Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 20
Kevin (POV'S)
Nag-aalala ako kay Francis, Alam kong nasaktan niya ako pero wala siyang
kasalanan kung bakit ako nasaktan. tulad ko, siya'y nagmahal din. Pinilit kong
iwasan siya habang masaya siya sa piling ni Evo, iniwasan ko siya hindi dahil
galit ako sa kanya kundi nasasaktan parin ako sa tuwing nakikita siyang masaya
sa piling ng iba.
Sa mga panahong nagdurugo ang puso ko sa sakit na dulot ng aking pagmamahal
sa kanya walang ibang dumamay sa akin kundi si Kim. Noong una'y akala ko isang
pagmamalasakit lamang sa isang kaibigan ang ginagawa ni Kim sa akin ngunit
hindi naglaon ay nahulog ang loob nito sa akin. Mabuting tao si Kim at ayaw
kong masaktan din siya tulad ng nangyari sa akin.
Isang gabi noon habang nagpapakalasing ako sa isang bar, gusto kong
makalimot. gusto kong idaan na lamang sa alak ang sakit na dulot ng pagkabigo.
ilang linggo na ang dumaan buhat ng malaman kong may relasyon at nagmamahalan
ang bestfriend ko na lihim kong minahal at ang taong kaagaw at ka-kompetinsya
ko sa lahat ng bagay sa school. Oo, hindi naging madali para sa akin ang
tanggapin na lamang ang lahat at sabihing talo na ako, Walang ibang takbuhan
ako noon kundi ang alak.
Mag-mamadaling araw na iyon ngunit parang camel akong uhaw sa lasa ng red
horse, walang humpay na tagayan ang ginawa ko para lamang maibsan ang kirot na
aking nararamdaman. Hindi ko na namalayang nasubrahan na ako sa paglagok ng alak at lasing na lasing
na ako. Nagulat na lamang ako ng may maramdaman akong mga kamay na umalalay sa akin
upang tumayo at iginiya ako nito palabas. dahil sa sobrang kalasingan ay halos
hindi ko na siya makilala.
"A..nho..bha...gushto kho phang uminom eh...bitawan mo ngha
ahko?" pagmamatigas ko sa kanya.
"Kevin No!, lasing ka na at kailangan mo ng umuwi" sabi niya sa
akin.
"Khim?..hihikaw ba yhan?...hanong ginagawa mo dito?" tanong ko sa
kanya.
"Tumawag ang isa nating kaklase sa akin, nakita ka daw nilang
naglalasing dito kaya pinuntahan kita" sabi niya ng pagalit ngunit may
bahid ng pag-aalala.
"phwede ba?..pabayaan niyo na muna ako...ghusto ko munang makalimot
kahit ngayon lang. Khim bu..bumalik ka nalang sa bahay niyo"
"Kevin wake up!..You don't desreve this...hindi mo kailangan sirain
ang sarili mong buhay dahil lang nabigo ka sa kanya. kevin kung hindi ka niya
mahal maraming nagmamahal sayo?..try to turn around and look who really cares a
lot about you."
"Sino?..ang pamilya ko na walang ibang inatupag kundi ang negosyo
nila?" nag-taas ako ng boses sa hindi ko sinasadyang dahilan.
"manhid ka ba o nagbubulagbulagan lang?... kulang pa ba yung efforts
ko para mapansin mong I care about you?" napapaiyak siya habang sinasapo
ang sarili.
"Khim w..What do you mean?"
"Kevin mahal na kita...I know it's not proper for me saying all this
shit to you but that's what I feel now, hindi lang ikaw ang nasasaktan kevin
dahil hindi ka mahal ng taong mahal mo" sa puntong iyon ay humahagulgol na
si kim sa pag-iyak. nahimasmasan ako sa pagkalasing dahil sa nangyari.
"A..I'm sorry Kim, I don't mean to hurt you..." niyakap ko siya
para pagaanin ang kanyang kalooban.
"You don't need to do this Kevin,
tumawag na ako sa bahay niyo para sunduin ka dito I know you can't drive
right now. Just forget everything I said. I have to go" sabi niya saka
umalis. para akong tuod sa aking kinatatayuan sa kanyang mga sinabi.
Dahil sa mga nangyari noong gabing iyon ay pinilit kong kalimutan ang
sarili kong nararamdaman. bumalik ako sa fucos sa klase kahit na minsan hindi
ko maiwasang isipin si francis. pinili
kong iwasan na muna siya para magkaroon ng pagkakataong matanggap ko na wala ng
pag-asa pa ang aking nararamdaman para sa kanya. Dahil sa mga nangyari ay mas
naging malapit kami ni Kim sa isa't-isa, binigyan ko ang sarili ko ng
pagkakataong umibig muli kahit na si francis parin ang sinisigaw nito.
niligawan ko si Kim at eventually naging kami, kahit na hinahanap ko parin si
francis. Naniniwala akong natuturuan ang puso kaya pinursigi ko ang relasyon
namin ni Kim.
Sa mga panahong masaya kami ni Kim ay maraming nangyari sa buhay ni francis
at Evo na sa mga kaklase ko lang din naririnig, minabuti kong tumahimik na
lamang kahit na sa kalooban ko gusto kong malaman lahat kung ano na ang mga
nangyayari sa buhay niya. kaya lang iniisip ko ang mararamdaman ni Kim kung
gagawin ko iyon, kampanti naman akong kayang ipagtanggol ni Evo si francis kung
ano paman ang mangyayari.
Isang taon na pala kami ni Kim ngayon at nakakatawang isipin dahil si
Francis parin ang laman nito. Mas lalong nanabik ako sa kanya ng muli ko siyang
makita at mayakap kanina, alam kong kailangan niya ng karamay sa ngayon lalo
pa't isinuko na siya ni Evo. Awang-awa ako kanina sa mga nasaksihan ko habang
pinagtutulakan sya ni Evo pero hindi ko siya magawang ipagtanggol dahil iniisip
ko si Kim. Kilala ko si Francis hindi niya magagawa ang bagay na iyon,
kailangan kong malaman kung sino ang may pakulo ng lahat ng ito para sirain
siya.Mas dumoble ang awa ko ng hinatid namin siya ni kim sa bahay nila, halos
bugbugin siya ni Tito Armando sa galit.
