Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 25
Evo (POV)
Nasa hospital na ako ng magising, wala akong ibang inisip
kundi si Francis. Babangon sana ako ngunit maraming parte ng katawan ko ay
nababalot ng benda. Nakakabit din yung dextrose sa kamay ko.
"Wag ka munang gumalaw anak, sariwa pa ang mga sugat
mo"-Si Daddy.
"Dad?, where's Francis, how is he Dad?" nagpapanic
kong tanong. Gusto kong malaman ang kalagayan niya.
"Son? siya ay-----"
"Thanks God Evo you are fine. kanina ko lang nalaman
ang nangyari kaya I rushed immediately here"-si Bianca. hindi man lamang
kumatok.
"Dad?.." balik kong tanong kay Daddy. Hindi ko na
nagawa pang pansinin si Bianca.
"It's not the right time for me to tell his situation
son. you need to regain your strenght. Iha?, aalis muna ako ikaw na muna bahala
kay Evo ok?"
"Don't worry Tito , aalagaan ko si Evo"
"But Dad?.. gusto kong malaman ngayon" giit ko kay
Daddy na ngayon ay nakatalikod upang lumabas sa kwarto.
"There's time for everything son." tanging nasabi
niya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Lalabas na sana si Daddy ng kwarto ng
may kumatok sa pintuan. pinagbuksan niya ito, tatlong pulis ang bumungad sa
amin.
"dito po ba naka confine si Mr. John Evo
Thompson?" tanong ng isang pulis.
"Ako po yun, bakit po?" tanong ko.
"may warrant of arrest po kayo sa kasong attempted
murder laban kay Mr. Francis Lopez"
"Teka?, just like Francis my son is also a victim
here" bulalas ni Daddy.
"Sa korte na lamang po kayo maghain ng inyong depensa
Sir, sa ngayon po ay naka hospital arrest po ang inyong anak. baynte kwatro
oras po siya g babantayan ng mga police hanggang sa makalabas siya."
napaluha ako sa nalaman, ako ang dinidiin ngayon sa tangkang
pagpatay kay Francis. Nanginginig ako sa
at nanghihina sa mga oras na iyon. gusto kong malaman ang
kalagayan ni Francis, pano ko siya maaalagaan kung ako ang tinuturong suspect
sa nangyari.
hindi, hindi maaaring ito ang maging dahilan para kami ay muling
magkakahiwalay. Napaiyak ako sa inis at galit, hindi ko alam kung sino ang may
pasimuno sa nangyari.
Francis(POV)
Walang hanggang kadiliman. ito yung sitwasyon ko ngayon,
wala akong maalala kung bakit ako ganito, nakahiga, walang nakikita hindi ko rin
maigalaw ang boung katawan ko. At ang pinakamahirap ay hindi ak makapagsalita. Naririnig kong may mga tao
ang labas masok sa lugar kung nasaan ako, minsan may humahawak sa kamay ko
minsan naman mga iyak lamang ang naririnig ko.
"Anak?, magpakatatag ka, kailangan mong lumaban anak.
Hindi ko kaya ang makitang naghihirap ka anak." boses ng isang babae,
hindi ko siya kilala. minsan naririnig ko siyang may mga kausap din. Ang hirap
ng sitwasyon ko, nasa gitna ako ng kadiliman at napapalibutan ng mga taong hindi
ko kilala. ni hindi ko kilala kung sino ako. napapaiyak ako ng tahimik, alam
kong nakikita nila ang mga luhang umaagos sa aking matagal ng nakapikit na
mata.
"He could somehow regain his conciousness if he undergo
some major operation in his brain. but Mrs. Lopez we don't have enough
equipments here in our country. I know a hospital in the state which practise
such operation I'll contact them to arrange your Son's trip that is if you are
willing to bring him there" boses ng isang lalaki.
"Yes doc, Me and my family is more than willing to take
the risk to save my Son's life" sagot nung babae na laging nagbabantay sa
akin.
Dumaan ang mga araw na ako ay nasa ganoong sitwasyon parin.
naririnig ko lamang ang mga paguusap nila ngunit hindi ko sila nakikita. marami
ang dumadalaw sa akin kaso wala akong matandaan na kilala ko sila. isang araw
ay naramdaman kong binuhat ako at nilipat sa isang kamang gumagalaw, palagay
ko'y dadalhin ako sa malayong lugar. may itinurok sila sa akin dahil nakatulog
ako ng mahaba.
Hindi ko alam kung ano na ang pinagagawa nila sa aking
katawan. ilang araw lang ang lumipas ng dumating ako sa bagong hospital na
nilipatan sa akin ay muli akong tinurukan ng gamot para makatulog ako.
Parang naglakbay ang aking kaluluwa sa kawalan, hindi ko
alam kung buhay pa ba ako o patay.
Hindi ko alam kung gaano kahaba ang aking pagtulog,
oras,araw, linggo o buwan ba bago ako nagising muli hindi ko alam.
Isang umaga ay nagulat ako ng makaramdam ako ng kati sa
batok ko, gumalaw ang kanang kamay ko para kamutin ito.
"Oh my God! thank you Lord, hon?, naigagalaw na ni
Francis ang mga kamay niya" bulalas ng babae.
"Salamat naman kung ganun, keep on fighting Son, we're
just here for you" sabi ng lalaki.
Sinuri ako ng doktor. Maraming test ang ginawa sa akin bago
paman siya nakapag explain sa mga nagbabantay sa akin.
"Your Son's body is accepting the medication
positively, be thankful for that successfull operation. He may wake up any
moment from now"
"Thank you so much Doc. You dont know how happy we are
now. thank you so much" maluha luhang sabi ng babae.
Muli akong nakatulog, Kinabukasan napasigaw ako sa
napakaliwanag at nasisilaw ako sa liwanag. Narinig kong nagpanic Muli akong
nakatulog, Kinabukasan napasigaw ako sa napakaliwanag at nasisilaw ako sa
liwanag. Narinig kong nagpanic ang babaeng nagbabantay sa akin, agad na
dumating ang isang doctor at nurse. sinuri nila ulit ako. inilawan ng doctor
ang mata ko, medyo masakit parin ang mata ko na parang konektado sa utak ko
yung sakit. Hindi naglaon ay parang nasasanay rin ang mga mata ko sa liwanag,
may naaninag narin ako ng paunti unti ngunit parang mga anino parin sila sa
pananaw ko.
"How is he Doc?" tanong ng babae.
"You dont have to worry Ma'am its normal, his eyes is
gaining vissions slowly and its somewhat painful for him because he was in the
dark for a longer time"
Tinurukan uli ako ng pampatulog ng nurse, muling naglakbay
ang aking balintataw sa aking panaginip. Kinubakasan nagising ako, mas nakikita
ko na sila ng malinaw ngayon. Mahimbing ang tulog ng babaeng nagbabantay sa
akin ng magising ako. marahil ay napuyat sa pagbabantay sa akin. Tinitigan ko
ng mabuti ang babae, nasa mid 30's o 40 kung tignan siya. Maganda siya kahit
may edad na halatang sophisticated siyang babae. Nahinto lamang ako sa
pagmamasid sa kanya ng may bumukas sa pinto, isang lalaki na sa tansya ko ay
mag kasing edad lang din ng babaeng nagbabantay sakin. May pagkain siyang dala,
nakita niya akong nakatingin sa kanya.
"Son?" tawag niya sa akin. hindi ko siya makilala
o maa-identify manlang. kumunot ang noo ko.
"Nakikita mo ba ako Son?" muli niyang tanong sa
akin. mas lumapit ito ng konte sa akin, tumango ako.
Nagising ang babae, nagkatinginan silang dalawa.
"Anak? francis? nakakakita kana? " tanong ng babae
sakin. hinawakan niya ako sa aking mukha.
