabigla ako ng yakapin niya rin ako ng
mahigpit at halikan ang aking labi, matagal, mapusok at para siyang uhaw na
uhaw sa sensansyong mahalikan ang aking labi. huli na ng mahimasmasan ako,
tinulak ko siya ng bahagya.
"I love you, and I miss this badly" naluluha
siya habang sinasabi iyon sa akin. Alam kong seryoso siya sa mga katagang
namutawi sa kanyang labi.
"Evo?" tanging pangalan niya na lamang ang
nasabi ko, nanginginig ako. Kahit hindi ko aminin alam ko na alam niya na mahal
ko parin siya.
"Handa akong ipaglaban ang nararamdaman ko sayo,
hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko sayo, ayaw ko ng mawala ka sa
buhay ko Francis. mahal kita mahal na mahal" muli niya akong kinulong sa
kanyang dibdib.
"Natatakot ako Evo" umiiyak narin ako, tumutulo
ang mga naguunahang luha ko sa kanyang dibdib.
"Magtiwala ka sa akin, kahit anong mangyari wag mong
ialis sa isip at puso mo na kailanman hindi magbabago ang nararamdaman ko
sayo" sagot niya saka hinalikan ang ulo ko.
"Baho mo na!" hirit niya. napatawa ako sa banat
niya.
"Kainis!.. yun na yun eh?..maganda na sana ang takbo
ng pag-uusap eh?..panira ka talaga ng moment!" natatawa kong sabi.
Nagtagal pa kami ng ilang araw sa lugar na iyon, kapwa
kami walang balak umalis at lasapin ang panahong kami lang dalawa tulad nung
nasa isla pa kami. Mabilis ding gumaling ang sugat ni Evo kaya nakakasabay ko
siya sa paliligo sa dagat, para kaming mga batang naghaharutan sa gilid ng
dalampasigan. Natuto kaming manghuli ng isda, manguha ng mga prutas at saging
na makikita lamang sa lugar.
"Sana dito nalang tayo hanggang sa pagtanda"
sabi niya sa akin habang naka-upo kami sa buhangin at nakaabang sa paglubog ng
araw na nilalamon na ng karagatan. nakadagdag sa ganda ng tanawin ang
pagmamahalan naming dalawa.
"Sana nga mahal ko" sagot ko sa kanya. Muli niya
akong siniil ng halik hanggang sa nauwi sa mainit na pakikipagtalik.
Kinabukasan maaga kaming nagising na dalawa, nanguha kami
ng mga tuyong dahong ng niyog para gawing bubung sa kubo na nasira na. Ngunit
magtatanghali na ng mapansin naming may tunog ng sasakyan ang papalapit sa
kinaroroonan namin.
"Evo? what's that?" tanong ko sa kanya.
hinawakan niya ang kamay ko hinila ako papasok sa gubat upang magtago. Nagmasid
kami, nakita namin ang dalawang patrol car, bumaba ang mga sakay nito. Unang
nakita ko si Bianca kasunod si Darcie. Bumaba din ang mga sakay sa ikalawang
patrol car sina Mommy, Kuya at Kevin.
"Evo?, we need to go back to reality" bumitiw
ako sa pagkakahawak niya sa akin, dahan-dahan akong tumayo para magpakita
ngunit pinigilan niya ako.
"Wait!.." sabi niya.
"Promise me francis we need to figth this?..Kaya kong
ipagpalit ang kung ano ang meron ako para sayo" despirado niyang tugon,
namumuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mata. Hindi ko alam kung ano ang
isasagot ko kundi ang yapusin siya ng mahigpit at halikan ang mga labi niya. Sabay
kaming naglakad papunta sa mga taong naghahanap sa amin.
Mabilis siyang nilapitan ni Bianca at niyakap, Ganun din
ako na mabilis niyakap nila Mommy. Wala ang atensyon ko sa kanila kundi sa kung
saan si Evo na abala sa pakikipagusap kay Bianca, alam kong wala din ang
atensyon nito sa kausap kundi sa akin din. Halata ko kasi na lihim itong
napapasulyap sa akin at hindi nakikinig sa kausap.
"I miss you" nahimasmasan lamang ako ng marinig
ko iyon.-si Kevin.
"Thank you. akala ko sa baguio ka?" balik tanong
ko sa kanya na para bang nakikipag-usap lang ako ng kaswal.
"I file an emergency leave as soon as I heard na
nawawala ka" seryoso niyang sagot. Naawa ako kay Kevin ngunit sa mga oras
na ito ay hindi ko siya kayang punan dahil kahit ako man ay nahihirapan sa sitwasyon
namin ni Evo. Wala sa kahit isa sa kanila ang atensyon ko kundi sa lalaking
mahal ko.
"Hindi ka na sana nag-abala pa Kevin, but then
salamat sa pag-alala" hinawakan ko ang kamay niya saka pinisil ito yun
lamang ang kaya kong gawin. napansin kong nakita ni Evo ang ginwa kong iyon kay
Kevin.
Hindi narin namin nagawang makapag-usap at magpaalam dahil
sa mga taong nakapalibot sa amin. Nasa kabilang sasakyan siya kasama si Bianca.
Ako naman ay kasama sila Mommy,Kuya, Darcie at Kevin. Marami silang tinatanong
sa akin ngunit isang tanong isang sagot lang ako kaya minabuti nalang nilang
manahimik at bigyan ako ng sapat na panahon para makapagpahinga.
Esinekrito pala nila ang paghahanap sa amin sa publiko,
minabuti nilang palabasin na nasa ibang bansa ako at ganun si Evo para hindi
mabahiran ng anomang hakahaka ang ulit naming pagkawala. Pagdating ko sa bahay
ay agad akong pumanhik sa aking kwarto para maligo. Umupo na muna ako sa kama
at parang baliw na nakatulala, si Evo ang laman ng isipan ko at isinisigaw ng
puso ko sa mga oras na iyon. naputol lamang iyon ng may kumatok sa pinto.
"Kumain ka muna, nagluto si tita ng mga paborito
mo"-si Kevin.
"Salamat, pakilagay nalang muna diyan sa study
table" matamlay kong sabi, hindi ko man lang isinaalang-alang si Kevin,
gusto kong maging fair sa kanya but hindi yun ang nasa isip at puso ko ngayon.
hindi ko kayang makipag-plastikan sa taong walang ginawa kundi ang mahalin ako.
"Kainin mo ito para bumalik yung lakas mo ah?, sige
uuwi na muna ako para makapagpahinga ka" tumalikod na siya para lumabas.
"Kevin?" dagliang tawag ko sa kanya. huminto
siya, alam kong umiiyak ito sa pagyugyog ng kanyang balikat kahit nakatalikod
ito. nagpunas muna ito bago lumingon sa akin.
"Salamat" sabi ko. bumakas sa labi niya ang
pilit na ngiti bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Hindi ko halos maintindihan ang sarili ngunit namimis ko
na si Evo, parang bumalik lang kasi yung mga panahong nagkahiwalay kami sa
isla. Ilang araw muna akong nagpahinga at hindi pumasok sa trabaho. nakakulong
lamang ako sa bahay, wala akong ibang inaabangan kundi kung baka nagtext o di
kaya tatawag si Evo ngunit wala akong napala sa isang linggong paghihintay.
Halos wala na akong balita sa nangyayari sa kompanya at sa mga buhay-buhay ng
mga kaibigan ko, masyado akong na preoccupied sa damdamin ko kay Evo. Maging si
Kevin ay nasasaktan ko sa hindi ko sinasadyang dahilan. Umaasa ako na mas
lalong gagawa ng paraan si Evo para magkita kami at makausap ako dahil sa mga
binitawan niyang pangako ngunit parang wala akong naramdamang katuparan doon.
"Best, ready ka na ba?" si Darcie na tumawag sa
akin sa skype. Niyaya niya akong dumalo sa isang party, Anonymous ang nakasulat
sa invitation card na natanggap niya at gaganapin sa isang sikat na hotel kaya
hindi naman kami natakot na baka sindikato ang may pakana. siguro nga lang may
nakakaibang tema lang ang party na iyon kaya ganun ang naka sulat sa invitation
card.
"Ok ready na ako, maghihintay nalang ako sayo dito
ok?" sagot ko. nag-ayos ako ng aking sarili at sinout yung mga damit ko na
gawa ng Alejandro's Secret. Hindi naman ako naghintay ng matagal at dumating si
Darcie sa Bahay.
Mabilis kaming nakarating sa venue, halatang kilala ng may
ari ng party si Darcie at ako dahil nakalagay na sa isang reserved table ang
aming mga pangalan na kasali sa mga VIP's na dadalo. huli na ng malaman namin
ni Darcie na isang Engagement party ang salo-salong iyon, napansin kong naroon
din si Alyson kasama ang pamilya nito nakapagtataka lang dahil parang family
reunion lang sila sa dami nila. Nagsimula na nga ang party, nagtaka ako at ang
Daddy ni Evo ang nagsimula ng party.
