Mga Kabuuang Pageview

Lunes, Agosto 12, 2013

A Love In An Island chapter 4


Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and thank I Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.

DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                                     A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga





Chapter 4

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang aking ulo tiningnan ko ang kwarto kung saan ako nakatulog hindi pamilyar sa akin iyon inisip kong mabuti kung ano ba ang nangyari sa akin kagabi at bakit ako nandito, kinabahan ako noong naalala kong nabangga ako ng isang kotse mabilis kong kinapa ang lahat ng parte ng aking katawan para masigurado kong walang nawala o walang sugat mabuti nalang at puro galos lang ang nakita ko sa aking tuhod at sa aking dalawang siko.

Tatayo na sana ako ng magbukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang isang babae nakangiti at tila masaya dahil nagising na ako.

  "salamat at gising kana, wala bang masakit sayo france?"

   "Kim?, bakit nandito ako sa inyo?" nabigla ako ng si kim ang pumasok sa kwarto kaklase ko siya pero minsan lang kami nagkakausap kasi kasi nga mailap ako tanging si kevin lagi ang kasama ko.

   "Hay naku, muntik ka na naming masagasaan ni Daddy kagabi buti nalang at nakapreno na siya agad bago paman nabangga sayo ang harapan ng kotse namin pero nawalan ka ng malay kaya inuwi ka nalang namin dito at tinawagan nalang namin ang aming family doctor at pina-check-up ka kagabi, ano ba kasi ang pinagagaw mo sa lugar na iyon?" mahaba niyang litanya, likas na madaldal si kim sa school kaya kahit papano kilala ko narin siya, bumalik sa akin ang alaala kagabi nakaramdam na naman ako ng matinding
lungkot hindi ko napansin na tumulo na naman ang aking mga luha.

  "France?, may problima kaba?, I know I don't have the right to ask you this but I just want you to know i'm willing to help you, kahit na hindi tayo gaanong kaclose but i know you're a good person and I'd like you to be my friend too, you can  count on me" Sa pagkakataong iyon ay nahabag ako sa kanyang sinabi hindi ko napigilang mapayakap sa kanya at tuluyang umiyak hinaplos niya ang aking likod ng marahan.

Ng mahimasmasan na ako boung tapang kong sinabi sa kanya ang lahat alam kong mapagkatiwalaan siya at hindi niya ako bibiguin medyo gumaan din kahit papaano ang bigat na aking dinadala noong matapos ko nang sabihin kay kim ang lahat matiyaga niya akong pinakinggan at alam kong bou ang pakikisimpatya niya sa akin.

  "Don't worry friend kung ayaw na niya sayo then I'm here wala ka nang hahanapin pa" tugon niya matapos kong inilahad sa kanya ang nangyari sabay ngiti.

   "Salamat kim ha, kahit paano napagaan mo ang kalooban ko" malungkot kong sabi.

   "wala yun, basta wag ka nang malungkot don't push yourself too much to those people who don't like you and the worst rejected you  remember there are eight billion people here on earth you can always find one and I'm one of them, so friends?" masigla niyang sabi sabay lahad ng kanyang kamay para makipaghandshake para sa aming bagong friendship.

     "FRIENDS" sagot ko saka inabot ang kamay niya at nginitian ito.

    "Late na tayo friend, so absent na muna tayo?, punta nalang tayo sa mall para makapagbond tayo para bukas handa ka ng pumasok" pumayag naman ako sa kanyang gusto nagpahatid muna ako sa bahay para makaligo hinintay muna ako ni kim sa aming sala ng matapos na ako ay sabay kaming pumunta sa Mall.

Napawi ang lahat ng lungkot ko dahil kay kim akala ko kasi noon hindi siya mabait mataray kasi ang dating niya, nasa kanya na kasi ang lahat ng pisikal na katangian na pinapangarap ng mga kababaihan, likas na maganda si kim matangkad at well proportion ang kanyang katawan kung hindi nila ako nabangga marahil ay hindi ko siya lubos na makikilala.

kumain kami sa labas nanoud ng sine at naglaro sa quantum kwento dito kwento doon halos sulit na sulit ang boung araw namin doon ko lang na unawaan na hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo susubukang kilalanin sila kung nagawa akong  pagtabuyan ni kevin  kaya ko ring palitan siya sinayang niya ang ibinigay kong pagpapahalaga sa kanya.

Kinabukasan sabay kaming pumasok ni Kim suportado ako ni Kim gusto niyang ipakitang hindi ako ang talunan sa pagtaboy sa akin ni kevin at pinili nitong sumama sa mga mahangin na grupo nila Evo, nagtatawanan kaming dalawa ng pumasok kami sa room namin medyo natahimik ang ibang naroon sa loob at natoun ang kanilang atensyon sa aming dalawa alam kong nanibago sila sa aking  pinakita marahil doon lang nila ako nakitang nakatawa and the worst is kasama ko pa si kim.

Nandoon narin ang mga kagrupo ni Evo kasama si kevin nakita ko siya mula sa sulok ng aking mga mata na nagulat sa aking pinakitang kasayahan sanay kasi siyang kapag masaya ako sadyang matipid parin akong tumawa hindi naman niya ako masisisi dahil sadyang nakakahawa ang energy si kim.

Natapos ang boung maghapon na kami na lagi ang magkasama ni kim tawanan dito tawanan doon marami siyang alam na kwento na sa hindi ko malamang dahilan ay napapatawa ako kaagad naipapalabas niya ang saya sa aking pagkatao.

Alam kong sa likod ng aking kasayahan kasama si Kim ay may parte parin sa aking puso na nalulungkot dahil sa nasira naming pagkakaibigan ni kevin kahit hindi ko man alam kung ano ang kanyang dahilan ay wala na akong magagawa pa I know I did my part.

Minsan habang nasa canteen kami ni kim masayang nagkukwentuhan ay nasipat ng aking mga mata si kevin na nasa kabilang misa lang din kasama ang mga kagrupo niyang varsity tulad ni Evo habang nagtatawanan sila sa kanilang mga pinaguusapan ay tahimik lang na nakikinig si kevin nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin kung mapansin din niyang nahalata ko na ay ililihis nito ang kanyang paningin sa ibang direksyon.

Isang araw noon nasa classroom na ako hindi naman kasi nagtext si kim na sasabay kaming pumasok kaya nauna nalang akong pumunta sa school hindi na ako nagpupunta sa canteen dahil alam kong nadoon sina Kevin kaya ayaw kung maglagi na doon as much as possible  ay umiiwas na ako kaya minabuti kong magself review nalang seryoso akong nagbabasa ng aming mga aralin ng mapansin kong nakapalibot
sa aking upuan ang grupo ni Evo pero hindi ko sila binigyan ng pansin.

  "well, well..mukhang nakajackpot ata ang nerd nating classmate kay kim ah..."si Evo kahit hindi ko sila nililingon ay kilala ko ang mga boses nila .

    "don't worry guys. a week or two magiisa na naman yan" dugtong ng isa naman nilang kasama.

    "ano kaya ang pinakain niya kay kim?" tanong naman ng isa

     "PALAKA!" dugtong ng isa sabay sila nagtawanan lahat.
 
      "kaya pala hindi nakatiis si kevin, palaka ang pinapakain mo sa kanya tol?" malakas na sigaw ni Evo sabay na naman silang nagtawanan.

dahil sa hindi ko na kaya pa ang pang-iinsulto nila ay hinablot ko ang aking bag at tumayo hinarap ko si Evo.

      "Masaya ka na?, sana masaya ka nga Evo. napaka perpekto naman ng buhay mo" kalmante kong sabi sa kanya sabay talikod at lumabas sa classroom alam kong namumuo na naman ang mga luha ko kaya

kailangan kong lumabas para hindi nila mapansin pero nasa pinto pa lang ako ng makasalubong ko kevin alam kong nakita niya ang pamumuo ng luha ko kaya binilisan ko ang paglalakad sa  corridor, pababa na sana ako sa hagdan ng may humawak sa kamay ko nilingon ko kung sino kahit na patuloy parin ang pagdaloy ng aking mga luha, si Kevin ang humawak sa aking kamay.

     "Ok ka lang?" puno ng pag-alala niyang tanong.

      "Wala kang pakialam kong ok lang ako, STAY AWAY FROM ME" galit kong sagot sa kanya sabay waksi ng kanyang kamay at saka  tumalikod papalayo, ramdam ko pa rin kasi ang galit ko sa kanya nagulat lang ako sa kanyang inasta na parang wala lang sa kanya ang kanyang ginawa sa akin.

hindi na ako pumasok pa noong araw na iyon, kinabukasan minabuti kong hintayin si Kim para may lakas ng loob akong pumasok. tinawagan ko siya na daanan niya ako sa bahay hindi naman ito tumanggi.

     "Friend bakit hindi ka pumasok sa klase kahapon?" tanong niya habang nasa loob kami ng kotse nila nasa backseat kami nakaupo may personal driver kasi sila. hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong hininga.

      "ok, wag mo ng ikwento ang nangyari alam  ko na pero dapat pumasok ka parin wag mong hayaang masira ka dahil sa kanila wag kang mag-alala habang kasama mo ako hindi ka nila malalait pa naiinsecure lang yan sila sayo look at you gwapo ka kaya lang wala kang self confidence you're more than them, promise friend"

napangiti ako sa mga sinabi niya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi dumating si kim sa buhay ko siguro lugmok na ako sa kalungkutan laking pasalamat ko dahil kahit papaano ay pinapalakas niya ang loob ko.

   "Friend, thanks sa lahat hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka"

   "Wala yun friend basta ikaw, wag kang magatubili sa susunod na humungi ng tulong sa akin when you need me the most"

Sinuklian ko siya ng isang ngiti na kanya namang tinugunan ng kanyang pinakamabighaning ngiti ayun kasi sa kanya it's her smile that makes her look stunning hehehehe ibang-iba talaga si kim.

Dumating ako sa school kasama si kim na parang walang nangyari hindi ko ipinakita na apektado ako dahil sa nangyari kahapon. kung noon ay katabi ko si kevin sa upuan ngayon naman ay si kim medyo nanibago lang ako kasi nahahawa narin ako sa kadaldalan niya.

Tumahimik bigla ang boung klase ng pumasok na ang aming guro. bigla kong napansin si kevin na malungkot na nakatitig sa akin mula sa sulok ng aking mga mata pero hindi ko na muna binigyan ng pansin dahil sa sariwa parin ang sakit ng kanyang ginawa sa akin.Akala ko doon lang ako magugulat pero mas nagulat ako ng tumingin ako sa aking gilid at nahuli ko si Evo na nakatingin din sa akin na para bang humingi ng sorry pero mas lalong uminit ang aking dugo kaya itinuon ko nalang ang aking atensyon sa harapan.

    "Class handa na ba kayo sa out of town community Service natin sa Friday?,I already informed you about this last week remember? so who among you here ang napirmahan na ang parent consent na ipinadala ko sa inyo" paalala ng guro namin sa amin na muntik ko naring makalimutan.

Marami na pala ang nakapapirma ng kanilang parent consent, kailangan kasi ito namin kasi medyo malayo ang lugar kung saan kami mag-a-outreach program kung hindi ako nagkakamali ay sa bohol ang lugar na iyon. tutulong kami sa pagsasaayos ng mga nasirang silid aralan sa isang lugar doon na nasalanta ng nagdaang bagyo.

Naalala ko na naman si kevin siya kasi talaga ang namilit sa akin na sumama kahit ayaw ko hate ko kasi ang ot of town adventure  medyo may phobia ako sa mga magubat na lugar. dahil siguro noong bata pa ako ay sumama kami ni kuya kay daddy para maghiking sa mt. banahaw pero habang nagseset sila ni kuya ng aming tent ay naaliw ako sa isang paro-paro na agad ko namang sinundan without knowing na napalayo na pala ako sa kanila huli na ng malaman kong nakalayo na ako sa kanila, iyak ng iyak ako habang tinatawag ang aking daddy pero walang tumutugon sa aking sigaw hanggang sa nakita ko ang isang ahas na nakatingin sa akin na parang handa akong lunukin ng buhay hindi agad ako nakakilos dahil sa takot. nakita kong gumagapang ng mabilis ang hayop papunta sa aking kinatatayuan wala akong magawa kundi takpan nalang ng aking mga kamay ang aking mukha at hintayin na lamang na sakmalin ako nito pero laking gulat ko ng may narinig akong putok ng buksan ko ang aking kamay na nakatakip sa aking mukha nakita ko nalang na nakabulagta ang ahas at wala ng malay at nakita ko si daddy na mabilis akong nilapitan at kinarga ako, alam
kong ramdam ni daddy ang panginginig ko kaya napilitan sila ni kuya na bumaba nalang mula sa camping site at isinugod ako sa hospital dahil sa hindi nila ako makausap ng maayos at patuloy na nanginginig ng pagkalakas lakas nanatili ako sa hospital ng tatlong araw dahil sabi daw ng doctor ay nagkaroon ako ng trauma.

   "Earth calling francis, saan ka na?" bumalik ako sa aking pagiisip ng napansin kkong kinakausap pala ako ni kim.

   "Ano bang tinira mo friend katol? kanina pa kita tinatanong kung ayos naba ang parent consent mo" medyo naiiritang boses niya.

    "A..e..sensya na may naalala lang kasi ako hehehe, hindi yata ako sasama friend" diritso  kong sagot sa kanya.
 
    "Huh?, bakit naman. don't you know you'll be missing half of your high school life if you'll turn this exciting experience down" disappointed niyang tugon.
 
    "Friend kasi I really hate adventure because of this damn phobia of mine, kaya makikiusap nalang siguro ako sa principal na he'll give me excemption"

Nakita kong hindi kombinsido si kim sa kanyang narinig kaya alam kong babanatan na naman ako nito hanggang hindi niya ako napapayag.

     "look friend I don't have any idea of what kind of phobia do you have, but friend how can you overcome your fears if you let them eat you? And I don't accept No for an answer. I'm doing this for you friend"

Medyo na corner ako nito ah, hehehe kahit kailan talaga tong si kim haayyy....bulong ko sa sarili ko.

      "Fine,fine...ano pa nga ba ang magagawa ko, wala ka talagang pinagkaiba kay ke...." natigilan ako sa aking dapat sasabihin at alam kong nahalata iyon ni kim.

      "It's ok friend makakamove-on ka rin you're getting there soon" sabi niya sabay hagod sa aking likod.


itutuloy...............


PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.