" Sino kayo? , anong nangyari sa akin?" tanong ko
sa kanila.
Hindi sila nakapagsalita agad. Napaiyak ang babae sa nasabi
ko, niyakap niya ako. Tinawag ng lalaki ang doktor na agad namang dumating.
"He has an amnesia, almost 100% of his memory lost. I
can't promise you when will be the exact time he would regain his memory. but
if you help him remember it maybe he'll recover from it the soonest"
Isang buwan pa ang itinagal ko sa hospital bago ako tuluyang
dinis-charge. Napag alaman kong nasa ibang bansa pala ako, Nasa airport kami
ngayon at hinihintay ang aming flight pauwi ng pilipinas.
" Maaalala mo rin lahat anak, ang mahalaga ay ligtas
kna ngayon" Sabi ni Mommy sakin. hindi ko man siya naaalala bilang mommy
ko pero alam at nararamdaman kong ina ko siya at ganun din si Daddy.
Tinatanong ko sa kanila kung anong nangyari sakin at bakit
nagka amnesia ako. Sinabi nilang may nagtangka sa buhay ko, binigay din sa akin ni Mommy yung larawan ng suspek na
nagtangka sa buhay ko.
Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ang nararamdaman ko sa
tuwing tinititigan ko ang mukhang nasa larawan, parang ang bigat ng pakiramdam
ko tuwing nakikita ko yung mukhang yun.
Agad nila akong pinagpahinga ng dumating kami sa bahay dito
sa pilipinas. Nagulat lang ako ng paglapag namin sa airport kanina ay halos
mapuno ang arrival area ng mga press, di ko halos maisip na ganun ako kasikat
dito. Marami akong gustong malaman sa pagkatao ko ngunit sa kalagayan ko ngayon
ay halos imposible pang masagot iyon. wala masyadong sinasabi ang pamilya ko
tungkol sa aking nakaraan maliban sa taong nagtangka sa buhay ko.
Lagi ding sumasakit ang ulo ko kaya halos araw araw parin
akong pinupuntahan ng aming family doctor, magiisang buwan narin ako dito sa
bahay ngunit ni minsan hindi ko nagawang lumabas. may mga bumibisita din sa
akin na malapit ko daw na kaibigan ngunit hindi ko sila makausap masyado dahil
lahat ng sinasabi nila ay hindi ko maalala. Iba din yung nararamdaman ko sa
isang kaibigan ko daw na dumalaw sakin na nagngangalang Bianca. hindi ko alam
bakit may kakaibang pakiramdam ako sa pagkatao niya, taliwas sa sinasabi niyang
malapit ko siyang kaibigan. lagi siya sa bahay kahit buntis ito Dinadalaw din
ako ng isang lalaki, Kevin daw ang pangalan, napakabait nito sa akin. palagay
ko ay nasa training ito sa isang military. Hindi nga rin ako nakakapagusap ng
maayos sa kanya kaya nagkukwento na lamang siya sa mga bagay na pinagsamahan
namin.
Ngunit isang bagay lamang ang gusto kong paniwalaaan, lahat
sila tinutumbok na yung tao daw sa larawan na binigay ni Mommy ang totoong
nagtangka ng buhay ko.
Nagkaroon ng maraming hearing tungkol sa kaso ko, ngunit ni
isa sa mga hearing na iyon ay hindi ako nakasama. Ayaw akong isama nila Mommy,
ngunit gusto kong makita sa personal ang suspek. Alam kong may mga bagay na
hindi lubos sinasabi sa akin ng mga taong nasa paligid ko.
Gusto ko mismong malaman ang katotohanan at hindi umaasa sa
mga kwento, hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. pinilit ko si
Mommy, nagmakaawa akong isama ako sa hearing at makita at mapakinggan ang
totoong nangyari.
"Ok, sa isang kondisyon. Sa likod ka pumwesto at ayaw
kong lumapit ka sa suspek. para sa kaligtasan m ito anak kaya dapat ibigay mo
ang kooperasyon mo"
itutuloy........