"I, in behalf of my Son. I would like to thank you
all for coming, ngayong gabi ay hudyat hindi lamang sa pag-iisang dibdib ng
dalawang taong nagmamahalan kundi ang pagiging isa ng aming mga
pamilya" Nanlamig ako sa aking
narinig, para akong natutunaw at sinisilaban sa mga dapat ko pang malaman,
Napansin kong nakatingin sa akin si Alyson at nakangiting aso ito.
"hindi ko na papatagalin pa ang pagpapakilala sa soon
to be couple, My son John Evo Thompson at ang aking soon to be daughter in law
Bianca" Lumabas sa likod ng stage ang dalawa at nakahawak kamay pa. Ni
hindi ko na marinig pa ang sigabong ng palakpakan, para akong nabingi sa mga
nalaman ko. gusto kong maglaho, gusto kong hilingin na sana wala nalang ako sa
lugar na iyon. Gusto na sanang dumaloy ng aking luha pero kailangan kong
magpakatatag dahil magmukha akong kahiya-hiya sa lahat pag ginawa ko iyon.
Napansin kong nakita ako ni Evo mula sa kanyang kinatatayuan, yumuko na lamang
ako. Mas lalo kasi akong masasaktan pag nakikita ko siya, naiisip ko lang ang
mga ginawa niya sa akin at paglalaro niya sa damdamin ko, palabas nga lang ba
talaga ang nangyari sa amin pero bakit hindi ko naramdamang palabas iyon?, ang
liit ng tingin ko sa sarili ko sa mga oras na iyon. Isang bakla akong umasa sa
isang masayang pag-ibig at makakatagpo ng isang lalaking iibig sa akin katulad
ni Evo.
Sinadya ba talaga nilang gawing Anonymous ang invitation
card para magmukha akong kaawa-awa sa lahat kung sakaling nasa party na ako?.
ang sama-sama niya kung ganun. Abala na sa pagkain ang lahat ng magpaalam ako
kay Darcie na pupunta ng comfort room, napansin kong papalapit sa pwesto namin
ang dalawa kaya mas binilisan ko ang paglakad para makaiwas.
Matagal ako sa C.R nagtago ako sa isang cubicle at doon
binuhos ang sakit na nararamdaman ko. Napansin kong may pumasok.
"Franz?..nandiyan ka ba?" -si Evo.
"Umalis kana!..layuan mo na ako hayup ka" sagot
ko, hindi parin ako nagbubukas ng pinto.
"Kausapin mo naman ako oh?, magpapaliwanag ako"
binuksan ko ang pinto saka sinampal siya. Hindi siya umilag, tinanggap niya ang
lahat ng sampal ko.
"Kulang pa yan..hayup ka!" nanggagalaiti kong
sabi.
"Hindi mo manlang sinabi sakin?..para ano to?..para
pagmukhain akong kaawa-awa habang ipinapakilala sa boung mundo na ang taong
mahal ko na akala ko mahal din ako ay ikakasal na?" Napaluhod ako sa sakit
na naramdaman ko, sinikap niyang itayo ako ulit ngunit winaksi ko ang kamay
niya.
"I'm sorry Franz, mahal kita ngunit..." nagpigil
siya, alam kong umiiyak narin ito.
"ngunit ano?..mas mahal mo si Bianca?" singhal
ko sa kanya.
"Oo, dahil babae ako! at dinadala ko ngayon ang
magiging anak namin" sagot ni Bianca na ngayon ay papasok narin sa C.R,
sinundan niya kami doon.
"Matagal ko ng alam na mahal mo si Evo, My
Bestfriend?..no, it's my beastfriend!.. sayang mahalaga ka naman sana sa akin
dahil sa mga pinagsamahan natin ngunit traidor ka!" singhal niya sa akin.
"Bianca please?..nag-usap na tayo diba?"
pakiusap ni Evo.
"Oo, we've talked but kasama ba ito?"
"Bianca hindi ko sinasadya, wala akong balak agawin
siya sayo.."
"Wala?!!! nagawa mo na!! traidor!!" sigaw ni
Bianca, hindi ko na nagawa pang taposin ang sasabihin ko sana.
"Umalis kana dito!, layas! bago pa malaman ng boung
mundo ang baho mo! alis!!"
Nakikiusap ang mga mata ni Evo sa akin ng papalabas na
ako, tuloy-tuloy akong lumabas ng C.R ng hindi man lamang nakatingin sa kahit
sino sa kanila. Hinabol ako ni Darcie ngunit mabilis akong nakalabas ng hotel,
Magkahalong sakit at pagkabigo ang nasa puso ko.
Dumaan ako sa isang bar na hindi kalayuan sa hotel,
kailangan kong magpakalasing. Galit ako kay Evo at awang-awa sa sarili ko dahil
sa sinapit ng relasyon naming ni Bianca. Parang juice lang ang pag-inom ko ng
alak, sunod-sunod iyon na para bang wala ng bukas.
“Sir?, excuse me po. Magsasara nap o kami” ginising ako ng
waiter, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Sinubukan kong tumayo para lumabas
ngunit bigo ako natumba ako sa sahig.
“Sir?..parang hindi nap o ninyo kaya may kasama po ba
kayo?” tanong ng Waiter.
“Ako na ang bahala sa kanya” boses ng isang lalaki.
Tinulungan akong makatayo ng waiter at inalalayan palapit sa lalaki. Gusto kong
malaman kung sino siya ngunit masyado ng mabigat ang mga talukap ng aking
dalawang mata. tuloy-tuloy ang pagdilim ng aking paningin hanggang sa mawalan
ako ng ulirat.
Nahimasmasan ako ng may malamig na bagay ang dumadampi sa
mukha ko, minulat ko ang aking mata. Si Evo. Pinupunasan niya ako ng telang
binalot niya ng yelo.
“What am I doing here?” gulat ko sabi.
“Dito ka sa Condo ko, lasing ka alam ko. I was uneasy to
just let you go outside alone. Ayaw kong mapahamak ka Francis” sagot niya.
Bumangon ako ako at itinulak siya.
“Pwede ba?, stop acting as if you care!.. hanggang kalian
mo ako sasaktan ah?!!! Hayup ka! Pinagmumukha mo ako tanga Evo. Nasaan na yung
mga pangako mo?, akala ko paninindigan mo ako?..” Sigaw ko sa kanya.
“Francis let me explain..”
“Let you explain? For what? For another lies? Evo
naghintay ako ng text o tawag mo, But I waited for nothing. And you know what
it hurts me the most?.. Seeing you engaged with my bestfriend. Sa harap ko
mismo, pinagmukha mo akong kaawa-awa Evo, Alam mong mangyayari yun but you
never warned me!!” napapahagulgol ako sa iyak habang sinasabi ang lahat ng
dapat kong sabihin sa kanya.
“I’m sorry” mahina niyang tugon. Lumapit ito sa akin para
yakapin ako ngunit lumayo ako sa kanya.
“Stay away from me from now own! Don’t you ever dare
hurting me again!” huli kong sinabi saka lumabas ng condo niya.
Mabilis akong nakarating sa Condo ko dahil tinawagan ko
ang driver ko na sunduin ako, hindi ko na rin kasi kaya pang magdrive.
Masakit ang ulo ko ng magising ako kinaumagahan, marami
ang nainum ko gusto ko sanang lumimot ngunit heto na naman nararamdaman ko na
naman ang sakit. Kailangan kong puntahan si Bianca, I want to explain my side.
Ayaw kong tuluyan niya akong kamuhian. Naligo ako, nag-ayos para puntahan siya
sa bahay nila.
Nang dumating ako sa bahay nila ay wala siya doon, sinabi
sa akin ng katulong nila na nasa opisina siya ng Daddy niya. Dumiritso ako sa
opisina ng Daddy niya. Nasa 20th floor ang opisina ayon sa
receptionist. Kakatok na sana ako ng marinig ko mula sa labas ng pinto ng
opisina ang pamilyar na boses.
Si Kevin.
Diniin ko lalo sa pinto ang taenga ko para mapakinggan
lalo ang pinag-uusapan nila. Alam kong hindi ako likas na usisero pero malakas
ang kutob kong may hindi tama sa mga nangyayari.
“Ang pagbubuntis lamang ni Bianca ang partisipasyon ko dito,
kaya labas ako sa anumang mangyari” bulalas ni Kevin.
“Kung may plano kayong pabagsakin ang Alejandro’s Secret
nasa inyo na iyon ni Alyson. Basta pangako niyong wag niyo lang sasaktan si Francis!”
matigas na tinuran ni Kevin.
“We knew that Kevin, what we want you to do is just keep
your mouth shut na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ni Bianca, kailangan nating
matali si Evo gamit ang batang yan. Sayang ang mamanahin niya kung sakaling
magiging Thompson siya” sagot ng babae, pamilyar ang boses niya ngunit hindi ko
maalala kung sino.
“Ate Alyson natanggap mo naba yung email ko sayo kahapon?.
Yun yung bagong design ng Alejandro’s Secret. Nakuha ko iyon sa files ni
Darcie” Si Bianca.
“Well that’s good Bianca, just continue acting that you’re
a good friend to them, tingnan natin kung hanggang saan ang aabutin ng A.S dito
bansa” Nanginginig ako sa mga natuklasan ko. Wala kaming kaalam-alam na
nakikipagsalamuha kami sa mga ahas. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin iyon
ni Kevin para lang sa pagmamahal niya sa akin. Hindi ko rin lubos maisip na
magkadugo ang taong kinamumuhian ko at ang taong tinuri kong tunay na kaibigan.
Kailangan kong masabi it okay Evo bago paman mahuli ang lahat. Aatras na sana
ako para tunguhin ang elevator ngunit hindi ko akalaing nasa likod ko ang Ama
ni Bianca.
“Oh, Alex? You’re here. C’mon inside” yaya niya sa akin.
Pipihitin na sana niya ang doorknob ngunit pinigilan ko siya, hindi nila dapat
malaman na narinig ko sila.
“No tito, it’s ok. Dadaan sana ako dito but may importante
pala akong lakad ngayon maybe next time nalang po. I have to go Tito” paalam ko
saka dali-daling tinungo ang Elevator. Nanginginig ako habang nasa loob ng
kotse ko. Sinusubukan kong tawagan si Evo ngunit hindi ko siya makontak.
Naka-ilang subok na ako bago pa tumunog ang celphone niya.
“Franz, napatawag ka?” masigla niyang sagot.
“Evo we need to talk!” seryoso kong sabi.
“About what?”
“The child, hindi mo anak ang batang nasa sinapupunan ni
Bianca Evo”
“Franz?..You’re just being paranoid ok?” hindi siya
naniniwala sa sinabi ko.
“papunta ako sa bahay mo, doon tayo mag-usap para maniwala
ka” binabaan ko na agad siya ng celphone.
Pagdating ko sa bahay ni Evo ay inaasahan ko ng madilim na
dahil hindi narin doon nakatira ang Daddy niya. Sa labas ko nalang ng gate
ginarahe ang kotse ko. Pumasok ako sa loob, Binuksan ko lahat ng ilaw sa sala
ng bahay. Magdadalawang oras na ngunit wala parin si Evo. Umakyat ako sa kwarto
ni Evo, Humiga na muna ako sa kama niya. Hindi ko namalayang nakatulog ako.
Nagising ako ng may marinig akong kalabog sa ibaba ng
bahay. Lumabas ako ng kwarto, tiningnan ko kung nandiyan naba si Evo.
“Evo? Ikaw ba yan?” sigaw ko, may naririnig akong kaluskos
ngunit hindi ito sinasagot ang tawag ko. Bumaba ako sa sala. May narinig akong
ingay sa kusina.
“Evo?” tawag ko ulit. Nanlaki ang dalawang mata ko ng
Makita ko ang dalawang lalaking lumabas sa kusina, naka bonnet ang mga ito kaya
hindi ko sila mamukhaan. May dalang patalim ang dalawa kaya kinabahan ako.
Mabilis akong tumakbo sa itaas ngunit naabutan ako ng isa sa kanila sa hagdan.
Hinila niya ako palapit sa kanya saka pinagsusuntok sa mukha. Halos mawalan ako
ng ulirat sa sakit. Pinagtutulungan nila akong bugbuging dalawa, halos gumapang
ako sa sakit.
“Tigilan niyo siya!.. putang ina niyo!!” galit na sigaw ni
Evo. Halos liparin niya ang dalawa sag alit niya. Iniwan ako ng dalawa at saka
hinarap si Evo, nakipagbuno ito sa dalawa. Alam kong kaya sila ni Evo ngunit
hindi ko inaasahang may isa pang lalaking pumasok, may bitbit itong batuta.
Walang kasinglakas niya itong hinampas sa likod ni Evo dahilan para matumba ito
sa sahig. Gumapang ako palapit sa kanya.
“E..evo?” naiiyak kong sambit sa pangalan niya.
“Ililigtas kita dito mahal ko” mahina niyang sabi habang
hinahawakan siya ng dalawang lalaki, samantalang yung lalaking nakahawak ng
batuta ang nakahawak sa akin. Itinaas ng nakahawak sa akin ang ulo ko.
“Please wag niyong gawin yan nagmamakaawa ako” pakiusap ni
Evo.
“Pasensya na pare pero sumusunod lang kami sa utos” sagot
niya. Pinikit ko na lamang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagpalo sa ulo ko
ngunit hindi ko na nararamdaman ang sakit. Wala akong marinig, nakikita ko ang
pagsigaw ni Evo lumuluha itong nakatingin sa akin, pilit niyang inaabot ang
kamay ko. Nagpupumiglas siya para iligtas ako ngunit wala siyang magawa.
Itutuloy………..