Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Agosto 18, 2013

A Love In An Island chapter 8



Ito po ang kaunaunahang stoy ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.

I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me (jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po. 


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please 
do not copy or use this story in any manner without my permission.

Kung napapansin niyo po ay hinango ko po itong kwentong ito sa isang pelikula pero malaking bahagi parin po ito ay mula sa aking imahinasyon at M2M love affair naman po kasi ang theme ng story ko kaya mas lalong malaki din ang pinagkaiba. 

                           

                                                    A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga


Chapter 8


Maaga akong nagising dahil sa nangangati ako sa mga buhanging dumikit sa katawan ko pinagpag ko ang aking damit at pantalon para maalis ang mga buhangin, Tiningnan ko si Evo na mahimbing parin ang tulog kaya kinuha ko narin yung jacket na pinakumot niya sa akin at kinumutan siya.

Pumunta ako sa may pangpang na may dalang isang patpat gumuhit ako ng malaking letra ng S.O.S inisip ko kasi na baka sakaling may dumaang eroplano o ano paman ay baka mapansin ito. Hay! Lord please hindi ko alam kung makakatagal ako sa ganitong sitwasyon.

                   "You're a morning person huh?" napalingon ako kung sino ang nagsasalita.Si Evo.

                   "What are you doing?" dagdag niya.

                     "I'm trying to save us" sagot ko.

                     "Ang ganda ng dagat!...I want to swim" bulalas niya. hinubad niya ang kanyang pantalon at tshirt at tanging boxer short nalang ang naiwan, hindi ko alam pero ay dalang init ang tanawing iyon sa aking pakiramdam napakaganda ng kanyang katawan halatang isa itong athleta.pinagmasdan ko siyang lumangoy magaling din pala siyang lumangoy akala ko basketball lang ang sports niya halata kasi sa bawat kampay ng kamay niya sa tubig ay tulad din sa mga tinuturo sa aming swimming lessons.

                    "We some water?" sigaw ko sa kanya pero parang walang narinig ang mokong. nagikot-ikot pa ako sandali ng may mapansin akong bote ng mineral water na palutang-lutang sa alon agad ko iyong kinuha bago parin naman ang bote halatang kagagamit lang din naman nagtaka ako dahil ni wala namang mga nakatira dito para ngang kaming dalawa lang din ang tao sa boung isla.

                       "hey..pwede mo bang akong samahan doon sa talon? we need water out here!" muli kong sigaw sa mokong pero tulad ng unag pagkakataon ay parang wala paring narinig. kaya takot man wala akong magawa kundi pasukin ang masukal na gubat papuntang talon ilang minuto lang naman ang nilakad ko at nakarating ako agad hindi ko maiwasang suriin muna bawat lugar na aking aapakan dahil baka may ahas na naman hay may phobia pa naman ako sa hayop na iyon. 

Pumunta ako sa ibabang bahagi ng talon hinugasan ko muna ang bote bago sinalod sa bumabagsak na tubig galing sa itaas. Medyo madulas ang bato kung saan ako nakapatong at sa ilalim din ng batong iyon ay may another na talon na naman pero mas mataas iyon kaysa sa talon kung saan ako nakasalod at mukhang malalim ito. hindi kasi ako makasalod ng maigi kung sa gilid lang ako kaya humakbang pa ako pagitna  
para madaling mapuno ang bote kaya lang nadulas ako at diri-diritsong nahulog sa ibaba pinikit ko nalang ang aking mata hindi ko alam kung saan ako babagsak kung sa tubig ako babagsak sigurado akong malulunod ako dahil kahit may swimming lesson ako hindi parin naman ako masyadong marunong iba kasi ang swimming pool kaysa sa rumaragasang tubig ng talon, kung sa bato naman ako babagsak tiyak sensilyo ang bou kung katawan hay Lord alam kung pangalawang buhay ko na ito ngayon kaya humihingi ako ng pangatlo pa.

                     "Waaaaaaaaaaaahhhhhhhhh..." sigaw ko ng tuluyan na akong bumagsak.

                     Splaaaaaaaaaaaaaaasssssssssssssssssshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!............................

Alam niyo na ang tunog na iyon syempre sa tubig ako bumagsak kaso hindi ako makalangoy ng maayos dahil napakalakas ng current ng tubig na diridiritso sa ilog na puro mga bato halos nanglilimos na ako ng hininga dahil sa lubog litaw kong position kumapit ako sa isang baging para hindi tuluyang mahila papunta sa mabatong ilog tiyak magkalasog lasog ako pero hindi naman ako pweding tumagal sa lugar kung saan ako nakakapit dahil tuwing binabagsakan ako ng tubig galing sa itaas ay lumulubog naman ako saka ko naman hinihila ang katawan ko gamit ang baging na aking kinakapitan. 

Paano na ito sadya talagang katapusan ko na wala na akong kapag-a pagasa, nasaan na ba ang mokong na iyon, Hindi ko na kaya ang posisyong ito hindi na ako makahinga , wala narin akong nagawa pa kundi bumitiw kaya lumubog ako sa malalim na bahagi ng talon ng lumitaw ako ay halos nandilim narin ang aking paningin may napansin akong bumagsak malapit sa akin pero tuluyan na akong nagupo ng kadiliman alam kong katapusan ko.

************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

EVO

Medyo napasarap ako sa kalalangoy napakaganda kasi ng dagat sa islang ito hindi ko tuloy maiwasang isipin kung bakit sa ganda nito ay wala pang kahit nagalaw sa boung isla hindi kaya hindi pa ito nasali sa mapa ng pilipinas o marahil wala na kami sa pilipinas?. Sa lakas ba naman ng hampas ng alon sa amin noong nakaraang gabi ay baka napalayo na kami malawak din naman kasi ang pacific ocian.Napahinto ako ng aking pagiisip habang abala sa paglangoy ng may marinig ako. 

                 "We need some water?" sigaw ni francis pero hindi ko siya pinansin masarap kasing lumangoy.

                  
                    "hey..pwede mo bang akong samahan doon sa talon? we need water out here!" sigaw niya uli. ano ba ang akala ng taong ito sa akin fountain?. muli ko siyang hindi pinansin.

Hindi ko napansing napakatagal ko na rin palang nasa tubig at langoy ng langoy kaya nagdesisyon akong umahon ng lumingon ako sa dalampasigan ay na wala doon si francis, pinuntahan ko ang puno kung saan kami natulog kagabi pero wala din siya medyo naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko at parang kinakabahan kaya nagmamadali akong lumakad papuntang talon.
                    
                      "Frans, saan ka?" sigaw ko habang papalapit na ako sa talon pero walang tumugon.
                       "Francis please answer me?" sumigaw ako ulit ng malakas pero wala parin. pinagpapawisan na ako sa takot na kung ano na ba ang nangyari sa kanya hindi ko rin alam kung bakit ganoon nalang ako ka-overprotected sa kanya. Oo lagi ko siyang inaasar sa school at tagos hanggang boto ang galit niya sa akin pero ang hindi niya alam ay marami akong alam tungkol sa kanya sa mga magagandang pag-uugali niya naiinggit kasi ako kay Kevin tuwing kinukwento niya sa akin ang mga nakakatawang ugali ni francis. Halos lahat ng magagandang katangian ng isang kaibigan ay nasa kanya na. alam kong kakompitinsya ko sa lahat ng bagay si Kevin lalo na sa kasikatan sa school at ang higit sa lahat ang trono na MVP sa basketball  pero alam kong kahit ano paman, lamang na lamang si Kevin sa akin sa pamilya at lalo na sa kaibigan kaya laging kong inaasar itong si francis para galitin si Kevin. 

Doon lamang ako natauhan ng pinagtulungan naming asarin si francis sa classroom na ikinagalit niya ng husto at alam kong nasaktan ko siya ng sobra hinding hindi ko makakalimutan ang mga binitawan niyang salita na kahit simple at malumanay niyang sinabi iyon sa harap ko at ng boung kaklase namin at tagos hanggang sa kaibuturan ng aking puso at doon ko narealized na tama nga naman siya.
                    
                 "Masaya ka na?, sana masaya ka nga Evo. napaka perpekto naman ng buhay mo" yun yung mga sinabi niya na hanggang ngayon ay dala-dala ko sa dibdib ko kung alam lang sana niya kung ano ang buhay meron ako. Oo marami akong kaibigan pero sigurado akong kaibigan lang naman ang mga iyon dahil sa kailangan nila ako para umangat din sa school, may girlfriend ako pero ramdam kong naglalaro lang kami ni Allyson we need each other para mas lalong sumikat dahil para sa mga nakararami sa school we have the best example of a perfect tandem.

Mas lalo akong nagaalala ng maalala ko ang sinabi sa akin ni kevin na may phobia pala si Francis sa mga ganitong lugar naawa tuloy ako sa kanya dahil alam kong uhaw na uhaw na yung tao pero hindi ko man lang siya sinamahan pumunta dito. I know facing his fears was never been easy dahil ako man ay may phobia din sa mga bagay bagay.

                      "Frans?...francis..frans where are you?" sigaw kong muli. bumaba ako doon sa ilalim ng talon at nakita kong may isa pa palang talon din ang nasa bandang iyon kaso medyo malalim iyon kaysa sa nasa taas na talon, hindi ko alam kung bakit parang hinihila ako ng aking mga paa papunta doon. Nang marating ko ang lugar sinuri ko ito umaasang makakita ng kahit bakas manlang ni francis hanggang sa nasipat ng aking mata ang isang bato na medyo natanggal ang mga lumot doon halatang may umapak at nadulas. teka lang NADULAS?...kinabahan ako tumingin ako sa ilalim at halos umakyat ang boung dugo ko sa aking ulo  ng makita kong lumitaw mula sa ilalim na bahagi ng tubig si francis at parang wala ng malay, hindi na ako nagdalawang isip agad akong tumalon at niyakap ito para hilahin sa pangpang. medyo malakas ang kuryente ng tubig na humihila sa amin papunta sa bukana ng mabatong ilog kaya mas nilakasan ko pa ang paglangoy buti nalang at napakapit ako sa isang ugat ng kahoy. Hindi naman ako nahirapang buhatin at isampa sa itaas ang katawan ni francis dahil sa magaan lang naman siya mukha ngang katawang babae siya dagdagan pa ng kanyang maamong mukha na kung hindi mo talaga kilala ay akalain mong babae siya.

                     "Francis!" gising ko sa kanya pero wala siyang reaksyon at namumutla kaya mas lalo akong kinabahan, hinawakan ko ang kanyang kamay at pinulsuhan laking tuwa ko ng may makapa akong mahinang pintig mula dito. Nilapit ko ang aking ulo sa kanyang dibdib para pakinggan ang pagtibok ng kanyang puso pero mahina narin ito wala na akong magawa kundi pisilin ang kanyang ilong at pinilit na ibuka ang kanyang mga labi inilapit ko ang aking mga labi sa labi niya at boung lakas na binugahan ito ng hangin mga ikatlong beses din akong buga ng buga sa kanya hanggang sa napaubo ito at linabas lahat ng tubig na nainom niya.

                       "God you're alive" tanging nasambit ko at saka niyakap siya ng mahigpit. umubo siya ulit at parang nagulat dahil sa nakayap ako sa kanya kaya naitulak niya ako ng bahagya.

                        "I'm not dead?" tanong niya medyo natawa ako sa reaksyon niya.

                        "hindi, dahil sa halik ko" sagot ko hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko, napansin ko rin na namula siya ng marinig iyon na mas lalong nagpacute sa kanya shit why am I speaking this way?.

                         "bakit ka umiiyak" pambawing tanong niya dahil nahalata niyang namumula siya.

                          "Me?, never huh why should I" mayabang kong sagot hinawakan ko ang aking mukha shit totoo nga napaluha ako kanina habang nililigtas siya.
                          "talaga lang ha?" sabi nito sabay tayo. pero dahil sa nanghihina pa ito ay agad itong bumagsak na nasalo ko naman parang slow motion ang nangyari nagkatitigan kami habang pabagsak sa lupa nakapatong siya sa akin. Ang mga mata niya ay may kakaibang dating sa akin at ang mga labi niyang mapupula't maninipis ay napakagandang dampihan ng halik shit Evo wake up...anong nangyayari sa akin. bumangon siya at umupo patalikod sa akin.

                            "Wag kana kasing maglakas-lakasan. give me your hand and let me help you" sabi ko sa kanya pambasag lang sa katahimikan at para mabawasan ang ilang o hiya niya sa akin. binigay naman niya ang kanyang kamay sa akin at inalalayan ko siyang maglakad ngunit napansin kong wala na talaga siyang lakas pa para ihakbang ang kanyang paa kaya dali-dali ko siyang binuhat na animoy bagong kasal lang kami.

                            "Evo, hindi mo na kailangang gawin ito nakakahiya na I can still walk" protista niya.

                             "ssshhh.....wag ka nalang maingay jan. baka bukas pa tayo makakarating sa pangpang kung hahayaan kitang maglakad."

                              "Evo?..please put me down"

                              "teka kumakain kaba talaga?, my dumbells are much heavier than you hehehe" asar ko sa kanya.

                              "nang-aasar ka na naman. I remember you promised me right so why break your promised?"

                               "ok.ok. sorry. ilang taon ka na nga?" tanong ko sa kanya.

                                 "I'm 15 why? "

                                 "What?..I'm two years older than you then" 

                                 "So what's with that age?" curious niyang tanong.

                                   "You should call me kuya" 

                                   "nagbibiro kaba?, ganun naba tayo ka close?" sabi niya.

                                   "We're getting there" sagot ko.

                                    "hindi ko nga tinatawag na kuya si kevin eh ikaw pa kaya" 

                                    "I'm different from kevin. And I want to have a younger brother please?" sabi ko sa kanya sabay pacute.

                                   "Sabagay kaugali mo nga talaga ang kuya nico ko mahilig mang-asar pero di mo ba alam na hindi kami close ng kuya ko 
                                    that is why I hate having kuyas" 

                                    "fine I'll break the record, I'll prove to you that it's nice to have me as your kuya" paliwanag ko sa kanya.

                                     "Evo?" naiinis niyang tugon.

                                     "It's kuya Evo. capital K.U.Y.A E.V.O maliwanag?"

                                     "ok KUYA EVO magmadali ka na nangangalay na ako"sagot niya na inemphasize pa ang "kuya Evo".

                                     "wow ang sarap sa pakiramdam!, isa pa nga?" sigaw ko ngumiwi lang ito ng kanyang mukha na mas lalong nagpacute sa kanya.

                                    "Wala ka bang kapatid?" tanong niya sa akin.

                                     "Wala eh mag-isa lang ako" 

                                     "ah kaya pala...sige na kuya. haixt naiilang talaga ako eh pag tinatawag kitang kuya" 

                                      "Wag ka ngang ganyan bunso" saway ko sa kanya.

                                      "BUNSO?, ewww! para kang si kuya nico talaga" sigaw niya ulit.

                                      "Pwes iba ako ok?..masarap kaya akong maging kuya,bahala ka"

                                       "Sige na nga, pero promise me na wag mo na akong asarin ha?, ganun kasi si kuya nico eh" sabi niya na parang bata.

                                      "Deal!" masigla kong sagot sa kanya.



itutuloy.....................................................

PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.

AND PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW MY BLOG SALAMAT PO ULI..

           






  


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento