Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Agosto 19, 2013

A Love In An Island chapter 13



Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.

Note: sorry if hindi ko mabigyan ng hustisya yung paggamit ng walkie talkie, wala kasi akong kaalam-alam paano gamitin yun eh hehehehe.
               
                                                     

                                                    A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga

Chapter 13


Francis


May narinig akong putok mula sa labas pero hindi ito kasing lakas ng putok ng baril bigla akong natakot habang iniisip si kuya Evo sana ligtas siya, kailangan kong kumilos at makalabas dito kinuha ko ang tinidor na tinago ko sa ilalaim ng bed sheet at pumunta sa harap ng pinto kinalikot ko ang susian nito gamit ang isang daliri ng tinidor naka ilang trial and errors din ako bago kumasa pataas ang lock. dahan dahan kong pinihit ang door knob at maingat na lumabas.


medyo may kalakihan din pala ang yati dahil marami itong kwarto sa loob, nakailang liko narin ako sa mga hallways nito pero hindi ko mahagilap ang daan palabas hanggang sa makapasok ako sa cockpit walang tao doon. nahagip ng aking mata ang walkie talkie na nakasabit sa kanilang radyo malapit sa  monitor ng radar. kinuha ko ang walkie talkie kahit hindi ako marunong ay sinubukan kong maghanap ng channel  hanggang sa may narinig akong nagsasalita.

                      "Shreeekkkk..over philippine coastguard sino po ito? over..shreekkkkkk"

                       "shhrekkk...o..over si francis clyde Gomez po ito survivor po ako sa isang plane crash three months ago, kailangan ko po ang tulong niyo nakidnap po ako magpadala po kayo ng chopper dito parang awa niyo na po...shhrreeekkk"

                        "shreeekkk..copy that...pwede mo bang sabihin ang coordinates ng location mo? shreekkk"

                        "shreekkk....p..paano po malalaman?shreekkk"

                         "shreekkk...tingnan mo sa radar...shrekk"  tiningnan ko naman ang radar at binasa ang coordinates ng location namin, matapos kong mabasa ang location sa kabilang linya ay naputol at nawalan ng kuryente ang radyo na ginamit ko, lumingon ako sa aking likuran at nakita ko yung sir ched na hawak ang putol na kable ng radyo.

                       "Tuso ka bata ah!" sabi niya sa akin saka humakbang papalapit sa aking kinaroroonan. naghanap ako ng bagay na panlaban sa kanya at nahagip ng mata ko ang flare gun na nakasabit sa bandang kaliwa ko agad ko itong hinablot at pinaputok sa kanya.

                        "Awhhhhhhhhh...punyeta ka..."sigaw niya saka pinagbabaril bawat deriksyon na gusto niya alam kong mahirapan siyang tamaan ako dahil napuno ng usok ang boung cockpit. gumapang ako ng mabilis para hindi mahagip ng bala.

mabilis akong tumakbo palayo sa cockpit nakailang liko din ako bago marating ang bungad ng pinto napansin kong namumula ang aking damit at doon ko nalamang may tama ako sa aking balikat malapit sa aking baga. nahagip ng aking paningin ang dalawang taong nagpagulong gulong sa paanan ng pinto. si kuya evo at brando.

                          "brando huwag!" sigaw ko, agad naman silang tumigil at lumingon sa akin.

                            "kuya wag mo siyang awayin mabait siya" dagdag ko.

                             "bunso may mga dugo ka!...God okey ka lang?" nag-aalalang sambit ni kuya evo.

                               "Magkasama kayo?" tanong ni brando tumango na lamang ako sa kanya. agad na pinunit ni kuya evo ang laylayan ng kanyang damit at binalot nito ang aking sugat halata na balisa siya.

                                "Kailangan niyong makaalis agad dito tiyak na papatayin kayo ni sir ched dali" sabi ni brando.

                              "Brando sumama ka na sa amin tutulungan ka ng daddy namin" sabi ko sa kanya.

                             "Salamat...tara. tayo na" kahit papano ay guminhawa naman ang pakiramdam ko dahil napapayag ko siya kahit na may tama ako.

Pinauna niya kaming lumabas ng yati pero bago siya makalabas ay umalingaw-ngaw ang malakas na putok nakita ko na nasa likod nito si Sir ched,  may tama sa balikat at tiyan si brando.

                               "TRAYDOR KAH!" sigaw ni sir ched sa kanya.

                                "tu..tuma..kas..na ...k.kayo a.a.ko na ang ba...ha..la dito" sabi niya sa amin. nakita kong may hinugot siya sa kanyang bulsa. isang granada at tinanggalan niya ito ng pin.

                               "ta..takbo na" sigaw niya. binuhat ako ni kuya evo palayo sa yati at nagkubli kami sa malalaking bato ilang segundo pa ang lumipas hanggang sa...

                                "BOOOMMMMMMMMMMMMMMMMM!!.............................."

                                  "No...BRANDOOOOOOOOO......................." sigaw ko ng makitang sumabog ang yati at nagkapira-piraso ito.

Niyakap ako ng mahigpit ni kuya Evo, napansin kong unti-unti na akong nilalamon ng kadiliman dahil sa nahihilo narin ako malamang dahil ito sa aking natamong sugat.

                                "Francis?...wag kang bumitaw ha? wag mo akong ewan okey?" bulong ni kuya evo habang yakap niya ako. pinilit kong wag magpatalo sa aking nararamdaman ayaw kong makatulog. mahigit dalawang oras kaming nakatago sa malalaking bato ng marinig namin ang paparating na helicopter. agad akong binuhat ni kuya evo habang iniilawan kami ng malaking flaslight galing sa chopper. nagsitakbuhan ang mga rescuer kasama ang mga sundalo sa aming kinaroroonan pero bago paman nila kami nalapitan ay narinig ko ang isang malakas na putok .
                                    "argghhhhhhhhh!" sigaw ni kuya Evo natamaan siya sa ikaliwang bahagi ng kanyang tiyan, pero kahit na may tama siya hindi niya ako binitawan agad, dahan dahan niya akong inilapag at binalot niya ang boung katawan ko ng kanyang bisig ginawa niyang pangsangga ang kanyang katawan para protektahan ako sa kung sino man ang bumabaril sa amin, nakita ko si kuya rey sa aming likuran na nakatutok ang baril sa likod ni kuya Evo pinikit ko ang aking mga mata at humingi ng tulong sa maykapal hanggang sa narinig ko ang sunod sunod na putok natakot ako para kay kuya Evo.

                                   "K..kuya?" mahinang tawag ko sa kanyang pangalan tiningnan ko ang kanyang mukha at nakatitig pala ito sa akin at naka ngiti. muli kong sinilip si kuya rey pero nagulat ako ng nakabulagta na ito sa buhangin, mula pala sa mga sundalo ang sunod sunod na putok.

                                "We're safe" bulong niya sa akin at saka hinalikan ang mga labi ko.

                                "may sugat pa tayo" sagot ko. ngumiti lang ito sa akin.

Isinakay kami sa chopper habang nakahiga sa strecher pareho, dinala na muna kami sa Chong hua hospital sa Cebu  dahil natakot sila na baka maubusan kami ng dugo kung ididiritso pa kami ng manila. agad kaming dinala sa emergency room at tinanggal ang mga bala sa aming katawan.

Pagkatapos ng tatlong araw ay pinayagan narin kaming makalabas, sinamahan kami ng ilang tauhan ng militar papuntang mactan international airport. mahigpit na nakahawak ang kamay ni kuya Evo sa akin hindi alintana ang mga taong nakatingin sa amin, marami ding local media ang buntot ng buntot sa amin at tanong ng tanong kung paano kami naka-survived sa isla.

Nang nasa loob na kami ng eroplano ay tahimik kaming nagpahinga sinariwa namin lahat ng mga nangyari sa amin sa isla sa halos apat na buwan.

                "It was a wonderful experience" bulong niya sa akin.

                  "wonderful ka diyan...halos ilang beses na akong mamatay tapos wonderful?. feeling ko daig ko pa ang pusa eh ika-labing isang  buhay  ko na yata ito sa dami ba naman ng napagdaanan ko"  tumawa siya ng malakas sa joke ko oh diba buminta sa kanya hehehe.

                 "basta for me it was one of a kind experience" giit niya. hindi na ako sumagot pa at ipinikit ko nalamang ang aking mga mata, hinila niya ang ulo ko at nilagay sa dibdib niya.

                  "Do you  hear what he says?" sabi niya na tinutukoy ang dibdib niya.

                   "yup"

                    "eh ano sabi niya?" tanong niya.

                     "Ang sabi niya bogbogbog daw...bubugbugin daw kita kasi ang kulit mo hindi ako makatulog" sagot ko.

                      "I"m serious" Si evo.

                       "I don't know..sabihin mo nalang para kang temang" inis kong sabi.

                       "Ang sabi niya..I...LOVE...YOU daw" para akong nasa cloud nine ng marinig ang sinabi niya.parang gusto ko ulit magcrash ang plane.

                       "Ha?..I mean are you kidding me" tanging nasabi ko dahil sa hindi ako makapaniwala.

                        "I'm serious. ikaw anong sabi ng puso mo?" mahina niyang tanong.

                         "ah..eh..paano ba to kasi eh.."

                          "ano nga kasi?..pinapakaba mo ako eh" atat niyang tanong.

                          "ganun din ang sabi niya eh" mabilis kong sagot.

                          "TALAGA!" sigaw niya.

                          "sshh...sshh...shhh..." baling ng ibang pasahero sa amin.

                            "lower down your voice para kang baliw wala tayo sa isla" inis kong sabi sa kanya pero deep inside me kinikilig ako.

                             "Ay sorry" sabi niya sa mga pasaherong nakatingin sa amin saka nag peace sign.

                            "so tayo na?" muli niyang tanong.

                             "hindi, kayo na ng flight attendant" pamimilosopo ko sa kanya saka binaling ang tingin sa stewardess na kanina pa tingin ng tingin sa amin siguro type si kuya evo.

                               "Heto naman ang taray...buntis ka na ba?, nakabou ba tayo agad?" pangaasar niya.

                               "gusto mo dating gawi?, tulad noong sa school pa tayo?" sagot ko.

                               "wala namang ganyanan" sabi niya saka ninakawan ako ng halik sa labi. namula ako sa ginawa niya at saka inikot  ang paningin ko kung may nakapansin sa ginawa niya buti nalang at wala. officially kami na nga at ang saya ko pero bigla naman itong napawi ng maalala ko si Alyson ang current girlfriend ni kuya Evo.

                                "Uhm, kuya?" sabi ko sa kanya.

                                "bakit?"

                                "Paano si Alyson"

                                 "kakausapin ko siya at sasabihin kong may mahal na akong iba" kampante niyang sagot, nanahimik nalang din ako at saka muling pumikit ng mata para matulog.

                                "Psst?" papansin niya sa akin.

                                 "psst...pssst"

                                 "ano ba?, ang kulit mo talaga" naiinis kong bulyaw sa kanya.

                                 "Ano kaya ang magandang endearment natin?" sabi niya.

                                 "Alam mo ang dami mong kakornihan" sagot ko.

                                 "Sige na, gumawa tayo ng sariling endearment natin"

                                  "Anong gusto mong endearment?" tanong ko.

                                  "Kaya nga tinatanong kita hindi ko rin alam ah hehehe" saad niya.

                                  "Ganun naman pala eh, uhm?..teka anong dahilan bakit tayo nagkasundo?" sabi ko.

                                  "Dahil sa plane crash." sagot niya.

                                  "Ayun!...CRASH nalang."

                                  "Oo nga noh..hehehe unique ah." tuwang-tuwa siya sa suhestiyon ko.

                                  "From now on..crash na tawag ko sayo" dagdag nito.

                                   "Okey...sige na CRASH patulugin mo na ako" pa-demure kong sabi kahit na deep inside ko sobrang kilig.

Pinaunan niya ako sa kanyang dibdib, napakasaya ko sa pagkakataong iyon masarap pala sa pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo parang walang mapagsidlan ang tuwa sa aking puso. Natulog ako sa boung byahe ginising na lamang ako ni Kuya Evo or Evo nalang pala kasi Crash na ang tawagan namin eh hehehe kilig to the max lang,  ginising niya ako ng lumapag na ang eroplanong sinasakyan namin sa NAIA.

Magkahawak kamay kaming bumabama papuntang waiting area, Nagulat kaming dalawa ng makitang punong-puno ang waiting area lahat sila ay kami ang hinihintay, halos boung school yata ay umabang sa amin nakita ko rin sila mommy, daddy at kuya, ganun din si kim at kevin ay naroon din.

Maraming media ang nakaabang din para magtanong sa amin hindi ako makapaniwalang naging instant celebrity kaming dalawa. Mabilis akong pumunta sa kinaroroonan ng pamilya ko.

                          "Mom, Dad?" sigaw ko ng makalapit ako sa kanila.

                           "Francis anak...thanks God you're alive" umiiyak si Mommy. niyakap nila ako ni Daddy ganun din si kuya.

                           "I'm sorry Mom,Dad" niiyak kong sabi.

                           "Patawarin mo rin kami anak..." sagot ni Daddy. Inikot ko ang aking paningin para hanapin si Evo nakita kong wala siyang sundo nakatingin ito sa akin at sinuklian ko rin siya ng ngiti. napahiwalay ako sa kanya dahil sa napalibutan kami ng dalawang grupo ng mga media at natambakan ng mga tanong. Kinawayan ko sina Kim at Kevin kasama nila ang ibang kaklase namin.

                            "Evo! Son?" sigaw ng Daddy ni Evo na kararating lang din kasama si Alyson. Nagyakapan silang mag-ama, masaya ako dahil sa kabila ng mga nangyari sa amin ay may mga positibong bagay ang naging bunga, nagulat ako ng niyakap din siya ni alyson at hayagang hinalikan sa labi nito.

                              "I'm so glad you're alive babe" sambit nito, hindi ko alam kung ano ang aking naramdaman ng makita sila. Mabilis akong binalingan ng tingin ni Evo matapos siyang halikan sa labi ni Alyson, yumuko na lamang ako ng aking ulo saka nag patuloy sa paglalakad palabas ng airport habang pinapalibutan ng mga media.

Hindi na ako nagpaalam pa sa kanya dahil ayaw kong istorbuhin sila ni alyson, alam kong talo ako pag-ipinagpatuloy ko ito. akala ko tuloy-tuloy na ang sayang naramdaman ko mabuti na siguro kung habang hindi pa huli ang lahat ay puputulin ko na itong nararamdaman ko.Nagkaroon ng kaunting salo-salo sa bahay na dinaluhan ng mga kaklase ko at iilang guro.

                             "Akala ko friend hindi na kita makikita" sabi ni kim habang nasa terrace kami sa second floor ng bahay.

                            "Akala ko rin nga eh..." matipid kong sagot. hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa oras na iyon, namimiss ko si Evo ito ang unang gabing hindi ko siya kasama sa halos apat na buwan. Masyado kong denipende ang sarili ko sa kanya, Di ba dapat masaya ako pero wala akong mahagilap na saya sa puso ko.

                             "Friend hindi ka ba masaya?, parang malalim ang iniisip mo ah" nagtatakang tanong ni kim.

                              "W..wala nanibago lang siguro ako" hindi ko akalaing mamimiss ko ang isla.

                               "Siguro nga, mabuti sigurong magpahinga ka na muna, see you  after one week" paalam nito sa akin.

                               "Huh?, bakit one week pa?" taka kong tanong.

                                "Narinig ko kasi sila tita kanina kausap ang principal natin na bigyan ka daw muna ng isang linggong pahinga lalo pa't hindi pa gumagaling ang sugat mo" mahaba niyang paliwanag.

                              "sige friend, salamat pala" tanging nasabi ko.

Nagsiuwian narin ang iba pa naming mga bisita, pumasok narin ako sa aking kwarto at naligo sa aking banyo matapos kong makaligo ay  ibinagsak  ko ang aking katawan sa pinakanamiss kong kama. Inamoy ko ang mabangong bedsheet ko at ang malambot kong mga una.

                              "Haaay...namiss ko kayo guys" kausap ko sa aking mga gamit.

                                "TOK.TOK.TOK" narinig kong may kumakatok sa pinto.

                                "Pasok!, hindi naka-lock yan" sigaw ko sa taong kumakatok. nagulat ako sa taong pumasok sa kwarto ko.

                                 "pwede ba kitang makausap?" nakangiti niyang tanong.

                                 "Hindi ka pa umuwi diba may pasok ka pa bukas?" sabi ko.

                                   "hindi pa kasi tayo nakakapag-usap mula kanina" saad niya.

                                   "Kevin, wala na sa akin yun. kung yun ang gusto mong pagusapan natin"

                                    "So napatawad mo na ba ako?" tanong niya na sinagot ko naman ng isang ngiti.

                                    "Salamat" sabi niya.

                                     "Kumusta ka na?" tanong ko.

                                      "Heto napakasaya ko dahil bumalik na ang taong nagpapasaya sa akin"masaya niyang pagpapahiwatig.

                                      "mabuti naman kung ganoon" tanging nasabi ko.

                                      "Frans, mahal kita" diritso niyang sabi.

                                       "mahal din naman kita kevin syempre bestfriend kita"

                                       "Mahal kita hindi bilang bestfriend, I love you more than that"

                                       "Kevin?, ayaw kong masira na naman ang pagkakaibigan natin so can we  stay just like before?...."

                                        "Okey, pero maghihintay parin ako sayo frans...ipaglalaban ko ang nararamdaman ko sayo"

                                        "Ok.ok. pero ayaw kong paasahin ka kevin o saktan ka" sabi ko na humihingi ng pangunawa mula sa kanya.

                                       "Promise!...hindi kita pipilitin" sagot niya sabay taas ng kanyang kanang kamay.

                                       "So bestfriend again?" nakangiti kong sabi.

                                        "BESTFRIEND AGAIN" sang-ayon niya.


Itutuloy..............................

Please leave a comment naman po...and don't forget to follow my blog.