Mga Kabuuang Pageview

Linggo, Agosto 18, 2013

A Love In An Island chapter 12



I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me (jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.

Kung napapansin niyo po ay hinango ko po itong kwentong ito sa isang pelikula pero malaking bahagi parin po ito ay mula sa aking imahinasyon at M2M love affair naman po kasi ang theme ng story ko kaya mas lalong malaki din ang pinagkaiba.


                                                  A Love In An Island

                                                                   By: Jenysis Aposaga



Chapter 12


Bumalik kami sa aming munting kubo na sa pagkakataong ito ay halos masira na dahil sa mahigit tatlong buwan narin itong nakatayo at nabubulok narin ang mga dahon ng niyog. nakasanayan narin naming matulog ng maaga dahil wala naman kaming mapaglilibangan sa isla.
Kinaumagahan ginising ako ni kuya Evo nagpaalam siya upang pumunta ng talon para manguha ng isda, pumayag naman ako at bumalik sa pagkakahiga mga dalawang oras din akong nakatulog ng may marinig akong ingay, Bumangon ako upang silipin kong saan nangagaling ang ingay nagulat ako dahil isang yati ang bumungad sa akin may lumabas na limang tao habang kinakaladkad nila ang isa na nakapiring at nakagapos ang mga kamay nito sa kanyang likod.

                                            "Maawa po kayo sa akin wag niyo po akong papatayin" pagmamakaawa ng lalaki.

                                            "Sige kalagan mo siya" utos ng isang lalaki sa kasama, matapos makalagan at kunin ang piring ay tinulak nila ang lalaki dahilan para sumubsub ang mukha nito sa buhangin.

                                            "sige bibigyan ka namin ng limang minuto para makatakbo para sa buhay mo"

                                             "maawa po kayo sa akin please si....." sabi ng lalaki pero naputol iyon dahil sa sumigaw ang lalaking may hawak ng baril.

                                              "TATAKBO KA PARA MAKALIGTAS O MAMATAY KA DIYAN SA KINAUUPUAN MO?...TAKBO NAH"

Halos gumapang sa pagtakbo ang lalaki   papunta sa loob ng gubat habang nakatutok ang baril ng apat na lalaki sa deriksyon kung nasaan tumakbo ang kanilang bihag. ilang sandali lang ay umalingawngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.

                                               "aaaaaawhhhhhhh" sigaw ng lalaking bihag nila, nakita kong halos matadtad ang katawan nito sa mga balang pinapatama sa kanya.

Nang masiguro nilang patay na ang lalaki ay agad nila itong nilapitan at muling binaril sa ulo, nanginginig ako sa oras na iyon habang nakakubli sa damuhan, sa boung buhay ko ngayon lang ako nakasaksi ng taong pinatay na parang hayop akala ko sa pelikula lang ito nangyayari totoo parin palang may mga taong kayang pumatay na walang alinlangan sa kanilang kapwa.

                                            "boss, patay na to anong plano natin?" tanong ng isang lalaking lumapit sa bangkay.

                                             "Maghintay tayo sa utos ni Major. hindi na muna tayo aalis sa isla hanggang wala siyang iniutos sa atin. Brando tingnan mo nga kung sapat pa ang gasolina ng yati" utos nito sa isang lalaki na sa tansya ko ay mga nasa 20 pa ang edad, ito ang pinakabata sa kanila at ang tatlo ay parang nasa 30 na ang mga ito.

                                             "copy sir" sagot ni brando dito. Sayang si brando mukha pa namang artistahin at napakakisig nito hindi mo akalaing kaya nitong pumatay ng tao.

Bumalik ako sa aking pagiisip kailangan kong pumunta ng talon para bigyan ng babala si kuya evo malamang papunta na rin dito iyon dahil sa mga narinig niya baka kasi makita siya ng mga ito. Aatras na sana ako ng maapakan ko ang mga tuyong dahon ng saging dahilan para lumikha ng sapat na ingay upang marinig ng mga lalaki  na nasa di kalayuan sa aking pinagtataguan.

                                            "Ano yun?" sabi noong isang lalaki.

                                            "brando paki tingnan nga kung ano yung ingay na iyon mahirap na" utos uli ng lalaki kay brando.

                                           "Yes boss ched" sagot nito.

Tatakbo na sana ako pero huli na, nakita ako ni brando kaya mabilis niya akong nahabol napakaliksi niya dahilan para mahuli niya ako, nagpupumiglas pa ako pero napakalakas niya.

                                          "bitiwan mo ako please..wala akong nakita" sigaw ko sa kanya. binuhat niya ako patungo sa kinaroonan ng tatlong lalaki na kasama niya.

                                          "ang gandang lalaki ah, lalaki kaba talaga?, napakakinis ng mga balat at parang babae ang hitsura" sabi ng isang lalaki.

                                           "Napakalibog mo talaga kuya ding, sir ched anong gagawin natin dito?" tanong ni brando. nakita ko kung paano ako titigan noong lalaking tinawag ni brando na kuya ding.

                                            "Anong ginagawa mo dito sa isla at paano ka napadpad dito?" tanong nung sir ched nila sa akin.

                                            "Nagplane crash po ang sinasakyan namin mga tatlong buwan na ang nakalipas" natatakot kung sagot.

                                             "ano pong gagawin niyo sa akin?,"dagdag kong tanong.

                                             "Sa ngayon hindi namin alam dawit ka na rito dahil alam kong nakita mo ang nangyari kanina" sagot ni sir ched.

                                              "Pwede naman natin siyang gawing parausan muna sir, ilang buwan narin akong tigang. mukha pa namang babae kutis palang oh..." sambit ng isang lalaki na nakangisi habang tinitingnan ako.

                                               "Kayo talaga kuya rey ang sarap niyong pagsamahin ni kuya ding." natatawang sabi ni brando.

                                               "Kayo ang bahala diyan, ngayon kailangan kong makontak si major kung anong gagawin" sabi ni sir ched saka umalis patungong yati.

                                               " Yes!, sinong mauuna?" sigaw nung kuya ding sa dalawa.

                                                "Kuya naman maawa naman kayo sa bata" tutol ni brando.

                                               "wag ka na kasing pakipot brando gusto mo rin naman eh" sabat ni kuya rey. lumapit sa akin si kuya ding at hinaplos haplos ang aking mukha na pilit kong inilalayo sa kanya.

                                                "maawa po kayo sa akin please" naiiyak kong pakiusap.

                                                  "Wag ka na kasing magreklamo para hindi ka masaktan" sabi nito. pero nagmatigas parin ako mas lalo kong nilakasan ang pagpupumiglas para mapagod lang siya sa akin. pero sa hindi ko inaasahan ay sinuntok ako nito sa tiyan dahilan para mapaluhod ako sa sakit halos mawalan ako ng ulirat sa sakit na aking naramdaman.

                                                 "Kuya ding please maawa ka naman walang kasalan ang bata kaya pwede ba kahit sa ganitong paraan magpakatino tayo?" galit na sigaw ni brando. nanlilisik ang mata ni kuya ding habang nakatingin kay brando.

                                                 "Wag kang mangialam brando kung ayaw mong masaktan kita" babala nito. muli niyang binaling ang kanyang atensyon sa akin hinubad niya ang kanyang pantalon at nilabas ang kanyang ari para ipasubo sa akin habang nakatutok ang baril sa aking sentido.
                                                   "ISUBO MO..." sigaw niya sa akin. mas lalo kong tinikom ang aking bibig habang nanginginig sa takot. nakaluhod ako paharap sa ari niya nakita ko sa mga mata niya na parang handa siyang pumatay para lamang sa gusto niya para siyang adik na nawala sa katinuan.

                                                      "taena, isubo mo" muli niyang sigaw pero wala akong ginagawa kaya hinampas niya ang baril sa aking mukha dahilan para dumugo ang bibig at ilong ko.

                                                       "KUYA DING TAMA NA!" sigaw ni brando saka lumapit at hinablot ako palayo sa demonyong lalaking iyon nangalupaypay ako sa hilo kaya binuhat ako nito. bago paman kami makarating sa yati ay hinawi ni kuya ding ang balikat ni brando at sinuntok ito sa mukha nabitawan ako nito kaya sumubsob ako sa buhangin at tuluyang nawalan ng malay.

Nang magising ako ay nasa loob ako ng isang kwarto malamang pinasok nila ako sa loob ng yati, napansin kong namamaga ang kabilang bahagi ng aking mukha bumangon ako at sinubukang buksan ang pinto pero naka lock iyon sa labas. naalala ko si kuya Evo malamang nagaalala siya sa akin ngayon. bumukas bigla ang pinto at tumambad sa akin si brando may dala siyang bulak, alcohol at betadine.

                                                  "Wag mo nang subukang tumakas, kung ako lang ang masusunod papakawalan kita pero wala sa akin ang desisyon eh kaya magpakabait ka nalang." sabi nito. napansin kong marami siyang mga pasa sa katawan at mukha malamang nakipagbuno siya kay kuya ding.

                                                 "Salamat pala sa pagligtas mo" sabi ko sa kanya.

                                                 "Wag kang magpasalamat hindi ako mabait" seryoso niyang sagot. binuhos niya ang betadine sa cotton at nilapat iyon sa mga pasa ko.

                                                "Bakit kayo pumapatay ng tao?" dagdag kong tanong.

                                                 "WAG KA NA NGANG MATANONG SABI EH!" sigaw niya sa akin saka tumayo at lumabas. Alam kong mabait siya at ramdam kong naiipit lang siya sa sitwasyon. May maliit na bintana ang kwarto kung nasaan ako, hugis bilog ito at natatakpan ng salamin, maganda ang loob ng yati malamang mayaman ang may-ari nito para lang kasing nasa loob ako ng bahay. Nag-isip ako kung paano makakatakas hindi ako pweding magtagal dito, pero kahit anong isip ko ng paraan ay wala akong mahanap tanging ang pintuan lamang ang paraan para makalabas ako ng yati.

Muli akong humiga sa kama hindi ko namalayang nakatulog na ako, muli akong nagising ng bumukas ang pinto at iniluwa nito si brando na may dalang pagkain.
                                                "kumain kana alam kong gutom kana" sabi niya, kinuha ko nalamang ang plato na hawak niya saka nagsimulang kumain hindi na ako umimik pa dahil ayaw kong magalit na naman siya.

                                                    "sorry kung nasigawan kita kanina" mahina niyang sabi.

                                                  "ok lang, utang ko naman buhay ko sayo" sagot ko.
                     
                                                   "hindi kapa ligtas, wala akong alam sa pagkakataong ito kung ano ang balak ni sir ched sayo" wika niya.

                                                   "Ahm, bakit mo ginagawa to?" tanong ko.

                                                    "ang alin?"

                                                  "ang pagtulong sa akin diba masama ka sabi mo?"

                                                  "Oo masama ako sa mga taong masasama pero ikaw?, hindi kita kayang patayin dahil lamang sa nakita mo kung paano namin pinatay ang taong iyon" paliwanag niya.



                                                    "pero hindi ko hawak ang buhay mo sunodsunuran lang kami dito sa utos ni sir ched, tauhan siya ng isa sa pina kamataas na opisyal sa gobyerno na sangkot sa sindikato. Yung pinatay namin kaninang umaga ay runner ng shabu na tinangkang itakas ang pera kaya yun inutusan kaming patayin siya"

                                                    "bakit ganito ang napili mong buhay?" tanong ko.

                                                    "nabaon sa utang ang aking ama kay sir ched kaya para mabayaran lahat ng iyon kailangan kung magtrabaho sa kanya. pinagbantaan niya kaming uubusin kaming pamilya kung hindi ako magtatrabaho sa kanya" nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata naawa ako sa kanyang kalagayan dito ko napagtantong hindi lahat ng kriminal ay likas na masama ang iba ay sadyang naipit lamang ng pagkakataon.

                                                  "Wala ka na bang ibang paraan para mabayaran ang utang ninyo?"

                                                  "kung meron lang sana bakit hindi, pero nakasangla na ang buhay ko kay sir ched hindi kami basta basta lang umaalis sa sindikato kunting maling galaw lang namin ay buhay namin ang kabayaran." Nginitian niya ako pagkatapos ay kinuha niya ang mga platong aking pinagkainan at saka lumabas ng kwarto, hindi niya alam ay tinago ko sa ilalim ng bed sheet ang tinidor na ginamit ko.sinilip ko ang bintana gabi na pala, naisip ko si kuya Evo kumusta na kaya siya nag-aalala ako sa kanya.

***************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************

Evo


Nakarinig ako ng sunod sunod na putok galing sa dalampasigan, unang pumasok sa aking isip ay si francis kinakabahan akong tumakbo palabas ng gubat naiwan ko ang mga nahuli kong isda sa gilid ng talon. nang malapit na ako sa aming kubo ay nagtago muna ako sa likod ng mga saging upang sumilip, nakita ko sa hindi kalayuan mula sa aking pinagtataguan ay isang bangkay ng tao na tadtad ng bala sa katawan mas lalo akong natakot sa kalagayan ni francis.

Halos madurog ang puso ko ng makitang hawak hawak ng isang lalaki si francis at hinahaplos haplos nito ang kanyang inosenting mukha at pilit namang nagpupumiglas ito para makawala. Sinuntok nito sa tiyan si francis dahilan para mapaluhod ito sa sakit, gusto kong sugurin sila para iligtas ang taong pinakaimportante sa akin oo importante  siya, hindi lang importante mahal ko na siya mahirap mang aminin pero ito ang tinitibok ko ngayon mahal ko na siya at ayaw kong may isa pa sa aking minamahal ang mawala.

Napaluha ako ng makitang namimilipit sa sakit si francis gusto kong saluhin ang mga pasakit niya ngayon pero kailangan kong mag-isip ng paraan para mailigtas siya. naghubad ng pantalon ang lalaki kitang-kita ko kung paano niya pinagnanasaan si francis para siyang hayok sa laman, pinilit niyang ipasubo kay francis ang kanyang pagkalalaki shit hayop ka aerggghh! gustong-gusto ko na siyang sugurin nanginginig ako sa galit. nakita kong matapang na nagmatigas si francis handa siyang mamatay para sa kanyang sarili at bilib ako doon, halos lumuhod ako sa iyak ng hatawin nito ng baril sa mukha si francis awang-awa ako sa kanyang sinapit na hindi ko man lamang siya kayang iligtas.


lumapit ang isang lalaki sa kinaroroonan ni francis at kinarga ito papunta sa loob ng yati ngunit bago paman sila makarating doon ay sinugod ito ng lalaking nanakit kay francis, nabitiwan nito si francis sa buhanginan nagsuntukan ang dalawa kitang-kita na walang kaya ang lalaking nanakit kay francis sa isang lalaki na sa hitsura palang ay nasa edad byente uno palamang. inawat sila ng isang lalaki na kanina pa sila pinagmamasdan, nang mapaghiwalay na sila ay binalikan ng binatilyo si francis at muli itong kinarga papasok sa yati.

Nanatili akong nagtago at nagmasid sa di kalayuan pinagaralan ko bawat galaw ng mga ito, nasa labas ng yati nakatambay ang dalawang lalaki yung nanakit kay francis at yung nang-awat sa suntukan kanina, masaya silang nag-uusap habang humihithit ng sigarilyo. Hindi parin lumalabas yung binatilyong nagbuhat kay francis natakot ako sa kalagayan ni francis sa loob ng yati. halos magdidilim narin at ilang oras na akong nakatago inisip kong sugurin sila sa gabi para madilim at hindi nila ako mapansin.

Kinuha ko ang flare gun sa kubo at dahan-dahang lumapit sa gilid ng yati sa kabila nito ay doon tumatambay ang dalawang lalaki, dito na siguro maaaplay ko ang taekwondo at judo lesson ko. Sa isip ko kaya ko ang dalawang ito medyo matanda na sa akin ang mga ito tingin ko nasa mga 30 na ang mga ito pero di hamak na malaki at matangkad ako sa kanila. kailangan kong kumilos ng mabilis para maunahan silang maiputok sa akin ang baril na hawak nila.

dahan dahan akong lumapit sa kanila dahil sa nakatalikod ang mga ito sa akin ay hindi nila napansin ang pagdating ko, mabilis kong hinawakan ang ulo ng lalaking nanakit kay francis at binali ang leeg nito dahilan para matumba at mawalan ito ng malay o malamang patay na habang ginagawa ko iyon sinipa ko ang lalaking kasama niya kaya tumilapon ito sa tubig, habang nakatihaya ito ay mabilis niyang binunot ang baril para barilin ako malas niya lang dahil hindi pa niya naikasa ito kaya naunahan ko siyang paputukan gamit ang flare gun inubos ko ang dalawang bala nito sa kanya nakita kong nawalan ito ng malay.

Nagmamadali akong umakyat sa loob ng yati para iligtas si francis pero bago paman ako nakapasok ay may humataw sa aking batok ng isang matigas na bagay dahilan para matumba medyo nahilo ako sa ginawa sa akin pero sinikap kong hindi patalo, nilingon ko kung sino ang humataw sa akin at nakita kong ang binata ang siyang gumawa noon sa akin. sa tingin ko ay matanda lang ito ng apat o tatlong taon kaya naisip kong maganda ang laban na to, lumapit ito sa akin para bigyan ako ng malakas na suntok pero nakailag ako at binigyan naman siya ng uppercut kaya masubsob ito sa sahig, muli itong tumayo at sinugod ako sinubukan niyang i-lock ang mga kamay ko pero hindi ako nagpatalo kaya nagpagulong-gulong kami sa loob ng yati.

 itutuloy................

COMMENT NAMAN PO KAYO DIYAN.....PLEASE...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento