Mga Kabuuang Pageview

Martes, Agosto 13, 2013

A Love In An Island chapter 6



Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com) open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                                   A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga




Chapter  6


Kevin

Alam kong nasaktan ko si Francis hindi niya kasalanan kung bakit minahal ko siya hindi ko alam kung bakit ganito ang aking naramdaman, I was still in a state of indenial sa aking pagkatao. marami na akong naging girlfriend at alam kong hindi ako bakla pero bakit ganito nalang ang nararamdaman ko towards him.

During that night kung kailan ko hindi inaasahang mapaamin sa aking naramdaman sa kanya and for the first time in my entire damn life ay nakahalik ako sa labi ng isang lalaki, hindi ko inaakalang magagawa ko iyon pero kahit ganun paman hindi ko maiwasang isiping sa mga labi lang ni Francis ko naramdaman ang ibayong sarap ng isang halik na hindi ko naramdaman sa mga girlfriends ko before his lips was so soft at alam kong hindi ako magsasawa doon.

Nahimasmasan ako sa aking nagawa kay Francis kaya hindi ko napigilang umalis, hindi ko dapat ito ginawa sa kanya napakabata pa ni Francis alam kong matanda ako ng dalawang taon sa kanya kaya dapat ko siyang respituhin. Wala pang muwang si Francis sa mga ganoong bagay kaya mas lalo akong nakokonsyensya sa aking ginawa.

Dapat ko munang layuan si Francis dahil habang tumatagal ay mas lalo akong nahuhulog sa kanya which is hindi dapat, masakit man pero kailangan kong magdesisyon Ayaw kong mawala ang pagkakaibigan namin at lalo na ang kanyang respito sa akin.

Ilang araw ko rin siyang iniwasan kahit masakit lalo na sa tuwing nakikita ko siyang malungkot at alam kong ako ang dahilan, Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero nangibabaw ang hangarin kong maka move-on sa aking nararamdaman sa kanya.Masakit parin sa akin tuwing naalala ko ang aking pagtataboy sa kanya sa Jollibee alam kong I was so unfair for him mas inaalala ko ang aking nararamdaman kaysa sa kanya.

Halos gabi-gabi ko ring iniisip kung dapat ko bang ipaglaban ang aking nararamdaman sa kanya wala naman akong mapaglabasan ng aking problima dahil baka pagtawanan lang ako ng aking mga katropa lalo na si Evo na asar na asar kay Francis, Not until one day kung saan ako desidido ng ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya wala na akong pakialam kung ano man ang sasabihin ng ibang tao sa akin.

para akong nabunutan ng tinik when I realized that Francis is everything for me at handa na akong ipaglaban ang damdamin ko sa kanya , masaya akong pumasok ng araw na iyon dahil alam ko sa sarili ko na hindi na ako naguguluhan kaya ko nang panindigan kung ano man ang kaakibat nun para sa amin. kung gaano naman ako kasaya ng pumasok ako ay siya naman ang kabaliktaran noong nakita ko si Francis na nakangiti kasama si Kim, ang mga ngiting alam kong ako lang talaga ang nakakapagpagawa noon sa kanya.

Hindi ko alam kong ano ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon selos ba iyon o panghihinayang?. all this time naging kampante akong hindi makakahanap ng ibang kaibigan si Francis dahil napaka reserved niyang tao but here he is fully recovered and happy, happiness that I was the one giving it for him before. sinubukan kong makipag-ayos sa kanya pero naging matigas na si Francis I was so fool enough for hurting him badly na nagawa niyang kalimutan ang ilang taon naming pagkakaibigan I can't blame him because it was all my fault.
   
     "magdadalawang oras na tayo dito sa airport bakit wala pa ang dalawa?" tanong ng isa kong kaklase na nagpabalik sa akin mula sa aking pagiisip. sinipat ko ang aking relo napansin kung halos ilang minuto nalang at magtatatlong oras na kaming naghihintay.

      "Sir, pwede po ba nating tanungin ang pamunuan ng airport if anong oras ang dating ang plane nila francis?" tanong ko sa aming guro.

Pero bago paman siya makapagsalita ay napansin naming parang nagpapanic ang ibang crew sa airport ang iba ay abala sa pagraradyo di ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Lumapit ang aming guro sa isang crew para magtanong pero alam kong hindi siya nasagot nito para bang may tinatago at sinasabing hindi siya ang tamang tao para sabihin kung ano ang nangyayari.
 
      "Sir ano po ba ang nangyayari?" tanong ko kay sir ng makabalik siya.

      "Hintayin nalang daw natin ang mga opisyal dito sa airport para sabihin ang balita" Sagot naman niya at nagpakawala ng isang buntong hininga.

Nagsimulang lumakas ang pagtibok ng aking puso hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman kong may mali sa mga nangyayari, bigla kong naisip si francis. Diyos ko sana okey lang siya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sa kanya. ilang minuto din ang lumipas ng dumating ang mga sinasabing opisyal ng airport at masyadong nagkagulo dahil sa mga nagsulpotang media.Huminto yung opisyal sa gitna at nagsalita.

       "In behalf of Mactan international airport management and  *********airlines, flight 5J 250 of *********airlines declared emergency landing in masbati due to engine malfunction in the left wing area but sadly the said plane was not able to reach masbati and we lost them in contact, We've already sent rescue personnel there we just need to hope and pray that all 300 passenger are okey"

Para akong nabusalan sa aking mga narinig nagbulongan ang aking mga kaklase sa mga narinig nagdesisyon ang aming guro na paunahin nalang kami dahil naghihintay narin ang mga guide namin na maghahatid sa amin sa bohol, Ayaw kong sumama dahil hindi ako mapalagay hanggat wala akong naririnig nabalita kung ok lang si Francis at Evo.

       "Sir can I stay?, Francis is my bestfriend and I need to know any update about him." pakiusap ko kay sir alam din naman kasi niya kung gaano kami ka close ni fancis.

       "Ok, if that's your decission. atleast may makakasama ako dito."

        "Salamat po sir"  

Dinukot ko ang aking iphone at denial ang number ni tita diane ang mommy ni Francis nakailang ring pa ito bago sinagot alam kong tulog na ito sa mga oras na ito kaya medyo natagalan bago ito sagutin.

       "Hello, Kevin napatawag kumusta si Francis?" medyo crack ang boses ni tita diane dahil sa bagong gising ito.

       "A..e..tita may sasabihin po sana ako wag po sana kayong mabibigla tita" nanginginig kong tugon gustuhin ko mang magpakamahinahon para hindi siya mabigla ay yun parin doon parin ang labas mabibigla parin siya.

       "Kevin pwede ba diritsuhin mo ako pinapakaba mo ako eh please?"

        "Na..nagcrash po ang plane na sinasakyan ni Francis magkaiba po kasi ang plane namin"  medyo kinakabahan kong sabi.

        "Oh my God, kevin.....where are you now?..oh my god..we will come no..no.no"  narinig ko nalang na umiiyak si tita at ang boses ni tito Armando na parang naguguluhan sa mga inasal ni tita.

Nakiusap si sir fred ang guro ko sa opisyal ng airport na isama kami sa command post na ilalagay sa masbati para sa search and rescue operation mabuti naman at hindi tumanggi ang opisyal kaya pinasakay kami sa isang military chopper,.mabilis lang kaming nakarating doon, malapit sa dalampasigan ang site ng command post  nakita kong may mga patrol boat narin ang lumilibot sa di kalayuan sa baybayin at mayroong tatlong helicopter na nagpapatrolya. narinig kong naguusap ang mga opisyal ng search and rescue operation na sinasabing hindi pa nila tiyak ang exact location kung saan bumagsak ang eroplano.

Limang oras na ang nakalipas pero wala paring pagbabago sa balita hindi ko maiwasang matakot para sa kaligtasan nila Francis at Evo. mga bandang alas-tres ng madaling araw ng dumating ang private chopper na siguro nirentahan ng daddy ni francis kasama narin ang daddy ni Evo na si tito mike, lumapit ako sa kanila kasama si Sir fred.

           "Ano ng balita?" kalmadong tanong ni tito Armando.

            "Negative parin Mr. Gomez"  sagot ni Sir fred kay tito armando. napansin kong sumama rin pala si tita diane at ang kuya ni francis.

            "Oh God, sana walang mangyaring masama sa dalawang bata. Evo is all I have left" maluha-luhang tugon ni tito mike.

             "We must not lost hope Mr. Thompson" muling sagot ni sir fred.

Tinungo nila Sir fred ang tent kung saan naka abang ang mga opisyal para sa balita ng mga rescuer na nasa laot naiwan naman sina Tita diane kasama si niko ang kuya ni francis halos iyak ng iyak si tita.

              "Mom please don't cry walang mangyayaring masama kay francis" pang-aalo ni niko kay tita.

              "Sana nga anak sana nga, nagtatampo pa naman yun sa atin." muling napahagulgol ng iyak si tita.

               "Mom please....We'll make it up for him as long as he comeback home, Hindi pa siya mawawala mom God knows it malaki ang pagkukulang ko kay bunso kaya hindi niya hahayaang mawala si bunso sa atin" napaiyak narin si Niko habang yakap ang kanyang ina.

biglang bumagksak ang malakas ng ulan at makikita sa mula sa dalampasigan ang malalakas na alon, Kaya napagdesisyonan ng command captain na pabalikin muna ang mga rescuer para narin sa kanilang kaligtasan. Alam kong walang kasiguraduhan ang kaligtasan ni Francis at Evo pero nanatili akong matatag hindi ko kayang isiping mawawala sa akin si francis.

                "Lord I know minsan lang akong humingi sayo ng pabor gusto kong iligtas mo sila lalo na si francis, hindi ko kayang mawala siya Lord.please I'm begging you." napaiyak na lamang ako habang nagdadasal nabigla na lamang ako ng may umakbay sa akin, nilingon ko kung sino. si niko.

                "Importante si bunso sayo diba?" tanong niya, tumango na lamang ako.

                 "Mabuti kapa kahit kaibigan ka lang niya naipakita mo kong gaano siya kaimportante sayo, wala akong silbing kuya ni minsan hinid ko manlang siya inisip bagkus lagi ko pa siyang inaasar. hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mawawala siya may tampo pa kasi yun sa amin eh lalo na sa akin." kalmado niyang sabi pero tahimik na tumutulo ang luha niya sa kanyang mga pisngi.

                  "Mahal ka niya Niko, alam ko yun mabait si francis siya yung tipong tahimik lang pero pagsinubukan mong kilalanin ay marami kang magagandang katangiang matutuklasan sa kanya. He was so generous willing siyang bumigay basta't alam niyang kaya niya. hindi pa siya mawawala I'm pretty sure" napangiti siya sa aking mga sinabi.

Hindi kami natulog hinintay namin hanggang mag-umaga para lamang sa magandang balita , sumikat na nga si haring araw pero dilat na dilat parin ang aking mata hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako dinalaw ng antok. Napansin kong nagkagulo sa tent ng command post at parang nabuhayan ng loob ang mga nandoon kaya agad din kaming lumapit para makibalita.

            "Paparating na daw ang tatlong patrol boat sakay ang mga survivors ng bumagsak na eroplano, sad to say may isang patay at pito ang kumpirmadong nawawala. nasa malalim na bahagi ng karagatan bumagsak ang eroplano kaya we need to ask the help of our profissional divers to check the plane baka may naiipit doon sa loob"

Medyo nabuhayan kami ng loob sa sinabi ng isang opisyal habang iniiterview siya ng media, Siguro maliit ang probability na sa pitong nawawala ay kasama si francis sana nga ligtas sila. Naghintay pa kami ng mga dalawang oras bago dumating ang tatlong patrol boat at nakita kong marami sa kanila ay may mga sugat at nilalamig. mabilis kong inikot ang aking paningin para makita ang taong hinahanap ko hanggang sa may narinig akong tumatawag sa akin.

           "Kevin......" Si niko.

            "Nakita mo naba sila?" tanong niya.

            "hindi pa eh, baka sa kabilang patrol boat tara puntahan natin doon" yaya ko sa kanya.

Pinuntahan namin lahat ng mga patrol boat na may karga ng mga survivors pero wala kaming makitang francis at evo, halos manlumo ako dahil sa hindi ko makita ang taong hinahanap namin. I can't believe that francis and evo were on the list of those seven people missing.

             "Bakit wala ang mga anak namin?...oh no God it's not happening" mangiyak-ngiyak na sambit ni tita diane.

             "Misis wag po kayong mawalan ng pagasa posibling napadpad sila sa mga karatig isla lang dahil malakas ang alon kagabi habang umuulan" paliwanag ng isang opisyal.

            "Darating narin ang mga proffisional divers para sisirin ang wreckage ng plane para siguruhin kung may naiipit na mga biktima doon, if kung wala ang mga anak ninyo doon na sana lang din ay wala nga then we must be thankful dahil malaki ang posibilidad that they're alive and must be in nearby island around here" dagdag pa nito.

              "Gagamitin ko ang company chopper namin para suyurin narin ang mga isla na malapit dito, ayaw kong iasa ang kaligtasan ng anak ko sa inyo pero please hanggang sa maari gawin niyo ang nararapat" mungkahi ng daddy ni Evo.

               "Makakaasa po kayo Mr.thompson. so paano aalis na muna ako sasalubungin ko lang ang mga divers" paalam ng opisyal.

               "Kumpari pwede ba akong sumama sa paghahanap?" tanong ng tito armando ang daddy ni francis.

              "Parehong anak natin ang pinaguusapan dito kaya dapat kasama ka narin dito pare" sagot ni tito mike.

               "Salamat pare."

umalis narin sina tito mike at tito armando naiwan kaming tatlo nina tita diane at niko sa command post para maghintay ng balita. gusto ko mang makatulong para mahanap si francis pero wala akong ibang paraan kundi ang alalayan na lamang ang kanyang pamilya. Sana nga ligtas lang sila naniniwala ako sa aking pakiramdam buhay pa silang dalawa.

itutuloy.........................................


PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.

AND PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW MY BLOG SALAMAT PO ULI..












Walang komento:

Mag-post ng isang Komento