Ito po ang kaunaunahang stoy ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me (jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
Kung napapansin niyo po ay hinango ko po itong kwentong ito sa isang pelikula pero malaking bahagi parin po ito ay mula sa aking imahinasyon at M2M love affair naman po kasi ang theme ng story ko kaya mas lalong malaki din ang pinagkaiba.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 9
Francis
Akala ko sa pangatlong pagkakataon ay malalagutan na talaga ako ng hininga 1 point para kay daddy noong niligtas niya ako sa gubat at 2 points para kay Evo sa pagligtas niya sa akin sa pagkacrash ng eroplano at sa pagkalunod ko, haixt ano ba tong nararamdaman ko sa kanya parang bago ata ito ha?, naguguluhan ako. Ako pa ba ito eh abot langit kaya ang galit ko sa taong yun.
Nang ipinikit ko ang aking mata at binitawan yung baging na aking hinahawakan sa ilalim ng talon ay akala ko yun narin ang aking katapusan pero laking gulat ko ng magising ako at niyayakap ni Evo ay este kuya Evo pala. Hindi ko akalain na isang trahedya pa ang magbibigay sa amin ng daan para magkasundo hindi man ako sigurado sa kanyang mga ipinapakita sa akin ay ramdam kong parang sensiro siya sa mga bawat pag-aalala niya sa akin, marahil nga uhaw siya sa pagmamahal ng isang kapatid at ganoon rin ako may kuya nga ako pero para naman kaming mga aso't pusa.
Dahil sa hirap akong maglakad binuhat niya ako na para bang kakakasal lang namin medyo namula ang aking pisngi sa kanyang ginawa pero minabuti kong itago ito sa kanya. nang marating namin ang dalampasigan ay agad akong nakatulog sa sakit at pagod ng aking katawan. Maaga parin akong nagising kinabukasan at magdadalawang araw na kami dito sa isla napaisip ako kung bakit wala man lang kahit sign lamang ng mga tao sa lugar o di kaya mga barkong dumadaan o eroplano ano kayang klasing lugar ito haixt natatakot akong tumagal pa dito. kumuha ako ng isang matulis na bato at gumuhit ng dalawang straight line para sa dalawang araw namin dito sa isang malaking bato para malaman namin kung ilang araw na kaming nakatambay sa isla.
Nang magising si Kuya Evo sinabihan niya akong gumawa nalang kami ng isang maliit na kubo or in short bahay-bahayan nagtulungan kaming humanap ng mga tuyong dahon ng niyog para gawing pang atip at umakyat siya sa isang niyog para kumuha ng mga dahong hindi tuyo para gawin naming banig para kahit papaano ay komportable kami kapag matulog.
"Mabuti na ito atleast we have protection incase it rains" sabi niya habang minamasdan namin ang maliit na bahay-bahayan na katatapos lang din naming nagawa. Actually halos siya lahat ang gumawa noon dahil sa wala talaga akong alam sa mga ganoong bagay ako nalang ang tig abot, tig hawak at tig punas ng kanyang pawis weird mang isipin pero para kaming magasawang dalawa.
"Marami ka palang alam kuya napahanga mo ako ah" puri ko sa kanya.
"syempre bunso magaling at malakas ata ito" mayabang niyang sagot sabay flex ng mga muscles niya sa braso.
"joke lang ikaw naman nagpabola ka kaagad" pang-aasar ko sa kanya.
"So ngayon ikaw na ang nang-aasar?" nakasimangot siya na parang bata, ewan ko ba para akong nahigop ng kanyang mapang-akit na mata habang nakatingin sa akin.
"Hoy matutunaw na ako dito sa titig mo" basag niya sa aking pagkatulala, shit! nahuli niya akong nakatitig sa kanya.
"Kapal akala mo naman ikaw ang tinitingnan ko. ayon kaya ang tinitingnan ko assuming naman ito" depensa ko habang tinuturo ang niyog na nakatayo sa kanyang likuran.
"Wag kang palusot" sagot niya habang lumapit sa akin at kiniliti ako sa tiyan.
"Ano ba kuya nakikiliti ako" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako tinantanan kaya napatakbo ako sa buhanginan sa gilid ng dagat hinabol naman niya ako, para kaming magsing-irog na naghahabulan sa dalampasigan feeling ko tuloy ako si Eva fonda hay ano bang nangyayari sa akin.
Nang mapagod kami pareho ay nahiga kami patihaya habang nakatanaw sa mga ulap na nagbibigay sa amin ng lilim sa buhanginan.
"bakit ang ilap mo sa klase?" seryoso niyang tanong sa akin.
"Hindi ko rin alam. feels like I don't deserve to be a friend of anybody" malungkot kong sagot, nakita kong ibinaling niya ang kanyang ulo paharap sa akin habang nanatili lamang akong naka tingin sa itaas.
"bakit mo kinaibigan si kevin if you don't feel yourself to be a friend to anyone?" dagdag niyang tanong.
"siya yung nag effort na kaibiganin ako and I was grateful dahil kahit papano may gustong kaibiganin ako" sagot ko pero diritso parin ang aking tingin sa taas.
