Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 16
Mas hinigpitan niya ang pagkahawak sa braso ko para pwersahang ipasok ako
sa loob ng kotse, malaki si kevin sa akin kaya wala akong laban sa lakas niya.
Alam kong dala lang ito ng selos niya pero kailangan ko nang pangatawanan na
hindi siya ang mahal ko.Habang nagmamatigas akong huwag pumasok sa kotse ay may narinig kami-si
Evo.
"Bitiwan mo siya!, can't you see?. you're hurting him" sigaw ni
Evo.Nagpang-abot na nga ang dalawa at alam kong ako ang naiipit sa sitwasyon,
kinakabahan ako sa naka-ambang na mangyari at wala akong lakas para pigilan
sila. Binitawan ako ni Kevin at humarap kay Evo.
"labas ka na dito parekoy."
kalmado niyang sagot kay Evo, muli siyang bumaling sa akin at hinawakan
uli ako sa braso para pwersahang papasukin sa kotse. Lumapit din si Evo sa
akin, hinawakan niya rin ako para pigilan si Kevin na maipasok ako sa loob ng
sasakyan.
"Wag mo siyang pilitin Kevin kung ayaw niya" muling pakiusap ni
Evo.
"alam ko ang ginagawa ko.
bestfriend ko ito eh" paliwanag ni kevin.
"That's why bestfriend mo siya!, hindi mo sana siya sinasaktan"
sagot ni Evo.
"Eh bakit parang galit ka?..ikaw ba ang nasasaktan dito?..wag ka na
kasing mangialam sa amin. nagmamarunong ka na naman para sabihing ikaw na ang
idolo ng campus?" galit na galit na
singhal ni Kevin kay Evo. ngayon ko palang narinig si Kevin na nagsalita ng
ganito, alam kong nasasaktan siya dahil sa akin kaya hindi na nito napigilan pa
ang emosyon niya.
"Eh gago ka pala eh!" balik na sigaw ni Evo. lumapit ito kay
kevin at sinunggaban ito ng suntok tumihaya si Kevin sa lakas ng suntok na
tumama sa mukha niya. Mabilis naman itong tumayo at gumanti ng suntok kay Evo,
sapul din sa mukha ang suntok niya. Kahit anong pigil ko ay wala parin akong
nagawa dahil sa ang lalakas nila.
Dumagsa ang mag estudyanting nakiki-usyuso sa nangyayari ang iba'y
nakahawak pa ng kanilang mga cellphone at kinukuhanan ang suntukan ng dalawa.
Alam kong magiging malaking gusot ito dahil sa kapwa SSG leader ang dalawa, SSG
President si Evo at SSG Vice president naman si Kevin ng campus.
Kahit alam ko mapapano lang ako pag sinubukan kong pumagitna uli ay mabilis
akong pumagitna sa dalawa, sa kasamaang palad ay natamaan ako ng suntok dahilan
para matumba ako sa lakas ng suntok, dumilim ang aking paningin hanggang sa
nawalan ako ng malay.
Nagising akong nakahiga sa school clinic, pagmulat ko ng aking mata ay
nakita kong nasa gilid ng kwarto ang dalawa at parang hindi mapakali. Napansin
nilang nagkamalay tao na ako kaya halos sabay din silang lumapit sa tabi ng
kama.
"Best?" tawag ni Kevin. tahimik naman si Evo parang walang away
na nangyari lahat sila'y ang kalagayan ko ang iniisip.Lumipat ako ng posisyon. tumalikod ako sa kanila.
"Best I'm sorry..."
"Just leave me. both of you please!" galit kong sabi habang
nakatalikod parin sa kanila.
Nakiramdam ako. narinig ko ang mga yapak nilang lumabas ng clinic, nagtext
ako sa amin namagpapasundo tiningnan ko ang wrest watch ko-8 pm na pala.
"Iho okey ka na ba?" tanong ng school nurse namin na kakapasok
lang ng clinic. bumangon ako at pinakiramdaman ang sarili, medyo nahihilo pa
ako pero alam kong kaya ko na.
"Medyo okey na po ako" sagot ko dito.
"Ano ba kasi ang nangyari?..bakit ba kasi kayo nakikipagsuntukan sa
isa't-isa?...buti nalang at walang gwardiya o guidance na nakakita kundi naku
malilintikan kayo pagnagkataon." mahabang paliwanag sa akin ng matandang
nurse.
"Sino po ang nagdala sa akin dito?" tanong ko.
"yung dalawang nandito kanina, binuhat ka nila " huminga ako ng
malalim. Masyadong naguguluhan ako sa mga nangyayari, paano ko ba mamahalin s
Evo ng hindi nasasaktan si Kevin. Ngayon pa lang nga na wala pang alam si kevin
na mismong ang katunggali niya sa lahat ng bagay sa school ay karibal din niya
mismo sa pag-ibig.
Sinundo ako ng Driver namin, pagdating ko sa bahay ay diritso ako sa aking
kwarto wala akong ganang kumain o gumawa ng kahit ano. lumulutang sa kawalan
ang aking isip, umiikot ito sa pagitan nina Kevin at Evo.
Mabuti nalang at kinabukasan ay sabado walang pasok kaya may panahon akong
makapag-isip, sinadya kong wag i-turn on ang cellphone ko ng dalawang araw para
maiwasan ang pangungulit ng dalawa. Wala akong ginawa sa boung araw kundi ang
manoud ng T.V kasama si Kuya Niko.
Kinabukasan akala ko ay magkakaroon kami ng family day kaya lang kailangan
daw ni Daddy na pumasok sa trabaho, ganun din si Mommy. Si kuya naman ay may
lakad kasama ang mga barkada niya kaya naiwan akong mag-isa sa bahay.
Bandang alas-tres ng hapon ng napagdeskitahan ko ang bagong mountain bike
ni kuya, sinakyan ko ito at nag bisikleta sa palibot ng subdivision namin. Mga
tatlong ikot din ang nagawa ko bago tuluyang magdesisyong magpahinga sa harap
ng gate namin. naka upo ako sa bermuda grass katabi ang nakahigang bike,
nakatingala ako sa mga ulap.
"Ako ba ang iniisip mo?" nagulat ako sa boses na biglang sumulpot
kung saan-saan. Tumingin ako sa kalsada at nakita ko ang naka motorsiklong itim
at nakasuot ng kanyang black helmet. para siyang si Lee min hoo sa City hunter.
"Evo?" hula ko dito.Hinubad niya ang kanyang helmet at inilabas nito ang gwapong mukha.
"Kilala mo nga ako" nakangiti niyang sabi na para bang walang
nangyari noong byernes ng gabi.
"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong.
"Syempre dinadalaw ka"
"Wala akong time." pakipot ko.
"Sorry na. ipinagtanggol lang naman kita sa bestfriend mong hilaw
eh" pacute niyang sabi.
Wala akong naging sagot, tumalikod ako sa kanya at umaksyong papasok na sa
loob ng gate. naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa baywang ko at boung
lakas niya akong binuhat at isinakay sa motorsiklo, magsasalita pa sana ako
pero mabilis niyang nilagay ang dala niyang isang helmet sa ulo ko. Wala na
siyang pakialam sa kahit anong sinasabi ko dahil mabilis niyang pinatakbo ang
motor niya, sa sobrang bilis nito ay napakapit ako ng mahigpit sa kanya.
Medyo madilim na ng makarating kami sa lugar kung saan niya ako dinala.
Nasa mataas na lugar kami, at tanaw namin ang boung syudad nakakaakit tingnan.
Naka-upo kami sa gilid ng highway, tahimik lamang akong nagmumuni-muni wala
akong ganang makipag-usap sa kanya. Alam kong sa ilalim ng aking nararamdaman
ay may nag-uumapaw na saya dahil kasama ko siya.
"Na miss agad kasi kita. Hindi kita makontak kaya ginawa ko ito"
binasag niya ag katahimikan sa pagitan namin. tumabi siya ng upo sa akin at
umakbay ito, hindi kami nakikita mula sa mga dumadaan na sasakyan dahil
natatakpan kami ng isag makaling bato.
Malamig na ang ihip ng hangin pero sapat na sa akin ang init ng kanyang
katawan.
"Galit ka pa ba sa nangyari?" muli niyang tanong.
"Kahit galit ako hindi naman kita matitiis." sagot ko. ngumiti
siya sa akin, sinuklay niya gamit ng kanyang kamay ang aking buhok na tumakip
sa aking mukha dahil sa dapya ng hangin.
"Sarap namang marinig na hindi mo ako kayang tiisin" biro nito sa akin.
"Ang yabang mo"
"Hindi kaya, totoo naman ah" giit niya.
"Okey" maikli kong sagot para asarin siya.
Muling nangibabaw ang katahimikan sa aming dalawa, tanging mga puso namin
ang siyang tahimik na nakikipag-usap na tila may mga sariling pag-iisip.
"Hindi ko alam kung bakit lagi akong masaya pagkasama kita" muli
niyang binasag ang tahimik naming pagmumuni-muni.
"Ganun din naman ako"
"Maipangako mo bang mapanindigan natin ang pagmamahalan natin kahit
anong balakid pa ang haharang sa atin?" seryoso niyang tanong.
"Basta't nandiyan ka Evo wala akong dapat ikatakot." isinandal ko
ang ulo ko sa kanyang matipunong mga
dibdib, naramdaman ko ang paghalik nito sa aking buhok.
"Hanggang kailan tayo magtatago mula sa mga mata ng ibang tao?"
tanong niyang muli.
"Hanggang kaya natin Evo, ayaw kong masira ka sa mga mata ng mga
nagsusuporta sayo sa school, paano si Alyson?"
"Kaya kong tiisin basta't alam kong sa huli ikaw at ikaw parin ang
makakasama ko Frans. Wala na kami ni Alyson kaya wala akong dapat problimahin
sa kanya."
"Ang inaalala ko kasi Evo ay ang magiging reaksyon ng mga taong
nakapalibot sa atin, paano pagnalaman ito ng mga magulang natin?. baka
paglayuin nila tayo" ikinulong niya ako sa kanyang bisig.
"Dapat tayong maniwala at manindigan sa ating nararamdaman francis.
yun lang."
Mga dalawang oras din kaming nasa ganung posisyon, madilim na ng
nagdesisyon kaming umuwi dumaan muna kami sa plaza para bumili ng tempura,
kwek-kwek at sago't gulaman. napakasaya naming dalawa na nakalimutan naming
dalawa kaming lalaking nagmamahalan at walang pakealam sa mga taong nakakakita
sa amin doon.
Pagkatapos ng masayang pamamasyal namin ay inihatid na niya ako sa
amin.Mabuti nalang at nauna akong dumating kaysa sa kanila, naabutan ko pa ang
mountain bike namin sa ganung posisyon na nakahiga sa bermuda grass sa labas ng
gate.
"So paano papasok na ako." paalam ko sa kanya.
"wala bang ganito" tanong niya habang pinapahaba ang mapupulang
labi niya.
"Ito gusto mo?" sagot ko habang itinaas ko ang aking kamao.
"Sabi ko nga" dismaya niyang sagot. isinuot na lamang niya ang
kanyang helmet at saka pinaandar ang kanyang motorsiklo.
Maaga akong naka-tulog sa gabing iyon ni hindi ko na naramdaman ang
pagdating nila Mommy. Kinabukasan ay hindi ko na hinintay pa ang pagsundo sa
akin ni Kevin at mas lalong hindi ko siya inaasahang sunduin ako pagkatapos ng
nangyari noong nakaraan linggo.
Nagpahatid ako sa aming driver, pagbaba ko sa entrance ng school ay
napansin ko na para bang may kakaibang nangyayari sa school na hindi ko alam.
pinagtitinginan ako ng mga estudyanting nakakasalubong o nadadaanan ko sa
hallway, kinakabahan ako pero kailangan kong wag magpa-apekto.
"Friend wait" Si Kim. narinig ko ang tawag nito sa akin at
tumatakbong papalapit sa akin.
"Oh?, para kang hinahabol ng limag rapist sa lagay mo ha?" biro
ko sa kanya.
" Alam mo na ba?" mabilis niyang tanong sa akin.
"Ang alin?" naguguluhan kong tanong. nakita kong binuksan niya
ang facebook niya sa kanyang I-phone.
"Heto oh?" pinakita niya sa akin ang isang post doon na may mukha
ko, talagang pinaghirapang i-edit ang picture na may caption sa ilalim nito,
parang pweding gawing cover photo ng isang teleserye halatang inaasar ako.
"BAKLANG MALANDI: ANG BET NG MGA CAMPUS HEART THROB"
Medyo nasaktan ako sa nabasa't nakita ko, oo alam kong ganun ako pero ni
wala pa halos may alam sa school tungkol sa pagkatao ko tanging si Kim lang.
"Sino kayang may pakana nito para ikaw ang punteryahin?"
naguguluhang tanong ni Kim.
"Hindi ko alam" mahina kong sagot, gusto kong umiyak sa hiya na
aking nararamdaman.
"Friend okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Kim.
hinila niya ako sa isang tahimik na lugar sa loob ng campus.
Umupo kami sa isang bench, niyakap niya ako. Hindi ko na halos napigilan pa
ang aking emosyon, ganun pala ang pakiramdam ng minamaliit ka ng mga taong nasa
paligid mo. Para akong kriminal sa kanilang paningin.
"Best? are you okey?" narinig ko ang boses ni Kevin. kumalas ako
sa pagkakayakap kay Kim, nagpunas ako ng aking mga luha at humarap sa kanya.
"Okey lang." bitter kong sagot.
"Wag kang mag-alala i-rereport natin ito sa guidance, cyber bullying
itong ginagawa nila eh" paliwanag ni Kevin.
"Please don't, mas lalaki pa ang isyung ito pag pinatulan natin."
paki-usap ko sa kanila. wala akong natanggap na sagot mula sa dalawang kaibigan
ko kundi maikling pagtango lamang.
Binalot kami ng katahimikan, ayaw kong magsalita at lumulutang ang aking
isip sa kawalan. Alam kong binibigyan ako ng panahon para maka pag-isip ng
dalawang kaibigan ko kaya wala sa kanilang nangahas para basagin ang
katahimikan.
"Friend?, kaya mo pa ba?" tanong sa akin ni Kim. Sinagot ko siya
ng isang tango.
"Tara na mag-uumpisa na ang klase baka mahuli na tayo" yaya ni
Kevin.
Inakay nila akong tumayo, nag-ayos muna ako ng sarili bago lumakad para
sabayan ang dalawa. Sinadya kong yumuko para maiwasan ang mga mapang-husgang
mata na nakatutok sa akin.
Nakasalubong namin sa hallway ang grupo nila Alyson.
"Well..well...well, here he come gurls!" ngiting asong pahayag ni
Alyson. para itong modelong naglakad patungo sa kinaroroonan ko.
"YES?..." mataray na tanong ni Kim sa kanya.
"Hindi ikaw ang balak kong kausapin" mataray din niyang sagot
dito. Dinaanan lang ito si Kim kasabay ng pagsagi nito sa katawan ni Kim
dahilan para umalis ito mula sa pagkakaharang niya sa akin kay Alyson.
"Kundi ang malanding baklang ito" Sabi niya sa akin na pabulong.
"Alyson stop it!" kalmadong puna sa kanya ni Kevin.
"Ano ba kasing pinakain sa inyo ng baklang ito?" mahina niyang
tanong kay Kevin.
"Look Alyson! wala siyang ginagawa...." pinutol ni Alyson ang
dapat ay sasabihin ni Kevin.
"Mag-ingat ka FRANCIS, marami pa kaming hawak na makakapagpabagsak sa
iyo. kaya kung ako sayo lubayan mo na siya."
Kumunot ang mga noo nina Kim at Kevin na tela ba nagtatanong kung sino ag
tinutukoy ni Alyson. Wala akong ginawa kundi ang yumuko nalang para iwasan ang
mga nagtatanong na mata ng dalawa kong kaibigan.
"Late na tayo!" bulong ni Kevin sa akin, hinawakan niya ang kamay
ko habang naglalakad papunta sa aming klase.
Pagka-pasok ko sa room namin ay halos matunaw ako sa mga tingin ng aking
ibang mga kaklase, hindi ko matukoy kung simpatya o tinging nanunukso ang mga
iyon. Nakita ko ang nag-aalalang mga mata ni Evo sa akin, alam kong nasasakta
sya sa mga nakikita niya sa akin.
Boung araw akong parang lutang sa loob ng klase, Ginagawa namang pawiin
iyon ng dalawa kong kaibigan. Alam kong may atraso pa si Kevin sa akin dahil sa
nangyari noong nakaraang linggo pero kailangan ko ng masasandalan ngayon.
Sa araw ding iyon ay may naka-schedule na Student forum sa aming auditorium
at kaming tatlo nina Evo at Kevin ang inatasang mangunguna sa naturang forum.
pag-uusapan ng boung student bodies ang gagawin naming project implementation
para sa boung batch namin.
Kasama ko parin papunta sa auditorium sina Kim at Kevin, nasa itaas na ng
stage si Evo at nagpe-present ng kanyang mga report. Halos mapuno ang malaking
auditorium ng school sa dami ng mga estudyanting pumunta, Mahigit kalahating
oras din ang hinintay ni Kevin bago nag-present ng sariling report. Magiliw
ding naki-participate ang mga estudyante sa bawat proposal na inilalahad ni
Kevin. Ako ang incharge sa visual presentation ng naturang project at hawak ko
mismo sa kamay ko ang flash drive kung saan naka save ang mga video.
Naki-suyo ako sa isa kong kaklase na siya na ang mag-set ng video sa
computer para mai-connect sa projector. nasa back stage kasi ng auditorium ang
control room at kailangan ko rin humarap sa stage para sa pag-explain ng ilang
slides. Ng nasa gitna na ako ng stage ay medyo kinabahan ako first time kong
humarap sa napakaraming estudyante. Noong una'y pinagpapawisan pa ako habang
nagsasalita sa harap medyo tinamaan kasi ako ng matinding hiya, di naglaon ay
naging masigla rin ang pag-pepresent ko dahil sa interaction ng mga estudyante.
Nasa kalagitnaan na ako ng presentation ng nagka malfunction ang video, bigla
itong naputol. alam kong na-edit ko iyon ng maayos kaya sigurado akong walang
palpak sa ginawa ko. Sumilip ako sa control room , nakita kong wala doon yung
kaklase kong pinaki-usapan ko. bumalik ako sa harap ng stage para ipagpatuloy
nalang kahit walang video presentation, ngunit sobrang gulat ko dahil sa
pagpabalik ko ay isang stolen video ang nagpi-play sa malaking projector.
kuha iyon sa parking lot ng school kung saan naghihilaan sina Evo at Kevin
sa akin. Naka mute ang video kaya ang unang iisipin ng maka kakita ng video ay
isang love triangle ang nangyayari.
Lumakas ang bulungan sa boung auditorium, para akong matutunaw sa aking
kinatatayuan.Ng matapos ang videong iyon ay isang litrato nanaman ang lumutang,
mga litrato namin ni Evo kahapon ng sinundo niya ako sa bahay. May litrato
kaming nakaupo habang nakasandal ako sa dibdib niya sa likod ng isang malaking
bato na nasa gilid lang ng highway. sinundan pa iyon ng maraming stolen picture
namin. Hindi ko lubos akalaing may nagmamanman sa bawat galaw namin.
Nakita ko si kevin na umalis sa auditorium, mabilis siyang hinabol ni Kim.
Naiwan akong mag-isa sa harap ng mga nangungutyang mga mata. Hindi ko na halos
maigalaw ang aking mga paa sa hiya at pagkadismaya. Ilang segundo pa ang
lumipas ng maramdaman ko ang isang kamay na humawak sa akin, niyakap muna ako
nito bago inakay palabas ng auditorium . May narinig akong
palakpakan at naghihiyawan na tila ba kinikilig sa ginawa ng taong yumakap sa
akin.
"Hindi kita pababayaang mag-isa doon" bulong niya sa akin ng
makalabas kami ng auditorium. tumingin ako sa kanyang mukha at laking tuwa ko
dahil si Evo ang lalaking iyon, hindi ako makapaniwalang kaya niya akong
ipaglaban sa harap ng napakaraming estudyante. Hindi na niya inisip pa ang mga
magiging reaksyon ng mga humahanga sa kanya. Doon ko napatunayan na mahal na
mahal niya ako at kaya niya akong ipaglaban kapalit ng kung ano man ang meron
siya.
Napayakap ako ng sobra sa kanya.sa sobrang saya lungkot, takot at
pag-aalala ay hindi ko na nakayanang itago ang nararamdaman ko, umiyak ako na
parang bata habang nakakulong ako sa mga braso niya. Nasa labas kami ng
Auditorium ng mga oras na iyon, Wala kaming pakialam sa mga matang nakatingin
sa amin. Alam kong may ibang estudyanting humanga sa aming kakaibang relasyon, sila
yung mga tipo ng tao na bukas ang pananaw sa mga bagay-bagay at meron namang
nandidiri o di kaya'y naiinis sa aming relasyon.
Alam kong hindi pa ako handa para ilabas ang totoong ako pero heto na to at
dapat ko ng panindigan kapalit ng aking kasiyahan. Kung nakaya akong panindigan
ng taong mahal ko kakayanin ko rin alang-alang sa aming pag-iibigan. Alam kong
sa mga susunod na araw ay hindi hamak na panlalait at insulto ang matatanggap
ko pero ayos lang dahil para naman ito sa mahal ko.
Dinala ako ni Evo sa bandang likuran
ng school namin kung saan tahimik at wala masyadong mga tao. Pilit niya akong
pinakakalma sa emosyong aking nararamdaman, Nakakulong parin ako sa mga bisig
niya bagay na nakakapagpagaan sa akin.
"Wow sweet naman!" isang boses mula sa aking likuran na sinabayan
pa niya ng tatlong magkasunod na palakpak. kumalas ako mula sa pagkakayakap sa
akin ni Evo.
Nang humarap ako ay isang galit na Alyson ang aking nasilayan kasama ang
mga aliporis nito. Nabigla kami sa sumunod niyang naging aksyon, mabilis itong
lumapit sa akin at binigyan ako ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi.
Babawian pa sana niya ng sampal ang kanang pisngi ko pero maagap siyang
napigilan ni Evo.
"Don't you dare hurting him again or else...."
"Or else what?...." putol ni Alyson sa dapat na sasabihin ni Evo.
"Ano ba kasing meron sa baklang iyan at ipinagpalit mo ako sa kanya
Evo?, what the hell are doing to yourself?" nagpupuyos sa galit si Alyson.
"Wala siyang ginagawa Alyson, Wala na tayo kaya wala ka ng karapatan
pang panghimasukan ang buhay pag-ibig ko" kalmadong sagot ni Evo.
"Pag-ibig?...are you insane?..sa baklang yan. alam mo ba ang
pinagagawa mo sa sarili mo?"
"The hell you care about me?..about us?..alam ko ang ginagawa ko at
wala kang karapatang kwestyunin ang buhay pag-ibig ko. you're not worth loving
for to judge us that way" maanghang na sagot ni Evo sa kanya.
"Alam mo ba kung ano ang mawawala sayo Evo?, paano pagnalaman ito ng
Daddy mo?, hindi mo ba alam na nakaset na ang arranged engagement natin?"
Nagulat ako sa mga naging rebelasyon ni Alyson, naka arranged na pala ang
engagement nila. tumingin muna si Evo sa akin bago sumagot kay Alyson.Ramdam
kong humihingi ito ng tiwala mula sa akin kaya sinagot ko ito ng isang tipid na
tango.
"Wala akong alam at wala akong balak na sakyan ang mga pakulo
ninyo" sa sagot na iyon ni Evo ay mas lalong tumindi ang galit ni Alyson.
susugurin pa sana ako nitong muli pero hinila ako ni Evo at itinago sa kanyang
likuran.Inawat naman si Alyson ng kanyang mga Aliporis at hinila palayo sa
amin.
Muli kaming natahimik ni Evo.
"Okey ka lang?" tanong niya sa akin. Sa mga panahong iyon ay wala
akong ganang magsalita dahil sa nalilito ako kaya isang hilaw na ngiti ang
tanging sagot ko dito.
"Wag kang matatakot. Pangako hangga't hindi mo ako binibitawan ay
ipaglalaban kita" muli niya akong niyakap. Masarap sa puso ang marinig
mula sa taong mahal mo ang mga katagang iyon, kahit na alam mong may
nagbabadyang unos sa inyong relasyon mas matimbang ang saya kaysa sa takot sa
tuwing kasama mo siya at nararamdaman.
Napansin kong paparating si Kim sa kinaroroonan namin ni Evo, halatang
galit pero kalmado ang ekspresyon sa kanyang mukha.
"Francis pwede ba kitang makausap?" pakiusap niya. Ngayon ko
lamang siyang nakitang ganito magalit parang napakaseryoso. hindi rin niya ako
tinawag na "Friend" kundi ang pangalan ko mismo ang ginamit niya kaya
alam kong galit siya sa akin.
Nahulaan naman ni Evo ang gustong mangyari ni Kim, umalis muna ito sa aking
tabi para mabigyan kami ng pribadong oras ni Kim para makapag-usap.
"Tungkol ba ito sa nangyari kanina?" inunahan ko na siya.
"bakit mo inilihim ito sa akin?..sa amin?" tanong niya.
"Wala akong balak maglihim friend."
"pero nagawa mo" may diin niyang sabi.
"friend, ayaw kong maglihim pero ayaw ko ding masaktan si Kevin"
"Nasaktan mo na siya"
"Alam ko...kung alam mo lang kung gaano kahirap sa aking itago ang
lahat. gusto kong kausapin siya para
sabihin pero sa tuwing sinasabi ko sa kanya
na hanggang kaibigan lang kami ay nagmamatigas siya..mahal ko siya at
nasasaktan din ako pagnakikitang nasasaktan siya. sa tingin mo saan ko dapat
ilugar ang sarili ko?"
Bumuntong hininga muna ito bago muling sumagot.
"Alam kong alam mo kung gaano ka niya kamahal pero nagawa mo siyang
saktan. Alam mo bang may mga taong nagmamahal sa kanya pero hindi niya
napapansin dahil ikaw lagi ang nakikita niya?. sana naman maging patas ka sa
kanya." bigla itong tumayo dahilan para mapahawak ako sa kamay niya.
"Friend?" pakiusap ko. tumingin ito sa ibang deriksyon para
iwasan ang mga nakikiusap kong mata. nahihiwagaan ako sa mga sinabi niya pero
wala na akong panahon para alamin, pa ang gusto ko lang sa ngayon ay ang
mapatawad ako ng dalawa kong mga kaibigan.
"Kailangan ko ng umalis" tinanggal niya ang kamay kong nakahawak
sa kanya at naglakad.
"I'm sorry friend" tanging nasabi ko. pinagmasdan ko siyang
umalis papalayo mula sa kinaroroonan ko.
Naramdaman ko ang mga kamay ni Evo mula sa aking likuran na yumakap sa
akin.
"Hindi talaga maiwasan na may masaktang damdamin para sa isang
pag-iibigan, sooner or later maiintindihan din nila na kung bakit mo iyon
nagawa." bulong niya sa akin.
Hindi na kami nagtagal pa sa loob ng campus. Pumunta kami ni Evo kahit
saan, nagpakasaya na para bang walang pinagdadaanang problima. nanood kami ng
sine, kumain sa isang mamahaling restuarant at naglaro sa quantum. Halos
magdadapit hapon na ng maisipan naming mamasyal sa manila bay. Magkatabi kaming
umupo at masayang nakaharap sa dagat at pinagmamasdan ang papalubog ng
araw. naka-akbay ito sa akin hindi
alintana ang mga nakakakita doon sa amin, para sa amin kami lang ang tao sa
mundo kaya hindi namin nararamdaman ang kahit anong hiya sa tuwing nagkakasama
kami.
"Hindi ka ba natatakot sa mga mangyayari?" tanong ko sa kanya.
"Wala akong dapat ikatakot. mahal kita at mahal mo ako, kaya may
karapatan tayong ipaglaban ang sa tingin natin ay makakapagpaligaya sa
atin." hinigpitan niya lalo ang
pagkakaakbay sa akin at kinabig ako palapit sa kanya.
"Sana kasi doon nalang tayo sa isla" biro niya.
"Ayaw ko nga" sagot ko. tumawa ito sa naging reaksyon ko.
"biro lang..."
"paano ang engagement niyo ni Alyson?. mukhang magkasundo pala ang
pamilya niyo" tanong ko sa kanya.
"Wag kang mag-alala, ako na ang bahala doon. Ang tanging gawin mo ay
magtiwala at mangakong ipaglaban mo rin ako tulad ng gagawin kong paglaban na
ikaw lang ang mamahalin ko. Simula ngayon kasama ka na sa mga bubuohin kong pangarap, tandaan mo
lagi na hindi ako sasaya kung wala ka dahil hindi ito buo."
"Salamat.. tatandaan ko lahat ng yan"
Hindi kami nag-uusap pero ramdam namin ang bawat pagtibok ng aming mga
puso. Alam kong mahirap ang mga magiging sitwasyon namin sa mga susunod na araw
, hangga't alam kong lumalaban si Evo para sa akin ay lalaban din ako para sa
kanya.
Gabi na ng maihatid niya ako sa bahay, hindi ko na siya pinapasok pa dahil
baka magka-komplikasyon pa sa loob. wala akong alam sa mga mangyayari pagpasok
ko sa bahay, hindi rin ako sigurado kung alam na ba ito ng mga magulang ko.
Sikat sa Business world si Daddy sa boung bansa at marami siyang foundation na
tinutulungan at isa na doon ang aming school. Takot man akong unahan ang kung
ano man ang mangyayari pero may kutob na akong naibalita na ito ng guidance sa
kanila.
Walang alam ang pamilya ko tungkol sa tunay kong pagkatao, pilit kong
inilihim ito dahil alam kong galit si Daddy sa mga katulad ko. Wala siyang
ibang panagarap sa amin ni Kuya kundi ang sumunod sa mga yapak niya at bigyan
siya ng maraming apo. Gusto ko mang sundi iyo pero parang napakahirap na para
sa akin.
Malakas ang pagtibok ng puso ko, pinagpapawisan ako sa kaba. hindi ko alam
kung ano ang madadatnan ko sa loob ng bahay pagkapasok ko. Dahan dahan kong
pinihit ang pintuan, nagulat ako ng madatnan sila na tahimik na naghihintay sa
akin sa sala. Kitang-kita ko sa mga mata ni Daddy ang galit at may kung anong
nagbabadyang mangyayari ang naka-abang.
"Mom, Dad good eve po. sorry kung..."
"Anong ibig sabihin nito?" putol na tanong sa akin ni Daddy. May
hawak siyang tablet at naka-play sa tab yung mga slides picture namin ni Evo.
"Dad. I'm sorry" ang tanging nasabi ko at saka yumuko. hindi ko
kayang tingnan ng diritso si Daddy.
"BAKLA KA BA?" tanong niya sa akin sa pasigaw na paraan. Wala
akong naibigay na sagot nanatili akong nakayuko, sa puntong iyon ay umagos ang
masaganang luha sa aking mga mata. wala akong ibang iniisip kundi si Evo. gusto
kong palakasin ang loob ko sa pamamagitan ng pag-iisip sa kanya.
"SAGUTIN MO ANG TANONG KO. BAKLA KABA?" Muling tanong ni Daddy.
"Hon wag mo namang sigawan ang bata" sabat ni Mommy. Sa unang
pagkakataon mula noon ay ngayong lang ako naipagtanggol ni Mommy.
"OPO!" Lakas loob kong sagot kahit na bumabaybay na ang mga
luha sa aking mga mata.
"Put****g i***a" galit na galit si Daddy ng marinig ang
kompirmasyon ko sa aking pagkatao.
"Francis wag kang magbiro ng ganyan sa Daddy mo. sabihin mong
nagbibiro ka lang anak." pakiusap ni Mommy. Napansin kong tumayo si Kuya
na kanina pa nakikinig sa amin at naglakad paakyat sa kanyang kwarto. Alam kong
maging siya ay hindi tanggap ang naging kompirmasyon ko.
Sinugod ako ni Daddy, kwenilyuhan niya ako at isinampa sa pader.
pinipigilan siya ni Mommy pero walang kasing tigas ang paninindigan ni Daddy.
"May relasyon ka ba sa anak ni Mr. Thompson?" nangigigil niyang
tanong sa akin. nanginginig ako sa kung ano man ang gagawin sa akin ni daddy
kung malaman niyang may relasyon kami ni Evo. Alam kong hindi pa siya
nakakarecover sa mga nalaman niya at paano pa kaya sa susunod niyang malalaman.
BAHALA NA! yun ang tanging nasa isip ko.
"SAGUTIN MO ANG TANONG KO" sigaw ni Daddy habang hinigpitan pa
niya ang pagkasalampak sa akin sa pader.
"totoo po Dad, I"m sorry po" umiiyak kong sagot, para akong
batang humihingi ng pang-unawa. natigilan si Daddy binitawan niya ako sandali,
isang malakas na suntok sa aking tiyan ang hindi ko inaasahan na gagawin niya.
napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit, lalapitan sana ako ni Mommy ngunit
pinigilan siya ni Daddy.
"Hayaan mo siyang matuto, At ayaw kong tratuhin siya na parang babae.
hindi tayo magkakasundo hanggang hindi mo sasabihing lalaki ka. Hindi mo ba
alam na mga traidor ang pamilya ng taong kinakarelasyon mo?" nabigla ako
sa sinabi ni Daddy.
"Ang kompanya nila ang lihim na gumagapang sa mga major investor ng
ating kompanya. isang traidor ang ama ng lalaking yan." tukoy niya kay
Evo.
"Simula ngayon kong gusto mong ibalik pa ang trato ko sa
iyo....magpakalalaki ka. at binabawalan kitang lumapit sa lalaking yan o kung
sino man mula sa mga thompson" huling sinabi ni Daddy bago ito umalis at
pumasok sa kanilang kwarto.
Akala ko lalapitan ako ni Mommy para amuhin, ngunit mas inuna niya si
Daddy. sinundan niya ito upang pakalmahin. Sa mga oras na iyon ay parang wala
akong lakas na tumayo mula sa aking kinauupoan, sa isang iglap ay bumalik sa
dati ang tingin nila sa akin at ang pinakamas malala pa ay alam na nila na bakla ako.
Walang humpay ang pagtulo ng aking mga luha. napakasakit palang maramdaman
na wala kang karamay mula sa sarili mong pamilya sa mga panahon na hindi ka
naiintindihan ng mundo.Hindi ko ginusto ang ganitong pagkatao pero bakit parang
tratuhin ako ni Daddy ay isa akong kriminal. Dapat ba may kondisyon ang lahat
bago niya sabihing anak ka niya?. kung mahal niya ako di ba dapat kaya niyang
tanggapin kahit ano paman ako?.......Halos mawalan ako ng lakas at hininga sa
sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. naramdaman kong inalalayan ako ni
yaya na tumayo at paakyat sa aking silid.
Hindi man kasing dali ang lahat pero ayaw kong isuko ang pagmamahal ko kay
Evo. Alam kong malalagpasan din namin ito.
Itutuloy.................
PLEASE MAG COMMENT NAMAN PO KAYO....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento