Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Hulyo 23, 2014

A Love In An Island chapter 23



I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                       
                                                    A Love In An Island



                                                                   By: Jenysis Aposaga


Chapter 23

Kinahapunan maaga akong umuwi, nasa Elevator ako at naghihintay para bumaba sa basement kong nasaan naka~park ang kotse ko.

"Pwede ba kitang makausap?"lumingon ako~si Evo.

"May dapat ba tayong pag~usapan?" mataray kong tanong.

"Kayo na ba ni Kevin?"

"The hell you care!" singhal ko saka tumalikod eksakto namang bumukas ang elevator kaya mabilis akong humakbang papasok. Nabigla ako ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko ng mahigpit.

"I care because I love you!" galit niyang sagot. pinilit kong tanggalin ang kamay nya ngunit mahigpït ang pagkakahawak niya.

"Evo nasasaktan ako please?"

"Sagutin mo muna ako..mahal mo pa ba ako?"

"bitawan mo ako!..nasasaktan ako" muli kong pakiusap, hindi ko pinansin ang tanong niya.

"BITAWAN MO SIYA!!!!" boses na galing sa kabilang elevator na kabubukas lang. napatigil ako, nakita ko ang galit na si Kevin.

Sinugod niya si Evo ng suntok, na out of balance si Evo kaya napasubsob ito sa sahig. babangon sana para gumanti si Evo ngunit naunahan na naman siya ng tadyak ni Kevin. Medyo nawala ako sa sarili, natauhan lamang ako ng makita ko na puno ng dugo ang mukha ni Evo. parang kinurot ang puso ko ng makita ang taong mahal ko na nasasaktan. patuloy siyang pinagtatakdyakan ni Kevin kaya parang wala ako sa sarîli kong tinulak siya palayo kay Evo. Umupo ako at ipitanong sa mga hita ko ang ulo ni Evo.

"Evo I'm sorry..are you ok?" nag~aalala kong tanong. hindi ito makasagot agad dahil namimilipit ito sa sakit.Hindi ko namalayan na pinagtitinginan na kami ng ibang mga ka~officemate namin.

"I'm sorry francis hindi ko sinasadya" si Kevin.

"Iwanan mo na muna kami Kevin please?!!!" galit kong tinuran, parang aso naman itong sumunod. Nagpakuha ako ng cotton at betadine at nilagyan ang mga sugat ni Evo.

"Anong nangyari?!!!OMG!! honey are you Ok?" bulalas ni Bianca. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nito, umupo ito sa tabi ko at inilipat ang ulo ni Evo sa mga hita nito.

"Let me take good care of my BOYFRIEND, friend" wika ni Bianca. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya at sa paraan ng pag diin niya ng salitang "boyfriend".

Umalis ako, nakita kong nakatitig sa akin si Evo na para bang ayaw niyang umalis ako. Ngunit wala akong karapatan sa kanya, may nobya siya at higit na may pakialam sa kanya.

Tuloy~tuloy ako sa Elevator na hindi lumilingon, ni hindi ako nagpaalam sa kanila. Ganito pala pagmahal mo ng totoo ang isagn tao kasi kahit anong kondisyon mo sa isip at puso mo na matatag ka na, may mga pagkakataon parin na masasaktan ka.

Umiiyak akong magisa sa loob ng elevator, pagdating ko sa basement kung nasaan naka park ang kotse ko ay may biglang humablot sa braso ko.~si kevin.

"I'm sorry best di ko sinasadya"

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at ginawa mo iyon"

"I'm so sorry"

"Wag mo na muna akong kausapin"
sagot ko dito, tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.tumalikod ako sa kanya para tumungo sa aking kotse .

"Mahal mo pa ba siya?.."

Napatigil ako sa aking paglalakad ng marinig ang tanong niya. Nagbuntong hininga ako bago humarap sa kanya.

"Kung sasabihin kung Oo?!...anong sasabihin mo?...Na ang tanga~tanga ko?..nagpapakamartyr ako?..Kevin hirap na hirap na akong labanan ang letsing nararamdaman kong ito...pagod na pagod na ako" umiiyak kong sagot dito.

Napaluhod ako sa sahig sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Naramdaman kong basta nalang bumuhos ang emosyong nagpapahirap sa akin na matagal ng nagtatago sa kaibuturan ng aking puso.Naramdaman kong yumakap mula sa aking likod si Kevin. pinahiran niya ng kanyang kamay ang mga luhang dumadaloy sa gilid ng aking mata.

"Sssh....tama na. nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nahihirapan ka" mas lalong humigpit ang pagkakayapkap niya sa akin.

"Bakit ang bait mo parin sa akin?..."
umiiyak kong tanong kay Kevin, hinawi niya ang bukok kong nakatakip sa mukha ko. Hinawakan niya ang magkabilang bahagi ng aking pisngi.

"Dahil mahal kita francis. Mahal na mahal"

Nakita ko yung sensiridad sa mga mata niya, ngunit paano ko siya mapagbibigyan sa pag~ibig na gusto niya kung si Evo ang laman nitong puso ko.

"Kevin.."

"Ssshh?...I know mahal mo parin siya and though it hurts I'm willing to wait" Hinatid ako niya ako sa condo ko. kinabukasan tumawag ako sa opisina, nagpaalam ako na magbabakasyon muna. Kailangan ko ng panahon para mag~isip at hanapin ang sarili ko.


Wala akong balak na pumunta o magbakasyon sa malalayong lugar. Umuwi ako sa bahay gusto ko ng mahabang panahon para makasama sila.

Naging masigasig naman si Kevin sa pagdalaw sa akin halos araw~araw sa bahay. Si Darcie naman ay nakakausap ko lang sa Skype.

"Anak?...nasa labas na ang sasakyan ni Kevin naghihintay sayo." si Mommy.

"Teka lang Mom, aayusin ko muna tong bohok ko"

"Son, I know you still love Evo. And I'm not in the rigth position anymore to chose the "which is which" optïon. but why can't you give Kevin a chance?..he was, and still, he is always been good to you I can tell how much he loves you" Mahabang salaysay ni Mommy.

"Gustong gusto ko pong pagbigyan sï Kevin Mom. but you know, I dont want to promise him somethïng which in the end I'm not sure if I could still hold with that promise. As of now, I want to enjoy the moment of being in his company"

Gusto kong kalimutan yung nararamdaman ko para kay Evo, kailangan kong mag~enjoy para maiwasan yung lungkot sa tuwing naiisip ko si Evo. Alam kong si Kevin ang makakagawa nun, siya ang kailangan ko para madaling makalimutan si Evo. Hindi naman siguro ako unfair dahil kailan man hindi ako nangako kay Kevin kaya wala dapat siyang isumbat na ginawa ko lang siyang panakip butas.

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Kevin.
hinintay na muna niya akong masarado ang pintuan ng kotse at makaupo ako ng maayos bago nagsalita, nakangiti lang ito sa akin.

"Medyo. pero O.k lang sulit naman dahil makakasama naman kita"sagot nito sa akin.

Dinala ako ni Kevin sa isang mamahaling restaurant. Napakaganda ng lugar dahil damang~dama mo ang katahimikan doon.

Umorder siya ng mamahaling wine pagkatapos naming kumain. Unang tikim ko palang sa wine ay masyado akong nasarapan sa lasa nito, Alam kong the next time around na gigimik ako ay may paboritong inumin na akong oorderin.

We've talked a lot of things, we shared every experienced we had while we were far from each other. Nalaman kong isang PMA cadet sï Kevin, siyay kasulukuyang  nasa huling taon ng kanyang training doon. Nabigyan pala sila ng dalawang buwan na bakasyon at tatlong linggo nalang ay babalik na ito sa baguio.

Maraming beses pang naulit ang date naming iyon ni Kevin. Gusto kong pagbigyan siya sa gusto niyang mangyari ngunit natatakot akong hindi ko kayang pangatawanan ito hanggang sa huli, masasaktan ko lang siya. Mahalaga si Kevin sa akin at ayaw kong mawala siya sa buhay ko.

"Wala ba talaga akong pag~asa sayo?" tanong niya sa akin habang kumakain kami.

"Kevin, for now gusto kong i~enjoy muna yung moment na ito. masaya tayo, walang iniisip. mahal kita kevin pero sa ngayon hindi ko alam kung hanggang saan ang pagmamahal ko sayo"

"Maghihintay parin ako sayo. kahit saan man ako dalhin nito. ganun kita kamahal francis" Ngumiti ako sa kanya. hinaplos ko yung kamay niyang nakapatong sa mesa.

Siguro nga kung hindi lang dumating sa buhay namin si Evo noon masaya sana kaming nagsasama ngayon ni Kevin.

Sinulit namin yung mga natitirang araw sa pamamasyal na magkasama, gusto kong turuan ang puso kong mahalin si Kevin kahit imposible.

Hindi ko man siya sinagot sa gusto niya ngunit sa mga kilos at galaw niya, Sa mga ipinapakita nya sa akin daig pa namin ang bagong kasal.

Natatawa ako sa mukha ni Kevin sa huling araw ng kanyang bakasyon. Daig pa kasi niya ang namatayan, nasa dalampasigan kami at nagmamasid sa papalubog ng araw.

"Wag ka ngang ganyan, para kang temang eh!" sabi ko sa kanya.

"Nag~aalala lang kasi ako" matamlay niyang sagot.

"bakit ka naman nag~aalala?"

"Nag~aalala ako na baka makalimutan mo na naman ako, na baka magkakabalikan kayo ni Evo"

"Kevin. hindi, hindi kita makakalimutan. At sa takot mong baka magkabalikan kami ni Evo?..malabo yun kasintahan niya ang bestfriend ko. I just can't destroy our friendship just because of one man. tulad mo natatakot akong ibahin yung label ng relasyon nating bilang magkaibigan dahil sa gusto mo ako. ayaw ko lang kasi na dumating yung araw na masasaktan khta at masira ang atïng pagkakaibigan"

"I understand you. maghihintay ako hanggang sa bukas ka nang magmahal muli sa iba" Niyakap ako ni Kevin. ayaw kong saktan siya kaya maingat ako sa mga desisyong gagawin ko.

Kinabukasan hinatid ko si Kevin sa airport, napakalungkot niya. Sana sa kanya nalang umibig ang puso ko, ngunit sa ngayon kaibigan lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya.

Balik opisina narin ako kinabukasan, sinalubong agad ako ng mga naiwan kong trabaho at ng mga pagtatalak ni Darcie.

"Ang haba ng buhok mo friend!, akalain mo yun pinag~aagawan ka ng dalawang nagagwapuhang hunks." ~si Darcie.

"Hindi ba nagduda yung mga ka~opisina natin tungkoĺ doon?" tanong ko.

"Hindi ko alam friend, wala naman akong naririnig tungkol doon"

"Kumusta si Bianca?.." tanong ko uli sa kanya.

"Si Bianca ba talaga o si Evo?"

"You heard me rigth?.." tinaasan ko siya ng kilay.

"jowk!...hehehe. ayon problimado sa love life, paano naman kasi malamig na daw ang pakikitungo ni Evo sa kanya..Alam mo ba friend?..nagbanta siya na aalamin kung sino ang kinahuhumalingan ng boyfriend niya"

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Darcie, hindi ko alam pero nagi~guilty ako sa sitwasyon nila ngayon.

"Maiba pala ako friend, may out of town pictorial tayo sa batangas sa makalawa.."

"Kasali ba ako sa pictorial?"

"Aba naman syempre...hindi makokompleto ang ads and commercial ng A.S kung walang ALEX"

"Sino ang makakasama ko?"

"Hot seat?..ang daming tanong..ofcourse no other than but John Evo Thompson..country's acclaimed boyish hearthrob"

Hindi ko mapigilang hindi mag~alala dahil muli na naman kaming magkakasama ni Evo.


Nag-alaala din ako para  kay bianca, paano pagnalaman niya na nakarelasyon ko noon ang boyfriend niya?, magagalit kaya ito sa akin?. magbabago kaya ang pagtingin nito sa akin.

Naging busy ako sa unang araw ng aking trabaho mula ng magbakasyon ako, naipon kasi lahat ng mga reports.

pagkatapos kung maayos lahat ng mga dapat kong kompletohin sa aking report ay nagmadali akong umuwi. Nasa harap na sana ako ng elevator ng madatnan ako ni Darcie.

"Wait!..ngayon nga lang tayo nagkasama uuwi ka kaagad?, gimik muna tayo friend"

"I'm tired eh!"

"Ok..don't you ever talk to me for the rest of your pathetic life"

"Heto naman! yot so harsh, sige na nga. tara may alam akong pweding matambayan"

"Talaga friend?..thank you!" umiba ang aura ng mukha ni Darcie mula sa galit~galitan niyang reaksyon kanina.

Hinintay ko siyang kunin ang gamit niya sa opisina bago kami sabay bumaba. nasa lobby kami ng building ng makasalubong namïn si Bianca.

"Friend?..it's good dahil kompleto tayo"~si Darcie.

"Timing yata ang pagpasyal ko. I need to unwhine, litseng pag~ibig naman kasi ito nakakastress" sabi ni Bianca, saka tumingin sa akin. Nginitian ko siya. kailangan kong magpanggap na walang tensyon sa aming dalawa.

"Hi frans..pansin ko lang ah mukhang nagbago ka mula ng umuwi tayo dito?" tanong sa akin ni Bianca.

"A..e..hindi ah, medyo stressful lang kasi ang mga responsibilidad na ibinigay sa amin dito, unlike noong nasa states pa ako." pagdadahilan ko.

"Well, maybe sa akin ka lang ganyan?" mulïng tanong niya. Parang nabulunan ako ng marinig iyon sa kanya, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin.

"So?, are we just going to talk here the whole time or we'll keep goin'"~si Darcie. Aĺam kong sinadya niyang putulin ang usapan para maĺigtas ako sa mga banat ni Bianca.

Dinala ko sila doon sa restaurant na pinagdalhan sa akin ni Kevin. Hindi naman ako nabigo dahil nagustohan nila pareho ang lugar na iyon.

Umorder ako ng wine pagkatapos naming kumain, yung katulad sa wine na inorder ni Kevin ang nirequest ko, alam kong yun ang magiging paborito ko.

Naging masaya naman ang pag~uusap naming magkakaibigan, ngunit hindi kontento sa wine na inorder ko si Bianca tinawag nito ang waiter at umorder ng inuming malakas makatama. Pinigilan siya nï Darcie pero hindi ito nagpatinag, tumahimik na lamang ako.

Nakailang lagok din ito bago tinamaan ng pagkalasing.

"Ang tanga tanga ko nuh?....bakit kasi lage nalang niya akong sinasaktan" umiïyak na atungal ni Bianca, alam kong si Evo ang tinutukoy niya.

"Pagsubok lang yan friend" sabi ni Darcie.

"Nahihirapan na kasi ako, nararamdaman kong may iba siyang mahal. Malilintikan sa akin kung sino man ang taong mahal niya."

Nakaramdam ako ng pagkabahala ng marinig ang mga sinabi ni Bianca.

Hindi ko inaasahan na magwawala ito sa loob ng restaurant. Pinauna ko si Darcie na lumabas ng establisimentong iyon para gabayan si Bianca, nagpaiwan ako para bayaran ang bill namin.

Naiwan nga ako sa hotel, papalabas na sana ako ng mahagip ng mata ko si Alyson na nag mamadaling sumakay sa elevator. May kutob akong may tinatago si Alyson, medyo curious ako kaya palihim ko siyang sinundan. Nasa 10th floor ng hotel ang punta ni, alam kong may malalaman akong ikakasama ng pangalan niya. Kulang pa para sa akin kahihiyang natanggap niya noong fashion week. Syempre hindi ko kailangang magmanman lang, kailangan ko ng ebidensiya. binuksan ko ang celphone ko, Huminto siya sa harap ng isang kwarto. Hindi na ako nagulat sa sumunod na nangyari, binuksan ng isang lalaki ang pinto. Nagyakapan sila at naghalikan sa labas, sapul sa camera ng celphone ko lahat ng kaganapan bago nila maisarado ang pintuan.

Nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon, Sa ngayon maigaganti ko na rin ang sarili ko sa kababuyang ginawa sa akin noon ni Alyson. Pagdating ko sa Condominium ay agad kong inupload gamit ang isang Dummy account sa internet ang boung video. Nilagyan ko ng caption ang naturang video “Ang Kalandian ng Anghel na si Alyson”.

Tiyak na pagkakaguluhan ng madla ang bahong itinatago ni Alyson bukas, palihim akong napangiti sa aking natuklasan. Kinaumagahan hindi ko na binuksan pa ang T.V o mag surf sa internet para kumustahin ang lagay ng Video na aking inapload. Hahayaan ko sila ang makatuklas noon at pagpeyistahan ng boung bansa. Masaya akong pumasok sa opisina, napakalaki ng mga ngiting bumungad sa aking mga labi.

“Handa ka na ba?” si Darcie.

“Handa?. Saan?” kumunot ang aking noo.

“Friend?..di ka ba nasabihan na may out of town pictorial kayo ni Evo?”

“Ha?..No!..why don’t you tell me last night?” naiinis kong sagot, hindi pa naman ako nakapaghanda ng mga sariling belongings ko. Aware ako na may out of town pictorial kami ni Evo but hindi ko alam na gagawin iyon the soonest as possible ng company.

Umupo nalang muna ako sa aking table at humigop ng kapeng hiningi ko sa aking secretary. Abala naman si Darcie sa pakikipagusap sa telepono para ayusin ang mga kailanganin ko sa set. Nang matapos ito sa kausap niya ay lumapit ito sa akin.

“Ok, tumawag na ako sa ibang staff natin. I told them na dumaan sa grocery store at bumili ng mga kailanganin mo doon. I gave them the list na lagging mong dala sa bag mo. And because of that you don’t have the excuse para umuwi pa ng condo mo. I don’t want any delay sa shoot na ito. You know naman ako at ikaw palage ang nakakatikim ng galit ng mga boss natin”.

“Ok, wala na akong magagawa pa. Halika ka na sa sasakyan at makapaglakbay na tayo”pang-iinis ko kay Darcie. Huminga na lamang ito ng malalim bago sumunod sa akin.

Isang malaking Van ang sinakyan namin, halatang personalized ang interior nito. May maliit na kama sa loob kung saan Malaya akong makatulog habang nasa byahe kami. At yun nga ang nangyari, natulog ako. Alam kong napakalayo ng lugar na aming pupuntahan kasi sa haba ba naman ng tulog ko ay nasa byahe parin kami.

Pagdating naming sa set ay mabilis lang din naming nakapagtayo ng mga tent ang mga crew at maiset ang mga lights para sa pictorial. Napansin kong wala pa pala si Evo, mag-iinit na sana ang ulo ko ngunit may isang naka motorsiklo ang dumating naka black leather jacket ito at naka black helmet. Dahan dahan niyang tinanggal ang helmet niya-si Evo nga. Napakagwapo niya sa dating niyang iyon ang astig tingnan.

“Sorry to keep you waiting” sabi niya saka ngiti sa aming lahat.

“Guys give Evo a fast retouch then ibigay sa kanya ang costume niya” sigaw ni Darcie sa mga crew namin.
Naging maayos naman ang takbo ng Pictorial, medyo nagkakailangan kami ni Evo ni hindi ko siya kinikibo sa set. Matapos ng lahat ng dapat i-shoot sa amin ay naglakad-lakad ako sa paligid. Malayo sa kabihasnan ang lugar na iyon, wala kang halos makitang tao sa paligid kaya Malaya kaming nakakagalaw na walang mga usesero sa paligid.

Medyo nalibang ako sa aking pagmumunimuni, hindi ko namalayang ang tagal ko na palang wala sa aming tent. Nagmamadali akong naglakad pabalik. Nagulat ako ng madatnan ang lugar kung saan kami nag set-up ng tent na wala ng kahit sino man doon. Natakot at naiinis ako sa mga oras na iyon. Pagnagkataong nakalimutan nilang hindi ako kasama pabalik ay maglalakad ako sa direksyong hindi ko alam kung saan patungo. Wala akong kahit ano na dala sa aking katawan kundi ang sarili ko lang.

“Sa akin ka na sumakay” isang boses ang aking narinig mula sa aking likuran. Lumingon ako.-si Evo.

“Hinayaan mo silang iwanan ako dito” naiinis kong sabi sa kanya.

“No. I don’t even know you’re still here!” sagot niya na parang walang pakialam sa inis ko.

“Sinungaling!” sigaw ko.

“sinadya mo ito noh?” dagdag ko. Nginitian lang naman niya ako saka pinaandar ang kanyang motor.

“I don’t owe you any explanation. Kung ayaw mong sumakay sa akin, bahala ka” malumanay niyang sagot sa akin. Hindi ako sumagot, tuloy-tuloy siya sa pagpapatakbo ng kanyang motor ni hindi man lamang ito nagpaalam. Kumukulo ang dugo ko sa mga oras na iyon sa kanya. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko na rin halos maklaro ang papalayong imahe ni Evo. Para akong baliw na nag-iisang naglalakad sa daan na wala man lamang katao tao.

Madilim na ang paligid at parang nagbabadya pang umulan, nagsimula narin akong matakot dahil hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makapaniwalang nakaya akong iwanan ni Evo sa ganung sitwasyun. Nag dasal akong hindi sana umulan ngunit parang nakikiisa ang langit sa kamalasan ko ngayon. Umulan ng pagkalakas lakas na sinabayan pa ng nakakabinging kulog at kidlat. Nanginginig ako sa lamig at takot habang nakaupo sa ilalim ng malaking puno. Umiiyak ako.

Nagulat ako ng may biglang naglagay ng jacket sa palibot ng aking basang katawan, napaigtad ako sa takot sa akalang kung sino man iyon, tatakbo n asana ako ngunit niyakap ako nito.

“Bitawan mo ako, parang awa mo na!..bitawan mo ako please” sigaw ko.

“Francis, No,no, si Evo ito I’m sorry!” ng marinig ko ang boses niya’y nahagulgol ako sa iyak. Lumuhod ako para maibsan ang emosyong nasa dibdib ko.

“I’m sorry..ligtas ka na nandito na ako” muli siyang nagsalita habang nakayakap parin sa akin.

“Bakit mo ginagawa ito?” umiiyak parin ako.

“Dahil gusto kitang masolo!, I still love you. Noon, ngayon at kalianman.” Sagot niya na nakapagpatunganga sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit, yakap na kung saan ramdam ko ang pagmamahal niya.

“Handa na akong panindigan ka, whatever it takes” dagdag niya.

“Wag mo ng guluhin ang buhay ko” seryoso kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang mga kamay niyang nakabalot sa aking katawan. Tahimik itong tumayo at tinungo ang kanyang motorsiklo nakailang beses itong nagtry na paandarin ang sasakyan nito ngunit pumapalya parin ito. Ilang oras na siyang kumakasa sa pagpapaandar ngunit lagi siyang bigo.

Apat na oras din ang lumipas hanggang napagod ito. Humiga ako sa ilalim ng malaking puno sanhi ng antok at pagod kahit na binabayo parin kami ng malakas na ulan.Ni hindi ko rin namalayan na nakatulog ako, magmamadaling araw na ng magising ako sa taas ng aking lagnat. Nanginginig ako at hirap huminga.

“Are you ok?” si Evo, lumapit ito sa akin. Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking noo.

“God!, ang taas ng lagnat mo” Binuhat niya ako hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin hanggang sa nawalan ako ng malay.

Itutuloy………..