"Sorry" sabi niya na nagpalingon sa akin sa kanya.
"For what?" mahina kong tanong.
"for everything. sa mga ginagawa ko sayo sa school" nahihiya niyang sagot.
"Kalimutan na natin yun"
"You know you're a wonderful person" sabi niya, namula na naman ako.
"hehe wag kang mamula totoo naman kasi yun, marami na akong alam tungkol sayo kasi lagi kang bukang bibig ni kevin and from there I knew back then that he was so lucky to have you."
"Pero mas maswerte ka naman ha?, kasi kilala ka sa school. campus heartrhob ika nga at maraming nagtitilian sayo pangalawa lang naman si kevin sayo eh." pambawi ko sa kanya.
"They're all fake...eh ikaw totoo kang tao kaya maswerte siya sayo kaya nga lagi ko siyang ginagalit sa pang-aasar ko sayo kasi naiinggit ako sa kanya "
"Wag kang mag-alala from now on friend narin kita, at sana kung nambobola ka wag naman yung wagas pinapalaki mo ang atay ko eh" pambasag ko sa kaseryosohan ng aming usapan. tumawa naman siya sa hilaw kong joke saka tumayo nilahad naman niya ang kanyang kamay para tulungan akong tumayo.
"Saan tayo?" tanong ko.
"Maghanap ng fastfood chain" biro niya kaya nabatukan ko naman siya.
"Arekop!..." angal niya.
"Wala ngang kahit kubo lang dito fastfood chain pa kaya?" sabi ko sa kanya.
"Ito naman hindi na mabiro" sagot niya saka inakbayan ako para naman akong nakuryente sa ginawa niya may kakaiba akong nararandaman tuwing dumadampi ang balat niya sa balat ko bagay na hindi ko naramdaman tuwing inaakbayan ako ni kevin.
Pumunta kaming dalawa sa sagingan kung saan ko unang nakita ang mga ito kinuha ni Kuya evo ang halos lahat ng hinog na nandoon pagkatapos ay umakyat din siya sa puno ng niyog at kumuha ng buko.
"sigurado kaba talaga marunong kang umakyat kuya?" tanong ko sa kanya habang nasa kalagitnaan na siya ng kanyang pag-akyat sa puno ng niyog.
"Oo naman. bakit wala kang tiwala?" mayabang niyang sagot habang nakakapit sa katawan ng niyog.
"Not obvious huh?"
Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkaing aming nakuha natawa naman ako sa pagbukas namin sa buko kasi nagkanda lasog-lasog ito sa ka hahampas namin sa bato wala kasing magamit para mabuksan ito ng maayos napaisip tuloy ako kung paano namuhay ang mga tao noong unang panahon haixt dami kong iniisip.
"Maligo tayo sa dagat?" yaya niya sa akin nung matapos naming kumain.
"sige ikaw nalang....." sagot ko sa kanya.
"tara na, ako nalang lagi ang naliligo eh" pilit niya.
"Ayaw ko nga eh" matigas na saad ko, ang totoo kasi hindi pa ako masyadong marungong lumangoy at may takot parin ako na baka malunod na naman ako.
"Alam ko di ka marunong lumangoy hehhehe" pang-aasar niya.
"Marunong kaya. mukha mo..."sagot ko. ngumisi lang ito saka binuhat ako para dalhin sa dagat nagpupumiglas naman ako para bitawan niya kaya lang sisiw lang yata ang lakas ko para sa mokong na ito kung buhatin ba naman ako akala niya isang paslit ang binubuhat niya.
"Bitiwan mo ako please......" sigaw ko
"Ayaw ko, gusto ko samahan mo ako"
"isa" mataray kong sabi
"marunong akong magbilang" sagot niya.
"dalawa!"
"TATLOOOOOOOOOOOOO............." Sigaw niya habang hinagis ako na parang basura sa malalim na tubig agad naman akong nagpupumiglas sa ilalim ng tubig ng mapansin kong may kalaliman nga, dali-dali akong umahon sa itaas pero halos lumulubog parin ako napansin ko na lamang na niyakap ako ni kuya evo mula sa aking likuran.
"Damn you...fuck you!" sabi ko sa kanya habang pinagpapalo ang dibdib niya ng aking kamay. ngingiti-ngiti lang ito.
"Ouch..sige ka bibitawan kita dito" pananakot niya.
"ikaw kasi eh" maluhaluha kong sabi.
"gusto mo turuan kita paano lumutang at hindi kana lumubog?"
"Sige nga!" galit-galitan kong sagot.
"gusto naman pala eh mag iinarte pa" pang-aasar niya kaya nabatukan ko na naman siya.
"Arekop!" angal niya.
Madali naman akong natuto sa mga itinuro niya kaya lang hindi ako masyadong makapag concentrate dahil nakukuryente ako sa tuwing dumidikit sa balat ko ang balat niya lalo na ngayong alam ko nang mahal ko nga talaga siya.Masaya ako ng makaya ko ng lumutang gamit ng pagkampay ng aking kamay at paa ayon sa itinuro sa akin ni kuya Evo.sumisid kami sa ilalim habang pinagmamasdan ang isang pawikan na abala sa pagkain ng seaweeds unang beses ko kasing makakita ng pawikan sa personal kulang nalang magpa-autograph ako dito.
Nagdaan pa ang maraming araw namin sa isla alam kong mahirap mabuhay doon pero hindi nagkulang si kuya Evo sa pag-aalaga niya sa akin ibang-iba na siya sa taong kinaiinisan ko noon sana ganito nalang lagi. ewan ko ba sa mokong na yun parang naeenjoy niya ang buhay dito sa isla hindi lamang nagawang malungkot o mamiss manlang ang pamilya niya. Napakatahimik niya kapag paguusapan na namin about sa aming pamilya siguro nga may malalim siyang rason para iwasan pagusapan ang tungkol doon, akala ko dati napaka perpekto ng buhay niya kung hindi kami napadpad dito hindi ko malalaman ang totoong pagkatao niya.
Halos araw-araw kong minamarkahan ng guhit yung malaking bato para malaman namin kung ilang araw na kaming nasa isla noong tinangka kong bilangin ang mga naiguhit ko na umabot ito sa 60 nabigla ako dahil magdadalawang buwan na pala kami dito, hindi ko napigilang mag-alala natatakot ako na baka isipin nilang patay na nga kaming dalawa at sumuko nalang sila sa paghahanap sa amin.
"kuya?" tawag ko sa kanya isang araw habang nakaupo kami sa malaking bato at pinagmamasdan ang paglubog ng araw hindi ko mawari kung bakit parang seryosong seryoso siya sa pagmamasid dito.
"hmm?" sagot niya na nakatuon parin sa papalubog ng araw.
"hinahanap pa kaya nila tayo?"
"ang sigurado ko ikaw hinahanap pa, hindi ko lang alam sa akin" malungkot niyang tugon.
"bakit mo nasabi yan?" usisa ko sa kanya.
"basta!" matipid niyang sagot alam kong basta ganun ang isasagot niya ay ayaw niyang pagusapan iyon kaya hindi na ako nagpupumilit pang malaman.
Tumayo kami para bumalik na doon sa aming munting kubo dahil nag didilim na nakasunod lang ako sa likod niya may dala siyang pat-pat at hinahampas niya ang mga dahong nakaharang sa aming dinadaanan natawa ako dahil bagay siyang maging street sweeper.
"why do you do this everyday?" tanong ko ulit sa kanya, lumingon siya sa akin.
"the what?" takang tanong niya.
"watching sunset everyday?"
"Looking for something" malungkot niyang sabi.
"for what?" giit ko.
"nothing...." sagot niya
"stupid..."dagdag niya at nagkibit balikat, alam kong hindi man niya sabihin malaki ang koneksyon ng paglubog ng araw sa kanyang pagkatao at sa kanyang nakaraan.
Naunang natulog si kuya evo habang ako ay nanatiling nakaupo sa harap ng apoy na aming ginawa marami akong inisip inaalala ko kung makakaalis pa kaya kami dito paano kung magkakasakit kami paano namin maaalagaan ang isa't-isa. ayaw ko mang sumuko pero pinanghihinaan na ako ng loob medyo pangit man ang huling pakikitungo ko sa aking pamilya but hindi ko maiwasang mangulila sa kanila.
natulog narin ako sa tabi ni kuya evo ng makaramdam ako ng antok nakatalikod siya sa akin at nakaharap naman ako sa likod niya. nagulat ako ng humarap ito sa akin at niyakap ako habang ang mga paa niya ay dinantay sa aking mga paa tiningnan ko siya kung gising paba siya pero humihilik na ito, tahimik ko siyang pinagmasdan napakaamo ng kanyang mukha alam kong hindi ako magsasawang pagmasdan iyon kahit paulit-ulit ko pa itong gawin. alam kong may kakaiba akong nararamdaman para sa kanya siguro nga mahal ko na siya ito ang pakiramdam na gusto kong maramdaman para sana kay kevin pero sa kasawiang palad kay kuya evo ko ito naramdaman, Alam kong malabo pero wala akong magagawa mahal ko na yata siya masakit lang isipin na hindi naman niya ako pweding mahalin din dahil may girlfriend siya wala akong panama kay Alysson maganda na at pinagpapantasyahan ng boung campus. at mas lalong hindi ako kayang mahalin ng mokong na ito dahil lalaki siya at alam kong matinik siya sa mga chicks at bunsong kapatid lang ang turing niya sa akin.
itutuloy...........................
PLEASE WAG NIYO PONG KALIMUTANG MAGCOMMENT PARA MALAMAN KO RIN PONG MAY NAGBABASA DIN SA AKING BLOG. KASI PO MARAMI PA PO AKONG KWENTONG NAKA LINE-UP PAGKATAPOS NITO ATLEAST ALAM KO PONG MAY NAGSUSUBAYBAY DIN PARA ITULOY KO ANG POSTING. SALAMAT PO NG MARAMI.
AND PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW MY BLOG SALAMAT PO ULI..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento