Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Note: sorry if hindi ko mabigyan ng hustisya yung paggamit ng walkie talkie, wala kasi akong kaalam-alam paano gamitin yun eh hehehehe.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 14
Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa
trahedyang nangyari sa amin, mali man siguro na sabihing natutuwa ako sa
nangyari pero iyon ang sinasabi ng puso ko. Isa sa mga magagandang nangyari sa
akin ay ang walang tigil na pagpapadama nila Daddy, Mommy at kuya ng kanilang
pagmamahal sa akin. Dahil sa isang linggong pahinga ang ibinigay sa akin ng
aming prinsipal ay laging maagang umuuwi ang busy kong pamilya para sabay-sabay
kaming kumain sa labas at kung may oras pa ay nanunuod kami ng sine. At higit
sa lahat, sobrang saya ko dahil kung hindi nangyari ang lahat hindi ko
makikilala ang totoong pagkatao ng taong laman ng puso ko ngayon, ang taong
nagturo sa akin kung papano magmahal, Oo alam kong mabibigo lang ako kapag
ipinagpatuloy ko pa ang nararamdaman kong ito pero kahit papaano ay naramdaman
kong nagmahal at minahal ako sa sandaling panahon.
Mahigit isang linggo narin kaming hindi nagkikita
at wala man lamang kaming kontak sa isa't-isa kaya namimis ko na siya. Wala
akong ibang ginagawa sa gabi bago matulog kundi ang sariwain yung mga
masasayang araw naming dalawa sa isla, Ngayon hindi na ako makapaghintay pa na
matapos ang gabing ito dahil bukas na ang unang araw ng aking pagbabalik
eskwela matapos ang halos apat na buwang nawala. Matutulog na sana ako ng marinig
ko ang pagkatok ng kung sino man sa pintuan ng aking kwarto.
"Pasok hindi naka-lock yan" sigaw ko.
hinintay kung iluwa ng pinto ang taong kumakatok at nakita kong si Kuya Nico. Muli akong bumangon sa aking kama at
umupo sa isang upuan na katabi lang din ng aking kama.
"kumusta na?" malambing na tanong niya
sa akin.
"Heto excited." proud kong sagot.
ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking buhok.
"Masaya kaming nakikitang masaya ka
tol."
"Salamat kuya, and I'm sorry for being so
rude before" mapagkumbaba kong sabi.
"Wala kang kasalanan. kahit kami nila Daddy
at Mommy at may pagkukulang sayo kaya heto kami ngayon bumabawi. You never knew
how hard it was for us nung nawala ka" mahabang sagot ng kuya nico ko.
niyakap ko siya ng mahigpit, siguro sapat na yun para sabihing mahal na mahal
ko sila.
"Let's forget the past kuya, I think it's
time for us to move on and start something new."
"Tama ka bro, pa kiss nga" sagot niya
sabay halik sa pisngi ko.
"KUYA!!!" sigaw ko pagkatapos niya
akong halikan sabay pahid ng aking kamay sa mukha ko kung saan niya ako
hinalikan.
"Bawal na ba ngayon halikan ang baby bro
ko?" pag-aasar pa niyang lalo.
"Kuya?. I'm too old to be your baby
bro."
"Para sa amin ikaw parin ang baby ng
pamilyang to" sagot niya sabay gulo sa buhok ko.
"kuya?, nakaka-ilang naman eh"
"Okey, okey kung ayaw mo fine. pero maiba
ako, tumawag si Kevin sa akin dito kanina tinatanong if pwede
ka ba daw niyang
sunduin bukas dito para sabay na kayong pumunta ng school"
"Diba sabi ng Dad ikaw na ang personal
driver ko?. So why do your job for me?" mataray kong sagot. ngumiti na
lamang ang kuya niko ko.
"Okey. if that's what you want. na miss din
naman kita. sige na baby bro matulog kana at maaga kapa bukas. tatawagan ko
nalang yung hilaw mong bestfriend na wag na siyang mag-abala."
"thanks kuya, good night"
Kinabukasan maaga akong nagising, para akong
pre-school student na unang araw sa klase at excited na excited. Hindi na ako
makapaghintay na muling makaapak sa school at makitang muli ang dalawang bestfriend
kong sina Kim at Kevin at higit sa lahat ang muling makita si Evo. Natigilan
ako sa aking pag-aayos ng may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.
"Sir, hinihintay na po kayo ng kuya mo sa
garahe" Si manang fe ang katulong namin.
"Sabihin nyo po manang baba na po ako,
sandali nalang po" sagot ko habang abala sa pagpasok ng mga note books ko
sa aking bag. bago ako lumabas ng aking kwarto ay sinulyapan ko muna ang aking
sarili sa malaki kong salamin at nagpacute effect.
"Let's go?" tanong ko kay kuya na noon
ay naka-pwesto na sa driver's seat.
"Mukhang hindi obvious na excited ka bunso
ha?"
"Mukha nga hehehe".
Napakasaya namin ni Kuya habang bumabyahe, kwento
dito, kwento doon kaya halos hindi na namin namalayan na malapit na pala kami
sa school ko.
"Bunso, susunduin nalang kita mamaya
pagkatapos ng klase ko ha?,"
"okey kuya.. sige na bababa na ako baka
malate ka pa medyo malayo pa naman ang school mo."
"okey, bye.." sagot ni kuya. tuluyan
narin akong bumaba at kinawayan na lang si kuya habang papalayo ang
kotse niya. Hindi na ako nagpahatid pa
sa loob ng campus minabuti kong sa harap na mismo ng gate ako ibaba ni kuya.
Iba't-ibang emosyon ang naninirahan sa aking
dibdib noon, para bang masaya na kinakabahan. Tahimik akong pumila para
magpa-fresking sa aming school guard medyo mahaba na kasi ang pila dahil halos
sabay nagsidatingan ang lahat ng mga estudyante, ganun talaga sa school namin
napaka strict sa security kasi kailanagn talaga naming magpakap-kap at
magpa-check ng aming mga gamit bago pumasok para masigurong walang masasamang
bagay ang makakapasok sa school.
Habang naghihintay ng aking turn minabuti ko
libangin ang sarili sa paglalaro ng candy crash sa cellphone ko, hindi ko
napansin na ako napala ang susunod kaya ipinasok ko na muna sa bulsa ko ang
aking cellphone at nagpakapkap sa gwardya.
"Uy, Sir Welcome back po!" masaya at
malakas na bungad ng gwardiya sa akin sanhi para lingunin ako ng mga
estudyanting nasa paligid, nagsibulungan sila at para akong natutunaw sa hiya
dahil sa alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil narin siguro sa nagyaring
trahedya. Mabilis kong nilisan ang gate nagmamadali ako naglakad para tuntunin
ang aking classroom, laking gulat ko ng mapadaan ako sa harap ng flag pole ng
school dahil may malaking banner doon at naka-imprinta ang mga mukha namin ni
Evo, nakakataba lang ng puso na mainit ang pagtanggap ng school sa amin.
Nasa ikalawang palapag pa ang classroom namin
kaya kailangan kong dumaan sa mainstair ng school, Nagulat ako ng may pumiring
sa aking mga mata -si Kevin.
"Na miss kita" bulong niya sa tenga ko.
inalis ko ang mga kamay niya na nakapiring sa aking mga mata at hinarap siya.
"pwede bang good morning muna?" sagot
ko sa kanya na nakangiti. may sasabihin pa sana ang mokong pero napatigil kami
dahil sa may narinig kaming palakpak mula sa iisang tao na noon ay nasa aming
likuran, halos sabay kaming napalingon ni Kevin.
"Perfect timing yata ako ha?" si Kim,
abot tenga ang kanyang ngiti na mas lalong nagpatingkad sa kayang anking
kagandahan.
"Friend, kumusta?" tanong ko sabay biso
dito.
"I'm great especially that you're back"
"Salamat" maikli kong sagot sa kanya.
"Alam mo bang halos mangayayat itong si
Kevin sa kaiisip kung papano ka mahahanap?, ang swerte mo friend?" malakas
na atungal ni kim, sinubukan siyang patahanin ni Kevin sa pag-cover ng bunganga
nito pero mabilis itong umilag para matapos lamang ang kanyang sasabihin.
napangiti nalamang ako dahil hindi ko inaakalang magiging close din pala ang
dalawang ito.
"Ah ganun pala ah bukingan?" hirit ni
kevin.
"Totoo naman ah, diba friend naniniwala ka
sa akin?" sagot ni kim.
"Ewan ko sa inyo, hali na nga tayo baka
mahuli pa tayo eh" pagputol ko sa kanila. sumunod na lamang ang mga ito na
para bang mga aso sa aking likuran. Sa hindi
sinasadyang pagkakataon ay nahagip ng aking paningin si Evo, biglang bumilis
ang pagtibok ng aking puso, gusto ko mang lapitan siya at yakapin pero
kailangan kong pigilan ito.
Alam kong nakatingin siya sa akin at gusto niya
akong lapitan pero hindi siya makahanap ng tyempo dahil mahigpit na nakapulupot
sa kanya si Alyson at ako nama'y may
dalawang kaibigang laging nakabuntot sa akin. Binilisan ko ang paglalakad paakyat para maiwasan
siya. Hinawakan ako sa braso ni Kevin para patigilin ako.
"May problima ba?" nagtataka niyang
tanong sa akin. nakalimutan kong may mga kasama pala ako.
"A..e wala naman. gusto ko lang makarating
tayo agad sa room" pagdadahilan ko.
"Friend?, meron pang 30 mins bago ang time.
kung makapaglakad WAGAS..hinayhinay lang naman nahahapo na ako sa kahahabol
sayo" reklamo ni Kim.
"Sorry na po." sagot ko sa kanila.
Gusto ko mang sulyapan muli si Evo pero parang
hindi ko yata kakayanin na makitang magkasama sila ni Alyson, ganito pala
kasakit ang mararamdaman kapag nagseselos ka.Alam ko naman na wala akong karapatang magselos
dahil una palang alam ko ng sila naman talaga ang dapat sa isa't-isa. Sa tuwing
naiisip kong wala pala akong karapatan para magselos ay mas lalong nasasaktan
ako.Muli akong nagbagal ng lakad para makasabay sa
dalawa kong kaibigan at minabuti kong yumuko nalamang ng tingin para maiwasan
si Evo.
Tahimik lang ako ng makarating kami sa classroom,
binati ako ng mga kaklase ko at sinuklian ko na lamang sila ng isang ngiti. Wala
paring humpay ang pagkikwento ni Kim sa mga pinagagawa ni Kiven habang nawawala
ako, ikinwinto rin niya kung papaano sila naging close ng mokong na ito.
Tahimik lamang akong nakikinig sa mga asaran at patutsadahan ng dalawa, gusto
ko mang maging masigla pero nababalot ng lungkot ang puso ko ng umagang iyon
taliwas sa nararamdaman ko habang papunta pa lamang ng school.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng dumating si Evo
at Alyson kasama ang mga barkada nito na pawang mga varsity student. Tulad ng
dati sila parin ang pinakamaingay na grupong pumapasok sa room, nagtatawanan
sila pero napansin ko si Evo na para bang wala sa sarili. Tahimik lamang itong
naglalakad papasok habang si Alyson naman ay parang lintang hindi
matanggal-tanggal ang mga kamay sa mga braso ni Evo.
Bigla naman silang natahimik ng ilang minuto bago
sila nakapasok ay dumating ang aming guro. Nag ayos muna ang aming guro ng
kanyang mga gamit sa kanyang table bago ito tumayo sa aming harapan at binati
kami.
"Well class, as you now see nakabalik na
sina Evo at Francis and we're glad to see them came home safe. As part of our
new topic for our third grading period in Elective English about the story of
survival, A family who was been shipwrecked and found themselves in an isolated
island. The title of this story is
"Swiss Family Robinson". So before we proceed to our formal
discussion let us welcome and hear their own original story of survival for
almost four months in a far away yet undiscovered island in the pacific. So let
me request Mr. Thompson and Mr. Lopez to come infront and give us a slight
insight of your experience."
Nagpalakpakan ang aming mga kaklase sa amin ni
Evo, naunang tumayo si Evo at pumunta sa harapan. Alam kong sana'y siyang
magsalita sa harap ng maraming tao, pero ako hindi parin sanay na nakatayo sa
harap ng aking mga kaklase kaya medyo pinilit muna ako nina Kim at Kevin para
tumayo.
"So Mr. Thompson can you tell us how'd you
survived for almost four months in an island without anything but Mr.
Lopez?" unang tanong ng aming guro sa kanya. Nakatayo ako mga tatlong dipa
mula sa kinatatayuan ni Evo kaya medyo malayo kami sa isa't-isa.
"Actually I'm not calling it as
"survival", we have everything we need there. food and water were
abundant, just because it was the only
two of us lived there. there were a lot of fruits surrounds us and the
place itself feels like heaven, crystal clear beach and virgin lagoon with a
bunch of orchids and other kinds of flowers were on the area." pagmamalaki
ni Evo.
"And it doesn't matter if you believe it or
not but I was grateful for that tragedy, because I discovered something in me
that until now is making me smile." dugtong niya, binalingan niya ako ng
tingin ng binanggit niya ang salitang IS MAKING ME SMILE para akong
binuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan.
"Wow what a twist...so your story Mr.
Thompson made me impressed. So you all heard that class?, it seems that he
enjoyed staying in that island." parang hindi makapaniwalang komplimento
ng aming guro.
"So what is that discovery of yours that is
making you smile?, can you tell us about that?" dagdag na tanong ng aming
guro.
"I'm sorry if I can't tell you about that
Ma'am..All I can say is that I'm happy" sagot ni Evo at muling bumaling sa
akin.
"Okey, we respect you Mr. Thompson and thank
you for sharing us your own personal experience. So now let's give Mr. Lopez a
chance to tell his own story of survival" muling pumalakpak ang klase sa
akin.
"A..e.." parang may bumara sa lalamunan
ko ng mga oras na iyon, sobra akong nahihiya lalo pa't hindi ako sanay
magkwento sa harap ng tao. tumawa ng malakas ang ibang kabarkada ni Evo lalo na
si Mike ang pinaka matinding mang-asar sa akin noon. Nakita kong hinawakan ni
Evo si Mike sa braso at tiningnan ito ng masama dahilan para tumigil ito.Muli akong bumunot ng malalim na hininga para
maka-bwelo. sinulyapan ko si kim at kevin na nagsesenyas sa akin na kaya ko
ito.
"I thought I was dead, from the moment I
felt that we were at the middle of nowhere floating in the sea. We have nothing
but our life jackets and unassured hope that we'll get through it."
tumigil muna ako para huminga na naman ng malalim, nawala na sa aking mga
kaklase ang fucos ko kundi sa mga nangyari sa aking nakaraan.
"I just couldn't thank enough Ev...I mean
Mr. Thompson for..." huminto ako at sinulyapan si Evo na noon ay nadadala
narin sa aking sinasabi.
"For taking good care of me since he's older
than I am. I knew he don't have any reason for saving me, he could save his energy
for himself but he never did. We were never been close back then and I was
never been good to him. I'm sorry if I forgot to tell you that I thank you for
saving my life." huminto na ako at mabilis na bumalik sa aking upuan.
gusto ko pa sanang sabihin sa harap ng aking mga kaklase na ngayong
napasalamatan ko na siya ay wala nang rason pa para magusap kami.
Naging maganda ang takbo ng aming klase sa boung
maghapon, Minabuti kong iwasan na lamang si Evo kahit mahirap dahil walang oras
na hindi siya pumapasok sa isip ko. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit
hindi ko tuluyan maibigay ng tuluyan ang boung presinsya ko sa dalawang
kaibigan kong walang sawang nagpapatawa sa akin pero sinusuklian ko ng matipid
na ngiti.
Nang matapos ang lahat ng klase namin sa araw na
iyon ay sa isang cafeteria kami sa labas ng school tumambay para hintayin ang
kanya-kanya naming sundo. Hindi rin muna umuwi si Kevin kahit na may sariling
kotse siya, pinilit niya akong siya nalang daw ang maghahatid sa akin sa bahay
pero nagmatigas akong hihintayin ko si kuya dahil nangako akong hihintayin ko
siya dito sa school, kaya wala siyang nagawa kundi sabaya kami ni kim sa
cafeteria habang naghihintay ng aming sundo.
"Friend?, may problima kaba?" biglang
tanong ni kim sa akin ng mapansin niyang hindi ako halos nakikitawa sa mga biro
nila ni kevin.
"A..e wala naman bakit?" maang kong
balik tanong sa kanya.
"kaninan kapa kasi wala sa sarili eh"
"Ano ka ba normal lang naman ito sa
akin" pagsisinungaling ko.
"Wag kang magsinungaling kilala kita
best?" si kevin. kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito ng
mahigpit.
"Wala nga sabi, ano ba kayo...masaya lang
siguro ako na nakabalik ako. yun lang..."
"Talaga lang ha?" hirit ni kim.
Dahil nasa gilid kami ng cafeteria nakapwesto at halos puro
transparent na salamin ang boung paligid
ay nahagip ng aking paningin ang papalabas ng school gate na sina Evo at Alyson
na parang may pinagtatalunan.
Naunang umalis si Alyson na para bang nagwalk-out
ito, sinapo na lamang ng naiwang si Evo ang kanyang ulo habang pinagmamasdan si
Alyson na pumasok sa sasakyan nitong naghihintay sa kanya.
Hindi ko namalayang halos doon napala ako
nakaharap, nakita kong nakamasid si Kim sa akin mabuti nalang at abala si Kevin
sa paghigop ng kanyang coffee shake. ngumiti ng bahagya si Kim saka
umiling-iling ito ng kanyang ulo.
"Why?" patay malisya kong tanong.
"Wala!" sagot niya.
"Sorry guys but I have to go nandiyan na ang
sundo ko. see ya tom's..." pagpapaalam niya sa amin ni Kevin bumiso muna
ito kay kevin at saka sa akin.
"May dapat kang sabihin na hindi ko
alam" bulong niya sa akin ng nagtapat ang aming pisngi.
"Ang alin?" mahina kong tanong. sinagot
na lamang ako nito ng plastic na ngiti saka tumalikod at lumabas ng cafeteria.
"matagal pa ba ang kuya mo?ako nalang kaya
ang hahatid sayo?" muling pamimilit ni Kevin.
"Wag kana kasing mag-alala sa akin, pwede
namang mauna kana promise I'll be okey" sabi ko sabay taas ng aking kanang
kamay.
"No, sasamahan nalang kita dito if ayaw mo
talaga"
"Bahala ka" sagot ko sa kanya habang
humihigop ng aking mocha flavored shake.
"So nag-enjoy pala kayo sa isla ni
Evo?"
"Wala akong sinabi na nag-enjoy ako we're
different. kung siya nag-enjoy pwes ako hindi." matabang kong sagot.
"Kulang nalang sabihin mong HERO mo
siya" muling patutsada ni Kevin.
"Are you implying something? may ibig ka
bang iparating?" naiinis kong tanong.
"Wala. Hindi mo naman ako masisi kung
nagseselos ako eh" sagot niya sa mapagkumbabang tinig.
"Kevin, how many times do I need to tell you
that we're friends. I hate hurting you in such a way that I'm unaware that I'm
hurting you already."
"Okey, okey. don't be mad I'm sorry."
pagputol niya sa usapan namin.
Huminga na lamang ako ng malalim at saka muling
humigop ng shake. naramdaman kong nagba-vibrate ang phone na nasa loob ng aking
bulsa kinuha ko ito:
Calling.....-kuya Nico.
"Hello bunso saan ka? nandito na ako sa
labas ng gate"
sumulyap ako sa labas, nakita kong nakaparada ang
aming kotse sa harap ng gate ng aming school.
"lalabas na ako kuya, nandito ako sa coffee
shop infront of our school"
"sige dalian mo, hihintayin nalang kita
dito" sagot ni kuya. pinatay ko ang aking phone at saka inayos ang aking
mga gamit na nakakalat sa taas ng misa.
"So paano? kuya is right outside waiting for
me mauuna na ako" paalam ko kay Kevin.
"Sige ingat" sagot niya. nginitian ko
na lamang siya saka lumabas.
Mabilis naman kaming naka-uwi ni kuya sa bahay,
pagdating namin nadatnan namin si Daddy at Mommy sa sala. May kausap si Daddy
sa telepono at mukhang galit ito.
"What the hell was that?, akala ko tayo na
ang nanalo sa badding?..kailangan nating makuha ang project na iyan dahil diyan
nakasalalay ang pagpasok ng mga major investor natin..okey! kailangan mong
magawan ng paraan yan to win their trust back"
Nanatili kaming nakikinig kay daddy ng tahimik,
tumahimik si daddy at para bang nakikinig ng mabuti sa kanyang kausap na sa
hinala ko ay ang Vice president ng aming kompanya na si Tito Gary.
muling nagsalita si Daddy.
"Ano?.. may gumapang sa mga investor na
i-transfer ang project sa ibang kompanya?, kailangan nating malaman kung anong
kompanya ang nagtatraidor sa atin...I want the answer Gary as soon as
possible".
ibinaba ni Daddy ang telepono at saka huminga ng
malalim at umupo sa sofa katabi ni Mommy, hinaplos-haplos na lamang ni Mommy
ang kanyang likod. lumapit kami ni kuya sa kanila at humalik dito.
"Dad is everything okey?" malambing
kong tanong.
"Yes iho, everything is alright. sige na
umakyat na kayo ng kuya mo at magbihis nakahain na sa dining area ang
hapunan." sagot ni Daddy.
"opo Dad" sabay naming sabi ni kuya.
Alam kong kaya ni Daddy lutasin ang kahit anong
problima na may kinalaman sa aming kompanya, Isa ang kompanya namin sa
pinakamalaking constraction firm sa bansa kaya hindi maiiwasang may
makaka-kompetinsya kami.Naging maayos ang naging takbo ng buhay ko sa
bahay dahil ngayon damang-dama ko na ang pagmamahal ng aking boung pamilya.
Alam ko sa puso ko na kahit ganun hindi parin bou ang puso ko dahil may
hinahanap itong tao na pilit kong iniiwasan.
Halos magtatatlong buwan narin mula ng makabalik
kami ng ligtas ni Evo sa kanya-kanya naming pamilya, at mula din noon hindi
narin kami ni minsan nabigyan ng pagkakataon na makapag-usap. Ako narin ang
laging umiiwas pag-alam kong magkakasalubong kami o kaya magtatagpo sa isang
lugar na hindi namin inaasahan. Alam kong mahal ko siya pero takot akong
masaktan pag-ipinagpatuloy ko ito, Meron na siyang Alyson at sa tatlong buwang
hindi kami nagkausap manlang alam kong marami na ang nagbago sa kanya at
marahil ay nakalimutan na niya ang nangyari.
Patuloy parin sa panunuyo si Kevin sa akin at
hindi siya nagsasawang iparamdam sa akin ang kanyang pagtingin, Alam narin ni
kim ang tungkol dito at niririspito niya kami. Kahit anong gawing pagtanggi ko
kay kevin ay hindi ito nagsasawang gawin ang lagi niyang pagpaparamdam.
Lagi kaming magkasamang tatlo kahit na varsity
member si Kevin ay mas pinili niyang sa amin laging sumama ni Kim. minsan
nanonuod kami sa practise nila kevin sa gym at dahil nga magkateam mate sila ni
Evo ay hindi maiiwasang magkita kami sa gym.
Alam kong napapasulyap siya sa akin minsan habang
nagdidribble ng bola pero patay malisya akong nagchi-cheer kay kevin. Hindi ko
rin sila maintindihan minsan ni Alyson dahil minsan ang sweet-sweet nila minsan
naman parang aso't pusa na nag-aaway kung saan sila abutan ng kanya-kanyang
init ng ulo.
Sa paglipas ng panahon ay parang nasanay narin
akong parang hangin lang sa paningin ko si Evo, Alam ko namang wala naman
siyang ginagawang hakbang para mag-usap kami, sino ba naman ako sa kanya kung
tutuusin.
Kaming tatlo naman ay komplitos rekados kung
magkasama tawanan, kantiyawan at kung ano-ano pa. Hangga't maari naman ay
minabuti naming tatlo ang lihim na pagtingin ni kevin sa akin, sikat sa campus
si kevin at maraming tagahanga katulad ni
Evo kaya kailangan naming pangalagaan ang kanyang image as we call it.
char!.
Pero napapansin kong naging kabaliktaran naman
ito sa nangyayari kay Evo. Naging matamlay ito, minsan ko nalang siya
nakikitang sumasama sa mga barakada nito at kung sumasama man ito ay hindi ito
nakikitawa o nakikijoin sa mga biruan.
Isang araw noon nagkataong wala ang aming guro at
absent ang madaldal na si kim kaya napilitan kaming maglagalag na dalawa ni
Kevin. naisipan namin sa isang park na malapit sa dagat dahil malapit ng
magdapit hapon noon kaya gusto naming magmasid ng sunset. habang papunta kami
doon sakay sa kotse ni kevin ay napansin kong parang may pamilyar na sasakyan
ang sumusunod sa amin. nakikita ko kasi ito mula sa side mirror ng kotse,
inisip ko nalang na sa dami ba naman ng magkakulay at magkadesign na kotse
posibling walang kapareha ang mga ito kaya hindi ko nalang ito pinansin.
Eksaktong-eksakto ang pagdating namin ni Kevin
dahil sa mga oras na iyon ay papalubog na ang araw, mabilis kaming umupo sa
seawall at nagmasid dito.
"Ang sarap palang manoud ng sunset noh?,
lalo pa't kasama kita" papansin ni kevin.
"Pwede bang manoud ka nalang sinisira mo ang
moment ko" sagot ko.Sa mga oras na iyon ay hindi kay Kevin ang atensyon ko
kundi sa isang ala-ala -si Evo. malaking bahagi ang sunset sa kanya, ito ay
ala-ala ng kanyang namayapang ina.
"Wala ba talaga akong pag-asa sayo?"
seryoso niyang tanong na nagpabalik sa aking ulirat.
"Kevin?, ang pag-ibig hindi pinipilit o
minamadali kusa itong nararamdaman"
"paano pag hindi mo maramdaman?"
"Kevin. gwapo ka, sikat ka sa school at
maraming taga hanga isn't that enough para humanap ka ng mas worth at deserving
sayo?"
"Eh ikaw ang tinitibok nito eh?"
"Shushh!..change topic nalang pwede?"
"Okey, basta may ganito" sagot niya
sabay halik sa pisngi ko pero sa kasamaang palad napaharap ako sa kanya ng
hindi ko sinasadya kaya balls eye ang aming lips sa isa't-isa.Mabilis akong umilag dahil baka may makakita,
tumingin ako sa aming paligid buti nalang at walang may nakapansin. sumulyap
ako sa aming likod laking gulat ko ng may lihim na nagmamasid sa amin at puno
ng lungkot ang mga mata -si Evo. ng mapansin
niyang nakita ko siya ay agad itong tumakbo sa
kanyang kotse.
Ang kotse....naalala ko na, sa kanya yung kotseng
sumusunod sa amin kanina pero bakit niya kami sinusundan?, bakit ganun ang
lungkot sa kanyang mga mata?.
Itutuloy...