Mga Kabuuang Pageview

Martes, Agosto 13, 2013

A Love In An Island chapter 7



Ito po ang kaunaunahang stoy ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me (jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Kung napapansin niyo po ay hinango ko po itong kwentong ito sa isang pelikula pero malaking bahagi parin po ito ay mula sa aking imahinasyon at M2M love affair naman po kasi ang theme ng story ko kaya mas lalong malaki din ang pinagkaiba.


                                                 A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga



Chapter 7

Francis

Nilalamig ako sobrang lamig na parang nagba-vibrate ang bou kong katawan sa panginginig, teka bakit nanginginig ako sa lamig?, ang huli kong naalala ay nasa eroplano ako kasama ang Evo na yun. Oh shit!....nagcrash ang plane namin, patay na ba ako? no.no no Lord please.
ayaw ko pang mamatay hindi ito maari.

        "HINDI!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko sa aking sarili.

         "Francis?...gising. hoy frans gising!" sigaw ng boses na aking naririnig minulat ko ang aking mga mata nasa gitna ako ng dagat at napakadilim habang hinahampas ng malalaking alon at binabayo ng malakas na ulan. buti nalang at naka life jacket ako hindi pa naman ako marunong lumangoy, nilingon ko ang taong gumising sa akin na nasa aking likod nagulat ako dahil si Evo pala ang kasama ko.

         "E..evo?, bakit tayo lang dito nasaan ang ibang mga pasahero?"

            "napalayo tayo sa kanila kanina dahil sa lakas ng alon hindi ko na nagawang ilapit pa ang sarili natin dahil ikaw ang inaalala ko baka kasi humiwalay ka sa akin pag di kita hinawakan ng maigi nawalan ka ng malay nung bumagsak tayo" paliwanag niya.

           "S..salamat " nahihiya kong sabi hindi ako makapaniwalang gagawin ito sa akin ni Evo.

            "No problem. you're all my responsibility now" namula ako sa aking narinig buti nalang at madilim di niya mahahalata.

Halos hinahabol ko ang aking hininga dahil sa panginginig,kunti nalang at parang malalagutan na ako ng hininga sa sobrang lamig. Nagulat ako ng maramdaman kong niyakap ako ni Evo napakaganda sa pakiramdam ang init na nagmumula sa kanyang katawan.

           "This is what they told us that when we have our safety and emergency seminar right?, That when we're lost at sea we need to embrace each other to supply heat to our bodies when we're cold" bulong niya sa akin.

           "yeah I know...pero doesn't it feels like weird for us hugging each other?" nahihiya kong tanong.

           "cute mo pala pagnahihiya. syempre buhay na natin ang nakasalalay dito do you want to die because of coldness?"

           "ofcourse not!..."

           "then let me hug you then" sagot niya.

Nakatulog ako sa ganoong sitwasyon ikaw ba naman yakapin ng isang John Evo Thompson na tinitilian at hinahangaan sa boung campus hindi kaba naman makakatulog. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman ngayon oo may takot ako sa aming sitwasyon ngayon pero parang nararamdaman kong ligtas ako sa piling ni Evo.

Nagising kaming dalawa sa hapdi ng sikat ng araw na tumatama sa aming katawan, sinipat kong mabuti ang paligid walang hanggang karagatan ang aking nakikita. nagdasal nalang ako na sana may dumaang barko para makasakay kami hindi pweding mananatili kami dito sa gitna ng dagat baka madidehydrate kami nito sa uhaw.

           "Paano tayo makakaalis dito?" tanong ko kay Evo.

            "We should not stop paddling baka makakita tayo ng malapit na isla"

             "Nauuhaw ako" mahina kong daing.

             "ha.....kaya mo pa?, God save us..." para siyang nagpapanic ng marinig niya akong dumaing.

             "K.kaya ko pa naman, don't worry about  me Evo and thanks" ngumiti na lamang siya at hinaplos haplos ang buhok ko.

             "Alam mo kung naging babae ka lang ang ganda mo siguro noh?..cute mo kasi"

             "Akala ko sa sitwasyon natin ngayon makakalimutan mo na akong asarin" lungkot-lungkotan kong tugon.

             "Totoo naman ang sinasabi ko ah?...I am not freaking you."

            "talaga lang ha?" mataray kong sagot.

             "Ok..ok..fine. hindi na kita aasarin I promise." sabi niya sabay taas ng kanyang kanang kamay na para bang nanunumpa.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng mahagip ng aking paningin ang isang isla na may kalayuan mula sa aming kinalalagyan kaya nabuhayan ako ng loob at sa wakas maliligtas na kaming dalawa ni Evo.

             "O my god!" bulong ko.

               "What?" Si Evo.

              "Island!"

             "Where?"

              "there...right there..."bulalas ko.

             "that's way too far, we better wait for somebody that would gonna rescue us"

             "are you kidding?!..fine I'll paddle my self fast. bahala ka sa sarili mo" galit kong sabi

              "Ok.ok..we'll paddle together" sagot niya saka nagkamot ng ulo.

Medyo nangangawit narin ang kamay ko sa kakasagwan dahil sa tantya ko mahigit tatlong oras din kaming dalawa na nagsusumikap sumagwan para marating ang isla. ang pinagtataka ko lang ay wala kaming makitang kahit isang bangka na naglalayag o barko sa lugar ni kahit mga bahay ay wala kang makikita sa gilid ng dalampasigan.

Napakaganda ng isla parang mga tawas sa kaputian ang mga buhanging nakapaligid dito at crystal clear ang tubig sa palibot ng isla mukhang wala pang nakakagalaw sa lugar na iyon. Isinampa ko kaagad ang aking katawan sa buhanginan ng marating namin ang dalampasigan at hapong-hapo.

             "Are you ok?" tanong ni Evo.

              "ok lang...you?"

               "yeah, I think so..."

agad akong tumayo ng makabawi ako ng lakas kinapa ko ang bulsa ng aking pantalon naramdaman ko ang aking cellphone nagalala akong baka basa narin ito, binunot ko ito mula sa aking bulsa at laking tuwa ko ng makitang hindi ito nabasa nakalimutan ko na binalot ko pala ito sa isang plastic container. Chenick ko kung may signal pero wala akong mahanap.

                 "May signal ba?" si Evo

                 "Wala eh..."  disappointed kong sagot.

Pumasok kami sa masukal na gubat para makahanap ng matatanongan nagbabakasakaling baka may mga nakatira sa di kalayuan mula sa dalampasigan, noong una ay parang natatakot akong maglakad papasok sa masukal na daan pero wala akong choice kundi labanan ang takot ko simula kasi noong camping namin nila daddy noong bata pa ako ay hindi na ako muling nagpupunta sa mga ganitong lugar.


               "waahhhhhhhh!' napsigaw ako ng may maramdaman akong parang sentiped na gumagapang sa aking paa.

                 "hahahaha...what was that?" tatawatawang tanong ni Evo.

                 "I hate bugs" sagot ko.

                  "you came in a right place then" pang-aasar pa niyang lalo hindi ko na lamang siya pinansin.

                   "let's find a hotel here, kailangan nating makahabol sa ating mga kaklase sa bohol and I'm pretty sure they're all worried about us" mahaba kong litanya.

                    "you maybe?. I promise nobody is worried about me" makahulugan niyang sabi.

                     "anong ibig mong sabihin?" curious kong tanong

                      "nothing" tipid niyang sagot hindi ko nalang pinilit ang aking tanong.Nakasunod lang ako sa kanyang likod wala kaming imikan habang tinatalunton ang masukal na daan na para bang wala kaming deriksyon kung saan pupunta, napansin kong tumigil siya at parang may pinipitas na prutas na parang mga berries.

                     "Hey look berries!" sigaw niya sa akin, saka aktong isusubo sana ito natakot naman ako dahil baka may lason iyon.

                      "whoa...whoa..stop that. ..." pigil ko sa kanya.

                       "why they're berries?" protista niya.

                        "white and yellow kill a fellow purple and blue good for you" sagot ko sa kanya hindi ko alam kung bakit iyon lumabas sa bibig ko nabasa ko kasi yun sa isang childrens book kung saan malalaman sa kwento ang mga kulay ng mga prutas na may lason.

                         "you're a little bit weird you know that right?" tanging nasabi nalang  niya saka tinapon yung mga pinitas niya. hindi ko nalang pinansin yung huling hirit niya bahala na basta umiwas lang siya doon sa mga prutas na iyon malay mo may lason nga. ano ba ito over protected na ata ako sa kanya.

Malayo-layo narin ang nilalakad namin ng makarating kami sa isang bahagi ng gubat isang napakagandang talon na napapalibutan ng mga wild orchids at nakakabighani ang bughaw na tubig sa ibaba ng talon parang may harmony ang lahat ng bagay na naroon sa bawat isa.

      "wow napakaganda!"  sabi ni Evo, napanganga naman ako sa ganda na hatid ng tanawin na aking natatanaw sa aking harapan.
    nhabang pinapakita sa akin ang lighter niya.

                "Buti naman meron ka niyan" nakangiti kong sabi.

                 "Teka lang ha?" sabi niya na para bang may nakita sa di kalayuan na kong anong bagay.

                  "Why?..." gulat kong tanong sa kanya at saka tumayo para sundan siya medyo natakot kasi ako sa reaksyon ng mukha niya. narating namin ang mabatong bahagi ng isla na malapit lamang sa dalampasigan kung saan kami unang sumampa.

                    "A cave" sabi niya.

                     "I AM NOT SLEEPING IN A CAVE" protista ko sa kanya na para bang pinapangunahan ko na ang laman ng isip niya.

                      "This is the safest place to be" sagot niya.

                       "Hindi ako taong kweba!" angal ko.

                       "Non of us is a cave person here" sagot niya.

                       "Pahiram nga ng cellphone mo?" dagdag niya.

                        "Wala ngang signal" sabi ko naman.

                        "Basta!, ibigay mo nalang" naiinip niyang sagot. ibinigay ko nalang din sa kanya ang cellphone ko.

Pumasok siya sa loob at ginawang ilaw ang liwanag mula sa cellphone ko, nanatili lang din ako sa bukana ng kweba at nakamasid sa kanya ayaw kong sumama sa kanya dahil sa takot talaga ako. Malayo na si Evo hindi ko na siya halos makita ang ilaw nalang mula sa cellphone na hawak niya ang palatandaan ko kung nasaan siya banda.

                      "Evo pwede ba bumalik ka nalang dito natatakot na ako, baka may ahas pa diyan at matuklaw ka" sigaw ko sa kanya.

                       "Wow concern siya hehehehe" asar niyang sagot.

                        "hindi ako nagbibiro. kung ayaw mo bahala ka diyan babalik na ako sa dalampasigan" inis kong sigaw sa kanya.Hindi paman ako nakatalikod ay narinig ko siyang sumigaw habang natatatakbo nanginig ang bou kong katawan sa takot kahit hindi ko alam kong ano man yun. Nang makarating si Evo sa bukana ay nagsilabasan narin ang mga paniki sa loob.

                          "Alam mo papatayin mo ako sa takot eh" sigaw ko sa kanya at saka batok dito.

                           "arekop!...ito naman malay ko bang mga paniki pala yun" sagot niya habang hinihingal.

bumalik na lamang kami sa dalampasigan, pumwesto ako sa ilalim ng isang puno at naupo sa buhangin napansin kong si Evo naman ay nakatayo at nakatingin sa karagatan seryoso siyang nakamsid sa papalubog ng araw. Napakagandang pagmasdan ang tanawing iyon parang mga dugong kumalat ang repleksyon ng araw sa dagat.

                        "what are you looking at?" basag ko sa kanyang pagmumunimuni pero seryoso parin siya sa kapapanood doon na parang mahalaga ang bawat segundo ng paglubog ng araw kaya kailangan niyang hindi palampasin ito.

Lumapit siya sa aking kinauupuan at parang nadismaya sa kanyang ginawa na para bang meron siyang na miss sa bagay na iyon.

                           "Why are you so serious looking at the sunset?" muli kong tanong.

                            "Nothing" matipid niyang sagot.Muli siyang tumayo at naghanap ng mga tuyong dahon at mga sanga para gumawa ng apoy inilapag niya ito sa aking paanan at sinindihan gamit ang kanyang lighter. ako naman ay nag-ikot ikot sa lugar malapit lang din sa aming pwesto natuwa ako dahil nakakita ako ng puso ng saging na hitik sa bunga maswerte nga dahil dilaw na dilaw na ang mga ito sa hinog. kumuha ako ng mahabang pat-pat at sinungkit at mga bunga nito. nang makabalik ako sa kinaroroonan ni Evo ay abala itong hinihipan ang mga tuyong dahon para lumakas ang apoy. Nakatalikod siya sa akin kaya itinago ko sa likod ng puno ang aking dala.

                              "Evo?" mahina kong tawag sa kanya.

                               "hmm?"

                               "May sorpresa ako"  nakangiti kong sabi napatigil naman ito sa kanyang ginagawa at humarap sa akin.

                               "Alin?" takang tanong niya. pumaunta ako sa likod ng puno at hinila ang mga saging.

                                "Surprise!" masaya kong sigaw sa kanya.

                                 "Whoahahaha!...where did you get that?" masaya niyang tanong.

                                  "secret hahaha"

Dahil sa gutom masaya naming pinagsaluhan ang mga saging na napakatamis. Nang mabusog kami ay kwentuhan nalang ang aming ginawa ibang-iba siya sa Evo na kilala ko sa school hindi ako makapaniwala na ang taong laging nang-aasar sa akin kasama ko ngayon sa isang isla at masayang nakikipagusap dito. Medyo malalim narin ang gabi ng makaramdam ako ng antok kaya inilapag ko na ang aking katawan sa buhangin, dahil sa lamig ng hangin ay nanginginig ako sa lamig nagulat nalang ako ng tumabi sa akin si Evo at hinubad ang kanyang jacket at kinumot iyon sa katawan ko. Nakatalikod ako sa kanya kaya lumingon ako paharap sakanya

                               "Evo?" bulong ko sa kanya.

                                "yeah?"

                                 "Thanks" nahihiya kong sabi.

                                 "No problem. tulog na tayo?" sabi niya at saka niyakap ako.


itutuloy.....................................................

PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.

AND PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW MY BLOG SALAMAT PO ULI..

         




A Love In An Island chapter 6



Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com) open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                                   A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga




Chapter  6


Kevin

Alam kong nasaktan ko si Francis hindi niya kasalanan kung bakit minahal ko siya hindi ko alam kung bakit ganito ang aking naramdaman, I was still in a state of indenial sa aking pagkatao. marami na akong naging girlfriend at alam kong hindi ako bakla pero bakit ganito nalang ang nararamdaman ko towards him.

During that night kung kailan ko hindi inaasahang mapaamin sa aking naramdaman sa kanya and for the first time in my entire damn life ay nakahalik ako sa labi ng isang lalaki, hindi ko inaakalang magagawa ko iyon pero kahit ganun paman hindi ko maiwasang isiping sa mga labi lang ni Francis ko naramdaman ang ibayong sarap ng isang halik na hindi ko naramdaman sa mga girlfriends ko before his lips was so soft at alam kong hindi ako magsasawa doon.

Nahimasmasan ako sa aking nagawa kay Francis kaya hindi ko napigilang umalis, hindi ko dapat ito ginawa sa kanya napakabata pa ni Francis alam kong matanda ako ng dalawang taon sa kanya kaya dapat ko siyang respituhin. Wala pang muwang si Francis sa mga ganoong bagay kaya mas lalo akong nakokonsyensya sa aking ginawa.

Dapat ko munang layuan si Francis dahil habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya which is hindi dapat, masakit man pero kailangan kong magdesisyon Ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin at lalo na ang kanyang respito sa akin.

Ilang araw ko rin siyang iniwasan kahit masakit lalo na sa tuwing nakikita ko siyang malungkot at alam kong ako ang dahilan, Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero nangibabaw ang hangarin kong maka move-on sa aking nararamdaman sa kanya.Masakit parin sa akin tuwing naalala ko ang aking pagtataboy sa kanya sa Jollibee alam kong I was so unfair for him mas inaalala ko ang aking nararamdaman kaysa sa kanya.

Halos gabi-gabi ko ring iniisip kung dapat ko bang ipaglaban ang aking nararamdaman sa kanya wala naman akong mapaglabasan ng aking problima dahil baka pagtawanan lang ako ng aking mga katropa lalo na si Evo na asar na asar kay Francis, Not until one day kung saan ako desidido ng ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya wala na akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng ibang tao sa akin.

para akong nabunutan ng tinik when I realized that Francis is everything for me at handa na akong ipaglaban ang damdamin ko sa kanya , masaya akong pumasok ng araw na iyon dahil alam ko sa sarili ko na hindi na ako naguguluhan kaya ko nang panindigan kung ano man ang kaakibat nun para sa amin. kung gaano naman ako kasaya ng pumasok ako ay siya naman ang kabaliktaran noong nakita ko si Francis na nakangiti kasama si Kim, ang mga ngiting alam kong ako lang talaga ang nakakapagpagawa noon sa kanya.

Hindi ko alam kong ano ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon selos ba iyon o panghihinayang?. all this time naging kampante akong hindi makakahanap ng ibang kaibigan si Francis dahil napaka reserved niyang tao but here he is fully recovered and happy, happiness that I was the one giving it for him before. sinubukan kong makipag-ayos sa kanya pero naging matigas na si Francis I was so fool enough for hurting him badly na nagawa niyang kalimutan ang ilang taon naming pagkakaibigan I can't blame him because it was all my fault.
   
     "magdadalawang oras na tayo dito sa airport bakit wala pa ang dalawa?" tanong ng isa kong kaklase na nagpabalik sa akin mula sa aking pagiisip. sinipat ko ang aking relo napansin kung halos ilang minuto nalang at magtatatlong oras na kaming naghihintay.

      "Sir, pwede po ba nating tanungin ang pamunuan ng airport if anong oras ang dating ang plane nila francis?" tanong ko sa aming guro.

Pero bago paman siya makapagsalita ay napansin naming parang nagpapanic ang ibang crew sa airport ang iba ay abala sa pagraradyo di ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Lumapit ang aming guro sa isang crew para magtanong pero alam kong hindi siya nasagot nito para bang may tinatago at sinasabing hindi siya ang tamang tao para sabihin kung ano ang nangyayari.
 
      "Sir ano po ba ang nangyayari?" tanong ko kay sir ng makabalik siya.

      "Hintayin nalang daw natin ang mga opisyal dito sa airport para sabihin ang balita" Sagot naman niya at nagpakawala ng isang buntong hininga.

Nagsimulang lumakas ang pagtibok ng aking puso hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman kong may mali sa mga nangyayari, bigla kong naisip si francis. Diyos ko sana okey lang siya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sa kanya. ilang minuto din ang lumipas ng dumating ang mga sinasabing opisyal ng airport at masyadong nagkagulo dahil sa mga nagsulpotang media.Huminto yung opisyal sa gitna at nagsalita.

       "In behalf of Mactan international airport management and  *********airlines, flight 5J 250 of *********airlines declared emergency landing in masbati due to engine malfunction in the left wing area but sadly the said plane was not able to reach masbati and we lost them in contact, We've already sent rescue personnel there we just need to hope and pray that all 300 passenger are okey"

Para akong nabusalan sa aking mga narinig nagbulongan ang aking mga kaklase sa mga narinig nagdesisyon ang aming guro na paunahin nalang kami dahil naghihintay narin ang mga guide namin na maghahatid sa amin sa bohol, Ayaw kong sumama dahil hindi ako mapalagay hanggat wala akong naririnig nabalita kung ok lang si Francis at Evo.

       "Sir can I stay?, Francis is my bestfriend and I need to know any update about him." pakiusap ko kay sir alam din naman kasi niya kung gaano kami ka close ni fancis.

       "Ok, if that's your decission. atleast may makakasama ako dito."

        "Salamat po sir"  

Dinukot ko ang aking iphone at denial ang number ni tita diane ang mommy ni Francis nakailang ring pa ito bago sinagot alam kong tulog na ito sa mga oras na ito kaya medyo natagalan bago ito sagutin.

       "Hello, Kevin napatawag kumusta si Francis?" medyo crack ang boses ni tita diane dahil sa bagong gising ito.

       "A..e..tita may sasabihin po sana ako wag po sana kayong mabibigla tita" nanginginig kong tugon gustuhin ko mang magpakamahinahon para hindi siya mabigla ay yun parin doon parin ang labas mabibigla parin siya.

       "Kevin pwede ba diritsuhin mo ako pinapakaba mo ako eh please?"

        "Na..nagcrash po ang plane na sinasakyan ni Francis magkaiba po kasi ang plane namin"  medyo kinakabahan kong sabi.

        "Oh my God, kevin.....where are you now?..oh my god..we will come no..no.no"  narinig ko nalang na umiiyak si tita at ang boses ni tito Armando na parang naguguluhan sa mga inasal ni tita.

Nakiusap si sir fred ang guro ko sa opisyal ng airport na isama kami sa command post na ilalagay sa masbati para sa search and rescue operation mabuti naman at hindi tumanggi ang opisyal kaya pinasakay kami sa isang military chopper,.mabilis lang kaming nakarating doon, malapit sa dalampasigan ang site ng command post  nakita kong may mga patrol boat narin ang lumilibot sa di kalayuan sa baybayin at mayroong tatlong helicopter na nagpapatrolya. narinig kong naguusap ang mga opisyal ng search and rescue operation na sinasabing hindi pa nila tiyak ang exact location kung saan bumagsak ang eroplano.

Limang oras na ang nakalipas pero wala paring pagbabago sa balita hindi ko maiwasang matakot para sa kaligtasan nila Francis at Evo. mga bandang alas-tres ng madaling araw ng dumating ang private chopper na siguro nirentahan ng daddy ni francis kasama narin ang daddy ni Evo na si tito mike, lumapit ako sa kanila kasama si Sir fred.

           "Ano ng balita?" kalmadong tanong ni tito Armando.

            "Negative parin Mr. Gomez"  sagot ni Sir fred kay tito armando. napansin kong sumama rin pala si tita diane at ang kuya ni francis.

            "Oh God, sana walang mangyaring masama sa dalawang bata. Evo is all I have left" maluha-luhang tugon ni tito mike.

             "We must not lost hope Mr. Thompson" muling sagot ni sir fred.

Tinungo nila Sir fred ang tent kung saan naka abang ang mga opisyal para sa balita ng mga rescuer na nasa laot naiwan naman sina Tita diane kasama si niko ang kuya ni francis halos iyak ng iyak si tita.

              "Mom please don't cry walang mangyayaring masama kay francis" pang-aalo ni niko kay tita.

              "Sana nga anak sana nga, nagtatampo pa naman yun sa atin." muling napahagulgol ng iyak si tita.

               "Mom please....We'll make it up for him as long as he comeback home, Hindi pa siya mawawala mom God knows it malaki ang pagkukulang ko kay bunso kaya hindi niya hahayaang mawala si bunso sa atin" napaiyak narin si Niko habang yakap ang kanyang ina.

biglang bumagksak ang malakas ng ulan at makikita sa mula sa dalampasigan ang malalakas na alon, Kaya napagdesisyonan ng command captain na pabalikin muna ang mga rescuer para narin sa kanilang kaligtasan. Alam kong walang kasiguraduhan ang kaligtasan ni Francis at Evo pero nanatili akong matatag hindi ko kayang isiping mawawala sa akin si francis.

                "Lord I know minsan lang akong humingi sayo ng pabor gusto kong iligtas mo sila lalo na si francis, hindi ko kayang mawala siya Lord.please I'm begging you." napaiyak na lamang ako habang nagdadasal nabigla na lamang ako ng may umakbay sa akin, nilingon ko kung sino. si niko.

                "Importante si bunso sayo diba?" tanong niya, tumango na lamang ako.

                 "Mabuti kapa kahit kaibigan ka lang niya naipakita mo kong gaano siya kaimportante sayo, wala akong silbing kuya ni minsan hinid ko manlang siya inisip bagkus lagi ko pa siyang inaasar. hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mawawala siya may tampo pa kasi yun sa amin eh lalo na sa akin." kalmado niyang sabi pero tahimik na tumutulo ang luha niya sa kanyang mga pisngi.

                  "Mahal ka niya Niko, alam ko yun mabait si francis siya yung tipong tahimik lang pero pagsinubukan mong kilalanin ay marami kang magagandang katangiang matutuklasan sa kanya. He was so generous willing siyang bumigay basta't alam niyang kaya niya. hindi pa siya mawawala I'm pretty sure" napangiti siya sa aking mga sinabi.

Hindi kami natulog hinintay namin hanggang mag-umaga para lamang sa magandang balita , sumikat na nga si haring araw pero dilat na dilat parin ang aking mata hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako dinalaw ng antok. Napansin kong nagkagulo sa tent ng command post at parang nabuhayan ng loob ang mga nandoon kaya agad din kaming lumapit para makibalita.

            "Paparating na daw ang tatlong patrol boat sakay ang mga survivors ng bumagsak na eroplano, sad to say may isang patay at pito ang kumpirmadong nawawala. nasa malalim na bahagi ng karagatan bumagsak ang eroplano kaya we need to ask the help of our profissional divers to check the plane baka may naiipit doon sa loob"

Medyo nabuhayan kami ng loob sa sinabi ng isang opisyal habang iniiterview siya ng media, Siguro maliit ang probability na sa pitong nawawala ay kasama si francis sana nga ligtas sila. Naghintay pa kami ng mga dalawang oras bago dumating ang tatlong patrol boat at nakita kong marami sa kanila ay may mga sugat at nilalamig. mabilis kong inikot ang aking paningin para makita ang taong hinahanap ko hanggang sa may narinig akong tumatawag sa akin.

           "Kevin......" Si niko.

            "Nakita mo naba sila?" tanong niya.

            "hindi pa eh, baka sa kabilang patrol boat tara puntahan natin doon" yaya ko sa kanya.

Pinuntahan namin lahat ng mga patrol boat na may karga ng mga survivors pero wala kaming makitang francis at evo, halos manlumo ako dahil sa hindi ko makita ang taong hinahanap namin. I can't believe that francis and evo were on the list of those seven people missing.

             "Bakit wala ang mga anak namin?...oh no God it's not happening" mangiyak-ngiyak na sambit ni tita diane.

             "Misis wag po kayong mawalan ng pagasa posibling napadpad sila sa mga karatig isla lang dahil malakas ang alon kagabi habang umuulan" paliwanag ng isang opisyal.

            "Darating narin ang mga proffisional divers para sisirin ang wreckage ng plane para siguruhin kung may naiipit na mga biktima doon, if kung wala ang mga anak ninyo doon na sana lang din ay wala nga then we must be thankful dahil malaki ang posibilidad that they're alive and must be in nearby island around here" dagdag pa nito.

              "Gagamitin ko ang company chopper namin para suyurin narin ang mga isla na malapit dito, ayaw kong iasa ang kaligtasan ng anak ko sa inyo pero please hanggang sa maari gawin niyo ang nararapat" mungkahi ng daddy ni Evo.

               "Makakaasa po kayo Mr.thompson. so paano aalis na muna ako sasalubungin ko lang ang mga divers" paalam ng opisyal.

               "Kumpari pwede ba akong sumama sa paghahanap?" tanong ng tito armando ang daddy ni francis.

              "Parehong anak natin ang pinaguusapan dito kaya dapat kasama ka narin dito pare" sagot ni tito mike.

               "Salamat pare."

umalis narin sina tito mike at tito armando naiwan kaming tatlo nina tita diane at niko sa command post para maghintay ng balita. gusto ko mang makatulong para mahanap si francis pero wala akong ibang paraan kundi ang alalayan na lamang ang kanyang pamilya. Sana nga ligtas lang sila naniniwala ako sa aking pakiramdam buhay pa silang dalawa.

itutuloy.........................................


PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.

AND PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW MY BLOG SALAMAT PO ULI..












A Love In An Island chapter 5




Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and thank I Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                                   A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga





Chapter 5


Maaga akong dumating sa bahay sinadya ko talagang umuwi ng maaga para makausap si mama, para papirmahan ang aking parent consent para sa aming outreach program sa bohol.

  "oh anak mabuti naman at napaaga ang uwi mo" masigla niyang bati sa akin, ni hindi ko manlang siya hinalikan sa pisngi tulad ng nakagawian naming gawin sa kanya ni kuya, alam kong halata niya na galit parin ako sa nangyari.

   "Mom, I went home early because I want you to sign this" walang kaemo-emosyon kong sabi sa kanya, kinuha niya rin ito at saka binasa ng maayos.

    "Hindi ka ba mahihirapan doon anak?" may pag-alala niyang tugon.

    "Malaki na po ako, kaya ko na ang sarili ko at saka marami naman po kami" sagot ko kay mommy, isinauli niya agad sa akin  ang waiver matapos niyang napirmahan iyon.

    "Sige po mom aakyat na po ako sa kwarto ko"

    "Anak, hindi kaba sasabay sa amin sa hapunan?. medyo matagal ka narin hindi kumakain kasama namin" malungkot na sabi niya sa akin.

    "Wala po akong gana mom, at mas mawawalan ako ng gana pagsumabay ako" walang kagatol-gatol kong sabi sabay lakad paakyat ng aking kwarto, napahinto ako ng marinig uli siyang nagsalita.

     "galit ka parin ba anak?" nagsusumamo niyang tanong. nilingon ko si mommy.
   
     "Kayo mom?. naalala na ba ninyo ni papa na dalawa ang anak niyo?...pagod po ako ngayon kaya kailangan ko ng magpahinga" mabilis kong tinungo ang aking kwarto para makaiwas na hummaba pa ang aming diskasyun at baka mauwi na naman sa pagaaway namin kung madadatnan na naman kami ni daddy at kuya sa ganoong sitwasyon, alam ni mommy na hindi ako pala sagot sa kahit anong ibato nila sa akin noon, nanatili akong tahimik at hindi pala-imik sa tuwing kasama ko sila. ngayon lang naman ito nangyari matapos noong insidente na na sapak ako ni daddy.

Alam kong kahit hindi nila nabibigyan ng importansya ang mga pagkukulang nila sa akin ay hindi iyon sapat para magrebelde ako, malaki parin ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa mga bagay na natatamasa ko ngayon. lahat ng mga awards na nakakamit ko sa school ay tanging ako lamang ang tumatanggap nitong magisa, lagi daw silang may meeting, may appointment at business meeting kaya kahit na nagtatampo ako ay pilit ko silang iniintindi. pero ang hindi ko lamang maintindihan ay pag si kuya
ay may championship game sa school ay halos kaladkarin nila akong sumama para bou daw ang aming suporta sa kanya.

Maaga akong natulog nung gabing iyon tila tinitimbang ang tampo at pangunawa sa aking pamilya, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kaiisip ng mga bagay bagay, kinabukasan maaga din akong nagising dahil sa maaga din akong nakatulog. pumunta agad ako sa school halatang excited ang lahat ng aking mga kaklase para sa darating na out of town trip namin. first time kasi namin pumunta sa malayong lugar na magkasama ang boung klase. Si kim naman ay panay kwento sa akin ng kanyang mga dadalhin
sa trip at ang mga plano niya.

     "Friend, baka makalimutan mo na sa eroplano tayo sasakay baka mag excess ang baggage mo, at friend paalala ko lang ha? hindi tayo magbabakasyon doon magko-community service tayo" mahaba kong litanya.

      "At kailan kapa naging KJ?, friend naman kahit na, dapat mag-enjoy parin tayo" pagtatanggol niya sa sarili.

Huling gabi bago kami umalis ay inayos ko na ang aking mga dadalhin dahil sa tatlong araw kami  doon. tig tatlong paris ng damit, pantalon at brief ang aking hinanda at isang bote ng insect refillant at sunblock. nagdala din ako ng extra na cellophane container baka kasi umulan doon at dala ko ang aking celphone mahirap na.

6:30 ang sinabi ng guro namin kailangan nasa airport na kami. hindi naman ako masyadong naghanda dahil naayos ko na lahat ng dadalhin ko the night before kaya natulog ako boung araw, naalimpungatan nalang ako ng marinig ko ang aking celphone na nag-riring sinipat ko ito 8 misscalls. noong tumunog ulit ay sinagot ko na

     "Hello?" medyo halata pa sa boses ko na bagong gising pa.

     "Friend nasaan kana?" si kim. excited na bungad nito sa akin.
 
     "Dito sa bahay bakit?"

     "Umeyged..hindi kapa nakapaghanda? 6 pm na friend 8:30 ang departure time" taranta niyang bulyaw sa akin.

      "Heto na naghahanda na sige na ibaba mo na at maliligo pa ako, anyway NAIA is 15 minutes away from here yun ay kung hindi traffic hehehe" pangaasar ko sa kanya.

      "Ok sige maligo ka na...do it fast" sarkastiko niyang sabi at saka pinutol ang linya.

Madali lang naman akong nakapagayos kinuha ko na ang northface back bag ko at saka nagpahatid sa aming family driver sa airport. sakto namang wala pa sila mommy kaya hindi na ako nakapagpaalam which is wala din naman akong balak.

nang dumating ako sa airpot ay nakita ko na ang aking mga kaklase sa aming assembly area nagulat ako sa aking nakita ang dami ng kanilang mga dala na animoy parang forever ng maninirahan sa bohol, samantalang ako naka back bag lang, nakita ko si kim na agad namang lumapit sa aking kinaroroonan hila-hila niya ang kanyang stroller. nasipat ko rin si  kevin kasama sina Evo at ang girlfriend nitong si Allyson na busy sa pagkukwentuhan natahimik lang kami ng magsalita ang aming guro.

     "Guys, as much as I want to accommodate all of us sa isang flight lamang pero nagkaroon tayo ng problima hindi nagawang ipasok tayo lahat sa isang flight dahil nadelay ako sa booking, may dalawang kasama tayo dito na aalis sa susunod na flight isang oras pagkatapos ng ating departure time. So bali doon nalang natin sila hihintayin sa Mactan international Airport sa cebu para sabay na tayong aalis patungong bohol"

     "Sino po ang dalawang iyon Sir?" tanong ng isa naming kaklase na halatang ayaw mapahiwalay sa iba.

     "Well, sa lalaki ko kinuha ang dalawang mapapahiwalay sa atin, kasi delikado para sa mga babae" sagot niya habang nililibot ang kanyang paningin sa amin.

     "So ang dalawang maswerting sasakay sa plane one hour after our flight ay sina Evo at Francis. So guys we will be waiting you there in the airport at sabay na tayo sasakay sa isang fast craft papuntang tubigon bohol, so okay lang ba?"

para akong nawalan ng ganang sumama kasi naman sa dinami dami ng magiging makasama bakit ang mokong na yun pa.

     "Ayos lang po sir" masiglang tugon ni Evo.

Nilingon naman ako ni Sir para kumpirmahin kung ok lang din sa akin.

      "A..eh, wala naman siguro pa akong magagawa Sir naibook niyo na po ang pangalan ko for the next flight" Sarkastiko kong sagot.

Nilapitan ako ni kim at kinausap

      "Okay lang yan friend total isang oras lang naman wag mo nalang siya pansinin if aasarin ka na naman niya" tumango nalang ako sa sinabi niya.

Napansin kong lumapit sa akin si kevin na parang may nais sabihin, hindi ko lang talaga siya ma-gets naguguluhan ako sa kanya. noon siya tong nagsabi na lalayuan ko siya na ginawa ko naman dahil nasaktan ako at ngayong tanggap ko na ay siya itong buntot ng buntot.

     "A..ehm..f.francis sigurado ka bang okay lang sayo? baka kasi kako nag-aalangan ka pwede naman sigurong makipagpalitan ako sayo baka magawan pa ng paraan ni Sir" kinakabahan niyang mungkahi pero halatang nag aalala siya sa akin.

     "Salamat sa concern mo but I'm fine. at wag kang mag alala hindi ako sumama dito dahil sa pinilit mo ako noon nung BESTFRIEND pa daw tayo. Actually napilitan lang naman ulit ako ng real BESTFRIEND kong si Kim" may bahid inis kong sabi sa kanya dahil siguro ng galit parin ako sa kanya, yumuko na lamang ito ng kanyang ulo. medyo nakaramdam ako ng guilt sa inasal ko pero mas nangibabaw  yung inis ko sa kanya.

Nagsimula ng tawagin sila para pumasok sa departure area kaya heto kami ni Evo naiwan, Hindi ako komportable na kasama siya dahil simula't sapul naiinis ako sa kayabangan niya at mga pang-aasar niya sa akin palibhasa ay laking state kaya siguro nadala niya dito ang feeling cool niyang pag-uugali, hindi ko naman siya masisisi dahil sa bukod sa gwapo siya matangkad at athletic ay sikat siya sa boung campus halos lahat na ata ng mga babae, bakla at paminta ay crush na crush siya pangalawa lamang si Kevin
sa kanya.

Haist, bigla ko na namang naalala si kevin, hindi ko siya maintindihan sinabi niyang mahal niya ako pero pinagtabuyan naman niya, ngayong tanggap ko na tuluyan na ngang nasira ang aming pagkakaibigan ay heto bumabalik na parang maamong tupa ang hirap niyang espilingin. basta ang alam ko lang mahalaga siya sa akin.

Magkatabi kami ni Evo sa upuan habang hinihintay ang aming flight, kanya-kanya kaming deskarte para labanan ang aming boredome wala din naman kasi kaming imikan. Abala siya sa katetext malamang si Alysson ang katext niya ang sweat naman nila walang kasing asim. habang ako nakikinig ng favorite song ko sa aking ipod.

Maya-maya napansin ko si Evo mula sa sulok ng aking mata na nakatingin sa akin at parang nagsasalita siguro nga nababaliw na hehehe, sadyang carried away talaga ako sa kantang pinapakinggan ko ng biglang may humablot ng headset sa tenga ko. Si Evo.

    "Ano ba, walang basagan ng trip ok?" bulyaw ko sa kanya habang magkasalubong ang aking dalawang kilay.

     "Ang sungit mo naman"

     "Eh anong gusto mong reaksyon ko sa ginawa mo maglulupasay sa tuwa?"

      "Alam mo kung hindi lang kita kilala mapagkakamalan kitang babae kasi ang cute mo tuwing naasar" nakangisi niyang sabi.

       "ako rin kung hindi lang kita kilala akalain talaga kitang baliw ka na" naiinis kong sagot.

       "Gwapong baliw"

       "YABANG.....pwede ba kung wala kang magawa sa buhay mo wag ako ang pagdiskitahan mo at hindi tayo close and Im not enjoying your company ok?, eninglish ko na yun baka kasi hindi mo naintindihan kasi laking state ka"

        "ok if you don't want me na ikaw ang pagdiskitahan ko eto nalang!" sabi niya sabay hablot ng ipod ko at tumakbo palayo sa akin. hindi ko naman siya mahabol-habol dahil baka akalain ng mga tao doon sa airport ay nasisiraan kami ng bait.

        "Arrgggg!, ano ba ibabalik mo ba sa akin yan o makakatikim ka nito" naiinis kong sigaw sa kanya habang tinataas ang aking kamao.

        " What if I don't?" sagot niya na parang inaasar pa talaga ako. Namumula na talaga ako sa inis kaya hinayaan ko nalamang siyang magdiwang sa kanyang pagkapanalo,.

         "makakaganti din ako sa mokong na ito" bulong ko sa sarili ko.

halos isang oras din kaming nakatambay doon bago kami pinapasok sa departure area at pinaakyat sa eroplano. dahil sabay nai-book ang aming ticket ni Evo magkatabi kami sa upuan, wala akong imik na umupo doon at hinayaan lamang siyang asarin  ako ng asarin. Hindi nagtagal ay tumahimik na lamang siya ng napansin niyang parang iiyak na ako hehehe actually drama ko lang yun.

         "Sorry" seryoso niyang sabi pero wala akong sagot.

         "Frans, sorry na please?. I don't have any intention to provoke you" ulit niya ng kanyang sinabi pero naiinis parin ako kaya minabuti kong tumalikod sa kanya at nagtulogtulogan  narinig kong nagbuntong hininga ito.

Matagal bago nakaalis ang eroplano kaya nakatulog ako habang naghihintay sa pag-take off, ni hindi ko namalayan na nagiinstruct ang flight attendant ng mga safety guidelines. Naramdaman kong may humawak sa beywang ko kaya medyo nagulat ako at napaigtad ng imulat ko ang aking mga mata nakita ko si Evo na kinakabit ang seatbelt ko.

       "Hehehe sorry kinakabit ko lang ang seatbelt mo akala ko tulog kana" paliwanag niya.

       "hindi kaba marunong manggising alam ko naman kumabit nito ah." mataray kong sabi kinamot na lamang niya ang kanyang ulo.

        "pakisauli ng ipod ko" dagdag ko sa kanya, kinamot na naman niya ang kanyang ulo saka tumayo at kinuha ang bag niya sa compartment na nasa taas lang namin at binunot sa bulsa ng bag niya ang ipod ko.

         "hehehe sorry ulit" sabi niya sabay abot ng ipod ko inirapan ko na lamang siya para ipaabot sa kanya na galit parin ako.

Nag-umpisa na ngang magtake-off ang eroplano at isang oras ang byahe kaya minabuti kong matulog uli ayaw ko talagang pansinin ang mayabang na mokong ito. Medyo napasarap ang tulog ko kasi ang lambot-lambot  at ang bango ng kinalalagyan ng ulo ko para akong nakayakap sa isang malambot na teddy bear, ah, teka malambot kamo?, napabalikwas ako ng gising at namula sa aking nakita nakaunan pala ako sa dibdib ni Evo at nakalingkis ang kamay niya sa katawan ko. Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay niya sa aking katawan at dinantay ko na lamang ang aking ulo sa salamin ng bintana dahil nasa gilid ako.

tinitigan ko ang mukha ng mokong maamo rin pala ito pagtulog sana lagi nalang siyang tulog hehehe, paano kaya nagkaganun ang posisyon namin kanina?, hay nakakahiya naman pag nalaman niya. binaling ko nalang ang paningin ko sa labas ng bintana ang ganda tingnan ng mga bituin sa langit lalo na't nasa himpapawid ako naktanaw dito.

Magandang mag-emote hehehe,  kinuha ko ang aking ipod at nilagay ang headset sa aking tainga at muling binaling ang aking paningin sa bintana pero para akong kinalibutan sa aking napansin sa pakpak ng eroplano umuusok ito at parang may tumatalsik na mga maliliit na flares na parang wini-weilding ito. Maraming beses na akong sumakay sa eroplano at alam kong hindi ito normal alam kong may mali minabuti kong titigan pa ito ng mabuti para kumpirmahin talaga kung may mali.

        BOOOOOOOOOMMM!!!!!........................................

sumabog ang bahagi ng pak-pak

Napahawak ako ng hindi oras sa braso ni Evo sa higpit ng aking pagkakahawak ay nagising ito kinusot muna nito ang kanyang dalawang mata at tiningnan ako ng may halong pagtataka, hindi ko siya tiningnan naka tingin parin ako sa pakpak ng eroplano na sa ngayon ay may malalaking apoy na't usok sa palibot nito.

     "Frans, what's wrong?" tanong ni Evo hindi ko na siya nagawang sagutin pa dahil sinundan niya ang aking tingin.

     "Holy shit!" napamura ang mokong sa kanyang nakita.

Napansin naming hindi lang pala kami ang nakapansin halos lahat ng pasahero sa bintana kung saan banda ang apoy ay nakatingin, maya-maya'y lumabas ang tatlong flight attendant at binigyan kami ng instruction.Narinig namin ang pilotong nagsalita mula sa mga sound box na nakakabit sa ibaba ng compartment  na magkakaroon kami ng emergency landing.

    "Francis whatever happens just stay with me okey?" rinig kong bulong ni Evo sa akin, hindi ko na inisip ang inis ko sa kanya napahawak na lamang ako sa bisig niya at tumango, Halos kasing puti na ako ng papel sa putla at nanginginig ako sa takot sa ano mang pweding mangyari sa amin. Naisip ko sina Mommy at Daddy hindi ako pweding mamatay without resolving our issue, napansin kong tumutulo na ang luha ko.

      "Frans, please don't cry, nothing will gonna happen okey?, magiging okey din tayo believe me" pang-aalo ni Evo.

      "Natatakot ako Evo" tanging nasambit ko, niyakap na lamang niya ako.

Pinasuot sa amin ang aming mga life jacket.dahil kahit papaano ay maayos pa naman ang lipad ng eroplano kaya kampante ako na makakarating kami sa pinakamalapit na airport kung saan man mag eemergency landing ang aming eroplano. Medyo nabunutan na sana ako ng tinik sa aking dibdib dahil maganda parin naman ang lipad ng eroplano, ngunit bigla na lamang itong nagshake ng pagkalakas-lakas at nakita ko mula sa bintana na umiba ang position ng eroplano. She was no longer flying vertically but instead it fells continuously towards the ground tiyak pag diri-diritso ito sa ibaba ay magkakapira-piraso ang aming katawan sa impact.

Nagshutdown narin ang power sa eroplano dahil namatay narin lahat ng ilaw nito sa loob wala na akong nagawa at hintayin ang aming kapalaran akala ko sa mga pelikula ko lang ito makikita but then here I am now any second from now I'll gonna be facing my fate. pinikit ko na lamang ang aking mga mata habang nakakapit sa mga braso ni Evo maya maya pay

SPLASSSSHHHHHHHH.............................................

Sa tubig kami bumagsak nagkabangga-bangga ang aming mga katawan sa mga nasirang mga bagay sa loob ng eroplano the whole place was totally devastated and things were displaced away from their proper place. I forced myself to stay concious despite of the pain I felt dahil sa mga bagay na nagliparan at tumama sa aking katawan pero kahit anong gawin kong pilit ay unti-unti akong nilamon ng kadiliman hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay


itutuloy.......................


PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.