Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Disyembre 22, 2013

A Love In An Island Chapter 15


Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                                   

                                                    A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga

Chapter  15


Gusto ko siyang  habulin pero paano si Kevin?, hindi ko pweding iwanan nalang siya dito. Pero hindi ako mapakali, kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari kay Evo.

"I'm sorry Kevin but I need to go, bukas mo nalang ako tanungin kung bakit, pero may kailangan akong gawin ngayon. sorry."

Hindi na nakasagot pa si Kevin dahil agad akong tumayo at tumakbo palabas ng park. Pumara ako ng taxi para mahabol pa ang kotse ni Evo.

"Manong paki-habol po ang kotse na yan wag niyo pong hayaang mawala sa inyong paningin"
"Opo sir." sagot ng driver sa akin.

Hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko tuwing naaalala ko ang malungkot na si Evo kanina, ibang-iba na siya kaysa dati. kailangan ko siyang mahabol at makausap, gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Medyo malayo na rin ang nabyahe namin hindi ko namalayan na palabas na pala kami ng maynila, Sa isang tahimik na tulay tumigil si Evo. Minabuti kong bumaba malayo sa lugar kung saan niya pinarada ang kanyang  kotse, lakad takbo ang ginawa ko para makalapit sa kanyang kinaroroonan medyo madilim narin ang paligid kaya hindi ko masyadong makita si Evo sa lugar tanging ang kotse niya ang aking nakikita. hindi ko rin alam kung bumaba ito sa kanyang sasakyan, napatigil ako ng may nakita akong tao sa kabilang bahagi ng tulay na para bang tatalon ito. kinabahan ako ng sobra at pinag-papawisan kaya, kahit walang lingon-lingon kung may paparating ba na sasakyan ay pikit mata akong tumawid para lapitan ang taong iyon. natatakot akong baka si Evo ang taong iyon.

"Evo anong ginagawa mo?" sigaw ko habang tumatawid sa gitna ng daan. Pero sa kasamaang palad may isang ten wheeler truck ang humaharurot palapit sa akin, Para akong na-estatwa sa aking kinatatayuan at walang lakas para ilagan ang truck na paparating sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at hintayin nalang kung ano man ang kahihinatnan ko, pero laking gulat ko ng may yumakap mula sa aking likuran boung lakas niyang inilayo ako sa truck at nagpagulong-gulong kami hanggang sa marating namin ang gilid ng daan.
"Ano kaba?!!! magpapakamatay kabah?!!!!!!" sigaw ng taong nagligtas sa akin. Nagulat ako dahil si Evo ang taong iyon, teka sino naman yung taong parang tatalon sa tulay?, Naku naman hindi naman pala siya ang taong yun eh. nakadagan ako sa kanya habang mahigpit niya akong yakap.

"Ano?....tititigan mo nalang ba ako hindi kaba tatayo jan?" sabi niya dahilan para bumalik ako sa aking katinuan.

"So..sorry" nahihiya kong sagot, nagmadali akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko.

"Teka bakit kaba nandito?" tanong niya habang bumabangon mula sa pagkakahiga.

"A..e..kasi"  para akong pepeng hindi maisatinig ang gusto kong sabihin.

"Paano na ang boyfriend mo, iniwan mo doon?"

"hindi ko siya boyfriend FYI." naiinis kong sagot.

"talaga lang ha?.."

"pakialam mo naman  kung if ever boyfriend ko siya?"

"Eh bakit ka naman sunod ng sunod  sa akin?"

"Kasi nga ano eh..."

"Ano?" pamimilit niya.

"W..wala akala ko kasi...." sagot ko parin na para bang nauutal na. alam kong namumula na ako sa hiya.

"Never mind nalang" sa wakas nakahanap ako ng bwelo.

"sige mauuna na ako" hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko marahil sa sobrang hiya ko. mabilis akong tumalikod saka humakbang papalayo sa kanya, medyo nakaramdam ako ng takot dahil wala na halos taxi ang dumadaan sa bandang iyon.

"Teka!" pinigilan niya ako, hinawakan niya ang braso ko saka sapilitang pinaharap ako sa kanya at niyakap ako ng napakahigpit.

Matagal, mahigpit at puno ng emosyon ang mga yakap na iyon, hindi man niya sabihin pero alam kung malungkot siya.

"Na miss kita" bulong niya sa akin.

"Na miss din naman kita ah." sagot ko.

"Talaga?, akala ko kasi bumalik kana kay Kevin"

"Bestfriend ko lang yung tao"

"Iniiwasan mo kasi ako lagi" lungkot-lungkutan niya.

"Akala ko kasi masaya ka na kay Alyson"

"Simula ng minahal kita naglaho narin ang pagmamahal ko sa kanya, but I'm sorry kung wala akong ginawa para magkaliwanagan tayo. after all what happened to us nagkaroon ako ng  identity crisis, gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko sayo....kasi..kasi.." hindi na napigilan pa ni Evo at mapaiyak sa aking balikat.

"It's okey, I understand you. Alam kong ayaw mong maging bakla, but Evo I see you as a real man. hindi kabawasan sa pagiging lalaki ang magmahal sa kagaya ko" palubag loob ko sa kanya.

"Salamat." maikli niyang sagot, itinapat niya ang kanyang mukha sa aking mukha at dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa akin. Sa unang pagkakataon mula sa matagal ng panahon na hinahanaphanap ko ang mga halik na iyon ay muli ko na namang malalasap ito. Punong-puno ng pagmamahal ang halik na iyon na pinasarap pa ng isang pananabik.

"Mahal na nga talaga kita" sambit niya sa akin.

"Mahal din kita,  pero paano si Alyson?"

"I already broke up with her, pero ang tigas ng ulo panay parin ang sunod sa akin"

Naramdaman ko ang malamig na hangin sa paligid kaya na pa crossed arm ako, napansin niya na nilalamig ako kaya hinubad niya ang jacket niya at pinasout sa akin.

"Salamat" sabi ko sa kaya.

"tara pasok na tayo sa kotse at maka-uwi na" yaya niya sa akin, inakbayan niya ako habang naglalakad kami patungo sa kanyang sasakyan.Tahimik kami habang bumabyahe, wala mang salitang lumalabas mula sa aming mga bibig  pero ramdam ko ang saya at pagmamahal na bumabalot sa aming dalawa sa mga oras na iyon. Para akong nananaginip lang  hindi ako makapaniwalang mahal parin ako ni Evo. Nasapo ng aking kamay ang nagba-vibrate kong cellphone na sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko na, kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nagtext o kaya ang tumawag.

6 text messages....

Best kevz: frans, san ka pu2nta?

Best kevz: mgrply ka nmn oh nag-aalala ako.

Best Kevz: may emrgncy ba sana sinma mo nlang ako.

Kuya Niko: Bunso tumawag si Kevin sa akin dito bigla ka daw umalis at natataranta? txtbk.

Friend Kimmy: (Si Kim) friend ok ka lang tinatanong ka sa akin ni kevin?

Mommy: Son may problima ba? please call me. you're not answering my call.

8 Missed calls....

?Best Kevz(4)

?Mommy(2)

?Kuya Niko

?Friend Kimmy

Napatulala ako sa hawak kong cellphone habang nakayuko iniisip ko kung anong klasing dahilan ang gagawin ko pagdating sa bahay mamaya. Naramdaman ko ang paghaplos ng malambot na kamay ni Evo sa aking pisngi habang nasa manibela ang kaliwang kamay nito, sumulyap ako sa kanya ngumiti ito sa akin na para bang sinasabing ayos lang ang lahat. hinawakan ko ang kamay nito na humahaplos sa aking pisngi at gumanti ng ngiti dito.

"Nag-aalala ka ba?" malumanay na tanong nito sa akin.

"Medyo. pero okey lang kasi nandito ka naman, sulit na sa akin yun kahit na pagalitan ako mamaya"
"I'm sorry"

"Bakit ka naman nag-sosorry?. wala ka namang kasalanan" 

"Kasi ako ang dahilan para mapagalitan ka"

"Sus, okey lang ako. heto  naman, ikaw nga ang dahilan pero ako naman tong kusang gumawa nito" pangpalubag loob ko dito.

Mabilis kaming nakarating sa bahay hindi ko na siya pinapasok pa dahil nag-aalala akong baka nandoon na rin si kevin at naghihintay sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. pagbubuksan pa sana niya ako ng pinto ng kanyang kotse pero pinigilan ko siya.

"Wag na. baka makita ka nila na magkasama tayo"

"Bakit, anong masama pagmasama tayo?" protesta nito sa akin.

"Evo?, baka nasa labas lang ng bahay si kevin at naghihintay sa akin. ayaw kong mag-away kami dahil dito"
"bakit kayo na ba?"

"Hindi nga! kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at isa pa bakit kita hahabulin kanina at iwanan siya kong kami na?"

"Sige na...I trust you naman eh"

"ganun naman pala eh, oh sige na mauuna na ako mag-ingat ka pauwi ha?"

"Wala bang ganito?" hirit nito, tumingin ako sa kanya na nakakunot ang aking noo. pumikit pa ito habang pinapahaba ang kanyang mga labi.

"Swerte mo naman, manigas ka!" biro ko dito. tatalikod na sana ako para buksan ang pinto pero hinila niya ako at niyakap ng mahigpit saka hinalikan ang aking mga labi. Alam kong tainted ang kanyang sasakyan pero nag panic ako na baka makita parin kami mula sa labas kaya naitulak ko siya ng bahagya.

"Oh masaya ka na? sige na bababa  na ako" mabilis kong sabi saka lumabas.

"Bababye CRASH sweet dreams" muling hirit nito. napangiti ako dahil hindi pa pala niya nakakalimutan yung inimbinto naming endearment.

Mabilis kong binuksan ang gate at dali-daling pumasok sa bahay. Nagulat ako dahil pagbukas ko ng malaking pinto namin ay komplito ang boung pamilya na naka-abang sa akin sa sala. Si Mommy, Daddy at Kuya.

"hi Mom, Dad" bati ko sa mga ito saka nagmano.

"hi kuya?" puna ko kay kuya. pinakiramdaman ko sila kung galit ba ang mga ito sa akin pero mukhang hindi naman mabibigat ang mga mukha nito.

"where have you been son?" tanong ni Daddy.

"We're worried about you" dagdag ni Mommy.

"And you're bestfriend was uneasy. tumawag siya sa akin, sabi niya iniwan mo daw siya sa park umalis ka daw na balisa." mahabang sabi ni kuya.

Bumunot muna ako ng malalim na hininga bago sinagot ang mga ito. Alam kong kailangan kong sagutin sila at bawat segundo ay napaka importante para sa akin para mag-isip at umimbinto ng kwento, hindi lang kwento kundi isang valid na kwento para maka-iwas ako ng sermon mula sa mga ito.

"Mom, Dad and big bro...." panimula ko saka bumunot uli ng malalim na hininga.

"I was just so excited to recieved a text message from one of my friend na pinalabas na sa market ang komiks na inaabangan namin, Kaya nagmamadali akong pumunta ng mall. I'm sorry if I was over reacting but I'm dead crazy to have one of that comics." pagdadahilan ko.

"bakit hindi mo nalang sinabay si Kevin?, mas mabilis kang makakarating ng mall dahil may sasakyan naman siya."  muling tanong ni kuya.

"Kuya, pagdinala ko pa siya matatagalan na naman kami kasi maghahanap at sasama pa ako sa kanya sa parking lot, mas mabuti na na magtaxi nalang ako."

"Hindi naman sa pinagbabawalan ka namin anak pero sana next time don't forget to text or reply naman okey?, we've lost you ones and we don't want it to happen again" Si Mommy.

"Sorry po Mom, Dad and kuya. hayaan niyo po hindi na mauulit" para akong basang sisiw nag nagpapaawa sa kanila.

"Okey na yun son, what's important now is you arrived home saefely" Sabi ni Daddy, lumapit ito sa akin saka inakbayan ako.

"Tara na sa dining area nakahain na si manang" yaya ni Daddy sa amin.
tulad ng dati masaya kaming naghapunan, tawanan at kwentuhan palagay ko tataba ako ng hindi sa oras pagganito lagi ang hapunan namin. Mabilis akong tumungo sa aking kwarto pagkatapos naming kumain, Naligo na muna ako para makapag-refresh. Nasa harap na ako ng malaking salamin na nasa pader ng aking kwarto at pinupunasan ang basa kong buhok ng mapansin kong may bumabato sa salamin ng bintana, lumapit ako para tignan kung sino nagulat ako ng makita ko sa ilalim si Evo. Binuksan ko ang bintana.

"Paano ka nakapasok dito?" pabulong kong sabi sa kanya.

"Wala kang tiwala dito?" pabulong din niyang sagot habang nagpi-flex ng  muscle sa kanyang kanang braso. Umakyat ito mula sa unang palapag ng bahay hanggang sa second floor gamit ang kumot na hinagis ko.

"Mag-ingat ka baka  ka mahulog" muli kong bulong sa kanya.

Natatawa akong tignan siya habang hirap na hirap siya sa paglambitin sa kumot maka-akyat lamang siya sa kwarto ko, mga tatlong minuto din siyang lumambitin bago naka pasok sa loob at hapong-hapo.

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at pumunta ka dito?" mataray kong tanong.

"Wala. gusto lang kitang makita, bakit ayaw mo? Uuwi nalang ako" pagtatampo niya.

"Hindi naman syempre gusto ko. na miss mo agad ako noh?"

"Matagal na kitang miss" sagot niya habang kinukurot ang magkabilang pisngi ko.

"tigilan mo nga ang pangigigil mo masakit na ang pisngi ko" paglalambing ko.

Nakatayo parin kami sa bintana nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko habang nakapulupot naman ang kamay ko sa beywang niya, nakalimutan kong hindi pa pala ako nakabihis at tanging manipis na tuwalya lamang ang nakabalot sa aking kahubdan.

Dahil sa matangkad siya sa akin kailangan kong tumingala pa dito para lamang magkasalubong ang aming mga mata. Walang pag-uusap na nangyari tanging ang mga titig namin ang nagkakaintindihan at dinadama ang bawat tibok ng aming puso.

Sa mga oras na iyon alam kong hindi ko lang siya basta mahal, mahal na mahal ko na siya. Siya na siguro ang bubuo ng bawat araw ko pagkatapos ng tagpong ito.

"I can't believe you're here with me now" bulong ko sa kanya.

"Just believe. nandito ako palagi sa tabi mo" mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya, siya naman ay mas lalong yumuko para maglapit ang aming mga mukha.pumikit ako at nagpaubaya sa mga susunod niyang gagawin, nakiramdam at naghihintay. Wala akong ibang nararamdaman noon kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko, magkahalong kaba, saya at pananabik ang nananahanan sa bawat parte ng aking pagkatao.
Naamoy ko na ang mabango niyang hininga hanggang sa parang kuryenting lumapag ang malambot niyang labi sa aking labi. Noong una'y tanging ang labi niya ang gumagalaw na parang ginagalugad ang bawat parte ng aking bibig, Hanggang sa kusa naring gumalaw ang aking mga labi para gantihan ang pagmamahal na ipinaparamdam sa akin ni Evo.

Wala kaming iniisip sa mga oras na iyon kundi ang mga sarili namin na hinihimay ang saya na dulot ng aming sekritong pagmamahalan. Hindi ko alam pero sa kabila ng sayang iyon ay may takot na umusbong sa aking puso, takot na baka isang araw kung kailan nakadepende na ang boung sarili ko't buhay sa kanya ay bigla siyang mawala sa aking tabi. Hindi ko lubos maisip kung paano ko lalabanan ang sakit kung sakali mang dumating ang araw na iyon.

"Umiyak ka ba?" napahinto siya sa aming ginagawa para siyasatin ang aking mukha.

"Hi..hindi ah, bakit naman ako iiyak?" nahihiyang sagot ko. pinadulas niya ang dalawang hinlalaki niya sa magkabilang dulo ng aking mga mata na noon ay may mga butil na luha.

"Umiiyak ka eh" pagkumpirma niya.

"Oo na nga umiiyak ako"

"Why?" nag-aalalang tanong niya.

"Afraid!" mahina kong sagot na halos pabulong ko na iyong ginawa.

"Afraid of what?"

"Of losing you!...mahal na kita at takot akong baka isang araw mawala ka"

"Alam kong hindi madali ang ating pagmamahalan, maraming aayaw sa ating relasyon at hindi natin alam kung matatanggap ba tayo ng ating mga magulang. pangako ko sayo magtagumpay man sila na paglayuin tayo o ang panahon pero walang kung sino man ang kayang burahin ka dito" sagot niya habang tinuturo ang kanyang dibdib. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at kinulong ng kanyang matipunong mga bisig sa kanyang malambot na katawan.

"Salamat" ang tanging nasambit ko.

Tumagal ng ilang minuto ang aming pagyayakapan na sa higpit noon ay pinagpapawisan ako kahit nakahubad at tanging tuwalya lang ang takip sa pag-ibabang parte ng aking katawan.

"TOK!..TOK!...tOK!"

halos lumundag sa gulat ang boung katawan ko ng marinig ang katok sa labas ng pinto.

"TOK!..TOK!...TOK!"

Nagpanic kami ni Evo natataranta ako kung saan ko siya itatago sa banyo ba, sa ilalim ng kama o sa loob ng aparador.

"Best?, si kevin to"

"A minute please!" sagot ko dito.

"Saan mo kayang magtago?" bulong ko kay Evo.

"Sa aparador nalang kaya" sagot niya. Dali-dali ko sayang pinapasok sa malaki kong aparador at tinakpan ng mga naka hanger kong mga damit.

"Best?" muling tawag ni Kevin.

"heto na bubuksan na" sagot ko, bagong ligo ako pero pinagpapawisan ako.

"Sorry, naliligo ka pala"

"kanina pa naman ako tapos"

"teka, bakit ka pinagpapawisan?" biglang pansin niya sa pawis ko.

Para akong na pepe sa kanyang tanong hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko.

"A..e..Wala sinubukan kung magpush-up sa loob ng shower gusto ko kasing lumaki tong baby muscles ko" pagsisinungaling ko habang pini-flex ang muscles sa mga braso ko. pasekrito kong tiningnan ang aparador kung saan nakatago si Evo, nakatalikod kasi si kevin sa aparador kaya hindi niya mapapansin si Evo sa aparador.

"Ah ganun ba?, gusto mo ako ang mag train sayo?" paniwalang sagot ni kevin.

"Wag na, nakakahiya naman eh."

"Ok if that's what you feel" medyo bumaba ang boses niya.

"May problima ba best?"

Huminga muna siya ng malalim, tinitigan niya ako  at para bang binabasa ang bawat himaymay ng emosyon na nakatago sa aking mga mata.

"Tungkol ba ito sa pag-iwan ko?" inunahan ko na siya. tumango lamang ito.

"Ma...mahalaga pa ba ako sayo?"  nahihirapan niyang sagot, kinagat niya ang kanyang mga labi para pigilan ang nagbabadyang pagbulwak ng kanyang emosyon.

"Mahalaga ka sa akin, best don't think you're no longer important" hinawakan ko ang pisngi niya at pinahiran ko ang mga luhang dumaloy mula sa gilid ng kanyang magkabilang mata.

"Wala na ba talaga akong pag-asa sayo?, ka..kasi nahihirapan na akong maghintay frans"

"Patawarin mo ako kung nasasaktan kita sa paraang hindi ko sinasadya, best I'm sorry but I only love you as a friend and you're important to me" masakit man para sa akin na sabihin iyon at saktan siya pero kailangan kong maging totoo sa aking nararamdaman para hindi na masyadong umaasa pa si kevin, mabuti ng minsanan siyang masaktan kaysa paasahin ko siya at nasasaktan araw-araw.Sa puntong iyon hindi na nakayanan pa ni Kevin ang kanyang mga narinig mula mismo sa akin, humagolgol ito. niyakap ko siya para kahit papano ay pagaanin ang kanyang kalooban, nakita kong lalabas na sana sa aparador si Evo pero sininyasan ko siyang huwag mag-alala.

"I'm sorry sa pagiging emosyonal ko." pinahiran niya ang kanyang mga luha at inayos ang kanyang sarili.

"Wala yun, patawad." mahina kong bulong.

"Wala kang kasalanan frans. sige uuwi na ako, magpahinga ka na at magbihis" huling sinabi niya saka tumalikod at lumabas. Awang-awa ako sa kanya, alam kong kaya ko na sanang mahalin si kevin noong mga panahon na walang Evo sa buhay ko. gusto kong maging mabuting kaibigan sa kanya pero paano ako magiging isang mabuting kaibigan kung nasasaktan ko siya sa paraang hindi ko sinasadya.

"Ok ka lang?" mahinang tanong ni Evo.

Tumingin ako sa kanya at sinagot ito ng isang ngiti.

"Naawa lang ako sa kanya."

"Sa pag-ibig hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal,  minsan kailangan nilang magsakripisyo para lumigaya ang taong mahal nila kahit masakit"

"Sana makahanap si kevin ng mas deserving sa akin."

"Don't worry there are lots of fish in the sea." pagpapatawa ni Evo.

Sa gabing iyon wala kaming ibang ginawa ni Evo kundi ang mag kwentuhan, kulitan at tawanan ng pigil. Alam kong dinadamdam ko parin ang lungkot na dulot sa akin ni kevin, mas nangingibabaw ang saya na hatid sa akin ng prisensya ni Evo.Naging masaya ako sa bawat paglipas ng mga araw na nagkikita kami ng palihim ni Evo, pinili naming ilihim ni Evo ang aming relasyon. Maging sa dalawa kong kaibigan ay minabuti kong wag ipaalam.

Naging mas aktibo na ako sa school kasabay ng lihim na kompetisyon ng dalawang lalaking nagmamahal sa akin. Alam kong  walang alam si Kevin tungkol sa relasyon namin ni Evo at natatakot ako pagdumating ang panahon na magkabistuhan na.Magkaagaw ang dalawa sa lahat ng larangang sinasalihan nila, Most valuable player, SSG president, campus heart throb 2013  at marami pang iba. Almost devided narin ang mga fans ng dalawa sa campus mapa-babae man o bakla ay kinikilig sa kanilang dalawa. Ang hindi alam ng lahat ay maging sa pag-ibig ay magkaagaw ang dalawa.Hindi parin nagbabago si Kevin sa pakikitungo niya sa akin mas lalong naging maligalig ito ng pagpaparamdam sa akin ng palihim, Alam ko minsan nagseselos si Evo sa tuwing lihim na naglalambing sa akin si Kevin pero sinabi ko sa kanya na magtiwala nalang sa akin.
Naging mapilit din si kevin na siya na ang maghahatid at susundo sa akin, noong una'y nagmatigas akong si kuya nalang pero dahil nakipagsabwatan ito sa Mommy, Daddy at kuya ko kundi wala na akong nagawa pa.
Sinasabi ko naman ang lahat ng nangyayari kay Evo sa tuwing nakakatakas ako kay Kevin para makipagkita sa taong mahal ko.

Isang araw noon maaga na namang bumusina sa harap ng gate namin si Kevin para sunduin ako.

"Ang aga mo naman pwede bang minsan tagalan mo ang pagdating para may time naman akong 
magpagwapo sa malaki kong salamin?" mataray kong pangbungad kay kevin.

"Sus,  hindi na kailangan yun kahit hindi ka mag-ayos cute ka parin. at sino ba namang hindi maeexcite araw-araw na maagang puntahan ka dito kung ganyang ka ka-cute lagi" pambobola ng mokong na ito sa akin.

"Ang aga-aga naman bola agad?, no wonder baka ikaw ang MVP of the year" pang-aasar ko sa kanya.

"Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako" agad niyang sagot.

Isa sa pinaka hinahangaan ko sa bestfriend kong ito ay ang pagiging mapagkumbaba nito, hindi ko siya nakitaan ng kahit katiting na kahambugan sa kabila ng mga papuri at parangal na nakukuha niya sa school. Syempre hindi naman nahuhuli si Evo, kung dati ay abot langit ang galit ko dito dahil sa para sa akin noon ay napakahambog nito pero nagbago bigla ang pagkakakilala ko sa kanya ng makilala ko ng lubos ang totoo niyang pagkatao. Mapagmahal, humble at laging iniintindi ang kapakanan ng iba hindi lamang sa akin kundi sa mga kaibigan niya.

Nagvibrate ang phone ko...

"beeep...beeep..."text ni Evo.

"Morning crash, excited to see you later"
napangiti ako.

"Same here crash...wanna kiss you na.. jowk" reply ko.

"bk8t my jowk pa?...de bale na I'll kis u pa rin.. b ridy" sagot niya.napangiti ako sa sagot niya.

"Mukhang kinikilig ka sa katetx mo ha?, sino ba yan?" Si Kevin. nagulat ako sa sinabi niya, inilapag ko sa gilid ng upuan ang phone ko para tigilan niya ako sa kanyang tanong.

"Malapit na pala tayo" pag-iiba ko ng topic.

"Sa entrance ka nalang bumaba ako nalang ang magpapa0park ng kotse kasi masyadong mainit na" walang ka-emosyon niyang sabi.

"Ok" matipid kong sagot para hindi na humaba pa ang usapan at mauwi sa away na naman.
Katulad ng dati sinalubong kami ni Kim, maingay at palatawa ang hunghang na ito kaya maingay kaming naglalakad sa hallway. napansin kong wala sa mood si Kevin taliwas sa naging aura nito kanina habang hinihintay ako sa bahay, minabuti kong wag nalang siyang pansinin.

Sa klase naman panay ang pasulyap-sulyap namin ni Evo ng palihim, napapangiti ako sa tuwing kinikindatan niya ako o kaya nagpapacute ito sa akin. Hindi kami masyadong nakakapag-usap sa school dahil madalas niyang kasama ang mga varsity student at si Alyson na kahit pinagtutulalakan na ni Evo ay parang asong bubuntot-buntot sa kanya, Ako naman ay may dalawang bestfriends na laging nasa tabi ko.

Nakaramdam ako ng uhaw sa kalagitnaan ng klase kaya naisipan kong mag-excuse para pumunta sa labas at bumili ng softdrink, sasama sana si Kevin pero pinigilan ko siya kaya tahimik na lamang itong yumuko at pinagpatuloy ang pagkopya niya ng mga lesson namin sa white board.

Dumiritso ako sa cafeteria para mabilisang makabili ng maiinom, ng hawak ko na ang softdrink ay umupo muna ako sa bakanteng misa para ubusin ang binili ko. Mabilis naman akong nakabalik sa building kung nasaan ang aming classroom, bago ako pumasok sa loob ng classroom ay dumaan muna ako sa C.R para magfix ng sarili. Humarap ako sa malaking salamin at naghilamos. nakapikit ako habang naghihilamos ako ng aking mukha, pagdilat ko ay nagulat ako sa aking nakita sa aking likuran mula sa repleksyon ng salamin-Si Evo.

"Anong?..bakit ka nandito?" natataranta kong tanong.

"Bawal ba akong mag CR?" pamimilosopo niya.

"Evo kung may iniisip ka please wag dit....." hindi ko na natapos ang aking dapat sabihin dahil sa sinunggaban niya na ng halik ang aking mga labi sabay ng paghila nito sa akin sa isang compartment ng CR saka ni-lock ang pinto.

punong-puno ng pananabik ang halik na iyon. nakaramdam ako ng takot sa mga oras na iyon, baka mahuli kami pero sa tuwing naaalala ko na kasama ko si Evo ay nawawala ang takot at ipagpatuloy na lamang ang aming halikan.

Napahinto kami ng may pumasok sa loob ng CR, mga dalawa o  tatlong estudyante nagtatawanan sila ng pumasok. Nabosisan ko sila, pawang mga myembro ng varsity student kaya kilala sila ni Evo.

"tok..tok..tok.." lumakas ang kaba sa aking puso na parang kakapusin ako ng hangin sa baga.

"May tao ba dito?" tanong ng kumakatok sa amin.

"Ano ba...nag si-CR yung tao eh istorbo" maangas na sagot ni Evo.

"Aw pasensya na. Parekoy ikaw ba iyan?" muli nitong tanong.

"Ako nga ito james kaya kung hindi ka titigil makakatikim ka sa akin paglabas ko" nananakot na sagot ni Evo, alam kong normal lamag iyon sa kanilang barkadahan.

"Ok..ok....hehehe enjoy..and pakibilisan mo diyan mag-ki-quest tayo." sabi nito at saka umalis kasama ang dalawa pang kaibigan.

Nang makalabas ang tatlo ay tinulak ko agad si Evo.

"kita mo na malapit na tayong makita kanina." paninisi ko sa kanya.

"Nag-enjoy ka naman ah?" pang-aasar niya.

"Bahala ka nga, sige na mauuna  ako sayo at hindi tayo pweding  pumasok ng sabay" sabi ko sa kanya saka nagmadaling lumabas ng CR at dumiritso sa classroom.

"Tagal mo yata sa labas ah?" tanong ni Kim.

"Nag pahangin lang muna friend" pag-aalibi ko.

"talaga lang ha?" hirit ni Kevin.

"Oh siya siya....tumahimik na tayo at baka mauwi na naman yan sa LQ ang lahat" awat ni Kim na dinaan niya sa bulong.

Napansin ko ang pagiging seryoso ni Kevin sa boung araw ng klase, gusto ko man siyang tanungin kung ano ang iniisip niya pero natatakot akong malamang muli na ako na naman ang dahilan.Nang matapos ang klase ay pina-una ko na siya sa parking lot kung nasaan ang kotse niya, magkasama kami ni Kim na pumunta ng library. hihiram kami ng mga sample project  documentation ng mga past batch ng school para sa isang project implementation din namin ngayong taon.Since ako ang project coordinator ng SSG ako ang incharge para kumalap ng mga impormasyon at kaukulang kaalaman para sa pagpapatupad ng aming project.  Bago kami tuluyang nakapasok sa library ay nakasalubong namin ang grupo nila Alyson na pawang mga cheerleader ng campus.

"Talaga bessy?..OMG! may ibang mahal ang jowa mo?. nako naman parang ayaw na sayo ng ultimate campus hotty ah." malakas na sabi ng isang kasama niya, hindi nila alam na dumaan kami kasi nakatalikod sila sa amin.

"can you just keep your big mouth if you've nothing good to say?" sita ni Alyson dito asta reyna-reynahan kasi ito sa kanilang grupo.

"What if imbistigahan natin kung sino yun?, alamin natin kung sinong maganda sa kanila ni Alyson" dagdag ng isa.

"Wow..wala ng mas gaganda sa akin dito noh?" mayabang na sabi ni Alyson.

"Dapat talaga nating turuan ng leksyon ang ulirang kabit na iyon bessy?" muling suhestyon ng kaibigan nito.

"Syempre !..you all know me gurls...ang akin ay dapat akin lang. makakatikim sa akin kung sino man yun." si Alyson. nakaramdam ako ng takot pero wala namang mangyayari basta't mag-ingat lamang kami ni Evo.

"Friend?...papasok ba tayo o makikinig ka sa mga nonsense conversation ng mga iyan?" bulong ni Kim sa akin. ngumiti na lamang ako dito at saka sumunod sa kanya sa loob.

Medyo natagalan ako sa paghahanap ng librong may maayos na ekplenasyon sa aming project, naiinip naman sa kahihintay si Kim kaya pinauna ko na lang siyang umuwi. Sampung minuto pagkatapos lumabas ni Kim ay nagpasya akong lumabas narin dala-dala ang librong nahiram ko.

Tahimik akong naglalakad sa hallway pababa ng building para sundan si Kevin sa parking lot, biglang may humila sa akin mula sa isang bakanting kwarto muntik na akong sumigaw pero napigila ito dahil tinakpan niya ang aking mga labi ng kanyang mga kamay. Naamoy ko ang pabangong iyon, pamilyar sa akin- si Evo.
"what are doing?...papatayin mo ba ako sa takot?" bulong ko sa kanya, buti nalang at sa mga oras na iyon ay uwian na kaya wala na halos estudyante.

"Uuwi ka nalang ba na hindi magpapaalam sa akin?" protesta niya.

"Eh, kasama mo kasi ang mga barkada mo. isa pa nandiyan si Alyson, ako naman bantay sarado kay kevin"

"Nagtext naman ako sayo ah, bakit hindi ka nagrereply?"

Naala ko ang cellphone ko. Patay!, nasa sasakyan ni Kevin boung araw ko palang hindi hawak ang phone ko.

"Ano ang tinext mo doon?" nagpapanic kong tanong.

"Sabi ko magkita tayo sa labas. magdinner, yun lang."

"Teka lang!" sabi ko dito, tumakbo ako pababa ng building takot akong baka nabasa na ni Kevin ang mga message sa phone ko wala pa namang password yun.

Hinihingal akong nakarating sa parking lot kung saan ang sasakyan niya, nasa labas ito at nakasandal sa gilid ng kotse niya. Halos hindi ko maipinta ang hitsura niya dahil parang galit na galit ito.

"Kevin sorry kung natagalan ako kasi...."

"May tinatago ka ba sa akin?" hindi na natapos pa ang sanay sasabihin ko. tinanong niya agad ako sa kalmadong tono pero halatang galit.

"W..wala bakit mo natano..."

"Eh ano to ha?!" putol na naman niya sa sasabihin ko. inilahad niya ang cellphone ko sa akin.

"Sino si Crash ha?" pasigaw na niyang tanong. nanginginig ako sa nakikita ko sa mga mata niya dahil galit na galit ito.

"Kevin please wag kang sumigaw, magpapaliwanag ako sayo" mahinahon kong paki-usap.

"Paliwanag? para saan pa?..mag-usap?, halika ka sumama ka sa akin mag-usap tayo" pasigaw niyang utos sa akin. hinila niya ako ng mahigpit papasok ng kotse.

"Kevin ayaw kong mag drive ka habang galit ka...kaya please bitawan mo ako magpapasundo nalang ako" giit ko sa kanya.

"Mag-usap lang naman tayo eh"

"Bukas nalang kung malamig na ang ulo mo. not now!" pagmamatigas ko.

Mas hinigpitan niya ang pagkahawak sa braso ko para pwersahang ipasok ako sa loob ng kotse, malaki si kevin sa akin kaya wala akong laban sa lakas niya. Alam kong dala lang ito ng selos niya pero kailangan ko nang pangatawan na hindi siya ang mahal ko. Habang nagmamatigas akong huwag pumasok sa kotse ay:

"Bitiwan mo siya!, can't you see?. you're hurting him" sigaw ni Evo.

Nagpang-abot na nga ang dalawa at alam kong ako ang naiipit sa sitwasyon, kinakabahan ako sa naka-ambang na mangyari at wala akong lakas para pigilan sila.

Itutuloy.............










Huwebes, Disyembre 12, 2013

A Love In An Island Chapter 14

Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.

Note: sorry if hindi ko mabigyan ng hustisya yung paggamit ng walkie talkie, wala kasi akong kaalam-alam paano gamitin yun eh hehehehe.
               
                                                     

                                                    A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga


Chapter 14


Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa trahedyang nangyari sa amin, mali man siguro na sabihing natutuwa ako sa nangyari pero iyon ang sinasabi ng puso ko. Isa sa mga magagandang nangyari sa akin ay ang walang tigil na pagpapadama nila Daddy, Mommy at kuya ng kanilang pagmamahal sa akin. Dahil sa isang linggong pahinga ang ibinigay sa akin ng aming prinsipal ay laging maagang umuuwi ang busy kong pamilya para sabay-sabay kaming kumain sa labas at kung may oras pa ay nanunuod kami ng sine. At higit sa lahat, sobrang saya ko dahil kung hindi nangyari ang lahat hindi ko makikilala ang totoong pagkatao ng taong laman ng puso ko ngayon, ang taong nagturo sa akin kung papano magmahal, Oo alam kong mabibigo lang ako kapag ipinagpatuloy ko pa ang nararamdaman kong ito pero kahit papaano ay naramdaman kong nagmahal at minahal ako sa sandaling panahon.

Mahigit isang linggo narin kaming hindi nagkikita at wala man lamang kaming kontak sa isa't-isa kaya namimis ko na siya. Wala akong ibang ginagawa sa gabi bago matulog kundi ang sariwain yung mga masasayang araw naming dalawa sa isla, Ngayon hindi na ako makapaghintay pa na matapos ang gabing ito dahil bukas na ang unang araw ng aking pagbabalik eskwela matapos ang halos apat na buwang nawala. Matutulog na sana ako ng marinig ko ang pagkatok ng kung sino man sa pintuan ng aking kwarto. 
"Pasok hindi naka-lock yan" sigaw ko. hinintay kung iluwa ng pinto ang taong kumakatok at nakita kong si Kuya  Nico. Muli akong bumangon sa aking kama at umupo sa isang upuan na katabi lang din ng aking kama.

"kumusta na?" malambing na tanong niya sa akin.

"Heto excited." proud kong sagot. ngumiti siya sa akin at hinaplos ang aking buhok.

"Masaya kaming nakikitang masaya ka tol."

"Salamat kuya, and I'm sorry for being so rude before" mapagkumbaba kong sabi.

"Wala kang kasalanan. kahit kami nila Daddy at Mommy at may pagkukulang sayo kaya heto kami ngayon bumabawi. You never knew how hard it was for us nung nawala ka" mahabang sagot ng kuya nico ko. niyakap ko siya ng mahigpit, siguro sapat na yun para sabihing mahal na mahal ko sila.

"Let's forget the past kuya, I think it's time for us to move on and start something new."

"Tama ka bro, pa kiss nga" sagot niya sabay halik sa pisngi ko.

"KUYA!!!" sigaw ko pagkatapos niya akong halikan sabay pahid ng aking kamay sa mukha ko kung saan niya ako hinalikan.

"Bawal na ba ngayon halikan ang baby bro ko?" pag-aasar pa niyang lalo.

"Kuya?. I'm too old to be your baby bro."

"Para sa amin ikaw parin ang baby ng pamilyang to" sagot niya sabay gulo sa buhok ko.

"kuya?, nakaka-ilang naman eh"

"Okey, okey kung ayaw mo fine. pero maiba ako, tumawag si Kevin sa akin dito kanina tinatanong if pwede
 ka ba daw niyang sunduin bukas dito para sabay na kayong pumunta ng school"

"Diba sabi ng Dad ikaw na ang personal driver ko?. So why do your job for me?" mataray kong sagot. ngumiti na lamang ang kuya niko ko.

"Okey. if that's what you want. na miss din naman kita. sige na baby bro matulog kana at maaga kapa bukas. tatawagan ko nalang yung hilaw mong bestfriend na wag na siyang mag-abala."

"thanks kuya, good night"

Kinabukasan maaga akong nagising, para akong pre-school student na unang araw sa klase at excited na excited. Hindi na ako makapaghintay na muling makaapak sa school at makitang muli ang dalawang bestfriend kong sina Kim at Kevin at higit sa lahat ang muling makita si Evo. Natigilan ako sa aking pag-aayos ng may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Sir, hinihintay na po kayo ng kuya mo sa garahe" Si manang fe ang katulong namin.

"Sabihin nyo po manang baba na po ako, sandali nalang po" sagot ko habang abala sa pagpasok ng mga note books ko sa aking bag. bago ako lumabas ng aking kwarto ay sinulyapan ko muna ang aking sarili sa malaki kong salamin at nagpacute effect.

"Let's go?" tanong ko kay kuya na noon ay naka-pwesto na sa driver's seat.

"Mukhang hindi obvious na excited ka bunso ha?"

"Mukha nga hehehe".

Napakasaya namin ni Kuya habang bumabyahe, kwento dito, kwento doon kaya halos hindi na namin namalayan na malapit na pala kami sa school ko.

"Bunso, susunduin nalang kita mamaya pagkatapos ng klase ko ha?,"

"okey kuya.. sige na bababa na ako baka malate ka pa medyo malayo pa naman ang school mo."

"okey, bye.." sagot ni kuya. tuluyan narin akong  bumaba at  kinawayan na lang si kuya habang papalayo ang kotse niya.  Hindi na ako nagpahatid pa sa loob ng campus minabuti kong sa harap na mismo ng gate ako ibaba ni kuya.

Iba't-ibang emosyon ang naninirahan sa aking dibdib noon, para bang masaya na kinakabahan. Tahimik akong pumila para magpa-fresking sa aming school guard medyo mahaba na kasi ang pila dahil halos sabay nagsidatingan ang lahat ng mga estudyante, ganun talaga sa school namin napaka strict sa security kasi kailanagn talaga naming magpakap-kap at magpa-check ng aming mga gamit bago pumasok para masigurong walang masasamang bagay ang makakapasok sa school.
Habang naghihintay ng aking turn minabuti ko libangin ang sarili sa paglalaro ng candy crash sa cellphone ko, hindi ko napansin na ako napala ang susunod kaya ipinasok ko na muna sa bulsa ko ang aking cellphone at nagpakapkap sa gwardya.

"Uy, Sir Welcome back po!" masaya at malakas na bungad ng gwardiya sa akin sanhi para lingunin ako ng mga estudyanting nasa paligid, nagsibulungan sila at para akong natutunaw sa hiya dahil sa alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil narin siguro sa nagyaring trahedya. Mabilis kong nilisan ang gate nagmamadali ako naglakad para tuntunin ang aking classroom, laking gulat ko ng mapadaan ako sa harap ng flag pole ng school dahil may malaking banner doon at naka-imprinta ang mga mukha namin ni Evo, nakakataba lang ng puso na mainit ang pagtanggap ng school sa amin.

Nasa ikalawang palapag pa ang classroom namin kaya kailangan kong dumaan sa mainstair ng school, Nagulat ako ng may pumiring sa aking mga mata -si Kevin.

"Na miss kita" bulong niya sa tenga ko. inalis ko ang mga kamay niya na nakapiring sa aking mga mata at hinarap siya.

"pwede bang good morning muna?" sagot ko sa kanya na nakangiti. may sasabihin pa sana ang mokong pero napatigil kami dahil sa may narinig kaming palakpak mula sa iisang tao na noon ay nasa aming likuran, halos sabay kaming napalingon ni Kevin.

"Perfect timing yata ako ha?" si Kim, abot tenga ang kanyang ngiti na mas lalong nagpatingkad sa kayang anking kagandahan.

"Friend, kumusta?" tanong ko sabay biso dito.

"I'm great especially that you're back"

"Salamat" maikli kong sagot sa kanya.

"Alam mo bang halos mangayayat itong si Kevin sa kaiisip kung papano ka mahahanap?, ang swerte mo friend?" malakas na atungal ni kim, sinubukan siyang patahanin ni Kevin sa pag-cover ng bunganga nito pero mabilis itong umilag para matapos lamang ang kanyang sasabihin. napangiti nalamang ako dahil hindi ko inaakalang magiging close din pala ang dalawang ito.

"Ah ganun pala ah bukingan?" hirit ni kevin.

"Totoo naman ah, diba friend naniniwala ka sa akin?" sagot ni kim.

"Ewan ko sa inyo, hali na nga tayo baka mahuli pa tayo eh" pagputol ko sa kanila. sumunod na lamang ang mga ito na para bang mga aso sa aking likuran. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nahagip ng aking paningin si Evo, biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso, gusto ko mang lapitan siya at yakapin pero kailangan kong pigilan ito.
Alam kong nakatingin siya sa akin at gusto niya akong lapitan pero hindi siya makahanap ng tyempo dahil mahigpit na nakapulupot sa kanya si Alyson at ako nama'y may  dalawang kaibigang laging nakabuntot sa akin. Binilisan ko ang paglalakad paakyat para maiwasan siya. Hinawakan ako sa braso ni Kevin para patigilin ako.

"May problima ba?" nagtataka niyang tanong sa akin. nakalimutan kong may mga kasama pala ako.

"A..e wala naman. gusto ko lang makarating tayo agad sa room" pagdadahilan ko.
"Friend?, meron pang 30 mins bago ang time. kung makapaglakad WAGAS..hinayhinay lang naman nahahapo na ako sa kahahabol sayo" reklamo ni Kim.

"Sorry na po." sagot ko sa kanila.

Gusto ko mang sulyapan muli si Evo pero parang hindi ko yata kakayanin na makitang magkasama sila ni Alyson, ganito pala kasakit ang mararamdaman kapag nagseselos ka.Alam ko naman na wala akong karapatang magselos dahil una palang alam ko ng sila naman talaga ang dapat sa isa't-isa. Sa tuwing naiisip kong wala pala akong karapatan para magselos ay mas lalong nasasaktan ako.Muli akong nagbagal ng lakad para makasabay sa dalawa kong kaibigan at minabuti kong yumuko nalamang ng tingin para maiwasan si Evo.

Tahimik lang ako ng makarating kami sa classroom, binati ako ng mga kaklase ko at sinuklian ko na lamang sila ng isang ngiti. Wala paring humpay ang pagkikwento ni Kim sa mga pinagagawa ni Kiven habang nawawala ako, ikinwinto rin niya kung papaano sila naging close ng mokong na ito. Tahimik lamang akong nakikinig sa mga asaran at patutsadahan ng dalawa, gusto ko mang maging masigla pero nababalot ng lungkot ang puso ko ng umagang iyon taliwas sa nararamdaman ko habang papunta pa lamang ng school.
Ilang minuto pa ang nakalipas ng dumating si Evo at Alyson kasama ang mga barkada nito na pawang mga varsity student. Tulad ng dati sila parin ang pinakamaingay na grupong pumapasok sa room, nagtatawanan sila pero napansin ko si Evo na para bang wala sa sarili. Tahimik lamang itong naglalakad papasok habang si Alyson naman ay parang lintang hindi matanggal-tanggal ang mga kamay sa mga braso ni Evo.
Bigla naman silang natahimik ng ilang minuto bago sila nakapasok ay dumating ang aming guro. Nag ayos muna ang aming guro ng kanyang mga gamit sa kanyang table bago ito tumayo sa aming harapan at binati kami.

"Well class, as you now see nakabalik na sina Evo at Francis and we're glad to see them came home safe. As part of our new topic for our third grading period in Elective English about the story of survival, A family who was been shipwrecked and found themselves in an isolated island.  The title of this story is "Swiss Family Robinson". So before we proceed to our formal discussion let us welcome and hear their own original story of survival for almost four months in a far away yet undiscovered island in the pacific. So let me request Mr. Thompson and Mr. Lopez to come infront and give us a slight insight of your experience."

Nagpalakpakan ang aming mga kaklase sa amin ni Evo, naunang tumayo si Evo at pumunta sa harapan. Alam kong sana'y siyang magsalita sa harap ng maraming tao, pero ako hindi parin sanay na nakatayo sa harap ng aking mga kaklase kaya medyo pinilit muna ako nina Kim at Kevin para tumayo.

"So Mr. Thompson can you tell us how'd you survived for almost four months in an island without anything but Mr. Lopez?" unang tanong ng aming guro sa kanya. Nakatayo ako mga tatlong dipa mula sa kinatatayuan ni Evo kaya medyo malayo kami sa isa't-isa.

"Actually I'm not calling it as "survival", we have everything we need there. food and water were abundant, just because it was the only  two of us lived there. there were a lot of fruits surrounds us and the place itself feels like heaven, crystal clear beach and virgin lagoon with a bunch of orchids and other kinds of flowers were on the area." pagmamalaki ni Evo.

"And it doesn't matter if you believe it or not but I was grateful for that tragedy, because I discovered something in me that until now is making me smile." dugtong niya, binalingan niya ako ng tingin ng binanggit niya ang salitang IS MAKING ME SMILE para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan.
"Wow what a twist...so your story Mr. Thompson made me impressed. So you all heard that class?, it seems that he enjoyed staying in that island." parang hindi makapaniwalang komplimento ng aming guro.

"So what is that discovery of yours that is making you smile?, can you tell us about that?" dagdag na tanong ng aming guro.

"I'm sorry if I can't tell you about that Ma'am..All I can say is that I'm happy" sagot ni Evo at muling bumaling sa akin.

"Okey, we respect you Mr. Thompson and thank you for sharing us your own personal experience. So now let's give Mr. Lopez a chance to tell his own story of survival" muling pumalakpak ang klase sa akin.
"A..e.." parang may bumara sa lalamunan ko ng mga oras na iyon, sobra akong nahihiya lalo pa't hindi ako sanay magkwento sa harap ng tao. tumawa ng malakas ang ibang kabarkada ni Evo lalo na si Mike ang pinaka matinding mang-asar sa akin noon. Nakita kong hinawakan ni Evo si Mike sa braso at tiningnan ito ng masama dahilan para tumigil ito.Muli akong bumunot ng malalim na hininga para maka-bwelo. sinulyapan ko si kim at kevin na nagsesenyas sa akin na kaya ko ito.

"I thought I was dead, from the moment I felt that we were at the middle of nowhere floating in the sea. We have nothing but our life jackets and unassured hope that we'll get through it." tumigil muna ako para huminga na naman ng malalim, nawala na sa aking mga kaklase ang fucos ko kundi sa mga nangyari sa aking nakaraan.

"I just couldn't thank enough Ev...I mean Mr. Thompson for..." huminto ako at sinulyapan si Evo na noon ay nadadala narin sa aking sinasabi.

"For taking good care of me since he's older than I am. I knew he don't have any reason for saving me, he could save his energy for himself but he never did. We were never been close back then and I was never been good to him. I'm sorry if I forgot to tell you that I thank you for saving my life." huminto na ako at mabilis na bumalik sa aking upuan. gusto ko pa sanang sabihin sa harap ng aking mga kaklase na ngayong napasalamatan ko na siya ay wala nang rason pa para magusap kami.

Naging maganda ang takbo ng aming klase sa boung maghapon, Minabuti kong iwasan na lamang si Evo kahit mahirap dahil walang oras na hindi siya pumapasok sa isip ko. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit hindi ko tuluyan maibigay ng tuluyan ang boung presinsya ko sa dalawang kaibigan kong walang sawang nagpapatawa sa akin pero sinusuklian ko ng matipid na ngiti.

Nang matapos ang lahat ng klase namin sa araw na iyon ay sa isang cafeteria kami sa labas ng school tumambay para hintayin ang kanya-kanya naming sundo. Hindi rin muna umuwi si Kevin kahit na may sariling kotse siya, pinilit niya akong siya nalang daw ang maghahatid sa akin sa bahay pero nagmatigas akong hihintayin ko si kuya dahil nangako akong hihintayin ko siya dito sa school, kaya wala siyang nagawa kundi sabaya kami ni kim sa cafeteria habang naghihintay ng aming sundo.

"Friend?, may problima kaba?" biglang tanong ni kim sa akin ng mapansin niyang hindi ako halos nakikitawa sa mga biro nila ni kevin.

"A..e wala naman bakit?" maang kong balik tanong sa kanya.

"kaninan kapa kasi wala sa sarili eh"

"Ano ka ba normal lang naman ito sa akin" pagsisinungaling ko.

"Wag kang magsinungaling kilala kita best?" si kevin. kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit.

"Wala nga sabi, ano ba kayo...masaya lang siguro ako na nakabalik ako. yun lang..."

"Talaga lang ha?" hirit ni kim.

Dahil nasa gilid kami  ng cafeteria nakapwesto at halos puro transparent  na salamin ang boung paligid ay nahagip ng aking paningin ang papalabas ng school gate na sina Evo at Alyson na parang may pinagtatalunan.
Naunang umalis si Alyson na para bang nagwalk-out ito, sinapo na lamang ng naiwang si Evo ang kanyang ulo habang pinagmamasdan si Alyson na pumasok sa sasakyan nitong naghihintay sa kanya.
Hindi ko namalayang halos doon napala ako nakaharap, nakita kong nakamasid si Kim sa akin mabuti nalang at abala si Kevin sa paghigop ng kanyang coffee shake. ngumiti ng bahagya si Kim saka umiling-iling ito ng kanyang ulo.

"Why?" patay malisya kong tanong.

"Wala!" sagot niya.

"Sorry guys but I have to go nandiyan na ang sundo ko. see ya tom's..." pagpapaalam niya sa amin ni Kevin bumiso muna ito kay kevin at saka sa akin.

"May dapat kang sabihin na hindi ko alam" bulong niya sa akin ng nagtapat ang aming pisngi.

"Ang alin?" mahina kong tanong. sinagot na lamang ako nito ng plastic na ngiti saka tumalikod at lumabas ng cafeteria.

"matagal pa ba ang kuya mo?ako nalang kaya ang hahatid sayo?" muling pamimilit ni Kevin.

"Wag kana kasing mag-alala sa akin, pwede namang mauna kana promise I'll be okey" sabi ko sabay taas ng aking kanang kamay.

"No, sasamahan nalang kita dito if ayaw mo talaga"

"Bahala ka" sagot ko sa kanya habang humihigop ng aking mocha flavored shake.

"So nag-enjoy pala kayo sa isla ni Evo?"

"Wala akong sinabi na nag-enjoy ako we're different. kung siya nag-enjoy pwes ako hindi." matabang kong sagot.

"Kulang nalang sabihin mong HERO mo siya" muling patutsada ni Kevin.

"Are you implying something? may ibig ka bang iparating?" naiinis kong tanong.

"Wala. Hindi mo naman ako masisi kung nagseselos ako eh" sagot niya sa mapagkumbabang tinig.

"Kevin, how many times do I need to tell you that we're friends. I hate hurting you in such a way that I'm unaware that I'm hurting you already."

"Okey, okey. don't be mad I'm sorry." pagputol niya sa usapan namin.

Huminga na lamang ako ng malalim at saka muling humigop ng shake. naramdaman kong nagba-vibrate ang phone na nasa loob ng aking bulsa kinuha ko ito:

 Calling.....-kuya Nico.

"Hello bunso saan ka? nandito na ako sa labas ng gate"

sumulyap ako sa labas, nakita kong nakaparada ang aming kotse sa harap ng gate ng aming school.

"lalabas na ako kuya, nandito ako sa coffee shop infront of our school"

"sige dalian mo, hihintayin nalang kita dito" sagot ni kuya. pinatay ko ang aking phone at saka inayos ang aking mga gamit na nakakalat sa taas ng misa.

"So paano? kuya is right outside waiting for me mauuna na ako" paalam ko kay Kevin.

"Sige ingat" sagot niya. nginitian ko na lamang siya saka lumabas.

Mabilis naman kaming naka-uwi ni kuya sa bahay, pagdating namin nadatnan namin si Daddy at Mommy sa sala. May kausap si Daddy sa telepono at mukhang galit ito.

"What the hell was that?, akala ko tayo na ang nanalo sa badding?..kailangan nating makuha ang project na iyan dahil diyan nakasalalay ang pagpasok ng mga major investor natin..okey! kailangan mong magawan ng paraan yan to win their trust back"

Nanatili kaming nakikinig kay daddy ng tahimik, tumahimik si daddy at para bang nakikinig ng mabuti sa kanyang kausap na sa hinala ko ay ang Vice president ng aming kompanya na si Tito Gary.
muling nagsalita si Daddy.

"Ano?.. may gumapang sa mga investor na i-transfer ang project sa ibang kompanya?, kailangan nating malaman kung anong kompanya ang nagtatraidor sa atin...I want the answer Gary as soon as possible".
ibinaba ni Daddy ang telepono at saka huminga ng malalim at umupo sa sofa katabi ni Mommy, hinaplos-haplos na lamang ni Mommy ang kanyang likod. lumapit kami ni kuya sa kanila at humalik dito.
"Dad is everything okey?" malambing kong tanong.

"Yes iho, everything is alright. sige na umakyat na kayo ng kuya mo at magbihis nakahain na sa dining area ang hapunan." sagot ni Daddy.

"opo Dad" sabay naming sabi ni kuya.

Alam kong kaya ni Daddy lutasin ang kahit anong problima na may kinalaman sa aming kompanya, Isa ang kompanya namin sa pinakamalaking constraction firm sa bansa kaya hindi maiiwasang may makaka-kompetinsya kami.Naging maayos ang naging takbo ng buhay ko sa bahay dahil ngayon damang-dama ko na ang pagmamahal ng aking boung pamilya. Alam ko sa puso ko na kahit ganun hindi parin bou ang puso ko dahil may hinahanap itong tao na pilit kong iniiwasan.

Halos magtatatlong buwan narin mula ng makabalik kami ng ligtas ni Evo sa kanya-kanya naming pamilya, at mula din noon hindi narin kami ni minsan nabigyan ng pagkakataon na makapag-usap. Ako narin ang laging umiiwas pag-alam kong magkakasalubong kami o kaya magtatagpo sa isang lugar na hindi namin inaasahan. Alam kong mahal ko siya pero takot akong masaktan pag-ipinagpatuloy ko ito, Meron na siyang Alyson at sa tatlong buwang hindi kami nagkausap manlang alam kong marami na ang nagbago sa kanya at marahil ay nakalimutan na niya ang nangyari.

Patuloy parin sa panunuyo si Kevin sa akin at hindi siya nagsasawang iparamdam sa akin ang kanyang pagtingin, Alam narin ni kim ang tungkol dito at niririspito niya kami. Kahit anong gawing pagtanggi ko kay kevin ay hindi ito nagsasawang gawin ang lagi niyang pagpaparamdam.
Lagi kaming magkasamang tatlo kahit na varsity member si Kevin ay mas pinili niyang sa amin laging sumama ni Kim. minsan nanonuod kami sa practise nila kevin sa gym at dahil nga magkateam mate sila ni Evo ay hindi maiiwasang magkita kami sa gym.

Alam kong napapasulyap siya sa akin minsan habang nagdidribble ng bola pero patay malisya akong nagchi-cheer kay kevin. Hindi ko rin sila maintindihan minsan ni Alyson dahil minsan ang sweet-sweet nila minsan naman parang aso't pusa na nag-aaway kung saan sila abutan ng kanya-kanyang init ng ulo.
Sa paglipas ng panahon ay parang nasanay narin akong parang hangin lang sa paningin ko si Evo, Alam ko namang wala naman siyang ginagawang hakbang para mag-usap kami, sino ba naman ako sa kanya kung tutuusin.

Kaming tatlo naman ay komplitos rekados kung magkasama tawanan, kantiyawan at kung ano-ano pa. Hangga't maari naman ay minabuti naming tatlo ang lihim na pagtingin ni kevin sa akin, sikat sa campus si kevin at maraming tagahanga katulad ni  Evo kaya kailangan naming pangalagaan ang kanyang image as we call it. char!.

Pero napapansin kong naging kabaliktaran naman ito sa nangyayari kay Evo. Naging matamlay ito, minsan ko nalang siya nakikitang sumasama sa mga barakada nito at kung sumasama man ito ay hindi ito nakikitawa o nakikijoin sa mga biruan.

Isang araw noon nagkataong wala ang aming guro at absent ang madaldal na si kim kaya napilitan kaming maglagalag na dalawa ni Kevin. naisipan namin sa isang park na malapit sa dagat dahil malapit ng magdapit hapon noon kaya gusto naming magmasid ng sunset. habang papunta kami doon sakay sa kotse ni kevin ay napansin kong parang may pamilyar na sasakyan ang sumusunod sa amin. nakikita ko kasi ito mula sa side mirror ng kotse, inisip ko nalang na sa dami ba naman ng magkakulay at magkadesign na kotse posibling walang kapareha ang mga ito kaya hindi ko nalang ito pinansin.
Eksaktong-eksakto ang pagdating namin ni Kevin dahil sa mga oras na iyon ay papalubog na ang araw, mabilis kaming umupo sa seawall at nagmasid dito.

"Ang sarap palang manoud ng sunset noh?, lalo pa't kasama kita" papansin ni kevin.

"Pwede bang manoud ka nalang sinisira mo ang moment ko" sagot ko.Sa mga oras na iyon ay hindi kay Kevin ang atensyon ko kundi sa isang ala-ala -si Evo. malaking bahagi ang sunset sa kanya, ito ay ala-ala ng kanyang namayapang ina.

"Wala ba talaga akong pag-asa sayo?" seryoso niyang tanong na nagpabalik sa aking ulirat.

"Kevin?, ang pag-ibig hindi pinipilit o minamadali kusa itong nararamdaman"

"paano pag hindi mo maramdaman?"

"Kevin. gwapo ka, sikat ka sa school at maraming taga hanga isn't that enough para humanap ka ng mas worth at deserving sayo?"

"Eh ikaw ang tinitibok nito eh?"

"Shushh!..change topic nalang pwede?"

"Okey, basta may ganito" sagot niya sabay halik sa pisngi ko pero sa kasamaang palad napaharap ako sa kanya ng hindi ko sinasadya kaya balls eye ang aming lips sa isa't-isa.Mabilis akong umilag dahil baka may makakita, tumingin ako sa aming paligid buti nalang at walang may nakapansin. sumulyap ako sa aming likod laking gulat ko ng may lihim na nagmamasid sa amin at puno ng lungkot ang mga mata -si Evo. ng mapansin
niyang nakita ko siya ay agad itong tumakbo sa kanyang kotse.

Ang kotse....naalala ko na, sa kanya yung kotseng sumusunod sa amin kanina pero bakit niya kami sinusundan?, bakit ganun ang lungkot sa kanyang mga mata?.

Itutuloy...