"Hon?, ayos ka lang ba?" napukaw ang aking pag-iisip ng tanungin
ako ni Kim. nagda-drive ako ng kotse kagagaling lamang namin sa bahay nila
francis.
"Ok lang ako hon just don't mind me" sagot ko sa kanya, nilingon
ko siya saka nginitian at saka bumalik sa pagmamaneho.
Hinatid ko na muna si Kim sa kanila saka dumiritso sa bahay, hindi ako
makatulog. bumaba ako sa kusina at kumuha ng beer, bakit parang hinihila ako ng
aking mga paa papunta kina francis. hindi ako mapakali, lakad balik, lakad
balik ang ginagawa ko habang may hawak na beer sa aming balcony. nagmumukha
tuloy akong pendulum sa aking ginagawa.
Nang maubos ko ang isang bote ay inilapag ko ito sa maliit na mesa ngunit
sa hindi inaasahang pagkakataon ay parang bumilis ang pagtibok ng puso ko at
nabitawan ko ito. nagulat ako sa nangyari, walang ibang nasa isip ko kundi si
Francis.
Hindi nakatulong ang pag-inom ko ng beer para huminahon ako sa kaiisip kay
francis. bahala na, pupuntahan ko sya sa kanila. kumuha ako ng jacket sa kwarto
at ang susi ng aking kotse, nagmamadali akong bumaba at pinaharurot ang
sasakyan papunta kina Francis. Ilang minuto lang din at nakarating ako sa
subdivision nila. Nag-door bell ako, para akong asong hindi matae sa labas
habang hinihintay ang magbubukas ng gate sa akin. Hindi ko rin lubos nauunawaan
ang sarili ko kung bakit ganito nalang ako ka despiradong makita si Francis sa
dyes oras ng gabi.
Bumalik ako sa aking ulirat ng may magbukas ng gate, ang yaya ni Francis
ang nagbukas ng gate para sa akin. kinukusot pa ang kanyang dalawang mata
halatang kagigising lang mula sa naputol nitong pagtulog.
"A..e.magandang gabi po manang" nahihiyang bati ko.
"Oh iho?, bat napasugod ka sa ganitong oras?" tanong niya.
nagkamot ako ng ulo nahihiya ako sa aking isasagot.
"K.kasi po kailangan ko lang makita si Francis..hindi po kasi ako
mapakali"
"kayo talagang mga bata kayo hirap niyong maintindihan, halika pasok
ka, katukin mo nalang siya sa kanyang kwarto." pinatuloy niya ako.
nagmamadali kong tinungo anag kwarto ni Farncis. naka tatlong katok na ako
ngunit hindi siya nagbubukas ng pinto, pinihit ko ang door knob mabuti nalang
at hindi naka lock kaya nakapasok ako sa kanyang kwarto. hinanap ko siya sa
kama niya ngunit wala siya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mangamba sa
pweding gawin ni Francis sa sarili niya lalo pa't napansin ko ang basag na
salamin
sa kanyang drawer at nagkalat sa sahig ang mga bubog nito.
"Francis?" tawag ko sa kanya. Sinunod ko ang kanyang banyo,
naririnig ko ang pag-agas ng gripo.
"Frans?..naliligo ka ba?" muli kong tanong ngunit walang
sumasagot. pumasok ako sa loob hinawi ko ang shower curtain na nagtatakip sa
banyo niya. Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking katawan ng makitang
nakahiga sa bath tub si Francis at nakalubog ang kalahati ng kanyang katawan sa
tubig. napansin ko ang isang bahagi ng nabasag na salamin sa tiles sa ilalim
lang ng bath tub, may bahid ito ng dugo. dali-dali kong kinuha ang kanyang
kamay para tingnan kung may sugat ngunit......
"Fr..francis?!...." sigaw ko. dali-dali ko siyang binuhat mula sa
bath tub, putlang-putla na ito at nanlalamig ang katawan.
"No no no..francis please don't do this" dasal ko sa sarili.
"Tulong!..si Francis..tita!" sigaw ko habang binubuhat si francis
palabas ng kanyang kwarto.
Nagsilabasan silang lahat, halos mawalan ng ulirat si Tita Diane ng makita
ang sitwasyon ni Francis. pinakalma ito ng kuya ni Francis, tinulungan naman
ako ni Tito Aramando pababa para dalhin sa hospital si Francis.
Mabalis kaming nakarating sa Hospital, agad namang dinala sa emergency room
si francis. hindi kami mapakali sa labas ng daddy niya habang naghihintay sa
paglabas ng doktor. maya-maya'y dumating sina Tita Diane at ang kuya niko ni
francis.
Umiiyak itong yumakap kay tito Armando, pilit naman siyang pinapahinahon ng
dalawa. tinanong nila ako kung ano ang nangyari, sinagot ko naman sila kung
bakit ako napunta doon.Naputil ang aming pag-uusap ng lumabas ang doktor na
umasikaso kay Francis. tinanggal muna niya ang kanyang gwantes at mask na
nakatakip sa kanyang bunganga bago nagsalita.
"Kritikal ang kalagayan niya ngayon, he lost a lot of blood and if he
was not been brought here ahead of time he might be dead rigth now, but be
grateful that he's near from safety now..kailangan lang niya ng blood
transfusion para maging okey"
"gawin po niyo ang lahat dok maging okey lang ang anak ko" napapahagulgol
na wika ng tita diane.
"Don't worry misis, your son is on safe state right now he just need
blood, I'll call the nurse to assist you here. iiwan ko na muna kayo."
"Salamat po Dok" sabi ni tito Armando.
Inilipat si Francis sa isang private room, wala itong malay. Tumawag ako
kay Kim at sinabi sa kanya ang nangyari agad naman itong pumunta, Sobrang
nagsisisi sina Tito Armando at Tita Diane.
"Tita, Tito palagay ko sinet-up si Francis. Kilala ko po siya, hindi
po niya magagawa ang bagay na yan" lakas loob kong sinabi sa kanila habang
nakaupo sila sa isang sofa na nasa gilid ng kama ni francis.
Maraming dumalaw kay francis mula sa mga kaklase namin sa kabila ng
negatibong nangyari sa kanya sanhi ng eskandalo. lahat sila'y hindi
makapaniwala sa eskandalong kinasasangkutan ni Francis, naniniwala silang may
kasagutan ang lahat ng ito.
Tatlong araw ding tulog si Francis, nang magising ito'y pinakita ng kanyang
pamilya ang suporta sa kanya. Naging maasikaso na ang kanyang Mommy at Daddy sa
mga pangangailangan niya, nagleave ang mga ito sa kanikanilang trabaho para
bantayan siya, ganoon din ang kuya niko nito.
Ngunit malaki ang pinagbago ng nangyari kay francis, madalang lang itong
magsalita. hindi na ito sumasagot o nakikisali sa mga usapan namin habang nasa hospital
kami. Lagi din namin siyang napapansing umiiyak ng palihim. Sinubukan siyang kausapin ng mga magulang
niya ngunit wala silang napala.
Nakapag desisyon akong puntahan si Evo, alam kong this would be hard for me
asking favor from him. Nagpaalam akong papasok muna sa klase, maaga akong
pumasok sa school. hinanap ko si Evo, nakita ko siya kasama ang mga varsity
scholars. nagkakasiyahan ang mga ito ngunit alam kong peke ang mga ngiting
pinapakita ni Evo.
"Evo pwedi ba kitang maka-usap?" tawag pansin ko sa kanya.
isa-isang nagpaalam ang mga kasama niya at naiwan kaming dalawa.
"Kung tungkol ito sa kaibigan mo hindi ako interisado" straight
forward niyang sagot.
"Evo pare, naghihirap ang kalooban ni Francis ngayon. Alam kung alam
mo ang nangyari sa kanya, tinangka niyang kitilin ang buhay niya dahil sa
nangyari"
"Ako ba ang sinisisi mo sa ginawa niya?" galit niyang tinuran
"Evo hindi!, gusto ko lang malaman mo na hirap na hirap siya ngayon.
kailangan ka niya"
"Kevin, sorry pare pero gusto ko lang malaman mo na mula ng mangyari
ang bagay na yun ay pinutol ko na ang ugnayan namin"
"ganoon lang kadali yun sayo?. akala ko ba mahal mo siya? bakit ganun
mo lang siya kadaling isuko?..Evo kilala ko si Francis at I wish you know him
better than me. hindi niya magagawa yun sa sarili niya. kailangan natin
magtulungan para malaman ang totoo at malinis ang pangalan niya"
"Sorry pare pero hindi na ako interesado pa" sagot niya saka
umalis. naiwan akong walang napala.
Pinuntahan ko rin ang opisina ng school administrator, kinamusta ko ang
kaso ni Francis ngunit huli na pala ako naglabas na ng pirmadong papeles ang
school ng pag-eexpel kay francis. humingi ako ng pabor na paiimbistigahan muna
ang nangyari ngunit bulag at pepe ang pamunuan ng school tungkol sa nangyari.
Francis(POV)
Nagising ako sa loob ng isang hospital nagulat ako sa sigla ng buo kong
pamilya sa paggising ko ngunit hindi ito nakatulong para mawala ang sakit na
dinaramdam ko. Hindi ko alam ngunit parang wala na akong ganang harapin pa ang
buhay, wala akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak ng umiyak. lagi nila
akong pinapatawa ngunit hindi na kaya pang utusan ng isip ko ang mga muscles sa
bibig ko para muling ngumiti.
Lagi akong tulala habang masaya namang nag-uusap ang mga nagbabantay sa
akin. Nakikita ko naman ang efforts nila Daddy, Mommy at kuya pero wala ng
saysay sa akin iyon. Sa tuwing naiisip ko ang lahat ng nangyari lalo na sa
pagtaboy sa akin ni Evo wala akong ibang nasa isip kundi sana natuluyan na
lamang ako.
Noong mga panahong wala akong malay
ay laging nasa panaginip ko si Evo. umiiyak siya sa tabi ko habang sinusuklay
niya gamit ang kanyang mga daliri ang aking mga buhok. parang totoo akala ko
matatapos na rin sa wakas ang paghihirap ng kalooban ko ngunit ng magising ako
ay wala kahit anino niya. Sa tuwing naaalala ko siya'y parang ilog na dumadaloy
sa aking mga mata ang aking mga luha, walang mapagsidlan ang sakit na aking
nararamdaman.
Naapreciate ko rin yung effort na pinapakita ni Kevin sa akin, lagi siyang
nasa tabi ko at sinisiguradong maayos lang ako. Hindi lingid sa akin ang
relasyon nila ni Khim kaya minabuti kong kausapin si Kim para niya ikakasama
ang mabuting ginagawa sa akin ng nobyo niya.
"Kim?" tawag pansin ko sa kanya habang abala ito sa kapapanood ng
t.v. wala sina Mommy at Daddy ng mga oras na iyon, lumabas naman si Kevin para
bumili ng makakain namin kaya nabigyan ako ng pagkakataong makausap si kim.
"May kailangan ka ba?" nag-aalala niyang tanong.
"No..hindi.wala.wala....uhm just don't mind me, gusto ko lang kausapin
ka"
"Ah ganun ba?..tungkol pala saan?"
"Kay Kevin" sagot ko. binalot muna kami ng katahimikan. Alam kong
may nararamdaman siya pero ayaw niyang ipahalata ito, napansin ko ang pamumula
niya.
"B.bakit ano ang tungkol sa kanya?" tanong niya.
"Alam kong nakikita mo kung gaano siya ka-alaga sa akin, sana huwag
mong isipin na nagti-take advantage ako. I know you knew that we're bestfriends
before all of this things happened."
"I trust you friend, Alam kong kaibigan lang ang tingin mo sa
kanya...b.but I don't know for him..." hindi na nakapag control ng kanyang
emosyon si Kim. niyakap ko siya, nagyakapan kami.
"Shhssh!.." pagpapakalma ko sa kanya.
"It hurts when I see him cared about you as much as he cared for
me, Hindi ako nagagalit friend pero
hindi ko lang maiwasang magselos eh. nakakainis naman kasi tong nararamdaman ko
eh" sabi niya.
Napatigil lamang kami sa pagyayakapan ng marinig namin ang pagpihit ng
pintuan, dumating si Kevin na may dalang mga pagkain. pinilit naming magpaka
normal na para bang walang iyakang naganap.
kung may isang bagay lang akong dapat na ipagpapasalamat, iyon ay ang
pagkakaroon ko ng pagkakataong manumbalik ang pagkakaibigan naming tatlo. Isang
linggo pa ang dumaan bago ako na discharge sa hospital, hindi narin ako pumasok
pa uli sa school dahil nabalitaan ko na mula kay kevin ang desisyon ng school
administrator namin.
Lagi akong nasa kwarto ko at nagmumukmok, hindi narin ako pinayagang
mag-lock ng pinto at dapat may kasama ako sa loob ng kwarto. laging si yaya ang
kasama ko sa kwarto ko, nanunuod lang ito ng t.v samantalang ako naman ay
pahiga-higa, iiyak ng palihim o kaya matulog na naman.
Lagi akong kinukumusta nila Mommy, minsan ginagayak nila akong lumabas o
di kaya manoud ng sine ngunit wala akong
ibang sagot kundi ang pagtanggi. Alam kong maski sila ay nahihirapan narin sa
aking sitwasyon, ang pagkakaalam kasi nila sila ang dahilan kung bakit naging
ganito ako. Oo inaamin ko isa din sila sa mga dahilan kung bakit nakakaranas
ako ngayon ng matinding depression , hindi parin kasi maalis sa isipan ko ang
galit sa kanila dahil sa panghuhusga nila sa akin kahit na wala pa silang alam.
Sila kasi yung inaasahan kong magpo-protekta sa akin sa oras na nagigipit ako.
masakit man isipin ngunit isa din sila sa mga nanghusga sa akin. Sinaktan nila ako lahat kasama si Evo, gustong gusto kong kalimutan nalang ang
nangyari ngunit parang bangungot itong bumabalik sa aking puso at isipan. gusto
ko silang patawarin para muli akong maging masaya ngunit nauuwi lang sa pagluha
at paghihinagpis kapag paulit ulit ko itong iisipin.
Ayaw ko ng ganitong buhay, buhay na nababalot sa lungkot at galit. Mahirap
magkimkim ng galit sa mga taong malalapit sa akin, hindi ko sila kayang saktan
tulad ng pinadama nila sa akin. Isang araw ay nagising na lamang akong may solidong
desisyon na gagawin sa buhay ko. alam kong kailangan ko itong gawin para sa
ikapapayapa ng kalooban ko at ng matanggap na ng sarili ko ang mga nangyari, ng
sa ganun maibibigay ko na ang pagpapatawad sa mga nanakit sa akin.
Kinausap ko si Mommy sa aking naging desisyon, nung una'y nabigla siya sa
aking plano pero pinaliwanag ko sa kanya kung bakit ko gagawin iyon. Humingi
ito ng patawad sa akin, umiiyak at nakiusap na huwag ko ng ituloy ang aking
desisyon pero desidido na ako. nakiusap
si Mommy na kausapin ko muna si Daddy tungkol dito pero wala akong naging
tugon, alam kong wala pa ako sa hustong gulang para magdesisyon sa sarili ko
pero siguro nga sapat na ang lahat na naranasan ko para tumayo sa sarili ko
munang mga paa.
Tatlong araw mula ng sinabi ko iyon
kay Mommy ay kinausap ako ni Daddy, nasa kwarto ako noon nagmumukmok. wala
akong ginawa halos sa isang buwan na pananatili ko sa bahay kundi ang matulog
at tulalang nakatanaw sa bintana. mula ng mangyari ang lahat hindi ko na nagawa
pang gamitin ang aking cellphone at laptop, gusto kong tumakas mula sa
bangungot na dulot ng eskandalong hindi ko alam kung bakit nangyari sa akin.
"Anak pwede ba kitang makausap?" tanong ni Daddy.
"Tungkol po saan?"
"tungkol sa sinabi mo sa Mommy mo. Anak, I know I was been so mean to
you. nahusgahan kita at hindi
naprotektahan sa nangyari sayo, I feel guilty and useless as your
father. I'm asking for your forgiveness Son. I realized I should have not
insulted and judge your reference. ako, kami ng Mommy mo sana ang unang
tumanggap sayo kasi kami ang mga magulang mo." Huminto si Daddy sa
pagsasalita, kumuha muna ito ng hangin. alam kong mabigat ang nararamdaman
niya, unang beses kong masaksihan ang soft side ng aking Ama.
"Anak, nakikiusap akong huwag mo nang ituloy ang plano mo, mas lalong
magi-guilty ako at ang Mommy mo pagnagkataon." sa ngayon nakita ko ang
isang maliit na butil sa kanyang mata. hinaplos-haplos ko ang likod niya para
maibsan ang bigat na nararamdaman niya.Alam kong sinisisi parin niya ang sarili
niya sa pagtangka kong pagkakamatay.
"Dad, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako galit sa
inyo, but it doesn't mean I hate you. I just can't hurt you because I still
love you. Ayaw kong may galit sa puso ko kapag magkasama tayo kaya kailangan
kong gawin ito. I promise I will be fine and I'm asking your trust and faith
that I can do it." paliwanag ko kay Daddy. niyakap na lamang ako nito,
ngayon niya lang ito nagawa sa akin kaya medyo nagulat ako.
Walang nagawa ang pakiusap ng magulang ko. pero tanggap naman nila ng
maluwag sa kanilang kalooban ang aking gagawing desisyon kaya payapa kong
maisakatuparan iyon. pinaayos ni Daddy ang lahat ng mga kailangan ko para sa
katuparan ng aking desisyon at dahil sa pera ay madali itong na proseso.
ipinasok ko sa isang maliit na kahon ang lahat ng mga bagay na may
koneksyon kay Evo. Gumawa ako ng sulat sa kanya, hindi ko alam kung babasahin
pa niya ito pero umaasa akong sana kahit sa huling pagkakataong ay mapakinggan
niya ako sa pamamagitan ng aking sulat. tinalian ko ng pulang laso ang kahon at
saka isinusok ang sulat dito. Sa unang pagkakataon ay nakalabas ako ng bahay,
wala akong balak na magpakita kay Evo kailangan ko lang ibigay ito kay Evo.
Nang nasa harap na ako ng gate ng tinutuluyan niyang apartment ay nilagay
ko ang kahon sa harapan ng gate, nagdoorbell ako ng tatlong beses saka nagtago
sa isang sulok kung saan may mayabong na bulaklak. Hindi ako nagkamali dahil
siya mismo ang lumabas ng gate, ng mapansin niya ang kahon agad niya itong
pinulot at lumingon-lingon sa paligid gusto niyang malan kung kanino galing ang
bagay na iyon. Hindi ko mapigilang
mapaiyak habang nakamasid lang sa malayo, gusto ko siyang yakapin tulad ng dati
pero takot akong pagtabuyan niyang muli. Masakit man pero kailangan ko ng
tanggapin na may katapusan ang lahat, Magiging parte na lamang siya ng masaya
at masalimoot kung nakaraan. ngayong araw na ang katuparan ng aking desisyon
kaya bukas paggising ko ay panibagong hamon na naman ng aking buhay.
Kailangan ko ng magpaalam sa aking kahapon mahirap man pero wala na akong
ibang mapagpipilian, bukas sa panibagong hamon ng buhay ko kailangan kong
maging matatag. Iiwanan ko na ang francis na laging naapi, natatalo at
pinagkakaisahan. Salamat at paalam Evo tanging panahon na lamang ang nakakaalam
ng kanya-kanya nating kapalaran.
Evo (POV'S)
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang tapos na nga ang lahat sa
amin ni Francis. Talaga nga yatang sobra ko siyang minahal, hindi nga naman
siguro ako ganito ka apektado kung hindi ko siya mahal. Sinaktan at ininsulto
niya ang pagkatao ko, ginawa ko ang lahat mapatunayan lang sa kanya kung gaano
ko siya kamahal pero ginago niya ako.
Naalala ko pa kung gaano ako kasaya noong gabing magkikita sana kami. It
was our first anniversary, nagpa booked ako sa isang garden restuarant para sa
aming romantic dinner date. Gusto kong memorable ang unang selebrasyon ng aming
pagmamahalan. Excited ako sa kanyang pagdating, ni hindi ko mahintay kung ano
ang magiging reaksyon niya sa surprisang hinanda ko.
Kinabahan ako ng sobra ng lumagpas na ang oras na pinagusapan namin ngunit
wala parin siya, agad ko siyang tinawagan ngunit nagri-ring lang ang phone niya
at walang sumasagot. tinext ko rin siya ngunit wala ring reply. Inisip ko baka
abala lang sa pag-aayos sa kanyang sarili. pilit kong pinapakalma ang sariling
huwag kabahan ngunit hindi ko mapigilang huwag mag-alala. Ang paghihintay ko ng
isang oras ay umabot sa dalawa, tatlo, apat hanggang sa inabisuhan ako ng mga
crew sa restaurant na iyon na magsasara na sila.
Hindi ako makapaniwalang naunsyami ang lahat ng aking pinaghirapan. ngunit
gayun pa man nag aalala ako sa kalagayan ni Francis, alam kong hindi na ako
bibiguin ng walang dahilan at kampanti akong mahal niya ako kaya gagawin niya
ang lahat wag lamang akong mabigo. Sinikap kong tawagan uli siya ngunit bigo
parin ako, walang sumasagot sa mga tawag at text ko.
Umuwi ako sa aking apartment na naguguluhan at nalulungkot. Kumuha ako ng
isang bote ng beer sa refrigerator gusto kong lasingin ang sarili ko para
makatulog nalang. naubos ko na ang isang bote, matutulog nalang sana ako ng
biglang tumunog ang cellphone ko. naka tanggap ako ng isang multimedia message
mula sa unknown sender. isang cellphone video ang pinadala sa akin.
Halos gumuho ang mundo ko ng makita ang video hindi ako makapaniwalang si
francis ang laman ng videong iyon. Pinagsusuntok ko ang pader sa sakit na aking
nararamdaman ng mga oras na iyon, ganun pala kasakit ang mararamdaman kapag
pinagtaksilan tayo ng taong mahal natin. Walang mapagsidlan ang sakit na
namamahay sa puso ko. ginago niya ako, pina ikot niya ako.
Kinabukasan pumasok ako sa school na parang wala lang, nahalata ko ang
panakaw tingin sa akin ng ibang mga estudyante. pinilit kong magpaka normal sa
kabila ng sakit at hindi maipaliwanag na emosyon na aking nararamdaman. Maaga
akong nakarating sa school kaya minabuti kong pumunta sa likod ng campus kung
saan kami laging nagpapalipas oras na dalawa.
Nagulat ako dahil bigla itong
sumulpot sa aking harapan, maging siya'y nagulat din ng makita ako. mabilis
itong lumapit sa akin at nakiusap, gusto niyang magpaliwanag ngunit hindi ko
siya binigyan ng pagkakataon, gusto kong ibuhos lahat ng galit ko sa kanya.
pinagsalitaan ko siya ng mga bagay na ni minsan hindi ko naisip na magagawa ko
sa kanya. Nagmakaawa siya na para bang wala ng dignidad na natitira sa kanya,
wala siyang pakialam sa mga nakatingin sa kanyang pinagagawa. niyakap niya ako
ng mahigpit mula sa aking likuran ngunit nagpumilit akong makaalis hanggang sa
mga paa ko na lamang siya nakakapit. Dumating sina Kevin at Kim, inilalayan
nila ang kaibigang makatayo. Mabilis akong nakalayo sa lugar na iyon para
umiwas sa mga nakikiusyuso at maging kay francis.
Hindi na ako pumasok pa ng klase umuwi ako ng apartment, tinawagan ko ang
mga barkada ko noon na pumunta sa aking flat. Agad namang nagsidatingan ang mga
ito kasama ang bagong mga syota at mga bagong kakilala, nag party all night
kami sa loob ng flat ko. gusto kong makalimot sa sakit na nararamdaman ko.
Lasing na lasing na ako ngunit wala parin akong balak huminto sa pag inom.
Magmamadaling araw na noon ng isa isang nag paalam ang ilan sa mga bisita
ko. hinatid ko rin ang isa sa mga babaeng dinala ng mga barkada ko sa labas ng
gate.we were so drunk that time and we're kissing even outside the gate. Hindi
ko alam kung namamalik mata lang ako ng makita ko sa labas ng gate si Francis,
may mga pasa siya sa kanyang mukha at ang dungis niya tingnan. Pinakita ko sa kanya kung paano ko halikan
ang babaeng kasama ko, alam kung nasaktan siya sa nakita dahil mabilis itong
umalis at pumara ng taxi.
Isang linggo akong hindi pumasok sa school, nabalitaan ko ring nagtangkang
magpakamatay si Francis.
Akala ko galit na lamang ang naiiwang nararamdaman ko
dito sa puso ko ngunit ng marinig ko ang kalagayan ni Francis ay hindi ko
maiwasang hindi mag-alala. Gusto ko na siyang kalimutan ngunit bakit lagi ko
parin siyang naiisip, lumalakas lamang ang hangarin kong kalimutan siya sa
tuwing bumabalik sa akin ang ginawa niya. ngunit sa kabilang banda, sa tuwing
naaalala ko ang aming nakaraan ay parang hinahatak akong balikan siya.
Patago akong pumunta sa hospital, eksaktong walang nagbabantay kay francis
sa loob ng pumasok ako. umupo ako sa tabi ng kama niya, hindi ako nagsasalita
habang sinusuklay ko ag buhok niya. galit ako sa sarili ko, mahal ko parin siya
sa kabila ng kanyang mga ginawa. parang nagta-tug of war ang galit at
pagmamahal ko sa kanya. nang nahimasmasan ako sa aking ginawa ay muling bumalik
ang galit ko, lumabas ako ng hospital at tinatanong ang sarili ko kung bakit
dumalaw pa ako.
Pagkatapos ng isang linggong absent ko'y naisipan kong pumasok at ibalik sa
normal ang buhay ko. Hindi ako pinabayaan ng mga varsity friends ko kabilang si
Alyson. hindi ko alam kung bakit ganun nalang nila ako sinusuportahan, ni hindi
rin nila sinasali sa topic ang tungkol sa nangyari. habang nagkakasayahan kami
ay biglang dumating si Kevin, kinausap niya ako tungkol kay francis. Sinabi
niya sa akin kung paano naghihirap ang kalooban ni Francis. Nagmatigas ako sa
mga hiling ni kevin, sinabi ko sa kanya na wala na akong pakialam pa at hindi
na interisado tungkol kay Francis. Alam kong isang kasinungalingan lang ang
lahat ng binitawan ko dahil hanggang ngayon ay apektado parin ako.
Dumaan ang mga araw na wala ng Francis sa buhay ko, hindi narin siya
pumapasok dahil sa pagkakaalam ko ay na expel na sa school si Francis. Alam
kong sinubukang kausapin nila Kevin at Kim ang pamunuan ng school para sa
investigation sa kaso ni Francis ngunit walang naging tugon ang pamunuan
tungkol dito.
Sa tuwing pumapasok sa isip ko si Francis ay sinusubukan kong sariwain ang
kasalanang ginawa niya para madali ko siyang makalimutan. naniniwala akong
anger is the best tool to forget someone and moved on. Hanggang sa nasanay
akong kamuhian siya.
Isang umaga noon abala ako sa paghahanda ng mga gamit na dadalhin ko sa
aking out of town pictorial para sa isang commercial ng may magdoorbell.
mabilis akong lumabas ng gate ngunit walang tao sa labas. napansin ko ang isang
maliit na kahon na may kasamang sulat, pinulot ko ito at binasa ang pangalan ng
sender-kay Francis galing.
Sinusi ko ang laman ng kahon, mga bagay iyon na binigay ko noon kay
Francis. yung mga sing-sing, pictures, bracelets, kwentas at maging mga sweet
notes ko sa kanya ay nadoon. Nilapag ko ito sa mesa at bumalik sa aking
ginagawa. wala na akong balak pang basahin ang lamang ng sulat niya dahil wala
na ring kwenta iyon sa akin.
Muling may nagdoorbell, maiinis na sana ako ngunit ng buksan ko ang gate ay
si Mike ang nasa labas ng gate, Kasama ko siya sa Varsity team. Mukhang balisa
ito at parang may gustong sabihin.
"May problima ba Mike?" tanong ko sa kanya.
"A..e.. may sasabihin sana ako sa iyo Tol" sagot niya. panay ang
pagkagat nito sa labi niya.
"Mukhang seryoso ang sasabihin mo. tungkol saan ba ito?"
"Evo, tol. sana huwag kang magalit at mabigla sa sasabihin ko sa iyo.
Wala talaga akong balak sirain ka o kayo ni Francis." huminto siya,
pinagmasdan niya kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niyang iyon.
"Anong tungkol sa akin at ang kay Francis?" nagtataka kong tanong.
bumilis ang pagtibok ng puso ko, mukhang hindi ko magugustuhan ang sasabihin
niya.
"Tol, inosente si Francis. na set-up siya" walang preno niyang
binanggit.
"Mike tol, wag mo akong pinagluluko seryoso ako." galit kong
sabi.
"Nagsasabi ako ng totoo, try to watch this" binigay niya sa akin
ang tablet niya. pinindot ko ang play buttons ng video.
Nanginginig ang bou kong katawan habang pinapanood ang video, nakita kong
lumbas si Francis sa Elevator. Isa-isa niyang tiningnan ang room number ng
biglang may dalawang lalaki na naka-bonnet ang dahan-dahang lumapit sa likod
niya at pinalo ito sa batok, bumagsak sa sahig si Francis. napakagat ako sa isa
kong kamay sa mga nakita ko sa unang clip ng video, ng masiguro nilang wala na
itong malay ay hinila nila ito sa isang kamay habang parang lampaso ang mukha't
katawan nito sa sahig habang hinihila. hindi ko masikmura ang lupit na
naranasan ni Francis sa mga kamay ng dalawang taong ito. Dinala nila sa isang
kwarto si Francis, hinubaran nila ito. naghubad din ang dalawang lalaking naka
bonnet at pinaglaruan ang taong mahal ko. tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha
sa mata ko habang pinapanood ag video, noong unang beses kong napanood ito'y
galit para kay Francis ang naramdaman ko ngunit parang binuhusan ako ng malamig
na tubig sa awa na nadama ko para sa kanya.
Napansin ko sa video na umiiyak ito habang nakapikit ang mata, alam kong
iniinda pa nito ang sakit ng pagpalo sa kanya at ang kasulukuyang ginagawa sa
kanya ng mga hayop na lalaking ito. nagsasalita siya, gusto niyang sumigaw
ngunit wala itong lakas para gawin. Narinig ko rin na binanggit nito ang
pangalan ko. Parang mga yelong natutunaw ang galit ko sa kanya at napalitan ng
awa at pagmamahal, hindi ko maisip ang hirap, sakit at insultong binigay ko sa
kanya. Siya pala ang biktima sa aming dalawa, umiiyak na akong nakaluhod sa
sahig habang iniisip ko ang paghihirap niya. Kailangan niya ako noon ngunit
wala ako bagkus isa pa ako sa mga taong nagdagdag ng pasakit sa kanya kasama ng
kanyang pamilya.
Pinagsusuntok ko ang sahig habang umiiyak sa galit at inis sa sarili.
pinigilan ako ni Mike, ngunit sa kasawiang palad siya ang napagbuntungan ko ng
aking emosyon. kwenilyuhan ko siya at pinasandal sa pader, nasuntok ko siya sa
mukha.
"Sino sila?,..sabihin mo!....sinong may pasimuno nito?" galit na
galit kong tanong.
"Pa..pare si Alyson!" takot niyang sagot.
"binayaran sila ni Alyson para gawin ito kay Francis, patawarin mo
pare kung hindi ko ito sinabi sa iyo ng matuklasan ko ang video. Pare mahal ko
si Alyson, pinangakuan niya ako na sasagutin ako pag hindi ko sasabihin sayo
ang lahat. kaya lang ng magawa mong kamuhian si Francis ay ginamit niya itong
pagkakataon para mapalit sa iyo, nagselos ako kaya heto ako ngayon. gusto kong
malinis ang pangalan ni Francis"
"Fuck...fuck you!..." muli ko syang sinuntok, bumagsak ito sa
sahig. mabilis naman agad itong naka bangon.
"Pare, patawarin mo ak..."
"Umalis ka dito!...get out!" sigaw ko sa kanya. nagmadali itong
lumabas ng apartment. naiwan akong umiiyak sa awa kay Francis at pagkainis ko
sa sarili ko.hinusgahan at sinaktan ko siya, wala akong pinagkaiba sa mga taong
gumawa nun sa kanya. Naalala ko ang sulat sa kahon, kung kanina'y parang wala
akong balak basahin iyon ngunit ngayon ay parang nagpapanic akong mabasa ang
sulat niya.
Evo,
Alam kong galit ka parin sa akin hanggang ngayon. Humihingi ako ng
kapatawaran, may kasalanan man ako o wala. I'm not sure if you'll gonna read
this but I just want to try. God might knock on your heart, I guess so.
Honestly speaking, I'm still not Okey right now but I'm nowhere to hold on to.
Wala ka na sa buhay ko and ang sakit lang dahil kinakamuhian mo ako ng sagad
hanggang sa buto. Sana matutunan mo akong patawarin. wag kang mag-alala dahil
hindi na kita guguluhin this will be my last try and it's over.
"Patawarin mo ako mahal ko" bulong ko
habang binabasa ang sulat niya.
"Wag kang hum..humingi ng kapatawaran,
ako..ako dapat" para akong bata sa aking ginagawa.
Sana maging masaya ka sa buhay na
tatahakin mo. I don't know how I want to help you to forget me, masakit man
marinig mula sayo na isa akong pinakamalaking pagkakamali sa buhay mo.
tatanggapin ko ng maluwag sa aking kalooban.
Mas lalong nagiguilty ako sa sinulat niya, walang
mapagsidlan ang inis at galit ko sa sarili ko dahil sa mga sinabi ko noon sa
kanya.
Alam kong hindi ako ang tipong iiyakan
mo, bakit nga ba diba?. hehehe alam mo parang karayom na paulit-ulit tumutusok
sa puso ko noong sinabi mo na wala akong pinagkaiba sa ibang mga bakla. Oo nga
naman, kaya dapat mo akong kamuhian. ito na lamang siguro ang maitutulong ko sa
iyo ang bigyan ka ng dahilan para pandirian at kamuhian ako ng sa gayun ay
madali mo akong makalimutan.
Sa oras na binabasa mo ito'y nakalayo na ako, if ever
lang na binasa mo nga. You should be happy dahil hindi na kailanman magko-kros
ang landas natin sinisigurado ko sa iyo.
I pray and I wish for your future endeavors. Alam kung
isang kasinungalingan para sayo kapag sabihin ko na ni minsan hindi ko nagawang
lokohin ka. Thank's for being a part of my past Evo. tomorrow after all of
this, ay magsisimula na rin akong bumangon para sa sarili ko. Mahal kita pero
kailangan ko ng sumuko at mag move on. you'll be a legend here in my heart the
first person I loved and the first to break it.
Paalam at Salamat...............
Francis.
Ayaw ko, ayaw kong iwanan niya ako ng ganito. hindi pwede. Mabilis pa sa
alas singko akong lumabas at pinaharurot ang kotse papunta sa bahay nila.
Nagdoorbell ako, nanginginig ang bou kong katawan, natatakot akong iwanan niya.
Lumabas ang yaya niya.
"May kailangan ka Iho?" tanong nito sa akin. hindi pala ako nito
kilala kaya malaya akong makakakuha ng impormasyon tungkol kay francis.
"S..si Francis po?"
"Kakaalis lang iho, mukhang malayo ang pupuntahan."natakot ako sa
kanyang sagot.
"oh?..saan po siya pupunta?" bulalas ko.
"Wala siyang sinabing lugar iho, maging sa mga magulang nito'y
inilihim niya kung saan basta't ang alam ko lang ay sa labas ng bansa siya
pupunta"
"Salamat po" ang tanging nasabi ko, kailangan kong maabutan sa
airport si Francis. kapag inabot ka ba naman ng malas ay sadyang hindi ka
makakatakas. napaka traffic sa daan papuntang airport kaya ng ilang metro
nalang ang layo ko mula sa airport ay lumabas ako ng sasakyan at tumakbo
papasok ng airport. iniwan ko sa gitna ng daan ang kotse ko bahala na.
Hindi ako pinapasok sa loob ng departure area ngunit nagpumilit ako,
nakilala ako ng isang may mataas na posisyon doon kilala niya ang Daddy kaya
pinayagan akong makapasok kahit hindi pasahero. napakaraming destination ang
dapat kong isa-isahing tignan sa departure area, nagdadasal akong sana maabutan
ko si Francis. ngunit halos malibot ko na lahat, natanong ko narin ang mga
nakapila ngunit wala akong francis na nakita. lumapit ako sa information desk
para magtanong.
"Miss?, anong destination ba ang kaaalis lang?"
"San diego California po sir. bakit po sir?" balik tanong niya sa
akin. tiningnan ko ang plasma screen kung saan nakalista ang mga coming na
flights halos nasa south east asia lahat ang destination. Dalawang oras akong
naghanap ngunit bigo ako.
Lumabas ako ng Departure area at umupo sa mga upuang nandoon na parang
natalo sa casino. naramdaman kong may humawak sa balikat ko nagulat ako ng
makilala kung sino.
Itutuloy...........
SALAMAT PO SA MGA NAGTIYAGANG MAGHINTAY..IF GUSTO NIYO PO
AKONG MA PRESSURE SA PAGSUSULAT AT MAKAPAG UPDATE AGAD, MAG-IWAN PO KAYO NG
COMMENTS DITO SA BABA GUYS...HINDI KO PO NABABASA ANG MGA COMMENTS NIYO SA
GOOGLE+ KO AT EMAIL ADD EH. NAKA FUCOS PO KASI AKO SA BLOG TALAGA MINSAN LANG
AKO NAPAPAGAWI SA GOOGLE+ AT EMAIL KO.
BINURA KO PO YUNG UNANG STORY KO ABOUT MY LIFE. SORRY PO
SA NA OFFEND DAHIL GUMAMIT AKO NG MAKATUTUHANANG NAMES AND PLACE DOON. THIS
BLOG IS NOT SUPPOSED TO BE A PUBLIC BLOG WAY BACK WHEN I WAS JUST STARTING.
GAGAWIN KO SANA ITONG PARANG DIARY KO OR A SORT OF MY AUTOBIOGRAPHY, HINDI
NAMAN PO KASI MATATAWAG NA AUTOBIOGRAPHY IYON IF HAHALUAN KO NG FICTION. BUT
THEN AGAIN I SHOULD NOT JUST THINK ABOUT MY OWN INTEREST BUT THE INTEREST OF
THOSE PEOPLE INVOLVED IN MY LIFE STORY AND IT INCLUDES MY SCHOOL. AGAIN I'M
ASKING SORRY SA MGA NA-OFFEND.
kakapalan ko nalang po mukha ko..please do follow my blog naman po...
TumugonBurahinAsan n kasunod fren? Bitin ako
BurahinNice one author napaiyak ako literally :)
TumugonBurahinsalamat po....
Burahinmatagal ko ring hinintay to mr. author.. keep it up.. im sorry pero pls update agad... hook n hook ako s story mo.. ang ganda.. sana huwag mo kaming btinin... thx a lot and ill wait for your update.. marami k rin silent reader always remember po...
TumugonBurahinlummier
maraming salamat po sa inyo...
Burahinnakakabitin... please update agad...
TumugonBurahinAng tagal ng update neto, pero napaiyak ako sa kwentong ito lalo na sa nangyari kay francis ang hirap ng pinag daanan niya
TumugonBurahinSana mapadali ang updates bet na bet tlgs 2
TumugonBurahinthis is worth waiting for. i had sleepless night dahil dito. i've read the entire series in one day haha. more power and godspeed.am waiting for the new one badly hahah
TumugonBurahinAy.. na bitin ako dun ah! ang bigat sa pakiramdam! Parang tinalikuran ng buong mundo si francis! ansakit. Update sana agad2x author para di na maputol yung momentum! :) Salamat!!
TumugonBurahinUpdate.. Update.. Update... :))
TumugonBurahinNaiiyak sana ako, kaso lang nasa public place ako nung binasa ko ito. Haha. Hayst. Hirap talaga kapag huli mo na malalaman. Marami kasing taong agad nagpapadala sa panibugho ng damdamin.
TumugonBurahin--- Rye Evangelista
The best ang twists and turns. Ang galing ng pagka-narrate ng story. Good job Mr. author. Update po agad pls.
TumugonBurahinUpdate pls
TumugonBurahinAng ganda..sana my update n agad..sorry kung mgdemand man kming mga readers..kaya lang nmn kmi ganito kc gustong gusto nmn yung story mo..ang galing mo mr. Author..idol n kita..hehe
TumugonBurahinIYAK ako sa chapter n ito eh..
San na po update? PLEAASSSEEEE :))
TumugonBurahinUpdate na Please............
TumugonBurahinI like your story :)
TumugonBurahinasan na update nito tagal nman
TumugonBurahinsorry po sa mga readers ko..ginagawa ko pa po ang chapter 21..medyo may pinagdadaanan lang po ako sa ngayon...pasensya na po
TumugonBurahin