Mga Kabuuang Pageview

Martes, Agosto 13, 2013

A Love In An Island chapter 5




Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and thank I Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                                   A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga





Chapter 5


Maaga akong dumating sa bahay sinadya ko talagang umuwi ng maaga para makausap si mama, para papirmahan ang aking parent consent para sa aming outreach program sa bohol.

  "oh anak mabuti naman at napaaga ang uwi mo" masigla niyang bati sa akin, ni hindi ko manlang siya hinalikan sa pisngi tulad ng nakagawian naming gawin sa kanya ni kuya, alam kong halata niya na galit parin ako sa nangyari.

   "Mom, I went home early because I want you to sign this" walang kaemo-emosyon kong sabi sa kanya, kinuha niya rin ito at saka binasa ng maayos.

    "Hindi ka ba mahihirapan doon anak?" may pag-alala niyang tugon.

    "Malaki na po ako, kaya ko na ang sarili ko at saka marami naman po kami" sagot ko kay mommy, isinauli niya agad sa akin  ang waiver matapos niyang napirmahan iyon.

    "Sige po mom aakyat na po ako sa kwarto ko"

    "Anak, hindi kaba sasabay sa amin sa hapunan?. medyo matagal ka narin hindi kumakain kasama namin" malungkot na sabi niya sa akin.

    "Wala po akong gana mom, at mas mawawalan ako ng gana pagsumabay ako" walang kagatol-gatol kong sabi sabay lakad paakyat ng aking kwarto, napahinto ako ng marinig uli siyang nagsalita.

     "galit ka parin ba anak?" nagsusumamo niyang tanong. nilingon ko si mommy.
   
     "Kayo mom?. naalala na ba ninyo ni papa na dalawa ang anak niyo?...pagod po ako ngayon kaya kailangan ko ng magpahinga" mabilis kong tinungo ang aking kwarto para makaiwas na hummaba pa ang aming diskasyun at baka mauwi na naman sa pagaaway namin kung madadatnan na naman kami ni daddy at kuya sa ganoong sitwasyon, alam ni mommy na hindi ako pala sagot sa kahit anong ibato nila sa akin noon, nanatili akong tahimik at hindi pala-imik sa tuwing kasama ko sila. ngayon lang naman ito nangyari matapos noong insidente na na sapak ako ni daddy.

Alam kong kahit hindi nila nabibigyan ng importansya ang mga pagkukulang nila sa akin ay hindi iyon sapat para magrebelde ako, malaki parin ang pasasalamat ko sa kanila dahil sa mga bagay na natatamasa ko ngayon. lahat ng mga awards na nakakamit ko sa school ay tanging ako lamang ang tumatanggap nitong magisa, lagi daw silang may meeting, may appointment at business meeting kaya kahit na nagtatampo ako ay pilit ko silang iniintindi. pero ang hindi ko lamang maintindihan ay pag si kuya
ay may championship game sa school ay halos kaladkarin nila akong sumama para bou daw ang aming suporta sa kanya.

Maaga akong natulog nung gabing iyon tila tinitimbang ang tampo at pangunawa sa aking pamilya, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kaiisip ng mga bagay bagay, kinabukasan maaga din akong nagising dahil sa maaga din akong nakatulog. pumunta agad ako sa school halatang excited ang lahat ng aking mga kaklase para sa darating na out of town trip namin. first time kasi namin pumunta sa malayong lugar na magkasama ang boung klase. Si kim naman ay panay kwento sa akin ng kanyang mga dadalhin
sa trip at ang mga plano niya.

     "Friend, baka makalimutan mo na sa eroplano tayo sasakay baka mag excess ang baggage mo, at friend paalala ko lang ha? hindi tayo magbabakasyon doon magko-community service tayo" mahaba kong litanya.

      "At kailan kapa naging KJ?, friend naman kahit na, dapat mag-enjoy parin tayo" pagtatanggol niya sa sarili.

Huling gabi bago kami umalis ay inayos ko na ang aking mga dadalhin dahil sa tatlong araw kami  doon. tig tatlong paris ng damit, pantalon at brief ang aking hinanda at isang bote ng insect refillant at sunblock. nagdala din ako ng extra na cellophane container baka kasi umulan doon at dala ko ang aking celphone mahirap na.

6:30 ang sinabi ng guro namin kailangan nasa airport na kami. hindi naman ako masyadong naghanda dahil naayos ko na lahat ng dadalhin ko the night before kaya natulog ako boung araw, naalimpungatan nalang ako ng marinig ko ang aking celphone na nag-riring sinipat ko ito 8 misscalls. noong tumunog ulit ay sinagot ko na

     "Hello?" medyo halata pa sa boses ko na bagong gising pa.

     "Friend nasaan kana?" si kim. excited na bungad nito sa akin.
 
     "Dito sa bahay bakit?"

     "Umeyged..hindi kapa nakapaghanda? 6 pm na friend 8:30 ang departure time" taranta niyang bulyaw sa akin.

      "Heto na naghahanda na sige na ibaba mo na at maliligo pa ako, anyway NAIA is 15 minutes away from here yun ay kung hindi traffic hehehe" pangaasar ko sa kanya.

      "Ok sige maligo ka na...do it fast" sarkastiko niyang sabi at saka pinutol ang linya.

Madali lang naman akong nakapagayos kinuha ko na ang northface back bag ko at saka nagpahatid sa aming family driver sa airport. sakto namang wala pa sila mommy kaya hindi na ako nakapagpaalam which is wala din naman akong balak.

nang dumating ako sa airpot ay nakita ko na ang aking mga kaklase sa aming assembly area nagulat ako sa aking nakita ang dami ng kanilang mga dala na animoy parang forever ng maninirahan sa bohol, samantalang ako naka back bag lang, nakita ko si kim na agad namang lumapit sa aking kinaroroonan hila-hila niya ang kanyang stroller. nasipat ko rin si  kevin kasama sina Evo at ang girlfriend nitong si Allyson na busy sa pagkukwentuhan natahimik lang kami ng magsalita ang aming guro.

     "Guys, as much as I want to accommodate all of us sa isang flight lamang pero nagkaroon tayo ng problima hindi nagawang ipasok tayo lahat sa isang flight dahil nadelay ako sa booking, may dalawang kasama tayo dito na aalis sa susunod na flight isang oras pagkatapos ng ating departure time. So bali doon nalang natin sila hihintayin sa Mactan international Airport sa cebu para sabay na tayong aalis patungong bohol"

     "Sino po ang dalawang iyon Sir?" tanong ng isa naming kaklase na halatang ayaw mapahiwalay sa iba.

     "Well, sa lalaki ko kinuha ang dalawang mapapahiwalay sa atin, kasi delikado para sa mga babae" sagot niya habang nililibot ang kanyang paningin sa amin.

     "So ang dalawang maswerting sasakay sa plane one hour after our flight ay sina Evo at Francis. So guys we will be waiting you there in the airport at sabay na tayo sasakay sa isang fast craft papuntang tubigon bohol, so okay lang ba?"

para akong nawalan ng ganang sumama kasi naman sa dinami dami ng magiging makasama bakit ang mokong na yun pa.

     "Ayos lang po sir" masiglang tugon ni Evo.

Nilingon naman ako ni Sir para kumpirmahin kung ok lang din sa akin.

      "A..eh, wala naman siguro pa akong magagawa Sir naibook niyo na po ang pangalan ko for the next flight" Sarkastiko kong sagot.

Nilapitan ako ni kim at kinausap

      "Okay lang yan friend total isang oras lang naman wag mo nalang siya pansinin if aasarin ka na naman niya" tumango nalang ako sa sinabi niya.

Napansin kong lumapit sa akin si kevin na parang may nais sabihin, hindi ko lang talaga siya ma-gets naguguluhan ako sa kanya. noon siya tong nagsabi na lalayuan ko siya na ginawa ko naman dahil nasaktan ako at ngayong tanggap ko na ay siya itong buntot ng buntot.

     "A..ehm..f.francis sigurado ka bang okay lang sayo? baka kasi kako nag-aalangan ka pwede naman sigurong makipagpalitan ako sayo baka magawan pa ng paraan ni Sir" kinakabahan niyang mungkahi pero halatang nag aalala siya sa akin.

     "Salamat sa concern mo but I'm fine. at wag kang mag alala hindi ako sumama dito dahil sa pinilit mo ako noon nung BESTFRIEND pa daw tayo. Actually napilitan lang naman ulit ako ng real BESTFRIEND kong si Kim" may bahid inis kong sabi sa kanya dahil siguro ng galit parin ako sa kanya, yumuko na lamang ito ng kanyang ulo. medyo nakaramdam ako ng guilt sa inasal ko pero mas nangibabaw  yung inis ko sa kanya.

Nagsimula ng tawagin sila para pumasok sa departure area kaya heto kami ni Evo naiwan, Hindi ako komportable na kasama siya dahil simula't sapul naiinis ako sa kayabangan niya at mga pang-aasar niya sa akin palibhasa ay laking state kaya siguro nadala niya dito ang feeling cool niyang pag-uugali, hindi ko naman siya masisisi dahil sa bukod sa gwapo siya matangkad at athletic ay sikat siya sa boung campus halos lahat na ata ng mga babae, bakla at paminta ay crush na crush siya pangalawa lamang si Kevin
sa kanya.

