Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Abril 20, 2014

A Love In An Island Chapter 19






Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                             

                                                    A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga



Chapter 19

Mas lalong lumakas ang sigawan sa baba na halos hindi ko maintindihan dahil sa sumasabay ang ingay na sanhi ng malakas na ulan sa labas. hindi ako mapakali sa loob ng aking silid malakas ang kaba ng aking dibdib. Bahala na, mabilis akong tumalon sa aking kama at lumabas ng aking kwarto. Habag nasa hagdanan ako'y napansin kong nasa labas sila lahat at parang may sinisigawan si Daddy.

"Pabayaan mo na ang anak ko, umalis ka na at baka mabaril pa kita" galit na tinuran ni Daddy. sa puntong iyon ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.

"Dad, Mom?." tanging nasambit ko. lumingon sila lahat sa akin, ngunit matalas pa sa mata ng agila ang aking mata ng mahagip ng aking paningin ang taong mahal ko na basang-basa sa ulan sa labas ng gate.

"Evo?.." sigaw ko dito.

"Francis! please kausapin mo ako" pagmamakaawa ni Evo.

"Lando!, ipasok mo siya sa kwarto niya" galit na utos ni Daddy kay Lando. narinig ko ang pagkasa ni daddy ng kanyang hawak na baril at galit na tinumbok ang kinaroroonan ni Evo.

"No Dad please no!" sigaw ko habang mabilis na tumatakbo para ipagtanggol siya laban sa aking ama.

"Pumasok ka sa loob!.." utos ni Daddy sa akin habang patuloy na humahakbang papunta kay Evo.

"Dad please?..nagmamakaawa ako please don't hurt him" umiiyak na akong nakikiusap sa walang kasing tigas na puso ng aking ama. Tumigil si Daddy  humarap ito sa akin.

"Huling paki-usap ko na ito sayo, tapusin mo na ang ugnayan mo sa taong yan kung ayaw mong magkaroon ng mamamatay taong ama" kalmadong sabi ni Daddy sa akin saka walang anumang sabing pumasok sa loob, Sumunod din sa kanya si Mommy at si Yaya.

Sa pagkakataong iyon mas lalong lumakas ng buhos ng ulan, Mabilis kong nilapitan si Evo. Nakikisabay sa buhos ng ulan ang aking mga luha hindi ko akalaing ganito kagulo ang pinasok naming dalawa. Niyakap ako ng mahigpit ni Evo.hindi ko iginalaw ang aking mga kamay para tugunan ang kanyang yakap, oo inaamin ko gustong-gusto ko siyang yakapin pero kailangan kong ipakitang hindi na ako interisado sa kanya para bumalik na ito sa kanila. Ang hirap palang magtiis at pagmasdang nasasaktan mo ang taong pinakamamahal mo at ang pinakamasakit dun ay nasasaktan siya dahil sayo.
 
"Bakit?"umiiyak nitong tanong sa akin, hindi ako sumagot.

"May kulang ba sa mga ipinapakita ko para iwanan mo ako ng ganun nalang?" dagdag niyang tanong. muli, wala siyang natanggap na sagot. Kapwa kaming nanginginig sa lamig dala ng buhos ng ulan.

"Please sagutin mo ako!...mahal kita eh. nahihirapan na ako" mas lalong humagulgol siya habang yakap-yakap ako. parang pinipiga ang puso ko, tahimik akong lumuluha at ingat na ingat akong tinatago ang lihim kung paghikbi para hindi niya mahalatang nahihirapan narin ako.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinagdikit niya ang aming mga ilong, tinitigan niya ang aking mga mata na animoy hinahanap ang mga kasagutan doon.

"Sabihin mong hindi mo na ako mahal at lulubayan na kita, ngayon mo sabihin at titigan mo ang aking mga mata" Sa pagkakataong iyon hindi ko na kaya pang magpanggap mahal ko siya mahal na mahal, yun ang sinisigaw ng puso ko.pinikit ko ang aking mga mata hindi ko kayang magsinungaling  sa kanya habang nakatitig siya sa aking mga mata.
 
"Sagutin mo ako!" muli niyang tanong habang niyuyugyog ang aking mga balikat.

"Oo na! ..Ma..mahal pah..rhin khita..." sigaw ko habang umaagaw ng hangin dahil sa hirap akong makahinga sanhi ng paninikip ng aking dibdib dahil sa lungkot na aking nararamdaman.

"Ba..bakit mo ginagawa ito?" 

"Dahil ayaw kong masira ka dahil sa pagmamahal mo sa akin" sagot ko habang patuloy na umiiyak.

"Marami na tayong naapakan lalo na ang sarisarili nating pamilya" dagdag ko. Niyakap niya ako ng mahigpit, ikinulong niya ang aking ulo sa kanyang dibdib.

"Ano ang gusto mong gawin ko?..wag lang yung magkahiwalay tayo" tanong niya.