Mga Kabuuang Pageview

Martes, Agosto 13, 2013

A Love In An Island chapter 7



Ito po ang kaunaunahang stoy ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me (jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.

Kung napapansin niyo po ay hinango ko po itong kwentong ito sa isang pelikula pero malaking bahagi parin po ito ay mula sa aking imahinasyon at M2M love affair naman po kasi ang theme ng story ko kaya mas lalong malaki din ang pinagkaiba.


                                                 A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga



Chapter 7

Francis

Nilalamig ako sobrang lamig na parang nagba-vibrate ang bou kong katawan sa panginginig, teka bakit nanginginig ako sa lamig?, ang huli kong naalala ay nasa eroplano ako kasama ang Evo na yun. Oh shit!....nagcrash ang plane namin, patay na ba ako? no.no no Lord please.
ayaw ko pang mamatay hindi ito maari.

        "HINDI!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko sa aking sarili.

         "Francis?...gising. hoy frans gising!" sigaw ng boses na aking naririnig minulat ko ang aking mga mata nasa gitna ako ng dagat at napakadilim habang hinahampas ng malalaking alon at binabayo ng malakas na ulan. buti nalang at naka life jacket ako hindi pa naman ako marunong lumangoy, nilingon ko ang taong gumising sa akin na nasa aking likod nagulat ako dahil si Evo pala ang kasama ko.

         "E..evo?, bakit tayo lang dito nasaan ang ibang mga pasahero?"

            "napalayo tayo sa kanila kanina dahil sa lakas ng alon hindi ko na nagawang ilapit pa ang sarili natin dahil ikaw ang inaalala ko baka kasi humiwalay ka sa akin pag di kita hinawakan ng maigi nawalan ka ng malay nung bumagsak tayo" paliwanag niya.

           "S..salamat " nahihiya kong sabi hindi ako makapaniwalang gagawin ito sa akin ni Evo.

            "No problem. you're all my responsibility now" namula ako sa aking narinig buti nalang at madilim di niya mahahalata.

Halos hinahabol ko ang aking hininga dahil sa panginginig,kunti nalang at parang malalagutan na ako ng hininga sa sobrang lamig. Nagulat ako ng maramdaman kong niyakap ako ni Evo napakaganda sa pakiramdam ang init na nagmumula sa kanyang katawan.

           "This is what they told us that when we have our safety and emergency seminar right?, That when we're lost at sea we need to embrace each other to supply heat to our bodies when we're cold" bulong niya sa akin.

           "yeah I know...pero doesn't it feels like weird for us hugging each other?" nahihiya kong tanong.

           "cute mo pala pagnahihiya. syempre buhay na natin ang nakasalalay dito do you want to die because of coldness?"

           "ofcourse not!..."

           "then let me hug you then" sagot niya.

Nakatulog ako sa ganoong sitwasyon ikaw ba naman yakapin ng isang John Evo Thompson na tinitilian at hinahangaan sa boung campus hindi kaba naman makakatulog. Naguguluhan ako sa aking nararamdaman ngayon oo may takot ako sa aming sitwasyon ngayon pero parang nararamdaman kong ligtas ako sa piling ni Evo.

Nagising kaming dalawa sa hapdi ng sikat ng araw na tumatama sa aming katawan, sinipat kong mabuti ang paligid walang hanggang karagatan ang aking nakikita. nagdasal nalang ako na sana may dumaang barko para makasakay kami hindi pweding mananatili kami dito sa gitna ng dagat baka madidehydrate kami nito sa uhaw.

           "Paano tayo makakaalis dito?" tanong ko kay Evo.

            "We should not stop paddling baka makakita tayo ng malapit na isla"

             "Nauuhaw ako" mahina kong daing.

             "ha.....kaya mo pa?, God save us..." para siyang nagpapanic ng marinig niya akong dumaing.

             "K.kaya ko pa naman, don't worry about  me Evo and thanks" ngumiti na lamang siya at hinaplos haplos ang buhok ko.

             "Alam mo kung naging babae ka lang ang ganda mo siguro noh?..cute mo kasi"

             "Akala ko sa sitwasyon natin ngayon makakalimutan mo na akong asarin" lungkot-lungkotan kong tugon.

             "Totoo naman ang sinasabi ko ah?...I am not freaking you."

            "talaga lang ha?" mataray kong sagot.

             "Ok..ok..fine. hindi na kita aasarin I promise." sabi niya sabay taas ng kanyang kanang kamay na para bang nanunumpa.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng mahagip ng aking paningin ang isang isla na may kalayuan mula sa aming kinalalagyan kaya nabuhayan ako ng loob at sa wakas maliligtas na kaming dalawa ni Evo.

             "O my god!" bulong ko.

               "What?" Si Evo.

              "Island!"

             "Where?"

              "there...right there..."bulalas ko.

             "that's way too far, we better wait for somebody that would gonna rescue us"

             "are you kidding?!..fine I'll paddle my self fast. bahala ka sa sarili mo" galit kong sabi

              "Ok.ok..we'll paddle together" sagot niya saka nagkamot ng ulo.

Medyo nangangawit narin ang kamay ko sa kakasagwan dahil sa tantya ko mahigit tatlong oras din kaming dalawa na nagsusumikap sumagwan para marating ang isla. ang pinagtataka ko lang ay wala kaming makitang kahit isang bangka na naglalayag o barko sa lugar ni kahit mga bahay ay wala kang makikita sa gilid ng dalampasigan.

Napakaganda ng isla parang mga tawas sa kaputian ang mga buhanging nakapaligid dito at crystal clear ang tubig sa palibot ng isla mukhang wala pang nakakagalaw sa lugar na iyon. Isinampa ko kaagad ang aking katawan sa buhanginan ng marating namin ang dalampasigan at hapong-hapo.

             "Are you ok?" tanong ni Evo.

              "ok lang...you?"

               "yeah, I think so..."

agad akong tumayo ng makabawi ako ng lakas kinapa ko ang bulsa ng aking pantalon naramdaman ko ang aking cellphone nagalala akong baka basa narin ito, binunot ko ito mula sa aking bulsa at laking tuwa ko ng makitang hindi ito nabasa nakalimutan ko na binalot ko pala ito sa isang plastic container. Chenick ko kung may signal pero wala akong mahanap.

                 "May signal ba?" si Evo

                 "Wala eh..."  disappointed kong sagot.

Pumasok kami sa masukal na gubat para makahanap ng matatanongan nagbabakasakaling baka may mga nakatira sa di kalayuan mula sa dalampasigan, noong una ay parang natatakot akong maglakad papasok sa masukal na daan pero wala akong choice kundi labanan ang takot ko simula kasi noong camping namin nila daddy noong bata pa ako ay hindi na ako muling nagpupunta sa mga ganitong lugar.


               "waahhhhhhhh!' napsigaw ako ng may maramdaman akong parang sentiped na gumagapang sa aking paa.

                 "hahahaha...what was that?" tatawatawang tanong ni Evo.

                 "I hate bugs" sagot ko.

                  "you came in a right place then" pang-aasar pa niyang lalo hindi ko na lamang siya pinansin.

                   "let's find a hotel here, kailangan nating makahabol sa ating mga kaklase sa bohol and I'm pretty sure they're all worried about us" mahaba kong litanya.

                    "you maybe?. I promise nobody is worried about me" makahulugan niyang sabi.

                     "anong ibig mong sabihin?" curious kong tanong

                      "nothing" tipid niyang sagot hindi ko nalang pinilit ang aking tanong.Nakasunod lang ako sa kanyang likod wala kaming imikan habang tinatalunton ang masukal na daan na para bang wala kaming deriksyon kung saan pupunta, napansin kong tumigil siya at parang may pinipitas na prutas na parang mga berries.

                     "Hey look berries!" sigaw niya sa akin, saka aktong isusubo sana ito natakot naman ako dahil baka may lason iyon.

                      "whoa...whoa..stop that. ..." pigil ko sa kanya.

                       "why they're berries?" protista niya.

                        "white and yellow kill a fellow purple and blue good for you" sagot ko sa kanya hindi ko alam kung bakit iyon lumabas sa bibig ko nabasa ko kasi yun sa isang childrens book kung saan malalaman sa kwento ang mga kulay ng mga prutas na may lason.

                         "you're a little bit weird you know that right?" tanging nasabi nalang  niya saka tinapon yung mga pinitas niya. hindi ko nalang pinansin yung huling hirit niya bahala na basta umiwas lang siya doon sa mga prutas na iyon malay mo may lason nga. ano ba ito over protected na ata ako sa kanya.

Malayo-layo narin ang nilalakad namin ng makarating kami sa isang bahagi ng gubat isang napakagandang talon na napapalibutan ng mga wild orchids at nakakabighani ang bughaw na tubig sa ibaba ng talon parang may harmony ang lahat ng bagay na naroon sa bawat isa.

      "wow napakaganda!"  sabi ni Evo, napanganga naman ako sa ganda na hatid ng tanawin na aking natatanaw sa aking harapan.
    nhabang pinapakita sa akin ang lighter niya.

                "Buti naman meron ka niyan" nakangiti kong sabi.

                 "Teka lang ha?" sabi niya na para bang may nakita sa di kalayuan na kong anong bagay.

                  "Why?..." gulat kong tanong sa kanya at saka tumayo para sundan siya medyo natakot kasi ako sa reaksyon ng mukha niya. narating namin ang mabatong bahagi ng isla na malapit lamang sa dalampasigan kung saan kami unang sumampa.

                    "A cave" sabi niya.

                     "I AM NOT SLEEPING IN A CAVE" protista ko sa kanya na para bang pinapangunahan ko na ang laman ng isip niya.

                      "This is the safest place to be" sagot niya.

                       "Hindi ako taong kweba!" angal ko.

                       "Non of us is a cave person here" sagot niya.

                       "Pahiram nga ng cellphone mo?" dagdag niya.

                        "Wala ngang signal" sabi ko naman.

                        "Basta!, ibigay mo nalang" naiinip niyang sagot. ibinigay ko nalang din sa kanya ang cellphone ko.

Pumasok siya sa loob at ginawang ilaw ang liwanag mula sa cellphone ko, nanatili lang din ako sa bukana ng kweba at nakamasid sa kanya ayaw kong sumama sa kanya dahil sa takot talaga ako. Malayo na si Evo hindi ko na siya halos makita ang ilaw nalang mula sa cellphone na hawak niya ang palatandaan ko kung nasaan siya banda.

                      "Evo pwede ba bumalik ka nalang dito natatakot na ako, baka may ahas pa diyan at matuklaw ka" sigaw ko sa kanya.

                       "Wow concern siya hehehehe" asar niyang sagot.

                        "hindi ako nagbibiro. kung ayaw mo bahala ka diyan babalik na ako sa dalampasigan" inis kong sigaw sa kanya.Hindi paman ako nakatalikod ay narinig ko siyang sumigaw habang natatatakbo nanginig ang bou kong katawan sa takot kahit hindi ko alam kong ano man yun. Nang makarating si Evo sa bukana ay nagsilabasan narin ang mga paniki sa loob.

                          "Alam mo papatayin mo ako sa takot eh" sigaw ko sa kanya at saka batok dito.

                           "arekop!...ito naman malay ko bang mga paniki pala yun" sagot niya habang hinihingal.

bumalik na lamang kami sa dalampasigan, pumwesto ako sa ilalim ng isang puno at naupo sa buhangin napansin kong si Evo naman ay nakatayo at nakatingin sa karagatan seryoso siyang nakamsid sa papalubog ng araw. Napakagandang pagmasdan ang tanawing iyon parang mga dugong kumalat ang repleksyon ng araw sa dagat.

                        "what are you looking at?" basag ko sa kanyang pagmumunimuni pero seryoso parin siya sa kapapanood doon na parang mahalaga ang bawat segundo ng paglubog ng araw kaya kailangan niyang hindi palampasin ito.

Lumapit siya sa aking kinauupuan at parang nadismaya sa kanyang ginawa na para bang meron siyang na miss sa bagay na iyon.

                           "Why are you so serious looking at the sunset?" muli kong tanong.

                            "Nothing" matipid niyang sagot.Muli siyang tumayo at naghanap ng mga tuyong dahon at mga sanga para gumawa ng apoy inilapag niya ito sa aking paanan at sinindihan gamit ang kanyang lighter. ako naman ay nag-ikot ikot sa lugar malapit lang din sa aming pwesto natuwa ako dahil nakakita ako ng puso ng saging na hitik sa bunga maswerte nga dahil dilaw na dilaw na ang mga ito sa hinog. kumuha ako ng mahabang pat-pat at sinungkit at mga bunga nito. nang makabalik ako sa kinaroroonan ni Evo ay abala itong hinihipan ang mga tuyong dahon para lumakas ang apoy. Nakatalikod siya sa akin kaya itinago ko sa likod ng puno ang aking dala.

                              "Evo?" mahina kong tawag sa kanya.

                               "hmm?"

                               "May sorpresa ako"  nakangiti kong sabi napatigil naman ito sa kanyang ginagawa at humarap sa akin.

                               "Alin?" takang tanong niya. pumaunta ako sa likod ng puno at hinila ang mga saging.

                                "Surprise!" masaya kong sigaw sa kanya.

                                 "Whoahahaha!...where did you get that?" masaya niyang tanong.

                                  "secret hahaha"

Dahil sa gutom masaya naming pinagsaluhan ang mga saging na napakatamis. Nang mabusog kami ay kwentuhan nalang ang aming ginawa ibang-iba siya sa Evo na kilala ko sa school hindi ako makapaniwala na ang taong laging nang-aasar sa akin kasama ko ngayon sa isang isla at masayang nakikipagusap dito. Medyo malalim narin ang gabi ng makaramdam ako ng antok kaya inilapag ko na ang aking katawan sa buhangin, dahil sa lamig ng hangin ay nanginginig ako sa lamig nagulat nalang ako ng tumabi sa akin si Evo at hinubad ang kanyang jacket at kinumot iyon sa katawan ko. Nakatalikod ako sa kanya kaya lumingon ako paharap sakanya

                               "Evo?" bulong ko sa kanya.

                                "yeah?"

                                 "Thanks" nahihiya kong sabi.

                                 "No problem. tulog na tayo?" sabi niya at saka niyakap ako.


itutuloy.....................................................

PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.

AND PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW MY BLOG SALAMAT PO ULI..

         




2 komento: