Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Mayo 1, 2014

A Love In An Island Chapter 20





Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                           

                                                    A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga




Chapter 20

Kevin (POV'S)

Nag-aalala ako kay Francis, Alam kong nasaktan niya ako pero wala siyang kasalanan kung bakit ako nasaktan. tulad ko, siya'y nagmahal din. Pinilit kong iwasan siya habang masaya siya sa piling ni Evo, iniwasan ko siya hindi dahil galit ako sa kanya kundi nasasaktan parin ako sa tuwing nakikita siyang masaya sa piling ng iba.

Sa mga panahong nagdurugo ang puso ko sa sakit na dulot ng aking pagmamahal sa kanya walang ibang dumamay sa akin kundi si Kim. Noong una'y akala ko isang pagmamalasakit lamang sa isang kaibigan ang ginagawa ni Kim sa akin ngunit hindi naglaon ay nahulog ang loob nito sa akin. Mabuting tao si Kim at ayaw kong masaktan din siya tulad ng nangyari sa akin.

Isang gabi noon habang nagpapakalasing ako sa isang bar, gusto kong makalimot. gusto kong idaan na lamang sa alak ang sakit na dulot ng pagkabigo. ilang linggo na ang dumaan buhat ng malaman kong may relasyon at nagmamahalan ang bestfriend ko na lihim kong minahal at ang taong kaagaw at ka-kompetinsya ko sa lahat ng bagay sa school. Oo, hindi naging madali para sa akin ang tanggapin na lamang ang lahat at sabihing talo na ako, Walang ibang takbuhan ako noon kundi ang alak.

Mag-mamadaling araw na iyon ngunit parang camel akong uhaw sa lasa ng red horse, walang humpay na tagayan ang ginawa ko para lamang maibsan ang kirot na aking nararamdaman. Hindi ko na namalayang nasubrahan na  ako sa paglagok ng alak at lasing na lasing na ako. Nagulat na lamang ako ng may maramdaman akong mga kamay na umalalay sa akin upang tumayo at iginiya ako nito palabas. dahil sa sobrang kalasingan ay halos hindi ko na siya makilala.

"A..nho..bha...gushto kho phang uminom eh...bitawan mo ngha ahko?" pagmamatigas ko sa kanya.

"Kevin No!, lasing ka na at kailangan mo ng umuwi" sabi niya sa akin.

"Khim?..hihikaw ba yhan?...hanong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Tumawag ang isa nating kaklase sa akin, nakita ka daw nilang naglalasing dito kaya pinuntahan kita" sabi niya ng pagalit ngunit may bahid ng pag-aalala.

"phwede ba?..pabayaan niyo na muna ako...ghusto ko munang makalimot kahit ngayon lang. Khim bu..bumalik ka nalang sa bahay niyo"

"Kevin wake up!..You don't desreve this...hindi mo kailangan sirain ang sarili mong buhay dahil lang nabigo ka sa kanya. kevin kung hindi ka niya mahal maraming nagmamahal sayo?..try to turn around and look who really cares a lot about you."

"Sino?..ang pamilya ko na walang ibang inatupag kundi ang negosyo nila?" nag-taas ako ng boses sa hindi ko sinasadyang dahilan.

"manhid ka ba o nagbubulagbulagan lang?... kulang pa ba yung efforts ko para mapansin mong I care about you?" napapaiyak siya habang sinasapo ang sarili.

"Khim w..What do you mean?"

"Kevin mahal na kita...I know it's not proper for me saying all this shit to you but that's what I feel now, hindi lang ikaw ang nasasaktan kevin dahil hindi ka mahal ng taong mahal mo" sa puntong iyon ay humahagulgol na si kim sa pag-iyak. nahimasmasan ako sa pagkalasing dahil sa nangyari.

"A..I'm sorry Kim, I don't mean to hurt you..." niyakap ko siya para pagaanin ang kanyang kalooban.

"You don't need to do this Kevin,  tumawag na ako sa bahay niyo para sunduin ka dito I know you can't drive right now. Just forget everything I said. I have to go" sabi niya saka umalis. para akong tuod sa aking kinatatayuan sa kanyang mga sinabi.

Dahil sa mga nangyari noong gabing iyon ay pinilit kong kalimutan ang sarili kong nararamdaman. bumalik ako sa fucos sa klase kahit na minsan hindi ko maiwasang  isipin si francis. pinili kong iwasan na muna siya para magkaroon ng pagkakataong matanggap ko na wala ng pag-asa pa ang aking nararamdaman para sa kanya. Dahil sa mga nangyari ay mas naging malapit kami ni Kim sa isa't-isa, binigyan ko ang sarili ko ng pagkakataong umibig muli kahit na si francis parin ang sinisigaw nito. niligawan ko si Kim at eventually naging kami, kahit na hinahanap ko parin si francis. Naniniwala akong natuturuan ang puso kaya pinursigi ko ang relasyon namin ni Kim.

Sa mga panahong masaya kami ni Kim ay maraming nangyari sa buhay ni francis at Evo na sa mga kaklase ko lang din naririnig, minabuti kong tumahimik na lamang kahit na sa kalooban ko gusto kong malaman lahat kung ano na ang mga nangyayari sa buhay niya. kaya lang iniisip ko ang mararamdaman ni Kim kung gagawin ko iyon, kampanti naman akong kayang ipagtanggol ni Evo si francis kung ano paman ang mangyayari.

Isang taon na pala kami ni Kim ngayon at nakakatawang isipin dahil si Francis parin ang laman nito. Mas lalong nanabik ako sa kanya ng muli ko siyang makita at mayakap kanina, alam kong kailangan niya ng karamay sa ngayon lalo pa't isinuko na siya ni Evo. Awang-awa ako kanina sa mga nasaksihan ko habang pinagtutulakan sya ni Evo pero hindi ko siya magawang ipagtanggol dahil iniisip ko si Kim. Kilala ko si Francis hindi niya magagawa ang bagay na iyon, kailangan kong malaman kung sino ang may pakulo ng lahat ng ito para sirain siya.Mas dumoble ang awa ko ng hinatid namin siya ni kim sa bahay nila, halos bugbugin siya ni Tito Armando sa galit.   

"Hon?, ayos ka lang ba?" napukaw ang aking pag-iisip ng tanungin ako ni Kim. nagda-drive ako ng kotse kagagaling lamang namin sa bahay nila francis.

"Ok lang ako hon just don't mind me" sagot ko sa kanya, nilingon ko siya saka nginitian at saka bumalik sa pagmamaneho.

Hinatid ko na muna si Kim sa kanila saka dumiritso sa bahay, hindi ako makatulog. bumaba ako sa kusina at kumuha ng beer, bakit parang hinihila ako ng aking mga paa papunta kina francis. hindi ako mapakali, lakad balik, lakad balik ang ginagawa ko habang may hawak na beer sa aming balcony. nagmumukha tuloy akong pendulum sa aking ginagawa.

Nang maubos ko ang isang bote ay inilapag ko ito sa maliit na mesa ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay parang bumilis ang pagtibok ng puso ko at nabitawan ko ito. nagulat ako sa nangyari, walang ibang nasa isip ko kundi si Francis.

Hindi nakatulong ang pag-inom ko ng beer para huminahon ako sa kaiisip kay francis. bahala na, pupuntahan ko sya sa kanila. kumuha ako ng jacket sa kwarto at ang susi ng aking kotse, nagmamadali akong bumaba at pinaharurot ang sasakyan papunta kina Francis. Ilang minuto lang din at nakarating ako sa subdivision nila. Nag-door bell ako, para akong asong hindi matae sa labas habang hinihintay ang magbubukas ng gate sa akin. Hindi ko rin lubos nauunawaan ang sarili ko kung bakit ganito nalang ako ka despiradong makita si Francis sa dyes oras ng gabi.

Bumalik ako sa aking ulirat ng may magbukas ng gate, ang yaya ni Francis ang nagbukas ng gate para sa akin. kinukusot pa ang kanyang dalawang mata halatang kagigising lang mula sa naputol nitong pagtulog.

"A..e.magandang gabi po manang" nahihiyang bati ko.

"Oh iho?, bat napasugod ka sa ganitong oras?" tanong niya. nagkamot ako ng ulo nahihiya ako sa aking isasagot.

"K.kasi po kailangan ko lang makita si Francis..hindi po kasi ako mapakali"

"kayo talagang mga bata kayo hirap niyong maintindihan, halika pasok ka, katukin mo nalang siya sa kanyang kwarto." pinatuloy niya ako. nagmamadali kong tinungo anag kwarto ni Farncis. naka tatlong katok na ako ngunit hindi siya nagbubukas ng pinto, pinihit ko ang door knob mabuti nalang at hindi naka lock kaya nakapasok ako sa kanyang kwarto. hinanap ko siya sa kama niya ngunit wala siya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mangamba sa pweding gawin ni Francis sa sarili niya lalo pa't napansin ko ang basag na salamin 
sa kanyang drawer at nagkalat sa sahig ang mga bubog nito.

"Francis?" tawag ko sa kanya. Sinunod ko ang kanyang banyo, naririnig ko ang pag-agas ng gripo.

"Frans?..naliligo ka ba?" muli kong tanong ngunit walang sumasagot. pumasok ako sa loob hinawi ko ang shower curtain na nagtatakip sa banyo niya. Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking katawan ng makitang nakahiga sa bath tub si Francis at nakalubog ang kalahati ng kanyang katawan sa tubig. napansin ko ang isang bahagi ng nabasag na salamin sa tiles sa ilalim lang ng bath tub, may bahid ito ng dugo. dali-dali kong kinuha ang kanyang kamay para tingnan kung may sugat ngunit......

"Fr..francis?!...." sigaw ko. dali-dali ko siyang binuhat mula sa bath tub, putlang-putla na ito at nanlalamig ang katawan.

"No no no..francis please don't do this" dasal ko sa sarili.

"Tulong!..si Francis..tita!" sigaw ko habang binubuhat si francis palabas ng kanyang kwarto.
Nagsilabasan silang lahat, halos mawalan ng ulirat si Tita Diane ng makita ang sitwasyon ni Francis. pinakalma ito ng kuya ni Francis, tinulungan naman ako ni Tito Aramando pababa para dalhin sa hospital si Francis.

Mabalis kaming nakarating sa Hospital, agad namang dinala sa emergency room si francis. hindi kami mapakali sa labas ng daddy niya habang naghihintay sa paglabas ng doktor. maya-maya'y dumating sina Tita Diane at ang kuya niko ni francis.

Umiiyak itong yumakap kay tito Armando, pilit naman siyang pinapahinahon ng dalawa. tinanong nila ako kung ano ang nangyari, sinagot ko naman sila kung bakit ako napunta doon.Naputil ang aming pag-uusap ng lumabas ang doktor na umasikaso kay Francis. tinanggal muna niya ang kanyang gwantes at mask na nakatakip sa kanyang bunganga bago nagsalita.

"Kritikal ang kalagayan niya ngayon, he lost a lot of blood and if he was not been brought here ahead of time he might be dead rigth now, but be grateful that he's near from safety now..kailangan lang niya ng blood transfusion para maging okey"

"gawin po niyo ang lahat dok maging okey lang ang anak ko" napapahagulgol na wika ng tita diane.

"Don't worry misis, your son is on safe state right now he just need blood, I'll call the nurse to assist you here. iiwan ko na muna kayo."

"Salamat po Dok" sabi ni tito Armando.

Inilipat si Francis sa isang private room, wala itong malay. Tumawag ako kay Kim at sinabi sa kanya ang nangyari agad naman itong pumunta, Sobrang nagsisisi sina Tito Armando at Tita Diane.

"Tita, Tito palagay ko sinet-up si Francis. Kilala ko po siya, hindi po niya magagawa ang bagay na yan" lakas loob kong sinabi sa kanila habang nakaupo sila sa isang sofa na nasa gilid ng kama ni francis.

Maraming dumalaw kay francis mula sa mga kaklase namin sa kabila ng negatibong nangyari sa kanya sanhi ng eskandalo. lahat sila'y hindi makapaniwala sa eskandalong kinasasangkutan ni Francis, naniniwala silang may kasagutan ang lahat ng ito.

Tatlong araw ding tulog si Francis, nang magising ito'y pinakita ng kanyang pamilya ang suporta sa kanya. Naging maasikaso na ang kanyang Mommy at Daddy sa mga pangangailangan niya, nagleave ang mga ito sa kanikanilang trabaho para bantayan siya, ganoon din ang kuya niko nito.

Ngunit malaki ang pinagbago ng nangyari kay francis, madalang lang itong magsalita. hindi na ito sumasagot o nakikisali sa mga usapan namin habang nasa hospital kami. Lagi din namin siyang napapansing umiiyak ng palihim.  Sinubukan siyang kausapin ng mga magulang niya ngunit wala silang napala.

Nakapag desisyon akong puntahan si Evo, alam kong this would be hard for me asking favor from him. Nagpaalam akong papasok muna sa klase, maaga akong pumasok sa school. hinanap ko si Evo, nakita ko siya kasama ang mga varsity scholars. nagkakasiyahan ang mga ito ngunit alam kong peke ang mga ngiting pinapakita ni Evo.

"Evo pwedi ba kitang maka-usap?" tawag pansin ko sa kanya. isa-isang nagpaalam ang mga kasama niya at naiwan kaming dalawa.

"Kung tungkol ito sa kaibigan mo hindi ako interisado" straight forward niyang sagot.
"Evo pare, naghihirap ang kalooban ni Francis ngayon. Alam kung alam mo ang nangyari sa kanya, tinangka niyang kitilin ang buhay niya dahil sa nangyari"

"Ako ba ang sinisisi mo sa ginawa niya?" galit niyang tinuran

"Evo hindi!, gusto ko lang malaman mo na hirap na hirap siya ngayon. kailangan ka niya"

"Kevin, sorry pare pero gusto ko lang malaman mo na mula ng mangyari ang bagay na yun ay pinutol ko na ang ugnayan namin"

"ganoon lang kadali yun sayo?. akala ko ba mahal mo siya? bakit ganun mo lang siya kadaling isuko?..Evo kilala ko si Francis at I wish you know him better than me. hindi niya magagawa yun sa sarili niya. kailangan natin magtulungan para malaman ang totoo at malinis ang pangalan niya"

"Sorry pare pero hindi na ako interesado pa" sagot niya saka umalis. naiwan akong walang napala.
Pinuntahan ko rin ang opisina ng school administrator, kinamusta ko ang kaso ni Francis ngunit huli na pala ako naglabas na ng pirmadong papeles ang school ng pag-eexpel kay francis. humingi ako ng pabor na paiimbistigahan muna ang nangyari ngunit bulag at pepe ang pamunuan ng school tungkol sa nangyari.

Francis(POV)

Nagising ako sa loob ng isang hospital nagulat ako sa sigla ng buo kong pamilya sa paggising ko ngunit hindi ito nakatulong para mawala ang sakit na dinaramdam ko. Hindi ko alam ngunit parang wala na akong ganang harapin pa ang buhay, wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak ng umiyak. lagi nila akong pinapatawa ngunit hindi na kaya pang utusan ng isip ko ang mga muscles sa bibig ko para muling ngumiti.
Lagi akong tulala habang masaya namang nag-uusap ang mga nagbabantay sa akin. Nakikita ko naman ang efforts nila Daddy, Mommy at kuya pero wala ng saysay sa akin iyon. Sa tuwing naiisip ko ang lahat ng nangyari lalo na sa pagtaboy sa akin ni Evo wala akong ibang nasa isip kundi sana natuluyan na lamang ako.
Noong mga panahong  wala akong malay ay laging nasa panaginip ko si Evo. umiiyak siya sa tabi ko habang sinusuklay niya gamit ang kanyang mga daliri ang aking mga buhok. parang totoo akala ko matatapos na rin sa wakas ang paghihirap ng kalooban ko ngunit ng magising ako ay wala kahit anino niya. Sa tuwing naaalala ko siya'y parang ilog na dumadaloy sa aking mga mata ang aking mga luha, walang mapagsidlan ang sakit na aking nararamdaman.

Naapreciate ko rin yung effort na pinapakita ni Kevin sa akin, lagi siyang nasa tabi ko at sinisiguradong maayos lang ako. Hindi lingid sa akin ang relasyon nila ni Khim kaya minabuti kong kausapin si Kim para niya ikakasama ang mabuting ginagawa sa akin ng nobyo niya.

"Kim?" tawag pansin ko sa kanya habang abala ito sa kapapanood ng t.v. wala sina Mommy at Daddy ng mga oras na iyon, lumabas naman si Kevin para bumili ng makakain namin kaya nabigyan ako ng pagkakataong makausap si kim.

"May kailangan ka ba?" nag-aalala niyang tanong.

"No..hindi.wala.wala....uhm just don't mind me, gusto ko lang kausapin ka"

"Ah ganun ba?..tungkol pala saan?" 

"Kay Kevin" sagot ko. binalot muna kami ng katahimikan. Alam kong may nararamdaman siya pero ayaw niyang ipahalata ito, napansin ko ang pamumula niya.

"B.bakit ano ang tungkol sa kanya?" tanong niya.

"Alam kong nakikita mo kung gaano siya ka-alaga sa akin, sana huwag mong isipin na nagti-take advantage ako. I know you knew that we're bestfriends before all of this things happened."

"I trust you friend, Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa kanya...b.but I don't know for him..." hindi na nakapag control ng kanyang emosyon si Kim. niyakap ko siya, nagyakapan kami.

"Shhssh!.." pagpapakalma ko sa kanya.

"It hurts when I see him cared about you as much as he cared for me,  Hindi ako nagagalit friend pero hindi ko lang maiwasang magselos eh. nakakainis naman kasi tong nararamdaman ko eh" sabi niya.

Napatigil lamang kami sa pagyayakapan ng marinig namin ang pagpihit ng pintuan, dumating si Kevin na may dalang mga pagkain. pinilit naming magpaka normal na para bang walang iyakang naganap.
kung may isang bagay lang akong dapat na ipagpapasalamat, iyon ay ang pagkakaroon ko ng pagkakataong manumbalik ang pagkakaibigan naming tatlo. Isang linggo pa ang dumaan bago ako na discharge sa hospital, hindi narin ako pumasok pa uli sa school dahil nabalitaan ko na mula kay kevin ang desisyon ng school administrator namin.

Lagi akong nasa kwarto ko at nagmumukmok, hindi narin ako pinayagang mag-lock ng pinto at dapat may kasama ako sa loob ng kwarto. laging si yaya ang kasama ko sa kwarto ko, nanunuod lang ito ng t.v samantalang ako naman ay pahiga-higa, iiyak ng palihim o kaya matulog na naman.

Lagi akong kinukumusta nila Mommy, minsan ginagayak nila akong lumabas o di  kaya manoud ng sine ngunit wala akong ibang sagot kundi ang pagtanggi. Alam kong maski sila ay nahihirapan narin sa aking sitwasyon, ang pagkakaalam kasi nila sila ang dahilan kung bakit naging ganito ako. Oo inaamin ko isa din sila sa mga dahilan kung bakit nakakaranas ako ngayon ng matinding depression , hindi parin kasi maalis sa isipan ko ang galit sa kanila dahil sa panghuhusga nila sa akin kahit na wala pa silang alam. Sila kasi yung inaasahan kong magpo-protekta sa akin sa oras na nagigipit ako. masakit man isipin ngunit isa din sila sa mga nanghusga sa akin.  Sinaktan nila ako lahat kasama si  Evo, gustong gusto kong kalimutan nalang ang nangyari ngunit parang bangungot itong bumabalik sa aking puso at isipan. gusto ko silang patawarin para muli akong maging masaya ngunit nauuwi lang sa pagluha at paghihinagpis kapag paulit ulit ko itong iisipin.

Ayaw ko ng ganitong buhay, buhay na nababalot sa lungkot at galit. Mahirap magkimkim ng galit sa mga taong malalapit sa akin, hindi ko sila kayang saktan tulad ng pinadama nila sa akin. Isang araw ay nagising na lamang akong may solidong desisyon na gagawin sa buhay ko. alam kong kailangan ko itong gawin para sa ikapapayapa ng kalooban ko at ng matanggap na ng sarili ko ang mga nangyari, ng sa ganun maibibigay ko na ang pagpapatawad sa mga nanakit sa akin.

Kinausap ko si Mommy sa aking naging desisyon, nung una'y nabigla siya sa aking plano pero pinaliwanag ko sa kanya kung bakit ko gagawin iyon. Humingi ito ng patawad sa akin, umiiyak at nakiusap na huwag ko ng ituloy ang aking desisyon pero desidido na ako.  nakiusap si Mommy na kausapin ko muna si Daddy tungkol dito pero wala akong naging tugon, alam kong wala pa ako sa hustong gulang para magdesisyon sa sarili ko pero siguro nga sapat na ang lahat na naranasan ko para tumayo sa sarili ko munang mga paa.

Tatlong araw  mula ng sinabi ko iyon kay Mommy ay kinausap ako ni Daddy, nasa kwarto ako noon nagmumukmok. wala akong ginawa halos sa isang buwan na pananatili ko sa bahay kundi ang matulog at tulalang nakatanaw sa bintana. mula ng mangyari ang lahat hindi ko na nagawa pang gamitin ang aking cellphone at laptop, gusto kong tumakas mula sa bangungot na dulot ng eskandalong hindi ko alam kung bakit nangyari sa akin.

"Anak pwede ba kitang makausap?" tanong ni Daddy.

"Tungkol po saan?"

"tungkol sa sinabi mo sa Mommy mo. Anak, I know I was been so mean to you. nahusgahan kita at hindi  naprotektahan sa nangyari sayo, I feel guilty and useless as your father. I'm asking for your forgiveness Son. I realized I should have not insulted and judge your reference. ako, kami ng Mommy mo sana ang unang tumanggap sayo kasi kami ang mga magulang mo." Huminto si Daddy sa pagsasalita, kumuha muna ito ng hangin. alam kong mabigat ang nararamdaman niya, unang beses kong masaksihan ang soft side ng aking Ama.

"Anak, nakikiusap akong huwag mo nang ituloy ang plano mo, mas lalong magi-guilty ako at ang Mommy mo pagnagkataon." sa ngayon nakita ko ang isang maliit na butil sa kanyang mata. hinaplos-haplos ko ang likod niya para maibsan ang bigat na nararamdaman niya.Alam kong sinisisi parin niya ang sarili niya sa pagtangka kong pagkakamatay.

"Dad, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako galit sa inyo, but it doesn't mean I hate you. I just can't hurt you because I still love you. Ayaw kong may galit sa puso ko kapag magkasama tayo kaya kailangan kong gawin ito. I promise I will be fine and I'm asking your trust and faith that I can do it." paliwanag ko kay Daddy. niyakap na lamang ako nito, ngayon niya lang ito nagawa sa akin kaya medyo nagulat ako.

Walang nagawa ang pakiusap ng magulang ko. pero tanggap naman nila ng maluwag sa kanilang kalooban ang aking gagawing desisyon kaya payapa kong maisakatuparan iyon. pinaayos ni Daddy ang lahat ng mga kailangan ko para sa katuparan ng aking desisyon at dahil sa pera ay madali itong na proseso.
ipinasok ko sa isang maliit na kahon ang lahat ng mga bagay na may koneksyon kay Evo. Gumawa ako ng sulat sa kanya, hindi ko alam kung babasahin pa niya ito pero umaasa akong sana kahit sa huling pagkakataong ay mapakinggan niya ako sa pamamagitan ng aking sulat. tinalian ko ng pulang laso ang kahon at saka isinusok ang sulat dito. Sa unang pagkakataon ay nakalabas ako ng bahay, wala akong balak na magpakita kay Evo kailangan ko lang ibigay ito kay Evo.

Nang nasa harap na ako ng gate ng tinutuluyan niyang apartment ay nilagay ko ang kahon sa harapan ng gate, nagdoorbell ako ng tatlong beses saka nagtago sa isang sulok kung saan may mayabong na bulaklak. Hindi ako nagkamali dahil siya mismo ang lumabas ng gate, ng mapansin niya ang kahon agad niya itong pinulot at lumingon-lingon sa paligid gusto niyang malan kung kanino galing ang bagay na iyon.  Hindi ko mapigilang mapaiyak habang nakamasid lang sa malayo, gusto ko siyang yakapin tulad ng dati pero takot akong pagtabuyan niyang muli. Masakit man pero kailangan ko ng tanggapin na may katapusan ang lahat, Magiging parte na lamang siya ng masaya at masalimoot kung nakaraan. ngayong araw na ang katuparan ng aking desisyon kaya bukas paggising ko ay panibagong hamon na naman ng aking buhay.
Kailangan ko ng magpaalam sa aking kahapon mahirap man pero wala na akong ibang mapagpipilian, bukas sa panibagong hamon ng buhay ko kailangan kong maging matatag. Iiwanan ko na ang francis na laging naapi, natatalo at pinagkakaisahan. Salamat at paalam Evo tanging panahon na lamang ang nakakaalam ng kanya-kanya nating kapalaran.

Evo (POV'S)

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang tapos na nga ang lahat sa amin ni Francis. Talaga nga yatang sobra ko siyang minahal, hindi nga naman siguro ako ganito ka apektado kung hindi ko siya mahal. Sinaktan at ininsulto niya ang pagkatao ko, ginawa ko ang lahat mapatunayan lang sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero ginago niya ako.

Naalala ko pa kung gaano ako kasaya noong gabing magkikita sana kami. It was our first anniversary, nagpa booked ako sa isang garden restuarant para sa aming romantic dinner date. Gusto kong memorable ang unang selebrasyon ng aming pagmamahalan. Excited ako sa kanyang pagdating, ni hindi ko mahintay kung ano ang magiging reaksyon niya sa surprisang hinanda ko.

Kinabahan ako ng sobra ng lumagpas na ang oras na pinagusapan namin ngunit wala parin siya, agad ko siyang tinawagan ngunit nagri-ring lang ang phone niya at walang sumasagot. tinext ko rin siya ngunit wala ring reply. Inisip ko baka abala lang sa pag-aayos sa kanyang sarili. pilit kong pinapakalma ang sariling huwag kabahan ngunit hindi ko mapigilang huwag mag-alala. Ang paghihintay ko ng isang oras ay umabot sa dalawa, tatlo, apat hanggang sa inabisuhan ako ng mga crew sa restaurant na iyon na magsasara na sila.

Hindi ako makapaniwalang naunsyami ang lahat ng aking pinaghirapan. ngunit gayun pa man nag aalala ako sa kalagayan ni Francis, alam kong hindi na ako bibiguin ng walang dahilan at kampanti akong mahal niya ako kaya gagawin niya ang lahat wag lamang akong mabigo. Sinikap kong tawagan uli siya ngunit bigo parin ako, walang sumasagot sa mga tawag at text ko.

Umuwi ako sa aking apartment na naguguluhan at nalulungkot. Kumuha ako ng isang bote ng beer sa refrigerator gusto kong lasingin ang sarili ko para makatulog nalang. naubos ko na ang isang bote, matutulog nalang sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. naka tanggap ako ng isang multimedia message mula sa unknown sender. isang cellphone video ang pinadala sa akin.

Halos gumuho ang mundo ko ng makita ang video hindi ako makapaniwalang si francis ang laman ng videong iyon. Pinagsusuntok ko ang pader sa sakit na aking nararamdaman ng mga oras na iyon, ganun pala kasakit ang mararamdaman kapag pinagtaksilan tayo ng taong mahal natin. Walang mapagsidlan ang sakit na namamahay sa puso ko. ginago niya ako, pina ikot niya ako.

Kinabukasan pumasok ako sa school na parang wala lang, nahalata ko ang panakaw tingin sa akin ng ibang mga estudyante. pinilit kong magpaka normal sa kabila ng sakit at hindi maipaliwanag na emosyon na aking nararamdaman. Maaga akong nakarating sa school kaya minabuti kong pumunta sa likod ng campus kung saan kami laging nagpapalipas oras na dalawa.

  Nagulat ako dahil bigla itong sumulpot sa aking harapan, maging siya'y nagulat din ng makita ako. mabilis itong lumapit sa akin at nakiusap, gusto niyang magpaliwanag ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataon, gusto kong ibuhos lahat ng galit ko sa kanya. pinagsalitaan ko siya ng mga bagay na ni minsan hindi ko naisip na magagawa ko sa kanya. Nagmakaawa siya na para bang wala ng dignidad na natitira sa kanya, wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa kanyang pinagagawa. niyakap niya ako ng mahigpit mula sa aking likuran ngunit nagpumilit akong makaalis hanggang sa mga paa ko na lamang siya nakakapit. Dumating sina Kevin at Kim, inilalayan nila ang kaibigang makatayo. Mabilis akong nakalayo sa lugar na iyon para umiwas sa mga nakikiusyuso at maging kay francis.

Hindi na ako pumasok pa ng klase umuwi ako ng apartment, tinawagan ko ang mga barkada ko noon na pumunta sa aking flat. Agad namang nagsidatingan ang mga ito kasama ang bagong mga syota at mga bagong kakilala, nag party all night kami sa loob ng flat ko. gusto kong makalimot sa sakit na nararamdaman ko. Lasing na lasing na ako ngunit wala parin akong balak huminto sa pag inom. 

Magmamadaling araw na noon ng isa isang nag paalam ang ilan sa mga bisita ko. hinatid ko rin ang isa sa mga babaeng dinala ng mga barkada ko sa labas ng gate.we were so drunk that time and we're kissing even outside the gate. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ako ng makita ko sa labas ng gate si Francis, may mga pasa siya sa kanyang mukha at ang dungis niya tingnan.  Pinakita ko sa kanya kung paano ko halikan ang babaeng kasama ko, alam kung nasaktan siya sa nakita dahil mabilis itong umalis at pumara ng taxi.
Isang linggo akong hindi pumasok sa school, nabalitaan ko ring nagtangkang magpakamatay si Francis. 

Akala ko galit na lamang ang naiiwang nararamdaman ko dito sa puso ko ngunit ng marinig ko ang kalagayan ni Francis ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Gusto ko na siyang kalimutan ngunit bakit lagi ko parin siyang naiisip, lumalakas lamang ang hangarin kong kalimutan siya sa tuwing bumabalik sa akin ang ginawa niya. ngunit sa kabilang banda, sa tuwing naaalala ko ang aming nakaraan ay parang hinahatak akong balikan siya.

Patago akong pumunta sa hospital, eksaktong walang nagbabantay kay francis sa loob ng pumasok ako. umupo ako sa tabi ng kama niya, hindi ako nagsasalita habang sinusuklay ko ag buhok niya. galit ako sa sarili ko, mahal ko parin siya sa kabila ng kanyang mga ginawa. parang nagta-tug of war ang galit at pagmamahal ko sa kanya. nang nahimasmasan ako sa aking ginawa ay muling bumalik ang galit ko, lumabas ako ng hospital at tinatanong ang sarili ko kung bakit dumalaw pa ako.

Pagkatapos ng isang linggong absent ko'y naisipan kong pumasok at ibalik sa normal ang buhay ko. Hindi ako pinabayaan ng mga varsity friends ko kabilang si Alyson. hindi ko alam kung bakit ganun nalang nila ako sinusuportahan, ni hindi rin nila sinasali sa topic ang tungkol sa nangyari. habang nagkakasayahan kami ay biglang dumating si Kevin, kinausap niya ako tungkol kay francis. Sinabi niya sa akin kung paano naghihirap ang kalooban ni Francis. Nagmatigas ako sa mga hiling ni kevin, sinabi ko sa kanya na wala na akong pakialam pa at hindi na interisado tungkol kay Francis. Alam kong isang kasinungalingan lang ang lahat ng binitawan ko dahil hanggang ngayon ay apektado parin ako.

Dumaan ang mga araw na wala ng Francis sa buhay ko, hindi narin siya pumapasok dahil sa pagkakaalam ko ay na expel na sa school si Francis. Alam kong sinubukang kausapin nila Kevin at Kim ang pamunuan ng school para sa investigation sa kaso ni Francis ngunit walang naging tugon ang pamunuan tungkol dito.
Sa tuwing pumapasok sa isip ko si Francis ay sinusubukan kong sariwain ang kasalanang ginawa niya para madali ko siyang makalimutan. naniniwala akong anger is the best tool to forget someone and moved on. Hanggang sa nasanay akong kamuhian siya.

Isang umaga noon abala ako sa paghahanda ng mga gamit na dadalhin ko sa aking out of town pictorial para sa isang commercial ng may magdoorbell. mabilis akong lumabas ng gate ngunit walang tao sa labas. napansin ko ang isang maliit na kahon na may kasamang sulat, pinulot ko ito at binasa ang pangalan ng sender-kay Francis galing.

Sinusi ko ang laman ng kahon, mga bagay iyon na binigay ko noon kay Francis. yung mga sing-sing, pictures, bracelets, kwentas at maging mga sweet notes ko sa kanya ay nadoon. Nilapag ko ito sa mesa at bumalik sa aking ginagawa. wala na akong balak pang basahin ang lamang ng sulat niya dahil wala na ring kwenta iyon sa akin.

Muling may nagdoorbell, maiinis na sana ako ngunit ng buksan ko ang gate ay si Mike ang nasa labas ng gate, Kasama ko siya sa Varsity team. Mukhang balisa ito at parang may gustong sabihin.

"May problima ba Mike?" tanong ko sa kanya.

"A..e.. may sasabihin sana ako sa iyo Tol" sagot niya. panay ang pagkagat nito sa labi niya.

"Mukhang seryoso ang sasabihin mo. tungkol saan ba ito?"

"Evo, tol. sana huwag kang magalit at mabigla sa sasabihin ko sa iyo. Wala talaga akong balak sirain ka o kayo ni Francis." huminto siya, pinagmasdan niya kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niyang iyon.

"Anong tungkol sa akin at ang kay Francis?" nagtataka kong tanong. bumilis ang pagtibok ng puso ko, mukhang hindi ko magugustuhan ang sasabihin niya.

"Tol, inosente si Francis. na set-up siya" walang preno niyang binanggit.

"Mike tol, wag mo akong pinagluluko seryoso ako." galit kong sabi.

"Nagsasabi ako ng totoo, try to watch this" binigay niya sa akin ang tablet niya. pinindot ko ang play buttons ng video.

Nanginginig ang bou kong katawan habang pinapanood ang video, nakita kong lumbas si Francis sa Elevator. Isa-isa niyang tiningnan ang room number ng biglang may dalawang lalaki na naka-bonnet ang dahan-dahang lumapit sa likod niya at pinalo ito sa batok, bumagsak sa sahig si Francis. napakagat ako sa isa kong kamay sa mga nakita ko sa unang clip ng video, ng masiguro nilang wala na itong malay ay hinila nila ito sa isang kamay habang parang lampaso ang mukha't katawan nito sa sahig habang hinihila. hindi ko masikmura ang lupit na naranasan ni Francis sa mga kamay ng dalawang taong ito. Dinala nila sa isang kwarto si Francis, hinubaran nila ito. naghubad din ang dalawang lalaking naka bonnet at pinaglaruan ang taong mahal ko. tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha sa mata ko habang pinapanood ag video, noong unang beses kong napanood ito'y galit para kay Francis ang naramdaman ko ngunit parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa awa na nadama ko para sa kanya.  Napansin ko sa video na umiiyak ito habang nakapikit ang mata, alam kong iniinda pa nito ang sakit ng pagpalo sa kanya at ang kasulukuyang ginagawa sa kanya ng mga hayop na lalaking ito. nagsasalita siya, gusto niyang sumigaw ngunit wala itong lakas para gawin. Narinig ko rin na binanggit nito ang pangalan ko. Parang mga yelong natutunaw ang galit ko sa kanya at napalitan ng awa at pagmamahal, hindi ko maisip ang hirap, sakit at insultong binigay ko sa kanya. Siya pala ang biktima sa aming dalawa, umiiyak na akong nakaluhod sa sahig habang iniisip ko ang paghihirap niya. Kailangan niya ako noon ngunit wala ako bagkus isa pa ako sa mga taong nagdagdag ng pasakit sa kanya kasama ng kanyang pamilya.

Pinagsusuntok ko ang sahig habang umiiyak sa galit at inis sa sarili. pinigilan ako ni Mike, ngunit sa kasawiang palad siya ang napagbuntungan ko ng aking emosyon. kwenilyuhan ko siya at pinasandal sa pader, nasuntok ko siya sa mukha.

"Sino sila?,..sabihin mo!....sinong may pasimuno nito?" galit na galit kong tanong.

"Pa..pare si Alyson!" takot niyang sagot.

"binayaran sila ni Alyson para gawin ito kay Francis, patawarin mo pare kung hindi ko ito sinabi sa iyo ng matuklasan ko ang video. Pare mahal ko si Alyson, pinangakuan niya ako na sasagutin ako pag hindi ko sasabihin sayo ang lahat. kaya lang ng magawa mong kamuhian si Francis ay ginamit niya itong pagkakataon para mapalit sa iyo, nagselos ako kaya heto ako ngayon. gusto kong malinis ang pangalan ni Francis"

"Fuck...fuck you!..." muli ko syang sinuntok, bumagsak ito sa sahig. mabilis naman agad itong naka bangon.

"Pare, patawarin mo ak..."

"Umalis ka dito!...get out!" sigaw ko sa kanya. nagmadali itong lumabas ng apartment. naiwan akong umiiyak sa awa kay Francis at pagkainis ko sa sarili ko.hinusgahan at sinaktan ko siya, wala akong pinagkaiba sa mga taong gumawa nun sa kanya. Naalala ko ang sulat sa kahon, kung kanina'y parang wala akong balak basahin iyon ngunit ngayon ay parang nagpapanic akong mabasa ang sulat niya.

Evo,

      Alam kong galit ka parin sa akin hanggang ngayon. Humihingi ako ng kapatawaran, may kasalanan man ako o wala. I'm not sure if you'll gonna read this but I just want to try. God might knock on your heart, I guess so. Honestly speaking, I'm still not Okey right now but I'm nowhere to hold on to. Wala ka na sa buhay ko and ang sakit lang dahil kinakamuhian mo ako ng sagad hanggang sa buto. Sana matutunan mo akong patawarin. wag kang mag-alala dahil hindi na kita guguluhin this will be my last try and it's over.

"Patawarin mo ako mahal ko" bulong ko habang binabasa ang sulat niya.

"Wag kang hum..humingi ng kapatawaran, ako..ako dapat" para akong bata sa aking ginagawa.

Sana maging masaya ka sa buhay na tatahakin mo. I don't know how I want to help you to forget me, masakit man marinig mula sayo na isa akong pinakamalaking pagkakamali sa buhay mo. tatanggapin ko ng maluwag sa aking kalooban.

Mas lalong nagiguilty ako sa sinulat niya, walang mapagsidlan ang inis at galit ko sa sarili ko dahil sa mga sinabi ko noon sa kanya.

Alam kong hindi ako ang tipong iiyakan mo, bakit nga ba diba?. hehehe alam mo parang karayom na paulit-ulit tumutusok sa puso ko noong sinabi mo na wala akong pinagkaiba sa ibang mga bakla. Oo nga naman, kaya dapat mo akong kamuhian. ito na lamang siguro ang maitutulong ko sa iyo ang bigyan ka ng dahilan para pandirian at kamuhian ako ng sa gayun ay madali mo akong makalimutan.

Sa oras na binabasa mo ito'y nakalayo na ako, if ever lang na binasa mo nga. You should be happy dahil hindi na kailanman magko-kros ang landas natin sinisigurado ko sa iyo.

I pray and I wish for your future endeavors. Alam kung isang kasinungalingan para sayo kapag sabihin ko na ni minsan hindi ko nagawang lokohin ka. Thank's for being a part of my past Evo. tomorrow after all of this, ay magsisimula na rin akong bumangon para sa sarili ko. Mahal kita pero kailangan ko ng sumuko at mag move on. you'll be a legend here in my heart the first person I loved and the first to break it.

Paalam at Salamat...............

Francis.

Ayaw ko, ayaw kong iwanan niya ako ng ganito. hindi pwede. Mabilis pa sa alas singko akong lumabas at pinaharurot ang kotse papunta sa bahay nila. Nagdoorbell ako, nanginginig ang bou kong katawan, natatakot akong iwanan niya. Lumabas ang yaya niya.

"May kailangan ka Iho?" tanong nito sa akin. hindi pala ako nito kilala kaya malaya akong makakakuha ng impormasyon tungkol kay francis.

"S..si Francis po?"

"Kakaalis lang iho, mukhang malayo ang pupuntahan."natakot ako sa kanyang sagot.
"oh?..saan po siya pupunta?" bulalas ko.

"Wala siyang sinabing lugar iho, maging sa mga magulang nito'y inilihim niya kung saan basta't ang alam ko lang ay sa labas ng bansa siya pupunta"

"Salamat po" ang tanging nasabi ko, kailangan kong maabutan sa airport si Francis. kapag inabot ka ba naman ng malas ay sadyang hindi ka makakatakas. napaka traffic sa daan papuntang airport kaya ng ilang metro nalang ang layo ko mula sa airport ay lumabas ako ng sasakyan at tumakbo papasok ng airport. iniwan ko sa gitna ng daan ang kotse ko bahala na.

Hindi ako pinapasok sa loob ng departure area ngunit nagpumilit ako, nakilala ako ng isang may mataas na posisyon doon kilala niya ang Daddy kaya pinayagan akong makapasok kahit hindi pasahero. napakaraming destination ang dapat kong isa-isahing tignan sa departure area, nagdadasal akong sana maabutan ko si Francis. ngunit halos malibot ko na lahat, natanong ko narin ang mga nakapila ngunit wala akong francis na nakita. lumapit ako sa information desk para magtanong.

"Miss?, anong destination ba ang kaaalis lang?"

"San diego California po sir. bakit po sir?" balik tanong niya sa akin. tiningnan ko ang plasma screen kung saan nakalista ang mga coming na flights halos nasa south east asia lahat ang destination. Dalawang oras akong naghanap ngunit bigo ako.

Lumabas ako ng Departure area at umupo sa mga upuang nandoon na parang natalo sa casino. naramdaman kong may humawak sa balikat ko nagulat ako ng makilala kung sino.

Itutuloy...........

SALAMAT PO SA MGA NAGTIYAGANG MAGHINTAY..IF GUSTO NIYO PO AKONG MA PRESSURE SA PAGSUSULAT AT MAKAPAG UPDATE AGAD, MAG-IWAN PO KAYO NG COMMENTS DITO SA BABA GUYS...HINDI KO PO NABABASA ANG MGA COMMENTS NIYO SA GOOGLE+ KO AT EMAIL ADD EH. NAKA FUCOS PO KASI AKO SA BLOG TALAGA MINSAN LANG AKO NAPAPAGAWI SA GOOGLE+ AT EMAIL KO.

BINURA KO PO YUNG UNANG STORY KO ABOUT MY LIFE. SORRY PO SA NA OFFEND DAHIL GUMAMIT AKO NG MAKATUTUHANANG NAMES AND PLACE DOON. THIS BLOG IS NOT SUPPOSED TO BE A PUBLIC BLOG WAY BACK WHEN I WAS JUST STARTING. GAGAWIN KO SANA ITONG PARANG DIARY KO OR A SORT OF MY AUTOBIOGRAPHY, HINDI NAMAN PO KASI MATATAWAG NA AUTOBIOGRAPHY IYON IF HAHALUAN KO NG FICTION. BUT THEN AGAIN I SHOULD NOT JUST THINK ABOUT MY OWN INTEREST BUT THE INTEREST OF THOSE PEOPLE INVOLVED IN MY LIFE STORY AND IT INCLUDES MY SCHOOL. AGAIN I'M ASKING SORRY SA MGA NA-OFFEND.