Haist, bigla ko na namang naalala si kevin, hindi ko siya maintindihan sinabi niyang mahal niya ako pero pinagtabuyan naman niya, ngayong tanggap ko na tuluyan na ngang nasira ang aming pagkakaibigan ay heto bumabalik na parang maamong tupa ang hirap niyang espilingin. basta ang alam ko lang mahalaga siya sa akin.

Magkatabi kami ni Evo sa upuan habang hinihintay ang aming flight, kanya-kanya kaming deskarte para labanan ang aming boredome wala din naman kasi kaming imikan. Abala siya sa katetext malamang si Alysson ang katext niya ang sweat naman nila walang kasing asim. habang ako nakikinig ng favorite song ko sa aking ipod.

Maya-maya napansin ko si Evo mula sa sulok ng aking mata na nakatingin sa akin at parang nagsasalita siguro nga nababaliw na hehehe, sadyang carried away talaga ako sa kantang pinapakinggan ko ng biglang may humablot ng headset sa tenga ko. Si Evo.

    "Ano ba, walang basagan ng trip ok?" bulyaw ko sa kanya habang magkasalubong ang aking dalawang kilay.

     "Ang sungit mo naman"

     "Eh anong gusto mong reaksyon ko sa ginawa mo maglulupasay sa tuwa?"

      "Alam mo kung hindi lang kita kilala mapagkakamalan kitang babae kasi ang cute mo tuwing naasar" nakangisi niyang sabi.

       "ako rin kung hindi lang kita kilala akalain talaga kitang baliw ka na" naiinis kong sagot.

       "Gwapong baliw"

       "YABANG.....pwede ba kung wala kang magawa sa buhay mo wag ako ang pagdiskitahan mo at hindi tayo close and Im not enjoying your company ok?, eninglish ko na yun baka kasi hindi mo naintindihan kasi laking state ka"

        "ok if you don't want me na ikaw ang pagdiskitahan ko eto nalang!" sabi niya sabay hablot ng ipod ko at tumakbo palayo sa akin. hindi ko naman siya mahabol-habol dahil baka akalain ng mga tao doon sa airport ay nasisiraan kami ng bait.

        "Arrgggg!, ano ba ibabalik mo ba sa akin yan o makakatikim ka nito" naiinis kong sigaw sa kanya habang tinataas ang aking kamao.

        " What if I don't?" sagot niya na parang inaasar pa talaga ako. Namumula na talaga ako sa inis kaya hinayaan ko nalamang siyang magdiwang sa kanyang pagkapanalo,.

         "makakaganti din ako sa mokong na ito" bulong ko sa sarili ko.

halos isang oras din kaming nakatambay doon bago kami pinapasok sa departure area at pinaakyat sa eroplano. dahil sabay nai-book ang aming ticket ni Evo magkatabi kami sa upuan, wala akong imik na umupo doon at hinayaan lamang siyang asarin  ako ng asarin. Hindi nagtagal ay tumahimik na lamang siya ng napansin niyang parang iiyak na ako hehehe actually drama ko lang yun.

         "Sorry" seryoso niyang sabi pero wala akong sagot.

         "Frans, sorry na please?. I don't have any intention to provoke you" ulit niya ng kanyang sinabi pero naiinis parin ako kaya minabuti kong tumalikod sa kanya at nagtulogtulogan  narinig kong nagbuntong hininga ito.

Matagal bago nakaalis ang eroplano kaya nakatulog ako habang naghihintay sa pag-take off, ni hindi ko namalayan na nagiinstruct ang flight attendant ng mga safety guidelines. Naramdaman kong may humawak sa beywang ko kaya medyo nagulat ako at napaigtad ng imulat ko ang aking mga mata nakita ko si Evo na kinakabit ang seatbelt ko.

       "Hehehe sorry kinakabit ko lang ang seatbelt mo akala ko tulog kana" paliwanag niya.

       "hindi kaba marunong manggising alam ko naman kumabit nito ah." mataray kong sabi kinamot na lamang niya ang kanyang ulo.

        "pakisauli ng ipod ko" dagdag ko sa kanya, kinamot na naman niya ang kanyang ulo saka tumayo at kinuha ang bag niya sa compartment na nasa taas lang namin at binunot sa bulsa ng bag niya ang ipod ko.

         "hehehe sorry ulit" sabi niya sabay abot ng ipod ko inirapan ko na lamang siya para ipaabot sa kanya na galit parin ako.

Nag-umpisa na ngang magtake-off ang eroplano at isang oras ang byahe kaya minabuti kong matulog uli ayaw ko talagang pansinin ang mayabang na mokong ito. Medyo napasarap ang tulog ko kasi ang lambot-lambot  at ang bango ng kinalalagyan ng ulo ko para akong nakayakap sa isang malambot na teddy bear, ah, teka malambot kamo?, napabalikwas ako ng gising at namula sa aking nakita nakaunan pala ako sa dibdib ni Evo at nakalingkis ang kamay niya sa katawan ko. Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay niya sa aking katawan at dinantay ko na lamang ang aking ulo sa salamin ng bintana dahil nasa gilid ako.

tinitigan ko ang mukha ng mokong maamo rin pala ito pagtulog sana lagi nalang siyang tulog hehehe, paano kaya nagkaganun ang posisyon namin kanina?, hay nakakahiya naman pag nalaman niya. binaling ko nalang ang paningin ko sa labas ng bintana ang ganda tingnan ng mga bituin sa langit lalo na't nasa himpapawid ako naktanaw dito.

Magandang mag-emote hehehe,  kinuha ko ang aking ipod at nilagay ang headset sa aking tainga at muling binaling ang aking paningin sa bintana pero para akong kinalibutan sa aking napansin sa pakpak ng eroplano umuusok ito at parang may tumatalsik na mga maliliit na flares na parang wini-weilding ito. Maraming beses na akong sumakay sa eroplano at alam kong hindi ito normal alam kong may mali minabuti kong titigan pa ito ng mabuti para kumpirmahin talaga kung may mali.

        BOOOOOOOOOMMM!!!!!........................................

sumabog ang bahagi ng pak-pak

Napahawak ako ng hindi oras sa braso ni Evo sa higpit ng aking pagkakahawak ay nagising ito kinusot muna nito ang kanyang dalawang mata at tiningnan ako ng may halong pagtataka, hindi ko siya tiningnan naka tingin parin ako sa pakpak ng eroplano na sa ngayon ay may malalaking apoy na't usok sa palibot nito.

     "Frans, what's wrong?" tanong ni Evo hindi ko na siya nagawang sagutin pa dahil sinundan niya ang aking tingin.

     "Holy shit!" napamura ang mokong sa kanyang nakita.

Napansin naming hindi lang pala kami ang nakapansin halos lahat ng pasahero sa bintana kung saan banda ang apoy ay nakatingin, maya-maya'y lumabas ang tatlong flight attendant at binigyan kami ng instruction.Narinig namin ang pilotong nagsalita mula sa mga sound box na nakakabit sa ibaba ng compartment  na magkakaroon kami ng emergency landing.

    "Francis whatever happens just stay with me okey?" rinig kong bulong ni Evo sa akin, hindi ko na inisip ang inis ko sa kanya napahawak na lamang ako sa bisig niya at tumango, Halos kasing puti na ako ng papel sa putla at nanginginig ako sa takot sa ano mang pweding mangyari sa amin. Naisip ko sina Mommy at Daddy hindi ako pweding mamatay without resolving our issue, napansin kong tumutulo na ang luha ko.

      "Frans, please don't cry, nothing will gonna happen okey?, magiging okey din tayo believe me" pang-aalo ni Evo.

      "Natatakot ako Evo" tanging nasambit ko, niyakap na lamang niya ako.

Pinasuot sa amin ang aming mga life jacket.dahil kahit papaano ay maayos pa naman ang lipad ng eroplano kaya kampante ako na makakarating kami sa pinakamalapit na airport kung saan man mag eemergency landing ang aming eroplano. Medyo nabunutan na sana ako ng tinik sa aking dibdib dahil maganda parin naman ang lipad ng eroplano, ngunit bigla na lamang itong nagshake ng pagkalakas-lakas at nakita ko mula sa bintana na umiba ang position ng eroplano. She was no longer flying vertically but instead it fells continuously towards the ground tiyak pag diri-diritso ito sa ibaba ay magkakapira-piraso ang aming katawan sa impact.

Nagshutdown narin ang power sa eroplano dahil namatay narin lahat ng ilaw nito sa loob wala na akong nagawa at hintayin ang aming kapalaran akala ko sa mga pelikula ko lang ito makikita but then here I am now any second from now I'll gonna be facing my fate. pinikit ko na lamang ang aking mga mata habang nakakapit sa mga braso ni Evo maya maya pay

SPLASSSSHHHHHHHH.............................................

Sa tubig kami bumagsak nagkabangga-bangga ang aming mga katawan sa mga nasirang mga bagay sa loob ng eroplano the whole place was totally devastated and things were displaced away from their proper place. I forced myself to stay concious despite of the pain I felt dahil sa mga bagay na nagliparan at tumama sa aking katawan pero kahit anong gawin kong pilit ay unti-unti akong nilamon ng kadiliman hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay


itutuloy.......................


PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.














1 komento: