Ito po ang kaunaunahang stoy ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through
their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars
din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading
the story and if you have suggestions and correction feel free to message me (jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast aware ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental.
the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please
do not copy or use this story in any manner without my permission.
Kung napapansin niyo po ay hinango ko po itong kwentong ito sa isang pelikula pero malaking bahagi parin po ito ay mula sa aking imahinasyon at M2M love affair naman po kasi ang theme ng story ko kaya mas lalong malaki din ang pinagkaiba.
A Love In An Island
By: Jenysis Aposaga
Chapter 11
Evo
Masyado akong naguguluhan sa aking nararamdaman ngayon hindi ako makapaniwalang magagawa ko ito, alam kung lalaki ako pero bakit ko
ito nararamdaman sa kanya. Unti-unti naba akong nahuhulog kay francis ang boung akala ko sabik lang ako sa isang kapatid pero parang malalim pa sa isang pagmamahal bilang kapatid ang aking nararamdaman. Nagawa ko ang bagay na ni minsan ay hindi ko naisip na mangyayari sa akin, Oo hanggang ngayon hindi ko matanggap na umiibig na yata ako sa kapwa ko lalaki pero kakaiba sa akin ang hatid ng mga halik ni Francis, a kiss which made me crave for more ang sarap ng mga labi niya bagay na hindi ko naranasan o naramdaman kay alyson.
I must admit na sa dinami-dami ng naging girlfriend ko I choose to exclude emotional feelings at kahit kay Alyson ay wala akong nararamdaman ginawa kong laro ang bawat relasyong aking pinapasukan, karma na ba ito sa akin ng tadhana?, ang umibig sa kapwa ko lalaki kung karma man ito bakit ang sarap sa pakiramdam ang hatid nito sa akin haixt nakakabaliw naman nito oo.
Maaga akong nagising pinagmasdan ko muna si francis na himbing na himbing sa aking mga bisig napaka inosente ng kanyang mukha para siyang isang anghel, I felt a little bit guilty for what happened last night parang feeling ko ay pinagsamantalahan ko ang kanyang pagiging inosente lalo na ng napansin ko siyang umiiyak sa bisig ko kagabi matapos ng nangyari sa amin.
"I'm sorry francis. kailangan ko nga sigurong pigilan tong nararamdaman ko sayo ayaw kong masaktan ka" bulong ko sa kanya at saka bumangon.
Nagmamadali akong pumunta sa labi ng isang kalansay na nakita namin kahapon binalot ko iyon ng mga dahon ng saging gusto kong bumawi sa aking mga nagawa noon kaya kahit manlang sa ganitong bagay ay maipakita kong importante ang taong pinakamamahal ko alam kong ako ang dahilan kung bakit siya namatay kaya sana mapatawad niya ako.
Humanap ako ng lugar na posibling mapaglibingan ng bangkay pumasok ako sa loob ng gubat at nagsimulang maghukay. medyo malambot ang lupa kaya ilang minuto palang ako naghuhukay ay malalim na ang nahukay ko.
"Ano bang ginagawa mo?,hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta." tanong ng boses sa aking likuran alam kong si francis iyon kaya hindi ko na siya nilingon pa nagiguilty ako sa tuwing nakikita ko ang inosente niyang mukha.
"You were sleeping" maikli kong sagot.
"I woke up and you where not there" galit niyang saysay alam kong matatakutin kasi siya..
"Ano ngang ginagawa mo?" .dagdag na tanong nito.
"she deserves to be buried" galit kong sagot alam kong pilit iyon pero kailangan kong maging matigas sa kanya.
"atleast have a funeral" dagdag kong saad.
"kuya?, hindi kita maintindihan bakit mo ginagawa to?" Alam kong naguguluhan siya sa aking ginagawa pero hindi pa panahon para buksan ko ang aking sarili sa iba.
"Evo, I don't understand t..talk to me. I'm here and...."
"HERE AND WHAT?, we had sex ones stock in an island. WE'RE NOT SOULMATES" mabuti na siguro kong ganito ang maririnig niya para hindi na ako mas lalong mahulog sa kanya mas mabuting isipin niya na ako parin ito si evo na kinaiinisan niya noon..
"that's mean..." naiiyak niyang sabi, gusto ko ng bumigay pero kailangan hindi ako matalo sa aking emosyon para din ito sa aming ikabubuti.
"YES, I'M NOT A NICE GUY FRANCIS!..and now you know." pilit kong dugtong para isipin niya na seryoso ako.
"I..I DON'T BELIEVE THAT!" matigas niyang sigaw saka umikot sa bandang harapan kung saan ako nakaharap at naghuhukay habang naglalakad siya papunta doon ay nadulas ito at tuluyang bumagsak at nagpagulong-gulong sa ibaba.
"FRANCIS!" sigaw ko. parang nawala lahat ng mga nasa isip ko. mabilis pa sa alas singko ang pagtakbo ko papunta sa kanyang kinaroroonan nakita kong wala siyang malay at nagtamo ng mga sugat sa kanyang siko at binti.
"sorry francis, sorry" maluha-luha kong sabi. agad ko siyang binuhat papunta sa talon para hugasan at gamutin ang kanyang mga sugat. Natakot ako na baka kung ano ang mangyayari sa kanya. Ayaw ko nang iwasan siya bahala na si batman kung ito man ang makakapagpasaya sa akin so be it.
"Kuya?" nanghihina niyang sabi.
"sorry" sabi ko sa kanya. pinilit niyang bumangon pero pinigilan ko siya.
"wag ka na munang bumangon mahina kapa" dagdag kong pigil sa kanya.
"are you mad at me?" tanong nito.
"No I'm not, not anymore and I'm sorry. hindi ko alam ano ang gagawin ko kung may mangyari pa sayo" seryoso kong sabi, sa boung buhay ko ngayon lang ako nagpakita ng ganitong pagalala at pagalaga sa isang tao not even with my dad and alyson. nakita kong sumilay ang napakagandang ngiti mula sa kanyang mga labi. medyo nawala ang lahat ng agam-agam sa aking sarili ng masilayan ko iyon now I know that I'm inlove.
"Don't be sorry it was an accident" tugon niya. habang patuloy kong nililinis ang mag sugat sa kanyang braso.
"I really don't know what to do if there is something happen to you" muli akong humingi ng paumanhin sa kanya.
"kuya?, paano kung habang buhay na tayo dito. paano kung isa sa atin ang magkasakit, what if I broke my leg paano natin haharapin pa ang mga bagay na ito?, just the two of us" naiiyak niyang tanong.
"Hindi natin alam kung ano ang ginagawa nila para mahanap tayo kailangan lang nating maghintay" sagot ko saka niyakap siya para patahanin. ng mapakalma ko siya ay inalalayan ko siyang maupo at magkatabi kaming nagmasid sa mga bumabagsak na tubig sa talon, nasa unang talon lang kami kung saan hindi gaano malalim at malakas ang tubig.
"bakit mo ginawa yun?" binasag niya ang katahimikan sa tanong na iyon.
"ang alin?" balik kong tanong sa kanya.
"ang paglibing sa bangkay na iyon" sagot niya. siguro panahon narin para buksan ang sarili ko sa iba at si francis ang unang taong papasukin ko sa bou kong pagkatao.
"I did'nt go to my mom's funeral that's why I want to bury that corpse out there." sagot ko sa kanya.
"naniniwala akong kahit sa ganoong bagay ay makabawi manlang ako " dagdag ko nanatili siyang tahimik na nakikinig, alam kong marami siyang gustong malaman sa akin para masagot lahat ng kanyang mga katanungan.
"Does it make sense to you?" muli niyang tanong.
"Not really. I guess so" sagot ko. sumilay muli ang mga ngiti sa kanyang mga labi.
"maybe we need hydro therapy" sabi nito. kaya sabay kaming pumunta sa ilalim ng talon at sinalubong ang mga bumabagsak na tubig sa aming katawan na para bang minamasahe kami ng mga ito. masaya kami habang nagtatampisaw.
"Could you come here in my office and tell me what's you're problem Mr. Thompson" nagpapatawa nitong sabi habang sumasalod sa mga nagbabagsakang tubig. alam kong may gusto pa siyang malaman sa akin. lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang kamay. bago ako nagsimula ay humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Makakaya mo bang ibunton sayo lahat ng galit at sisi sa isang bagay na hindi mo sinasadya?" pagsisimula ko.
"Why would they blame you?"nagtataka niyang tanong.
"because I kill......" napahinto ako sa aking mga sasabihin hindi ko alam kung makakaya kong sabihin ito lahat sa kanya, sumisid na lamang ako uli sa tubig at saka pumunta sa may batuhan at umupo habang nagiisip ng malalim, sumunod siya sa akin at umupo sa tabi ko hindi na siya nagtanong pa dahil ramdam kong alam niya na hirap akong pagusapan ang bagay na ito pero desidido na akong papasukin siya sa buhay ko kaya karapatan niyang malaman lahat tungkol sa akin.
"I was nine when my mom died" basag ko sa katahimikan. nanatili lamang siyang nakikinig.
"We were still in New Jersey that time, I have my soccer workshop because it was summer. my mom enrolled me there, one afternoon after my workshop and it was raining heavily my mom drove me home. While we were inside the car I was enjoying myself playing my toys I brought with me. Suddenly one of my toy flew to my mom's head and hit her so badly that she wasn't able to control the car until we bumped to another car coming towards us, I lost my conciousness and when I woke up we were inside our car sitting upside down I saw mom bathe with her own blood"humugot uli ako ng isa pang buntong hininga para magpatuloy.
"tatlong araw ako sa hospital, masakit man pero sa mga araw na iyon ay nasa kabaong na ang mommy ko hindi ko na nagawa pang dumalo dahil sa kalagayan ko, They burried her without me. I blame myself for lossing my mom and I love her so bad and the worst was nobody understand me not even dad he always reminds me that it's my fault why mom died" sa mga oras na iyon lumabas lahat ng kinikimkim kong emosyon sa unang pagkakataon. napaiyak ako na parang bata iyon ang unang beses kong magpakita ng aking kahinaan sa iba. niyakap niya ako at hinaplos ang aking likod.
"you didn't kill her, it was an accident you're just a kid it wasn't your fault so stop blaming yourself I'm pretty sure your mom never blame you. walang anak ang gustong mamatay ang kanyang magulang" sabi niya habang patuloy na hinahaplos ang aking likuran.masarap pala sa kalooban kung nagagawa mong sabihin ang mga bagay na nagpapalungkot sayo kahit papano ay nabawasan ang dulot nito sa akin. tumayo ako at naglakad.
"Dito nalang kaya tayo magtayo ng munting kubo ulit" sabi ko sa kanya, napangiti lang ito sa akin habang nakamasid.
******************************************************************************************************************************************************************
Francis
Ngayon alam ko na kung bakit ganun nalang si kuya evo kailap na pagusapan ang kanyang buhay akala ko dati napakaperpekto ng buhay niya kasi ibang-iba ang mga pinapakita niya sa school dati masaya, matapang at parang walang problima hindi ko akalaing lahat ng iyon ay huwad na palabas lamang. masaya ako ngayon habang pinagmamasdan siyang nagtatakbo sa buhanginan sa gilid ng dalampasigan habang bumabagsak ang ulan, para siyang bata na nagkaroon ng bagong laruan, I never thought he has this side of him but in another part of my mind there's this pity na hindi man lamang niya naenjoy ang kabataan niya dahil sa nangyari.
"tara sabayan mo akong maligo sa ulan" sabi niya saka hinila ang kamay ko. bago pa kami nakarating sa buhanginan ay pumitas siya ng isang orchids at nilagay sa gilid ng taenga ko, hinaplos niya ang aking pisngi habang nakatitig sa akin. naka hawak ang dalawa kong kamay sa batok niya at naka palibot naman ang isa niyang kamay sa beywang ko habang ang isa naman ay humahaplos sa aking mga pisngi para kaming nasa prom habang isinasayaw niya ako, napakasya ko wala mang aminan na nangyari pero ramdam kong mahal din niya ako sana nga totoo ang sinasabi ng pakiramdam ko.
"kuya?" sabi ko habang nanatili parin kaming nakayakap sa isa't isa at nilalasap ang bumabagsak na ulan sa aming katawan.
"hmm?" sagot niya na ngayo'y nakapikit at tila dinadama ang bawat segundo na magkayakap kami.
"Sorry" sabi ko. dumilat siya at tiningnan ako.
"for what?" takang tanong niya.
"sa mga sinabi ko sayo noon, a..e kala ko kasi napakasama mo at perpekto na ang buhay mo" nahihiya kong sagot.
"kasalanan ko din naman yun eh,,inaasar kasi kita kaya yun ginawa mo lang ang dapat..and pwede ba kalimutan na natin yun?" sabi naman niya. tumango na lamang ako bilang tugon. muli niyang hinawakan ang ibabang bahagi ng aking baba at unti-unti itong tinaas at saka inilapat ang kanyang mga labi sa aking labi sa ikalawang pagkakataon ay nalasap ko ang sarap na dulot nito napakalambot ng kanyang mga labi na kahit kailan ay hindi ako magsasawa.
para kaming mga artista sa pelikula at naka slow motion pa ang eksena habang nagyayakapan at naghahalikan sa gitna ng ulan sa gilid ng dalampasigan, dahil sa ginagawa niya nakalimutan ko ang takot na hindi na makaalis pa dito sa isla.
Sa hindi inaasahan ay mas lalong nag-alab ang aming halikan na nauwi sa muli naming pagtatalik ramdam ko ang bawat galaw niya na puno ng pagmamahal hindi nagmamadali at sinasamsam ang bawat sandali, bawat hagod at bawat dampi ng aming mga labi't katawan ay may kalakip na pagmamahal hanggang sa nailabas namin pareho ang katas ng aming damdamin sa isa't-isa.
"Should we felt guilty?" tanong ko sa kanya habang nakaunan sa kanyang dibdib.
"for what?" tanong naman niya.
"not being sad all the time, they're probably grieving at us now they might think we're dead"
"but we're not dead, we still need to live and enjoy life right?" sagot niya.
"we must do something to get out of here and go home, we should always try" saad ko.
"We tried, and we'll never stop trying" si Evo. nanahimik nalang ako. tinitigan niya ang aking mukha dahilan para mamula nanaman ang mga pisngi ko.
"hanggang ngayon ba namumula ka parin tuwing tinititigan kita?" natatawa niyang tanong.
"Stop that kasi eh..." naasar kong sagot. saka tumalikod ng higa sa kanya.
"alam mo nagmumukha kana talagang babae ngayon lalo na't humaba narin ang buhok mo ni balbas wala ka eh lalaki ka ba talaga?" sabi niya
"Ang cute naman ng birthmark mo sa likod parang tattoo hugis puso oh...pweding halikan?" dagdag niya habang hinihimas yung birthmark ko sa aking likod. tama nga naman siya hugis puso kasi yun.
.
"heto gusto mo?" sagot ko habang dinikit ko ang kinuyom kong kamao sa pisngi niya. kinuha lang naman niya ito at saka hinalikan sa inis ko sinubsob ko iyon sa nguso niya dahilan para makagat niya ang mga labi niya kaya dumugo iyon.
"ouch!...see dumugo siya" inis niyang sabi. nagpanic naman ako.
"kaw kasi eh pasaway." sabi ko saka umaktong babangon para gamutin pero hinila niya ako
"Alam ko na ang gamot dito" saad niya.
"Ano?" tanong ko.
"Heto oh..." muli niyang siniil ako ng halik nalalasahan ko na ang dugo na humahalo sa laway naming dalawa.
"Ang libog mo talaga" pagmamaktol ko.
"kaw naman kasi eh bakit ang sarap mo" sabi niya, saka ko naman siya binatukan.
"Arekop!" sabi niya sabay kamot sa ulo niyang binatukan ko. muli kaming nanahimik habang nakakulong parin ako sa mga bisig niya nilalasap ang bawat segundo sa ganong posisyon hanggang sa binasag ko ang katahimikan.
"Was I okey?...I mean am I okey?" tanong ko sa kanya.
"francis, you are so much better than okey. if OKEY is around here somewhere" sabi niya habang tinuturo niya ang kanyang dibdib.
"you are way out there above the clouds" dagdag niya. na nagpatawa sa akin.
"If OKEY is a little tiny grain of sand you are the whole BEACH, if OKEY is a little drop of water you are whole freaking pacific ocean" mas lalo pa niyang isinigaw ang kanyang sinasabi na mas nagpatawa sa akin ng sobra.
"hindi ako makapaniwalang heto tayo ngayon sobrang magkasundo ni sa panaginip hindi ko inisip yun" sabi ko sa kanya.
"then, masanay ka na" sagot niya.
"matagal na kitang gustong maging kaibigan kaya lang mailap ka sa mga tao kay kevin ka lang sumasama eh" dagdag niya.
"talaga?" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"eh bakit mo ako inaasar noon?" tanong ko.
"yun lang kasi ang way ko para makausap ka ehehe" sabi niya habang kumakamot ng kanyang ulo.
"kaw talaga" tanging nasabi ko nalang
.
Dumaan pa ang mga araw na hindi man lamang namin namamalayan lahat ng takot ko at agam agam ay napupunan ni kuya Evo napaka-maalaga niya sa akin, sa tagal namin sa isla ay natuto siyang manghuli ng isda sa dagat o minsan sa talon sa kanyang sariling paraan. magigising na lamang ako na may nakahain ng pagkain sa paanan ko minsan sinasamahan pa niya ito ng mga wild orchids, natuto din kaming gumawa ng sarili naming asin kumukuha kami ng tubig dagat gamit ang kalahating bahagi ng malaking kabibi at binibilad sa araw.
Minsan may mga oras na namimiss ko ang aking pamilya at ang buhay ko sa manila pero hindi matatawaran ang saya ko tuwing pinapakita sa akin ni kuya Evo na napaka espesyal ko sa kanya. Alam kong wala siyang sinasabing mahal niya ako at ganun din ako sa kanya pero tanging sa mga bagay na nakikita ko na lamang ako nananalig na mahal din niya ako ika nga nila "action speaks louder than words".
Hapon na noon ng niyaya niya akong tumambay sa batuhan na may kalayuan sa aming munting kubo gusto niyang manuod ng paglubog ng araw kasama ako.
"bakit ganito ka kasentimental pagdating sa paglubog ng araw?" tanong ko sa kanya. habang nanatiling naka fucos ang aming mga mata sa papalubog na araw.
"Whenever we were at the beach my mom used to tell me and dad a story about that green flash right after the sun fully submerged or hide under the sea, sabi niya pagnagawa naming makita iyon pwede kaming humingi ng wish" kwento niya.
"Dad and I would always watch sunset whenever we're at the beach because mom always challenged us, but I never saw that green flash until now. it supposed to be right there at the horizon line" sabi niya habang tinuturo ang tuwid na linya na hangganan ng dagat na humahati sa katawan ng papalubog na araw. Nanatili na lamang akong tahimik habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw, mga ilang minuto din kaming napapagitnaan ng katahimikan ng basagin ko ito.
"hanggang kailan kaya natin makakayang mabuhay dito" sabi ko sa kanya. tinitigan niya ako.
"We're gonna be fine" sagot niya habang hinaplos ang aking mga kamay. ngumiti na lamang ako bilang tugon at saka ibinaling muli ang aming mga mata sa aming harap, laking gulat ko ng makita ang green flash pagkatapos lumubog ng araw ilang segundo lang ang nakalipas.
"Oh My God! you've seen that?" bulalas ko.
"YES I'VE SEEN IT! WE DID...WE DID!" sigaw ni Kuya Evo para siyang bata.
"after all mom never make her own story she was right wooooooh!" dagdag niyang sigaw saka niyakap ako ng napakahigpit.
"So can we make a wish?" putol ko sa kanya.
"Oo magwish tayo, teka hawakan ko muna kamay mo bunso para effective tapos ipipikit natin ang ating mata" suhestiyon niya. sabay kaming nagwish ng tahimik habang magkahawak ng kamay at nakapikit.
"Sana makaalis na kami dito at sana kahit na makabalik na kami sa amin ganun parin si kuya evo sa akin mahal ko na kasi siya" tahimik kong hiling at saka dumilat ng mata.
"Ano ang wish mo bunso?" tanong niya sa akin.
"Kaya nga wish eh dahil hindi pweding sabihin mawawala kasi ang bisa noon pagsinabi mo" sagot ko sa kanya.
"Ah ganun ba iyon sorry hehehe" sabi niya sabay kamot ng ulo.
Bumalik kami sa aming munting kubo na sa pagkakataong ito ay halos masira na dahil sa mahigit tatlong buwan narin itong nakatayo at nabubulok narin ang mga dahon ng niyog. nakasanayan narin naming matulog ng maaga dahil wala naman kaming mapaglilibangan sa isla.
Kinaumagahan ginising ako ni kuya Evo nagpaalam siya upang pumunta ng talon para manguha ng isda, pumayag naman ako at bumalik sa pagkakahiga mga dalawang oras din akong nakatulog ng may marinig akong ingay, Bumangon ako upang silipin kong saan nangagaling ang ingay nagulat ako dahil isang yati ang bumungad sa akin may lumabas na limang tao habang kinakaladkad nila ang isa na nakapiring at nakagapos ang mga kamay nito sa kanyang likod.
Itutuloy.......................................
PLEASE MAGCOMMENT NAMAN PO KAYO PARANG AWA NIYO NA HEHEHEHE......
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento