Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Agosto 7, 2013

A Love in an Island Chapter 2


Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me sa comment box sa ibaba.

open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                                  A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga





Chapter 2

Maaga akong nakauwi sa bahay na hindi naman normal para sa akin kasi palagi ko gustong umuwi ng gabi na ayaw ko kasing maabutan ang hapunan na kasama ang boung pamilya alam ko kasing ako nanaman ang makikita nila mama at papa doon ako naglalagi sa apartment ni Kevin nakikipagkwentuhan o di kaya ay manunuod ng T.V. hanggang sa masiguro kong tulog na ang mga  tao sa bahay. pero nagayon alam kong mapupuno nanaman ang tainga ko sa mga pangaral at pagkukumpara sa amin ni kuya sa aking mga ever supported parents. dahan dahan kong pinihit ang pinto sa sala namin para hindi nila ako mapapansin sa dining area if dadaan ako para akong magnanakaw sa pelikula kong maglakad na naka slow motion pa pero kung minamalas nga naman

     "Francis, kumain kana dito halos gabi-gabi ka nang wala sa hapagkainan natin ey heto na nga lang ang time na makapagbonding tayo tas umiiwas kapa" boses ni mama alam kong huli na ako kaya kinamot ko nalang ang ulo ko papunta sa dining hall namin nagkiss ako sa pisngi ni mama at papa bago umupo sa pwesto ko.

Tahimik lang akong kumakain na tela ba nasa ibang mundo ako alam kong nagtatawanan sila mama at papa syempre si kuya na naman ang bida sino pa nga ba.

     "ikaw francis kailan mo dadalhin ang girlfriend mo dito?" seryosong tanong ni papa para akong hinugot sa mundo kung saan ako  nagliliwaliw at muling binalik sa harap ng mesa namin.

     "Huh? okay lang pa" sagot ko sa kanila hindi ko alam kung tama ba ang sinagot ko para sabihin nilang nakikinig ako sa usapan nila.

     "anong okay lang? ang sabi ko kailan mo dadalhin ang girlfriend mo dito?" tanong uli ni papa na para bang sinusukat ang aking pagkatao.

    "Ah eh wa..wala pa po akong girlfriend pa sa susunod po kung papalarin baka maisama ko na po dito" sagot ko sa kanya kahit na alam kong walang kasiguraduhan iyon.

    "hay nako pa wag napo kayong umasa diyan parang walang magkakagusto diyan sa utol ko weird kasi ang dating niya" hirit naman ng kuya kong napakahambog.

    "hindi naman ako kagaya mo noh?.walang ibang magawa kundi mangbababae" ganti ko sa kanya sabay taas ng aking dalawang  kilay.

    "atleast nakakasundo ko ang lahat ng tao ikaw?..daig mo pa ang ermitanyo sa gubat" pang aasar niya.

     "bakit?, wala naman akong natatapakang tao walang sinasaktan hindi kagaya mo!" naiinis kong depensa sa sarili ko nakita kong namumula si kuya sa galit napikon ata sa mga sinabi ko nakita kong kinuyom niya ang kanyang kamay na para bang susugurin ako ito kasi ang unang pagkakataon na sumagot ako sa mga pangaasar niya.

    "mauuna na po ako ma,pa busog na po ako" nawala na ang gana kong kumain kahit pa nakakailang subo pa lang ako tatayo na sana ako ako pero mabilis na tumayo si papa at sinapak ako napaluhod ako sa ilalim ng aking upuan sa lakas ng pagkakasapak niya.

    "Wag kang bastos francis, igalang mo naman ang kuya mo kahit papano" mataas na boses ni papa.

