Mga Kabuuang Pageview

Martes, Pebrero 11, 2014

A Love In An Island chapter 18





Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                             

                                                    A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga

Chapter 18

Maya-maya ay dumating na si Alyson. nagmano muna ito sa mga magulang niya at saka nagbiso-biso sa lolo't lola nito. Nanlaki ang mga mata nito ng mapansin naroon ako..

"What the hell are you doing here?" galit niyang tanong. Nabigla ang Daddy ni Evo sa ginawang iyon ni Alyson.

"What's going on here?" naguguluhang tanong ng Daddy ni Evo. Naramdaman kong hinawakan ako sa kamay ng mahigpit ni Evo.Ramdam ko ang panginginig ng bou kong katawan natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi sa kahihinatnan nito sa buhay ng mahal ko at sa pamilya nito.

"Alyson please wag dito?" pakiusap ni Evo sa kanya.

"Wag dito?..hindi mo ba alam na engagement natin ito. At dinala mo pa talaga siya dito ah?"

Para akong yelong unti-unting natutunaw sa mga tinging nakapalibot sa akin. Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak ng kamay ni Evo sa akin. gusto kong umalis palayo sa lugar na iyon. Wala akong kaalam-alam na isang engagement party pala ang napuntahan ko at ang pinakanasasaktan ako ay engagement iyon ng taong mahal ko.

"Evo let me go!" bulong ko kay Evo pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"No. please stay" pakiusap niya.

"Evo anak ano ba kasi ang kinalaman niya dito?" diritsahang tanong ng daddy niya.

"Dad, I'm sorry but walang engagement na mangyayari dito" matapang na sagot ni Evo.

"Just answer me straigthly! anong kinalaman niya dito?" mataas na ang boses ng daddy niya.lumapit ang lola niya dito para pakalmahin.

"Dad I'm sorry but I love him." matigas, kalmado at may paninindigang sagot niya sa ama.

"Evo please wag mong gawin ito?" bulong ko sa kanya. pinisil niya ng marahan ang aking palad.

"No!. let me do this for you and for us" sagot niya sa akin. Parang nasa state of shock ang lahat ng marinig mismo iyon kay Evo.

"No that's not true son. you're not gay right?" pakiusap ng Daddy niya sa kanya na para bang kinukumbinsi niya ang sarili nito na huwag paniwalaan ang mga sinabi ng sarili niyang anak.

"Everything you heard was right Dad. I'm not gay but it's just happened that I'm inlove with Francis"
Pinagsaklob ng kanyang daddy ang dalawang kamay nito sa kanyang mga mukha. Pilit na pinapakalma siya ng lolo at lola ni Evo.

"Kung ganoon pala kailangan na naming umalis. this dinner is a damn bullshit!..wala kaming balak ikasal ang anak namin sa isang bakla." galit na sabi ng Daddy ni Alyson.

"No Dad hindi bakla si Evo..Dad help me win him back?"pakiusap ni Alyson.

"No Alyson. don't be so hard headed. you heard him right?. mahal niya ang baklang iyan!" galit ni tinuran nito sa akin. Ayaw man sanang sumunod ni Alyson pero napilitan itong sumama sa mga magulang nito.
Nang makaalis sina Alyson ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng pamilya ni Evo at sa aming dalawa. Lahat ay parang may iniisip. hindi man kami nag-uusap ni Evo ay sapat na sa akin ang mainit na pagdampi ng aming mga kamay.

"hiwalayan mo siya ngayon Evo!" may otoridad na boses ng Daddy ni Evo na bumasag sa nakakabinging katahimikan. Naramdaman ko ang muling paghigpit ng pagkakahawak ni Evo sa akin.

"You heard me right?..stop this bullshit thing!" galit na ang boses ng Daddy ni Evo. nagulat ako ng biglang tumayo si Evo.

"No Dad, ayaw ko. masaya ako sa kanya. Sinasabi ko sa iyo ngayon na wala kang magagawa para paghiwalayin kami." May paninindigang  sagot ni Evo.

"Evo anak hindi ka bakla para umibig sa kapwa mo lalaki?"  -Ang Lola ni Evo.

"Ang pag ibig naman po ay hindi pumipili ng kung sino o ano ang taong mamahalin eh, walang kasariang batayan." pagtatanggol ni Evo. Nagkibit balikat nalang ang lola niya na parang sinasabing pinapaubaya niya ang desisyon sa mag-ama.

"Wala kang makukuha mula sa akin hanggang hindi mo ititigil ang kabaliwang ito." pagbabanta ng Daddy ni Evo.

"Hindi ako nangangailangan ng yaman Dad para sumaya. Boung buhay ko kasama kita pero hindi sa akin ang atensyon mo,magmula ng mamatay si Mommy ay kasama kang nawala sa akin" Sa ngayon nararamdaman ko na ang nagbabadyang emosyong gustong kumawala sa dibdib ni Evo.

"Ginagawa ko lahat para sa iyo, para maibigay sayo ang buhay na masagana. tapos ito lang lahat ang sasabihin mo!?" galit na boses ng Daddy niya.

"No Dad, you're not doing this for me. You're doing this for yourself."

"Sige, Go!..stand for what you believe for, Evo.but never come home a  loser someday. because I'm telling you this, kapag umalis ka ngayon kasama ang taong yan...wag ka na ring umuwi sa bahay"

"I'm sorry Dad, hindi ko gustong saktan ka. ang tanging hiling ko lang ay ang tanggaping dito ako masaya." hinila ako ni Evo palayo sa kinaroroonan ng kaniyang pamilya, maging ako ay nalilito at natatakot para kay Evo at sa kanyang pamilya. ayaw kong talikuran siya ng mga taong nagmamahal sa kanya ng dahil sa akin.

"Teka lang Evo, ayaw kong gawin mo ito" pamimigil ko sa kanya. inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin.

"Evo, ayaw kong masira ka sa mga taong nagmamahal sayo ng dahil lang sa akin. Pamilya mo sila at nasasaktan akong makita kang talikuran sila ng ganoon na lamang" pakiusap ko sa kanya.

"What do you mean?..Mahal kita at hindi ka nila tanggap paano ko sila susundin kung sayo ako masaya?" sagot niya.

"Hindi ko alam Evo pero naguguluhan ako, mahal kita pero ayaw kong may nasasaktan ng dahil sa pagmamahalan natin"