Ito po ang kaunaunahang stoy ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me (jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Kung napapansin niyo po ay hinango ko po itong kwentong ito sa isang pelikula pero malaking bahagi parin po ito ay mula sa aking imahinasyon at M2M love affair naman po kasi ang theme ng story ko kaya mas lalong malaki din ang pinagkaiba.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 10
Kevin
Nasa bahay ako ngayon nina francis halos mahigit dalawang buwan na ang nakaraan mula ng magcrash ang eroplanong sinasakyan nila francis at magdadalawang buwan naring abala sa paghahanap ang mga magulang nila gamit ang private chopper nila Evo. Sumuko na ang gobyerno sa paghahanap sa dalawa, Masaya kami noon dahil matapos sisirin ng mga divers ang wreckage ng bumagsak na eroplano ay nakumpirma nilang wala ng laman ang loob nito kaya malaking posibilidad na napadpad lang sa kalapit na isla ang dalawa at ang lima pang nawawala.
Pero nadismaya kami ng ideklara ng gobyerno isang buwan matapos ang trahedya na ihinto na ang search and rescue operation at ituloy ang search and retrieval operation parang sinasabi narin nila na patay na nga si francis at Evo pero hindi sumuko ang sila tito at gumawa sila ng sariling paraan para makita ang dalawa. Ngayon dito ako sa bahay nila naghihintay na dumating mula sa Masbati sina tito armando at tita diane, Hindi ko alam na pati sila ay susuko narin sa paghahanap pa masakit man pero kailangan na naming simulang tanggapin ang sinapit ng dalawa at heto ako ngayon nangungulila sa taong mahal na mahal ko.
"nandito na sila" malungkot na saad ni niko ng mapansing pumarada sa entrance ng bahay nila ang kotsing sumundo kina tito at tita.
"Mom,Dad kumusta po?" tanong siya sa kanyang magulang.
"dapat na nating tanggapin ijo" maiyak-iyak na balita ni tita. nagyakapan silang dalawa.
"Patawad bunso, patawarin mo si kuya" saad ni niko na halos maglupasay sa iyak.
"Hindi mo kasalanan anak" sambit ni tito.
"Dad?. I was not good brother to him" giit ni niko.
"ipagdasal nalang natin siya kung nasaan man siya ngayon." mahinahong dagdag ni tito.
"Tito nasuyod po ba ninyo lahat ng isla doon?" tanong ko kay tito.
"Halos pabalik balik na kami sa mga lugar na posibling mapuntahan ng dalawa pero negative ang result ang ipinagtataka lang namin ay nakita na ang lima pang survivor pero ang dalawa wala parin, ni bangkay na makakapagpatunay na wala na sila ay wala kaming makita. pero siguro nga napakalawak ng karagatan kaya marahil kung nasaan man sila ngayon sana masaya na sila" hinagod ko nalang ang likod ni Tito para iparating na nakikidalamhati ako sa kanila mas pinili kong itago muna ang pait na aking nararamdaman ngayon dahil mas kailangan nila ng suporta.
Parang dinudurog ang puso kong makita si tita na umiiyak na parang bata habang sinisilid sa mga kahon ang mga naiwang gamit ni francis sa kanyang kwarto, sa tuwing nakikita ko ang aming litrato na masaya ay hindi maipaliwanag na pangungulila ang hatid nito sa puso ko. hindi ko na nagawa pang itago ang sakit na aking nararamdaman kaya kusang tumulo ang masaganang luha ko sa aking mga mata.
"Mahal mo talaga ang anak ko noh?" nagulat ako sa boses ni tita hindi ko napansin na nakatingin pala ito sa akin.
"T..tita?" bigla kong nasambit hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Wag kang mag-alala matagal ko ng napansin ang pagpapahalaga mo sa kanya. Nagpapasalamat ako sa pagmamahal na ibinigay mo sa kanya." sabi ni tita, sa wakas may mapapalabasan na ako ng matagal ko nang tinatagong emosyon.
"mahal ko po siya, mahal na mahal" sa pagkakataong ito hindi ko na nakontrol pa ang aking kalungkutan.Niyakap ako ni tita diane alam kong naiintindihan niya ako dahil kahit siya'y nangungulila sa taong mahal ko. Ngayon alam ko na yung pakiramdam ng mawalan ng taong mahal mo pero kahit bangkay ay hindi manlang makitakita para akong umiiyak sa walang kasiguraduhan bagay hindi ko alam kung buhay pa ba o patay ang taong iniiyakan ko.
Sa mga nagdaang buwan ay halos lamunin ako ng matinding pangungulila at kalungkutan hindi pala madali ang mawala si francis sa akin boung buhay ko siya ang kasama ko kaya hindi ako sanay na sa isang iglap ay naglaho na lamang siya, At ngayon doble pa ang sakit na aking nararamdaman dahil sa hanggang ngayon naaalala ko parin ang aking pagtataboy sa kanya at naghiwalay kaming may galit siya sa akin.
"okey kalang?" tanong ng boses sa aking likuran habang abala ako sa pagawa ng aking report sa klase.
"okey lang naman" sagot ko ni hindi ko man lamang nilingon kung sino.
"alam ko namimiss mo siya" muli niyang tugon. nilingon ko kung sino.Si Kim.
"Mabait na tao si francis" dagdag niya ngumiti na lamang ako ng pilit.
" Alam mo mahalaga ka sa kanya. nandoon ako nung panahong nasaktan siya sa ginawa mo hindi naman kasi masasaktan ng ganoon lang kung hindi ka importante sa buhay niya ang swerte mo nga eh nakahanap ka ng kaibigang pinapahalagaan ka ng tunay." mahabang litanya ni kim sa panahong iyon muling bumagtas ang aking mga luha hinagod niya ang aking likod.
"sige lang ilabas mo lang yan" mahina niyang tugon.
"napakasama ko. bakit kasi hindi ko pa pinaglaban tong nararamdaman ko sa kanya di sana hindi ko siya nasaktan"
"Kung mahal mo siya bakit mo siya pinagtabuyan?" usisa niya.
"dahil natakot akong baka tuluyan akong mahulog sa kanya dahil sa panahong iyon naguguluhan ako kung bakit ako umibig sa kapwa ko lalaki, hindi naman ako bakla eh..." umiiyak na ako sa taong hindi ko man lang close.
"wala naman kasing kondisyon kapag puso na ang nagdikta wala itong pakialam kung babae man o lalaki ang mamahalin mo napakahiwaga ng pagibig na hindi natin ito halos maintindihan" sabi niya habang patuloy sa paghagod sa aking likod.
"hindi naman kabawasan sa pagiging lalaki ang umibig sa kapwa lalaki mas doon nga makikita ang tunay niyang pagkalalaki sa paraang kaya niyang panindigan at ipaglaban ang kung ano man ang isinisigaw ng kanyang damdamin" hindi ako makapaniwala na may mga ganitong nalalaman ang babaing ito but then in the other hand she has a point. pero kung tama man itong nararamdaman ko kay francis wala nang saysay pa dahil wala na siya kaya kailangan ko na ring mag move on.
"salamat" sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha sa aking pisngi at ngumiti.
"wala yun. yan ngumiti kana hindi kasi bagay sayo ang laging nakasimangot campus hearthrob kapa naman wala ka na kayang kaagaw sa trono mo wala na si Evo" magiliw niyang saad.
"baliw" sagot ko.
"sige iwan na kita dito punta lang ako sa canteen" paalam ni kim.
Matapos ng klase ay pumunta ako kasama ang boung klase sa bahay nina francis para magdaos ng isang misa nadoon rin ang daddy ni Evo , sabay namin ipinagdasal ang kapayapaan nilang dalawa kung nasaan man sila ngayon. Halos mapuno ng bulaklak ang bahay nina francis galing sa mga nakikiramay, napakasakit palang tanggapin ang isang katotohanan na sa isang banda ng buhay mo ay kailangan mong pakawalan ang taong sobra mong mahal sana kung nasaan man si francis ngayon ay magawa niya akong mapatawad sa mga ginawa ko sa kanya, mas mahirap pala ang ikaw ang maiwan kaysa sa ikaw ang mang-iwan sana ako nalang ang nawala kahit siguro papano makikita ko kung gaano ako ka-importante sa kanya malalaman ko kung paano siya iiyak kung wala na ako.
"Mananatili ka sa puso ko frans, habang buhay kitang mamahalin sana masaya kana kung nasaan kaman ngayon" bulong kung dasal habang dumadaloy sa aking pisngi ang masaganang luha ng pangungulila at pighati.
***************************************************************************************************************************************************************************************************************************************************
Francis
Nauna akong nagising kay kuya Evo umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang walang kasawa sawang mukha niya haixt ganito pala pag inlove napakasarap sa feeling tuwing nakikita mo ang taong mahal mo. nahinto ako sa aking pagmamasid sa mukha ni kuya Evo ng mahagip ng aking paningin ang isang bagay na palutang-lutang sa dalampasigan agad ko itong tinungo at inusisa ng makalapit na ako dito nakumpirma kong isang life jacket ito at parang may kahong nakakabit kinuha ko ang mga ito at dinala sa maliit naming kubo.
