Mga Kabuuang Pageview

Biyernes, Pebrero 7, 2014

A Love In An Island Chapter 17



Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                               

                                                    A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga

CHAPTER 17.

Hindi ako pumasok kinabukasan masyado pa akong nasasaktan at naguguluhan sa mga nangyari. Na mimis ko si Evo pero kailangan ko munang magtiis, gusto kong lumikom ng lakas ng loob bago humarap sa mga taong iba na ang tingin sa akin. Wala akong ginawa sa tatlong araw na hindi ko pagpasok sa school kundi ang magmokmok sa loob ng aking silid. Wala din akong ganang kumain, mabuti nalang nandiyan si yaya na laging kinukumbinsi akong kumain kaya kahit papaano'y nasisidlan ang aking sikmura.

Ni hindi ako nagawang kumustahin ni Mommy, alam kong gusto sana nito akong puntahan sa kwarto ko pero natatakot siya kay Daddy. Si kuya naman ay halos hindi na rin nagpaparamdam siguro nga'y tulad ni Daddy ay hindi rin niya kayang tanggapin ang isang bading na kapatid. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko ang mga iyon dahilan ng aking patuloy na paghikbi. Palibhasa'y wala silang alam kung paano ako nahihirapan sa aking pagiging iba, kung pwedi lang sanang mamili ng kasarian bago ako pinanganak pero hindi.

Tatlong araw din akong walang kontak kay Evo pinili kong huwag na muna tignan ang aking cellphone hanggang sa ma lowbat ito. Gusto kong ayusin ang gusot ko sa aking pamilya, at ayaw kong mawala sa fucos ko ang plano ko sa tuwing nakakausap ko si Evo. Nakakaramdam ako ng ibayong saya sa tuwing naririrnig ko ang boses niya dahilan para matabunan ang mga suliraning dapat kong ayusin.

Gusto kong kausapin sa maayos na paraan ang boung pamilya ko, siguro nga hindi naging maganda ang naging resulta nagpagkakabulgar ng totoong pagkatao ko at nabigla lamang sila kaya nagkaganun ang nangyari. Marahil sa tatlong araw mula ng malaman nila ang totoong Francis ay lumamig kahit papaano ang kanilang ulo. Maaga akong naligo nakipagsabwatan ako kay yaya na ihanda sila ng mga paborito nilang pagkain. nagpasama ako kay yaya sa grocery store para bumili ng mga sangkap na aming lulutuin.
Bandang alas sais ng gabi ng matapos naming ihanda lahat ng mga paboritong pagkain nila. Ultimo ang arrangement ng plato at mga putahing nasa itaas ng misa ay parang inihanda lang sa isang sikat na hotel.
Unang dumating si Kuya, dumiritso ito sa kanyang kwarto. Kinakabahan man ako pero kailangan kong ayusin ang lahat, pikit mata akong pumasok sa kanyang kwarto. bago ako tuluyang pumasok ay humugot muna ako ng isang malalim na hininga. kinatok ko ang kanyang pinto.

"Sino yan?" tanong niya.

"Ako ito kuya"

"Natutulog ako." padabog niyang sagot.

Sa ganung asal niya ay parang nawalan na ako ng pag-asa pero ayaw kong sumuko. pinihit ko ang door knob at dahan-dahang pumasok lumikha ito ng maliit na ingay. nakatihaya si kuya habang natutulog pero ng mapansin niyang pumasok ako ay iniba nito ang kanyang posisyon. dumapa ito.

"Kung may sasabihin ka sabihin mo na. paki lock nalang ng pinto pagkatapos mong sabihin ang balak mo." walang kaemo-emosyon nitong tugon ni hindi man lamang niya ako sinulyapan.

"Ku..kuya gusto ko lang..ahm..gusto ko lang sabihin na...nakahanda na ang dinner, hintayin nalang muna natin sila Mommy at Daddy para sabay-sabay uli tayong kumain. sige kuya lalabas na ako...ahm..hihintayin kita.. at ako pala lahat nagluto nun..niluto ko pala yung paborito mong paella tiyak masasarapan ka nun" para akong tangang nagsasalita at pinipilit maging masaya na para bang walang nangyari.

Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa dining area. Napansin kong binuksan ng isa naming katulong ang gate, pumasok ang sasakyan ni Daddy. pagpasok nila sa sala ay diritso  sila ni Mommy sa kwarto hindi na muna ako nagpakita nanatili ako sa dining area. ilang minuto din ang lumipas ng bumaba ang dalawa at nakapambahay na ang mga ito.  parang tambol ang aking dibdib sa kaba habang papalapit sila sa kinaroroonan ko.nagtago muna ako sa kusina at pinagmasdan sila.

"Wow, is there any ocassion yaya?" manghang tanong ni Mommy.
"Si kwan..kasi mam si..." nahihiyang sagot ni yaya.

"May problima ba sa inihanda mo yaya?" takang tanong ni Daddy.

Lumabas ako sa aking tinataguan at parang kandilang nauupos ang pakiramdam ko. nawala ang payapang repleksyon sa mukha ni Daddy.

"Ako po ang naghanda lahat Mom, Dad. I just want to make it all up to  you." naiiyak kong sabi.
Umatras si Daddy.

"kausapin mo nalang kami kung handa ka nang magpakalalaki. sa tingin mo ba sa ginawa mo ngayon masasayahan ako?, tingnan mo nga ang pagkakahanda mo gawain ba ito ng isang lalaki?...Don't be a disgrace to this family..." nang lambot ang aking tuhod at para bang automatic shower ang luha ko ng marinig ko ang mga sinabi ni Daddy.

Lumabas si Daddy ng dining room. lalapit pa sana si Mommy pero tinawag siya ni Daddy. tumingin na lamang sa akin si Mommy na para bang humihingi ng patawad.

"Kakain nalang tayo sa labas. manang sabihan mo si mang ador ihanda ag sasakyan." utos ni Daddy. naiwan akong nakaupo at kaharap ang mga pinaghirapan kong handa para sa kanila. Sa panahong iyon gusto kong umiyak ulit at ilabas ang nasasaktan kong damdamin.Dinamayan ako ni yaya sa pamamagitan ng paghagod ng aking likod.

"Intindihin mo na muna ang Daddy mo anak, nabibigla pa yun kaya ganun ang reaksyon niya."

"Bakit parang ang sama-sama ko yaya?. ganun ba katindi ang kasalanang nagawa ko para tratuhin nila akong ganito?...hindi ko naman kagustuhan ang magkaroon ng pagkataong naiiba sa nakasanayan na nila...." sa oras na iyon ay humihikbi na ako. 

Kinumbinsi ako ni yaya na pumanhik sa aking kwarto pero nagmatigas ako, nanatili akong umupo doon ng ilang oras hanggang sa nakatulog ako at nakasalampak sa misa.

Nagising akong nasa kwarto na, hindi ko alam kung papaano ako napunta sa aking kwarto samantalang doon ako sa dining area nakatulog. pero wala na akong pakialam sa bagay na iyon masyado ng loaded ang isip ko para mag-isip ng maliliit na bagay.

Naligo ako at nagbihis ng uniporme, kailangan ko ng harapin ang totoong mundo kasama ng bagong ako, ako bilang isang bakla. Sa mga nangyari ay malaki ang pinayat ko dahil sa lagi kong nakakaligtaang kumain.
Pagbaba ko ay naghihintay na si Mang Ador sa akin sa garahe. Natigilan ako ng mapansin kong may isang lalaking nakaupo sa likuran ng aming kotse.

"Mang Ador sino sila?" takang tanong ko.

"Personal body guard mo siya anak. kinuha siya ng daddy mo para bantayan ka" simpleng sagot ni Mang Ador pero malaking impact naman para sa akin.

"para saan naman po?..may kikidnap ba sa akin?" naguguluhan kong tanong.

"Hindi ko rin alam iho..pero ako sayo sundin mo nalang ang daddy mo para kahit papaano'y lumamig ang ulo nun sayo" sabi ni Mang Ador. huminga ako ng malalim, kung sabagay may punto siya kung ano man ang plano sa akin ni Daddy ay susundin ko basta't wag lang niyang isama sa plano si Evo dahil kung magkataon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bumaba ang body guard ko at pinagbuksan ako ng pinto. Alam kong hindi ito pipitsuging body guard dahil napakadesente ng mga sout at halatang may malawak ng karanasan sa kanyang trabaho.

"Ako pala si Lando sir at ako ang magiging body guard mo" pakilala nito sa akin ng maka pwesto na ako ng upo.

"Para saan daw?" tanong ko na para bang nakikipag-usap sa isang estranghero.

"May mga rules akong dapat mong sundin...napag-utusan lang ako kaya dapat wag kang magagalit sa akin" sabi nito. binaliwala nito ang aking tanong.

"Sagutin mo muna ang tanong ko?" naiinis kong sabi.

