I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 22
Nagising ako sa isang kwarto, hindi ko mawari kung nasaan ako. Bumangon ako inilibot ko sa boung paligid ang aking paningin para siyasatin kung kaninong bahay ako naroon.
"Good morning" boses mula sa kabubukas lang na pinto.Lumingon ako,-si Evo.
"Anong ginagawa mo dito?. Bakit ako nandito?!!" nagpapanic kong tanong. Tiningnan ko ang katawan ko kung kompleto pa ang sout ko.
"Wag kang mag alala wala akong ginawang masama sayo. Lasing ka kagabi kaya dinala kita dito sa condo ko" nakangiti siya habang nagsasalita. Napakaaliwalas ng mukha niya, siya parin nga ang dating Evo. Teka! Bakit ako nag~iisip ng ganito?...
"paano mo ko natunton sa bar?" Naiinis kong tanong.
"Ng umalis ka kagabi nawalan narin ng gana ang dalawang kaibigan mo kaya nagpasya narin kaming umuwi. Nagpaalam ako kay Bianca na may pupuntahan, hinanap kita"
"Why are you doing this to me?" tanong ko sa kanya. Yumuko ito ng marinig ang tanong ko.
"Diba galit ka sa akin?, diba kinasusuklaman mo ako?, nandidiri ka diba?...you even told me that I was your greatest mistake..." humahagulgol na ako sa iyak sa pagkakataong iyon.
"I'm sorry...hinusgahan kita agad sana..." pinutol ko ang dapat ay sasabihin niya.
"Wala ng saysay ang salitang yan!..at mas lalong ayaw ko ng balikan ang nakaraan ko." bumangon ako, inayos ko ang sarili ko. Lalabas na sana ako ng kwarto ng niyakap niya ako bigla mula sa likuran ko. Nabigla ako sa kanyang ginawa, parang kuryente ang init ng kanyang katawan na dumapo sa aking manhid ng pakiramdam. Parang nagflash back ang lah. at ng masasayang nakaraan namin. pumikit ako , gusto kong pagbigyan ang bugso ng aking damdamin, ngunit biglang bumalik sa aking alaala ang masasakit na nangyari. Nagpumiglas akong makawala mula sa mga yakap niya, ngunit malakas siya naririnig ko ang mahina niyang paghikbi.
"patawarin mo ako, matagal kitang hinanap. Ilang taon akong nangulila at nagsisisi sa mga ginawa ko at pagtaboy sayo. Francis, I was in my darkest days when you left. Hinabol kita ngunit...ngunit wala eh!..sadyang malupit sa akin ang pagkakataon" umiiyak siya habang nagpapaliwanag. Mahigpit parin ang pagkakayakap nito sa akin.
"Alam mo ba ang pakiramdam na talikuran ka ng taong pinakamamahal mo?.. ka dahil sa isang bagay na hindi mo ginawa?..Now tell me, how could I even forgive you?..wala ka bang naaalala sa mga masasakit na katagang binitawan mo sa mismong mukha ko?.." gusto ko ng sumabog, parang may isang butas na nag~uunahang kumawala ang matagal ko ng dinadala sa puso ko.
Pinilit niya akong humarap sa kanya. Para naman akong lantang gulay na sumusunod sa mga gusto niya. Nakapikit ako habang humihikbi, nasa magkabilang panig ng aking mukha ang dalawang kamay niya. Pinagdikit niya ang aming mga noo't ilong. Naamoy ko ang mabangong hininga nito. Tulad ko'y nakapikit ito habang patuloy na lumuluha, ramdam ko ang pangungulila at pagsisisi nito.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naglapat ang aming mga labi. Isang sensasyon na matagal ng hinahanap ng aming mga puso. Ngunit nagising ako sa bangungot ng katotohanan na wala ng pag~asa pang bumalik ang aming nakaraan. Dahil sa pagkabigla ko sa kanyang ginawa ay nasapak ko siya ng ubod ng lakas sa mukha.
Mabilis akong lumabas sa condo niya, naiwan siyang parang tuod sa kanyang kwarto.
Ayaw ko na, hindi ito pwede. Ayaw kong traidorin ang kaibigan ko. Ramdam kong mahal na mahal ni bianca si Evo, tapos na ang dapat sanay masaya naming relasyon.
Naging isang malaking bangungot para sa akin ang pagmamahalan namin ni Evo noon. Napakahina ko para ipagtanggol ang sarili, masyado akong umasa sa kanya na sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay binitawan niya ako.
Tulala ako ng dumating sa aking condominium, binabagabag ako ng aking nararamdaman kay Evo. Galit ako dito pero bakit nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit hindi mamatay~matay ang nararamdaman kong pag~ibig para dito.
Tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at sinagot.
"friend kailangan ka dito ngayon sa opisina emergency lang"-si darcie.
"bakit daw?" naguguluhang tanong ko.
"Wag ka ng magtanong! We'll discuss it later"
"ok. Just give me one hour, maliligo pa ako"
Nagmamadali akong pumunta sa aming opisina pagkatapos kong maligo.Nasa conference room na ang ibang staff ng dumating ako, umupo ako sa aking pwesto at nakinig sa aming operation manager.
"May mga designs tayo na hindi pa lumalabas sa publiko na nakita sa isang event ng isa sa ating mga ka~kompetinsya. I don't know if it's just a coincedence but if we try to look more closely at the image, the style they made and the color they used were almost relatively similar"
Tiningnan ko ang folder kung saan naka~detalye lahat ng aming pinag~uusapan ngayon. Isang lokal na fashion house ang kakompetinsya namin. Masyado ngang mahigpit namin silang katunggali dahil sa tinatangkilik narin sila ng mga pilipino. Nagpatuloy parin ako sa aking pagbusisi sa profile ng aming kakompetensya, "House of Armeda" pangalan ng fashion house. Nagulat ako sa susunod kong nadiskobre.
Alyson Villafuerte~owner and CEO.
Hindi ako makapaniwala na ang may ari ng House of Armeda ay ang taong sanhi ng aking paghihirap noon. Halos positibo lahat ng mga reviews sa kanya, kilala siya bilang matulungin. Nagtayo siya ng isang foundation para sa mga may kapansanan. Tingnan natin ang galing mo Alyson sa pagpapanggap. ngayong muling nagtagpo ang aming landas, panahon na rin siguro na ibalik ko sa kanya ang mga ginawa nito sa akin. Alam kong mahirap siyang kalabanin dahil maimpluwensiyang tao siya dito, kasal na din pala ito sa anak ng isang sikat na pulitiko.
Mali man ang maghiganti but this is me now, I'm Alex the figther hindi na ako si Francis na laging talunan. Pagkatapos namin mag~meeting ay dumiritso na kami ni Darcie sa aming opisina, seryoso kaming nag~uusap kung bakit nagleak ang mga designs namin. Nabigla ako pagkabukas ko ng pinto papasok sa aming opisina, nasa loob si Bianca na tila nagulat din sa aming biglang pagpasok.
"Biankey?, oh...at napabisita ka?...may problima ka ba?" agad kong tanong dito, alam kong medyo nagi~guilty ako sa kanya pero kailangan kong itago, ayaw kung magkasiraan kami dahil sa isang lalaki lamang.
"Ano ka ba friend, laging napapagawi yan dito hindi nga ?ang kayo nagkakaabutan dito sa opisina dahil sa nasa field lagi ang pictorial ninyo" sabi ni Darcie.
"Oo nga eh..medyo nakakalimutan mo na ako Alex...kaya heto ako lagi ang dumadalaw" tampo~tampuhan nito sa akin.
"Sorry talaga, promise babawi ako next time." sagot ko.
"Opps?...kailangan mong ipaliwanag kung bakit ka nag~walk out kagabi?" hirit ni Darcie. Napakagat ako ng aking labi hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.
Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok sa opisina ang isang staff.
"Sir?, tumawag po yung talent natin. Nagpaalam po si Mr. Thompson na magleave ng limang araw" balita nito sa akin.
"Ok, just grant his request. Malayo pa naman ang deadline ng commercial airing natin." agad na sagot ko.
"Wow, payag agad di man lang pinag~isipan?..Alex if I know may hinahabol tayong deadline" sabat ni Darcie. Gusto ko naman talaga kasing hindi muna makita si Evo, hindi ko naman masabi ang dahilan ko sa kanya dahil kasama namin si Bianca. Pinangdilatan ko na lamang si Darcie ng aking mata ng palihim, buti naman at naintindihan niya ang ibig kong sabihin.
"Actually talagang hindi siya makapag~photoshoot ngayon" ~si Bianca.
"And why?" tanong ni Darcie.
"He got a black eye!" matipid na balita nito. Medyo naawa ako dahil alam kong ako ang dahilan nun.
"Napaaway si Evo?" muling tanong ni Darcie.
"I don't know, ayaw niyang sabihin kung bakit. He's been acting cold to me this past few weeks." matamlay na sabi ni Bianca.
Hindi ko alam kung ako ang dahilan ng pagiging malamig ni Evo kay Bianca at pagkakapasa nito. Gusto kong umakto ng normal sa harapan ng aking dalawang kaibigan ngunit bakit natatameme ako.
"Bakit ang tahimik mo yata may bumabagabag ba sayo?" puna sa akin ni Bianca.
"ah..eh...w.wala..may iniisip lang ako" pagdadahilan ko.
Napansin kong tinitigan ako ni Bianca, hindi ko kayang tingnan siya. Yumuko ako para iwasan ang mga titig na iyon. Hindi rin naman nagtagal agad si Bianca nagpaalam ito sa amin na papasok na ito sa klase. Ewan ko nga ba kung bakit ganun siya kasipag dumalaw ngayon sa amin samantalang hindi naman niya ugali ito noong nasa states pa kami.
Tahimik ako boung araw, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Bakit paulit~ulit na bumabalik sa aking isipan ang halikan namin ni Evo, ayaw kong magmahal muli at mas lalong hindi dapat kung kay Evo lamang ulit ako magmamahal. Kasintahan siya ng matalik kong kaibigan at ayaw kong ito ang dahilan para magkasiraan kami.
"Friend?, may problima ka ba, masyado ka na kasing tulala eh" tanong ni Darcie.
"w.wala, pangako I'm ok friend"
"I know you. And you can't hide to me your feelings"
"Wala nga!, ito naman oh..."pagmamatigas ko sa kanya. Tumayo ako, nagkunwari akong nagbi~busy bisihan para iwasan ang mga tanong ni Darcie.
"So ganyan ka nalang palagi?...iwasan ang mga bagay na matagal mo ng pinaghandaan?...Alex hindi mo maitatago yan hanggang sa hukay"
"What do you supposed me to do?..sabihin kay bianca na ang boyfriend niya at ang ex~boyfriend ko ay iisang tao lamang?..do you think it's nice Idea?" halos mamula ang pisngi ko sa emosyong gustong lumabas dito.
"Yes!..probably it would be a great relief for you. Atleast naging tapat ka kay bianca. Yun ay kung wala ka ng nararamdaman pa para sa ex~boyfriend mo?" para akong na~corner sa sinabi ni Darcie, totoo naman talaga ang mga sinabi niya. Wala akong dapat ipag~alala na sabihin kay bianca ang totoo kung tapos na para sa amin ni Evo ang lahat. Ngunit bakit parang ang hirap sabihin na tapos na nga kami, naguguluhan ako hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Tinitigan ako sa mata ni Darcie, alam kong gusto niyang malaman ang kasagutan mula sa aking mga mata. Yumuko ako, ayaw kong pangunahan niya ako sa aking nararamdaman.
"No doubt Alex. You still love him, hindi ka magkakaganyan ngayon at mas lalong hindi ka apektado kung wala ka nang nararamdaman pa."
Tumingin ako sa kanya, habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Niyakap ako ng kaibigan ko.
"Akala ko matapang na akong harapin ang lahat. Ang tanga tanga ko Darcie, bakit sa kabila ng mga pasakit na ibinigay nito sa akin bakit mahal ko parin siya?... Nahihirapan at nasasaktan ako, naiinis ako" umiiyak ako na parang batang nagsusumbong sa nanay niya. Alam kong naiintindihan ako ni Darcie.
"Sometimes we experienced unexpected things. Yung akala nating malakas na tayo but along the way we became weak. Kaya ok lang yan Alex wag kang magalit at mainis sa sarili mo, hindi mo sinasadyang maging ganito ang sitwasyon ngayon. Just be careful lang sa mga desisyon mo."
Laking pasasalamat ko dahil may kaibigan akong masasandalan at alam kong naiintindihan niya ako. Maaga akong lumabas ng opisina pagkatapos ng trabaho, gusto ko muna ng oras para makapag~isip, gusto kong mapag~isa. Pumunta ako ng mall para bumili ng ilang makakain, nagawi ako sa isang italian restaurant medyo natakam ako sa pasta na nasa menu nila. Papasok na sana ako ng may batang lalaki na lumapit sa akin at umiiyak, nasa tatlo o apat na taong gulang palamang ito.
"where's my mum?" umiiyak nyang tanong sa akin. Alam kong nawawala ang bata.
"do you know your mum's name baby boy?" malambing kong tanong.
"bring me to my mum. Bring me to my mum please!" malakas niyang sigaw habang umiiyak.
Medyo nakatawag kami ng pansin sa mga taong nandoon kaya niyakap ko ang bata. Kinarga ko ito at saka nagpalingon~lingon umaasang makikita ko ang kasama nito. May narinig akong isang babae na tinatawag ang pangalang Gavin. hinanap ko kung saan nagmumula ang tinig na iyon, nasa escalator ang babae kaya hinintay namin siya sa tapat nito. napansin ng bata ang babae, bumaba ito mula sa pagkakarga ko sa kanya at saka kumaripas ng takbo sa babae, alam kong siya na nga ang ina ng bata.
"Mommy!" masayang masaya ito ng makita ang ina. Lumapit siĺang dalawa sa akin.
"salamat sa pag~bantay mo sa anak ko ah?" sabi ng babae ng babae sa akin. Ngunit parang namumukhaan ko ang babae. napansin kong parang inaanig din nito ang mukha ko.
"Kim?!..." bulalas ko.
"francis?" sagot din nito patunay na siya nga si Kim ang bestfriend ko dati. Nagyakapan kami, ramdam ko parin sa kanya ang pagmamahal ng isang tunay na kaibigan. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa kanila noon ni kevin.
"teka?, nasaan si kevin?" tanong ko dito.
"Matagal na kaming wala Francis" matamlay niyang sagot.
"Anak niyo?" mahina kong tanong.umiling lamang ito ng ulo. ramdam kong mahal niya parin si Kevin. niyaya ko itong kumain, mabuti naman at pumayag siya.
"Bakit kayo nagkahiwalay?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami.
"Gusto mo ba talagang malaman?"
"Kim nirerespito kita. kung ayaw mong pagusapan yun ok lang. "
"hindi, matagal na akong naka moved on. may asawa't anak narin ako kaya ok lang"
"So why didn't you ended up together?"
"It's because he still loves you...ayaw kong angkinin yung boung siya kung ikaw yung laman ng puso niya. I set him free Francis though it hurts me so much. Nagtanim ako ng galit sayo dahil sa kabila ng pagbasura mo sa pagmamahal niya dahil kay Evo ikaw parin itong mahal niya." randam ko ang sakit na naranasan niya.
"I'm sorry" tanging nasambit ko. wala akong maisip na salita para humingi ng kapatawataran.
"Don't be sorry Francis, I realized na wala kang kasalanan. nagkataon lang na ikaw ang mahal ng taong iniibig ko noon. Masaya ako sa kung nasaan ako ngayon at alam kong hindi ako magsisisi pa"
"Im happy for you Kim. salamat sa pang-unawa" lumapit ako dito at saka niyakap siya ng mahigpit.
Matagal kaming nag-usap ni Kim, tungkol sa mga buhay namin. kasal na pala ito sa isang negosyante. Parang ang saya ko dahil bumalik yung dating kami.
na miss ko yung mga panahong ito. hindi ko na nagawa pang itanong kung nasaan na si Kevin ngayon, ayaw kong masira ang araw namin. Alam kong magkikita din kami ni Kevin sa takdang panahon.
Sumabay ako sa pamamasyal ng dalawa, madali ko ring nakuha ang loob ni Gavin ang anak ni kim.
Gabi narin ng mapagdesisyunan naming umuwi. Kahit panandalian lang ay nakalimutan ko yung nararamdaman kong lungkot.
Medyo ayaw ko pang umuwi kaya napag desisyunan kong gumala sa manila bay. alam kong marami kaming naging ala~ala ni Evo dito, saksi ito sa mga lambingan at kulitan namin noon. Akala ko hawak na namin ang aming kapalaran na kami lamang habang buhay. Sadyang napaka misteryo ng buhay dito sa mundo hindi ka pweding magsalita ng patapos. dahil walang kasiguraduhan ang hinaharap..
Hating gabi na ng makauwi ako pagod ngunit payapa, maganda pala pag nakakapag~isip at nabibigyan ng panahon ang sarili. nakatulog din naman ako agad.
Kinabukasan naging masyadong abala ako sa opisina, may mga designs kaming kailangang matapos at maisubmit dahil sa isa kami sa mga magho~host ng Philippine fashion week. Dadalo ang lahat ng mga primyadong tao na malaki ang kaugnayan sa fashion industry dito sa bansa.
Apat na araw na ding hindi ko nakikita si Evo, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito lagi siyang pumapasok sa aking isipan.
Dumating ang araw ng Philippine fashion week, todo paghahanda ang lahat. ako din ang magsusuot ng pinakamahal na fashion wear na trade mark ng Alejandro's Secret.
Kasama ko si Darcie at ang mga executive ng A.S, hinatid kami ng Limousine sa venue. ang gara ng entrance namin, dumaan kami sa red carpet habang nagkakagulo ang press at media sa pagkuha ng litrato sa akin lalo na sa sikat na desisnyo ng A.S na sout ko.
Ilang minuto lang din ng dumating kami ay dumating rin si Bianca kasama si Evo. lumapit ito sa table kung nasaan kami, nakapulupot ang isang kamay nito sa mga bisig ni Evo. I seems not to mind them, ewan ko ba ngunit may kurot na dulot iyon sa puso ko. Iniiwasan ko ring tumingin kay Evo, ayaw ko ng eye to eye contact sa kanya.
Napakadaldal ni Bianca kaya nahahawa na lamang si Darcie sa kanya. Hindi ko magawang makipagsabayan sa kwentohan nila parang may mga kandado sa ilalim ng dila ko. Tahimik din si Evo hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya.
Napansin kong madalas ikwento ni Bianca ang mga sweet moments nilang dalawa ni Evo. Kung hindi ko lang talaga alam na walang alam si Bianca sa nakaraan namin ni Evo, iisipin ko talaga na sinasadya niyang paselosin ako.
Napansin naming nagkakagulo sa labas, mga press at media pala na nag~uunahan sa pagkuha ng coverage sa grand entrance ni Alyson. Diyosa ng kagandahan ang trato sa kanya ng publiko, nakasout ito ng puting gown na animo'y magpapakasal uli.
"Yan ba ang desinyong ipinagmamalaki ng House of Armeda, eh parang nirentahan lang mumurahing botique sa divisoria eh" natatawa kong sabi. napatawa ko si Darcie ngunit hindi si Bianca, mukhang seryoso
itong nagmamasid sa papasok palang na si Alyson.
tuloy tuloy ang pagdating ng mga malalaking personalidad sa fashion at showbiz industry, overwhelming lang sa pakiramdam dahil sila pa ang lumalapit sa akin para makipagkilala, magpapicture o di kaya gusto lang akong makita ng personal. Iba pala pagsikat ka sa ibang bansa dahil mas lalo kang sisikat pagdating dito sa pilipinas. Napansin kong lumapit sa pwesto namin si Alyson, nakangiti ito na parang anghel na hindi mabasag plato.
"So it's you, the Alex of Alejandro's Secret. by the way I'm Alyson Villafuerte. And it's my honor meetïng you here"
" It's my pleasure seeing you again Alyson after so many years. hindi mo ba ako natatandaan?" kumunot ang noo ni Alyson, tinitigan nya ko ng mabuti.
"oh?, I can't believe at your age, you already have memory gap?..what about Evo do you still remember him?" tiningnan nito sï Evo. panay naman ang palihim na paghila ni Darcie sa kamay ko. Alam kong narararamdaman niya ang tensyong gustong kumawala sa loob ko.
"FRANCIS?, oh my God is that you?, just kidding. Syempre alam kong ikaw yan, bawal bang umaktïng man lang kahit kunti? atleast maranasan mo yung mala best actress sa gawad urian kong galing sa pag~arti?" ngumiti ito na para bang anghel na unti~unting tinubuan ng sungay.
"Salamat sa pag~share mo ng pang best actress mong acting. Nakakapanindig balahibo. Superb!.." mahina kong sagot. tahimik lang na nakikinig sa amin sina Evo at Bianca. alam kong ramdam ni Evo ang matinding galit ko.
"What about yung pang FAMMAS kung galing gusto mo?.." mas lalong pang~iinis nito sa akin. uminum ito ng redwine at saka ngumiti. hindi ko napaghandaan ang paglapit nito sa akin at umakting na makipagbiso~biso. sinadya niyang itapon sa damit ko ang wine ng palihim, sa galit ko handa na sana akong sabunutan sïya ngunit ang galing niyang humanap ng timing. nakatoun sa amin ang lahat ng camera. Wala akong nagawa kundi umakting nalang at sakyan ang drama ng bruhang ïto. umalis din naman agad ito at pumunta sa katabing table na reserved para sa kanya at sa mga staff niya.
"Mag ayos ka muna sa banyo friend, ito uh tissue. kaw kasi eh sinakyan mo pa ang bruhang yun. ang galing nyang umarti ah?..akalain mo yun pang ~oscar ang level niya"
"iniinis mo ba ako lalo friend?"
"Biro lang..chill, pinapatawa lang kita"
"thanks sa malasakit ah?" naiinis kong sagot dito, ngumisi ĺang ito. pumunta ako ng restroom para patuyuin ang nabasa kong damit.
Araw mo pa ito Alyson, hindi ako titigil hangga't hindi ko napapalabas ang tunay na kulay ng budhi mo.
"Are you ok?" nagulat ako sa boses na lumitaw sa aking likuran.~si Evo na naman.
"yeah I'm fine." maikli kong sagot na para bang hindi intirisadong makipag usap.
"Francis, nakikiusap ako sayo wag mo ng patulan ang mga banat ni Alyson. I'm afraid for your safety. Alam mo kung ang kaya niyang gawin, lalo na ngayong maimpluwinsyang tao siya sa bansa." pakiusap niya. ramdam ko ang pagalala nito sa akin.
"Pwede ba?..don't act like we're ok!, gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin. No one dictates me. and FYI ang francis na sinaktan mo?..he's dead 5 years ago. By the way I'm Alex baka nakalimutan mo na." lalabas na sana ako ng restroom ngunit mahigpit niya hinawakan ang kamay ko. hinila niya ako at isinandal sa pader.
"hanggang kailan ka ba magtatanim ng galit mu ah?" tanong niya. nabigla ako sa ginawa niya. nakakulong ako sa dalawang kamay niya habang nakasandal ako sa pader.
Ang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa naaamoy ko na naman ang mabango niyang hininga. tinulak ko siya palayo.
"hanggang hindi ko napaparanas yung sakit na ibinigay nyo sa akin.!!!" galit kong sagot. mabiĺis akong lumabas para iwasan si Evo.
Nagsimula na nga ang programa abala ang lahat sa pagtutok sa mga modelong rumarampa sa stage.
Tahimik akong umupo at nagkunwaring ok lang ako. maya~maya pa ay dumating din si Evo panay ang titig nito ng palihim sa akin.
Narinig kong tinawag amg pangalan ni Alyson, isang masigabong na palakpak ang iginawad sa kanya ng mga tao. Tumayo siya at naglakad patungong stage, dadaan muna ito sa gilid ng table namin bago makarating ng stage. may waiter na nakatayo sa tabi ko kung saan dadaan si Alyson. lalakad sana palayo ang waiter para bigyan ng daan ang bruha ngunit hinarang ko ng palihim ang paa ng waiter kaya na out of balance ito at tumilapon ang mga pagkain at inumin na hawak ng waiter sa ipinagmamalaking gown ni Alyson. Nagmukhang christmas tree si Alyson sa iba't ibang kulay ng sarsa na natapun sa kanya.
Kinabahan ako ng bahagya ng umiba ang aura ng mukha ni Alyson. mula sa mala anghel nyang mukha ay tila gutom na lion na ito ngayon. nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit, hinarap niya ang waiter na nakadisgrasya sa gown niya. Hindi namin inaasahan ang naging reaksyon niya, pinagmumura at nilait~lait pa niya ang waiter na walang ibang ginawa kundi ang humingi ng pasensya. Hindi na nagawa pang kontrolin ni Alyson ang kanyang sarili patuloy parin ito sa pagmumura kahit na sinubukan na siyang pakalmahin ng mga kasamahan nito. Nakalimutan niya yatang may mga media at press sa palibot. Ngayon malalaman na ng boung pilipinas ang totoong ugali ng kinilala nilang anghel, anghel na may tinatagong sungay at buntot. Napangiti ako ng palihim sa sinapit ni Alyson, napansin kong nakatitig sa akin si Evo. Hinintay niyang lumingon ako sa kanya saka siya bumuntong hininga, alam kong nakita niya ang ginawa ko ngunit wala na akong pakialam pa sa iisïpin niya sa akin.
Hindi na natuloy pa ang nasabing okasyon kaya napagpasyahan naming umuwi nalang. Kinabukasan ay parang daig pa sa isang blockbuster hit ang balita tungkol sa naganap na aksidente kagabi. kabi~kabila ang mga opinyon sa TV,radyo at maging sa socïal media. Alam kung in total distraction ngayon si Alyson dahiĺ sa bad publicity na kinasasangkutan niya.
Hindi na muna ako pumasok sa trabaho, medyo na miss ko sina Mommy kaya nag desisyon akong pasyalan siĺa sa bahay. Masayang masaya sïĺa ng dumating ako sa bahay, nandoon din sïna kuya at ang asawa niya at ang pinaka~cute kong pamangkin.
"Buti naman at napadalaw ka anak, sa T.V lang kita minsan nakikita at mga magazine. malayo na nga ang naratïng mo" si Mommy.
"Medyo busy lang po talaga kami ngayon Mom, lalo na at bago palang ang kompanya dito kaya medyo hands on pa kami sa process"
"Anak?"
"Ano po yun Mom?,"
"Alam kong magkasama kayo ni Evo sa trabaho ngayon, kumusta kayo?"
"Ok lang po Mom" matamlay kong sagot.
"Ok lang ba talaga?" paninigurado ni Mommy.
"Mom, tapos na kami. may kasintahan na siya, isa pa bestfriend ko ang girlfriend niya."
"Nagsisisi kami kung bakit namin kayo pinaglayo, mahal na mahal ka ni Evo anak. nung oras na umalis ka hinabol ka niya ngunit hindi naging patas ang pagkakataon sa inyo. nadatnan namin siya ng daddy mo sa labas ng airport umiiyak sa pag~alis mo. Nabalitaan namin na pinaglaban niya ang kaso mo sa school at napatalsik ang mga sangkot na dahilan ng pagdurusa mo noon. Anak pumunta siya ng america kahit wala siyang napala sa pagtatanong sa amin. hinanap ka niya"
Speechless ako sa sinabi ni Mommy. Hindi madali ang ginawang iyon ni Evo, Ngunit para saan pa ang malaman ko iyon kung boyfriend siya ng mismong bestfriend ko.
"Matagala na po kaming tapos Mom, ayaw ko na pong balikan ang nangyari na"
"Ang tanging maipapayo ko lamang sayo anak, Wag kang padalos~dalos sa mga desisyon mo. Ayaw kong masaktan kang muli"
"Salamat Mom, I promise"
Nagstay pa ako doon ng ilang oras, nakipaglaro sa cute kong pamangkin anak ni kuya Niko, nakipag~chikahan din ako sa hipag ko. Gusto kong maka~bonding ang pamangkin kong si Vianney kaya pinagpaalam ko siya na mamasyal kaming dalawa. Dinala ko siya sa Park, masaya ako dahil nag~eenjoy si Vianney. Alam kong minsan lang ito nakakapunta sa mga lugar na katulad nito dahil napaka metikulusa ng Mommy niya.
Nagulat ako ng sumigaw si Vianney, Nakaupo lamang ako sa isang bench.
"Tito!, look uh?" sabi niya habang tinuturo ang lobo na binili ko, nabitawan niya ito ngunit sumabit sa sanga ng isang puno.
"Don't worry Vianney, I'll buy you another one"
"but I ĺove that balloon already, I just can't leave it that way"
Hindi ako nakapagsalita ng sabihin iyon ng bata.Simple lang ang sinabi niya ngunit may kahulugan iyon para sa akin. Minsan may mga bagay na mahalaga na sa akin o sabihin man na napamahal na pero pilit kong iniiwan. kung sabagay kaya ko iniiwan ang mga bagay na malapit sa akin dahil sila din ang sanhi ng aking paghihirap kung minsan.
"Tito?..are you going to get that thing for me?"
"Ok little boy, let tito franz find a way ok?"
Naghanap ako ng patpat na medyo mahaba para ipangsungkit sa balloon, ngunit pinagpapawisan na ako pero hindi ko parin magawang makuha ang balloon.
"Excuse me?...need some help?.." Boses ng isang lalaki mula sa aking likuran. lumingon ako wala akong ka~aydi~idea sa taong masisisilayan ko.
Matagal kaming nagkakatitigan, hindi ako makapaniwalang dito kami magkikita. binalak ko na minsan na hanapin siya ngunit dahil sa sobrang hectic ng schedule ko ay wala akong oras na ipagtanong siya.
Napansin kong maging siya ay nagulat sa pagkakita sa akin, may mga namumuong luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"I can't believe its you" tanging nasambit niya saka mabilis na yumakap sa akin.
"Kevin!!.." naiiyak kong sabi habang nakakulong sa mga bisig niya.
"Akala ko kamukha mo lang yung Alex but you're here now iisa lang kayo"
"Sorry kong hindi kita binalitaan sa pag uwi ko sobrang busy kasi"
"Ok lang atleast dito tayo ngayon reunited"
"Tito what about my balloon" natawa ako sa paninira ng inosenting si Vianney sa Moment namin ni Kevin.
"Ok, your Tito Kevin will get that for you" presinta ni Kevin.
"No, no Kevin baka mapano ka?..wag na"
"Promise I'll be ok?"
Inakyat nga ni Kevin ang puno mabuti naman at madali lang niyang nakuha ang lobo. Masayang masaya si Vianney ng mapasakamay niya ang lobo.
"Thank you so much Tito" masayang sabi ni Vianney kay Kevin.
"No problem baby boy" sagot ni Kevin saka ginulo ang buhok nï Vianney.
Sumama sa amin si Kevin, ang nangyari siya ang nagtrait sa amin ni Vianney. Nanoud kami ng sine, pumunta ng enchanted kingdom at kung saan saan pa.
Gabi na kami ng umuwi kaya tulog sa byahe pauwi si Vianney.
"Namiss kita" ~si kevin.
"Namiss din kita" sagot ko.
"Taĺaga?.." masigla niyang tanong.
"Oo naman, syempre best friend kita eh" hindi ko alam kung ano ang mali sa sinagot ko dahil medyo tumamlay ang mukha nito. Wala kaming imikan habang binabaybay ang daan pauwi, Napagod ako kaya hindi ko namalayang nakatulog ako.
"best?...nandito na tayo" marahang pagising nito sa akin. kinusot ko muna ang mga mata ko saka bumangon. kinarga niya ang natutulog na si Vianney papasok ng bahay. Nakaabang sa sala ang hipag ko at si Kuya Niko, nakipagkamay si Kuya ay kevin.
Nagkumustahan at nag~usap mg pandalian. Tulog na kasi sila Mommy natutulog kasi ito ng maaga lalo na kapag waĺa si Daddy. nasa singapore kasi si Daddy may business trip.
Hating gabi na ng magpaalam si Kevin sa amin. Hindi ko na nagawa pang umuwi sa Condo ko kaya sa dating kwarto ko ako muling natulog. Maaga akong nagising dahil medyo malayo ang bahay sa aming opisina.
Nagulat ako sa nadatnan ko sa aking opisina, may mga pumpon ng mga bulaklak sa bawat sulok. Wala naman akong maisip na okasyon ngayon kung bakit may mga bulaklak, dumating si Darcie.
"Luma~love life ah?" pang aasar niya.
"ah?..sinong love life kamu?" tanong ko. ngumuso siya sa pintuan, nagulat ako ng makita si Kevin may bulaklak din itong dala, nakangiti siya napakagwapo niyang tingnan. Mas lalo siyang kumisig ngayon in short leading man material siya.
"Good morning, flowers for you" bati niya sa akin. May mga kinikilig sa amin ni Kevin. Nag~aalangan akong tanggapin ang mga bulaklak na bigay niya dahil parang hindi bagay ngunit napakalakas ng hiyawan sa office kaya napilitan ako.
"salamat..nag abala kapa" sagot ko. mula sa sulok ng aking mata ay napansin ko si Evo na seryosong nakatingin sa akin ngunit hindi ko ito pinansin.
"Sige, napadaan lang ako baka maistorbo ko pa trbaho mo"
"Wow ah?..ganito pala ang napapadaan lang hindï halata ah?" napatawa siya sa sinabi ko. Alam kong hindi ko nagugustuhan ang ginagawang ito ni Kevin ngunit kailangan kong sakyan siya kanina gusto kong ipakita kay Evo na mas magiging masaya ako kahit wala siya.
May tatlong session kami ng pictorial ngayong araw ni Evo, pansin ko ang pagiging tahimik nito pinabayaan ko nalang siya. Ayaw kong ipakita sa kanya na as if I care.
Kinahapunan maaga akong umuwi, nasa Elevator ako at naghihintay para bumaba sa basement kong nasaan naka~park ang kotse ko.
"Pwede ba kitang makausap?"lumingon ako~si Evo.
"May dapat ba tayong pag~usapan?" mataray kong tanong.
"Kayo na ba ni Kevin?"
"The hell you care!" singhal ko saka tumalikod eksakto namang bumukas ang elevator kaya mabilis akong humakbang papasok. Nabigla ako ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko ng mahigpit.
"I care because I love you!" galit niyang sagot. pinilit kong tanggalin ang kamay nya ngunit mahigpït ang pagkakahawak niya.
"Evo nasasaktan ako please?"
"Sagutin mo muna ako..mahal mo pa ba ako?"
"bitawan mo ako!..nasasaktan ako" muli kong pakiusap, hindi ko pinansin ang tanong niya.
"BITAWAN MO SIYA!!!!" boses na galing sa kabilang elevator na kabubukas lang. napatigil ako, nakita ko ang galit na si Kevin.
Sinugod niya si Evo ng suntok, na out of balance si Evo kaya napasubsob ito sa sahig. babangon sana para gumanti si Evo ngunit naunahan na naman siya ng tadyak ni Kevin. Medyo nawala ako sa sarili, natauhan lamang ako ng makita ko na puno ng dugo ang mukha ni Evo. parang kinurot ang puso ko ng makita ang taong mahal ko na nasasaktan. patuloy siyang pinagtatakdyakan ni Kevin kaya parang wala ako sa sarîli kong tinulak siya palayo kay Evo. Umupo ako at ipitanong sa mga hita ko ang ulo ni Evo.
"Evo I'm sorry..are you ok?" nag~aalala kong tanong. hindi ito makasagot agad dahil namimilipit ito sa sakit.Hindi ko namalayan na pinagtitinginan na kami ng ibang mga ka~officemate namin.
"I'm sorry francis hindi ko sinasadya" si Kevin.
"Iwanan mo na muna kami Kevin please?!!!" galit kong tinuran, parang aso naman itong sumunod. Nagpakuha ako ng cotton at betadine at nilagyan ang mga sugat ni Evo.
"Anong nangyari?!!!OMG!! honey are you Ok?" bulalas ni Bianca. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nito, umupo ito sa tabi ko at inilipat ang ulo ni Evo sa mga hita nito.
"Let me take good care of my BOYFRIEND, friend" wika ni Bianca. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya at sa paraan ng pag diin niya ng salitang "boyfriend".
itutuloy.....