"Ano yang dala mo bunso?" tanong ni kuya Evo na kagigisin lang.
"Isang life jacket pero may box siyang nakakabit sinubukan kong buksan pero ang tigas di ko kaya"
"can I have that?, I'll try" tanong niya agad ko naman yun inabot sa kanya. ginamit niya ang boung lakas niya para buksan ito at ang saya ko ng makita kung ano ang laman noon.
"Do you know how to you use that?" tanong ko kay kuya.
"yeah..it's easy like this" sabi niya habang sinubukang paputukin ang flare gun na laman ng box.
"NO... NOT NOW!" sigaw ko sa kanya.
"joke! hehehe. we'll use this kung may makita tayong barko or plane passing by near this island."
"nakakaasar ka talaga" inis kong sagot. ibinalik niya sa kahon ang flare gun at saka tumayo, pumunta siya sa bandang likod ng aming ginawang kubo at umihi sa may damuhan pero nagulat ako ng marinig ko siyang napamura sa gulat.
"F****K" sigaw niya.
"what is it?" balisa kong tanong saka tumayo at tumakbo sa kanyang kinaroroonan.
"Whooaaa!, OH MY GOD!" takot kong sigaw ng makita ang isang kalansay ng tao at hindi pa tuluyang natatanggal ang mga tuyong balat nito na nakakapit pa sa mga buto. hindi namin siya napansin agad noon dahil natabunan ito ng mga tuyong dahon ng niyog. Agad akong tumakbo papalayo dahil sa takot, nakita ko sa mga mata ni kuya evo ang pag-alala sa akin dahil sa takot na ipinakita ko.
"How long is that thing been there?" nanginginig kong tanong sa kanya at naiiyak na sa mga oras na iyon.
" at hanggang kailan tayo aasang makakauwi pa tayo?" dagdag kong tanong. naniniwala kasi akong baka ang bangkay na ito ay na trap din sa islang ito at nagkasakit at dito nalang din namatay.
"this guy is not like us. he could have been some local fisherman or drug smuggler or anyone." sabi niya habang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"You've got people out there who love you, who keep looking for you" inilapat na niya ang kanyang noo sa aking noo at naamoy ko na ang kanyang hininga alam kong ginagawa niya ang lahat para mawala ang takot ko dahil alam kong ramdam niya ang panginginig ko.
"And you know what else?....we got each other so don't be afraid" dagdag niya. nagkatitigan kami sa puntong iyon nawala lahat ng aking mga agam-agam at napalitan ng kakaibang pakiramdam habang tinititigan niya ako. Napapikit na lamang ako ng aking mga mata dahil hindi ko kayang salubungin ang mapang-akit niyang mga mata. Nabigla na lamang ako ng lumapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi dahilan para maitulak ko siya ng mahina pero mahigpit ang pagkahawak niya sa aking ulo rason para hindi ko maiwasan ang kanyang halik. Noong una ay nakiramdam lang ako nagpaubaya sa kanyang ginagawa hanggang sa pilit niyang pinapasok ang kanyang dila sa aking bibig at ginalugad ang bawat parte sa loob nito, nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon na hindi ko naranasan noong hinalikan ako ni kevin
sa puntong ito alam kong mahal ko na siya pero hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon posible kayang may nararamdaman din siya sa akin pero hindi pwede at imposible.
Binuhat niya ako patungo sa aming munting kubo at inihiga, pumatong siya sa akin at mariing hinalikan ang aking leeg dahilan ng aking impit na ungol bumaba ang kanyang halik sa aking dalawang utong at pinagsawa ang kanyang mga dila sa paglasap nito. Naalimpungatan nalang ako ng kapwa na kami hubo't hubad, tumambad sa akin ang mala-adonis niyang katawan alam niyang hindi ako sanay kaya maingat siya sa bawat galaw at pagpapasaya sa akin hanggang sabay namin naipalabas ang init sa aming katawan.
Nakaunan ako sa kanyang braso samantalang siya'y nakatagilid paharap sa akin hindi ko napigilang maging emosyonal pagkatapos kong malasap ang unang beses kong maranasan ang makamundong tawag ng laman kasama ang taong lihim kong minamahal, marami ang gumugulo sa aking isipan nagtatanong kung mahal din ba kaya ako ni kuya evo o ginagamit lang ba niya ako para punan ang kanyang pangangailangan bilang lalaki. Ngayong tuluyan na nga akong nagising sa kainosentihan ng mundo feeling ko napakadumi ko na dahil hinayaan kong ipagamit ang aking katawan, Oo naenjoy ko nga ang unang karanasan ko at sa taong mahal ko pa pero hindi ko maiwasang isipin na hanggang doon na lamang iyon at walang emosyong kasangkot.
"Umiiyak ka ba?" nag-aalalang tanong niya.
"hindi ah" sagot ko habang pasikretong pinunasan ang aking luha.
"Umiiyak ka eh?, nasaktan ba kita...."
"hindi nga masaya lang ako" putol ko sa kanyang sasabihin sana.
"matulog nalang tayo" dagdag ko.kinulong na lamang niya ako sa kanyang mga bisig. gusto ko mang tanungin siya kung bakit niya ito ginagawa sa akin pero wala akong lakas para gawin iyon baka isipin niyang masyado akong assuming.
Kinaumagahan nagising ako na wala si Evo sa aking tabi kaya nagpanic ako, sa ilang buwan kasi namin dito sa isla ay hindi niya ako iniiwan pagkat tulog pa ako ginigising niya muna ako para magpaalam. Natakot ako sa puntong iyon kaya dali-dali akong bumangon at naglakad para hagilapin siya.
"kuya! nasaan ka?" sigaw ko habang naglalakad papasok sa gubat, sa mga oras na iyon ay hindi na ako nakaramdam ng takot dahil sobra akong nag-alala sa kanya. mga ilang beses din akong sigaw ng sigaw hanggang sa may napansin akong isang taong naghuhukay sa lupa inaninag ko iyon.Si kuya Evo.
"Ano bang ginagawa mo?,hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta." galit kong tanong habang pinagmamasdan siyang naghuhukay . nasa tabi niya ang labi ng kalansay na nakita namin kahapon.
"You were sleeping" sagot niya.
"I woke up and you where not there" dagdag ko pa na para bang pinapamukha sa kanya na pinabayaan niya ako doon. hindi man lamang niya ako nilingon sa kanyang likod.
"Ano ngang ginagawa mo?" giit kong tanong sa kanya.
"she deserves to be buried" naiinis niyang sabi habang tinutukoy ang mga labi.
"atleast have a funeral" dagdag niyang saad.
"kuya?, hindi kita maintindihan bakit mo ginagawa to?" tanong ko sa kanya naguguluhan ako kung bakit ganun nalang siya ka concern sa isang bangkay na hindi man lamang niya kaano ano. pero ni hindi manlamang niya ako sinasagot o tinatapunan ng tingin para siyang bumalik sa dating evo na nakilala ko.
"Evo, I don't understand t..talk to me. I'm here and...."
"HERE AND WHAT?, we had sex ones stock in an island. WE'RE NOT SOULMATES" galit niyang putol sa aking mga sasabihin sana. nanlumo ako sa kanyang mga pinapakita ngayon.
"that's mean..." naiiyak kong sabi.
"YES, I'M NOT A NICE GUY FRANCIS!..and now you know." dugtong niya. nakatulala lang ako habang nakatingin sa kanya. nasaktan ako sa mga sinabi niya na para bang pinaglaruan lang niya ang damdamin ko.
"I..I DON'T BELIEVE THAT!" sigaw ko sa kanya dahil sa galit ko umikot ako sa hukay na ginawa niya para harapin siya ngunit sa kasamaang palad natisod ako, dahil nasa mataas na bahagi ang lugar kung saan naghuhukay si Evo ay bumagsak ako at nagpagulong-gulong paibaba ng makahoy na burol.
"FRANCIS!" sigaw ni Evo. agad siyang nagmadaling sumunod kung saan man ako bumagsak hanggang sa nawalan ako ng malay.
Nagising ako sa hapdi ng mga sugat sa aking mga siko at binti nakita kong nililinis ni Evo ang mga sugat ko nasa gilid na kami ng talon siguro binuhat niya ako at dinala dito. kita ko sa kanyang mukha ang labis na pag-alala sa akin, gusto ko siyang tanungin kung ano man ang mga bagay na bumabagabag sa kanya gusto ko siyang tulungan pero alam kong hindi siya basta-basta nagpapasok ng kahit sino sa buhay niya. may malalim siyang dahilan kung bakit pero alam kong apektado siya at ang bou niyang pagkatao.
Itutuloy................
PLEASE MAGCOMMENT NAMAN PO KAYO.....NAGMAMAKAAWA PO AKO HEHEHE.........
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento