Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
CHAPTER 17.
Hindi ako pumasok kinabukasan masyado pa akong nasasaktan at naguguluhan sa
mga nangyari. Na mimis ko si Evo pero kailangan ko munang magtiis, gusto kong
lumikom ng lakas ng loob bago humarap sa mga taong iba na ang tingin sa akin.
Wala akong ginawa sa tatlong araw na hindi ko pagpasok sa school kundi ang
magmokmok sa loob ng aking silid. Wala din akong ganang kumain, mabuti nalang
nandiyan si yaya na laging kinukumbinsi akong kumain kaya kahit papaano'y
nasisidlan ang aking sikmura.
Ni hindi ako nagawang kumustahin ni Mommy, alam kong gusto sana nito akong
puntahan sa kwarto ko pero natatakot siya kay Daddy. Si kuya naman ay halos
hindi na rin nagpaparamdam siguro nga'y tulad ni Daddy ay hindi rin niya kayang
tanggapin ang isang bading na kapatid. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko ang
mga iyon dahilan ng aking patuloy na paghikbi. Palibhasa'y wala silang alam
kung paano ako nahihirapan sa aking pagiging iba, kung pwedi lang sanang mamili
ng kasarian bago ako pinanganak pero hindi.
Tatlong araw din akong walang kontak kay Evo pinili kong huwag na muna
tignan ang aking cellphone hanggang sa ma lowbat ito. Gusto kong ayusin ang
gusot ko sa aking pamilya, at ayaw kong mawala sa fucos ko ang plano ko sa
tuwing nakakausap ko si Evo. Nakakaramdam ako ng ibayong saya sa tuwing
naririrnig ko ang boses niya dahilan para matabunan ang mga suliraning dapat
kong ayusin.
Gusto kong kausapin sa maayos na paraan ang boung pamilya ko, siguro nga
hindi naging maganda ang naging resulta nagpagkakabulgar ng totoong pagkatao ko
at nabigla lamang sila kaya nagkaganun ang nangyari. Marahil sa tatlong araw
mula ng malaman nila ang totoong Francis ay lumamig kahit papaano ang kanilang
ulo. Maaga akong naligo nakipagsabwatan ako kay yaya na ihanda sila ng mga
paborito nilang pagkain. nagpasama ako kay yaya sa grocery store para bumili ng
mga sangkap na aming lulutuin.
Bandang alas sais ng gabi ng matapos naming ihanda lahat ng mga paboritong
pagkain nila. Ultimo ang arrangement ng plato at mga putahing nasa itaas ng
misa ay parang inihanda lang sa isang sikat na hotel.
Unang dumating si Kuya, dumiritso ito sa kanyang kwarto. Kinakabahan man
ako pero kailangan kong ayusin ang lahat, pikit mata akong pumasok sa kanyang
kwarto. bago ako tuluyang pumasok ay humugot muna ako ng isang malalim na
hininga. kinatok ko ang kanyang pinto.
"Sino yan?" tanong niya.
"Ako ito kuya"
"Natutulog ako." padabog niyang sagot.
Sa ganung asal niya ay parang nawalan na ako ng pag-asa pero ayaw kong
sumuko. pinihit ko ang door knob at dahan-dahang pumasok lumikha ito ng maliit
na ingay. nakatihaya si kuya habang natutulog pero ng mapansin niyang pumasok ako ay
iniba nito ang kanyang posisyon. dumapa ito.
"Kung may sasabihin ka sabihin mo na. paki lock nalang ng pinto
pagkatapos mong sabihin ang balak mo." walang kaemo-emosyon nitong tugon
ni hindi man lamang niya ako sinulyapan.
"Ku..kuya gusto ko lang..ahm..gusto ko lang sabihin na...nakahanda na
ang dinner, hintayin nalang muna natin sila Mommy at Daddy para sabay-sabay uli
tayong kumain. sige kuya lalabas na ako...ahm..hihintayin kita.. at ako pala
lahat nagluto nun..niluto ko pala yung paborito mong paella tiyak masasarapan
ka nun" para akong tangang nagsasalita at pinipilit maging masaya na para
bang walang nangyari.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa dining area. Napansin kong binuksan ng
isa naming katulong ang gate, pumasok ang sasakyan ni Daddy. pagpasok nila sa
sala ay diritso sila ni Mommy sa kwarto
hindi na muna ako nagpakita nanatili ako sa dining area. ilang minuto din ang
lumipas ng bumaba ang dalawa at nakapambahay na ang mga ito. parang tambol ang aking dibdib sa kaba habang
papalapit sila sa kinaroroonan ko.nagtago muna ako sa kusina at pinagmasdan sila.
"Wow, is there any ocassion yaya?" manghang tanong ni Mommy.
"Si kwan..kasi mam si..." nahihiyang sagot ni yaya.
"May problima ba sa inihanda mo yaya?" takang tanong ni Daddy.
Lumabas ako sa aking tinataguan at parang kandilang nauupos ang pakiramdam
ko. nawala ang payapang repleksyon sa mukha ni Daddy.
"Ako po ang naghanda lahat Mom, Dad. I just want to make it all up
to you." naiiyak kong sabi.
Umatras si Daddy.
"kausapin mo nalang kami kung handa ka nang magpakalalaki. sa tingin
mo ba sa ginawa mo ngayon masasayahan ako?, tingnan mo nga ang pagkakahanda mo
gawain ba ito ng isang lalaki?...Don't be a disgrace to this family..."
nang lambot ang aking tuhod at para bang automatic shower ang luha ko ng
marinig ko ang mga sinabi ni Daddy.
Lumabas si Daddy ng dining room. lalapit pa sana si Mommy pero tinawag siya
ni Daddy. tumingin na lamang sa akin si Mommy na para bang humihingi ng
patawad.
"Kakain nalang tayo sa labas. manang sabihan mo si mang ador ihanda ag
sasakyan." utos ni Daddy. naiwan akong nakaupo at kaharap ang mga
pinaghirapan kong handa para sa kanila. Sa panahong iyon gusto kong umiyak ulit
at ilabas ang nasasaktan kong damdamin.Dinamayan ako ni yaya sa pamamagitan ng paghagod ng aking likod.
"Intindihin mo na muna ang Daddy mo anak, nabibigla pa yun kaya ganun
ang reaksyon niya."
"Bakit parang ang sama-sama ko yaya?. ganun ba katindi ang kasalanang
nagawa ko para tratuhin nila akong ganito?...hindi ko naman kagustuhan ang
magkaroon ng pagkataong naiiba sa nakasanayan na nila...." sa oras na iyon
ay humihikbi na ako.
Kinumbinsi ako ni yaya na pumanhik sa aking kwarto pero nagmatigas ako,
nanatili akong umupo doon ng ilang oras hanggang sa nakatulog ako at
nakasalampak sa misa.
Nagising akong nasa kwarto na, hindi ko alam kung papaano ako napunta sa
aking kwarto samantalang doon ako sa dining area nakatulog. pero wala na akong
pakialam sa bagay na iyon masyado ng loaded ang isip ko para mag-isip ng
maliliit na bagay.
Naligo ako at nagbihis ng uniporme, kailangan ko ng harapin ang totoong
mundo kasama ng bagong ako, ako bilang isang bakla. Sa mga nangyari ay malaki
ang pinayat ko dahil sa lagi kong nakakaligtaang kumain.
Pagbaba ko ay naghihintay na si Mang Ador sa akin sa garahe. Natigilan ako
ng mapansin kong may isang lalaking nakaupo sa likuran ng aming kotse.
"Mang Ador sino sila?" takang tanong ko.
"Personal body guard mo siya anak. kinuha siya ng daddy mo para
bantayan ka" simpleng sagot ni Mang Ador pero malaking impact naman para
sa akin.
"para saan naman po?..may kikidnap ba sa akin?" naguguluhan kong
tanong.
"Hindi ko rin alam iho..pero ako sayo sundin mo nalang ang daddy mo
para kahit papaano'y lumamig ang ulo nun sayo" sabi ni Mang Ador. huminga
ako ng malalim, kung sabagay may punto siya kung ano man ang plano sa akin ni
Daddy ay susundin ko basta't wag lang niyang isama sa plano si Evo dahil kung
magkataon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bumaba ang body guard ko at pinagbuksan ako ng pinto. Alam kong hindi ito
pipitsuging body guard dahil napakadesente ng mga sout at halatang may malawak
ng karanasan sa kanyang trabaho.
"Ako pala si Lando sir at ako ang magiging body guard mo"
pakilala nito sa akin ng maka pwesto na ako ng upo.
"Para saan daw?" tanong ko na para bang nakikipag-usap sa isang
estranghero.
"May mga rules akong dapat mong sundin...napag-utusan lang ako kaya
dapat wag kang magagalit sa akin" sabi nito. binaliwala nito ang aking
tanong.
"Sagutin mo muna ang tanong ko?" naiinis kong sabi.
"Hindi mo pweding lapitan ang lalaking ito o kaya sumama sa
kanya." sabi niya kasabay ng paglahad ng isang larawan, nagulat ako ng
makita ko ang mukha ni Evo sa larawang yun.Gusto ko pa sanang sumagot pero dinaan ko nalang sa isang malalim na
buntong hininga wala din naman akong mapipiga sa taong ito. Nakaramdam ako ng
pagkabahala para sa amin ni Evo, hindi nga ako nagkamali na hahadlangan ni
Daddy ang relasyon ko sa kanya lalo na
ngayong may hidwaan sa kompanya nila at sa amin.
