Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
Chapter
26
Francis (POV)
All is set na
para sa hearing, ito din yata ang huling hearing at malalaman na namin ang
hatol ng husgado tungkol sa kaso. Nagkakagulo sa labas ng hall of justice
building ng dumating kami, napakaraming media ang gustong makakuha ng coverage
sa magaganap na hearing.
Tila alam ni
Daddy ang mangyayari kaya limang convoy ng sasakyan ang kasama namin, mga body
guards ang laman ng convoy. Halos dumugin kami ng press pagdating sa lugar ng
paglilitis, halos mahilo ako sa mga tanong ng mga reporters na hindi ko rin
alam paano sagutin.
Napapalibutan
ako ng mga personal body guards namin kaya hindi halos makalapit ang mga
reporters, minadali nila ang paglalakad papasok ng room para maiwasan namin ang
media sa labas.
Marami naring
tao sa loob ng room, naroon narin ang Judge at ang abogado ng suspek, kung
hindi ako nagkakamali naroon narin ang pamilya ng suspek at abogado nito. Nasa
piitan pa daw ang suspek at kasulukuyang binabyahe papunta dito. Sa pinakalikod
ako ipinwesto no Mommy, sa lugar kung saan hindi ako mastayadong makita.
Hindi nagtagal
ay dumating na ang mga pulis dala dala ang suspek na naka orange uniform at
naka posas ang mga kamay. pina upo siya sa harapan kung saan nakikita siya ng
lahat. Hindi ko alam pero parang wala akong makapang galit sa kanya, Alam kong
pinagtangkaan niya ang buhay ko pero bakit wala man lang ni katiting na galit
man lang akong nararamdaman?, bagkus may iba akong nararamdaman, parang may
kung ano sa suspek na yan na gumugulo sa aking pakiramdam.
Since hindi ko
maalala ang lahat, hindi ako pinagsalita bilang witness. Maraming ginawang
testigo ang aming kampo na hindi ko rin mawari kung pawang katotohanan lamang
ang mga sinasabi. Walang ibang testigo ang humarap pabor sa suspek, walang
ibang nagsalita para ipagtanggol ang sarili niya kundi siya din lamang.
Hindi ko alam
pero may parang boses sa aking isipan na nagsasabing ipagtanggol ko siya. pero
mali eh, ako ang biktima dito at siya ang suspek kaya dapat masaya ako na
lamang kami sa kaso. Dumating ang punto na mas lalong dinidiin ng magaling
naming abogado ang suspek sanhi ng pagtaas ng boses nito.
"Mahal ko
si Francis! hindi ko magagawa yun sa kanya, na frame up ako at yun ang
totoo" pagwawala ng suspek.
"Maniwala
kayo sa akin!" naiiyak niyang sambit habang pinapakalma siya.
hindi ko alam
pero parang may sariling utak ang aking mga paa, napatayo ako at akmang lalakad
papunta sa suspek. Nasasaktan akong sinasakdal ang taong nasa harapan, hindi ko
alam kung bakit ganun nalang ako naapektohan sa taong iyon.
Naramdaman kong
may humila sa kamay ko para akoy tumigil.si Mommy.
"What are
you doing francis?" lumingon ako kay mommy saka nag desisyong bumalik,
paupo na sana ako ng marinig ko ang pangalan ko.
"Francis?
you're here?" -ang suspek.
"Francis
mahal kita, sabihin mo sa kanila na wala akong kasalanan! francis sabihin
mo!" pagmamakaawa niya sa akin.
Naramdaman ko
yung pagkirot ng ulo ko, parang pamilyar sa akin ang boses ng taong ito. boses
na may mahalagang parte sa buhay ko, yung ang sinasabi ng pakiramdam ko.
Nangingig at namamawis na ako, naguguluhan.
Lumakas ang
ingay sa loob ng court room, ang nagmamakaawang boses ng suspek, ang boses ni
mommy at ang nagtatalong mga abogado namin.
Bigla nalang
kumirot ng pagkasakitsakit ang ulo ko hanggang sa mawalan ako ng malay.
Evo (P.O.V)
Alam kong mahina
ang depensa namin sa kaso, inosente ako yun ang tanging alam ko pero sino ang
maniniwala sa akin. nadiyan si Daddy at ang aking lolo't lola para damayan ako,
magaling ang abogado namin pero mas magaling yung may mga witness kang
magpapatunay. kaso wala kaming maiharap na witness na makapagpatunay na
inosente ako.
Ginawa ko ang
lahat para depensahan ang sarili ko pero walang gustong maniwala. nawawalan na
ako ng pag-asa para mapatunayang inosente ako, ngunit sa hindi inaasahang
dahilan ay nahagip ng aking mga mata ang taong alam kong makakapagpatunay na
inosente ako. Nabuhayan ao ng loob ng makita siya, ang boung akala ko nasa
amerika ito at naka-coma.
God! I miss
francis so much, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit sa pagkakataong iyon.
nagbabadyang magwala ang mga luha sa aking mga mata ng makita siya, nakatingin
lamang ito sa akin at blangko ang kanyang mga mata, tanging pagkalito lamang
ang makikita doon.
"Francis
mahal kita, sabihin mo sa kanila na wala akong kasalanan! francis sabihin
mo!" sabi ko dito, ngunit wala akong reaksyong nakikita, parang hindi niya
ako kilala. kitang kita sa mga mata nito ang takot.
hindi ako
sumuko, sigaw parin ako ng sigaw sa pangalan niya kahit na inutusan na ako at
ng abogado ko na tumahimik.
"Your
honor, the suspect is intimedating my client. My client has a memory loss your
honor" sabi ng abogado nila francis, natigil lamang ako ng nagkagulo.
nawalan ng malay ang taong mahal ko.
Nagpatuloy ang
hearing ngunit parang lutang ang aking isipan. nawalan na ako ng pag asa pang
mapawalang sala, mahirap man pero ganito ang sestima sa ating bansa.
Sa wakas nabasa
na nga ang sakdal, alam ko na ang kakalabasan ng paglilitis kaya pinikit ko nalamang
ang aking mga mata. mahigit tatlumpong taon ang naging sintensya ko, wala akong
magawa kundi ang pakawalan ang masagang luha sa aking mga mata.Sinimulan na
akong iniskortan ng dalawang pulis, naririnig sa loob ang saya ng kabilang
kampo.
"Son?, don't
worry we'll file another motion----"
" that's
useless dad, hayaan na natin sila" matabang kong sagot sa aking ama.
niyakap niya ako.
" Apo?,
gagawa kami ng paraan wag kang mag alala" umiiyak na sambit ng lola ko
saka ako muling niyakap.
Tuloy tuloy ako sa
piitan, malamang ito na yata ang bagong mundo ko. Nakakatakot man mapabilang sa
mga pinaka notorious na kriminal sa bansa.
Iba't ibang
klase ng ugali ang nasa loob, kailangan kong habaan ang pasensya ko para hindi
mapahamak. Isang linggo, isang buwan hanggang sa umabot ako sa loob ng tatlong
buwan.
Sa loob ng
piitan ay may dalawang gang ang nag iiringan, minabuti kong umiwas sa kahit na
sinong gang para hindi mapag initan sa loob. Tatlong araw lang ang nakalipas ng
may namatay dito sa loob dahil sa pananaksak, nakakatakot man pero parang
walang pakialam ang jail warden sa gang war na nangyayari dito sa loob.
Gabi na pero
nanatiling naka dilat parin ang aking mga mata, Laging pumapasok sa aking
isipan si Francis. nanlulumo ako sa sinapit ng aming pagmamahalan, Biglang
naputol ang aking pag iisip ng marinig ko ang sigawan sa kabilang selda.
"Gising mga
kasama, inaatake tayo ng kabilang gang!" sigaw ng isang priso.
biglang
nagsitakbuhan ang mga priso, suntukan, saksakan at sigawan ang tanging sumakop
sa loob ng piitan. subrang gulo na kaya kailangan kong kumilos para mailigtas
ang sarili, mas lalong nagulat ako ng makitang nasusunog narin ang halos
kalahati ng kulungan. Dumating ang mga pulis, pinagpapalo at pinagbabaril ng
airgun ang ibang hindi maawat. nagkaroon narin ng malawakang evacuation, may
mga bus narin na naka antabay sa labas. Isa isa kaming pinasakay habang ang iba
ay sinusubukan pang awatin sa loob, medyo malaki narin ang sunog. Hindi na
halos makontrol ng mga pulis ang sitwasyon, napansin kong may ibang prisong
pumuga mula sa bus.
"pagkakataon
ko na ito, ito na siguro ang paraan para maitama ko ang maling nangyari sa
akin" sabi ko sa sarili ko. mabilis akong bumaba sa bus, tumakbo ako ng
napakabilis palayo sa nasusunog na kulungan. ng matantya kong medyo nakalayo na
ako ay nagpahinga muna ako sa isang puno. naalala kong naka orange t-shirt pa
ako, mahahalata ako sa aking suot. napansin ko ang isang bahay malapit sa
punong pinagpahingaan ko, nakita ko ang sampayan na may mga damit. mabilis
akong kumuha ng isang damit na kasya sa akin saka mabilis na umalis.
Una kong
pinuntahan ang bahay ko, kumuha ako ng ilang gamit at pera na nasa kwarto, buti
nalang hindi nila ginagalaw ang mga gamit ko Ginamit ko ang
kotse kong matagal ng hindi ginagalaw, walang ibang nasa isip ko kundi ang
taong mahal ko. Bahala na kung ano man ang mangyayari sa akin ang gusto ko lang
ay makasama si Francis.
Sinuyod ko ang
daan papunta sa bahay nila, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya
pagnakita ako. alam kong hindi niya ako maalala pero gagawin ko ang lahat na
bumalik ang mga yun. nagagawa man burahin ng trahedya ang alaala pero hindi ang
nararamdaman ng puso. pinarada ko ang
kotse dalawang bahay mula sa bahay nila, kailangan kong makapasok sa bakuran
nila ng hindi napapansin.
Francis (P.O.V)
Tatlong buwan na
ang nakalipas mula ng manalo kami sa kaso, masaya sila Mommy at Daddy dahil sa
wakas daw nakamtan na namin ang hustisya. Ngunit iba ang nararamdaman ko, mula
ng makulong ang taong nagtangka ng buhay ko ay parang kasama naring nakulong
ang pagkatao ko. maraming tanong ang pumapasok sa isipan ko kung ano ba talaga
ang buhay ko noon at ano ang koneksyon ko sa taong nagtangka umano sa buhay ko.Lagi kong
tinatanong sila Mommy tungkol doon pero tikom ang bibig nila sa bagay na iyon.
"What you
don't know wont hurt you, better not know" laging sinasabi ng Daddy ko.
"depriving
you from the truth is our way of protecting you son" sabi naman ni Mommy.Mula noon
minabuti kong sundin at pagkatiwalaan nalang kung ano ang gusto nila, they're
my family after all.
Isang beses noon
ay binisita ako ng isang kaibigan, Darcie daw ang pangalan.
"How are
you? I know Alex ay este Francis na wala kang natatandaan, but I can assure you
na you can count me in, you can trust me"
"Salamat,
alam ko na kaibigan kita." sagot ko, nabigla siya
"so you
mean, you remem----"
"Nope! its
an instinct, nararamdaman ko" butt in ko sa kanya.
"Ah I
see" parang disappointed niyang sagot. nasa garden kami sa likod ng bahay
nag uusap, hinawakan niya ang dalawang kamay ko at saka nag palinga linga ng
ulo sa bawat sulok ng bahay, he did make sure no one would hear what he would
going to say.
"May sasabihin
sana ako sayo" seryoso niyang sabi, in a low tone but clear.
" wag kang
magtiwala at maniwala sa mga taong nakapalibot sayo. sundin mo ang tibok ng
puso mo yun ang paraan para malaman mo ang katotohanan"Matalinhaga ang
binitawan niyang salita na nakapagpakaba sa akin, matapos noon ay agad naman
siyang umalis ng mapansing dumating na sina Mommy at Daddy.
Lagi akong naka
tambay sa bahay, gusto ko sanang mamasyal pero isang katirbang gwardya ang
nakabuntot sa akin. Mas mabuti pang maglagi nalang sa kwarto ko. madalas naman
akong dinadalaw ni Kevin, lagi niyang kinikwento sa akin yung mga masasayang
nakaraan daw namin. Wala man akong maalala ay nakikisabay nalang din ako sa
kanya, Hindi ko alam kung anong meron sa akin at ganun siya ka tiyagang pagtiisan
ang tulad ko.
Nadalaw din ako
minsan ng malapit ko daw na kaibigan na si Bianca, ngunit yung mga huling dalaw
niya ay nagkataong dumalaw din si kevin. Hindi ko alam na magkakilala pala
sila.
" You don't
have the right anymore Kevin. remember it was all a deal." boses ni
Bianca, papasok na sana ako sa dining hall ng marinig silang seryosong nag
uusap.
"Ako parin
ang ama ng bata bianca! no matter what, dugo ko yun. kaya hindi mo pweding
tanggalin ang karapatan kong maging ama sa bata"-si Kevin.
"Did you
really forgot everything?, diba plano nating buntisin mo ako para makuha ko si
Evo? sa tingin mo tatanggapin ka no Francis pag nalaman niyang may anak ka sa
iba?"
" Kalimutan
mo na yung planong yun Bianca for christ sake! marami ng napahamak, matatanggap
ako ni Francis kung mahal niya ako. nakokonsensya na ako sa kalagayan ni
Evo-----"
"oh hi?,
both of you are here good to see you here Bianca and kevin" si Mommy na
pababa palang sa hagdan.
Mukhang may
bagay silang tinatago sa akin, malalaman ko na sana ang lahat kung hindi lang
dumating si Mommy. Sino si Evo? sino siya sa buhay nila at sa buhay ko?.
Ngayon nandito
ako sa likod ng bahay sa may hardin namin. gusto kong magrelax sa mga bagay na
bumabagabag sa akin, bilanggo ako sa aking nakaraan. Gusto kong lumaya, at ang
alam ko lang ay malaman ang boung katotohanan.
Natigil ako sa
aking pagmumunimuni ng may marinig akong kaluskos sa pader na natatabunan ng
mga halaman. Tumayo ako para suriin ang pinagmulan ng ingay, ngunit nagulat ako
ng makita ang taong nasa harapan ko ngayon.
"Francis?"
-Ang suspek.
" b..bakit
ka nandito? anong gagawin mo sa akin?" kinakabahan kong tanong dito.
"shhsh..
wag kang maingay hindi kita sasaktan, Francis ako ito si Evo" mahinahon
niyang sagot na tila tinatantiya niyang hindi ako magpapanic.
"Anong
kailangan mo? bakit ka nakalabas sa kulungan?" ngayon ay parang
nanginginig na ako, sinasabi ng kutob ko na dapat ko siyang pagkatiwalaan pero
sinasalungat ito ng puso ko. paano kung talagang masama siyang tao at may
intensyong saktan o patayin ako.
"Im here to
get you" sabi niya saka hinila ang kamay ko.
"No, ayaw
ko!" pagmamatigas ko.
"by hook or
by crooks you'll go with me!" sabi niya in a manly manner.
sisigaw pa sana
ako ng tulong ng tinakpan niya ang ilong ko ng isang panyo na may masamang amoy
dahilan para mawalan ako ng malay.
Itutuloy......