I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 23
Kinahapunan maaga
akong umuwi, nasa Elevator ako at naghihintay para bumaba sa basement kong
nasaan naka~park ang kotse ko.
"Pwede ba
kitang makausap?"lumingon ako~si Evo.
"May dapat
ba tayong pag~usapan?" mataray kong tanong.
"Kayo na ba
ni Kevin?"
"The hell
you care!" singhal ko saka tumalikod eksakto namang bumukas ang elevator
kaya mabilis akong humakbang papasok. Nabigla ako ng pigilan niya ako sa
pamamagitan ng paghawak sa braso ko ng mahigpit.
"I care
because I love you!" galit niyang sagot. pinilit kong tanggalin ang kamay
nya ngunit mahigpït ang pagkakahawak niya.
"Evo
nasasaktan ako please?"
"Sagutin mo
muna ako..mahal mo pa ba ako?"
"bitawan mo
ako!..nasasaktan ako" muli kong pakiusap, hindi ko pinansin ang tanong
niya.
"BITAWAN MO
SIYA!!!!" boses na galing sa kabilang elevator na kabubukas lang.
napatigil ako, nakita ko ang galit na si Kevin.
Sinugod niya si
Evo ng suntok, na out of balance si Evo kaya napasubsob ito sa sahig. babangon
sana para gumanti si Evo ngunit naunahan na naman siya ng tadyak ni Kevin.
Medyo nawala ako sa sarili, natauhan lamang ako ng makita ko na puno ng dugo
ang mukha ni Evo. parang kinurot ang puso ko ng makita ang taong mahal ko na
nasasaktan. patuloy siyang pinagtatakdyakan ni Kevin kaya parang wala ako sa
sarîli kong tinulak siya palayo kay Evo. Umupo ako at ipitanong sa mga hita ko
ang ulo ni Evo.
"Evo I'm
sorry..are you ok?" nag~aalala kong tanong. hindi ito makasagot agad dahil
namimilipit ito sa sakit.Hindi ko namalayan na pinagtitinginan na kami ng ibang
mga ka~officemate namin.
"I'm sorry
francis hindi ko sinasadya" si Kevin.
"Iwanan mo
na muna kami Kevin please?!!!" galit kong tinuran, parang aso naman itong
sumunod. Nagpakuha ako ng cotton at betadine at nilagyan ang mga sugat ni Evo.
"Anong
nangyari?!!!OMG!! honey are you Ok?" bulalas ni Bianca. Nagulat ako sa
biglang pagsulpot nito, umupo ito sa tabi ko at inilipat ang ulo ni Evo sa mga
hita nito.
"Let me take
good care of my BOYFRIEND, friend" wika ni Bianca. Medyo nasaktan ako sa
sinabi niya at sa paraan ng pag diin niya ng salitang "boyfriend".
Umalis ako,
nakita kong nakatitig sa akin si Evo na para bang ayaw niyang umalis ako.
Ngunit wala akong karapatan sa kanya, may nobya siya at higit na may pakialam
sa kanya.
Tuloy~tuloy ako
sa Elevator na hindi lumilingon, ni hindi ako nagpaalam sa kanila. Ganito pala
pagmahal mo ng totoo ang isagn tao kasi kahit anong kondisyon mo sa isip at
puso mo na matatag ka na, may mga pagkakataon parin na masasaktan ka.
Umiiyak akong
magisa sa loob ng elevator, pagdating ko sa basement kung nasaan naka park ang
kotse ko ay may biglang humablot sa braso ko.~si kevin.
"I'm sorry
best di ko sinasadya"
"Ano ba kasi
ang pumasok sa isip mo at ginawa mo iyon"
"I'm so
sorry"
"Wag mo na
muna akong kausapin"
sagot ko dito,
tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.tumalikod ako sa kanya
para tumungo sa aking kotse .
"Mahal mo pa
ba siya?.."
Napatigil ako sa
aking paglalakad ng marinig ang tanong niya. Nagbuntong hininga ako bago
humarap sa kanya.
"Kung
sasabihin kung Oo?!...anong sasabihin mo?...Na ang tanga~tanga ko?..nagpapakamartyr
ako?..Kevin hirap na hirap na akong labanan ang letsing nararamdaman kong
ito...pagod na pagod na ako" umiiyak kong sagot dito.
Napaluhod ako sa
sahig sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Naramdaman kong basta nalang bumuhos
ang emosyong nagpapahirap sa akin na matagal ng nagtatago sa kaibuturan ng
aking puso.Naramdaman kong yumakap mula sa aking likod si Kevin. pinahiran niya
ng kanyang kamay ang mga luhang dumadaloy sa gilid ng aking mata.
"Sssh....tama
na. nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nahihirapan ka" mas lalong
humigpit ang pagkakayapkap niya sa akin.
"Bakit ang
bait mo parin sa akin?..."
umiiyak kong
tanong kay Kevin, hinawi niya ang bukok kong nakatakip sa mukha ko. Hinawakan
niya ang magkabilang bahagi ng aking pisngi.
"Dahil mahal
kita francis. Mahal na mahal"
Nakita ko yung
sensiridad sa mga mata niya, ngunit paano ko siya mapagbibigyan sa pag~ibig na
gusto niya kung si Evo ang laman nitong puso ko.
"Kevin.."
"Ssshh?...I
know mahal mo parin siya and though it hurts I'm willing to wait" Hinatid
ako niya ako sa condo ko. kinabukasan tumawag ako sa opisina, nagpaalam ako na
magbabakasyon muna. Kailangan ko ng panahon para mag~isip at hanapin ang sarili
ko.
Wala akong balak
na pumunta o magbakasyon sa malalayong lugar. Umuwi ako sa bahay gusto ko ng
mahabang panahon para makasama sila.
Naging masigasig
naman si Kevin sa pagdalaw sa akin halos araw~araw sa bahay. Si Darcie naman ay
nakakausap ko lang sa Skype.
"Anak?...nasa
labas na ang sasakyan ni Kevin naghihintay sayo." si Mommy.
"Teka lang
Mom, aayusin ko muna tong bohok ko"
"Son, I know
you still love Evo. And I'm not in the rigth position anymore to chose the
"which is which" optïon. but why can't you give Kevin a chance?..he
was, and still, he is always been good to you I can tell how much he loves
you" Mahabang salaysay ni Mommy.
"Gustong
gusto ko pong pagbigyan sï Kevin Mom. but you know, I dont want to promise him
somethïng which in the end I'm not sure if I could still hold with that
promise. As of now, I want to enjoy the moment of being in his company"
Gusto kong
kalimutan yung nararamdaman ko para kay Evo, kailangan kong mag~enjoy para
maiwasan yung lungkot sa tuwing naiisip ko si Evo. Alam kong si Kevin ang
makakagawa nun, siya ang kailangan ko para madaling makalimutan si Evo. Hindi
naman siguro ako unfair dahil kailan man hindi ako nangako kay Kevin kaya wala
dapat siyang isumbat na ginawa ko lang siyang panakip butas.
"Kanina ka
pa?" tanong ko kay Kevin.
hinintay na muna
niya akong masarado ang pintuan ng kotse at makaupo ako ng maayos bago nagsalita,
nakangiti lang ito sa akin.
"Medyo. pero
O.k lang sulit naman dahil makakasama naman kita"sagot nito sa akin.
Dinala ako ni
Kevin sa isang mamahaling restaurant. Napakaganda ng lugar dahil damang~dama mo
ang katahimikan doon.
Umorder siya ng
mamahaling wine pagkatapos naming kumain. Unang tikim ko palang sa wine ay
masyado akong nasarapan sa lasa nito, Alam kong the next time around na gigimik
ako ay may paboritong inumin na akong oorderin.
We've talked a
lot of things, we shared every experienced we had while we were far from each
other. Nalaman kong isang PMA cadet sï Kevin, siyay kasulukuyang nasa huling taon ng kanyang training doon.
Nabigyan pala sila ng dalawang buwan na bakasyon at tatlong linggo nalang ay
babalik na ito sa baguio.
Maraming beses
pang naulit ang date naming iyon ni Kevin. Gusto kong pagbigyan siya sa gusto
niyang mangyari ngunit natatakot akong hindi ko kayang pangatawanan ito
hanggang sa huli, masasaktan ko lang siya. Mahalaga si Kevin sa akin at ayaw
kong mawala siya sa buhay ko.
"Wala ba
talaga akong pag~asa sayo?" tanong niya sa akin habang kumakain kami.
"Kevin, for
now gusto kong i~enjoy muna yung moment na ito. masaya tayo, walang iniisip.
mahal kita kevin pero sa ngayon hindi ko alam kung hanggang saan ang pagmamahal
ko sayo"
"Maghihintay
parin ako sayo. kahit saan man ako dalhin nito. ganun kita kamahal
francis" Ngumiti ako sa kanya. hinaplos ko yung kamay niyang nakapatong sa
mesa.
Siguro nga kung
hindi lang dumating sa buhay namin si Evo noon masaya sana kaming nagsasama
ngayon ni Kevin.
Sinulit namin
yung mga natitirang araw sa pamamasyal na magkasama, gusto kong turuan ang puso
kong mahalin si Kevin kahit imposible.
Hindi ko man siya
sinagot sa gusto niya ngunit sa mga kilos at galaw niya, Sa mga ipinapakita nya
sa akin daig pa namin ang bagong kasal.
Natatawa ako sa
mukha ni Kevin sa huling araw ng kanyang bakasyon. Daig pa kasi niya ang
namatayan, nasa dalampasigan kami at nagmamasid sa papalubog ng araw.
"Wag ka
ngang ganyan, para kang temang eh!" sabi ko sa kanya.
"Nag~aalala
lang kasi ako" matamlay niyang sagot.
"bakit ka
naman nag~aalala?"
"Nag~aalala
ako na baka makalimutan mo na naman ako, na baka magkakabalikan kayo ni
Evo"
"Kevin.
hindi, hindi kita makakalimutan. At sa takot mong baka magkabalikan kami ni
Evo?..malabo yun kasintahan niya ang bestfriend ko. I just can't destroy our
friendship just because of one man. tulad mo natatakot akong ibahin yung label
ng relasyon nating bilang magkaibigan dahil sa gusto mo ako. ayaw ko lang kasi
na dumating yung araw na masasaktan khta at masira ang atïng
pagkakaibigan"
"I
understand you. maghihintay ako hanggang sa bukas ka nang magmahal muli sa
iba" Niyakap ako ni Kevin. ayaw kong saktan siya kaya maingat ako sa mga
desisyong gagawin ko.
Kinabukasan hinatid
ko si Kevin sa airport, napakalungkot niya. Sana sa kanya nalang umibig ang
puso ko, ngunit sa ngayon kaibigan lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya.
Balik opisina
narin ako kinabukasan, sinalubong agad ako ng mga naiwan kong trabaho at ng mga
pagtatalak ni Darcie.
"Ang haba ng
buhok mo friend!, akalain mo yun pinag~aagawan ka ng dalawang nagagwapuhang
hunks." ~si Darcie.
"Hindi ba
nagduda yung mga ka~opisina natin tungkoĺ doon?" tanong ko.
"Hindi ko
alam friend, wala naman akong naririnig tungkol doon"
"Kumusta si
Bianca?.." tanong ko uli sa kanya.
"Si Bianca
ba talaga o si Evo?"
"You heard
me rigth?.." tinaasan ko siya ng kilay.
"jowk!...hehehe.
ayon problimado sa love life, paano naman kasi malamig na daw ang pakikitungo
ni Evo sa kanya..Alam mo ba friend?..nagbanta siya na aalamin kung sino ang
kinahuhumalingan ng boyfriend niya"
Napabuntong
hininga ako sa sinabi ni Darcie, hindi ko alam pero nagi~guilty ako sa
sitwasyon nila ngayon.
"Maiba pala
ako friend, may out of town pictorial tayo sa batangas sa makalawa.."
"Kasali ba
ako sa pictorial?"
"Aba naman
syempre...hindi makokompleto ang ads and commercial ng A.S kung walang ALEX"
"Sino ang
makakasama ko?"
"Hot
seat?..ang daming tanong..ofcourse no other than but John Evo
Thompson..country's acclaimed boyish hearthrob"
Hindi ko
mapigilang hindi mag~alala dahil muli na naman kaming magkakasama ni Evo.
Nag-alaala din
ako para kay bianca, paano pagnalaman
niya na nakarelasyon ko noon ang boyfriend niya?, magagalit kaya ito sa akin?.
magbabago kaya ang pagtingin nito sa akin.
Naging busy ako
sa unang araw ng aking trabaho mula ng magbakasyon ako, naipon kasi lahat ng
mga reports.
pagkatapos kung
maayos lahat ng mga dapat kong kompletohin sa aking report ay nagmadali akong
umuwi. Nasa harap na sana ako ng elevator ng madatnan ako ni Darcie.
"Wait!..ngayon
nga lang tayo nagkasama uuwi ka kaagad?, gimik muna tayo friend"
"I'm tired
eh!"
"Ok..don't
you ever talk to me for the rest of your pathetic life"
"Heto naman!
yot so harsh, sige na nga. tara may alam akong pweding matambayan"
"Talaga
friend?..thank you!" umiba ang aura ng mukha ni Darcie mula sa
galit~galitan niyang reaksyon kanina.
Hinintay ko
siyang kunin ang gamit niya sa opisina bago kami sabay bumaba. nasa lobby kami
ng building ng makasalubong namïn si Bianca.
"Friend?..it's
good dahil kompleto tayo"~si Darcie.
"Timing yata
ang pagpasyal ko. I need to unwhine, litseng pag~ibig naman kasi ito
nakakastress" sabi ni Bianca, saka tumingin sa akin. Nginitian ko siya.
kailangan kong magpanggap na walang tensyon sa aming dalawa.
"Hi
frans..pansin ko lang ah mukhang nagbago ka mula ng umuwi tayo dito?"
tanong sa akin ni Bianca.
"A..e..hindi
ah, medyo stressful lang kasi ang mga responsibilidad na ibinigay sa amin dito,
unlike noong nasa states pa ako." pagdadahilan ko.
"Well, maybe
sa akin ka lang ganyan?" mulïng tanong niya. Parang nabulunan ako ng
marinig iyon sa kanya, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin.
"So?, are we
just going to talk here the whole time or we'll keep goin'"~si Darcie. Aĺam kong sinadya niyang putulin ang usapan para maĺigtas ako sa mga banat ni Bianca.
Dinala ko sila doon
sa restaurant na pinagdalhan sa akin ni Kevin. Hindi naman ako nabigo dahil
nagustohan nila pareho ang lugar na iyon.
Umorder ako ng
wine pagkatapos naming kumain, yung katulad sa wine na inorder ni Kevin ang
nirequest ko, alam kong yun ang magiging paborito ko.
Naging masaya
naman ang pag~uusap naming magkakaibigan, ngunit hindi kontento sa wine na
inorder ko si Bianca tinawag nito ang waiter at umorder ng inuming malakas
makatama. Pinigilan siya nï Darcie pero hindi ito nagpatinag, tumahimik na
lamang ako.
Nakailang lagok
din ito bago tinamaan ng pagkalasing.
"Ang tanga
tanga ko nuh?....bakit kasi lage nalang niya akong sinasaktan" umiïyak na
atungal ni Bianca, alam kong si Evo ang tinutukoy niya.
"Pagsubok
lang yan friend" sabi ni Darcie.
"Nahihirapan
na kasi ako, nararamdaman kong may iba siyang mahal. Malilintikan sa akin kung
sino man ang taong mahal niya."
Nakaramdam ako ng
pagkabahala ng marinig ang mga sinabi ni Bianca.
Hindi ko inaasahan
na magwawala ito sa loob ng restaurant. Pinauna ko si Darcie na lumabas ng
establisimentong iyon para gabayan si Bianca, nagpaiwan ako para bayaran ang
bill namin.
Naiwan nga ako sa
hotel, papalabas na sana ako ng mahagip ng mata ko si Alyson na nag mamadaling
sumakay sa elevator. May kutob akong may tinatago si Alyson, medyo curious ako
kaya palihim ko siyang sinundan. Nasa 10th floor ng hotel ang punta ni, alam
kong may malalaman akong ikakasama ng pangalan niya. Kulang pa para sa akin
kahihiyang natanggap niya noong fashion week. Syempre hindi ko kailangang
magmanman lang, kailangan ko ng ebidensiya. binuksan ko ang celphone ko,
Huminto siya sa harap ng isang kwarto. Hindi na ako nagulat sa sumunod na
nangyari, binuksan ng isang lalaki ang pinto. Nagyakapan sila at naghalikan sa
labas, sapul sa camera ng celphone ko lahat ng kaganapan bago nila maisarado
ang pintuan.
Nagmamadali akong
umalis sa lugar na iyon, Sa ngayon maigaganti ko na rin ang sarili ko sa
kababuyang ginawa sa akin noon ni Alyson. Pagdating ko sa Condominium ay agad
kong inupload gamit ang isang Dummy account sa internet ang boung video.
Nilagyan ko ng caption ang naturang video “Ang
Kalandian ng Anghel na si Alyson”.
Tiyak na
pagkakaguluhan ng madla ang bahong itinatago ni Alyson bukas, palihim akong
napangiti sa aking natuklasan. Kinaumagahan hindi ko na binuksan pa ang T.V o
mag surf sa internet para kumustahin ang lagay ng Video na aking inapload.
Hahayaan ko sila ang makatuklas noon at pagpeyistahan ng boung bansa. Masaya
akong pumasok sa opisina, napakalaki ng mga ngiting bumungad sa aking mga labi.
“Handa ka na ba?”
si Darcie.
“Handa?. Saan?”
kumunot ang aking noo.
“Friend?..di ka
ba nasabihan na may out of town pictorial kayo ni Evo?”
“Ha?..No!..why
don’t you tell me last night?” naiinis kong sagot, hindi pa naman ako
nakapaghanda ng mga sariling belongings ko. Aware ako na may out of town
pictorial kami ni Evo but hindi ko alam na gagawin iyon the soonest as possible
ng company.
Umupo nalang muna
ako sa aking table at humigop ng kapeng hiningi ko sa aking secretary. Abala
naman si Darcie sa pakikipagusap sa telepono para ayusin ang mga kailanganin ko
sa set. Nang matapos ito sa kausap niya ay lumapit ito sa akin.
“Ok, tumawag na
ako sa ibang staff natin. I told them na dumaan sa grocery store at bumili ng
mga kailanganin mo doon. I gave them the list na lagging mong dala sa bag mo.
And because of that you don’t have the excuse para umuwi pa ng condo mo. I
don’t want any delay sa shoot na ito. You know naman ako at ikaw palage ang
nakakatikim ng galit ng mga boss natin”.
“Ok, wala na
akong magagawa pa. Halika ka na sa sasakyan at makapaglakbay na tayo”pang-iinis
ko kay Darcie. Huminga na lamang ito ng malalim bago sumunod sa akin.
Isang malaking
Van ang sinakyan namin, halatang personalized ang interior nito. May maliit na
kama sa loob kung saan Malaya akong makatulog habang nasa byahe kami. At yun
nga ang nangyari, natulog ako. Alam kong napakalayo ng lugar na aming
pupuntahan kasi sa haba ba naman ng tulog ko ay nasa byahe parin kami.
Pagdating naming
sa set ay mabilis lang din naming nakapagtayo ng mga tent ang mga crew at
maiset ang mga lights para sa pictorial. Napansin kong wala pa pala si Evo,
mag-iinit na sana ang ulo ko ngunit may isang naka motorsiklo ang dumating naka
black leather jacket ito at naka black helmet. Dahan dahan niyang tinanggal ang
helmet niya-si Evo nga. Napakagwapo niya sa dating niyang iyon ang astig
tingnan.
“Sorry to keep
you waiting” sabi niya saka ngiti sa aming lahat.
“Guys give Evo a
fast retouch then ibigay sa kanya ang costume niya” sigaw ni Darcie sa mga crew
namin.
Naging maayos
naman ang takbo ng Pictorial, medyo nagkakailangan kami ni Evo ni hindi ko siya
kinikibo sa set. Matapos ng lahat ng dapat i-shoot sa amin ay naglakad-lakad
ako sa paligid. Malayo sa kabihasnan ang lugar na iyon, wala kang halos
makitang tao sa paligid kaya Malaya kaming nakakagalaw na walang mga usesero sa
paligid.
Medyo nalibang
ako sa aking pagmumunimuni, hindi ko namalayang ang tagal ko na palang wala sa
aming tent. Nagmamadali akong naglakad pabalik. Nagulat ako ng madatnan ang
lugar kung saan kami nag set-up ng tent na wala ng kahit sino man doon. Natakot
at naiinis ako sa mga oras na iyon. Pagnagkataong nakalimutan nilang hindi ako
kasama pabalik ay maglalakad ako sa direksyong hindi ko alam kung saan patungo.
Wala akong kahit ano na dala sa aking katawan kundi ang sarili ko lang.
“Sa akin ka na
sumakay” isang boses ang aking narinig mula sa aking likuran. Lumingon ako.-si
Evo.
“Hinayaan mo
silang iwanan ako dito” naiinis kong sabi sa kanya.
“No. I don’t even
know you’re still here!” sagot niya na parang walang pakialam sa inis ko.
“Sinungaling!”
sigaw ko.
“sinadya mo ito
noh?” dagdag ko. Nginitian lang naman niya ako saka pinaandar ang kanyang
motor.
“I don’t owe you
any explanation. Kung ayaw mong sumakay sa akin, bahala ka” malumanay niyang
sagot sa akin. Hindi ako sumagot, tuloy-tuloy siya sa pagpapatakbo ng kanyang
motor ni hindi man lamang ito nagpaalam. Kumukulo ang dugo ko sa mga oras na
iyon sa kanya. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko
na rin halos maklaro ang papalayong imahe ni Evo. Para akong baliw na
nag-iisang naglalakad sa daan na wala man lamang katao tao.
Madilim na ang
paligid at parang nagbabadya pang umulan, nagsimula narin akong matakot dahil
hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makapaniwalang nakaya akong iwanan ni Evo
sa ganung sitwasyun. Nag dasal akong hindi sana umulan ngunit parang nakikiisa
ang langit sa kamalasan ko ngayon. Umulan ng pagkalakas lakas na sinabayan pa
ng nakakabinging kulog at kidlat. Nanginginig ako sa lamig at takot habang
nakaupo sa ilalim ng malaking puno. Umiiyak ako.
Nagulat ako ng
may biglang naglagay ng jacket sa palibot ng aking basang katawan, napaigtad
ako sa takot sa akalang kung sino man iyon, tatakbo n asana ako ngunit niyakap
ako nito.
“Bitawan mo ako,
parang awa mo na!..bitawan mo ako please” sigaw ko.
“Francis, No,no,
si Evo ito I’m sorry!” ng marinig ko ang boses niya’y nahagulgol ako sa iyak. Lumuhod
ako para maibsan ang emosyong nasa dibdib ko.
“I’m
sorry..ligtas ka na nandito na ako” muli siyang nagsalita habang nakayakap
parin sa akin.
“Bakit mo
ginagawa ito?” umiiyak parin ako.
“Dahil gusto
kitang masolo!, I still love you. Noon, ngayon at kalianman.” Sagot niya na
nakapagpatunganga sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit, yakap na kung saan
ramdam ko ang pagmamahal niya.
“Handa na akong
panindigan ka, whatever it takes” dagdag niya.
“Wag mo ng
guluhin ang buhay ko” seryoso kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang mga kamay
niyang nakabalot sa aking katawan. Tahimik itong tumayo at tinungo ang kanyang
motorsiklo nakailang beses itong nagtry na paandarin ang sasakyan nito ngunit
pumapalya parin ito. Ilang oras na siyang kumakasa sa pagpapaandar ngunit lagi
siyang bigo.
Apat na oras din
ang lumipas hanggang napagod ito. Humiga ako sa ilalim ng malaking puno sanhi
ng antok at pagod kahit na binabayo parin kami ng malakas na ulan.Ni hindi ko
rin namalayan na nakatulog ako, magmamadaling araw na ng magising ako sa taas
ng aking lagnat. Nanginginig ako at hirap huminga.
“Are you ok?” si
Evo, lumapit ito sa akin. Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking noo.
“God!, ang taas
ng lagnat mo” Binuhat niya ako hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin
hanggang sa nawalan ako ng malay.
Itutuloy………..
Sa wakas may update na din. Author sana naman po at least 2-3 weeks po ang update masyadong matagal na kaming nag iintay sa update niyo.
TumugonBurahinpls. mr. author wag ka namn tamarin s pagsulat, marami nagiintay ni2.
TumugonBurahinmagaling ka nga tamad namn..
peace...
Bago ka magcomment ng negative alamin mo muna kung ano ang dahilan nya... Magbasa ka ng post nya explaining bakit natatagalan... How INCONSIDERATE you can get... Nakakabuset ka... He's doing his best to update kahit wala syang resources... Just so you know... :((
TumugonBurahinWaah! :3
TumugonBurahinNice. Ang galing. Excited for the next chapter.
TumugonBurahinhala suntokan nayan,HAHAHAHAHA
TumugonBurahinWala na atang update. Hehe.. we are still waiting for your update mr. Author. Isa kasi to sa magandang story na nabasa ko. Thanks and God bless!
TumugonBurahinUpdate please author.
TumugonBurahinUpdate please author.
TumugonBurahinUpdate please author.
TumugonBurahin