Nagiisip ako ng paraan kung papano ko matatakasan ang taong ito sa panahong
gusto kong makausap si Evo. Katamtaman lang naman ang laki ng katawan nito at
halatang nasa may dalawang pu't tatlo o higit pa ang edad niya, alam kong
mahihirapan si Evo na pataubin siya pero may chance na makakaya siyang gupuin
ng mahal ko sa oras na kailangan na namin gumamit ng pwersa para lang
makatakas.
Nakarating kami ng school ng mas
maaga pa sa inaasahan, didiritso na sana ako sa aming silid aralan
ngunit tinawag ako ng nakabuntot kong body guard.
"Sir, Hindi na po jan ang classroom niyo?" balita niya sa akin.
kumunot ang mga noo ko.
"Paano mo na laman. guro ba kita, guidance counselor ka ba ng school
na to?" pamimilosopo ko sa kanya.
"Pumunta po muna tayo sa principal's office para i-confirm" yaya
niya sa akin. tahimik akong sumunod sa kanya. naguguluhan ako kung bakit hindi
na ako maaring bumalik sa dati kong classroom.
Kumatok muna ito ng tatlong beses bago tuluyang binuksan ang pinto. Tahimik
lang akong nakasunod sa kanya, kasulukuyang naka upo sa kanyang misa ang aming
prinsipal at parang inaabangan na ang aming pagdating. kinakabahan ako kung
kasali ba ito sa mga pakulo ni Daddy para tuluyan akong ilayo kay Evo.
"Good morning Mr. Lopez. maupo ka." pambungad niya sa akin. ayaw
ko sanang maging bastos at ipakitang maayos lang ako pero sa panahong iyon ay
gulong-gulo ako. Wala akong ganang magsalita at ipaubaya nalang sa kanila ang
lahat.
"I know you wonder why you are no longer allowed to enter that class.
Dahil sa nangyari doon sa Auditorium na kinasasangkutan niyo ni Mr. Thompson.
kailangan naming pangalagaan ang mga pangalan ninyo at upang ma lessen ang
damage na nilikha nito, simula ngayon doon ka na papasok sa comprehensive
section. na review na rin namin ang mga grades mo at pasok ka para maging comprehensive."
"Bakit niyo ginagawa ito sa amin Mr. Prinsipal?" diritsahang
tanong ko.
"We are doing this according to our rules Mr. Lopez"
"Rules?...what rules?..what did I and Mr. Thompson violated?.."
"You're not violating the rules Mr. Lopez." giit niya.
"So why did you mention the word rules if we have not violated
it?" nanginginig kong tuloy-tuloy na tanong.
"Hindi kaya dahil ito sa utos ng Daddy ko?..takot kayong baka itigil
niya ang suporta niya sa foundation ninyo?" Walang preno kong sabi. nakita
kong nagkatitigan ang prinsipal at ang Body guard.
Lumapit ito sa akin para patigilin ako.
"Sir, mali-late na po kayo ,
tara na po" sabi nito sa akin.
"Pwedi ba?...wag kang laging magmarunong body guard lang kita at wala
kang karapatang diktahan ako sa kung ano ang dapat kung gawin" singhal ko
dito. muli kong binalingan ang prinsipal.
"alam kong wala kaming nilalabag ni Evo...I've had the school's hand book.
As an official of SSG bodies alam ko ang mga patakaran Mr. Prinsipal, kung ang
relasyon namin ni Mr. Thompson ang dahilan kung bakit niyo kami paghihiwalayin
una palang kayo na ang lumabag." humanap ako ng hangin para muling maka
bwelo.
"This institution forbid discrimination.what you're doing now is an
act of discrimination so that just mean that you're breaking the rules here...
Alam kong may iba kang dahilan Mr. Prinsipal...Pero kong yan ang desisyon mo
sige lang." padabog akong tumayo at mabilis na lumabas, parang hanging
dinaanan ko lang ang noo'y nakatayo kong body guard.Sinunod ko ang utos nila dumiritso ako sa comprehensive section. Mainit ang
pagtanggap nila sa akin kabaliktaran sa aking naging pangamba. marami ang
pumuri sa amin ni Evo, may iba mang nag ko-comment ng negatibo pero mas marami
ang bukas ang pananaw at humahanga sa aming dalawa.
Naalala ko si Evo alam kong nag-aalala na ito sa akin dahil sa ilang araw
akong hindi nagparamdam. Hindi rin ako makahanap ng tyempo dahil sa nakaabang ang
body guard ko sa labas ng room.
Kinuha ko ang phone ko sa aking bag na noo'y apat na araw ng naka-off.
binuksan ko ito, laking gulat ko dahil sunod-sunod ang text messages ang
pumasok galing lahat kay Evo. susubukan ko pa sanang basahin ang isang text nito
pero nag-appear ang call alerts at si Evo nga iyon.
"Hello Evo..."
"Thanks God, nakontak kita. you're freaking me out..ilang araw na
akong nag-aalala sa iyo hindi rin ako maka pasok sa subdivision niyo pina block
list ng Daddy mo ang pangalan ko sa guard house" mabilis niyang balita.
"I'm sorry. I just want to make things right bago kita harapin pero
parang hindi ko kaya" niiyak kong sabi.
"Huwag kang sumuko..di ba sabi ko magtutulungan tayo? Mahal kita at
ayaw kong ilayo ka nila sa akin o ako sayo...." punong-puno niyang
emosyong sinabi iyon sa akin.
"Saan ka ngayon?" tanong niya.
"Nasa school ako...nilipat nila ako ng section Evo. pinababantayan din
ako ni Daddy sa isang Body guard nahihirapan ako kung papano tayo
magkikita"
"Wag kang mag-alala ako na ang bahala niyan. Pupuntahan kita
diyan."
"Saan ka ngayon?"
"eh...hehehe nandito sa harap ng guard house niyo akala ko kasi hindi
kana papasok eh" nahihiya niyang sabi. nakatawa ako ng bahagya.
"Ito naman napahiya na nga ako
tatawanan mo pa" parang bata siyang nagrereklamo.
"Wala. alam mo ang cute mo pala pag gumanyan ka" sabi ko uli na
humagalpak sa tawa.
"Oh sge na nga...basta hintayin mo ako diyan. I love you"
"Maghihintay ako. I love you more"
Pinatay ko na ang cellphone ko. tama lang din ang dating ng aming guro sa
oras na iyon. Wala sa klase ang isip ko,
parang orasan na paikot -ikot ang aking tingin sa labas ng room naghihintay
kung darating si Evo. Nakatatlong subject na ang natapos namin ngunit wala parin
ito. Hanggang sa mag recess na nga.
Mag-isa akong pumunta sa cafeteria para bumili ng makakain. nadatnan ko ang
dalawa kong kaibigan sa isang table. lumapit ako sa mga ito.
"Can I join?" nahihiya kong tanong alam kong may tensyon sa
pagitan namin pero bahala na gusto ko lang humingi ng tawad. papaupo na sana
ako sa harap ni Kevin at katabi naman si Kim.
"Excuse me may kailangan pa akong asikasuhin" mabilis na sabi ni
Kevin at saka tumayo. Susundan ko pa sana siya ngunit pinigilan ako ni Kim sa
paghawak sa kamay ko.
"Hayaan mo na muna siya, wag mo munang kausapin siya kung masasaktan
lang din siya..."sabi nito sa akin saka umalis. nasasaktan ako sa mga
ipinapakita nila sa akin pero ayos lang kung kapalit naman nito ay ang
pagpapatawad nila sa akin.
Malungkot akong bumalik sa room. Nag simula na nga ang fourth period sa
umaga pero walang Evo na dumating. Kasulukuyan kaming nagkokopya ng mga notes
sa pisara ng naghiyawan ang mga babae kong kaklase lahat sila'y nakatingin sa
pintuan. lumingon ako doon, nakita ko ang pagpasok ng isang lalaki naka uniporme
din ito tulad ng sa amin ngunit mahaba ang buhok nito na ginaya ang K-pop
style, napaka gwapo niyang tingnan. Nagulat din ang aming bading na guro ng
pumasok siya, magsasalita pa sana ito pero ng kindatan siya ng lalaki ay
bumalik ito sa kanyang ginagawa.
Bumalik din ako sa aking ginagawa kailangan kong makopya ang lahat ng nasa
pisara para makahabol sa mga lessons ng comprehensive. maingay parin ang room
dahil sa presenya ng lalaking yun, pero nasa pagkopya ang atensyon ko.
maya-maya'y may tumabi sa akin ipinag-walang kibo ko na lamang ito dahil abala
ako. ngunit isang bagay ang nag udyok sa akin para tumigil sa aking ginagawa
naaamoy ko kasi ang isang pamilyar na pabango---hindi si Evo nga.
Mabilis kong sinulyapan ang tumabi sa akin, nanlaki ang aking mga mata ng
malamang ang lalaking pumasok sa room at si Evo ay iisa. Nag disguise pala ang
mokong para hindi siya makilala ng body guard ko na noo'y walang
kamuwang-muwang sa nangyayari sa loob. Infairness napaka gwapo niya sa kanyang pagbabalat kayo. may ibang
pinipigilang tumili dahil sa kilig sa pagmamasid sa amin.
"Na miss kita?" bulong niya sa akin.
"Na miss din kita" sagot ko.
Nawala ako sa aking focus, nahihiya ako sa ginagawa niya. Alam kong marami
ang kinikilig pero hindi ako sanay sa ganitong bagay lalo na sa harap ng
maraming tao. Kinuha niya ang kamay ko at pinaglingkis ang aming mga daliri ng
palihim sa ilalim ng aming table.Pinagpapawisan ang aking mga kamay.
"Relax?" ngiting bulong niya.
"paano ako marerelax sa mga pinagagawa mo?" inis na bulong ko
pero kinikilig.
"Masanay ka nang laging
ganito" sagot niya sa akin.
Halos napakatagal namin sa ganoong posisyon pero hindi kami nagsawa sa
pagdama ng aming mga kamay. Papatapos na ang klase, sinilip ko ang body guard
kong si Lando sa labas halatang walang alam na kasama ko si Evo. Nang
dinis-miss na kami ay agad kong pinahiwalay si Evo sa akin.
"Kailangan mong sumama sa akin bukas" mabilis na sabi ni Evo.
Parang sa mga oras na iyon ay hindi namin hawak ang aming mga oras. kailanagan
naming laging madaliin ang kung ano man ang aming ginagawa.
"Saan at bakit?" tanong ko.
"May kailangan lang akong tapusin. I need you there for me ok?"
paliwanag niya, tumango ako kahit naguguluhan, kailangan kong magtiwala sa
kanya.
"Paano ako makakasama sayo bukas?..may nagbabantay sa akin" muli kong tanong.
"Ako na ang bahala dun. sige na lumabas ka na para hindi niya tayo
mahalata"Nauna akong lumabas tulad ng sinabi niya. Alam kong tulad ko ay nahihirapan
din kami sa sitwasyon pero kailangan muna naming magtiis.
Hindi na kami muling nagkita pa ni Evo sa boung klase ko sa hapon,
masyadong malayo ang varsity section. Hindi rin ako pweding pumunta doon dahil
parang asong bunto't ng buntot si Lando.
"Hindi ka ba napapagod sa trabaho mo?" plastik kong tanong sa
kanya habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Trabaho ko po ito kaya hindi ako mapapagod sir" diritso niyang
sagot.
"Ganun ba?..gusto mong mag meryena muna, heto oh limang daan baka
nagugutom ka" inabutan ko siya ng 500 piso bill. Alam kong medyo matalino
ang mokong na ito pero kailangan kong subukan kung madadaan ko siya sa ganitong
paraan.
"Wala po akong karapatang tumanggap ng kahit ano sa inyo sir. ang
Daddy mo lang ang dapat kong susundin, kung suhol man iyan para sa mga plano mo
paumanhin pero hindi ko matatanggap. hali na po kayo sir hinihintay na po tayo
ng driver niyo" diritsahan niyang sagot. Medyo uminit ang ulo ko pero
kailangan kong habaan ang pasensya ko.
Agad na binuksan ni Mag Ador ang pintuan ng kotse ng makalapit ako sa
sasakyan. Binati niya ako pero parang wala akong nakita, ngayon pa nagsi-sink
in sa isip ko ang pinagagawa ni Daddy sa amin ni Evo.
Nang dumating ako sa bahay ay dumiritso agad ako sa aking kwarto, nakadapa
ako sa aking kama at nag-iisip kong papano namin masusulosyunan ito ni Evo.
Biglang tumunog ang aking cellphone binunot ko ito sa aking bag.
"Kmusta ka mhal q?" -si Evo.
"nhhrpan aq..pano 2?" reply ko.
"manalig ka. kkayanin ntn ito. Hndi kta bsta2x isusuko tndaan mo yan"
"Slmat, mhal na mhal kta." napapaluha ako sa mga oras na iyon.
"Mhal na mhal dn kta..." huling text niya.
Kinabukasan ganun parin ang naging routine, laging may nakabuntot na body
guard. Hindi na nakapunta si Evo sa classroom ko, nagtext itong may quiz sila
kaya kailangan niyang pumasok. Mag-isa akong kumakain sa canteen alam kong
namimiss ko ang dalawa kong kaibigan pero kailangan ko muna silang bigyan ng
panahong mapatawad ako.
Pagkatapos ng lunch break ay babalik na sana ako sa classroom kung saan ako
inilipat ng prinsipal, hindi ko sinasadyang mapadaan sa harap ng malaking LED TV na naka pwesto sa lobby ng school.
Doon kasi minsan pino-post ang mga announcement or mga upcoming activity ng
school na pinamamahalaan ng SSG at ng ibang club sa school. Malayang
pinapahayag doon ng mga estudyante ang kanilang hinaing o mga inpormasyon.Parang kuryenting dumaloy sa boung katawan ko ang galak ng mabas ang
kapa-flash pa lamang na information:
No To
Gender's Discrimination: Condemned principal's decision. Let's support Evo and
Francis!
Natuwa ako sa nabasa ko, hindi ko akalaing hindi kami nag-iisa sa laban
namin. Ang pangamba ko noong baka mawalan si Evo ng mga taga hanga at taga
suporta ay napalitan ng tuwa. Napa lingon ako sa bulletin board, kung anong
tuwa ang naramdaman ko kanina ay mas lalong dumoble pa dahil sa mga ginawang
panawagan ng mga kapwa ko estudyante na ibalik ako sa aking dating klase.
Masyado akong humanga kay Evo. napaka lapit ng loob niya sa mga kapwa niya
estudyante kaya nga nanalo siyang SSG president. Hindi sila natinag na
suportahan siya sa kanyang laban kahit ano paman ang pagkatao ni Evo, Alam kong
batid nilang hindi sa sekswalidad binabasi ang tunay na lider kundi sa kung
paano ito humarap at makipag kapwa tao. Medyo nakatulong ang mga nabasa ko para
palakasin ang loob kong ipaglaban ang aming pagmamahalan.
Nang matapos kong mabasa ang lahat ng mga nakasulat doon ay nagpasya akong
bumalik sa classroom namin. Nagulat ako ng makasalubong ko ang grupo nila
Alyson, Alam kong mga babae sila pero marami ang mga ito. Meron akong kasamang
body guard kaya kampanti akong mapoprotektahan nito ako sa kung ano man ang
gagawin ni Alyson sa akin.
"Well, speaking of that faggot devil, here he is gurls!" sabi ni
Alyson. nagsi-tawanan ang ibang kasama nito. yumuko na lamang akong dumaan sa
pagitan nila.
"Mukhang marami ang sumusuporta sa weird niyong relasyon ha?
mangkukulam ka ba at pinakyaw mo ang lahat ng estudyante sa school na
ito?" muling nagtawanan ag grupo ni
Alyson at sa pagkakataong ito masyado ng malakas.Sinubukan kung dumaan ulit sa
kanilang gitna ngunit hinarangan ako ng mga ito.
"Alyson, ayaw ko ng gulo so please let me go?" mapagkumbaba kong
turing.
"Hmp?..Are we starting trouble here gurls?" malakas na tanong ni
Alyson sa mga kasama niya.
"Nohh!!" sabay-sabay na sagot ng mga ito sa kanilang
reyna-reynahan.
Hinawakan ako ng dalawang kasama ni Alyson sa kamay, nahirapan akong
gumalaw. Lumapit si Alyson sa akin, muli na naman sana niya akong sasaktan kaya
lang masyadong mabilis si Lando nahila niya ako mula sa mga kamay ng mga
kasamahan nito. Akala ko ligtas na ako pero hindi nagpatinag ang kanyang mga
kasama sabay sabay nila akong sinugod. Kinulong ako sa yakap ni Lando para
harangan ang mga kamay ng mga amasonang ito.
"What's going on here Alyson?" galit na galit ang boses na iyon.
tumigil sa kanilang ginagawa ang mga amasona. nakita ko si Evo at galit na
galit ito habang nakatingin kay Alyson. parang asong hindi makatae si Alyson
dahil sa ginawang pag titig ng masama sa kanya ni Evo. kumawala ako sa
pagkakayakap ni Lando. Mabilis na umalis si Alyson at ang mga kasamahan nito,
binilinan muna ako nito ng isang banta. lalapit sana si Evo sa akin para
kumustahain ang lagay ko ngunit pinigilan siya ni Lando. Nakilala siya ni Lando
dahil hindi ito nakapagsout ng kanyang disguise attire.
"Pare alam kong ikaw ang body guard niya, boyfriend niya ako!"
tahasang sinabi iyon ni Evo.
"Pagbigyan mo sana kami kahit sandali lang..." pakiusap ni Evo.
"Sorry talaga Sir, pero sumusunod lamang ako sa utos. hindi mo sya
pweding lapitan" matigas at may paninindigang sagot ni Lando. Matangkad si
Evo kay Lando pareho silang may malalaking katawan ngunit mas hinog na ang
katawan ni Lando, Labing walo pa lamang si Evo kaya mas bata pa ang katawan
nito. natakot akong baka magsuntukan ang dalawa at ayaw kong masaktan si Evo,
halatang may karanasan na sa propisyonal na pakikipaglaban si Lando.
"Evo..ok lang ako. sige na bumalik ka na sa classroom mo. hindi natin
siya mapipilit" pakiusap ko kay Evo. tumitig lamang ito sa akin, titig ng
pagmamahal. sumunod naman siya sa pakiusap ko.
Nakabalik ako sa classroom ko. Habang
abala sa pagdidiscuss ang aming guro ay parang lobong lumulutang sa
hangin ang aking isipan, Bakit ganun nalang kasalimout ang aming pag-iibigan ni
Evo?, maraming hadlang ang masakit doon ay yung mga taong humahadlang ay yung
mga taong malalapit sa amin.
Handa na ba akong ipaglaban siya sa harap ng sarili kong ama?. kaya ko kaya
siyang ipagpalit sa matagal ko ng bestfriend?...hay..ang hirap.
Natapos din sa wakas ang boung maghapong klase. sinunod ko ang sinabi sa
akin ni Evo na doon nalang sa entrance gate ako sasakay ng kotse namin.
tinawagan ko si Mang Ador na noon ay naghihintay sa parking lot na doon nalang
ako mag-aabang. Dahil nasa labas na ako ng gate nakatayo at abala sa pagkalikot
ng cellphone ko biglang may batang kalye ang humablot sa cellphone ko,
tamang-tama din ang pagkakababa ni Mang Ador ng sasakyan kaya mabilis itong
tumakbo at hinabol ang batang snatcher. Nagulat din ako dahil mabilis pa sa
alas singkong sumunod si Lando para humabol din.
Nanatili lamang akong nagmamasid sa
kanilang tumatakbo palayo para mahabol ang bata. biglang may kotseng dumaan sa
harap ko.
"Sakay na" sigaw niya. hindi ako agad naka sagot.
"Sakay na..mahal ko"-si Evo. sumunod ako sa sinabi niya.
"Tika ang cellphone ko ninakaw?" balita ko sa kanya.
"Don;t worry about it" sabi nito saka ngumiti.
"Teka!..ikaw ba ang may pakana nito?" nalilito kong tanong. muli
itong ngumiti.
"tinakot mo ko ha?" naiinis kong sabi. mabilis kaming umalis,
bago kami tuluyang pumunta sa pagdadalhan sa akin ni Evo ay lumiko muna ang
kotse nito sa makitid na eskinita. nakita ko ang batang humablot ng cellphone
ko.
"Heto na po kuya" sabi niya kay Evo habang inaabot ang cellphone
ko.
"Ayos ang ginawa mo Daniel, oh heto ang premyo mo" sagot ni Evo
habang inaabutan ito ng pera..hindi ko alam kung magkano ang inabot niya pero
sigurado akong malaking halaga iyon.
"Salamat po Kuya Evo." masayang pasasalamat ng bata.
"So mapapagamot mo na ang nanay mo niyan. Wag mong sabihing inutusan
kitang magnakaw ha?..hindi naman kasi pagnanakaw ang ginawa mo eh..binalik mo
naman ang cellphone. oh sige na bumalik kana sa bahay mo at ibigay iyan sa
tatay mo" paliwanag ni Evo sa bata.
"Kilala mo?" takang tanong ko.
"Oo..nakilala ko noong nakaraang linggo...nakakaawa nga eh" sagot
niya habang diritso sa daan ang mga mata at naka hawak sa manibila ng sasakyan
ang mga kamay. Muli akong humanga sa kanya, parang para sa kanya isang normal
na bagay lang ang pagtulong na hindi mo kailangan magmayabang sa bawat may
natutulungan ka. hindi na ako muling nagsalita, kahit papaano'y nagi-guilty ako
sa pagtakas ko,hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Daddy sa ginawa
kong ito. tiyak akong mas lalong magagalit ito sa akin.
Huminto kami sa isang boutique.
"Anong gagawin natin dito?" usisa ko sa kanya.
"May pupuntahan tayong dinner at hindi ka bagay na pumunta doon at
naka uniform pa. sige na pumili ka na ng susuotin mo" sagot naman niya.
"Hindi mo naman kasi ako sinabihan kahapon eh di sana nakapaghanda ako
ng susuotin ko?" giit ko.
"Eh baka kasi mahalata ng body guard mo na may balak kang takasan siya
pagnagkataon."
"Sabagay.." sumang ayon na lamang ako.
Madali lang naman akong nakapili dahil ayon kay Evo bagay naman sa akin ang
lahat ng sinukat ko. Pumili na rin siya ng para sa kanya at nagmamadali itong
bayaran ang lahat ng aming pinamili.
"Teka lang bakit parang nagmamadali ka yata?" curious kong
tanong.
"Kasi ayaw kong mahuli tayo
doon..."
"Anong klasing dinner ba kasi ang dadaluhan natin?" pangungulit
ko parin sa kanya.
"Basta!...Tayo na nabayaran ko na to lahat."
Mabilis kaming lumabas ng tindahan at dumiritso sa hotel na kung saan ayon
kay Evo ay doon gaganapin ang sinasabi niyang dinner. Sumasabay lamang ako sa
mga galaw ni Evo kung saan niya ako aakayin doon din ako, kung saan siya liliko
sunod lang ako. Nagulat ako ng makarating kami sa isang exclusive restaurant sa
loob ng hotel, komplito ang pamilya ni Evo na naghihintay sa kanya. Nandoon ang
Daddy niya na nakangiti ng dumating kami, sa palagay ko wala pang alam ang
Daddy niya tungkol sa amin ni Evo. May dalawang matanda din na naroon na sa
tansya ko ay mga lolo't lola ni Evo, halatang mga eleganti ito kahit na may mga
edad na. Isang buffet dinner ang inihanda
sa gabing iyon.
Pinakilala ako ni Evo sa Daddy niya bilang kaibigan, Naiintindihan ko iyon
at alam kong hindi pa ito handa na sabihin sa pamilya niya ang tungkol sa amin.
Maganda din ang pakikitungo ng lolo at lola nito sa akin marami kaming napagusapan
tungkol sa buhay.
Wala akong kaalam-alam na may hinihintay pala kaming bisita, ang boung
pagkakaalam ko ay ay dinner lang ito ng pamilya ni Evo. Napatingin kami lahat
ng nagsidatingan ang mga bisitang hinihintay ng Daddy ni Evo. Isang paris ng
mag-asawa ang pumasok nakangiti sila habang papalapit sa aming kinaroroonan,
Napansin kong pamilyar ang kanilang mga mukha. Tumayo ang Daddy ni Evo para
i-welcome ang mga ito, tumayo din si Evo kaya napatayo narin ako.
"Pasensya na kompare kung nahuli kami ng dating medyo hectic kasi ang
schedule namin ngayon, buti nalang walang masyadong appointment sa mga kleyente
ngayon" paliwanag ng lalaki.
"Wala yun kompare. what's important here is you're able to come"
masayang sagot ng daddy ni Evo.
"Oh?..here you are Evo. You're still handsome like you always
did" bati ng babae kay Evo.
"Thank's po tita. mas lalong gumanda po kayo lalo"
"Ganun ka paring bata ka bolero" natatawang tugon ng babae.
Tumingin si Evo sa akin binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin. nakuha
ko ang punto niya gusto niya akong ipakilala sa bagong dating.
"By the way tito, tita uhm. meet my friend Francis Lopez" mabilis
na pakilala ni Evo.
"Frans, they're Mrs. Alfredo and Lea Alonzo the parents of
Alyson" parang nawala ang kampante ko sa sarili ng marinig ang tunay
nilang pagkakakilanlan.
"Nice meeting you po Sir,Ma'am"
nahihiya at medyo nalilito kong sabi. Ngumiti at tumango ng ulo ang
daddy ni Alyson samantalang tumaas ang kilay at parang kinikilatis ako ng Mommy
ni Alyson. para akong yelong natutunaw sa mga tinging iyon. Tumigil lang ito ng
mapansing umupo na ang ibang kasama namin sa table. sumunod narin ako ng upo at
maging siya. alam kong may alam ito tungkol sa amin ni Evo.
"I thought it's between OUR family and YOUR family's affair why we
have dinner tonight?. why is he here?" prangkahang tanong nito. naramdaman
ko ang paghawak ni Evo sa aking kamay sa ilalim ng table. yumuko na lamang ako.
"I invited him here Tita with all due respect" kalmado pero talab
na sagot ni Evo.
"Ah? okey!" sarkastikong hirit nito.
"Nasaan pala si Alyson?" putol na tanong ng Daddy ni Evo.
"She's on her way na kompare. Alam mo namang basta't si Evo ang
dahilan parang asong natataranta iyon." mayabang na sagot ng Daddy ni
alyson. Hindi ko alam kung anong meron sa dinner na ito pero kinakabahan ako.
May kakaiba akong naamoy sa mangyayari at nakakaramdam ako ng takot pero okey
lang hanggang alam kong kasama ko si Evo ay panatag na ako.
Maya-maya ay dumating na si Alyson. nagmano muna ito sa mga magulang niya
at saka nagbiso-biso sa lolo't lola nito. Nanlaki ang mga mata nito ng mapansin
naroon ako..
"What the hell are you doing here?" galit niyang tanong......
Itutuloy..............
Need comment please................
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento