I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 21
Hindi ako pinapasok sa loob ng departure area ngunit nagpumilit ako, nakilala ako ng isang may mataas na posisyon doon kilala niya ang Daddy kaya pinayagan akong makapasok kahit hindi pasahero. napakaraming destination ang dapat kong isa-isahing tignan sa departure area, nagdadasal akong sana maabutan ko si Francis. ngunit halos malibot ko na lahat, natanong ko narin ang mga nakapila ngunit wala akong francis na nakita. lumapit ako sa information desk para magtanong.
"Miss?, anong destination ba ang kaaalis lang?"
"San diego California po sir. bakit po sir?" balik tanong niya sa
akin. tiningnan ko ang plasma screen kung saan nakalista ang mga outgoing na
flights halos nasa south east asia lahat ang destination. Dalawang oras akong
naghanap ngunit bigo ako.Lumabas ako ng Departure area at umupo sa mga upuang
nandoon na parang natalo sa casino. naramdaman kong may humawak sa balikat ko
nagulat ako ng makilala kung sino.
Sina Tito Armando at Tita Diane.
"Kaaalis lang niya" maikling balita ng Daddy niya. hindi ko na
nagawa pang pahiran ang luha sa aking mga mata, tumango na lamang ako ng aking
ulo.
"We're sorry for hurting the both of you. We realized we're too rude
as a parents to him." Dagdag nito. umiiyak parin si tita diane.
"Wala na po tayong magagawa Sir, everything happens for one reason-to
teach us what's life really is" mapait kong sagot. tinapik na lamang ako
ng Daddy niya sa balikat tanda ng pagkaka-ayos namin.
"P.pwede ko po bang malaman kung saan siya pumunta?" deritsahang
tanong ko.
"Hindi namin alam ang eksaktong lugar, niririspito namin si Francis
kung ayaw niyang sabihin kung saan siya pupunta basta sigurado kaming nasa
America siya tutungo." sagot ni Tito Armando.
"It's his way to forget the past, he told us he need to do this
inorder for him move on and find brighter hope after what happened to
him...masakit lang isipin na isa kami sa mga nanakit sa kanya." bulalas ng
Mommy niya.
Hindi ko mapigilang mapaiyak at ibuhos ang aking emosyon sa harapan ng
magulang niya, katulad nila'y malaki din ang kooperasyon ko kung bakit
nakapagdesisyon siyang magpakalayo at lumimot. Masakit at nakakatakot isipin na
isa ako sa gusto niyang kalimutan.
Francis(POV's)
Hindi naging madali para sa akin ang makalimot
mula sa masakit na kahapon. Akala ko noon hindi na iikot pa ang gulong ng palad
ko, but here I am now successful in my own way. Far from my family and fully
moved on. Limang taon na ako dito sa Houston
Texas at may magandang trabaho, limang taong walang balita sa pilipinas.
Binalak ko ang lahat ng ito para makalimot at magpatawad sa mga taong nasaktan
ako kasali na dito ang pamilya ko. Time heals ika nga nila. Nagagawa ko ng
makangiti ngayon siguro nga iba na ang francis ngayon at sa francis noon.
Naalala ko pa ng magpaalam ako sa magulang ko na
mangibang bansa, I was only 17 when I leave. nagkaroon ako noon nang
pagkakataong makontak ang Ninang Pricie ko, siya ang pinakamalapit kong ninang,
sa mga panahong nag-iisa ako sa lahat ng pinagdadaraanan ko'y siya ang takbuhan
ko. pinayuhan niya akong pumunta sa Amerika at nangako siya sa akin na
susuportahan niya ako. Inilihim ko ang eksaktong lugar para makapag bagong
buhay. I can't free myself from my past if they still exist every now and then.
Siguro nga magiging parte lang sila sa buhay ko kung dumating ang pagkakataong
kaya ko ng magpatawad, kaya ko ng ngumiti muli at sabihing maganda pala ang
buhay.
Isang business course ang natapos ko, Nasa isang
international brand ng Apparel ako nagtatrabaho bilang advertising coordinator.
Ako ang namamahala sa mga commercials, T.V ads at promotions ng aming produkto.
Minsan ako rin ang nagmamanage ng mga talents namin upang mag model ng aming
produkto, And now I'm happy having a good job and a better life. Hindi ko ring
maiwasang sumikat sa texas dahil isang beses noon naghahanap ng asian model ang
kompanya ko ngunit walang makita, they found me good enough to be a model and
yun nga naging instant celebrity ako. hindi ako makapaniwalang magkakaroon ako
ng higanting billboards sa mga malls at highways.
Nagkaroon din ako ng dalawang bestfriend sina
Bianca at Darcie. Tulad ko'y mga pure pinoy din sila, Si Darcie ay nakilala ko
lamang dito sa trabaho. Ateneo graduate siya, isa pala siyang ladlad as in bihis
babae na bakla ngunit nakakatawa at madaling maging kaibigan. Si Bianca naman
ay naka-klase ko siya sa isang subject ko ngunit magkaiba kami ng kurso. Arts
and literature ang kursong kinuha niya, maganda siya at maipagmamalaki mo
talagang magaganda ang mga pinay. Galing siya sa angkan ng mga politiko sa
pilipinas kaya medyo up to date siya sa current affairs sa pilipinas which is
iniiwasan ko namang malaman. May naiwang boyfriend sa pilipinas si Bianca isang
sikat na model daw, minsan binibiro ko siya na gagawin naming model dito sa U.S
ang boyfriend niya ngunit ayaw daw niya. Mag-iisang taon pa lamang si Bianca
dito.
"Hoy" nagulat ako ng may tumapik sa
balikat ko, hihigop pa naman sana ako ng mainit na kape. kasulukuyan kasing
nasa opisina ako, maaga akong nagreport dahil may tatapusin akong documents
para sa aming meeting mamaya.
"You know you're so cute while having that
emotero looks" sita sa akin ni Darcie.
"Hindi ako nag-eemot noh?..I'm just
remembering things from my past" giit ko.
"So?, what's the difference?"
"Emot?..may feelings
yun..remembering?...wala lang naalala lang.." sagot ko.Ganun kami laging dalawa nag-aasaran, ang pikon
laging talo. Dumating na ang aming boss kaya nagmadali kaming pumasok sa
conference room. Napaka-strict ng mga top management namin kaya napakaseryoso
namin tuwng nasa conference room.
"This morning we have an important issue to
tacle with" panimula ng presidente. tumigil muna ito at inikot ang kanyang
paningin sa aming lahat.
"The expansion of Alejandro's Secret to Asia
has now come to reality. because of this, we need to deploy some of you to
South Korea, Japan, Thailand and the philippines." dagdag niya. medyo
kinabahan ako,
ayaw kong bumalik ng pilipinas hindi pa ngayon ang tamang
pagkakataon para bumalik.
"Here's the complete list of the names our
management agreed to deploy to the following countries I mentioned a while ago" isa-isa niyang
inabot sa amin ang folder, medyo kampanti pa ako na maliligtas sa mga piniling
ipapadala sa mga bansang binanggit niya kanina.
Ngunit nabigla ako ng makita ang pangalan namin
ni Darcie na nakalagay sa bracket ng pilipinas. Parang nanghina ako sa aking
nalaman, medyo biglaan yata ang lahat kaya parang hindi pa nagsi-sink-in sa
akin lahat. pinaliwanag sa amin kung bakit kami ang napiling magmanage ng
expansion ng Alenjadro's Secret sa pilipinas, meron siyang point at
katanggap-tanggap para sa board kaya alam kong wala na akong lusot pa para
tanggian ang offer.
Parang daig ko pa ang natalo sa tong-its paglabas
namin ng meeting room. Hindi ko kayang isipin ang balikan ang lahat ng mga
nangyari sa akin sa pilipinas.
"Maybe it's time for you to face
everything" sabi ni Darcie habang nasa kanya-kanya naming cubicle.
"Hindi pa ako handa" sagot ko.
"Kailan ka maging handa friend?...it's been
five long years. I think it's enough for you to face them. let them know that
you've changed, you're now a fighter."
Natauhan ako sa mga sinabi ni Darcie. Oo nga naman may punto siya, hindi
ko kailangang magtago sa nakaraan ito ang tamang panahon para harapin at
labanan kung ano man ang naiwang gusot ng buhay ko sa pilipinas. ngumiti ako sa
kanya, medyo tumaas ang kilay niya.
"Alam ko ang mga ngiting yan?..."
"Well if that's what time is asking me so be
it...." tanging nasagot ko.
Hindi na pala Francis ang tawag sa akin sa bago
kong mundo dito sa amerika, sinanay ko ang aking mga kakilala na tawagin ako
bilang Alex. Si Ninang Pricie ang pumili ng nick name na Alex sa akin. Masaya pa
kaming nagkukwentuhan ni Darcie ng tumawag sa phone ko si Bianca.
"Alex, I need you here right now?"
umiiyak na sabi nito.
"Bakit?..may problima ka ba?" takang
tanong ko.
"Basta!..just give me time now Alex"
sagot nito habang patuloy na umiiyak.
"Okey, just give me sometimes and I'll be at
your place"
"Ano naman ba ang drama ng babaeng
yan?" tanong ni Darcie.
"Hindi ko rin alam eh..but I'm sure maliit
na problima lang yan, di ka pa nasanay mababaw talaga luha ng bruhang yan
hehehehe" sagot ko sabay tawa.
Sumama narin si Darcie sa akin papunta sa
Condominium ni Bianca. Naabutan namin siyang umiiyak sa kama niya. Nang makita
kamiy nagmamadali itong yumakap sa akin.
"What's wrong with you?" nag-aalala
kong tanong.
"Si Daddy kasi...." sagot niya saka
humagulgol ng malakas habang nakayakap sa akin.
"What about your Dad?.."
"Gusto niya akong pauwiin eh...ayaw ko dun
hindi ako malaya doon"
"ayaw mo nun?..makakasama mo na ang
boyfriend mo?"
"gusto pero mas gusto ko rito kasi nandito
kayo" parang bata siyang nagmamaktol.
"baliw!" sabad ni Darcie.
"Ah bakit naman ako baliw?" tanong ni
Bianca.
"kasi pinapadeport na kami ng sarili naming
kompanya sa pilipinas"
"What?!!!!!" nabigla siya.
"yup!..kaya magkakasama parin tayo
doon" napalitan ng saya ang lungkot sa mukha ni bianca.
Nauwi na naman sa masayag kwentuhan ang kanina'y
seryosong pag-uusap, sobrang spoiled kasi itong si Bianca sa pamilya kaya
hanggang sa amin ay feeling spoiled parin.Naging abala kaming lahat sa
paghahanda ng aming mga kailangan pabalik ng pilipinas handa narin ang staff ng
aming kompanya para sa grand launching ng Alejandro's Secret sa asia.
Naging emosyonal si Ninang Pricie sa aking
pag-alis parang anak na kasi ang turing nito sa akin. ngunit naiintidihan niya
naman ang lahat at mas pabor din siya sa aking napipintong pagbabalik dahil
panahon na daw para harapin ang bangungot ng aking nakaraan.
Para akong dayuhan sa sarili kong bansa hindi
dahil sa na sanay ako sa Amerika kundi muling bumalik ang takot sa puso ko.
hindi ko alam ang kalalabasan ng aking pagbabalik ngunit alam kong mas matapang
na ako ngayon. Ako na si Alex, liberated at marami ng alam sa pakikipaglaban sa
buhay.
Paglapag namin sa airport sa pilipinas ay sobrang
nagulat kami sa mga media at press na naka abang sa waiting area, hindi ko
inaasahang ganito kainit ang pagtanggap ng pinakasikat na clothing line sa
hollywood para sa mga lalaki dito sa bansa. totoo ngang up to date parin ang pilipinas
pagdating sa mga fashion trend. Alam kong iba na ang imahe ko ngayon kaysa
noong umalis ako kaya hindi na ako makikilala pa ng press. iniba ko narin ang
nick name ko at sikat ako sa Alex kaysa sa Francis. marami akong nakitang mga
picture ko na hawak ng mga naka-abang sa amin, akala ko kasi sa mga artista
lang nila ginagawa ito.
"kita
mo Alex?..sikat ka na pala dito" si Darcie. hindi nakasabay sa pag-uwi si
Bianca dahil nadelay ang papeles niya.
"I'm not expecting this Dar..." tanging
nasabi ko.
Wala kaming pahinga sa araw na iyon, kahit na
medyo may jetlag pa kami ay game kaming nagbigay ng paunlak sa mga T.V station
na gustong magkaroon ng chance na ma-interview ako. Tatlong araw din ang
lumipas bago kami lalo na ako nakapagpahinga. Isang araw lang din ang binigay
na pahinga sa amin dahil kinabukasan ay ang grand launching na ng Alejandro's
Secret na gaganapin sa Resort's world Manila. Hindi ko pa nadadalaw ang pamilya
ko ni hindi ko alam kung alam nilang nandito na ako sa pilipinas.
Tama nga naman ang kasabihang "time
heals" dahil wala ng galit sa puso ko pagdating sa pamilya ko. Doon ko
naappreciate ang salitang "pamilya" ng mag-isa akong nabuhay sa
Amerika. Sabi ko sa sarili ko: I could have a lot of friends, I could have one
or more lover but I could only have one family. siguro nga panahon na para
muling ayusin ang naiwang gusot ko mula sa nakaraan. tatapusin ko muna ang
trabaho ko before fixing things in my personal life.
Dumating ang araw ng grand launching, abala kaming
lahat. panay ang paglagay ng foundation ng make-up artist ko sa akin. panay rin
ang pagpalit-palit ko ng mga eleganting damit mula sa mga sikat na collection
ng Alejandro's Secrets, naiinis na ako minsan sa designer dahil napapagod na
ako sa kakabihis.
Matapos akong bihisan at pagandahin ay masaya
kaming lumabas ni Darcie sa event hall kung saan masayang nag aabang ang lahat.
hindi ako makapaniwala sa mga bisitang naroon dahil lahat ng mga sikat na modelo, Artista, Designer at mga
naglalakihang pangalan sa industriya ay nandoon. isang cocktail type na event
ang ginawa ng aming event organizer kaya napaka-glamorosang tingnan ang
paligid.
pumwesto kami ni Darcie sa isang table, kumuha
kami ng wine. masaya kaming nagmamasid sa mga bisitang nandoon. Tinext ko si
Bianca kung nasaan na siya dahil nahuli ng isang araw ang flight niya sa amin,
nangako kasi itong dadalo kasama ang modelo niyang kasintahan.
Nagsitahimik ang lahat ng dumilim ang boung
paligid at bumukas ang big screen monitor. Pinalabas ang boung slides tungkol
sa history ng Alejandro's Secrets, paano ito naitatag at tinangkilik ng mga
sikat na Hollywood superstars. Isang nakabibinging palakpakan ang binigay ng
lahat, matapos maipalabas ang tungkol sa kasaysayan ng Alejandro's Secret ay
sinunod naman ang mga collection nito na isa sa pinakamahal sa boung mundo.
pagkatapos ng Alejandro's collection ay ang mga naging modelo naman nito na
kilala narin sa Hollywood, ngunit hindi ako makapaniwala dahil sa grand finale
ng event ay ipinasilip ng Alejandro's Secret ang "Alex" isa sa mga
collection ng A.S na hango sa nick name ko. Syempre parang overwhelming ang
pakiramdam dahil ako ang modelo ng collection iyon.
Bumukas ulit ang ilaw sa boung paligid, Umakyat
ang Host at boung pagmamalaki nitong tinawag ang pangalan ko. kinakabahan akong
umakyat sa center stage, dahil sa modelo ako inirampa ko muna ang sarili ko
sout ang "Alex". hindi ako makapaniwalang isang standing obation ang
ibinigay sa akin at sa aking designer. bumaba na ako sa stage at nakipag salamuha
sa mga press na panay ang tanong sa akin. hindi ko napansin na nandiyan pala sa
aking likuran si Bianca na kararating lang. hindi ko siya magawang malingon
dahil sa nakaharap ako sa press na parang walang katapusan ang mga tanong.
Nakaalis lamang ako ng hinila ako ni Darcie palayo at dinala sa kinaroroonan ni
Bianca.
"I'm glad you came my friend" bati ko
kay Bianca at saka biniso siya.
"I don't want to miss this Alex. ikaw ang
high light ng event na ito kaya kailangan nandito ako"
"by the way who's with you?" tanong ko
kay Bianca.
"Actually I brought my boyfriend John with
me. may kinuha lang babalik din yun, ipakikilala kita sa kanya model din kasi
yun and I'm sure magkakasundo kayo"
"I hope so" sabi ko na nakangiti,
tumalikod muna ako kay bianca upang kumuha ng isang glass ng wine sa mga
umiikot na waiter sa paligid.
"Hi" isang boses ang narinig kong
bumati sa akin mula sa likuran, palagay ko siya na nga ang boyfriend ni Bianca.
hinintay ko munang buhusan ng waiter ang baso ko bago lumingon. ngunit ng
humarap ako sa kanila ay parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko ng
makilala kung sino ang aking kaharap. maging siya ay nabigla ng makita ako.
"Friend he's my fiancee John, John Evo
thompson" masayang pagpapakilala sa akin ni bianca. parang biglang naglaho
ang lahat ng nakapaligid sa amin at naiwan kaming dalawa. hindi ko inaasahang
sa ganitong paraan kami magkikitang muli, hindi ko rin inaasahan na Boyfriend
ng bestfriend ko ang ex-boyfriend ko.
"Friend?, is there something wrong?"
puna ni Bianca sa akin na dahilan kung bakit bumalik ako sa aking ulirat.
kailangan kong maging matatag, heto narin siguro ang panahon para ipakitang iba
na ako ngayon.
"Uh..hi?...nice meeting you Mr.
thompson" plastikadong bati ko dito.
"hon?, he is my Bestfriend Alex"
masayang pagpapakilala sa akin ni Bianca. Alam kong maging siya'y hindi
nagpapahalata sa tensyong nagaganap sa aming dalawa, inilahad niya sa akin ang
kanyang kamay.
Hindi ko pinansin ang nakalahad niyang kamay.
"Well, have some fun guys. I need to fix something
inside" tanging nasabi ko at saka umalis.
Pumasok ako sa comfort room at naghilamos, I know
I need to bring back my composure after what happened awhile ago. matagal kong
pinagmasdan ang sarili ko sa salamin, heto na siguro ang pagkakataon ko para
muling lumaban.
"Kumusta?" nagulat ako sa boses na
sumulpot sa aking likuran. -si Evo.
"I'm a bit better now, excuse me"
lumabas ako ngunit hinawakan niya ako sa braso.
"Ang saya ko't nakita kitang muli" sabi
niya. nakikita kong may mga namumuong luha sa kanyang mata.
Pwenirsa kong tanggalin ang kamay niya sa braso
ko.
"Umayos ka!, bestfriend ko ang girlfriend
mo" Matalas kong sinabi yun.
Iniwan ko siya sa loob, bumunot muna ako ng
malalim na hininga bago humarap sa mga tao. Ngunit parang wala ako sa aking
sarili, si Evo ang laman ng isip ko. hindi ako makapaniwalang ganun na siya ka
gwapo ngayon. Oo, galit ako sa kanya pero bakit may pagmamahal parin ang naiwan
dito sa puso ko.
"Friend are you okay?" pansin sa akin
ni Darcie.
"Yeah, I hope so"
"are you sure?, you're seems uneasy"
giit niya.
"Kailangan ko ng magpahinga friend"
Naglakad ako palabas, sumunod din ito sa akin.
"Teka friend uuwi kana?" tanong ni
Darcie.
"I need to" sagot ko.
"magpaalam muna tayo sa loob, paano si
Bianca?" pangungulit nito sa akin.
"Alam mo kung ayaw mo pang umuwi magpaiwan
ka mag-isa mo!" singhal ko sa kanya.
"Huh?!, teka, teka nga...you're so not
you?..bakit ang init ng ulo mo ha?"
"I'm sorry Dar, but I need to go"
tanging nasabi ko saka sumakay sa aking sasakyan.
Hindi ako makapaniwalang magkikita kami sa
ganoong paraan, parang hindi ko inaasahan ang ganung pagkakataon. Siya pala ang
ipinagmamalaki sa akin ni Bianca na boyfriend niya, ang tanga-tanga ko, all
this time we were so blind enough for having the same lover. ang pinagkaiba
lang ay ako ang nakaraan at si Bianca ang nasa kasulukuyan.
Laging tumatawag sa akin si Bianca, niyayaya niya
kaming dalawa ni Darcie na lumabas, kumain o kaya gumimik. Ngunit wala akong
naging tugon, umiiwas ako, tanging si Darcie lamang ang napapasama sa mga lakad
niya. Ayaw kong muling magtagpo ang
landas namin, ayaw kong isipin niyang talunan parin ako hanggang ngayon.
Nagkaroon ako ng panahon para bisitahin ang
pamilya ko, halos maglupasay sa iyak at tuwa ang Mommy ng muli niya akong
nakayakap. Alam kong namiss ko sila ng sobra, medyo nagkailangan pa kami ni Dad
noong una ngunit sa bandang huli ay niyakap din nito ako at saka nagpasalamat
sa aking pagbabalik. pinagmamalaki nila ako sa aking narating ngayon. Matagal
na pala nilang alam kung nasaan ako ngunit niririspito nila ang mga naging
kahilingan ko. Gusto rin daw nilang magkaroon ako ng sapat na panahon para
makapag-isip. May asawa't anak narin pala si Kuya, tulad ng dati'y bineybibe
parin ako ng mokong, masaya ako dahil napakainit ng kanilang pagtanggap sa
aking pagbabalik.
May sarili akong Condominium kaya hindi ko na
nagawang tumira pa sa bahay, gusto sana nila ngunit nagdahilan akong mas
accessible ang area kung nasaan ang condo ko sa lahat ng lakad ko lalo na kapag
may photoshoot.
Unang araw ng pictorial para sa local models na
mag-eendorse ng Alejandro's Secrets ay medyo busy ako. Ako kasi ang nag
bi-brainstorm ng mga new ideas para maging international parin ang dating ng
brand kahit na local model ang gagamitin namin. Nagulat ako ng sabihan akong
kasali din ako sa photoshoot, may makakapartner daw akong local model na sikat
narin dito sa pilipinas. ayaw ko na sanang magmodel ngunit kailangan daw
pangalagaan ng A.S ang brand kaya kailangan ko ring magmodel dahil kilala ako
sa hollywood.
"Are we still going to continue the
pictorial?" galit at naiinip kong tanong sa staff. hindi kami
makapagsimula dahil wala pa ang makakapartner ko na local model.
"Just give us time Alex, our talent is on
his way na. na traffic lang daw" pakiusap ni Darcie.
"I wanna talk to him after this
okay?...we're lossing a lot of time and money because of him" dagdag ko.
Ilang minuto pa ang dumaan ngunit wala parin ang
hinihintay namin. dahil sa inis ko ay tumayo ako at lumakad palabas ng studio,
pipihitin ko na sana ang doorknob ngunit bigla itong bumukas. hindi ako
nakapaghanda na umilag sa papasok na tao dahil halatang nagmamadali ito kaya
nagkabanggaan kami. Sabay kaming natumba ngunit mabilis nitong pina-ilalim ang
sarili niya para saluhin ako, nagkatitigan kami-Si Evo.
"You?....!!!!" sigaw ko ng mahimasmasan
ako. agad akong tumayo at nagpagpag ng sarili.
"I'm sorry.." mahina niyang sabi.
"I know you've meet at the grand launching.
So I just want to introduce again Mr. John Evo Thom....."
"I KNOW HIM. hindi mo na kailangan pang
ipakilala" seryoso kong sabi kay
Darcie.
"ah..e..kung ganun magkakilala na pala kayo.
So Alex?, siya ang makakapartner mo sa mga pictorial natin at sa mga susunod pa
na project. He was been choosen to bring the brand because sa ngayon he is one of the most in-demand
endorser dito" mahabang paliwanag ni Darcie.
"I don't care kung ano pa man siya. what I
want here is gawin niya ang trabaho niya yun lang at wala ng iba" mataray
kong sabi. nag-excuse si Darcie sa kanya at sa staff, hinila niya ako papunta
sa dressing room.
"Alex?, what's wrong with you?..do you
really know what you're acting right now?...The management find it hard to
close our deal with him. He could bring a lot of income to our company...may
nakaraan ba kayo?..." tinitigan ako ni darcie sa mata na para bang
hinahanap ang kasagutan doon.
"O..M..G..!!! meron nga?...alam ba ni Bianca
ito?.." shock na tanong niya sa akin. natameme ako. hindi ko alam kung ano
ang isasagot ko.
"Wag mo na siyang pagsabihan Sir?...hindi
ako aatras sa contrata kahit ganyan siya. it's my pleasure to be working
here."-si Evo. napalingon kami ni Darcie sa likod.
"Dar?..can I trust you?" kinakabahan
kong pakiusap.
"You can Always count on me Alex...but I
think it would be hard for you" bulong niya sa akin.
"We'll talk to it later ok?...tayo na.
sisimulan na natin."
bumalik kami sa Studio, noong una'y nagkakailangan
pa kami ni Evo sa pictorial ngunit nasanay narin ako kalaunan. hindi ko siya
kinakausap kahit na nagpapapansin ito.Hapon na ng matapos kami sa pictorial
kaya medyo pagod ako. Hindi na ako nagpaalam pa kay Darcie, dali-dali akong
sumakay sa Elevator papuntang basement kung saan naka park ang kotse ko.
magsasara na sana ang Elevator ng nakahabol si Evo, inis na inis ako sa kanya.
Alam kong wala na akong lusot pa dahil dalawa lamang kami sa loob.
"Frans?..pwede ba tayong mag-usap?"
mahinahon niyang tanong sa akin. Hindi kami nagtitinginan nakatingin kami
pareho sa pintuan ng elevator.
"Wala tayong dapat pag-usapan!..tigilan mo
ako" seryoso kong sagot.
"Gusto kong humingi ng....."
"I don't care about it anymore...don't
pissed me off okay?" galit na galit kong sabi. parang bumabalik kasi lahat
ng nangyari sa amin noon. Akala ko kasi nabura na ngunit sa tuwing nakikita ko
siya ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. tumahimik na lamang siya.
biglang bumukas ang door nasa basement na kami.
"And please?..wag mo ng subukan ibalik ang
lahat..may girlfriend ka na. And congrats ha?..ganun lang kadali sayong humanap
ng iba" napanganga ako dahil nadulas ang dila ko sa huling sinabi ko.
"So it means hindi ka pa nakapag
move-on?" may bahid saya ang boses niya.
"Pwede ba?..get lost!!!" sabi ko sabay
lakad ng mabilis papuntang kotse. nakatayo na lamang syang parang toud sa labas
ng elevator. nanginginig ang boung kalamnan ko hindi ko mapigilang hindi
mapaiyak. oo nga naman, all this time hindi pa pala ako nakapag move-on.
Diritso akong natulog pagdating ko sa condo,
nagising na lamang ako mga bandang Alas-otso ng gabi dahil sa nagri-ring ang
iphone ko.-Darcie.
"Hello?" sagot ko halatang galing sa
tulog ang boses ko.
"Kain tayo sa labas?..libre kita" yaya
niya.
"Okay..just give me a minute"
Mabilis akong naligo at nag-ayos ng sarili,
nakarating agad ako sa restuarant na sinabi ni Darcie. Masaya pa akong
nakangiti sa kaibigan ko habang papalakad papasok, ngunit parang bulang nawala
ito ng makita ang mga kasama niya.
"Hi Alex?..I miss you na. nagtatampo na ako
sayo hindi ka na nagpapakita sa akin" -si Bianca. Umupo ako sa tabi ni
Darcie kapwa kami nakaharap sa dalawa-kina bianca at Evo.
"I'm sorry friend, medyo busy kasi ako this
past few days eh..." matamlay kong sagot. napansin kong tahimik lang si
Evo, panay ang titig nito sa akin. Alam kong napapansin din ito ni Darcie kaya
panay ang apakan namin ng paa.
"So how's your new school
biankey?.."tanong ko na para bang winawasak ang awkward moments na
nakabalot alam kong walang kaalam-alam si Bianca dito.
"Medyo nag-aadjust pa but then I'm happy
now. paano ako hindi happy eh hatid sundo ako ni Honey eh...ang swerte ko
talaga sa kanya Alex" masaya niyang sagot. parang pana na bumaon sa puso
ko ang mga sinabi niya. naiinis ako kung bakit nasasaktan parin ako. napayuko
si Evo matapos sabihin iyon ni Bianca.
"Well it's nice hearing that from you"
bitter kong sagot.
Mabuti nalang at dumating ang inorder nila kaya
nabigyan kami ng pagkakataong tumahimik at magfucos sa pagkain. Bakit ako
nasasaktan sa tuwing nakikita ko silang sweet habang kumakain, nagsusubuan at
nagkakatitigan ng malagkit. hindi ko alam kong sinasadya ni Evo na gawin ito
para pasilusin ako o sadyang mahal nga lang talaga niya si Bianca. halos hindi
ko na malasahan pa ang kinakain ko dahil sa iba't-ibang emosyon na sumasabog sa
puso ko. Bakit hanggang ngayon ako parin ang talunan?..bakit ako parin ang
nasasaktan?...
tumayo ako bigla, nagulat sila.
"Lex?...may problima ka ba?" agad na
tanong ni Darcie.
"I'm sorry I have to go, emergency lang. I'm
sorry for ruining the night, mauna na muna ako sa inyo." sagot ko. nagbiso
na muna ako kay bianca at darcie saka nagmamadaling lumabas ng restuarant.
Pagkalabas ko ay parang mga nagkakarerang
nag-uunahan ang mga luha ko sa magkabilang panig ng aking mata. Naghanap ako ng
Bar, gusto kong uminum ng uminum.
Umorder ako ng Kamikaze mojitos na tequila. gusto
ko yung strong para madali akong malasing. humahalo sa iniinom ko yung luha na
panay parin ang agas sa aking mga mata. Gusto kong lumimot, gusto kong umiyak,
magwala dahil sa bangungot na hindi mamatay-matay sa puso ko. Ngayon parang
pinapamukha pa sa akin ng pagkakataon na talunan ako. tatlong oras na ako sa
bar at walang prenong nilalagok ang inumin kaya lasing na lasing na ako.
Tumayo ako, pupunta sana ako ng C.R ngunit
hinarangan ako ng dalawang lalaki.
"Uy..Alex?..yung internatioanl model ng
Alejandro's secret?" patay nakilala nila ako.
"Ikaw lang ba dito?..why don't you join
us?" paanyaya naman ng isang lalaki.
"Hexcuse mhe...hay.. nheed to go to the
rhest room..." pakiusap ko sa kanila ngunit hindi ito nagbigay ng daan sa
akin. hinila ako ng isa papuntang center stage kung saan maraming nagsasayawan.
nagpumilit akong makawala ngunit ang lakas nila. Nagulat ako ng isa-isang bumagsak
ang tatlo, hindi ko halos maaninag ang nangyayari dahil sa kalasingan.
naramdaman ko nalang ng binuhat ako ng isang tao palabas ng bar saka pinasok sa
isang sasakyan pagkatapos noon ay nawalan na ako ng malay.
Itutuloy...........
Please do follow naman po yung blog ko...isa
palang po kasi yung Follower ko.
pagpasensyahan po sana ninyo kung medyo mabagal ang update kasi po may
pinagdadaanan lang po ako sa ngayon. Sa susunod po ay gagawin ko na pong private yung blog ko at yung bibigyan ko po ng Access para sa blog ay yung mga follower ko lamang po. kailangan ko pong gawin ito dahil sa may kailangan akong protektahan hindi ko na po sasabihin ang details kung bakit sana po maintindihan ninyo..salamat po sa mga laging nagcocomment...at nagtiyagang nag antay...