Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me sa comment box sa ibaba.
open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 3
Gusto kong habulin si Kevin, gusto kong sagipin ang aming pagkakaibigan alam kong sa mga panahong ito ay hindi ko alam kong may nararamdaman rin ako sa kanya ang tanging alam ko lang ay mahalaga siya sa buhay ko at ayaw kong mawala siya. Siya nalang yung alam kong kakampi at karamay ko sa lahat ng bagay kaya takot akong magkaroon ng lamat at tuluyang masira ang aming pagkakaibigang matagal naming binuo. tumakbo ako palabas ng bahay tinumbok ko ang daan palabas ng aming subdivision umaasang hindi pa nakakasakay si Kevin pero huli na dahil nakita ko siyang nakapara na ng taxi na may kalayuan mula sa aking kinatatayuan hindi ko na siya nagawang abutan pa. bumalik ako sa bahay na parang buhat buhat ko ang mundo natatakot akong baka tuluyan nang magwakas ang aming magandang samahan ni Kevin panatag ang loob ko sa kanya at parang kay saya ko sa tuwing kami ay magkasama nagkakaroon ng ibang dimensyon ang aking mundo kapag kapiling ko siya hindi ko man alam kong alin doon ang pagmamahal para sa isang kaibigan at pagmamahal para sa higit pa doon pagmamahal na masasabi nating para lang sa magkasintahan.
Hindi ako nakatulog ng maayos gustohin ko man pero hindi mawala sa isip ko si Kevin all this time naniwala akong para lang sa isang kaibigan ang kanyang ginagawang kabutihan sa akin nakaramdam ako ng pagkaawa sa kanya at pagkainis sa aking sarili dahil hindi ko man lang nabigyan ng pansin iyon hindi ko nga lang masisisi ang aking sarili dahil sa edad kong ito ay hindi ko alam kung ang ginagawa ng isang tao para sa iyo ay para lang sa isang kaibigan o para sa taong kanyang minamahal.
Hindi parin ako nakapasok kinabukasan dahil sa black eye ko hinintay ko muna itong mawala bago pumasok mga tatlong araw din akong lumiban sa klase masama parin ang loob ko sa aking pamilya kaya halos hindi na ako nagpapakita sa kanila at nagkukulong nalang ako sa kwarto. Sa wakas ay nawala din ang black eye ko kaya umaga palang ay excited na akong makarating sa school ganun pa rin ang set up ko sa canteen pa rin ako tumatambay tuwing umaga habang wala pa masyadong tao sa school, walang iba akong iniisip kundi si Kevin at ang nanganganib naming pagkakaibigan kaya kahit hindi pa ako talaga sigurado kung mahal ko rin ba talaga si Kevin o hindi pero disidido na akong tugunan ang kanyang damdamin para lang hindi siya mawala sa akin.
nasa ganoon akong pagmumunimuni ng naalimpungatan ako sa lakas ng tawanan ng isang grupo na papasok pa lamang sa canteen at alam kong ang mga varsity student na naman ito at syempre sino pa ang lider nila kundi si Evo hindi ko alam pero mainit talaga ang dugo ko sa kanya siguro nga dala lang ito ng mga nakikita at naririnig kong mga haka haka tungkol sa kanya na chick boy daw bully at ang huli ay ang bad boy image niya. Alam kong sikat siya dahil isa siya sa super star ng basketball sa campus at higit sa lahat ang kanyang angking kagwapuhan na sabi nga daw nila isa sa pina ka hot na campus heart throb sa school.
Nilingon ko sila parang mga celebrity lamang na pinagtitinginan ng lahat pero iba ang dating nila sa akin napipreskuhan ako sa kanila, buti nalang at iba si Kevin sa kanila kahit na napabilang ito sa mga campus heart throb ay nanatili itong humble at very down to earth attitude, oo nga pala bakit wala pa ang mokong na iyon?, kanina pa ako nandito ah bakit wala parin siya nasanay kasi akong dito niya ako laging pinupuntahan tuwing hindi pa nag uumpisa ang klase.
inikot ko ang aking mata sa kaliwa pero bigo wala siya, sa kanan hmm? wala din, doon kaya sa!... omaygush?...tama ba tong nakikita ko?, kasama na nila Evo si Kevin at parang nakikiisa narin siya hindi man lang ako pinansin nito o di kaya tapunan ng tingin bigla akong nakaramdam ng lungkot at kirot sa puso ko pero ayaw kong ipakita na naaapektuhan ako inisip ko nalang nasa mahigit apat na araw na wala ako sa school siguro ay napilitan na lamang si Kevin na sumama sa kanila at marahil ay hindi lang niya ako nakita at hindi rin niya alam na pumasok na ako ngayon ayaw ko rin siyang tawagin mula sa grupo nila dahil ayaw
kong matawag na epal.
Sa wakas tumunog na ang chime bell ng school nauna na akong pumunta sa room namin doon ko na susurprisahin si Kevin gusto kong sabihin sa kanya na mahalaga siya sa akin at mahal ko rin siya hindi ko man alam sa ngayon kung gaano ko siya kamahal pero ayaw kong mawala siya. Nakita kong nagsipasukan na rin ang iba ko pang mga kaklase at ang mga ka grupo ni Evo kasama si Kevin.
Hinintay ko si kevin na makaupo na sa upuan katabi ng sa akin, nagpakawala ako ng isang buntong hininga kumbaga nag wawarming-up ako para maka buylo. nagpakawala ako ng isang matamis na ngiti ng mapalingon siya sa akin pero laking gulat ko ng dinaanan lang niya ako ng kanyang tingin at nilipat ito sa ibang direksyon na wala man lang ka emo-emosyon blangko ito na para bang hindi ako nakita, sa likod siya umupo malapit sa grupo nila Evo, para akong nanlumo sa mga pinapakita niya sa akin nasasaktan ako sa mga nangyayari siguro nga hindi lang ako sanay dahil boung buhay ko ay palagi akong nagiisa at sa kanya ko lang naranasang magkaroon ng isang kaibigan at karamay. masakit pala pag dinidedma ka ng isang taong alam mong mahalaga sa iyo para kang sinasaksak ng paunti-unti hindi ko namalayang namumuo na pala ang aking mga luha sa gilid ng aking mata kaya bago pa man ito bumagsak ay agad akong tumayo at lumabas patungo sa C.R doon ko inubos lahat ng luha na maaaring lumabas pa gustong ubusin ito bago pa man ako makabalik sa klase pero ano ba tong klasing luha na to walang kaubusan.
Matagal akong namalagi sa C.R sinigurado ko muna na maayos ang aking mukha bago bumalik sa klase ayaw kong mapansin nila na galing ako sa matinding iyakan. nagkaklase na ang aming guro ng makabalik ako minabuti kong yumuko habang papasok sa loob pabalik sa aking upuan para hindi mahalata ang namumugto kong mga mata. napansin kong nakatingin sa akin si kevin mula sa gilid ng aking mata isang malungkot na tingin.
Natapos ang boung araw na klase ng wala man lang pumasok sa aking utak binalot ako ng matinding kalungkutan, sa school na lang kasi sana yung lugar kung saan ako laging masaya kasama si Kevin pero pati dito kinuha pa. Malungkot akong lumabas ng school nag-iisang naglalakad ayaw ko naman umuwi ng maaga dahil galit parin ako kina papa kaya naisipan kong sa labas nalang kumain at hintaying lumalim ang gabi para pagdating ko sa bahay ay tulog na silang lahat.
Sa Jollibee ko piniling kumain at magpalipas ng oras umorder ako ng isang chiken joy, spagghetti at large coffee float at large na french fries sinigurado kong marami ang aking inorder para mas matagalan ako. tahimik at dahan dahan ako sa aking pagkain kahit na ang isip ko talaga ay wala sa aking kinakain lumilipad ito sa malayong parte ng aking utak kong saan sinasariwa ang sitwasyon namin ni keven.
"Bakit kaya ganoon nalang siya kalamig sa akin ngayong araw samantalang kagabi sinabi niyang mahal niya ako" tanong ko sa aking isip.
Nasa ganoon akong pagmumunimuni ng may nakita akong lalaking pumasok sa loob ng fast food chain alam k9 sa tikas at kilos palang kilala ko siya si keven, nabuhayan ako ng loob hindi muna ako nagpahalata na naroon nga ako hinintay ko siyang matapos ang kanyang pag-order at humanap ng kanyang mauupuan alam kong malungkot siya kasi nakikita ko sa kanyang mga mata kabisado ko na lahat ng facial expression niya kaya alam ko kung kailan siya masaya o malungkot.
tumayo ako medyo kinakabahan pero bahala na si batman gusto ko lang sabihin sa kanya ang aking nararamdaman kahit na hindi ako sigurado kung katulad din ba ito sa nararamdaman niya para sa akin ang importante sa akin ay ang bumalik ang dating kami ang bumalik ang bestfriend ko. tumayo ako sa harap niya noong una ay nabigla siya ng makita ako pero hindi naglaon ay naging kalmante ito poker face kumbaga ang dating niya iba sa mga nakasanayan ko umupo na ako sa upuan na nakaharap sa kanya .
"Ah..eh tol, pwede ba kita makausap?" ang medyo kinakabahan kong boses.
"tugkol saan?." tanong niya na wala manlang kaemo-emosyon.
"t..tungkol sa atin, yung kagabi, hind..." pinutol niya ang aking dapat sabihin kaya nabigla ako.
"Look, I didn't mean it last night i was just drunk and please don't get me wrong about that and please forget it and I want to ask you one favor" diritsahan niyang sabi hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman pero nasasaktan ako pero minabuti kong itago muna ang aking emosyon sa kanya kahit na mahirap.
"ok, what is that?." mahina kong tanong.
"STAY AWAY FROM ME" wlang pakundangan niyang sagot para akong pinalo ng pagkalakas lakas sa aking batok ng isang matigas na bagay hindi ako makapaniwalang sa ganoon kabilis na desisyon lang matatapos ang matagal na naming pagkakaibigan I feel like betrayed and rejected ayos lang kung sa iba ko iyon maririnig pero walang kasing sakit ang marinig iyon sa taong itinuring mo ng bestfriend.
"what do you mean?, I don't understand kevin?." nalilito kong tanong sa kanya alam kong hindi niya ako binibiro dahil nakikita ko iyon sa kanyang mga mata.
"Bingi ka ba?, I know you get it you're smart" medyo naiinis niyang sabi.
"May nagawa ba akong mali?, Did I hurt you?, ganyan na lang ba kadali sayo ang lahat after all this years we're bestfriends, ganyan nalang ba kalaki ang galit mo sa kin para ganitohin mo ako?, hindi ako maniniwala sayo hanggat hindi mo ako mabibigyan ng valid reason. kevin sana maging patas ka, ayaw kong masira ang ating pinagsamahan alam mong ikaw nalang tong pinanghuhugutan ko ng lakas" sa pagkakataong ito hindi ko na nakayanan pa ang bigat ng aking dindala kusang dumaloy ang aking mga luha.
"Sorry pero kailangan na nating putulin kung ano man ang meron tayo"
Tumayo siya at kinuha ang inorder niya at tuloy-tuloy na siyang lumabas ni hindi man lang nagawang lingunin ako, napakabigat ng aking dinadala parang sasabog ang puso ko sa sakit hindi ko talaga siya maintidihan kung bakit ganun nalang kadali sa kanya ang lahat parang ibang kevin ang nasa harap ko kanina yung dating kevin ay hindi kayang pagmasdan akong malungkot.
Hindi ko na inubos pa ang aking mga inorder tila wala na ring panlasa ang aking dila para kumain pa, lumabas ako at naglakad na tila walang patutunguhan sa mga oras na ito wala akong gustong gawin kundi ang maglakad kahit saan pakiramdam ko na nag-iisa nalang ako walang karamay parang walang nagmamahal lahat sila ayaw sa akin lahat sila'y parang iniiwasan ako.
Nasa ganoon akong paglalakad nang hindi ko namalayang nasa gitna na pala ako ng highway naalimpungatan nalang ako ng may isang maliwanag na ilaw na mabilis na paparating sa akin.
SPLAAAAKKKKKKKKKKKKK...........
Itutuloy......................
PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.