"Hindi mo pweding lapitan ang lalaking ito o kaya sumama sa kanya." sabi niya kasabay ng paglahad ng isang larawan, nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Evo sa larawang yun.Gusto ko pa sanang sumagot pero dinaan ko nalang sa isang malalim na buntong hininga wala din naman akong mapipiga sa taong ito. Nakaramdam ako ng pagkabahala para sa amin ni Evo, hindi nga ako nagkamali na hahadlangan ni Daddy ang relasyon ko  sa kanya lalo na ngayong may hidwaan sa kompanya nila at sa amin.

Nagiisip ako ng paraan kung papano ko matatakasan ang taong ito sa panahong gusto kong makausap si Evo. Katamtaman lang naman ang laki ng katawan nito at halatang nasa may dalawang pu't tatlo o higit pa ang edad niya, alam kong mahihirapan si Evo na pataubin siya pero may chance na makakaya siyang gupuin ng mahal ko sa oras na kailangan na namin gumamit ng pwersa para lang makatakas.
Nakarating kami ng school ng mas  maaga pa sa inaasahan, didiritso na sana ako sa aming silid aralan ngunit tinawag ako ng nakabuntot kong body guard.

"Sir, Hindi na po jan ang classroom niyo?" balita niya sa akin. kumunot ang mga noo ko.

"Paano mo na laman. guro ba kita, guidance counselor ka ba ng school na to?" pamimilosopo ko sa kanya.

"Pumunta po muna tayo sa principal's office para i-confirm" yaya niya sa akin. tahimik akong sumunod sa kanya. naguguluhan ako kung bakit hindi na ako maaring bumalik sa dati kong classroom.
Kumatok muna ito ng tatlong beses bago tuluyang binuksan ang pinto. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya, kasulukuyang naka upo sa kanyang misa ang aming prinsipal at parang inaabangan na ang aming pagdating. kinakabahan ako kung kasali ba ito sa mga pakulo ni Daddy para tuluyan akong ilayo kay Evo.

"Good morning Mr. Lopez. maupo ka." pambungad niya sa akin. ayaw ko sanang maging bastos at ipakitang maayos lang ako pero sa panahong iyon ay gulong-gulo ako. Wala akong ganang magsalita at ipaubaya nalang sa kanila ang lahat.

"I know you wonder why you are no longer allowed to enter that class. Dahil sa nangyari doon sa Auditorium na kinasasangkutan niyo ni Mr. Thompson. kailangan naming pangalagaan ang mga pangalan ninyo at upang ma lessen ang damage na nilikha nito, simula ngayon doon ka na papasok sa comprehensive section. na review na rin namin ang mga grades mo at pasok ka para maging comprehensive."

"Bakit niyo ginagawa ito sa amin Mr. Prinsipal?" diritsahang tanong ko.

"We are doing this according to our rules Mr. Lopez"

"Rules?...what rules?..what did I and Mr. Thompson violated?.."

"You're not violating the rules Mr. Lopez." giit niya.

"So why did you mention the word rules if we have not violated it?" nanginginig kong tuloy-tuloy na tanong.

"Hindi kaya dahil ito sa utos ng Daddy ko?..takot kayong baka itigil niya ang suporta niya sa foundation ninyo?" Walang preno kong sabi. nakita kong nagkatitigan ang prinsipal at ang Body guard.
Lumapit ito sa akin para patigilin ako.

"Sir, mali-late na po  kayo , tara na po" sabi nito sa akin.

"Pwedi ba?...wag kang laging magmarunong body guard lang kita at wala kang karapatang diktahan ako sa kung ano ang dapat kung gawin" singhal ko dito. muli kong binalingan ang prinsipal.

"alam kong wala kaming nilalabag ni Evo...I've had the school's hand book. As an official of SSG bodies alam ko ang mga patakaran Mr. Prinsipal, kung ang relasyon namin ni Mr. Thompson ang dahilan kung bakit niyo kami paghihiwalayin una palang kayo na ang lumabag." humanap ako ng hangin para muling maka bwelo.

"This institution forbid discrimination.what you're doing now is an act of discrimination so that just mean that you're breaking the rules here... Alam kong may iba kang dahilan Mr. Prinsipal...Pero kong yan ang desisyon mo sige lang." padabog akong tumayo at mabilis na lumabas, parang hanging dinaanan ko lang ang noo'y nakatayo kong body guard.Sinunod ko ang utos nila dumiritso ako sa comprehensive section. Mainit ang pagtanggap nila sa akin kabaliktaran sa aking naging pangamba. marami ang pumuri sa amin ni Evo, may iba mang nag ko-comment ng negatibo pero mas marami ang bukas ang pananaw at humahanga sa aming dalawa.

Naalala ko si Evo alam kong nag-aalala na ito sa akin dahil sa ilang araw akong hindi nagparamdam. Hindi rin ako makahanap ng tyempo dahil sa nakaabang ang body guard ko sa labas ng room.
Kinuha ko ang phone ko sa aking bag na noo'y apat na araw ng naka-off. binuksan ko ito, laking gulat ko dahil sunod-sunod ang text messages ang pumasok galing lahat kay Evo. susubukan ko pa sanang basahin ang isang text nito pero nag-appear ang call alerts at si Evo nga iyon.

"Hello Evo..."

"Thanks God, nakontak kita. you're freaking me out..ilang araw na akong nag-aalala sa iyo hindi rin ako maka pasok sa subdivision niyo pina block list ng Daddy mo ang pangalan ko sa guard house" mabilis niyang balita.
"I'm sorry. I just want to make things right bago kita harapin pero parang hindi ko kaya" niiyak kong sabi.

"Huwag kang sumuko..di ba sabi ko magtutulungan tayo? Mahal kita at ayaw kong ilayo ka nila sa akin o ako sayo...." punong-puno niyang emosyong sinabi iyon sa akin.

"Saan ka ngayon?" tanong niya.

"Nasa school ako...nilipat nila ako ng section Evo. pinababantayan din ako ni Daddy sa isang Body guard nahihirapan ako kung papano tayo magkikita"

"Wag kang mag-alala ako na ang bahala niyan. Pupuntahan kita diyan."

"Saan ka ngayon?"

"eh...hehehe nandito sa harap ng guard house niyo akala ko kasi hindi kana papasok eh" nahihiya niyang sabi. nakatawa ako ng bahagya.

"Ito naman napahiya na nga ako  tatawanan mo pa" parang bata siyang nagrereklamo.

"Wala. alam mo ang cute mo pala pag gumanyan ka" sabi ko uli na humagalpak sa tawa.

"Oh sge na nga...basta hintayin mo ako diyan.  I love you"

"Maghihintay ako. I love you more"

Pinatay ko na ang cellphone ko. tama lang din ang dating ng aming guro sa oras na iyon.  Wala sa klase ang isip ko, parang orasan na paikot -ikot ang aking tingin sa labas ng room naghihintay kung darating si Evo. Nakatatlong subject na ang natapos namin ngunit wala parin ito. Hanggang sa mag recess na nga.
Mag-isa akong pumunta sa cafeteria para bumili ng makakain. nadatnan ko ang dalawa kong kaibigan sa isang table. lumapit ako sa mga ito.

"Can I join?" nahihiya kong tanong alam kong may tensyon sa pagitan namin pero bahala na gusto ko lang humingi ng tawad. papaupo na sana ako sa harap ni Kevin at katabi naman si Kim.

"Excuse me may kailangan pa akong asikasuhin" mabilis na sabi ni Kevin at saka tumayo. Susundan ko pa sana siya ngunit pinigilan ako ni Kim sa paghawak sa kamay ko.

"Hayaan mo na muna siya, wag mo munang kausapin siya kung masasaktan lang din siya..."sabi nito sa akin saka umalis. nasasaktan ako sa mga ipinapakita nila sa akin pero ayos lang kung kapalit naman nito ay ang pagpapatawad nila sa akin.

Malungkot akong bumalik sa room. Nag simula na nga ang fourth period sa umaga pero walang Evo na dumating. Kasulukuyan kaming nagkokopya ng mga notes sa pisara ng naghiyawan ang mga babae kong kaklase lahat sila'y nakatingin sa pintuan. lumingon ako doon, nakita ko ang pagpasok ng isang lalaki naka uniporme din ito tulad ng sa amin ngunit mahaba ang buhok nito na ginaya ang K-pop style, napaka gwapo niyang tingnan. Nagulat din ang aming bading na guro ng pumasok siya, magsasalita pa sana ito pero ng kindatan siya ng lalaki ay bumalik ito sa kanyang ginagawa.

Bumalik din ako sa aking ginagawa kailangan kong makopya ang lahat ng nasa pisara para makahabol sa mga lessons ng comprehensive. maingay parin ang room dahil sa presenya ng lalaking yun, pero nasa pagkopya ang atensyon ko. maya-maya'y may tumabi sa akin ipinag-walang kibo ko na lamang ito dahil abala ako. ngunit isang bagay ang nag udyok sa akin para tumigil sa aking ginagawa naaamoy ko kasi ang isang pamilyar na pabango---hindi si Evo nga.

Mabilis kong sinulyapan ang tumabi sa akin, nanlaki ang aking mga mata ng malamang ang lalaking pumasok sa room at si Evo ay iisa. Nag disguise pala ang mokong para hindi siya makilala ng body guard ko na noo'y walang kamuwang-muwang sa nangyayari sa loob. Infairness napaka gwapo niya sa kanyang pagbabalat kayo. may ibang pinipigilang tumili dahil sa kilig sa pagmamasid sa amin.

"Na miss kita?" bulong niya sa akin.

"Na miss din kita" sagot ko.

Nawala ako sa aking focus, nahihiya ako sa ginagawa niya. Alam kong marami ang kinikilig pero hindi ako sanay sa ganitong bagay lalo na sa harap ng maraming tao. Kinuha niya ang kamay ko at pinaglingkis ang aming mga daliri ng palihim sa ilalim ng aming table.Pinagpapawisan ang aking mga kamay.

"Relax?" ngiting bulong niya.

"paano ako marerelax sa mga pinagagawa mo?" inis na bulong ko pero kinikilig.
 "Masanay ka nang laging ganito" sagot niya sa akin.

Halos napakatagal namin sa ganoong posisyon pero hindi kami nagsawa sa pagdama ng aming mga kamay. Papatapos na ang klase, sinilip ko ang body guard kong si Lando sa labas halatang walang alam na kasama ko si Evo. Nang dinis-miss na kami ay agad kong pinahiwalay si Evo sa akin.

"Kailangan mong sumama sa akin bukas" mabilis na sabi ni Evo. Parang sa mga oras na iyon ay hindi namin hawak ang aming mga oras. kailanagan naming laging madaliin ang kung ano man ang aming ginagawa.

"Saan at bakit?" tanong ko.

"May kailangan lang akong tapusin. I need you there for me ok?" paliwanag niya, tumango ako kahit naguguluhan, kailangan kong magtiwala sa kanya.

"Paano ako makakasama sayo bukas?..may nagbabantay sa akin"  muli kong tanong.

"Ako na ang bahala dun. sige na lumabas ka na para hindi niya tayo mahalata"Nauna akong lumabas tulad ng sinabi niya. Alam kong tulad ko ay nahihirapan din kami sa sitwasyon pero kailangan muna naming magtiis.
Hindi na kami muling nagkita pa ni Evo sa boung klase ko sa hapon, masyadong malayo ang varsity section. Hindi rin ako pweding pumunta doon dahil parang asong bunto't ng buntot si Lando.

"Hindi ka ba napapagod sa trabaho mo?" plastik kong tanong sa kanya habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"Trabaho ko po ito kaya hindi ako mapapagod sir" diritso niyang sagot.
"Ganun ba?..gusto mong mag meryena muna, heto oh limang daan baka nagugutom ka" inabutan ko siya ng 500 piso bill. Alam kong medyo matalino ang mokong na ito pero kailangan kong subukan kung madadaan ko siya sa ganitong paraan.

"Wala po akong karapatang tumanggap ng kahit ano sa inyo sir. ang Daddy mo lang ang dapat kong susundin, kung suhol man iyan para sa mga plano mo paumanhin pero hindi ko matatanggap. hali na po kayo sir hinihintay na po tayo ng driver niyo" diritsahan niyang sagot. Medyo uminit ang ulo ko pero kailangan kong habaan ang pasensya ko.

Agad na binuksan ni Mag Ador ang pintuan ng kotse ng makalapit ako sa sasakyan. Binati niya ako pero parang wala akong nakita, ngayon pa nagsi-sink in sa isip ko ang pinagagawa ni Daddy sa amin ni Evo.
Nang dumating ako sa bahay ay dumiritso agad ako sa aking kwarto, nakadapa ako sa aking kama at nag-iisip kong papano namin masusulosyunan ito ni Evo. Biglang tumunog ang aking cellphone binunot ko ito sa aking bag.

"Kmusta ka mhal q?" -si Evo.

"nhhrpan aq..pano 2?" reply ko.

"manalig ka. kkayanin ntn ito. Hndi kta bsta2x isusuko tndaan mo yan"

"Slmat, mhal na mhal kta." napapaluha ako sa mga oras na iyon.

"Mhal na mhal dn kta..." huling text niya.

Kinabukasan ganun parin ang naging routine, laging may nakabuntot na body guard. Hindi na nakapunta si Evo sa classroom ko, nagtext itong may quiz sila kaya kailangan niyang pumasok. Mag-isa akong kumakain sa canteen alam kong namimiss ko ang dalawa kong kaibigan pero kailangan ko muna silang bigyan ng panahong mapatawad ako.

Pagkatapos ng lunch break ay babalik na sana ako sa classroom kung saan ako inilipat ng prinsipal, hindi ko sinasadyang mapadaan sa harap ng malaking  LED TV na naka pwesto sa lobby ng school. Doon kasi minsan pino-post ang mga announcement or mga upcoming activity ng school na pinamamahalaan ng SSG at ng ibang club sa school. Malayang pinapahayag doon ng mga estudyante ang kanilang hinaing o mga inpormasyon.Parang kuryenting dumaloy sa boung katawan ko ang galak ng mabas ang kapa-flash pa lamang na information:

No  To Gender's Discrimination: Condemned principal's decision. Let's support Evo and Francis!

Natuwa ako sa nabasa ko, hindi ko akalaing hindi kami nag-iisa sa laban namin. Ang pangamba ko noong baka mawalan si Evo ng mga taga hanga at taga suporta ay napalitan ng tuwa. Napa lingon ako sa bulletin board, kung anong tuwa ang naramdaman ko kanina ay mas lalong dumoble pa dahil sa mga ginawang panawagan ng mga kapwa ko estudyante na ibalik ako sa aking dating klase.

Masyado akong humanga kay Evo. napaka lapit ng loob niya sa mga kapwa niya estudyante kaya nga nanalo siyang SSG president. Hindi sila natinag na suportahan siya sa kanyang laban kahit ano paman ang pagkatao ni Evo, Alam kong batid nilang hindi sa sekswalidad binabasi ang tunay na lider kundi sa kung paano ito humarap at makipag kapwa tao. Medyo nakatulong ang mga nabasa ko para palakasin ang loob kong ipaglaban ang aming pagmamahalan.

Nang matapos kong mabasa ang lahat ng mga nakasulat doon ay nagpasya akong bumalik sa classroom namin. Nagulat ako ng makasalubong ko ang grupo nila Alyson, Alam kong mga babae sila pero marami ang mga ito. Meron akong kasamang body guard kaya kampanti akong mapoprotektahan nito ako sa kung ano man ang gagawin ni Alyson sa akin.

"Well, speaking of that faggot devil, here he is gurls!" sabi ni Alyson. nagsi-tawanan ang ibang kasama nito. yumuko na lamang akong dumaan sa pagitan nila.

"Mukhang marami ang sumusuporta sa weird niyong relasyon ha? mangkukulam ka ba at pinakyaw mo ang lahat ng estudyante sa school na ito?"  muling nagtawanan ag grupo ni Alyson at sa pagkakataong ito masyado ng malakas.Sinubukan kung dumaan ulit sa kanilang gitna ngunit hinarangan ako ng mga ito.

"Alyson, ayaw ko ng gulo so please let me go?" mapagkumbaba kong turing.

"Hmp?..Are we starting trouble here gurls?" malakas na tanong ni Alyson sa mga kasama niya.

"Nohh!!" sabay-sabay na sagot ng mga ito sa kanilang reyna-reynahan.

Hinawakan ako ng dalawang kasama ni Alyson sa kamay, nahirapan akong gumalaw. Lumapit si Alyson sa akin, muli na naman sana niya akong sasaktan kaya lang masyadong mabilis si Lando nahila niya ako mula sa mga kamay ng mga kasamahan nito. Akala ko ligtas na ako pero hindi nagpatinag ang kanyang mga kasama sabay sabay nila akong sinugod. Kinulong ako sa yakap ni Lando para harangan ang mga kamay ng mga amasonang ito.

"What's going on here Alyson?" galit na galit ang boses na iyon. tumigil sa kanilang ginagawa ang mga amasona. nakita ko si Evo at galit na galit ito habang nakatingin kay Alyson. parang asong hindi makatae si Alyson dahil sa ginawang pag titig ng masama sa kanya ni Evo. kumawala ako sa pagkakayakap ni Lando. Mabilis na umalis si Alyson at ang mga kasamahan nito, binilinan muna ako nito ng isang banta. lalapit sana si Evo sa akin para kumustahain ang lagay ko ngunit pinigilan siya ni Lando. Nakilala siya ni Lando dahil hindi ito nakapagsout ng kanyang disguise attire.

"Pare alam kong ikaw ang body guard niya, boyfriend niya ako!" tahasang sinabi iyon ni Evo.

"Pagbigyan mo sana kami kahit sandali lang..." pakiusap ni Evo.

"Sorry talaga Sir, pero sumusunod lamang ako sa utos. hindi mo sya pweding lapitan" matigas at may paninindigang sagot ni Lando. Matangkad si Evo kay Lando pareho silang may malalaking katawan ngunit mas hinog na ang katawan ni Lando, Labing walo pa lamang si Evo kaya mas bata pa ang katawan nito. natakot akong baka magsuntukan ang dalawa at ayaw kong masaktan si Evo, halatang may karanasan na sa propisyonal na pakikipaglaban si Lando.

"Evo..ok lang ako. sige na bumalik ka na sa classroom mo. hindi natin siya mapipilit" pakiusap ko kay Evo. tumitig lamang ito sa akin, titig ng pagmamahal. sumunod naman siya sa pakiusap ko.
Nakabalik ako sa classroom ko. Habang  abala sa pagdidiscuss ang aming guro ay parang lobong lumulutang sa hangin ang aking isipan, Bakit ganun nalang kasalimout ang aming pag-iibigan ni Evo?, maraming hadlang ang masakit doon ay yung mga taong humahadlang ay yung mga taong malalapit sa amin.
Handa na ba akong ipaglaban siya sa harap ng sarili kong ama?. kaya ko kaya siyang ipagpalit sa matagal ko ng bestfriend?...hay..ang hirap.

Natapos din sa wakas ang boung maghapong klase. sinunod ko ang sinabi sa akin ni Evo na doon nalang sa entrance gate ako sasakay ng kotse namin. tinawagan ko si Mang Ador na noon ay naghihintay sa parking lot na doon nalang ako mag-aabang. Dahil nasa labas na ako ng gate nakatayo at abala sa pagkalikot ng cellphone ko biglang may batang kalye ang humablot sa cellphone ko, tamang-tama din ang pagkakababa ni Mang Ador ng sasakyan kaya mabilis itong tumakbo at hinabol ang batang snatcher. Nagulat din ako dahil mabilis pa sa alas singkong sumunod si Lando para humabol din.
Nanatili lamang akong nagmamasid  sa kanilang tumatakbo palayo para mahabol ang bata. biglang may kotseng dumaan sa harap ko.

"Sakay na" sigaw niya. hindi ako agad naka sagot.

"Sakay na..mahal ko"-si Evo. sumunod ako sa sinabi niya.

"Tika ang cellphone ko ninakaw?" balita ko sa kanya.

"Don;t worry about it" sabi nito saka ngumiti.

"Teka!..ikaw ba ang may pakana nito?" nalilito kong tanong. muli itong ngumiti.

"tinakot mo ko ha?" naiinis kong sabi. mabilis kaming umalis, bago kami tuluyang pumunta sa pagdadalhan sa akin ni Evo ay lumiko muna ang kotse nito sa makitid na eskinita. nakita ko ang batang humablot ng cellphone ko.

"Heto na po kuya" sabi niya kay Evo habang inaabot ang cellphone ko.

"Ayos ang ginawa mo Daniel, oh heto ang premyo mo" sagot ni Evo habang inaabutan ito ng pera..hindi ko alam kung magkano ang inabot niya pero sigurado akong malaking halaga iyon.

"Salamat po Kuya Evo." masayang pasasalamat ng bata.

"So mapapagamot mo na ang nanay mo niyan. Wag mong sabihing inutusan kitang magnakaw ha?..hindi naman kasi pagnanakaw ang ginawa mo eh..binalik mo naman ang cellphone. oh sige na bumalik kana sa bahay mo at ibigay iyan sa tatay mo" paliwanag ni Evo sa bata.

"Kilala mo?" takang tanong ko.

"Oo..nakilala ko noong nakaraang linggo...nakakaawa nga eh" sagot niya habang diritso sa daan ang mga mata at naka hawak sa manibila ng sasakyan ang mga kamay. Muli akong humanga sa kanya, parang para sa kanya isang normal na bagay lang ang pagtulong na hindi mo kailangan magmayabang sa bawat may natutulungan ka. hindi na ako muling nagsalita, kahit papaano'y nagi-guilty ako sa pagtakas ko,hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Daddy sa ginawa kong ito. tiyak akong mas lalong magagalit ito sa akin.
Huminto kami sa isang boutique.

"Anong gagawin natin dito?" usisa ko sa kanya.

"May pupuntahan tayong dinner at hindi ka bagay na pumunta doon at naka uniform pa. sige na pumili ka na ng susuotin mo" sagot naman niya.

"Hindi mo naman kasi ako sinabihan kahapon eh di sana nakapaghanda ako ng susuotin ko?" giit ko.

"Eh baka kasi mahalata ng body guard mo na may balak kang takasan siya pagnagkataon."

"Sabagay.." sumang ayon na lamang ako.

Madali lang naman akong nakapili dahil ayon kay Evo bagay naman sa akin ang lahat ng sinukat ko. Pumili na rin siya ng para sa kanya at nagmamadali itong bayaran ang lahat ng aming pinamili.

"Teka lang bakit parang nagmamadali ka yata?" curious kong tanong.

 "Kasi ayaw kong mahuli tayo doon..."

"Anong klasing dinner ba kasi ang dadaluhan natin?" pangungulit ko parin sa kanya.

"Basta!...Tayo na nabayaran ko na to lahat."

Mabilis kaming lumabas ng tindahan at dumiritso sa hotel na kung saan ayon kay Evo ay doon gaganapin ang sinasabi niyang dinner. Sumasabay lamang ako sa mga galaw ni Evo kung saan niya ako aakayin doon din ako, kung saan siya liliko sunod lang ako. Nagulat ako ng makarating kami sa isang exclusive restaurant sa loob ng hotel, komplito ang pamilya ni Evo na naghihintay sa kanya. Nandoon ang Daddy niya na nakangiti ng dumating kami, sa palagay ko wala pang alam ang Daddy niya tungkol sa amin ni Evo. May dalawang matanda din na naroon na sa tansya ko ay mga lolo't lola ni Evo, halatang mga eleganti ito kahit na may mga edad na.  Isang buffet dinner ang inihanda sa gabing iyon.

Pinakilala ako ni Evo sa Daddy niya bilang kaibigan, Naiintindihan ko iyon at alam kong hindi pa ito handa na sabihin sa pamilya niya ang tungkol sa amin. Maganda din ang pakikitungo ng lolo at lola nito sa akin marami kaming napagusapan tungkol sa buhay.

Wala akong kaalam-alam na may hinihintay pala kaming bisita, ang boung pagkakaalam ko ay ay dinner lang ito ng pamilya ni Evo. Napatingin kami lahat ng nagsidatingan ang mga bisitang hinihintay ng Daddy ni Evo. Isang paris ng mag-asawa ang pumasok nakangiti sila habang papalapit sa aming kinaroroonan, Napansin kong pamilyar ang kanilang mga mukha. Tumayo ang Daddy ni Evo para i-welcome ang mga ito, tumayo din si Evo kaya napatayo narin ako.

"Pasensya na kompare kung nahuli kami ng dating medyo hectic kasi ang schedule namin ngayon, buti nalang walang masyadong appointment sa mga kleyente ngayon" paliwanag ng lalaki.

"Wala yun kompare. what's important here is you're able to come" masayang sagot ng daddy ni Evo.

"Oh?..here you are Evo. You're still handsome like you always did" bati ng babae kay Evo.

"Thank's po tita. mas lalong gumanda po kayo lalo"

"Ganun ka paring bata ka bolero" natatawang tugon ng babae. Tumingin si Evo sa akin binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin. nakuha ko ang punto niya gusto niya akong ipakilala sa bagong dating.

"By the way tito, tita uhm. meet my friend Francis Lopez" mabilis na pakilala ni Evo.

"Frans, they're Mrs. Alfredo and Lea Alonzo the parents of Alyson" parang nawala ang kampante ko sa sarili ng marinig ang tunay nilang pagkakakilanlan.

"Nice meeting you po Sir,Ma'am"  nahihiya at medyo nalilito kong sabi. Ngumiti at tumango ng ulo ang daddy ni Alyson samantalang tumaas ang kilay at parang kinikilatis ako ng Mommy ni Alyson. para akong yelong natutunaw sa mga tinging iyon. Tumigil lang ito ng mapansing umupo na ang ibang kasama namin sa table. sumunod narin ako ng upo at maging siya. alam kong may alam ito tungkol sa amin ni Evo.

"I thought it's between OUR family and YOUR family's affair why we have dinner tonight?. why is he here?" prangkahang tanong nito. naramdaman ko ang paghawak ni Evo sa aking kamay sa ilalim ng table. yumuko na lamang ako.

"I invited him here Tita with all due respect" kalmado pero talab na sagot ni Evo.

"Ah? okey!" sarkastikong hirit nito.

"Nasaan pala si Alyson?" putol na tanong ng Daddy ni Evo.

"She's on her way na kompare. Alam mo namang basta't si Evo ang dahilan parang asong natataranta iyon." mayabang na sagot ng Daddy ni alyson. Hindi ko alam kung anong meron sa dinner na ito pero kinakabahan ako. May kakaiba akong naamoy sa mangyayari at nakakaramdam ako ng takot pero okey lang hanggang alam kong kasama ko si Evo ay panatag na ako.

Maya-maya ay dumating na si Alyson. nagmano muna ito sa mga magulang niya at saka nagbiso-biso sa lolo't lola nito. Nanlaki ang mga mata nito ng mapansin naroon ako..

"What the hell are you doing here?" galit niyang tanong......

Itutuloy..............

Need comment please................






A Love In An Island chapter 16


Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                                 

                                                    A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga


Chapter 16

Mas hinigpitan niya ang pagkahawak sa braso ko para pwersahang ipasok ako sa loob ng kotse, malaki si kevin sa akin kaya wala akong laban sa lakas niya. Alam kong dala lang ito ng selos niya pero kailangan ko nang pangatawanan na hindi siya ang mahal ko.Habang nagmamatigas akong huwag pumasok sa kotse ay may narinig kami-si Evo.

"Bitiwan mo siya!, can't you see?. you're hurting him" sigaw ni Evo.Nagpang-abot na nga ang dalawa at alam kong ako ang naiipit sa sitwasyon, kinakabahan ako sa naka-ambang na mangyari at wala akong lakas para pigilan sila. Binitawan ako ni Kevin at humarap kay Evo.

"labas ka na dito parekoy."  kalmado niyang sagot kay Evo, muli siyang bumaling sa akin at hinawakan uli ako sa braso para pwersahang papasukin sa kotse. Lumapit din si Evo sa akin, hinawakan niya rin ako para pigilan si Kevin na maipasok ako sa loob ng sasakyan.

"Wag mo siyang pilitin Kevin kung ayaw niya" muling pakiusap ni Evo.

 "alam ko ang ginagawa ko. bestfriend ko ito eh" paliwanag ni kevin.

"That's why bestfriend mo siya!, hindi mo sana siya sinasaktan" sagot ni Evo.

"Eh bakit parang galit ka?..ikaw ba ang nasasaktan dito?..wag ka na kasing mangialam sa amin. nagmamarunong ka na naman para sabihing ikaw na ang idolo ng campus?"  galit na galit na singhal ni Kevin kay Evo. ngayon ko palang narinig si Kevin na nagsalita ng ganito, alam kong nasasaktan siya dahil sa akin kaya hindi na nito napigilan pa ang emosyon niya.

"Eh gago ka pala eh!" balik na sigaw ni Evo. lumapit ito kay kevin at sinunggaban ito ng suntok tumihaya si Kevin sa lakas ng suntok na tumama sa mukha niya. Mabilis naman itong tumayo at gumanti ng suntok kay Evo, sapul din sa mukha ang suntok niya. Kahit anong pigil ko ay wala parin akong nagawa dahil sa ang lalakas nila.

Dumagsa ang mag estudyanting nakiki-usyuso sa nangyayari ang iba'y nakahawak pa ng kanilang mga cellphone at kinukuhanan ang suntukan ng dalawa. Alam kong magiging malaking gusot ito dahil sa kapwa SSG leader ang dalawa, SSG President si Evo at SSG Vice president naman si Kevin ng campus.
Kahit alam ko mapapano lang ako pag sinubukan kong pumagitna uli ay mabilis akong pumagitna sa dalawa, sa kasamaang palad ay natamaan ako ng suntok dahilan para matumba ako sa lakas ng suntok, dumilim ang aking paningin hanggang sa nawalan ako ng malay.

Nagising akong nakahiga sa school clinic, pagmulat ko ng aking mata ay nakita kong nasa gilid ng kwarto ang dalawa at parang hindi mapakali. Napansin nilang nagkamalay tao na ako kaya halos sabay din silang lumapit sa tabi ng kama.
"Best?" tawag ni Kevin. tahimik naman si Evo parang walang away na nangyari lahat sila'y ang kalagayan ko ang iniisip.Lumipat ako ng posisyon. tumalikod ako sa kanila.

"Best I'm sorry..."

"Just leave me. both of you please!" galit kong sabi habang nakatalikod parin sa kanila.
Nakiramdam ako. narinig ko ang mga yapak nilang lumabas ng clinic, nagtext ako sa amin namagpapasundo tiningnan ko ang wrest watch ko-8 pm na pala.

"Iho okey ka na ba?" tanong ng school nurse namin na kakapasok lang ng clinic. bumangon ako at pinakiramdaman ang sarili, medyo nahihilo pa ako pero alam kong kaya ko na.

"Medyo okey na po ako" sagot ko dito.

"Ano ba kasi ang nangyari?..bakit ba kasi kayo nakikipagsuntukan sa isa't-isa?...buti nalang at walang gwardiya o guidance na nakakita kundi naku malilintikan kayo pagnagkataon." mahabang paliwanag sa akin ng matandang nurse.

"Sino po ang nagdala sa akin dito?" tanong ko.

"yung dalawang nandito kanina, binuhat ka nila " huminga ako ng malalim. Masyadong naguguluhan ako sa mga nangyayari, paano ko ba mamahalin s Evo ng hindi nasasaktan si Kevin. Ngayon pa lang nga na wala pang alam si kevin na mismong ang katunggali niya sa lahat ng bagay sa school ay karibal din niya mismo sa pag-ibig.

Sinundo ako ng Driver namin, pagdating ko sa bahay ay diritso ako sa aking kwarto wala akong ganang kumain o gumawa ng kahit ano. lumulutang sa kawalan ang aking isip, umiikot ito sa pagitan nina Kevin at Evo.

Mabuti nalang at kinabukasan ay sabado walang pasok kaya may panahon akong makapag-isip, sinadya kong wag i-turn on ang cellphone ko ng dalawang araw para maiwasan ang pangungulit ng dalawa. Wala akong ginawa sa boung araw kundi ang manoud ng T.V kasama si Kuya Niko.
Kinabukasan akala ko ay magkakaroon kami ng family day kaya lang kailangan daw ni Daddy na pumasok sa trabaho, ganun din si Mommy. Si kuya naman ay may lakad kasama ang mga barkada niya kaya naiwan akong mag-isa sa bahay.

Bandang alas-tres ng hapon ng napagdeskitahan ko ang bagong mountain bike ni kuya, sinakyan ko ito at nag bisikleta sa palibot ng subdivision namin. Mga tatlong ikot din ang nagawa ko bago tuluyang magdesisyong magpahinga sa harap ng gate namin. naka upo ako sa bermuda grass katabi ang nakahigang bike, nakatingala ako sa mga ulap.

"Ako ba ang iniisip mo?" nagulat ako sa boses na biglang sumulpot kung saan-saan. Tumingin ako sa kalsada at nakita ko ang naka motorsiklong itim at nakasuot ng kanyang black helmet. para siyang si Lee min hoo sa City hunter.

"Evo?" hula ko dito.Hinubad niya ang kanyang helmet at inilabas nito ang gwapong mukha.
"Kilala mo nga ako" nakangiti niyang sabi na para bang walang nangyari noong byernes ng gabi.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong.

"Syempre dinadalaw ka"

"Wala akong time." pakipot ko.

"Sorry na. ipinagtanggol lang naman kita sa bestfriend mong hilaw eh" pacute niyang sabi.

Wala akong naging sagot, tumalikod ako sa kanya at umaksyong papasok na sa loob ng gate. naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa baywang ko at boung lakas niya akong binuhat at isinakay sa motorsiklo, magsasalita pa sana ako pero mabilis niyang nilagay ang dala niyang isang helmet sa ulo ko. Wala na siyang pakialam sa kahit anong sinasabi ko dahil mabilis niyang pinatakbo ang motor niya, sa sobrang bilis nito ay napakapit ako ng mahigpit sa kanya.

Medyo madilim na ng makarating kami sa lugar kung saan niya ako dinala. Nasa mataas na lugar kami, at tanaw namin ang boung syudad nakakaakit tingnan. Naka-upo kami sa gilid ng highway, tahimik lamang akong nagmumuni-muni wala akong ganang makipag-usap sa kanya. Alam kong sa ilalim ng aking nararamdaman ay may nag-uumapaw na saya dahil kasama ko siya.

"Na miss agad kasi kita. Hindi kita makontak kaya ginawa ko ito" binasag niya ag katahimikan sa pagitan namin. tumabi siya ng upo sa akin at umakbay ito, hindi kami nakikita mula sa mga dumadaan na sasakyan dahil natatakpan kami ng isag makaling bato.

Malamig na ang ihip ng hangin pero sapat na sa akin ang init ng kanyang katawan.
"Galit ka pa ba sa nangyari?" muli niyang tanong.

"Kahit galit ako hindi naman kita matitiis." sagot ko. ngumiti siya sa akin, sinuklay niya gamit ng kanyang kamay ang aking buhok na tumakip sa aking mukha dahil sa dapya ng hangin.

"Sarap namang marinig na hindi mo ako kayang tiisin"  biro nito sa akin.

"Ang yabang mo"

"Hindi kaya, totoo naman ah" giit niya.

"Okey" maikli kong sagot para asarin siya.

Muling nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa, tanging mga puso namin ang siyang tahimik na nakikipag-usap na tila may mga sariling pag-iisip.

"Hindi ko alam kung bakit lagi akong masaya pagkasama kita" muli niyang binasag ang tahimik naming pagmumuni-muni.

"Ganun din naman ako"

"Maipangako mo bang mapanindigan natin ang pagmamahalan natin kahit anong balakid pa ang haharang sa atin?" seryoso niyang tanong.

"Basta't nandiyan ka Evo wala akong dapat ikatakot." isinandal ko ang ulo ko sa kanyang matipunong mga  dibdib, naramdaman ko ang paghalik nito sa aking buhok.

"Hanggang kailan tayo magtatago mula sa mga mata ng ibang tao?" tanong niyang muli.

"Hanggang kaya natin Evo, ayaw kong masira ka sa mga mata ng mga nagsusuporta sayo sa school, paano si Alyson?"

"Kaya kong tiisin basta't alam kong sa huli ikaw at ikaw parin ang makakasama ko Frans. Wala na kami ni Alyson kaya wala akong dapat problimahin sa kanya."

"Ang inaalala ko kasi Evo ay ang magiging reaksyon ng mga taong nakapalibot sa atin, paano pagnalaman ito ng mga magulang natin?. baka paglayuin nila tayo" ikinulong niya ako sa kanyang bisig.

"Dapat tayong maniwala at manindigan sa ating nararamdaman francis. yun lang."
Mga dalawang oras din kaming nasa ganung posisyon, madilim na ng nagdesisyon kaming umuwi dumaan muna kami sa plaza para bumili ng tempura, kwek-kwek at sago't gulaman. napakasaya naming dalawa na nakalimutan naming dalawa kaming lalaking nagmamahalan at walang pakealam sa mga taong nakakakita sa amin doon.

Pagkatapos ng masayang pamamasyal namin ay inihatid na niya ako sa amin.Mabuti nalang at nauna akong dumating kaysa sa kanila, naabutan ko pa ang mountain bike namin sa ganung posisyon na nakahiga sa bermuda grass sa labas ng gate.

"So paano papasok na ako." paalam ko sa kanya.

"wala bang ganito" tanong niya habang pinapahaba ang mapupulang labi niya.

"Ito gusto mo?" sagot ko habang itinaas ko ang aking kamao.

"Sabi ko nga" dismaya niyang sagot. isinuot na lamang niya ang kanyang helmet at saka pinaandar ang kanyang motorsiklo.

Maaga akong naka-tulog sa gabing iyon ni hindi ko na naramdaman ang pagdating nila Mommy. Kinabukasan ay hindi ko na hinintay pa ang pagsundo sa akin ni Kevin at mas lalong hindi ko siya inaasahang sunduin ako pagkatapos ng nangyari noong nakaraan linggo.

Nagpahatid ako sa aming driver, pagbaba ko sa entrance ng school ay napansin ko na para bang may kakaibang nangyayari sa school na hindi ko alam. pinagtitinginan ako ng mga estudyanting nakakasalubong o nadadaanan ko sa hallway, kinakabahan ako pero kailangan kong wag magpa-apekto.

"Friend wait" Si Kim. narinig ko ang tawag nito sa akin at tumatakbong papalapit sa akin.

"Oh?, para kang hinahabol ng limag rapist sa lagay mo ha?" biro ko sa kanya.

" Alam mo na ba?" mabilis niyang tanong sa akin.

"Ang alin?" naguguluhan kong tanong. nakita kong binuksan niya ang facebook niya sa kanyang I-phone.

"Heto oh?" pinakita niya sa akin ang isang post doon na may mukha ko, talagang pinaghirapang i-edit ang picture na may caption sa ilalim nito, parang pweding gawing cover photo ng isang teleserye halatang inaasar ako.

"BAKLANG MALANDI: ANG BET NG MGA CAMPUS HEART THROB"

Medyo nasaktan ako sa nabasa't nakita ko, oo alam kong ganun ako pero ni wala pa halos may alam sa school tungkol sa pagkatao ko tanging si Kim lang.

"Sino kayang may pakana nito para ikaw ang punteryahin?" naguguluhang tanong ni Kim.

"Hindi ko alam" mahina kong sagot, gusto kong umiyak sa hiya na aking nararamdaman.

"Friend okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kim. hinila niya ako sa isang tahimik na lugar sa loob ng campus.

Umupo kami sa isang bench, niyakap niya ako. Hindi ko na halos napigilan pa ang aking emosyon, ganun pala ang pakiramdam ng minamaliit ka ng mga taong nasa paligid mo. Para akong kriminal sa kanilang paningin.

"Best? are you okey?" narinig ko ang boses ni Kevin. kumalas ako sa pagkakayakap kay Kim, nagpunas ako ng aking mga luha at humarap sa kanya.

"Okey lang." bitter kong sagot.

"Wag kang mag-alala i-rereport natin ito sa guidance, cyber bullying itong ginagawa nila eh" paliwanag ni Kevin.

"Please don't, mas lalaki pa ang isyung ito pag pinatulan natin." paki-usap ko sa kanila. wala akong natanggap na sagot mula sa dalawang kaibigan ko kundi maikling pagtango lamang.

Binalot kami ng katahimikan, ayaw kong magsalita at lumulutang ang aking isip sa kawalan. Alam kong binibigyan ako ng panahon para maka pag-isip ng dalawang kaibigan ko kaya wala sa kanilang nangahas para basagin ang katahimikan.

"Friend?, kaya mo pa ba?" tanong sa akin ni Kim. Sinagot ko siya ng isang tango.
"Tara na mag-uumpisa na ang klase baka mahuli na tayo" yaya ni Kevin.
Inakay nila akong tumayo, nag-ayos muna ako ng sarili bago lumakad para sabayan ang dalawa. Sinadya kong yumuko para maiwasan ang mga mapang-husgang mata na nakatutok sa akin.
Nakasalubong namin sa hallway ang grupo nila Alyson.

"Well..well...well, here he come gurls!" ngiting asong pahayag ni Alyson. para itong modelong naglakad patungo sa kinaroroonan ko.

"YES?..." mataray na tanong ni Kim sa kanya.

"Hindi ikaw ang balak kong kausapin" mataray din niyang sagot dito. Dinaanan lang ito si Kim kasabay ng pagsagi nito sa katawan ni Kim dahilan para umalis ito mula sa pagkakaharang niya sa akin kay Alyson.
"Kundi ang malanding baklang ito" Sabi niya sa akin na pabulong.

"Alyson stop it!" kalmadong puna sa kanya ni Kevin.

"Ano ba kasing pinakain sa inyo ng baklang ito?" mahina niyang tanong kay Kevin.

"Look Alyson! wala siyang ginagawa...." pinutol ni Alyson ang dapat ay sasabihin ni Kevin.

"Mag-ingat ka FRANCIS, marami pa kaming hawak na makakapagpabagsak sa iyo. kaya kung ako sayo lubayan mo na siya."

Kumunot ang mga noo nina Kim at Kevin na tela ba nagtatanong kung sino ag tinutukoy ni Alyson. Wala akong ginawa kundi ang yumuko nalang para iwasan ang mga nagtatanong na mata ng dalawa kong kaibigan.

"Late na tayo!" bulong ni Kevin sa akin, hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad papunta sa aming klase.

Pagka-pasok ko sa room namin ay halos matunaw ako sa mga tingin ng aking ibang mga kaklase, hindi ko matukoy kung simpatya o tinging nanunukso ang mga iyon. Nakita ko ang nag-aalalang mga mata ni Evo sa akin, alam kong nasasakta sya sa mga nakikita niya sa akin.

Boung araw akong parang lutang sa loob ng klase, Ginagawa namang pawiin iyon ng dalawa kong kaibigan. Alam kong may atraso pa si Kevin sa akin dahil sa nangyari noong nakaraang linggo pero kailangan ko ng masasandalan ngayon.

Sa araw ding iyon ay may naka-schedule na Student forum sa aming auditorium at kaming tatlo nina Evo at Kevin ang inatasang mangunguna sa naturang forum. pag-uusapan ng boung student bodies ang gagawin naming project implementation para sa boung batch namin.

Kasama ko parin papunta sa auditorium sina Kim at Kevin, nasa itaas na ng stage si Evo at nagpe-present ng kanyang mga report. Halos mapuno ang malaking auditorium ng school sa dami ng mga estudyanting pumunta, Mahigit kalahating oras din ang hinintay ni Kevin bago nag-present ng sariling report. Magiliw ding naki-participate ang mga estudyante sa bawat proposal na inilalahad ni Kevin. Ako ang incharge sa visual presentation ng naturang project at hawak ko mismo sa kamay ko ang flash drive kung saan naka save ang mga video.

Naki-suyo ako sa isa kong kaklase na siya na ang mag-set ng video sa computer para mai-connect sa projector. nasa back stage kasi ng auditorium ang control room at kailangan ko rin humarap sa stage para sa pag-explain ng ilang slides. Ng nasa gitna na ako ng stage ay medyo kinabahan ako first time kong humarap sa napakaraming estudyante. Noong una'y pinagpapawisan pa ako habang nagsasalita sa harap medyo tinamaan kasi ako ng matinding hiya, di naglaon ay naging masigla rin ang pag-pepresent ko dahil sa interaction ng mga estudyante.

Nasa kalagitnaan na ako ng presentation ng nagka malfunction ang video, bigla itong naputol. alam kong na-edit ko iyon ng maayos kaya sigurado akong walang palpak sa ginawa ko. Sumilip ako sa control room , nakita kong wala doon yung kaklase kong pinaki-usapan ko. bumalik ako sa harap ng stage para ipagpatuloy nalang kahit walang video presentation, ngunit sobrang gulat ko dahil sa pagpabalik ko ay isang stolen video ang nagpi-play sa malaking projector.

kuha iyon sa parking lot ng school kung saan naghihilaan sina Evo at Kevin sa akin. Naka mute ang video kaya ang unang iisipin ng maka kakita ng video ay isang love triangle ang nangyayari.

Lumakas ang bulungan sa boung auditorium, para akong matutunaw sa aking kinatatayuan.Ng matapos ang videong iyon ay isang litrato nanaman ang lumutang, mga litrato namin ni Evo kahapon ng sinundo niya ako sa bahay. May litrato kaming nakaupo habang nakasandal ako sa dibdib niya sa likod ng isang malaking bato na nasa gilid lang ng highway. sinundan pa iyon ng maraming stolen picture namin. Hindi ko lubos akalaing may nagmamanman sa bawat galaw namin.

Nakita ko si kevin na umalis sa auditorium, mabilis siyang hinabol ni Kim. Naiwan akong mag-isa sa harap ng mga nangungutyang mga mata. Hindi ko na halos maigalaw ang aking mga paa sa hiya at pagkadismaya. Ilang segundo pa ang lumipas ng maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa akin, niyakap muna ako nito bago  inakay  palabas ng auditorium . May narinig akong palakpakan at naghihiyawan na tila ba kinikilig sa ginawa ng taong yumakap sa akin.

"Hindi kita pababayaang mag-isa doon" bulong niya sa akin ng makalabas kami ng auditorium. tumingin ako sa kanyang mukha at laking tuwa ko dahil si Evo ang lalaking iyon, hindi ako makapaniwalang kaya niya akong ipaglaban sa harap ng napakaraming estudyante. Hindi na niya inisip pa ang mga magiging reaksyon ng mga humahanga sa kanya. Doon ko napatunayan na mahal na mahal niya ako at kaya niya akong ipaglaban kapalit ng kung ano man ang meron siya.

Napayakap ako ng sobra sa kanya.sa sobrang saya lungkot, takot at pag-aalala ay hindi ko na nakayanang itago ang nararamdaman ko, umiyak ako na parang bata habang nakakulong ako sa mga braso niya. Nasa labas kami ng Auditorium ng mga oras na iyon, Wala kaming pakialam sa mga matang nakatingin sa amin. Alam kong may ibang estudyanting humanga sa aming kakaibang relasyon, sila yung mga tipo ng tao na bukas ang pananaw sa mga bagay-bagay at meron namang nandidiri o di kaya'y naiinis sa aming relasyon.
Alam kong hindi pa ako handa para ilabas ang totoong ako pero heto na to at dapat ko ng panindigan kapalit ng aking kasiyahan. Kung nakaya akong panindigan ng taong mahal ko kakayanin ko rin alang-alang sa aming pag-iibigan. Alam kong sa mga susunod na araw ay hindi hamak na panlalait at insulto ang matatanggap ko pero ayos lang dahil para naman ito sa mahal ko.

 Dinala ako ni Evo sa bandang likuran ng school namin kung saan tahimik at wala masyadong mga tao. Pilit niya akong pinakakalma sa emosyong aking nararamdaman, Nakakulong parin ako sa mga bisig niya bagay na nakakapagpagaan sa akin.

"Wow sweet naman!" isang boses mula sa aking likuran na sinabayan pa niya ng tatlong magkasunod na palakpak. kumalas ako mula sa pagkakayakap sa akin ni Evo.

Nang humarap ako ay isang galit na Alyson ang aking nasilayan kasama ang mga aliporis nito. Nabigla kami sa sumunod niyang naging aksyon, mabilis itong lumapit sa akin at binigyan ako ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi. Babawian pa sana niya ng sampal ang kanang pisngi ko pero maagap siyang napigilan ni Evo.

"Don't you dare hurting him again or else...."

"Or else what?...." putol ni Alyson sa dapat na sasabihin ni Evo.

"Ano ba kasing meron sa baklang iyan at ipinagpalit mo ako sa kanya Evo?, what the hell are doing to yourself?" nagpupuyos sa galit si Alyson.

"Wala siyang ginagawa Alyson, Wala na tayo kaya wala ka ng karapatan pang panghimasukan ang buhay pag-ibig ko" kalmadong sagot ni Evo.

"Pag-ibig?...are you insane?..sa baklang yan. alam mo ba ang pinagagawa mo sa sarili mo?"

"The hell you care about me?..about us?..alam ko ang ginagawa ko at wala kang karapatang kwestyunin ang buhay pag-ibig ko. you're not worth loving for to judge us that way" maanghang na sagot ni Evo sa kanya.

"Alam mo ba kung ano ang mawawala sayo Evo?, paano pagnalaman ito ng Daddy mo?, hindi mo ba alam na nakaset na ang arranged engagement natin?"

Nagulat ako sa mga naging rebelasyon ni Alyson, naka arranged na pala ang engagement nila. tumingin muna si Evo sa akin bago sumagot kay Alyson.Ramdam kong humihingi ito ng tiwala mula sa akin kaya sinagot ko ito ng isang tipid na tango.

"Wala akong alam at wala akong balak na sakyan ang mga pakulo ninyo" sa sagot na iyon ni Evo ay mas lalong tumindi ang galit ni Alyson. susugurin pa sana ako nitong muli pero hinila ako ni Evo at itinago sa kanyang likuran.Inawat naman si Alyson ng kanyang mga Aliporis at hinila palayo sa amin.
Muli kaming natahimik ni Evo.

"Okey ka lang?" tanong niya sa akin. Sa mga panahong iyon ay wala akong ganang magsalita dahil sa nalilito ako kaya isang hilaw na ngiti ang tanging sagot ko dito.

"Wag kang matatakot. Pangako hangga't hindi mo ako binibitawan ay ipaglalaban kita" muli niya akong niyakap. Masarap sa puso ang marinig mula sa taong mahal mo ang mga katagang iyon, kahit na alam mong may nagbabadyang unos sa inyong relasyon mas matimbang ang saya kaysa sa takot sa tuwing kasama mo siya at nararamdaman.

Napansin kong paparating si Kim sa kinaroroonan namin ni Evo, halatang galit pero kalmado ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Francis pwede ba kitang makausap?" pakiusap niya. Ngayon ko lamang siyang nakitang ganito magalit parang napakaseryoso. hindi rin niya ako tinawag na "Friend" kundi ang pangalan ko mismo ang ginamit niya kaya alam kong galit siya sa akin.

Nahulaan naman ni Evo ang gustong mangyari ni Kim, umalis muna ito sa aking tabi para mabigyan kami ng pribadong oras ni Kim para makapag-usap.

"Tungkol ba ito sa nangyari kanina?" inunahan ko na siya.

"bakit mo inilihim ito sa akin?..sa amin?" tanong niya.

"Wala akong balak maglihim friend."

"pero nagawa mo" may diin niyang sabi.

"friend, ayaw kong maglihim pero ayaw ko ding masaktan si Kevin"

"Nasaktan mo na siya"

"Alam ko...kung alam mo lang kung gaano kahirap sa aking itago ang lahat. gusto kong kausapin siya para
 sabihin pero sa tuwing sinasabi ko sa kanya na hanggang kaibigan lang kami ay nagmamatigas siya..mahal ko siya at nasasaktan din ako pagnakikitang nasasaktan siya. sa tingin mo saan ko dapat ilugar ang sarili ko?"
Bumuntong hininga muna ito bago muling sumagot.

"Alam kong alam mo kung gaano ka niya kamahal pero nagawa mo siyang saktan. Alam mo bang may mga taong nagmamahal sa kanya pero hindi niya napapansin dahil ikaw lagi ang nakikita niya?. sana naman maging patas ka sa kanya." bigla itong tumayo dahilan para mapahawak ako sa kamay niya.

"Friend?" pakiusap ko. tumingin ito sa ibang deriksyon para iwasan ang mga nakikiusap kong mata. nahihiwagaan ako sa mga sinabi niya pero wala na akong panahon para alamin, pa ang gusto ko lang sa ngayon ay ang mapatawad ako ng dalawa kong mga kaibigan.

"Kailangan ko ng umalis" tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya at naglakad.

"I'm sorry friend" tanging nasabi ko. pinagmasdan ko siyang umalis papalayo mula sa kinaroroonan ko.
Naramdaman ko ang mga kamay ni Evo mula sa aking likuran na yumakap sa akin.

"Hindi talaga maiwasan na may masaktang damdamin para sa isang pag-iibigan, sooner or later maiintindihan din nila na kung bakit mo iyon nagawa." bulong niya sa akin.

Hindi na kami nagtagal pa sa loob ng campus. Pumunta kami ni Evo kahit saan, nagpakasaya na para bang walang pinagdadaanang problima. nanood kami ng sine, kumain sa isang mamahaling restuarant at naglaro sa quantum. Halos magdadapit hapon na ng maisipan naming mamasyal sa manila bay. Magkatabi kaming umupo at masayang nakaharap sa dagat at pinagmamasdan ang papalubog ng araw.  naka-akbay ito sa akin hindi alintana ang mga nakakakita doon sa amin, para sa amin kami lang ang tao sa mundo kaya hindi namin nararamdaman ang kahit anong hiya sa tuwing nagkakasama kami.

"Hindi ka ba natatakot sa mga mangyayari?" tanong ko sa kanya.

"Wala akong dapat ikatakot. mahal kita at mahal mo ako, kaya may karapatan tayong ipaglaban ang sa tingin natin ay makakapagpaligaya sa atin."  hinigpitan niya lalo ang pagkakaakbay sa akin at kinabig ako palapit sa kanya.

"Sana kasi doon nalang tayo sa isla" biro niya.

"Ayaw ko nga" sagot ko. tumawa ito sa naging reaksyon ko.

"biro lang..."

"paano ang engagement niyo ni Alyson?. mukhang magkasundo pala ang pamilya niyo" tanong ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala, ako na ang bahala doon. Ang tanging gawin mo ay magtiwala at mangakong ipaglaban mo rin ako tulad ng gagawin kong paglaban na ikaw lang ang mamahalin ko. Simula ngayon kasama ka  na sa mga bubuohin kong pangarap, tandaan mo lagi na hindi ako sasaya kung wala ka dahil hindi ito buo."
"Salamat.. tatandaan ko lahat ng yan"

Hindi kami nag-uusap pero ramdam namin ang bawat pagtibok ng aming mga puso. Alam kong mahirap ang mga magiging sitwasyon namin sa mga susunod na araw , hangga't alam kong lumalaban si Evo para sa akin ay lalaban din ako para sa kanya.

Gabi na ng maihatid niya ako sa bahay, hindi ko na siya pinapasok pa dahil baka magka-komplikasyon pa sa loob. wala akong alam sa mga mangyayari pagpasok ko sa bahay, hindi rin ako sigurado kung alam na ba ito ng mga magulang ko. Sikat sa Business world si Daddy sa boung bansa at marami siyang foundation na tinutulungan at isa na doon ang aming school. Takot man akong unahan ang kung ano man ang mangyayari pero may kutob na akong naibalita na ito ng guidance sa kanila.

Walang alam ang pamilya ko tungkol sa tunay kong pagkatao, pilit kong inilihim ito dahil alam kong galit si Daddy sa mga katulad ko. Wala siyang ibang panagarap sa amin ni Kuya kundi ang sumunod sa mga yapak niya at bigyan siya ng maraming apo. Gusto ko mang sundi iyo pero parang napakahirap na para sa akin.
Malakas ang pagtibok ng puso ko, pinagpapawisan ako sa kaba. hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko sa loob ng bahay pagkapasok ko. Dahan dahan kong pinihit ang pintuan, nagulat ako ng madatnan sila na tahimik na naghihintay sa akin sa sala. Kitang-kita ko sa mga mata ni Daddy ang galit at may kung anong nagbabadyang mangyayari ang naka-abang.

"Mom, Dad good eve po. sorry kung..."

"Anong ibig sabihin nito?" putol na tanong sa akin ni Daddy. May hawak siyang tablet at naka-play sa tab yung mga slides picture namin ni Evo.

"Dad. I'm sorry" ang tanging nasabi ko at saka yumuko. hindi ko kayang tingnan ng diritso si Daddy.
"BAKLA KA BA?" tanong niya sa akin sa pasigaw na paraan. Wala akong naibigay na sagot nanatili akong nakayuko, sa puntong iyon ay umagos ang masaganang luha sa aking mga mata. wala akong ibang iniisip kundi si Evo. gusto kong palakasin ang loob ko sa pamamagitan ng pag-iisip sa kanya.

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO. BAKLA KABA?" Muling tanong ni Daddy.

"Hon wag mo namang sigawan ang bata" sabat ni Mommy. Sa unang pagkakataon mula noon ay ngayong lang ako naipagtanggol ni Mommy.

"OPO!" Lakas loob kong sagot kahit na bumabaybay na ang mga luha  sa aking mga mata.

"Put****g i***a" galit na galit si Daddy ng marinig ang kompirmasyon ko sa aking pagkatao.

"Francis wag kang magbiro ng ganyan sa Daddy mo. sabihin mong nagbibiro ka lang anak." pakiusap ni Mommy. Napansin kong tumayo si Kuya na kanina pa nakikinig sa amin at naglakad paakyat sa kanyang kwarto. Alam kong maging siya ay hindi tanggap ang naging kompirmasyon ko.
Sinugod ako ni Daddy, kwenilyuhan niya ako at isinampa sa pader. pinipigilan siya ni Mommy pero walang kasing tigas ang paninindigan ni Daddy.

"May relasyon ka ba sa anak ni Mr. Thompson?" nangigigil niyang tanong sa akin. nanginginig ako sa kung ano man ang gagawin sa akin ni daddy kung malaman niyang may relasyon kami ni Evo. Alam kong hindi pa siya nakakarecover sa mga nalaman niya at paano pa kaya sa susunod niyang malalaman. BAHALA NA! yun ang tanging nasa isip ko.

"SAGUTIN MO ANG TANONG KO" sigaw ni Daddy habang hinigpitan pa niya ang pagkasalampak sa akin sa pader.

"totoo po Dad, I"m sorry po" umiiyak kong sagot, para akong batang humihingi ng pang-unawa. natigilan si Daddy binitawan niya ako sandali, isang malakas na suntok sa aking tiyan ang hindi ko inaasahan na gagawin niya. napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit, lalapitan sana ako ni Mommy ngunit pinigilan siya ni Daddy.
"Hayaan mo siyang matuto, At ayaw kong tratuhin siya na parang babae. hindi tayo magkakasundo hanggang hindi mo sasabihing lalaki ka. Hindi mo ba alam na mga traidor ang pamilya ng taong kinakarelasyon mo?" nabigla ako sa sinabi ni Daddy.

"Ang kompanya nila ang lihim na gumagapang sa mga major investor ng ating kompanya. isang traidor ang ama ng lalaking yan." tukoy niya kay Evo.

"Simula ngayon kong gusto mong ibalik pa ang trato ko sa iyo....magpakalalaki ka. at binabawalan kitang lumapit sa lalaking yan o kung sino man mula sa mga thompson" huling sinabi ni Daddy bago ito umalis at pumasok sa kanilang kwarto.

Akala ko lalapitan ako ni Mommy para amuhin, ngunit mas inuna niya si Daddy. sinundan niya ito upang pakalmahin. Sa mga oras na iyon ay parang wala akong lakas na tumayo mula sa aking kinauupoan, sa isang iglap ay bumalik sa dati ang tingin nila sa akin at ang pinakamas malala  pa ay alam na nila na bakla ako.
Walang humpay ang pagtulo ng aking mga luha. napakasakit palang maramdaman na wala kang karamay mula sa sarili mong pamilya sa mga panahon na hindi ka naiintindihan ng mundo.Hindi ko ginusto ang ganitong pagkatao pero bakit parang tratuhin ako ni Daddy ay isa akong kriminal. Dapat ba may kondisyon ang lahat bago niya sabihing anak ka niya?. kung mahal niya ako di ba dapat kaya niyang tanggapin kahit ano paman ako?.......Halos mawalan ako ng lakas at hininga sa sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. naramdaman kong inalalayan ako ni yaya na tumayo at paakyat sa aking silid.
Hindi man kasing dali ang lahat pero ayaw kong isuko ang pagmamahal ko kay Evo. Alam kong malalagpasan din namin ito.

Itutuloy.................

PLEASE MAG COMMENT NAMAN PO KAYO....