Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 15
Gusto ko siyang habulin pero paano
si Kevin?, hindi ko pweding iwanan nalang siya dito. Pero hindi ako mapakali,
kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari kay Evo.
"I'm sorry Kevin but I need to go, bukas mo nalang ako tanungin kung
bakit, pero may kailangan akong gawin ngayon. sorry."
Hindi na nakasagot pa si Kevin dahil agad akong tumayo at tumakbo palabas
ng park. Pumara ako ng taxi para mahabol pa ang kotse ni Evo.
"Manong paki-habol po ang kotse na yan wag niyo pong hayaang mawala sa
inyong paningin"
"Opo sir." sagot ng driver sa akin.
Hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko tuwing naaalala ko ang
malungkot na si Evo kanina, ibang-iba na siya kaysa dati. kailangan ko siyang
mahabol at makausap, gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa kanya. Medyo
malayo na rin ang nabyahe namin hindi ko namalayan na palabas na pala kami ng
maynila, Sa isang tahimik na tulay tumigil si Evo. Minabuti kong bumaba malayo
sa lugar kung saan niya pinarada ang kanyang
kotse, lakad takbo ang ginawa ko para makalapit sa kanyang kinaroroonan
medyo madilim narin ang paligid kaya hindi ko masyadong makita si Evo sa lugar
tanging ang kotse niya ang aking nakikita. hindi ko rin alam kung bumaba ito sa
kanyang sasakyan, napatigil ako ng may nakita akong tao sa kabilang bahagi ng
tulay na para bang tatalon ito. kinabahan ako ng sobra at pinag-papawisan kaya,
kahit walang lingon-lingon kung may paparating ba na sasakyan ay pikit mata
akong tumawid para lapitan ang taong iyon. natatakot akong baka si Evo ang
taong iyon.
"Evo anong ginagawa mo?" sigaw ko habang tumatawid sa gitna ng
daan. Pero sa kasamaang palad may isang ten wheeler truck ang humaharurot
palapit sa akin, Para akong na-estatwa sa aking kinatatayuan at walang lakas
para ilagan ang truck na paparating sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at
hintayin nalang kung ano man ang kahihinatnan ko, pero laking gulat ko ng may
yumakap mula sa aking likuran boung lakas niyang inilayo ako sa truck at
nagpagulong-gulong kami hanggang sa marating namin ang gilid ng daan.
"Ano kaba?!!! magpapakamatay kabah?!!!!!!" sigaw ng taong
nagligtas sa akin. Nagulat ako dahil si Evo ang taong iyon, teka sino naman
yung taong parang tatalon sa tulay?, Naku naman hindi naman pala siya ang taong
yun eh. nakadagan ako sa kanya habang mahigpit niya akong yakap.
"Ano?....tititigan mo nalang ba ako hindi kaba tatayo jan?" sabi
niya dahilan para bumalik ako sa aking katinuan.
"So..sorry" nahihiya kong sagot, nagmadali akong tumayo at
pinagpagan ang sarili ko.
"Teka bakit kaba nandito?" tanong niya habang bumabangon mula sa
pagkakahiga.
"A..e..kasi" para akong
pepeng hindi maisatinig ang gusto kong sabihin.
"Paano na ang boyfriend mo, iniwan mo doon?"
"hindi ko siya boyfriend FYI." naiinis kong sagot.
"talaga lang ha?.."
"pakialam mo naman kung if ever
boyfriend ko siya?"
"Eh bakit ka naman sunod ng sunod
sa akin?"
"Kasi nga ano eh..."
"Ano?" pamimilit niya.
"W..wala akala ko kasi...." sagot ko parin na para bang nauutal
na. alam kong namumula na ako sa hiya.
"Never mind nalang" sa wakas nakahanap ako ng bwelo.
"sige mauuna na ako" hindi ko alam kung bakit yun ang nasabi ko
marahil sa sobrang hiya ko. mabilis akong tumalikod saka humakbang papalayo sa
kanya, medyo nakaramdam ako ng takot dahil wala na halos taxi ang dumadaan sa
bandang iyon.
"Teka!" pinigilan niya ako, hinawakan niya ang braso ko saka
sapilitang pinaharap ako sa kanya at niyakap ako ng napakahigpit.
Matagal, mahigpit at puno ng emosyon ang mga yakap na iyon, hindi man niya
sabihin pero alam kung malungkot siya.
"Na miss kita" bulong niya sa akin.
"Na miss din naman kita ah." sagot ko.
"Talaga?, akala ko kasi bumalik kana kay Kevin"
"Bestfriend ko lang yung tao"
"Iniiwasan mo kasi ako lagi" lungkot-lungkutan niya.
"Akala ko kasi masaya ka na kay Alyson"
"Simula ng minahal kita naglaho narin ang pagmamahal ko sa kanya, but
I'm sorry kung wala akong ginawa para magkaliwanagan tayo. after all what
happened to us nagkaroon ako ng identity
crisis, gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko sayo....kasi..kasi.."
hindi na napigilan pa ni Evo at mapaiyak sa aking balikat.
"It's okey, I understand you. Alam kong ayaw mong maging bakla, but
Evo I see you as a real man. hindi kabawasan sa pagiging lalaki ang magmahal sa
kagaya ko" palubag loob ko sa kanya.
"Salamat." maikli niyang sagot, itinapat niya ang kanyang mukha
sa aking mukha at dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa akin. Sa unang
pagkakataon mula sa matagal ng panahon na hinahanaphanap ko ang mga halik na
iyon ay muli ko na namang malalasap ito. Punong-puno ng pagmamahal ang halik na
iyon na pinasarap pa ng isang pananabik.
"Mahal na nga talaga kita" sambit niya sa akin.
"Mahal din kita, pero paano si
Alyson?"
"I already broke up with her, pero ang tigas ng ulo panay parin ang
sunod sa akin"
Naramdaman ko ang malamig na hangin sa paligid kaya na pa crossed arm ako,
napansin niya na nilalamig ako kaya hinubad niya ang jacket niya at pinasout sa
akin.
"Salamat" sabi ko sa kaya.
"tara pasok na tayo sa kotse at maka-uwi na" yaya niya sa akin,
inakbayan niya ako habang naglalakad kami patungo sa kanyang sasakyan.Tahimik kami habang bumabyahe, wala mang salitang lumalabas mula sa aming
mga bibig pero ramdam ko ang saya at
pagmamahal na bumabalot sa aming dalawa sa mga oras na iyon. Para akong
nananaginip lang hindi ako
makapaniwalang mahal parin ako ni Evo. Nasapo ng aking kamay ang nagba-vibrate
kong cellphone na sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko na, kinuha ko ito at
tiningnan kung sino ang nagtext o kaya ang tumawag.
6 text messages....
Best kevz: frans, san ka pu2nta?
Best kevz: mgrply ka nmn oh nag-aalala ako.
Best Kevz: may emrgncy ba sana sinma mo nlang ako.
Kuya Niko: Bunso tumawag si Kevin sa akin dito bigla ka daw umalis at
natataranta? txtbk.
Friend Kimmy: (Si Kim) friend ok ka lang tinatanong ka sa akin ni kevin?
Mommy: Son may problima ba? please call me. you're not answering my call.
8 Missed calls....
?Best Kevz(4)
?Mommy(2)
?Kuya Niko
?Friend Kimmy
Napatulala ako sa hawak kong cellphone habang nakayuko iniisip ko kung
anong klasing dahilan ang gagawin ko pagdating sa bahay mamaya. Naramdaman ko
ang paghaplos ng malambot na kamay ni Evo sa aking pisngi habang nasa manibela
ang kaliwang kamay nito, sumulyap ako sa kanya ngumiti ito sa akin na para bang
sinasabing ayos lang ang lahat. hinawakan ko ang kamay nito na humahaplos sa
aking pisngi at gumanti ng ngiti dito.
"Nag-aalala ka ba?" malumanay na tanong nito sa akin.
"Medyo. pero okey lang kasi nandito ka naman, sulit na sa akin yun
kahit na pagalitan ako mamaya"
"I'm sorry"
"Bakit ka naman nag-sosorry?. wala ka namang kasalanan"
"Kasi ako ang dahilan para mapagalitan ka"
"Sus, okey lang ako. heto
naman, ikaw nga ang dahilan pero ako naman tong kusang gumawa nito"
pangpalubag loob ko dito.
Mabilis kaming nakarating sa bahay hindi ko na siya pinapasok pa dahil
nag-aalala akong baka nandoon na rin si kevin at naghihintay sa akin dahil sa
ginawa kong pag-iwan sa kanya. pagbubuksan pa sana niya ako ng pinto ng kanyang
kotse pero pinigilan ko siya.
"Wag na. baka makita ka nila na magkasama tayo"
"Bakit, anong masama pagmasama tayo?" protesta nito sa akin.
"Evo?, baka nasa labas lang ng bahay si kevin at naghihintay sa akin.
ayaw kong mag-away kami dahil dito"
"bakit kayo na ba?"
"Hindi nga! kaibigan lang ang tingin ko sa kanya at isa pa bakit kita
hahabulin kanina at iwanan siya kong kami na?"
"Sige na...I trust you naman eh"
"ganun naman pala eh, oh sige na mauuna na ako mag-ingat ka pauwi
ha?"
"Wala bang ganito?" hirit nito, tumingin ako sa kanya na
nakakunot ang aking noo. pumikit pa ito habang pinapahaba ang kanyang mga labi.
"Swerte mo naman, manigas ka!" biro ko dito. tatalikod na sana
ako para buksan ang pinto pero hinila niya ako at niyakap ng mahigpit saka
hinalikan ang aking mga labi. Alam kong tainted ang kanyang sasakyan pero nag
panic ako na baka makita parin kami mula sa labas kaya naitulak ko siya ng
bahagya.
"Oh masaya ka na? sige na bababa
na ako" mabilis kong sabi saka lumabas.
"Bababye CRASH sweet dreams" muling hirit nito. napangiti ako
dahil hindi pa pala niya nakakalimutan yung inimbinto naming endearment.
Mabilis kong binuksan ang gate at dali-daling pumasok sa bahay. Nagulat ako
dahil pagbukas ko ng malaking pinto namin ay komplito ang boung pamilya na
naka-abang sa akin sa sala. Si Mommy, Daddy at Kuya.
"hi Mom, Dad" bati ko sa mga ito saka nagmano.
"hi kuya?" puna ko kay kuya. pinakiramdaman ko sila kung galit ba
ang mga ito sa akin pero mukhang hindi naman mabibigat ang mga mukha nito.
"where have you been son?" tanong ni Daddy.
"We're worried about you" dagdag ni Mommy.
"And you're bestfriend was uneasy. tumawag siya sa akin, sabi niya
iniwan mo daw siya sa park umalis ka daw na balisa." mahabang sabi ni
kuya.
Bumunot muna ako ng malalim na hininga bago sinagot ang mga ito. Alam kong
kailangan kong sagutin sila at bawat segundo ay napaka importante para sa akin
para mag-isip at umimbinto ng kwento, hindi lang kwento kundi isang valid na
kwento para maka-iwas ako ng sermon mula sa mga ito.
"Mom, Dad and big bro...." panimula ko saka bumunot uli ng
malalim na hininga.
"I was just so excited to recieved a text message from one of my
friend na pinalabas na sa market ang komiks na inaabangan namin, Kaya
nagmamadali akong pumunta ng mall. I'm sorry if I was over reacting but I'm
dead crazy to have one of that comics." pagdadahilan ko.
"bakit hindi mo nalang sinabay si Kevin?, mas mabilis kang
makakarating ng mall dahil may sasakyan naman siya." muling tanong ni kuya.
"Kuya, pagdinala ko pa siya matatagalan na naman kami kasi maghahanap
at sasama pa ako sa kanya sa parking lot, mas mabuti na na magtaxi nalang
ako."
"Hindi naman sa pinagbabawalan ka namin anak pero sana next time don't
forget to text or reply naman okey?, we've lost you ones and we don't want it
to happen again" Si Mommy.
"Sorry po Mom, Dad and kuya. hayaan niyo po hindi na mauulit"
para akong basang sisiw nag nagpapaawa sa kanila.
"Okey na yun son, what's important now is you arrived home
saefely" Sabi ni Daddy, lumapit ito sa akin saka inakbayan ako.
"Tara na sa dining area nakahain na si manang" yaya ni Daddy sa
amin.
tulad ng dati masaya kaming naghapunan, tawanan at kwentuhan palagay ko
tataba ako ng hindi sa oras pagganito lagi ang hapunan namin. Mabilis akong
tumungo sa aking kwarto pagkatapos naming kumain, Naligo na muna ako para
makapag-refresh. Nasa harap na ako ng malaking salamin na nasa pader ng aking
kwarto at pinupunasan ang basa kong buhok ng mapansin kong may bumabato sa
salamin ng bintana, lumapit ako para tignan kung sino nagulat ako ng makita ko
sa ilalim si Evo. Binuksan ko ang bintana.
"Paano ka nakapasok dito?" pabulong kong sabi sa kanya.
"Wala kang tiwala dito?" pabulong din niyang sagot habang
nagpi-flex ng muscle sa kanyang kanang
braso. Umakyat ito mula sa unang palapag ng bahay hanggang sa second floor
gamit ang kumot na hinagis ko.
"Mag-ingat ka baka ka
mahulog" muli kong bulong sa kanya.
Natatawa akong tignan siya habang hirap na hirap siya sa paglambitin sa
kumot maka-akyat lamang siya sa kwarto ko, mga tatlong minuto din siyang
lumambitin bago naka pasok sa loob at hapong-hapo.
"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at pumunta ka dito?" mataray
kong tanong.
"Wala. gusto lang kitang makita, bakit ayaw mo? Uuwi nalang ako"
pagtatampo niya.
"Hindi naman syempre gusto ko. na miss mo agad ako noh?"
"Matagal na kitang miss" sagot niya habang kinukurot ang
magkabilang pisngi ko.
"tigilan mo nga ang pangigigil mo masakit na ang pisngi ko"
paglalambing ko.
Nakatayo parin kami sa bintana nakahawak siya sa magkabilang pisngi ko
habang nakapulupot naman ang kamay ko sa beywang niya, nakalimutan kong hindi
pa pala ako nakabihis at tanging manipis na tuwalya lamang ang nakabalot sa
aking kahubdan.
Dahil sa matangkad siya sa akin kailangan kong tumingala pa dito para
lamang magkasalubong ang aming mga mata. Walang pag-uusap na nangyari tanging
ang mga titig namin ang nagkakaintindihan at dinadama ang bawat tibok ng aming
puso.
Sa mga oras na iyon alam kong hindi ko lang siya basta mahal, mahal na
mahal ko na siya. Siya na siguro ang bubuo ng bawat araw ko pagkatapos ng
tagpong ito.
"I can't believe you're here with me now" bulong ko sa kanya.
"Just believe. nandito ako palagi sa tabi mo" mas hinigpitan ko
ang pagkakayakap sa kanya, siya naman ay mas lalong yumuko para maglapit ang
aming mga mukha.pumikit ako at nagpaubaya sa mga susunod niyang gagawin, nakiramdam at
naghihintay. Wala akong ibang nararamdaman noon kundi ang malakas na pagtibok
ng puso ko, magkahalong kaba, saya at pananabik ang nananahanan sa bawat parte
ng aking pagkatao.
Naamoy ko na ang mabango niyang hininga hanggang sa parang kuryenting
lumapag ang malambot niyang labi sa aking labi. Noong una'y tanging ang labi
niya ang gumagalaw na parang ginagalugad ang bawat parte ng aking bibig,
Hanggang sa kusa naring gumalaw ang aking mga labi para gantihan ang pagmamahal
na ipinaparamdam sa akin ni Evo.
Wala kaming iniisip sa mga oras na iyon kundi ang mga sarili namin na
hinihimay ang saya na dulot ng aming sekritong pagmamahalan. Hindi ko alam pero
sa kabila ng sayang iyon ay may takot na umusbong sa aking puso, takot na baka
isang araw kung kailan nakadepende na ang boung sarili ko't buhay sa kanya ay
bigla siyang mawala sa aking tabi. Hindi ko lubos maisip kung paano ko
lalabanan ang sakit kung sakali mang dumating ang araw na iyon.
"Umiyak ka ba?" napahinto siya sa aming ginagawa para siyasatin
ang aking mukha.
"Hi..hindi ah, bakit naman ako iiyak?" nahihiyang sagot ko.
pinadulas niya ang dalawang hinlalaki niya sa magkabilang dulo ng aking mga
mata na noon ay may mga butil na luha.
"Umiiyak ka eh" pagkumpirma niya.
"Oo na nga umiiyak ako"
"Why?" nag-aalalang tanong niya.
"Afraid!" mahina kong sagot na halos pabulong ko na iyong ginawa.
"Afraid of what?"
"Of losing you!...mahal na kita at takot akong baka isang araw mawala
ka"
"Alam kong hindi madali ang ating pagmamahalan, maraming aayaw sa
ating relasyon at hindi natin alam kung matatanggap ba tayo ng ating mga
magulang. pangako ko sayo magtagumpay man sila na paglayuin tayo o ang panahon
pero walang kung sino man ang kayang burahin ka dito" sagot niya habang
tinuturo ang kanyang dibdib. Sinandal ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at
kinulong ng kanyang matipunong mga bisig sa kanyang malambot na katawan.
"Salamat" ang tanging nasambit ko.
Tumagal ng ilang minuto ang aming pagyayakapan na sa higpit noon ay
pinagpapawisan ako kahit nakahubad at tanging tuwalya lang ang takip sa
pag-ibabang parte ng aking katawan.
"TOK!..TOK!...tOK!"
halos lumundag sa gulat ang boung katawan ko ng marinig ang katok sa labas
ng pinto.
"TOK!..TOK!...TOK!"
Nagpanic kami ni Evo natataranta ako kung saan ko siya itatago sa banyo ba,
sa ilalim ng kama o sa loob ng aparador.
"Best?, si kevin to"
"A minute please!" sagot ko dito.
"Saan mo kayang magtago?" bulong ko kay Evo.
"Sa aparador nalang kaya" sagot niya. Dali-dali ko sayang
pinapasok sa malaki kong aparador at tinakpan ng mga naka hanger kong mga
damit.
"Best?" muling tawag ni Kevin.
"heto na bubuksan na" sagot ko, bagong ligo ako pero
pinagpapawisan ako.
"Sorry, naliligo ka pala"
"kanina pa naman ako tapos"
"teka, bakit ka pinagpapawisan?" biglang pansin niya sa pawis ko.
Para akong na pepe sa kanyang tanong hindi ko kasi alam kung ano ang
isasagot ko.
"A..e..Wala sinubukan kung magpush-up sa loob ng shower gusto ko
kasing lumaki tong baby muscles ko" pagsisinungaling ko habang pini-flex
ang muscles sa mga braso ko. pasekrito kong tiningnan ang aparador kung saan
nakatago si Evo, nakatalikod kasi si kevin sa aparador kaya hindi niya
mapapansin si Evo sa aparador.
"Ah ganun ba?, gusto mo ako ang mag train sayo?" paniwalang sagot
ni kevin.
"Wag na, nakakahiya naman eh."
"Ok if that's what you feel" medyo bumaba ang boses niya.
"May problima ba best?"
Huminga muna siya ng malalim, tinitigan niya ako at para bang binabasa ang bawat himaymay ng
emosyon na nakatago sa aking mga mata.
"Tungkol ba ito sa pag-iwan ko?" inunahan ko na siya. tumango
lamang ito.
"Ma...mahalaga pa ba ako sayo?"
nahihirapan niyang sagot, kinagat niya ang kanyang mga labi para pigilan
ang nagbabadyang pagbulwak ng kanyang emosyon.
"Mahalaga ka sa akin, best don't think you're no longer
important" hinawakan ko ang pisngi niya at pinahiran ko ang mga luhang
dumaloy mula sa gilid ng kanyang magkabilang mata.
"Wala na ba talaga akong pag-asa sayo?, ka..kasi nahihirapan na akong
maghintay frans"
"Patawarin mo ako kung nasasaktan kita sa paraang hindi ko sinasadya,
best I'm sorry but I only love you as a friend and you're important to me"
masakit man para sa akin na sabihin iyon at saktan siya pero kailangan kong
maging totoo sa aking nararamdaman para hindi na masyadong umaasa pa si kevin,
mabuti ng minsanan siyang masaktan kaysa paasahin ko siya at nasasaktan
araw-araw.Sa puntong iyon hindi na nakayanan pa ni Kevin ang kanyang mga narinig mula
mismo sa akin, humagolgol ito. niyakap ko siya para kahit papano ay pagaanin
ang kanyang kalooban, nakita kong lalabas na sana sa aparador si Evo pero
sininyasan ko siyang huwag mag-alala.
"I'm sorry sa pagiging emosyonal ko." pinahiran niya ang kanyang
mga luha at inayos ang kanyang sarili.
"Wala yun, patawad." mahina kong bulong.
"Wala kang kasalanan frans. sige uuwi na ako, magpahinga ka na at
magbihis" huling sinabi niya saka tumalikod at lumabas. Awang-awa ako sa kanya, alam kong kaya ko na sanang mahalin si kevin noong
mga panahon na walang Evo sa buhay ko. gusto kong maging mabuting kaibigan sa
kanya pero paano ako magiging isang mabuting kaibigan kung nasasaktan ko siya
sa paraang hindi ko sinasadya.
"Ok ka lang?" mahinang tanong ni Evo.
Tumingin ako sa kanya at sinagot ito ng isang ngiti.
"Naawa lang ako sa kanya."
"Sa pag-ibig hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal, minsan kailangan nilang magsakripisyo para
lumigaya ang taong mahal nila kahit masakit"
"Sana makahanap si kevin ng mas deserving sa akin."
"Don't worry there are lots of fish in the sea." pagpapatawa ni
Evo.
Sa gabing iyon wala kaming ibang ginawa ni Evo kundi ang mag kwentuhan,
kulitan at tawanan ng pigil. Alam kong dinadamdam ko parin ang lungkot na dulot
sa akin ni kevin, mas nangingibabaw ang saya na hatid sa akin ng prisensya ni
Evo.Naging masaya ako sa bawat paglipas ng mga araw na nagkikita kami ng
palihim ni Evo, pinili naming ilihim ni Evo ang aming relasyon. Maging sa
dalawa kong kaibigan ay minabuti kong wag ipaalam.
Naging mas aktibo na ako sa school kasabay ng lihim na kompetisyon ng
dalawang lalaking nagmamahal sa akin. Alam kong
walang alam si Kevin tungkol sa relasyon namin ni Evo at natatakot ako
pagdumating ang panahon na magkabistuhan na.Magkaagaw ang dalawa sa lahat ng larangang sinasalihan nila, Most valuable
player, SSG president, campus heart throb 2013
at marami pang iba. Almost devided narin ang mga fans ng dalawa sa
campus mapa-babae man o bakla ay kinikilig sa kanilang dalawa. Ang hindi alam
ng lahat ay maging sa pag-ibig ay magkaagaw ang dalawa.Hindi parin nagbabago si Kevin sa pakikitungo niya sa akin mas lalong
naging maligalig ito ng pagpaparamdam sa akin ng palihim, Alam ko minsan
nagseselos si Evo sa tuwing lihim na naglalambing sa akin si Kevin pero sinabi
ko sa kanya na magtiwala nalang sa akin.
Naging mapilit din si kevin na siya na ang maghahatid at susundo sa akin,
noong una'y nagmatigas akong si kuya nalang pero dahil nakipagsabwatan ito sa
Mommy, Daddy at kuya ko kundi wala na akong nagawa pa.
Sinasabi ko naman ang lahat ng nangyayari kay Evo sa tuwing nakakatakas ako
kay Kevin para makipagkita sa taong mahal ko.
Isang araw noon maaga na namang bumusina sa harap ng gate namin si Kevin
para sunduin ako.
"Ang aga mo naman pwede bang minsan tagalan mo ang pagdating para may
time naman akong
magpagwapo sa malaki kong salamin?" mataray kong
pangbungad kay kevin.
"Sus, hindi na kailangan yun
kahit hindi ka mag-ayos cute ka parin. at sino ba namang hindi maeexcite
araw-araw na maagang puntahan ka dito kung ganyang ka ka-cute lagi"
pambobola ng mokong na ito sa akin.
"Ang aga-aga naman bola agad?, no wonder baka ikaw ang MVP of the
year" pang-aasar ko sa kanya.
"Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako" agad niyang sagot.
Isa sa pinaka hinahangaan ko sa bestfriend kong ito ay ang pagiging
mapagkumbaba nito, hindi ko siya nakitaan ng kahit katiting na kahambugan sa
kabila ng mga papuri at parangal na nakukuha niya sa school. Syempre hindi
naman nahuhuli si Evo, kung dati ay abot langit ang galit ko dito dahil sa para
sa akin noon ay napakahambog nito pero nagbago bigla ang pagkakakilala ko sa
kanya ng makilala ko ng lubos ang totoo niyang pagkatao. Mapagmahal, humble at
laging iniintindi ang kapakanan ng iba hindi lamang sa akin kundi sa mga
kaibigan niya.
Nagvibrate ang phone ko...
"beeep...beeep..."text ni Evo.
"Morning crash, excited to see you later"
napangiti ako.
"Same here crash...wanna kiss you na.. jowk" reply ko.
"bk8t my jowk pa?...de bale na I'll kis u pa rin.. b ridy" sagot
niya.napangiti ako sa sagot niya.
"Mukhang kinikilig ka sa katetx mo ha?, sino ba yan?" Si Kevin.
nagulat ako sa sinabi niya, inilapag ko sa gilid ng upuan ang phone ko para
tigilan niya ako sa kanyang tanong.
"Malapit na pala tayo" pag-iiba ko ng topic.
"Sa entrance ka nalang bumaba ako nalang ang magpapa0park ng kotse
kasi masyadong mainit na" walang ka-emosyon niyang sabi.
"Ok" matipid kong sagot para hindi na humaba pa ang usapan at
mauwi sa away na naman.
Katulad ng dati sinalubong kami ni Kim, maingay at palatawa ang hunghang na
ito kaya maingay kaming naglalakad sa hallway. napansin kong wala sa mood si
Kevin taliwas sa naging aura nito kanina habang hinihintay ako sa bahay,
minabuti kong wag nalang siyang pansinin.
Sa klase naman panay ang pasulyap-sulyap namin ni Evo ng palihim,
napapangiti ako sa tuwing kinikindatan niya ako o kaya nagpapacute ito sa akin.
Hindi kami masyadong nakakapag-usap sa school dahil madalas niyang kasama ang
mga varsity student at si Alyson na kahit pinagtutulalakan na ni Evo ay parang
asong bubuntot-buntot sa kanya, Ako naman ay may dalawang bestfriends na laging
nasa tabi ko.
Nakaramdam ako ng uhaw sa kalagitnaan ng klase kaya naisipan kong
mag-excuse para pumunta sa labas at bumili ng softdrink, sasama sana si Kevin
pero pinigilan ko siya kaya tahimik na lamang itong yumuko at pinagpatuloy ang
pagkopya niya ng mga lesson namin sa white board.
Dumiritso ako sa cafeteria para mabilisang makabili ng maiinom, ng hawak ko
na ang softdrink ay umupo muna ako sa bakanteng misa para ubusin ang binili ko.
Mabilis naman akong nakabalik sa building kung nasaan ang aming classroom, bago
ako pumasok sa loob ng classroom ay dumaan muna ako sa C.R para magfix ng
sarili. Humarap ako sa malaking salamin at naghilamos. nakapikit ako habang
naghihilamos ako ng aking mukha, pagdilat ko ay nagulat ako sa aking nakita sa
aking likuran mula sa repleksyon ng salamin-Si Evo.
"Anong?..bakit ka nandito?" natataranta kong tanong.
"Bawal ba akong mag CR?" pamimilosopo niya.
"Evo kung may iniisip ka please wag dit....." hindi ko na natapos
ang aking dapat sabihin dahil sa sinunggaban niya na ng halik ang aking mga
labi sabay ng paghila nito sa akin sa isang compartment ng CR saka ni-lock ang
pinto.
punong-puno ng pananabik ang halik na iyon. nakaramdam ako ng takot sa mga
oras na iyon, baka mahuli kami pero sa tuwing naaalala ko na kasama ko si Evo
ay nawawala ang takot at ipagpatuloy na lamang ang aming halikan.
Napahinto kami ng may pumasok sa loob ng CR, mga dalawa o tatlong estudyante nagtatawanan sila ng pumasok.
Nabosisan ko sila, pawang mga myembro ng varsity student kaya kilala sila ni
Evo.
"tok..tok..tok.." lumakas ang kaba sa aking puso na parang
kakapusin ako ng hangin sa baga.
"May tao ba dito?" tanong ng kumakatok sa amin.
"Ano ba...nag si-CR yung tao eh istorbo" maangas na sagot ni Evo.
"Aw pasensya na. Parekoy ikaw ba iyan?" muli nitong tanong.
"Ako nga ito james kaya kung hindi ka titigil makakatikim ka sa akin
paglabas ko" nananakot na sagot ni Evo, alam kong normal lamag iyon sa
kanilang barkadahan.
"Ok..ok....hehehe enjoy..and pakibilisan mo diyan mag-ki-quest
tayo." sabi nito at saka umalis kasama ang dalawa pang kaibigan.
Nang makalabas ang tatlo ay tinulak ko agad si Evo.
"kita mo na malapit na tayong makita kanina." paninisi ko sa
kanya.
"Nag-enjoy ka naman ah?" pang-aasar niya.
"Bahala ka nga, sige na mauuna
ako sayo at hindi tayo pweding
pumasok ng sabay" sabi ko sa kanya saka nagmadaling lumabas ng CR
at dumiritso sa classroom.
"Tagal mo yata sa labas ah?" tanong ni Kim.
"Nag pahangin lang muna friend" pag-aalibi ko.
"talaga lang ha?" hirit ni Kevin.
"Oh siya siya....tumahimik na tayo at baka mauwi na naman yan sa LQ
ang lahat" awat ni Kim na dinaan niya sa bulong.
Napansin ko ang pagiging seryoso ni Kevin sa boung araw ng klase, gusto ko
man siyang tanungin kung ano ang iniisip niya pero natatakot akong malamang
muli na ako na naman ang dahilan.Nang matapos ang klase ay pina-una ko na siya sa parking lot kung nasaan
ang kotse niya, magkasama kami ni Kim na pumunta ng library. hihiram kami ng
mga sample project documentation ng mga
past batch ng school para sa isang project implementation din namin ngayong
taon.Since ako ang project coordinator ng SSG ako ang incharge para kumalap ng
mga impormasyon at kaukulang kaalaman para sa pagpapatupad ng aming
project. Bago kami tuluyang nakapasok sa
library ay nakasalubong namin ang grupo nila Alyson na pawang mga cheerleader
ng campus.
"Talaga bessy?..OMG! may ibang mahal ang jowa mo?. nako naman parang
ayaw na sayo ng ultimate campus hotty ah." malakas na sabi ng isang kasama
niya, hindi nila alam na dumaan kami kasi nakatalikod sila sa amin.
"can you just keep your big mouth if you've nothing good to say?"
sita ni Alyson dito asta reyna-reynahan kasi ito sa kanilang grupo.
"What if imbistigahan natin kung sino yun?, alamin natin kung sinong
maganda sa kanila ni Alyson" dagdag ng isa.
"Wow..wala ng mas gaganda sa akin dito noh?" mayabang na sabi ni
Alyson.
"Dapat talaga nating turuan ng leksyon ang ulirang kabit na iyon
bessy?" muling suhestyon ng kaibigan nito.
"Syempre !..you all know me gurls...ang akin ay dapat akin lang.
makakatikim sa akin kung sino man yun." si Alyson. nakaramdam ako ng takot
pero wala namang mangyayari basta't mag-ingat lamang kami ni Evo.
"Friend?...papasok ba tayo o makikinig ka sa mga nonsense conversation
ng mga iyan?" bulong ni Kim sa akin. ngumiti na lamang ako dito at saka
sumunod sa kanya sa loob.
Medyo natagalan ako sa paghahanap ng librong may maayos na ekplenasyon sa
aming project, naiinip naman sa kahihintay si Kim kaya pinauna ko na lang
siyang umuwi. Sampung minuto pagkatapos lumabas ni Kim ay nagpasya akong
lumabas narin dala-dala ang librong nahiram ko.
Tahimik akong naglalakad sa hallway pababa ng building para sundan si Kevin
sa parking lot, biglang may humila sa akin mula sa isang bakanting kwarto
muntik na akong sumigaw pero napigila ito dahil tinakpan niya ang aking mga
labi ng kanyang mga kamay. Naamoy ko ang pabangong iyon, pamilyar sa akin- si
Evo.
"what are doing?...papatayin mo ba ako sa takot?" bulong ko sa
kanya, buti nalang at sa mga oras na iyon ay uwian na kaya wala na halos
estudyante.
"Uuwi ka nalang ba na hindi magpapaalam sa akin?" protesta niya.
"Eh, kasama mo kasi ang mga barkada mo. isa pa nandiyan si Alyson, ako
naman bantay sarado kay kevin"
"Nagtext naman ako sayo ah, bakit hindi ka nagrereply?"
Naala ko ang cellphone ko. Patay!, nasa sasakyan ni Kevin boung araw ko
palang hindi hawak ang phone ko.
"Ano ang tinext mo doon?" nagpapanic kong tanong.
"Sabi ko magkita tayo sa labas. magdinner, yun lang."
"Teka lang!" sabi ko dito, tumakbo ako pababa ng building takot
akong baka nabasa na ni Kevin ang mga message sa phone ko wala pa namang
password yun.
Hinihingal akong nakarating sa parking lot kung saan ang sasakyan niya,
nasa labas ito at nakasandal sa gilid ng kotse niya. Halos hindi ko maipinta
ang hitsura niya dahil parang galit na galit ito.
"Kevin sorry kung natagalan ako kasi...."
"May tinatago ka ba sa akin?" hindi na natapos pa ang sanay
sasabihin ko. tinanong niya agad ako sa kalmadong tono pero halatang galit.
"W..wala bakit mo natano..."
"Eh ano to ha?!" putol na naman niya sa sasabihin ko. inilahad
niya ang cellphone ko sa akin.
"Sino si Crash ha?" pasigaw na niyang tanong. nanginginig ako sa
nakikita ko sa mga mata niya dahil galit na galit ito.
"Kevin please wag kang sumigaw, magpapaliwanag ako sayo"
mahinahon kong paki-usap.
"Paliwanag? para saan pa?..mag-usap?, halika ka sumama ka sa akin
mag-usap tayo" pasigaw niyang utos sa akin. hinila niya ako ng mahigpit
papasok ng kotse.
"Kevin ayaw kong mag drive ka habang galit ka...kaya please bitawan mo
ako magpapasundo nalang ako" giit ko sa kanya.
"Mag-usap lang naman tayo eh"
"Bukas nalang kung malamig na ang ulo mo. not now!" pagmamatigas
ko.
Mas hinigpitan niya ang pagkahawak sa braso ko para pwersahang ipasok ako
sa loob ng kotse, malaki si kevin sa akin kaya wala akong laban sa lakas niya.
Alam kong dala lang ito ng selos niya pero kailangan ko nang pangatawan na
hindi siya ang mahal ko. Habang nagmamatigas akong huwag pumasok sa kotse ay:
"Bitiwan mo siya!, can't you see?. you're hurting him" sigaw ni
Evo.
Nagpang-abot na nga ang dalawa at alam kong ako ang naiipit sa sitwasyon,
kinakabahan ako sa naka-ambang na mangyari at wala akong lakas para pigilan
sila.
Itutuloy.............
Nice,buti at nag-update ka na :)
TumugonBurahinthank's mark, masaya ako na kahit papaano ay pinagtitiyagaan mo ang mga akda ko...
BurahinNice author super kilig!!! Waaaaa
TumugonBurahin