    "Ganyan lang naman kayo palagi, akala ko ba biruan lang yun ni hindi nyo nga ako ipinagtanggol sa tuwing inaasar ako ni kuya at ngayon sa unang pagkakataon sinakyan ko ang biro niya sa akin nagalit kayo?. how sensitive you are for him?, and  being so insensitive for me? ni hindi ko kayo narinig na proud sa mga achievements ko sa school" nagiiyak na ako sa tindi ng sakit hindi dahil sa sapak ni papa kundi dahil sa pagkampi niya kay kuya para bang ipinamukha niya sa akin na hindi niya ako anak sasapakin
na sana ako uli ni papa ngunit napigilan siya ni mama mabilis akong nakalakad paakyat sa kwarto ko.

gusto ko noong maglayas kaso lang wala akong lakas ng loob para gawin. sa sinabi ko nga taong kwarto ako at ayaw ng adventure  at ang paglalayas ay isang napakapait na adventure alam ko yun kaya mas pinili kong magmukmok sa kwarto wala akong ibang  ginawa kundi ang umiyak ng umiyak nakayakap ako sa aking unan at tinatakip ito sa bunganga ko sa tuwing gusto kong sumigaw kinabukasan paggising ko ay namumugto ang aking mga mata sa kaiiyak at nakita kong namaga ang kaliwang pisngi ko malapit sa eyebug
ko na dulot ng pagkakasapak ni papa. hindi na ako pumasok pa ayaw kong mapagtawanan sa school sa aking natamo natulog nalang  ako uli nagising ako sa ingay ng cellphone ko napansin kong tanghali na lagpas alas dose na pala kinuha ko ang cellphone at sinagot

   "Hello?" sagot ko na para bang lasing

   "Frans?, kagigising mo palang?.gawd! anong oras na ba?.. ayaw mo bang pumasok tatlong subject na ang hindi mo sinipot ah?" Si Kevin na para bang nababagot dahil wala ako.

   "Sorry tol pero hindi ako makakapasok eh! at teka nga kung makapagtanong ka parang tatay kita?" mataray kung sagot

   "bawal bang maging concern sa bestfriend ko?" naiinis niyang tanong.

   "Ay hindi naman..sorry po. sige na ibaba mo na matutulog ako uli"

   "Ah?, teka nga may problema ka ba?" nagtataka niyang tanong sa akin na para bang nagaalala.

   "Wala. sige na ibaba mo na matutulog na ako" pag ulit ko sa aking sinabi, hindi ko muna pinatay ang cellphone ko hinintay ko na siya ang unang bababa ng tawag pero hindi niya ito binaba narinig ko na nagbitiw siya ng malalim na buntong hininga at saka nagsalita

   "basta ok ka lang?, sige matulog kana ingat.." malumanay niyang tugon na tila nagaalala sa akin.

   "oo nga, sige ikaw rin ingat"

Napaisip ako sa mga pinapakita ni Kevin sa akin ayaw kong bigyan ng kulay iyon pero hindi ko maiwasang ganun ang isipin na  mahal niya ako pero may mali eh, lalaki siya ni walang bahid ng kalamyaan baka nga sobrang mabait lang talaga siya sa akin dahil simula't sapol kami na ang magkakampi sa lahat ng bagay kahit na weird ako sa paningin ng iba sa school pero gustong gusto niya akong kasama kasi nga daw may loyal listener siya na kahit anong kwento niya napagtitiisan kong pakinggan lagi  lang kasi akong tahimik sa tuwing nagsasalita siya magsasalita lang ako kung tatanungin niya ang openyon ko, sa tagal naming magkaibigan ay sa awa ng diyos wala naman akong naramdamang kahit kunting pagtingin sa kanya mahal ko siya bilang kaibigan at ayaw kong sirain iyon mahalaga na siya sa buhay ko.

narinig kong may kumakatok sa pinto si Mama tinatawag ako para kumain bumalik na naman ang inis at tampo ko sa kanila hindi man lamang ako ipinagtanggol ni mama kina papa't kuya ganun naman siya lagi eh audience lang kaya hindi ko maiwasang umiyak uli hindi ko siya sinagot tinakpan ko muli ang aking mukha ng unan at pinilit ang sariling matulog muli.

Nagising ako ng may marinig ako sa labas ng bintana nagulat ako dahil gabi na pala ilang oras din akong nakatulog napansin  kong kumakalam ang aking sikmura hindi pa pala ako nakakain simula kagabi kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang oras  mag aalas otso na pala ng gabi oras kung kailan naghahapunan ang bou kong pamilya gusto kong bumaba pero ayaw kong makita sila at makisalo sa pagkain kasama sila. nagbigla ako ng may narinig nanaman akong katok sa salamin ng bintana sa aking kwarto  medyo natakot ako ng kunti dahil sino ba naman ang bibisita sa bahay na sa bintana dadaan at mas malala dahil sa second floor
pa. hinawi ko ang kurtina para masilip nanlaki ang aking mata sa aking nakita nandoon siya sa labas naka jacket ng itim at  black jeans at naka back bag pa nakangiti habang pinagmamasdan ako.

     "Kevin?" bigla kong nasabi sa kanya.

     "Oh, hindi mo ba ako papasukin?. hindi ata madaling umakyat dito sa kwarto mo" reklamo niya sa akin.

      "sino ba kasi ang nagutos sayo na pupunta ka dito and the worst dito kapa talaga dumaan sa bintana what if  nahulog ka?"

     "hindi ka ba natutuwa na nandito ako? sige uuwi nalang ako" pakonsyensa niyang tugon.

     "oo na, nagulat lang ako. idol mo talaga si tom cruise noh? gayang gaya mo outfit niya eh ano ka may mission impossible?"

     "mahirap pa yata sa mission imposible" makahulugan niyang sagot sabay titig sa aking mata mabilis naman akong umiwas sa kanyang pagkakatitig.

     katahimikan..

     weird moment...

     nakakabinging katahimikan...

     "Ah, kevin?" pambasag ko sa nakakabinging katahimikan.

    "yep?" sagot niya.

     "Pwede bang magtanong?"

     "sige ba ano yun?"

     "ah kasi kwan eh," hindi ko alam paano sabihin

     "ano nga tinatakot mo ko eh" naiinip niyang sabi

     "hindi pa kasi ako nakakakain ayaw kong bumaba may pagkain ka?" sagot ko naman sabay bitiw ng nahihiyang ngiti.

     "yan lang naman pala syempre ikaw pa lakas ka sa akin eh" dumaan pa yata siya sa jollibee para magtake out

     "Wow, champ. alam mo talaga ang paborito ko thank you friend" excited kong tugon sabay yakap sa kanya na parang batang masaya sa laruang ibinigay ng parents niya napayakap din siya ng mahigpit sa akin yakap na naglalaman ng isang katanungan para sa akin isang yakap na may malalim na dahilan halos hindi na ako makahinga sa yakap niya kaya mabilis akong bumitiw.

     "Sorry" mahina kong sabi.

     "hindi.ako sana ang mag sorry eh nasakal ata kita" sagot niya sabay bitiw ng isang pilit na ngiti.

     "Ah wala yun...ano ba to bat ang awkward nating dalawa ngayon" pilit kong binabalik sa normal ang lahat

     "Tol, nagamot mo na ba yan?" tanong niya sa akin habang tinuturo niya ang pasa sa aking mukha

     "Ah ito?. hindi pa madali lang naman itong mawala"

     "Di ba may problima ka? dinalhan kita nito oh, surprise" nakangisi niyang sabi habang pinapakita ang tatlong buti ng red horse na binalot sa dyaryo

     "Iinom tayo?. kaw bahala total hindi naman ako papasok bukas dahil sa black eye ko eh ikaw?"

     "idi sasamahan kita problima ba yun?" pilyo niyang sagot.

masaya naming pinagsaluhan ang dala niyang pagkain nagtatawanan at asaran na para bang ang tagal naming hindi nagkita binuksan agad namin ang beer na dala niya at nagsimulang magtagay alam ni kevin na hindi ako sanay lumaklak kaya maliit lang ang tagay niya sa akin. nalimutan ko tuloy ang problima ko dahil sa efforts niya. sa pagkakataong ito ay naguguluhan ako sa mga ipinapakita sa akin ni kevin gusto ko siyang tanungin pero ayaw kong mainsulto siya at baka yun pa ang dahilan ng aming pagkasiraan kaya minabuti kong manahimik nalang alam kong kunti nalang din ay mahuhulog na ako sa kanya.

napataob na namin halos lahat ng bote ng red horse at napansin kong naparami ang inom ni kevin na para bang siya pa ang may problima kaysa sa akin namumula na siya at mas lalong lumabas ang kanyang angking kagwapuhan nakikinig na naman ako uli sa mga kwento niya na ni hindi ko mawari kong tama ba ang pagkasunod sunod nun para siyang baliw kasi paulit ulit lang  ang kanyang sinasabi natigilan lamang ako ng marinig ko siyang nagtatanong sa akin.

     "Francis?, nainlove ka naba?" tanong niya pero boses lasing.

     "ako?, ah hindi pa bakit mo natanong iyan?"

     "kasi nga ako inlove eh"

     "talaga tol?, kanino? sinagot ka na ba niya pakilala mo naman ako. oh wag mong sabihing binasted ka kaya ka naglalasing ngayon?." masigla kong tanong sa kanya.

     "Actually you know that person kilalang kilala mo siya. I was inloved the first time we meet" mahina niyang sagot napaisip ako wala naman siyang pinakilala sa akin na babae at alam naman niyang weird ako dahil lagi ko gustong mag isa kung wala siya kaya naguguluhan ako kung sino eh siya lang naman ang kilala ko ng lubos at wala ng iba.

     "tol naman wala akong maisip eh, sige na sabihin mo na" pagpupumilit ko sa kanya.

      "Manhid ka lang ba talaga oh nagbubulagbulagan?" matigas niyang tanong sa akin para akong binuhusan ng isang balde ng tubig na may halong yelo sa aking narinig.

      "A.a.anong ibig mong sabihin kevin? hindi kita maintindihan lasing ka na"

       "Oo lasing ako pero hindi ito at ito" tinuturo niya ang kanyang dibdib at ang kanyang ulo nakatingin siya ng diritso sa akin hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kaya yumuko nalang ako naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking pisngi inangat niya ang aking ulo pinilit niya akong titigan din siya magkadikit na ang aming mga noo naaamoy ko na ang mabango pero amoy beer niyang hininga nanginginig ako hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman.

       "francis, matagal ko na gustong sabihin ito sayo pero natakot ako na baka lumayo ka pag malaman mo ang totoo.oo matagal na kitang  mahal ayaw kong sabihin sayo ito dahil umaasa ako na balang araw mararamdaman mo pero habang tumatagal nawawalan ako ng pag asa dahil ang iniisip mo ay kaya ko ginagawa ito dahil magbestfriend tayo" nakikita ko ang pamumuo ng mga butil na luha sa kanyang mga mata
hindi ko alam kung ano ang dapat kong isasagot sa kanya para hindi siya masaktan oo mahal ko si kevin pero hindi ko alam kung pagmamahal ba iyon para sa isang kaibigan o more than that, hindi ko pa naranasang mainlove kaya hindi ko alam kung anong pagmamahal ang meron ako sa kanya.

       "Sorry for being so insensetive kevin, akala ko kasi kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin hindi ko..." napatigil ako sa pagsasalita ng hinalikan niya ang labi ko ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na nahalikan ako sa labi maliban sa mama ko  nanibago ako sa unang pagdampi ng kanyang mga labi matamis ang kanyang halik, halik na puno ng pagmamahal halos hindi ako  makahinga sa tindi ng kanayang paghalik sa akin kaya tinulak ko siya ng bahagya.

       "sorry!." mahina niyang sinabi sa akin iyon sabay kuha ng kanyang bag at lumabas sa aking kwarto nawala ako sa aking sarili ni hindi ko siya magawang pigilan palabas para akong toud sa aking kinatatayuan. narinig ko na kinausap siya ng aking mama sa baba sa tagal kasi naming magkaibigan ay kilala na siya ng aking pamilya sandali lang ang kanilang paguusap at nakalabas din siya ng bahay.

Itutuloy.........

Please feel free po na magcomment para malaman ko pong worth it din po ang ginagawa ko thanks...

A Love in an Island Chapter 1


Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank  Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me sa comment box sa ibaba.

open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.



                                               A Love In An Island

                                                                   By: Pinkblood


Chapter 1

Maaga akong pumasok sa school hindi ko alam kung bakit gustong-gusto kong lumagi sa school kaysa sa bahay namin siguro nga dahil ako ang laging nakikita ng aking mama't papa lagi akong kontrabida sa bahay namin kahit na wala akong halos imik pag nadoon ako mas gusto kung magkulong nalang sa kwarto ko kaysa sumali sa halakhakan nila naiirita ako sa tuwing pinagkukumpara ako kay kuya Niko ang kapatid kong napakahambog ni ayaw kung makipagusap sa kanya kasi alam ko namang aasarin lang ako nun. dalawa na nga lang kaming magkakapatid pero napakalayo ng loob ko sa kanya dala na rin siguro na lagi akong pinagkukumpara sa kanya nila mama at papa dapat ko daw siyang tularan kasi napaka athletic at matinik sa mga babae at palakaibigan halos siya ang bida sa usapan sa tuwing may salo salo sa bahay. nasa huling taon na si kuya sa college at ako naman ay nasa ikatlong taon pa lamang sa highschool ni hindi ko narinig na proud sila sa akin sa mga matataas na marka ko sa school at laging class achiever lagi akong nakakatop sa boung klase sabi nga daw ni papa hindi naman daw kasi importante ang karangalan para sa kanya kahit hindi ka gaanong katalino basta marunong kang makisama sa tao ay mas mabuti pa.

Dahil sa maaga nga ako sa school sarado pa ang classroom namin pagdating ko tinungo ko ang canteen para doon tumambay at tapusin ang mga assignments ko sa ibang subject ko. marami naring estudyanting nakatambay doon ang iba ay masayang naguusap at ang iba naman ay tahimik na nagaalmusal tahimik akong gumagawa ng aking assignment ng may tumabi sa akin nakita ko si kevin ang kaibigan ko mula first year na napakabait sa akin nakatingin sa aking ginagawa at nakangiti.

   "Ang aga mo naman yata tol.." tanong nya sa akin sabay kuha ng kanyang notebook at ballpen sa kanyang bag.

   "Maaga naman talaga ako palagi ah...ikaw lang naman ang laging nahuhuli..." sagot ko sa kanya hindi ko manlang siya binaling ng aking tingin.

   "kasi nga...kasi nga" nahihiya niyang sabi naparang may hinihinging pabor.

   "Hay nalang..alam ko nayan wala ka nanaman assignment noh?..o heto kopyahin mo na." pagpatuloy ko sa kanyang sasabihin sana. inabot ko sa kanya ang note book kung saan nakasulat ang mga sagot sa aming assignment.

   "Salamat talaga Francis ah..kahit talaga kailan maaasahan ka ang swerte ko naman at nagkaroon ako ng bestfriend na walang kasing ubod ng bait...hayaan mo babawi ako sayo mamaya ililibre kita"

    "Uh tol..tama na yan lumilitaw na naman ang pagkakorne mo eh. komopya ka na nga lang diyan at maibalik mo na sa akin ang notebook ko."pagputol ko sa kanyang mga walang kasing korne na mga hirit.

Sa mahigit tatlong taon namin bilang matalik na magkaibigan ay kabisado na namin ang isa't isa at sa lahat ng panahong iyon  ay wala siyang ginawang bagay na makakasira sa aming magkaibigan at ni hindi niya ako binigyan ng rason para magalit sa kanya ni hindi ko na nga mabilang ang mga bagay na nagawa ko na lagi niyang ikinagagalit pero madali niya itong nalilimot sa tuwing humihingi ako ng sorry sa kanya, ganun kami kaclose. May katangkaran si Kevin sa taas niyang 6'1 ay halos lagi akong nakatango sa tuwing nag uusap kami, may mapupula't maninipis na mga labi, matangos ang ilong na perpekto sa hugis ng kanyang mukha at
mapupungay na mata na kung iyong titigang mabuti ay parang nangaakit, maputi din at makinis ang kanyang kutis natural lang iyon sa kanya kasi half american ang kanyang ama napakaganda din ng katawan ni kevin dahil sa angking tangkad niya ay kasama siya sa varsity ng basketball sa school namin kaya napaka athletic ng katawan niya.

Ako naman ay may taas lang na 5'7 maputi singkit ang aking mga mata at nasa medium built lang na pangangatawan sabi nga ng aking mga kaklase ay mala korean pop icon daw ang dating ko matangos din ang aking ilong na katulad ng kay kevin ay bumagay din sa maliit kong mukha lagi akong pinagdidiskitahan ng iba naming mga kaklase kasi daw sa aking itsura ay gwapong gwapo sila pag iniisip daw nila akong babae maganda din daw ako kahit saan daw mapababae o mapalalaki daw ako eh swak na swak ang aking
mukha.

Sa aking pagkatao ewan ko hindi ko pa alam kung ano ba talaga ako ni hindi pa ako nailab sa mga girls sa aming school kahit na sandamakmak ang mga nagpapapansin sa amin ni kevin sa tuwing nasa campus kami at kung bakla naman ako eh bakit hindi manlang ako nahulog sa aking artistahing kaibigan na si kevin sa kabila ng mga magagandang ginagawa nito sa akin.

Nagkaroon ng ingay ang loob ng canteen ng may isang grupo ng magbabarkada ang pumasok nilingon ko ito, mga varsity scholar sila sa school namin at alam kong isa dito ang lider-lideran nila si Evo nagtatawanan silang lahat na para bang sila lang ang tao sa loob ng canteen palibhasa ay sikat sila sa school. nakaakbay si Evo sa kanyang girlfriend si alyson sikat din dahil sa aktibo ito sa mga extra curricular activities sa school at bukod doon napakaganda pa nito bagay na bagay sila  ni Evo mga artistahin ang mga mukha't kutis.

Nakita nila si kevin na kasama ko sa table syempre dahil sa varsity din si kevin ay malapit din ito sa kanila pero hindi ko nga lang  alam kung bakit mas pinili nitong ako ang pagtiisang samahan samantalang sikat sa school ang mga kasama niya sa varsity na  halos pinagtitilian ng mga girls sa boung campus sa tuwing may laro lalo na sa championship games.

    "uy tol andito ka na pala tara sama ka sa amin?" pansin ni Evo kay kevin.

    "sige tol teka lang tatapusin ko lang tong assignment natin susunod nalang ako" sagot ni kevin kay Evo ni hindi man lamang  ito tumingin sa kausap niya abala kasi sa pangungupya sa answers ko. tiningnan ko ang notebook niya nakita kong tapos na siya  sa pagkopya tiniklop niya ang notebook ko at binalik sa akin at binalik niya sa bag niya ang kanyang gamit.

    "So it seems you'll have something to do with your friends out there? I'll go ahead nalang, see you sa classroom" paalam ko sa kanya sabay tayo.

    "hep,hep. and who told you I'm going?." tanong niya sa akin sabay bitiw ng isang ngiti.

    "Sabi mo susunod ka?" naguguluhan kong sagot sa kanya.

    "praning na ata tong bestfriend ko ah?"bulong ko sa sarili.

    "ayaw ko, masyado silang maingay. tara una na tayo sa classroom" tumayo siya at hinila ako, parang bata tuloy ako na hinihila ng kanyang nakakatandang kapatid.

     "Ano bang pinaggagawa nito sa akin?. kunti nalang talaga kevin mahuhulog na ako sayo" bulong ko ulit sa sarili ko.

Nasa harap kami pumwesto ni kevin na sa mga oras na iyon ay nagsisidatingan narin ang aming mga kaklase narinig kong medyo may ingay sa labas ng classroom alam kong ang grupo nanaman nila Evo ang sanhi ng ingay kasi papasok narin sila kaklase ko rin kasi sila kaso lang ayaw kong makipagkaibigan sa kanila napipriskohan kasi ako sa mga pinapakita nila kaya nga siguro ayaw talaga ni Kevin sumama sa kanila ng madalas. natahimik na lamang kami ng pumasok na ang aming guro.

    "guys announcement! by the way we have our out of town trip next week for our outreach program. we will be going to bohol and help some locals there to build and renovate thier school destroyed recently by a storm. so everybody get this form and let this sign by your parents this serves as your parental consent"

Nag ingay ang boung klase halatang excited sa out of town na mangyayari pero ako?. hindi, alam ko kasing hindi talaga ako mag eenjoy wala kasi talaga akong hilig sa mga adventure sadyang ipinanganak akong sanay mabuhay sa loob ng aking kwarto  tanging si kevin lang naman kasi ang kaibigan ko noon  pa kung hindi lang siguro siya lumapit at nag tiyagang kaibiganin ako siguro hanggang ngayon nag iisa ako.
  
    "paano yan tol mukhang mag eenjoy na naman tayo niyan" tawag pansin sa akin ni kevin.

    "Hindi ako sasama, babawiin ko nalang sa klase ang points na mawawala paghindi ako makasama ayaw ko kasi talaga sa mga ganyang bagay eh."
  
    "huh!?, ano ka ba tol sayang naman ang experience sige na minsan lang naman mangyari to eh." pangungumbinsi sa akin ni kevin
  
    "Ayaw ko nga eh, wala naman siguro ang paa mo sa akin para hinid ka makasama kung wala ako." pamimilosopo ko sa kanya.

Tumahimik na lamang si kevin hindi ko alam pero parang nainsulto ko yata siya hindi na siya muling nagsalita pa hanggang natapos ang klase. sa kabila ng kanyang inis sa akin ay hinintay niya parin ako para sabay kaming umuwi yun nga lang hindi parin ako iniimikan nito at parang napakalaki ng kasalan ko.

    "Hoy?. ano ba para kang namatayan diyan?" kaswal kong tanong na para bang walang nangyari, hindi parin siya sumagot sa akin kaya sa ayaw ko at sa hindi kailangan kong magbitiw ng pangako para bumalik ang sigla niya.

    "ok na talo na ako! sige sasama na ako kahit alam kong magtitiis na naman ako doon" walang kagatol gatol kong sinabi iyon nakita kong nanlaki ang kanyang mga mata at gumuhit ang hanggang tenga niyang ngiti.

    "talaga tol?, yes.alam mo naman kasing hindi ako sanay kung wala ka" bumalik na naman ang sigla ni kevin alam ko nakasi ang kahinaan niya kaya walang hirap siyang pakalmahin.

     "o siya sige, ano pa ba ang magagawa ko?. uwi na nga tayo" pag iiba ko sa usapan kasi medyo kinilig ako ng bahagya sa sinabi niya.

hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa niya naipakilala sa akin ang babaeng gusto niya pero wala daw siyang lakas para sabihin samantalang gwapo naman siya. nasabi ko nalang sa sarili ko na kung totoong bakla ako siguro mamamatay na ako sa in love sa kanya. nang papalabas na kami sa gate ng school ay nakita namin sina Evo kasama niya ang jowa niyang si Alyson parang lalanggamin na nga ang boung school sa ka-sweetan nila.

     "Oy pare, tamang tama narito ka may lakad ang grupo eh sama ka?," nakangiting sabi ni Evo kay Kevin.

     "Ano at saang lakad ba iyan tol?" tanong ni kevin kay Evo.

     "Sa bahay nila marko birthday kasi ng mama niya imbitado tayo"

Tiningnan ako ni kyle na para bang nangungusap na sumama din ako sa lakad nila. alam kasi niyang alergy talaga ako sa mga barkada niya lalo na kay Evo kaya parang humihingi ito ng pabor para sumama ako.

      "Sige lang, sumama ka na sa kanila mauuna nalang akong uuwi" inunahan ko siya sa kanyang planong pasamahin ako.

      "Sumama ka nalang rin kaya Francis?" yaya ni Alyson sa akin at nakangiti pa.

      "ay sige salamat nalang sa paanyaya pero marami pa kasi akong gagawin eh" alibi ko sa kanya.

      "Wag mo nang pilitin ang mga taong ayaw babe, hirap kayang pasayahin ang mga weird person" bulong ni Evo sa girlfriend niya pero kahit ano paman dinig na dinig ko iyon buti nga lang hindi narinig ni Kevin kasi baka mag upakan pa sila super defensive kaya niya sa akin.

      "Sorry Evo ha?. hindi kasi ako sanay sa mahangin na lugar baka ma tangay ako. sige mauna na ako sa inyo, kita nalang tayo bukas tol" tinapik ko sa balikat si Kevin saka umalis alam kong naguguluhan siya sa mga makahulugan kong sinabi kay Evo.

       "Sige tol ingat. kita nalang tayo bukas" si kevin, hindi ko na siya nilingon ayaw kong makita ang mukha ni Evo nayayabangan talaga ako.

Itutuloy..............

Please feel free to comment po. either good or bad. thanks po...