Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 19
Mas lalong lumakas ang sigawan sa baba na
halos hindi ko maintindihan dahil sa sumasabay ang ingay na sanhi ng malakas na
ulan sa labas. hindi ako mapakali sa loob ng aking silid malakas ang kaba ng
aking dibdib. Bahala na, mabilis akong tumalon sa aking kama at lumabas ng
aking kwarto. Habag nasa hagdanan ako'y napansin kong nasa labas sila lahat at
parang may sinisigawan si Daddy.
"Pabayaan mo na ang anak ko, umalis
ka na at baka mabaril pa kita" galit na tinuran ni Daddy. sa puntong iyon
ay mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko.
"Dad, Mom?." tanging nasambit
ko. lumingon sila lahat sa akin, ngunit matalas pa sa mata ng agila ang aking
mata ng mahagip ng aking paningin ang taong mahal ko na basang-basa sa ulan sa
labas ng gate.
"Evo?.." sigaw ko dito.
"Francis! please kausapin mo
ako" pagmamakaawa ni Evo.
"Lando!, ipasok mo siya sa kwarto
niya" galit na utos ni Daddy kay Lando. narinig ko ang pagkasa ni daddy ng
kanyang hawak na baril at galit na tinumbok ang kinaroroonan ni Evo.
"No Dad please no!" sigaw ko
habang mabilis na tumatakbo para ipagtanggol siya laban sa aking ama.
"Pumasok ka sa loob!.." utos ni
Daddy sa akin habang patuloy na humahakbang papunta kay Evo.
"Dad please?..nagmamakaawa ako
please don't hurt him" umiiyak na akong nakikiusap sa walang kasing tigas
na puso ng aking ama. Tumigil si Daddy
humarap ito sa akin.
"Huling paki-usap ko na ito sayo,
tapusin mo na ang ugnayan mo sa taong yan kung ayaw mong magkaroon ng mamamatay
taong ama" kalmadong sabi ni Daddy sa akin saka walang anumang sabing
pumasok sa loob, Sumunod din sa kanya si Mommy at si Yaya.
Sa pagkakataong iyon mas lalong lumakas
ng buhos ng ulan, Mabilis kong nilapitan si Evo. Nakikisabay sa buhos ng ulan
ang aking mga luha hindi ko akalaing ganito kagulo ang pinasok naming dalawa. Niyakap ako ng mahigpit ni Evo.hindi ko
iginalaw ang aking mga kamay para tugunan ang kanyang yakap, oo inaamin ko
gustong-gusto ko siyang yakapin pero kailangan kong ipakitang hindi na ako
interisado sa kanya para bumalik na ito sa kanila. Ang hirap palang magtiis at
pagmasdang nasasaktan mo ang taong pinakamamahal mo at ang pinakamasakit dun ay
nasasaktan siya dahil sayo.
"Bakit?"umiiyak nitong tanong
sa akin, hindi ako sumagot.
"May kulang ba sa mga ipinapakita ko
para iwanan mo ako ng ganun nalang?" dagdag niyang tanong. muli, wala
siyang natanggap na sagot. Kapwa kaming nanginginig sa lamig dala ng buhos ng
ulan.
"Please sagutin mo ako!...mahal kita
eh. nahihirapan na ako" mas lalong humagulgol siya habang yakap-yakap ako.
parang pinipiga ang puso ko, tahimik akong lumuluha at ingat na ingat akong
tinatago ang lihim kung paghikbi para hindi niya mahalatang nahihirapan narin
ako.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin
hinawakan niya ang magkabilang braso ko at pinagdikit niya ang aming mga ilong,
tinitigan niya ang aking mga mata na animoy hinahanap ang mga kasagutan doon.
"Sabihin mong hindi mo na ako mahal
at lulubayan na kita, ngayon mo sabihin at titigan mo ang aking mga mata"
Sa pagkakataong iyon hindi ko na kaya pang magpanggap mahal ko siya mahal na
mahal, yun ang sinisigaw ng puso ko.pinikit ko ang aking mga mata hindi ko
kayang magsinungaling sa kanya habang
nakatitig siya sa aking mga mata.
"Sagutin mo ako!" muli niyang
tanong habang niyuyugyog ang aking mga balikat.
"Oo na! ..Ma..mahal pah..rhin khita..." sigaw ko habang umaagaw
ng hangin dahil sa hirap akong makahinga sanhi ng paninikip ng aking dibdib
dahil sa lungkot na aking nararamdaman.
"Ba..bakit mo ginagawa ito?"
"Dahil ayaw kong masira ka dahil sa pagmamahal mo sa akin" sagot
ko habang patuloy na umiiyak.
"Marami na tayong naapakan lalo na ang sarisarili nating pamilya"
dagdag ko. Niyakap niya ako ng mahigpit, ikinulong niya ang aking ulo sa
kanyang dibdib.
"Ano ang gusto mong gawin ko?..wag lang yung magkahiwalay tayo"
tanong niya.
"Bumalik na muna tayo sa pag-aaral natin, sasabihin kong wala na tayo
sa mga magulang ko para hindi ka na nila pag-initan. mas mabuting ilihim muna
natin, babalik ako dito sa amin at bumalik ka na muna sa inyo"
"Mahirap yata ang gusto mong mangyari" matamlay niyang tugon.
"Mahirap?, sa tingin mo hindi ako nahihirapan, Evo we need to
sacrifice for the sake of our future"
"ok..ok..bumalik ka na muna sa inyo, pero ako hindi ko gagawin yun.
The war between me and my Dad is not
only because I fight for our love but gusto kong ma-realize niya na hindi lang pera o negosyo ang kailangan ko"
"Evo?,,paano ka makakapag-aral?..ayaw kong bumalik ka sa trabahong
yun"
"Wag kang mag-alala may nakita na ako..ginawa ko lang naman ang
trabahong yun para hindi tayo makita o matuntun..may kaibigan akong may ari ng
isang advertising agency ang parents niya kukunin nila akong modelo, may apartment
narin akong nakita"
"Talaga?...salamat naman kung ganun" napayakap ako sa kanya.
hahalikan na sana ako sa labi ni Evo ng marinig ko si Lando.
"Sir, pumasok na po kayo sa loob. masyado na po kayong nababad sa
ulan" nilingon ko lang siya saka muling tumingin kay Evo..
"Mag-ingat ka.see you tomorrow" Tumalikod na ako sa kanya at
dali-daling pumasok ng bahay.
Nasa sala silang lahat maliban kay kuya, sa pagkakataong iyon ay naging
mahinahon si Daddy sa akin. siguro nga nagawa siyang pakiusapan ni Mommy.
"Binibigyan kita ng huling pagkakataong itigil ang ugynayan niyong
dalawa, Hindi ko alam kung gaano kahirap sayo ang kalimutan ang taong iyon pero
nakikiusap akong sana isipin mo naman ang kapakanan ng ating pamilya. you knew
how your Lolo tried to keep our family's legacy an example to everyone here in
our country so please stop putting us in shame"
Matapos niyang sabihin iyon ay tuloy-tuloy itong umakyat sa kanilang
kwarto. Nanatili si Mommy, lumapit ito sa akin at tinapik ako sa balikat ko.
"Just follow your Dad Son, I know he's doing it for you" bulong nito sa akin.
"I will mom, I promise" sagot ko.
"Maligo ka muna anak, Masyado kang nabasa sa ulan"
Umakyat ako sa aking kwarto, dumiritso ako sa banyo para maligo. Hindi ko
alam kung kaya kong pangatawanan at itago ang aming relasyon ni Evo.
Magkukunwari kaming tapos na ang lahat sa amin para sa aming sariling
kapakanan, naiintindihan ko si Evo kung ayaw niyang pagbigyan ang kanyang Ama
siguro nga'y nabulag lamang ito sa kayamanang maari niyang ipasa kay Evo.
Kinabukasan maaga akong nagising, halos mag-iisang linggo rin mula ng huli
kaming pumasok ni Evo. Tulad ng dati ay parang asong buntot ng buntot sa akin
si Lando, lahat ng kilos ko ay binabantayan niya, kung saang deriksyon ako
naroon ay nandoon din nakaharap ang ulo nito.
"Siguro mas dinoble ni Daddy ang sweldo mo kaya ka ganyan kung
makabantay sa akin?..hindi ka ba nagsasawa sa kakatingin sa akin?" tanong
ko sa kanya habang nasa canteen ako at nagmemerienda.
"Kung ganyan ang iniisip mo sir nirerespito ko po iyon" seryoso
niyang sagot.
"Wow ha?, binibiro nga lang kita.pikon mo naman" sabi ko saka
tumayo patungo sa aking silid aralan mabilis naman itong sumunod sa akin. Sa
hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip ng aking patingin sina Kevin at Kim,
mukhang masaya silang dalawa nakapulupot ang kamay ni Kim sa braso ni Kevin.
Siguro nga sila na at masaya silang magkasama. masaya ako para sa kanila. Gusto
ko sanang lumapit sa kanila ngunit naiisip ko na hindi pa siguro ito ang tamang
panahon para muling magpakita sa kanila, binilisan ko ang paglalakad para
iwasan sila. Hindi selos ang aking naramdaman kundi inggit, dahil sila malaya
nilang maipakita ang kanilang pagmamahal sa isa't-isa samantalang kami ni Evo
ay hadlang halos ang boung mundo.
Dumaan ang mga araw na patago kaming nagkikita ni Evo, marami siyang alam
na paraan para laging matakasan ko ang aking body guard. Kahit papaano'y masaya
ako sa estado ng aming relasyon, Alam ko at narararamdaman ko na mas higit ang
kanyang pagmamahal sa akin kaysa sa pagmamahal ko sa kanya. Hindi siya
nakakalimot sa mga anniversary namin, lagi siyang may sorpresa sa akin kaya mas
lalo ko siyang minahal.
Naging in-demand na rin si Evo sa mga modeling at commercial kaya nakaya
niyang tustusan ang kanyang pangangailangan at pag-aaral sa sariling sikap
niya. Marami narin siyang taga hanga na namumukhaan siya ang iba naman ay
nagpapa-picture pa sa kanya.
"hindi ka ba nagseselos sa mga babaing humahalik sa pisngi ko tuwing
nagpapa-picture sila sa akin?" tanong niya isang beses habang nasa park
kami, katatapos lang niya noong paunlakang magpapicture ang ilang mga babae na
kilala siya.
"Hindi!..bakit naman ako magseselos?" sagot ko na parang wala
lang.
"Ah?..ganun lang?..baka hindi mo ako mahal kasi hindi ka
nagseselos" sabi niya na parang batang naglalambing lang.
"Alam ko naman na mas mahal mo ako eh, hehehee...alam mo mas cute ka
pag laging ganyan ka magsalita hehehe" sagot ko saka piningot ang ilong
niya.
"Aray..sakit nun ah!...ako din paganti nga"
"okey. habulin mo muna ako" sigaw ko saka takbo.
para kaming mga batang naglalaro walang pakialam sa mga taong nakakakita sa
amin. Nang mapagod kami ay pumwesto kami sa dalampasigan, nakaharap kasi ang
park na aming pinuntahan sa malawak na karagatan. Sa mga oras na iyon ay
papalubog na ang araw kaya napakagandang pagmasdan ang tanawin sa aming harapan
na nakapagdagdag saya sa aming puso.
"Alam mo gusto kong bumalik sa isla" sabi ko sa kanya.magkatabi
kaming naka-upo habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya.
"kasama ba ako?"
"Oo..lagi ka namang kasama sa mga pangarap ko eh..magtatayo ako ng
bahay doon kahit na simple lang atleast kasama kita" ngumiti lamang ito
saka hinagkan ang labi ko.
"At kapag hindi na natin mahanap ang isa't isa o kaya pilit tayong paglalayuin ng tadhana doon kita hihintayin" dugtong niya sa sinabi ko.
Sa mga panahong iyon ay hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko
kahit na tumatakas at patago-tago kami sa aming pamilya. Wala na nga akong
mahihiling pa kundi ang makasama lamang si Evo sa buhay ko. Nanumbalik rin ang
sigla naming dalawa sa mga extra-curicular activities sa school, Si Evo parin
ang nanatiling presidente ng Supreme Student
Council at ako naman ang assistant nito habang si Kevin ang Vice president.
Naging mailap parin sa akin sina Kevin at Kim masakit man na iniiwasan nila ako
ay pilit kong iniintindi alam kong nasaktan ko sila sa mga nagawa ko para
ipaglaban ang aking pagmamahal kay Evo.
Isang umaga noon habang papasok ako sa aming classroom ay nakasalubong ko
ang varsity team, masaya silang nakukwentuhan sa pathwalk ng campus. Iiwas na
sana ako dahil alam ko naman ang mangyayari kapag nakita nila ako ngunit hindi
ako nakaligtas sa paningin ng isa sa mga varsity-si Mike.
"Oy, Francis?..musta?.." pansin niya sa akin. napatigil sila sa
kanilang pag-uusap at ibinaling ang tingin sa akin.
"Ah..e..okey rin naman. k.kayo?" sarkastiko kong sagot. medyo
nahihiwagaan lang kasi ako sa ipinapakita nila ngayon sa akin na para bang
malapit ako sa kanila, magkasalungat sa mga ipinakita nila sa akin noon.
"Hey francis?..." si Alyson. lumapit ito habang nakangiti ng
napakatamis na para bang matalik kaming magkaibigan.
"H..hi?" alangan kong pagtugon sa tawag niya. Napansin kong
lumapit ng bahagya si Lando sa kinatatayuan ko, siguro nga'y takot lang siyang
baka saktan na naman ako ng mga taong ito.
"Uhm..by the way I just wan t
to say I'm sorry for everything. tanggap ko na na ikaw ang mahal ni Evo at
hindi ako, and I respect his feelings to you" sabi niya. Nagulat ako sa
mga sinabi niya dahil ang pagkakakilala ko sa Alyson na ito ay palaban at hindi
madaling sumuko. But I believe everybody deserves to change and a chance to be
accepted for the changed they become.
"Salamat naman kung ganun, you made me feel better right now"
taos puso kong sinabi.
"Can we invite you this afternoon at mike's condominium?..The Varsity
team is planning to have an outreach program in Pasig and we thought we need
the back up from Supreme Sudent Council. Wouldn't you mind if you come with
us?"
"If it's for the betterment?..game ako diyan!" sagot ko sa kanya.
nagpalakpakan naman ang iba pang mga kasama nito noong pumayag ako.
"Sige papasok na muna ako, kita nalang tayo mamaya" paalam ko sa
kanila. medyo nakalayo na ako sa kanila ng nag-vibrate ang phone ko-Si Evo.
"May nakalimutan ka!" sabi nito sa akin.
"Ang alin?"
"nakakainis ka naman eh kinalimutan mo na?" pacute effect niyang
sabi.
"Ay!..oh I'm sorry mahal ko, Happy anniversary sa iyo"
"I expect a dinner date with you tonight ok?..." sabi niya.
"Opo mahal ko.."
"Oh sige na ibaba mo na ang phone may pictorial kasi ako ngayon
eh"
"Ah?..hindi ka pumasok?" bigla kong tanong.
"Sayang ang racket eh hehehe" biro niya
"Kaw talaga baka napapabayaan mo na ang studies mo niyan?"
pag-aalala ko.
"Don't worry mahal ko nag se-self study naman ako eh, oh sige na ibaba
mo na ang phone baka malate ka pa..see ya tonight take care and I love you so
much"
"I love you too..keep safe"
Kakababa ko lamang ng tawag ng may
text na dumating, binasa ko ito. Isang text galing kay Alyson isang address ng
lugar ang laman ng text niya siguro nga'y doon kami magsasagawa ng forum
tungkol sa kanilang binabalak na outreach program sa pasig.
Napakagaan ng aking pakiramdam sa boung maghapon ng aking klase, marahil
nga siguro sa magandang nangyari kaninang umaga. sana nga tuloy-tuloy na ang
mga magagandang nangyayari sa buhay ko kahit na patago ang pagmamahalan namin
ni Evo.
Nagmamadali akong lumabas ng campus pagkatapos ng huling subject namin sa
hapon, kailangan kong makarating sa lugar na sinabi ni Alyson ng mas maaga,
para maaga din naming masimulan ang aming plano tungkol sa outreach program na
binabalak nila. Gusto kong matapos agad dahil para may panahon pa akong
mag-ayos sa Anniversary namin ni Evo.
"Sir saan po tayo?" tanong ni Lando sa akin na nagmamadali din
dahil sa mabilis akong maglakad papuntang parking area.
"Sabihin mo kay Mang Ador sa lugar na ito" utos ko, iniabot ko
ang aking cellphone kung saan nakalagay ang tinext na lugar ni Alyson sa akin.
Isang lumang condominium ang sinasabing lugar sa text ni Alyson. bumaba ako
sa sasakyan na para bang walang iniwang mga tao sa sasakyan, ngunit mabilis
ding nakasunod sa akin si Lando.
"Lando, hindi mo na kailangan sundan ako sa loob. promise babalik ako
agad, may lakad pa ako mamaya kaya mas mabuting dumito ka nalang sa sasakyan
kasama ni Mang Ador"
"Pero sir sabi ng Dad......."
"PLEASE!..kahit ngayon lang Lando. trust me babalik ako agad"
medyo napataas ako ng boses. yumuko na lamang si Lando saka muling bumalik sa
kotse.
Sumakay ako ng Elevator, ang nakalagay sa text ay nasa ikalimang palapag
ang unit na sinabi ni Alyson, Nag text ako na paparating na. pagdating ko sa
5th floor ay agd kong hinanap ang numero ng unit ngunit sa hindi ko inaasahan
ay may biglang may pumalo sa aking likuran, sa lakas ng pagkakapalo ay
tuloy-tuloy akong nawalan ng malay.
Hindi ko na alam pa ang mga nangyari, nagising na lamang akong nasa aking
kwarto na ako sa loob ng aming bahay. nasa tabi ko si Mommy habang nakatayo sa
paanan ng aking kama sina Mang Ador at Lando.
"Anak?, ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Mommy.
"Ano pong nangyari?" nanghihina kong tanong habang minamasahi ang
kumikirot kong batok.
"Sir, mahigit pitong oras po kaming naghintay sa labas ng condo.
nag-aalala kami kaya pinasok namin ang lugar na sinabi mo, nadatnan naming
mahimbing kang natutulog sa kama. ginising ka namin ngunit parang wala ka sa
sarili habang papalabas tayo sa condo." mahabang salaysay ni Lando.
Wala akong maalala sa mga sinabi ni Lando, minabuti kong balikan ang aking
mga ala-ala kahapon ngunit wala akong mahagilap na kasagutan. Ang tanging
ala-alang bumalik sa aking isipan ay ang aming Anniversary ni Evo, hindi!...
Mabilis akong bumangon hinanap ko ang aking Cellphone, mangiyak-ngiyak kong
binuksan ito. halos mapuno ito sa mga text messages ni Evo at missed calls.
Sinubukan kong tawagan ang number niya ngunit nagri-ring lang ito at hindi
sinasagot. nakailang subok na ako ngunit parang walang balak si Evo na sagutin
ito.
"Anak?, is there something wrong?" naguguluhang tanong ni Mommy.
"W..wala po ma, problima lang po sa school project namin. sige po Mom
mag-aayos na po ako para pumasok maiwan niyo na po muna ako dito"
Mabilis kong ni-lock ang pintuan ng makalabas sila sa aking kwarto. bumalik ako sa pagti-text kay Evo.
"Evo?, mahal ko. sorry na kung hindi ako
nakarating kagabi. may nangyari sa akin, mahirap ipaliwanag pero sasabihin ko
sayo pagmagkita tayo mamaya. promise babawi ako"
Matapos kong maitext iyon ay mabilis akong naligo at saka dali-daling
pumunta sa school. Alam kong napuyat
sina Mang Ador at Lando sa kahihintay sa akin kagabi kaya nag-taxi na lamang
ako, wala namang nakakita sa paglabas ko ng bahay kaya malaya akong nakalabas
ng mag-isa.
Nanibago ako sa mga kilos at
ipinapakita sa akin ng ibang estudyante, pinag-titinginan nila ako na para bang
may nagawa akong malaking iskandalo. Hindi ko pinansin ang kakaibang mga tingin
nila, naririnig ko ring pinag-uusapan nila ako bagay na hindi ko rin alam.
Napansin kong papalapit ang grupo nila Alyson sa akin kapwa nakangiti sila
lahat. May kakaiba rin sa mga ngiting yun, ngiting tila nagtagumpay sa isang
misyon.
"Alyson, yung kahapon? pwedi ko bang tanungin kung......." Hindi
ko natapos ang aking sasabihin dahil sa sinugod ako ng sampal ni Alyson.
nabigla ako sa ginawa niya, napahawak na lamang ako sa aking pisngi. naka-agaw
iyon ng atensyon sa iba pang mga estudyanting naroon kaya parang animo'y isang
shooting sa pelikula ang nangyayari.
"Hayop kah!...ang landi-landi mo..matapos kong ipaubaya sayo ang taong
mahal ko ganito lang ang igaganti mo?" malakas niyang sigaw sa akin.
"A..Alyson hindi kita naiintidihan eh?..ano bang nagawa ko?"
nanginginig kong tanong sa kanya.
"Ipaliwanag mo nga sa amin kung ano itong nasa video?" ipinakita
niya sa akin ang tablet niya na naglalaman ng isang maselan na eksina. sobra
akong nanlumo sa nasaksihan ko, nakikita ko ang sarili kong hubo't hubad at
napapalibutan ng limang lalaki na pawang naka-bonnet. Wala ako sa sarili para
akong asong sunod-sunuran sa lahat ng pinag-gagawa sa akin.
Nanlambot ang aking mga tuhod na para bang nawalan ito ng lakas para
buhatin ang bou kong katawan. Hindi ko alam kung paano ko ipagtatanggol ang
aking sarili sa isang bagay na totoong nangyari ngunit hindi ko alam kung
bakit.
Mabilis akong lumayo sa
kinaroroonan nila Alyson. nanginginig at umiiyak akong lakad takbo hanggang
marating ko ang likurang bahagi ng aming campus. Malaking pasalamat ko ng
maabutan ko si Evo na tahimik ding naka-upo sa dating tagpuan namin.
"E..evo!.." tawag ko sa kanya. mabilis na tumayo si Evo at
humarap sa akin, galit na galit ang mukha at tagos hanggang buto ang pagkatitig
sa akin.
"Hayop ka!, napakababoy mo para gawin iyon!...ano ba ang nagawa ko
sayo para gawin mo sa akin iyon ah?..sinakripisyo ko ang buhay ko, ang sarili
ko, pangalan ko pati pagkatao ko....francis lahat lahat na ibinigay ko
bakit?...." umiiyak si Evo habang pasigaw niyang sinasabi lahat iyon sa
akin.
Sinusubukan kong lumapit at hawakan siya ngunit umaatras siya palayo sa
akin, sa mga oras na iyon ay parang hinihiwa, dinudurog at dinidikdik ng
pino-pino ang bawat parte ng aking katawan sa sakit na aking nararamdaman.
"Layuan mo ako!, isa kang pagkakamali!...argghhh!..ang tanga tanga ko
para mahulog sa isang baklang katulad mo!...sinusumpa kita!..."
Napaluhod ako sa lupa sa sobrang sakit na aking nararamdaman, parang mga
balang tumagos sa aking katawan ang mga katagang binitawan ng taong
pinakamamahal ko.
"E..evo, maniwala ka wala akong kasalanan, hindi ko alam ang
nangyari....pakinggan mo ako Evo, nakiki-usap ako sayo Evo..."
"Pakinggan?..manigas ka francis" tumalikod si Evo saka umalis.
hinabol ko siya, mahigpit kong pinulupot ang aking kamay sa beywang niya,
umiiyak akong nagmamakaawa sa kanya ngunit sing-tigas ng bato ang puso ng taong
mahal ko.
pinilit niyang tanggalin ang aking mga kamay hanggang sa mga paa niya na
lamang ako kumakapit, wala akong paki-alam kung nakakaladkad na ako sa lupa.
maraming nakatingin sa amin ngunit wala akong parin akong paki-alam sa kanila.
"Francis please stop it!" si Kim. pinilit niyang alisin ang kamay
ko sa mga paa ni Evo. nagtagumpay siyang maalis ang aking mga kamay, niyakap
niya ako ng napakahigpit. naramdaman kong yumakap din sa akin si Kevin. walang
humpay akong umiyak na para bang batang naagawan ng isang laruan.
"Wala akong kasalanan! wala, wala...di ko alam kung bakit nangyari
yun" walang tigil kong sinasabi habang niyayakap ng aking mga kaibigan.
"Shhssh!..we will help you" bulong ni Kim.
Inakay ako ni Kevin at kim papunta sa parking area, hinatid nila ako sa
bahay. nagmistulang lantang gulay ako, nanghihina at para bang katapusan na ng
mundo. inilalayan ako ni Kevin papasok ng bahay ngunit laking gulat ko ng
salubungin ako ng suntok ni Daddy, tumilapon at napasubsob ako sa tiles.
naramdaman ko ang pagdurugo ng aking pisngi kung saan dumapo ang kamao ni Daddy
at ng aking bunganga na sumubsob sa sahig.
"Your such a disgrace to this family!...how there you to put us all in
shame?" sigaw ni Daddy sa akin. inilalayan ako ni Kevin upang makatayo. si
Mommy naman ay umiiyak lang sa isang sulok. Muling lumapit sa akin si Daddy at
inilapat ang newspaper na hawak niya sa aking mukha.
"Basahin mo yan!"..sigaw niya. nakita ko ang headlines ng dyaryo.
"The Country's most successful businessman Mr. Lopez of Lopez
Industry is being dragged by his gay son's new sex scandal. story is on page 5"
"Dad, maniwala ka wala akong kasalanan. hindi ko al...."
"Shut up!..." mas malakas na sigaw ni Daddy.
"Go to your room now!"
dagdag nito. tutulungan pa sana akong paakyatin ni Kevin pero tumanggi ako,
tinapik na lamang niya ako sa aking likod tanda ng suporta. Nang madaaanan ko
si Mommy ay niyakap ko ito.
"Mom..I really don't know what happened, Mom please be with my
side?" umiiyak kong pakiusap. ngunit walang naging tugon ito sa aking
pagmamakaawa. nagkulong ako sa aking kwarto at walang ibang ginawa kundi ang
umiyak ng umiyak.
Paulit-ulit kong tinatawagan ang number ni Evo ngunit hindi ito sumasagot
hanggang nag-out of coverage ito. hating gabi na ngunit parang baliw parin
akong hindi tinatantanan ng sakit na dulot ng mga nangyayari. kailangan kung
makita si Evo, alam kong mahal niya parin ako hindi ako naniniwalang ganun lang
kabilis mawala ang pagmamahal nito sa akin.
Lumabas ako ng bahay na ni hindi man lamang nag-ayos ng sarili,
naka-uniporme parin ako ngunit puno ito ng mantsa mula sa bahid ng dugo sa
aking sugat sa bunganga at pisngi. sumakay ako ng taxi papunta sa apartment ni
Evo. Ng nasa tapat na ako ng gate ay naririnig ko ang malakas na tugtog mula sa
flat ni Evo. mukhang may party sa loob dahil sa may mga babae akong naririnig
na nagsisigawan sa saya.
Kakatok pa sana ako sa gate ngunit bigla itong bumukas at iniluwa ang isang
lasing na babae na nakaakbay sa isang lalaki at naghahalikan ang mga ito.
napansin ako ng lalaki, parang isang sibat ang tumama sa akin sa mga oras na
iyon ng makilala kong si Evo ang lalaking kahalikan ng babae.Lasing si Evo. ng
mapansin niya ako'y ngumiti ito saka pinagpatuloy ang kanilang halikan.
Parang ilog na dumaloy ang mga luha ko sa aking mga mata, mas masakit ang
nararamdaman ko ngayon kaysa sa mga suntok na ibinigay ni Daddy sa akin kanina.
Ngayon palagay ko'y ako na lamang mag-isa sa labang ito, walang naniniwalang
inosente ako sa nangyari. Lahat sila'y isang malanding bakla ang tingin sa akin
at ang mas nasasaktan ako isa sa unang nanghusga sa akin ay ang mga taong mahal
ko.
Tumalikod ako kina Evo, umiiyak akong pumara ng taxi saka sumakay pabalik
ng bahay. para akong zombie sa mga oras na iyon. pagdating sa bahay ay
diri-diritso ako sa aking kwarto, nagsisisigaw sa galit at pagkaawa sa sarili.
Umupo ako sa harap ng salamin at pingmasdan ang marumi kong sarili, ito na
siguro ang pinakamasakit na naranasan ko ang pagkaisahan ng mga taong mahal mo.
pinagbabasag ko ang salamin, gusto kong matapos na ang sakit na
nararamdaman ko. kumuha ako ng isang piraso ng nabasag na salamin pinili ko
yung pinaka matulis, pumasok ako sa banyo saka humiga sa bath tub. pinuno ko
ito ng tubig, Akala ko noon sa mga pelikula ko lang napapanood ang bagay na
nasa isipan ko ngayon. sa katunayan maliit ang tingin ko sa mga taong gumagawa
nito pero heto ako ngayon dadag-dag sa bilang nila.
Pikit mata kong hiniwa ang pulso sa kaliwang kamay ko,
habang ginagawa ko iyon ay walang ibang nasa utak ko kundi ang mga pasakit na
dumating sa buhay ko sanhi ng aking pagiging iba. gusto kong iyon ang isipin
para wala akong rason para ihinto ang bagay na ito. ngunit huli na ng bumalik
ako sa aking katinuan, malaki na ang sugat sa aking kamay at parang hose ng
gripo ang sugat nito dahil sa mga naglalabasang dugo. nahihilo ako at
nanghihina, dumidilim narin ang aking paningin at wala narin akong marinig.
Kung sa ganitong paraan matatapos ang buhay ko wala akong
ibang hihilingin sa aking pamamaalam, ang malaman ng mga taong mahal ko na ni
minsan hindi ako gumawa ng bagay na ikakasama ko. Sana nga mapapatawad ako ng
diyos sa aking maling nagawa.
Itutuloy................
Sa wakas guys natapos ko narin ang chapter na ito..pini-pressure
niyo kasi ako eh...
Mr. Author! Kelan po ang update? Hehe. Excited na ako eh. Nabitin ako. Please update agad! Thanks!
TumugonBurahin- Rye
out na po ang chapter 20...
BurahinWaaaaa please Mr Author kailangan ko mabasa ang mga susunod na story! I'm so addicted to it T_____________T
TumugonBurahinout na po ang chapter 20...
BurahinSana po maka update agad. hooked na hooked na ako sa story. pleeasseee...
TumugonBurahinout na po ang chapter 20...
BurahinNa vhong navarro yata si francis :D
TumugonBurahinSalamat po sa inyo.....I'm still working for the part 20...medyo busy kasi sa company guys and the worst is night shift ako hehehehe...
TumugonBurahinGo lang Mr Author! :) hehehe hihintayin ko yang update mo :)
Burahinout na po ang chapter 20
BurahinAww! Bitin.. </3
TumugonBurahinout na po ang chapter 20...
Burahin