Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 18
Maya-maya ay dumating na si Alyson. nagmano muna ito sa mga magulang niya
at saka nagbiso-biso sa lolo't lola nito. Nanlaki ang mga mata nito ng mapansin
naroon ako..
"What the hell are you doing here?" galit niyang tanong. Nabigla
ang Daddy ni Evo sa ginawang iyon ni Alyson.
"What's going on here?" naguguluhang tanong ng Daddy ni Evo.
Naramdaman kong hinawakan ako sa kamay ng mahigpit ni Evo.Ramdam ko ang
panginginig ng bou kong katawan natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi sa
kahihinatnan nito sa buhay ng mahal ko at sa pamilya nito.
"Alyson please wag dito?" pakiusap ni Evo sa kanya.
"Wag dito?..hindi mo ba alam na engagement natin ito. At dinala mo pa
talaga siya dito ah?"
Para akong yelong unti-unting natutunaw sa mga tinging nakapalibot sa akin.
Sinubukan kong alisin ang pagkakahawak ng kamay ni Evo sa akin. gusto kong
umalis palayo sa lugar na iyon. Wala akong kaalam-alam na isang engagement
party pala ang napuntahan ko at ang pinakanasasaktan ako ay engagement iyon ng
taong mahal ko.
"Evo let me go!" bulong ko kay Evo pero mahigpit ang pagkakahawak
niya sa akin.
"No. please stay" pakiusap niya.
"Evo anak ano ba kasi ang kinalaman niya dito?" diritsahang tanong
ng daddy niya.
"Dad, I'm sorry but walang engagement na mangyayari dito"
matapang na sagot ni Evo.
"Just answer me straigthly! anong kinalaman niya dito?" mataas na
ang boses ng daddy niya.lumapit ang lola niya dito para pakalmahin.
"Dad I'm sorry but I love him." matigas, kalmado at may
paninindigang sagot niya sa ama.
"Evo please wag mong gawin ito?" bulong ko sa kanya. pinisil niya
ng marahan ang aking palad.
"No!. let me do this for you and for us" sagot niya sa akin.
Parang nasa state of shock ang lahat ng marinig mismo iyon kay Evo.
"No that's not true son. you're not gay right?" pakiusap ng Daddy
niya sa kanya na para bang kinukumbinsi niya ang sarili nito na huwag
paniwalaan ang mga sinabi ng sarili niyang anak.
"Everything you heard was right Dad. I'm not gay but it's just
happened that I'm inlove with Francis"
Pinagsaklob ng kanyang daddy ang dalawang kamay nito sa kanyang mga mukha.
Pilit na pinapakalma siya ng lolo at lola ni Evo.
"Kung ganoon pala kailangan na naming umalis. this dinner is a damn
bullshit!..wala kaming balak ikasal ang anak namin sa isang bakla." galit
na sabi ng Daddy ni Alyson.
"No Dad hindi bakla si Evo..Dad help me win him back?"pakiusap ni
Alyson.
"No Alyson. don't be so hard headed. you heard him right?. mahal niya
ang baklang iyan!" galit ni tinuran nito sa akin. Ayaw man sanang sumunod
ni Alyson pero napilitan itong sumama sa mga magulang nito.
Nang makaalis sina Alyson ay nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng pamilya
ni Evo at sa aming dalawa. Lahat ay parang may iniisip. hindi man kami
nag-uusap ni Evo ay sapat na sa akin ang mainit na pagdampi ng aming mga kamay.
"hiwalayan mo siya ngayon Evo!" may otoridad na boses ng Daddy ni
Evo na bumasag sa nakakabinging katahimikan. Naramdaman ko ang muling paghigpit
ng pagkakahawak ni Evo sa akin.
"You heard me right?..stop this bullshit thing!" galit na ang
boses ng Daddy ni Evo. nagulat ako ng biglang tumayo si Evo.
"No Dad, ayaw ko. masaya ako sa kanya. Sinasabi ko sa iyo ngayon na
wala kang magagawa para paghiwalayin kami." May paninindigang sagot ni Evo.
"Evo anak hindi ka bakla para umibig sa kapwa mo lalaki?" -Ang Lola ni Evo.
"Ang pag ibig naman po ay hindi pumipili ng kung sino o ano ang taong
mamahalin eh, walang kasariang batayan." pagtatanggol ni Evo. Nagkibit balikat
nalang ang lola niya na parang sinasabing pinapaubaya niya ang desisyon sa
mag-ama.
"Wala kang makukuha mula sa akin hanggang hindi mo ititigil ang
kabaliwang ito." pagbabanta ng Daddy ni Evo.
"Hindi ako nangangailangan ng yaman Dad para sumaya. Boung buhay ko
kasama kita pero hindi sa akin ang atensyon mo,magmula ng mamatay si Mommy ay
kasama kang nawala sa akin" Sa ngayon nararamdaman ko na ang nagbabadyang
emosyong gustong kumawala sa dibdib ni Evo.
"Ginagawa ko lahat para sa iyo, para maibigay sayo ang buhay na
masagana. tapos ito lang lahat ang sasabihin mo!?" galit na boses ng Daddy
niya.
"No Dad, you're not doing this for me. You're doing this for
yourself."
"Sige, Go!..stand for what you believe for, Evo.but never come home
a loser someday. because I'm telling you
this, kapag umalis ka ngayon kasama ang taong yan...wag ka na ring umuwi sa
bahay"
"I'm sorry Dad, hindi ko gustong saktan ka. ang tanging hiling ko lang
ay ang tanggaping dito ako masaya." hinila ako ni Evo palayo sa
kinaroroonan ng kaniyang pamilya, maging ako ay nalilito at natatakot para kay
Evo at sa kanyang pamilya. ayaw kong talikuran siya ng mga taong nagmamahal sa
kanya ng dahil sa akin.
"Teka lang Evo, ayaw kong gawin mo ito" pamimigil ko sa kanya.
inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin.
"Evo, ayaw kong masira ka sa mga taong nagmamahal sayo ng dahil lang
sa akin. Pamilya mo sila at nasasaktan akong makita kang talikuran sila ng
ganoon na lamang" pakiusap ko sa kanya.
"What do you mean?..Mahal kita at hindi ka nila tanggap paano ko sila
susundin kung sayo ako masaya?" sagot niya.
"Hindi ko alam Evo pero naguguluhan ako, mahal kita pero ayaw kong may
nasasaktan ng dahil sa pagmamahalan natin"
"Wag kang mag-alala Frans, kung totoong mahal nila ako sooner or later
matatanggap din nila kung saan ako masaya". Muli niya akong hinila palabas
sa restaurant, nabigla ako ng makitang papasok sa loob si Daddy at kuya kasama
si Lando. Natigilan kami ni Evo, mabilis ang mga yapak nilang papalapit sa
aming dalawa.
"Dad..I'm sorr...." tanging nasabi ko, hindi ko na natapos pa
dahil sa nabigla ako ng sugurin ni kuya si Evo ng suntok. Natumba si Evo sa
lakas ng pagkakasuntok ni kuya sa kanya.
"Kuya please?!!" sigaw ko dito. lalapitan ko pa sana si Evo para
alalayan ngunit mabilis akong nahawakan sa braso ni Lando.
"Binabalaan kita brad!..wag na wag mong guluhin ulit ang utol ko"
galit na tinuran ni kuya. nagpupumiglas ako para makawala sa pagkakahawak ni
Lando pero walang panama ang lakas ko sa kanya. napansin ng Daddy ni Evo at ng
Lolo't lola nito ang nangyari kaya mabilis silang lumapit dito.
"Sinong nagbigay sa inyo ng karapatang saktan ang anak ko?" galit
na sigaw ng Daddy ni Evo. susugod din sana ito sa amin ngunit napigilan siya ng
mga gwardiyang naroon. pinagtitinginan narin kami ng mga taong naroon.
"Binabalaan kita pare na ilayo ang anak mo sa anak ko at baka ano pa
ang magawa ko sa kanya. Huwag mo ng dagdagan pa ang atraso niyo sa akin"
kalmado ngunit may diing pagkakasabi ni Daddy.
"Akala mo gustong-gusto ko ang ginagawa nila?...oh c'mon, at anong
atraso ang pinagsasabi mo pare?" nang-iinis na sagot ng Daddy ni Evo.
"pweding ba magpakatotoo nalang tayo dito pare?..alam kong ikaw at ang
kompanya mo ang gumagapang sa mga kliyente ko."
"Ganun talaga ang buhay negosyo Mr. Lopez, it's a survival of the
fittest" nakangising aso ang daddy ni Evo.
Habang nagsasagutan ang Daddy namin ni Evo ay abala akong nagpupumiglas
mula sa mga kamay ni Lando. Nagulat ako ng
makatakbo si Evo sa kinaroroonan namin ni Lando, sinunggaban niya ito ng
suntok sa mukha dahilan para mawalan ito ng paningbang at nabitiwan ako. Mabilis akong nahila ni Evo palabas ng Hotel
at sa mga oras na iyon hindi ang takot ko sa aking pamilya ang nangingibabaw
kundi ang pagmamahal ko kay Evo, kung pagtatanan man ang tawag sa ginawa namin
wala akong pakialam basta't kasama ko lang siya. Walang gustong magsalita sa
aming dalawa habang tahimik kaming bumabyahe gamit ang kanyang kotse. Wala din
naman akong lakas ng loob para tanungin siya kung ano ang plano niya.
Inabot kami ng umaga sa daan, hindi ko rin napansin kung gaano na kahaba
ang aming nabyahe dahil sa nakatulog ako.Pinahinto niya ang sasakyan sa isang
bakantaing lote sa gilid ng daan.
"Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin. sinagot ko
siya ng isang tipid na tango. hinaplos niya ang aking mukha.
"Alam kung natatakot ka. I promise you that I'll protect you no matter
what happen"
"Hindi ako natatakot dahil alam kong nandiyan ka, pero paninindigan ba
natin ang pagtakas o pagtanan natin sa kanila?" malumanay kung tanong.
"Kung yun ang kinakailangan nating gawin para mapatunayan natin sa
kanila kung gaano natin kamahal ang isa't-isa" diritso niyang sagot,
Humanga ako lalo sa kanyang katatagan at determinasyong ipaglaban ako at ang
aming pagmamahalan. Kahit na pinapalakas niya ang loob ko hindi parin maalis sa
isip ko ang pag-aalala sa maaaring gawin ng aming mga magulang.
"Huwag kang mag-alala, basta't kasama mo ako walang mangyayari sayo
okey?" malambing niyang sabi. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap
ako ng mahigpit.
"Sana huwag kang magsawang mahalin ako dahil ikaw lang ang tanging
nagpapalakas sa akin ngayon. Hindi ko alam kung papaano ako kung susuko ka sa
mga kinakaharap natin ngayon" bulong nito sa tenga ko. nararamdaman ko ang
mainit na hininga niya sa aking batok.
"Hindi ako susuko dahil alam kong ipinaglalaban mo ako. Natatakot at
nag-aalala man ako sa mga nangyayari sa atin ngayon pero mas nangingibabaw ang
saya ko dahil kasama kita" sagot ko sa kanya, mas lalo niyang hinigpitan
ang pagkakayakap sa akin.habang nagyayakapan kami ay tumunog
ang aking tiyan, nagkatitigan kaming dalawa hanggang sa sabay kaming humagalpak
ng tawa.
"gutom ka na pala bakit hindi mo sinabi" natatawa paring tanong
ni Evo sa akin.
"Ngayon ko nga lang naramdaman
ito eh!" reklamo ko na parang bata.
"Ang cute mo pala paggumaganyan ka hehehe" sabi niya sabay pisil
sa aking pisngi.
"Aray!..ang sakit nun ha?"
"mahina nga lang yun"
"Masakit kaya?...paganti nga..." pipisilin ko sana ang pisngi
niya pero pilit niyang iniilagan ang aking kamay. nagtatawanan na naman kami.
nahinto lamang ito ng muli niyang inangkin ang aking mga labi.
"tayo na?" sabi niya.
"Saan naman tayo?"
"Sa bulacan. may town house si
mommy doon, alam kong hindi alam ni dad ang property na yun dahil inilihim iyon
ni mommy sa kanya"
"Ganun ba?..sige parang maganda
siguro dun" excited kong tugon.
Medyo luma na ang bahay na sinabi ni Evo pero napanatiling malinis ito, may
malawak na bakuran at pool sa harap nito na napapalamutian ng ibat-ibang mga
bulaklak. Inasikaso kami ng kanilang caretaker hinatid kami nito sa aming
magiging kwarto.
"Magpahinga ka muna dito aalis
lang ako sandali para bumili ng mga gagamitin natin at pagkain" paalam ni
Evo sa akin.
"Ah?, iiwan mo ako dito?" nag-aalala kong tanong. niyakap niya
ako ng mahigpit at saka hinalikan ang aking buhok.
"Hindi kita iiwan, babalik din naman ako. kailangan nating mag-ingat
alam kong pinahahanap ka na ng daddy mo sa mga oras na ito"
Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon sa kanyang paliwanag. naupo na
lamang ako sa ibabaw ng kama lumapit muna ito sa aking at hinalikan ako bago
ito lumabas ng kwarto. Hindi ko na malayang nakatulog ako.
Napansin kong madilim na sa labas ng gumising ako, parang kinuryente ako sa
mabilis kong pagkilos para hanapin sa tabi ko si Evo pero wala siya. nakaramdam
ako ng ibayong kaba dahil hindi pa siya dumating. Lumabas ako ng kwarto,
madilim ang boung kabahayan siguro nga hindi na nila inabala pang pakabitan ng
kuryente dahil wala namang nakatira rito.
Bumalik ako sa kwarto at hinagilap ang cellphone ko sa ibabaw ng kama,
nakita ko ito sa ilalim ng unan. sinubukan kong buksan ito pero lowbat narin
pala ito. Nakaramdam ako ng ibayong takot, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman
ko sa mga oras na iyon habang iniisip kong nag-iisa ako sa isang malaki at
madilim na bahay.
"Nasaan na kaya si Evo?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ako
mapakali sa aking kinalalagyan, gusto kong lumabas para hanapin si Evo pero
napakadilim sa labas ng kwarto ni hindi ko alam ang daan pababa at palabas ng
bahay. Bahala na!..bumangon ako, dahan-dahan kong pinakiramdaman ang aking
dinadaanan para hindi ako mabangga sa kahit anong bagay na nakaharang sa
dinadaanan ko. Matagumpay akong nakalabas sa kwarto, ngayon nama'y ang hagdanan
pababa ang kailangan kong daanan.
Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng may maapakan akong madulas na bagay
dahilan para mawalan ako ng panimbang at parang slow motion akong pabagsak sa
hindi ko malamang deriksyon. Pinikit ko na lamang ang aking mga mata, hintayin
ang mga dapat kong maramdaman sa pagkakataong bumagsak na ako. Parang muling
bumalik sa akin ang mga nangyari sa isla. ang pagbagsak ng eroplano, ang
pagkalunod ko sa Talon at ang pagbihag sa akin ng mga bandido sa isla. iisa
lang ang dahilan kung bakit ako nakakaligtas sa lahat ng mga panganib na
iyon-si Evo.
Sa ngayon hindi ko alam kung makakaligtas pa ako, parang napakatagal ng
isang segundo bago ako tuluyang bumagsak at sapitin ang walang kasiguraduhang
kapalaran. Alam kong malapit na akong lumapag sa sahig o sa alin mang matigas
na bagay ngunit sa hindi ko inaasahang pagkakataon muli ko na namang naiwasan
ang panganib na iyon. naramdaman ko ang isang malambot at maiinit na katawan ng
isang tao, ngayon wala ng duda kung sino iyon siya lang naman ang laging
sumasagip sa akin sa tuwing nasa panganib ako. Hindi ko na nagawang kumpirmahin
pa kung si Evo nga iyon, sapagkat kapag mahal mo ang isang tao kabisado mo
lahat ng meron siya ang kanyang pabango at
ang lambot ng kanyang katawan. Yumakap ako sa kanya at humagulhol ng
todo. sinapo-sapo niya ang likod ko at pinapatahan na parang bata.
"I'm sorry" bulong niya sa akin.
"Ok lang, sobrang natakot lang ako" sagot ko habang patuloy na
umiiyak.
May hawak siyang flashlight, inakay niya ko pabalik ng aming kwarto.
Napansin kong may mga pagkain siyang dala.
"Bakit ang tagal mo?" tanong ko sa kanya.
"Nahirapan akong maka-withdraw dito, medyo malayo ang narating ko bago
nakapagwithdraw" matamlay niyang sagot.
"Bakit parang ang tamlay mo yata?"
"Wala ito, napagod lang siguro ako." Hindi ako kumbinsido sa mga naging sagot
niya.
"Alam kong may iba pang dahilan, sabihin mo na sa akin. magkaramay
tayo sa lahat ngayon kaya kung ano man ang pinapasan mo kailangan ko ring
pasanin. mahal kita at ayaw kong soluhin mo ang lahat ng pinagdadaraanan
natin" mahabang pakiusap ko sa kanya.
"Ahm...kasi.."
"sabhihin mo na kasi eh!, kinakabahan ako sa ginagawa mo eh"
"Naka-block na lahat ng ATM ko, Dad was real about it last night"
"Pwedi tayong umatras na muna, hindi pa natin kaya ang tumayo sa
sarili nating mga paa Evo"
sinubukan ko siyang kumbinsihin. Alam kong napakabata pa namin para
gawing priyoridad ang pag-ibig.
"No!, kaya kong tumayo...hindi nila ako matatakot sa ganung paraan.
Mahal kita at kaya kitang panindigan. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya kong
ipaglaban ang alam kong makakapagpasaya sa akin hadlangan man nila ako" Sa
mga narinig ko alam kong buo ang kanyang pasya at hindi ko na kayang bawiin pa
iyon.
"Just always remember that I'm always here beside you, kung nasaan ka
nandun din ako"
"Salamat sa suporta mahal ko!" tanging sinabi niya. niyakap niya
akong muli at saka hinalikan sa aking mga labi.
"Paano tayo mabubuhay nito?, sana kasi dinala ko nalang yung ATM ko"
sambit ko.
"Wag kang mag-alala mahal ko, bukas na bukas maghahanap ako ng
trabaho. ako na ang bubuhay sayo."
"Nagawa mo pa talagang magbiro ha?"
"Promise I'm serious , bukas maghahanap ako ng trabaho" nginitian
ko nalang siya, naramdaman kong hinahagod niya ang aking likod. Sa hindi
inaasahang pagkakataon tumunog ang gutom kong tiyan na dahilan ng aming
hagalpakan.
"Gutom ka na pala mahal ko, tayo na kain na"
Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkaing dinala niya. Hindi ko alam kung
hanggang kailan kami ganito at hanggang saan kami dadalhin ng aming
pagmamahalan. pero sa mga oras na iyon ang tanging alam namin ay mahal namin
ang isa't-isa at masaya kami.
Pagkatapos naming kumain ay niligpit niya lahat ng aming pinagkainan, gusto
kong tumulong pero ayaw niya akong payagan. natatawa ako sa ipinapakita niyang
pagsisilbi sa akin, Dahil sa ayaw nga niyang tumulong ako pumunta ako sa terrace ng bahay nila na
malapit lang sa aming kwarto, sa mga oras na iyon ay maliwag ang buwan.
Nakaharap ang bahay nila sa dagat kaya tanaw ko ang repleksyon ng buwan sa
malawak na karagatan, napakagandang pagmasdan, nakakawala ng alaahanin sa
buhay. sana ganun lagi ang pakiramdam payapa at napakagaan ng loob.
Nasa ganoong pagmumunimuni ako ng marinig ko sa aking likuran ang dahan-dahang
pagkaskas ng gitara, nakangiti akong lumingon sa kanya. nakatayo siya habang nakapatong ang isang
paa niya sa isang upuan para makapwesto siya ng maayos sa pag-gigitara,
kumindat muna ito sa akin bago niya itinuloy ang kanyang pagkanta.
When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
Well, there's so much they hold
And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?
Napakalamig ng kanyang boses, napapaluha ang aking mga mata at napapatayo naman ang aking mga balahibo
habang pinagmamasdan siyang kumakanta na sinasabayan pa ng kanyang malamig na
boses.
Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up
Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up
Ngayon
sadyang pinatunayan niyang mahal niya ako at handa siyang ipaglaban ang kanyang
pagmamahal sa akin. Nararamdaman ko mula sa emosyong humahalo sa kanyang boses
ang kanyang sensiridad na panindigan ang kanyang pagmamahal sa akin.
And when you're needing your space
To do some navigating
I'll be here patiently waiting
To see what you find
'Cause even the stars they burn
Some even fall to the earth
We've got a lot to learn
God knows we're worth it
No, I won't give up
I don't wanna be someone who walks away so easily
I'm here to stay and make the difference that I can make
Our differences they do a lot to teach us how to use
The tools and gifts we got, yeah, we got a lot at stake
And in the end, you're still my friend at least we did intend
For us to work we didn't break, we didn't burn
We had to learn how to bend without the world caving in
I had to learn what I've got, and what I'm not, and who I am
I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up, still looking up.
Well, I won't give up on us (no I'm not giving up)
God knows I'm tough enough (I am tough, I am loved)
We've got a lot to learn (we're alive, we are loved)
God knows we're worth it (and we're worth it)
I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up
Lumapit akong
napapaluha sa kanya, niyakap ko siya ng napakahigpit. gumanti din ito ng
napakahigpit nayakap sa akin na animoy ayaw niya akong pakawalan pa.
"Salamat
sa pagmamahal" tanging nasambit ko.
"Wala
kang dapat pasalamatan mahal ko, dahil sayo nagkaroon ng kulay ang buhay ko.
Dahil sayo naniniwala ako sa wagas at tunay na pag-ibig na sadyang napakasarap
magmahal"
Nagyakapan
kami na para bang iyon na ang huli at wala ng bukas, walang nagsasalita tanging
mga pintig at tibok ng aming mga puso ang tahimik na nag-uusap. Hindi ko
namalayang nakatulog ako sa kanyang mga bisig, nagising akong nakaunan sa
kanyang mga braso sa loob ng aming kwarto. Tahimik siyang natutulog,
pinagmasdan ko siya at napakaamo niyang tingnan animoy isang anghel na nahulog
mula sa kalangitan. napakaswerte ko nga naman talaga dahil minahal ako ng isang
John Evo Thompson. Yumakap ako sa kanya at ipinatong ko ang aking ulo sa kanyang matipuno ngunit malambot na
dibdib.
"I Love
you, mahal na mahal kita" bulong ko sa kanya, nagulat ako dahil kinulong
ng kanyang mga bisig ang aking boung katawan palapit sa kanya.
Kinabukasan
nagising akong mag-isa nalang sa kwarto, nakita kong may iniwan siyang sulat sa
tabi ng kama kinuha ko iyon binasa.
"Aalis
muna ako mahal ko, may iniwan akong pera sa mesa pagkasyahin mo nalang para sa
pangangailangan natin...babalik din ako kaagad kapag may nahanap na akong trabaho..Love
you..."
Napangiti ako sa mga
sinabi niya, Pero hindi ko parin maiwasang isipin na may mga taong naghahanap
sa amin sa mga oras na ito. Napakabata pa din naman namin para seryosuhin ang
aming bawal na relasyon, dinaan ko nalang sa isang malalim na buntong hininga
ang pag-aalala.
Lumabas ako ng bahay at
pumunta ng palengke, wala akong alam sa pamamalengke at ni minsan hindi ko
naranasang pumunta doon pero kailangan kong baguhin ang nakasanayan ko para sa
mahal ko.
Bumili ako ng bigas,
karne at gulay para sa aming hapunan mamaya pagdating niya. dumaan din ako sa
isang grocery store para bumili ng mga kailanganin namin tulad ng shampoo at
sabon. Halos tanghali na ng makauwi ako sa bahay, Naglinis muna ako ng boung
paligid minsan natatawa ako sa set up naming dalawa dahil parang isang full
time housewife na ang dating ko nito.
Hapon na ng matapos ko
ang lahat ng gawaing bahay, ngayon ay sa kusina na naman ang atensyon ko.
Nagsaing muna ako bago ko inihanada ang mga lulutuin ko, Puchero ang ulam na
lulutuin ko dahil alam kong paborito iyon ni Evo, hindi biro lang!, sa totoo
lang hindi ko alam kung ano ang paborito niya. Hindi naman talaga ako marunong
magluto, sa bahay nakakaluto lamang ako kung nandiyan si Yaya.
Nang maihain
ko na ang aming hapunan ay nakatulog ako sa mesa hindi ko rin namalayan kung
gaano ako katagal naka-idlip, naramdaman kong may humalik sa aking batok
kinusot ko muna ang aking mga mata bago binalingan ng tingin ang taong humalik
sa akin. napakatamis ng ngiti ang bumungad sa akin.
"Sorry
kung pinaghintay kita mahal ko, tinapos ko lang kasi ang trabaho ko" sabi
niya.
"So may
trabaho ka na pala?" masaya kong tanong.
"Oo, ako
pa magaling yata ang mahal mo para hindi tanggapin, sa pogi kong ito? walang
makaka-ayaw sa akin"
"Yabang
neto!..anong trabaho mo mahal ko?" tanong kong muli.
"Hindi
mo ba ako pakakainin muna?..gutom na ang asawa mo" sabi niya na parang
batang nagpapacute.
"O siya
sige!...stay put my love dahil niluto ko talaga ito with love only for
you"
Ako na ang
naglagay ng kanin sa kanyang plato nilagyan ko rin ng sabaw ang bowl niya para
makahigop siya ng mainit na sabaw ng puchero. medyo kinabahan ako kung ano ang
magiging reaksyon niya sa aking niluto sana magustuhan niya.
parang
slowmotion ang pagkuha niya ng sabaw gamit ang kutsara at ang paghigop
nito.Hinintay ko munang matapos niyang lasahan ang niluto ko bago siya
tinanong.
"So how was it?" kabado kong tanong..
"Ang
sharap mahal ko, hindi ko alam na ang galing mo palang magluto ng sinigang yun
na siguro ang pinakamasarap na sinigang na natikman ko" walang pakundangan
niyang pagmamayabang, ok na sana ang komento niya kaya lang hindi sinigang yun
eh..PUCHERO hindi SINIGANG.
"Ah..eh..salamat
naman at nasarapan ka" tanging sagot ko. siguro nga nasubrahan lang talaga
ng asim ang niluto ko.
Masaya parin
kaming kumain, sa pagkakataong iyon ako na ang naglinis at naghugas ng aming
pinagkainan. Nang matapos ko ang lahat ng dapat ayusin sa kusina ay umakyat ako
sa kwarto, nadatnan kong tulog mantika na ang mahal ko alam kong napagod siguro
siya sa bagong trabaho nito.
Tumabi narin ako sa kanya, humalik muna ako dito bago matulog narin. ngunit napansin kong may mga gasgas siya sa kanyang braso. sinubukan kung tingnan ang kanyang mga kamay nakita kong may mga maliliit din itong mga sugat na animoy nagbuhat ito ng mga mabibigat na bagay. Gusto ko siyang gisingin para tanungin pero naawa ako sa kanya dahil alam kong pagod ang mahal ko. matagal din akong nag-isip kung saang trabaho sya napasok, iisa lang ang nasa isip ko sa gabing iyong kundi ang ayaw kong nahihirapan siya.
Kinabukasan nagising akong mag-isa ulit. may sulat na naman siyang
iniwan.
"Hindi na kita ginising mahal ko alam kong pagd
ka, hinalikan pala kita sa labi bago ako umalis pangpaswerte lang para sa
bagong trabaho ko...I love you and I miss you na.."
Hindi ko alam kung bakit kinikilig parin ako sa tuwing binabasa ko ang
mga iniiwan niyang sulat. Mag-iisang linggo narin buhat ng magtanan kami, ganun
parin ang set-up namin ako ang laging naiiwan sa bahay at gabi na rin kaming
magkita. Pero nababahala din akong makita siyang laging pagod at nagkakaroon
narin ng mga gasgas ang kanyang mga kamay at braso iba sa makinis na kutis ng
taong mahal ko.
Isang araw noon naisip kong pumunta sa palengke para mamili, napadaan
ako sa isang talyer sa hindi inaasahang pagkakataon ay parang sinaksak sa awa
ang aking puso. Nakita kong nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay si Evo, nakita
ko ang hirap at bigat sa kanyang mukha habang binubuhat ang mabigat na bahagi
ng isang sirang sasakyan, hindi ako sanay makita siya sa ganoong sitwasyon.
mabilis akong nagtago para iwasang makita niya ako, Hanga ako sa pagmamahal
niya sa akin para pagdaanan niya ang lahat ng ito pero ayaw ko ng ganun, hindi
ko mapigilan ang mapaiyak habang naglalakad pauwi sa tuwing bumabalik sa aking
alaala ang mukha niyang nahihirapan. Nang dumating ako sa bahay ay umupo muna
ako sa isang upuan sa labas ng bahay pilit kong pinakalma ang aking sarili.
Nakapag-isip ako ng isang desisyong maglalagay sa aming pag-ibig sa isang
alanganing sitwasyon, hindi ko kayang mahalin siya habang siya ay naghihirap
para sa aming pagmamahalan. kumuha ako ng isang malinis na papel at nagsulat.
"Mahal ko, I'm sorry. alam ko na, nakita kita
kanina. Napakasakit para sa aking makita kang nahihirapan, patawarin mo sana
ako kung nagdesisyon akong mag-isa. Kailangan na nating tigilan ito masyado pa
tayong mga bata para sa ganitong bagay, siguro nga kailangan muna nating
sang-ayunan ang gusto ng ating mga magulang. kung tayo talaga ang para sa
isa't-isa kahit hadlangan nila tayo ng paulit-ulit ay magiging tayo parin.
Hindi kita iiwan dahil hindi na kita mahal, ginawa ko ito para sa ikabubuti nating dalawa. Lagi mo
sanang tandaan na mahal kita, mahal na mahal. paalam"
Inilapag ko sa parehong mesa kung saan niya iniiwan ang sulat niya sa
tuwing gumigising ako. umalis ako ng bahay na para bang namatayan, gusto kong
bumalik nalang at ipagpatuloy ang aming sinimulan pero habang bumabalik sa
isipan ko ang imahe ni Evo na nahihirapan ay mas lalong tumitindi ang desisyon
kong putulin muna namin ang aming relasyon para sa aming ikabubuti.
Sumakay ako ng bus pabalik ng maynila, pagkarating ko doon ay sinubukan
kong itext si yaya at sinabi ko dito ang lokasyon kung saan ako naroon. hindi
rin naman tumagal ang aking paghihintay dahil dumating agad si mang Ador kasama
si Mommy.
"Anak, buti't bumalik ka...I'm sorry for not defending you against
your Dad, I'm sorry anak" mahigpit akong niyakap ni Mommy habang umiiyak
ito.
"I'm sorry din po Mom, gagawin ko na po ang lahat ng gusto ni Daddy
kahit mahirap ay susubukan ko" sa mga oras na iyon ay maging ako ay hindi
narin napigilang maluha sa emosyong nakapalibot sa amin.
"No anak, wala kang dapat subukan , Tanggap kita kahit ano ka
pa"
"Paano si Dad?"
"Susubukan ko siyang kausapin, ayaw kong mawala ka ulit anak."
"Salamat Mom" yumakap
ako ng napakahigpit sa kanya sa wakas ipaglalaban narin ako ni Mommy.
"Basta't mangako kang hindi ka gagaya ng ibang mga katulad mo na
lalandi at hayaang bastusin ng iba ang sarili, anak ayaw kong ginaganun ka
dahil doble ang sakit nun sa akin"
"Pangako Mom, I'm still be the francis you've known, your youngest
son" muli akong yumakap sa kanya.
Habang papalapit ang aming sasakyan sa gate ng bahay ay parang tambol
naman sa lakas ang kaba sa dibdib ko, Takot akong humarap kay Daddy. Naramdaman
ko ang mahinang tapik ni Mommy sa balikat ko.
"Everything will gonna be fine son, sasamahan kita" mahinang
sabi ni Mommy.
"Thanks Mom, you made me feel better"
Papasok na kami sa bahay at nangingibabaw ang takot kong makaharap si
Dad matapos ng aking pagsuway sa kanya. Mas lalong natakot ako ng makita ko si
Daddy na nag-aabang sa pagdating ko, nandoon din si Lando at Mang Ador sa loob
ng bahay.
"Dad I'm sorry, Hindi ko na po uulitin" nanginginig kong sabi.
"You've lost my trust. but I'm giving you a second chance, wag mo
sanang ubusin ang pasensya ko sayo francis dahil baka makalimutan kong anak
kita. Lando be sure to always be in alert manner." agad namang tumalikod
si Daddy pagkatapos niyang magsalita.
Medyo nakahinga rin ako ng maluwag dahil ni Hindi niya ako sinaktan o
kaya'y pinagsalitaan ng masama. Niyakap kong muli si Mommy, kailangan ko ng
mapaghugutan ng kaunting lakas ng loob.
Agad akong pumunta sa aking silid, namimiss ko si Evo. Sana maintindihan
niya kung bakit ko ginawa ito. Mahal ko siya pero hindi sapat ang pagmamahal
para masabing masaya na kayo minsan kailangan din ng sakripisyo, mahirap man
pero wala din namang mahirap kapag mahal mo talaga ang tao.
Nakatulog ako sa sobrang pag-iisip nagising na lamang ako ng maramdaman
ko si Mommy, hinatdan niya ako ng pagkain sa aking kwarto, medyo napahaba ang
tulog ko dahil madilim na ng magising ako. Umuulan din ng gabing iyon kaya
medyo napasarap ang tulog ko.
"Kumain ka na anak?"
"Salamat po Mom" matamlay kong sagot.
"Anak hindi ko man alam kung ano ag pinagdadaanan mo ngayon, handa
akong makinig para kahit papano ay mabawas-bawasan yang dinadala mo" Sa
mga narinig ko lalong lumuwag ang daluyan ng aking mga luha tuloy-tuloy itong lumabas
mula sa aking pagod na mga mata.
"Mom, nahihirapan na po ako. Hindi ko alam kung tama ang pag-iwan
ko sa kanya, Mahal ko po siya at alam kung mas mahal ako ni Evo"
"Ganyan kahiwaga ang pag-ibig anak, minsan hindi puro pagmamahal
lang ang kailangan para lumigaya. Minsan kailangan din ng sakripisyo, matatag
ka anak kaya alam kung kaya mong lagpasan ang lahat ng ito. Napakabata niyo pa
para seryosuhin ang pag-ibig"
Alam kong tama lahat ng mga sinabi ni Mommy ngunit hindi ko rin alam
kung ilang tama pa ang kailangan para makumbinsi ko ang sarili ko na ayos lang
ang ginawa kong pag-iwan sa taong mahal ko.
titikman ko na sana ang pagkaing dinala ni Mommy ng may marinig kaming
ingay sa ibaba, narinig ko ang galit na
galit na boses ni Daddy. Medyo kinabahan ako sa nangyayari sa baba, kumilos ako
para lumabas ng kwarto ngunit pinigilan ako ni Mommy.
"No son, please stay here" iniwan ako ni Mommy sa kwarto.
Mas lalong lumakas ang sigawan sa baba na halos hindi ko maintindihan
dahil sa sumasabay ang ingay sanhi ng malakas na ulan sa labas. hindi ako
mapakali sa loob ng aking silid malakas ang kaba ng aking dibdib. Bahala na,
mabilis akong tumalon sa aking kama at lumabas ng aking kwarto. Habag nasa
hagdanan ako'y napansin kong nasa labas sila lahat at parang may sinisigawan si
Daddy.
"Pabayaan mo na ang anak ko, umalis ka na at baka mabaril pa
kita" galit na tinuran ni Daddy. sa puntong iyon ay mas lalong bumilis ang
pagtibok ng puso ko.
"Dad, Mom?." tanging nasambit ko. lumingon sila lahat sa akin,
ngunit matalas pa sa mata ng agila ang aking mata ng mahagip ng aking paningin
ang taong mahal ko na basang-basa sa ulan sa labas ng gate.
"Evo?.." sigaw ko dito.
"Francis! please kausapin mo ako" pagmamakaawa ni Evo.
"Lando!, ipasok mo siya sa kwarto niya" galit na utos ni Daddy
kay Lando. narinig ko ang pagkasa ni daddy ng kanyang hawak na baril at galit
na tinumbok ang kinaroroonan ni Evo.
"No Dad please no" sigaw ko habang mabilis na tumatakbo para
ipagtanggol siya laban sa aking ama......
Itutuloy............
si ponse to from msob. send us pm sa msob fb page.
TumugonBurahinNabasa ko na lahat...excited ako sa mga susunod na magaganap..nung una akala ko iikot lng sa best friends story but hndi pla..good choice na lumipat ka sa MSOB Marami mag cocoments dun good or bad just accept :)) anyways continue lng sa pag gawa and isa na ko sa fans mu :))
TumugonBurahinAng galing mo!!
TumugonBurahinGusto ko ang kwento kahit na may feeling ako habang nagbabasa na parang If it's all I ever do ang peg ng isinulat mo. May mga scene kasi na katulad doon.
But anyways.. you are, still great. I'm hoping for the soonest post Mr Author :-)
ganda ng storya......
TumugonBurahinpasensya na po if medyo matatagalan ako makapag post as of now kasi po nasira po ang laptop ko...salamat po sa mga comment ninyo...
TumugonBurahinKuya jenysis, hihintayin ko po ang update sa story na to. na hook up na ako kaya sana mag post ka na po :) MARAMING SSLAMAT!
TumugonBurahinUpdate please, nabitin ako hehehe
TumugonBurahinAng tagal ng update
TumugonBurahinpasensya na po talaga..hopefully po mapo-post ko na po ang chapter 19 mamayang gabi or bukas po...
TumugonBurahin