Ito po ang kaunaunahang story ko sa aking blog. and I thank Mr. Joemar Ancheta, Mike Juya and Kenjie Oya that through their works I was inspired to make my own story and give entertainment to our fellows who also belongs in third sex.
I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)
open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.
DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
A Love In An Island
Chapter 27
Francis (P.O.V)
"Im here to get you"
sabi niya saka hinila ang kamay ko.
"No, ayaw ko!"
pagmamatigas ko.
"by hook or by crooks you'll
go with me!" sabi niya in a manly manner.
sisigaw pa sana ako ng tulong ng
tinakpan niya ang ilong ko ng isang panyo na may masamang amoy dahilan para
mawalan ako ng malay.
Nagising ako sa isang kwarto,
hindi pamilyar sa akin ang lugar kaya napabalikwas ako. Bababa na sana ako sa
kama ng magbukas ang pinto, iniluwa nito ang lalaking may hawak na tray na puno
ng mga pagkain. Malapad ang mga ngit nito, napaka amo ng kanyang mukha, it is
very ironic to believe that he was my murderer and now my kidnapper.
"Gutom ka na ba mahal ko?
" tanong nito sa akin, inilapag niya muna sa mesa na katabi ng kama ang
mga pagkain.
"pinagluto kita, alam kong
mga paborito mo ito"
" Anong balak mong gawin sa
akin?" seryoso kong tanong, pinipilit kong itago ang kabang nararamdaman
ko. lumapit ito sa akin saka hinaplos ang mukha ko, umilag ako sa mga kamay
niya. Hindi ko siya kilala pero bakit salungat ang nararamdaman ko.
"Wala akong balak na masama
sayo, Francis this is me si Evo ang taong minahal mo. " malambing niyang
sabi.
" Do you think I would
believe that?, look at me? . pano ka nagkagusto sakin?" tanong ko dito.
hindi niya ako pinansin, kinuha
niya ang pagkain sa mesa at saka sumandok gamit ang kutsara. Susubuan na sana
niya ako ngunit bigla kong tinabig ang kamay niya dahilan para matapon ang
pagkaing nasa kutsara. Alam kong nagtitimpi lamang siya sa kung anong nararamdaman
niya ngayon. bumuntong hininga na lamang ito saka sumandok uli para isubo sa
akin.
"Ano ba!" sigaw ko sa
kanya saka muling tinulak ang kamay nito, sa pagkakataong ito hindi lamang ang
pagkaing nasa kutsara ang natapon kundi pati narin ang iba pang nasa tray.
"Damn!" sigaw nito saka
suntok sa pader na nasa gilid ng ulo ko lamang. napaluha ako sa sobrang takot
bumaluktot ako sa dulo ng kama palayo sa kanya.
Nang mapansin niyang natakot ako
sa ginawa niya ay agad itong lumapit sa akin.
"I..Im so..sorry Francis,
nabigla lang ako" sabi nito saka niyakap ako ng napakahigpit. He was
sobbing, I can feel that he was in pain. Pain for everything, I dont have any
idea what it was but I know he's desperate.
"Francis wag mo naman akong
kalimutan, nahihirapan na ako. gusto ko ng sumuko pero ikaw ang nagpapalakas sa
akin, ikaw ang tanging pag asa ko francis. bumalik kana please?, Huwag mo akong
pabayaan. lumaban ka francis para sa atin.dahil ako hindi pa sumusuko
naniniwala akong maalala mo ang lahat" umiiyak nitong sabi, para siyang
bata sa ginagawa niya. hindi ko alam ngunit nagdulot iyon ng sakit sa aking
damdamin, bakit ko siya nararamdaman.
Hindi ko alam pero ngayon umiiyak
narin ako, naaawa ako sa kanya and at the same time sa sarili ko. Hindi ko
maibigay ng bou ang simpatya ko sa kanya dahil wala akong maalala.
Naramdaman ko nalang na kinakapos
ako ng hininga, kumikirot ang ulo ko. Nakayakap parin siya sa akin, naramdaman
niyang nanginginig ako sa sakit ng ulo.
"Francis?, are okey?"
nag aalala niyang tanong.
"Arrgh..." sigaw ko
habang hawak hawak ang ulo ko, niyakap niya ako ng mahigpit. hindi ko alam pero ang sakit sakit ng ulo ko,
may mga imahe akong nakikita sa isipan ko. Ang pagbagsak ng eroplano, ang taong
nsgligtas sa akin hindi ko maaninag ang mukha ng taong yun. Ang mga halik
kasama siya, ang paglaban namin sa mga taong hadlang sa aming pag iibigan.
Nakikita ko lahat ng yun sa aking isipan pero wala akong matandaan pero
nararamdaman ko.
Ngayon naniniwala na ako na may
taong sobra kong minahal bago kinuha sa akin ang aking mga alaala. Sino kaya
ang taong yun? hindi ko maaninag ang kanyang mukha. patuloy parin ang pagsakit
ng aking ulo, naririnig ko ang ang tawag ng taong kasama ko sa aking pangalan
pero hindi ko na magawa pang sumagot dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.
Kinaumagahan nagising akong naka
unan sa dibdib niya, wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. pinagmasdan ko
ang taong katabi ko ngayon, napakaamo niya habang natutulog. Kung hindi siya
ang totoong nagtangka sa buhay ko sino?, pero siya ang sabi nila Mommy at Daddy
na gumawa nun sa akin. Wala namang gagawing hindi maganda sa akin ang aking mga
magulang.
Ngayon kailangan kong makaalis at
makatakas mula sa kanya. dahan dahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap sa
akin, pinihit ko ng mahina ang pintuan para hindi niya ako maramdamang tatakas.
kinakabahan ako habang pababa na ng hagdan, halos kapusin ako ng hininga dahil
sa lakas ng kabog ng puso ko. Nasa main door na ako pero nahirapan akong buksan
ito, masyadong matigas ang pagkakasara.
" What are you doing? "
narinig kong tanong niya, mas binilisan ko ang pagbukas, mas lalo kong
nilakasan ang paghila sa pinto. Ngunit naabutan niya ako bago paman nabuksan
ang pintuan.
nagpupumiglas ako para makawala sa
pagkakayakap niya.
"leave me alone!" sigaw
ko dito.
"Hwag mo akong iwan
please!" pagmamakaawa niya sa akin.
"bitawan mo nga ako sabi
eh!" muling sigaw ko. ngunit mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa
akin.
"mas lalo mo lang pinapabigat
ang kasalanan mo"dagdag ko, ngunit nararamdaman kong hindi niya ako
papakawalan, inabot ko ang flower vase na naka patong sa mesang malapit lang
din sa amin. Pinalo ko iyon sa ulo niya dahilan para mabasag, sa ginawa ko'y
agad niya akong nabitawan.
"Ahhh!" sigaw niya
habang namimilipit sa sakit. mabilis akong lumabas ng bahay, ngunit bakit
parang ang bigat ng mga paa kong ihakbang palabas ng gate. may kung ano akong
nararamdaman na balikan ang taong iniwan kong namimilipit sa sakit.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit
nangibabaw ang awa at pag alala ko sa taong iyon, parang hinihila ang mga paa
ko pabalik sa kanya.
Binalikan ko siya, nakahilata siya
sa sahig. Nasugatan ko siya sa bandang gilid ng kanyang noo.
"I'm sorry I didn't mean
it" naiiyak kong sabi, awang awa ako sa kalagayan niya. I helped him stand
and walk through his room, pina higa ko siya sa kama, nagpakulo ako ng tubig at
naghanap ng malinis na tuwalya. Nang medyo maligamgam na ang pinakuluan kong
tubig ang nilinisan ko kaagad ang sugat na nasa noo niya.
"A..ouch" mahina niyang
sabi. nagmulat siya ng kanyang mata, sumilay ang tipid na ngiti sa kanyang
labi.
"bumalik ka" masaya
niyang sabi without even bothering the wounds in his forehead.
"I felt guilty, I can't
afford hurting someone" tipid kong sagot.
" dahil mahal mo ako"
sagot niya sabay bitiw ng nakakalokong ngiti. I was caught off guard, wala mang
maalala ang isip ko pero parang yun yung sinasabi ng puso ko. diniin ko sa
sugat niya yung tuwalya kaya napasigaw siya.
"Ahh.. dahan dahan lang
please?" reklamo niya habang nagpa-pout ng lips. ang cute niya :)
"uhm, E.evo?" alangang
tanong ko.
"Ano yun mahal ko?"
malambing niyang sagot.
"Sorry sa ginawa ko"
nahihiya kong sabi. Hindi siya sumagot, sumilay sa mga labi nito ang matamis na
ngiti. hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinalikan.
"Sapat na sa akin na bumalik
ka" sabi nito.
Wala man akong naaalala pero
ngayon alam kong hindi siya likas na masamang tao, nararamdaman kong katulad ko
ay biktima din siya ng pagkakataon.
Nagtagal pa kami ng isang linggo
na magkasama, araw-araw niyang pinaparamdam sa akin kung gaano ako ka
importante sa kanya. Hindi man ako nagpapahalatang nadadala na ako sa kanya
pero kunting-kunti nalang mahuhulog na ako sa bitag niya.
Madaling araw habang mahimbing
akong natutulog ay ginising niya ako.
" Bakit?, anong
problima?" naguguluhan kong tanong.
" May mga pulis sa labas ng
bahay. halika na kailangan nating makatakas" nagmamadali niyang tugon.
hinila niya lang ako, Alam kong seryoso siyang hindi magpapahuli sa mga pulis.
Mabilis kaming nakasakay sa kotse
niya, sa likod na gate kami dumaan.
"What if sumuko ka
nalang?" nag aalala kong sabi.
"No, susuko lamang ako kung
kaya mo nang sabihin ang nangyari. kung naaalala mo na ang lahat" seryoso
niyang sabi. nagbuntong hininga na lamang ako. nag aalala ako para sa sitwasyon
namin lalo na sa kanya.
Akala ko natakasan na namin ang
mga pulis na humahabol sa amin ngunit may tatlong pulis mobile car ang mabilis
na humahabol sa amin.
"Evo please stop the
car!" utos ko dito. natatakot akong mas lalala pa ang lahat pag
makipaghabulan pa si Evo sa mga otoridad.
"I said no!" sagot nito.
inagaw ko ang manebila sa kanya, dahilan para bahagyang lumihis at magpagiwang
giwang ang sasakyan namin. Mabuti nalang at maagap siyang bawiin ang kontrol.
" What the f**k are you
doing?" sigaw nito sa akin.
"Im trying to save you!"
sigaw na sagot ko dito, umiiyak at natatakot na ako.
"Hindi ko alam pero ngayon
natatakot akong may mangyari sa atin. Lalo na sayo Evo!" patuloy ko.
ngayon mula sa matigas na aura niya ay naging malambot ang mukha nito.
hinawakan niya ng isang kamay niya
ang pisngi ko.
"okey" sabi niya.
nagpreno siya , lalabas na sana kami ng bigla na lamang kaming pinaulanan ng
putok mula sa mga pulis.
"shit" napamura si Evo
saka muling pinaharurot ang sasakyan.
"Why are they shooting
us?" gulong gulo kong tanong.
" hindi ko alam, baka shoot
to kill ang order para sa akin" sagot nito.
kahit anong bilis ang gawin ni Evo
ay masyadong mabilis parin ang humahabol sa amin. muli kaming pinaputukan.
nagpagiwang giwang ang aming sasakyan, halatang natamaan ang isang gulong ng
kotse.
"pagsinabi kong talon tumalon
ka" sabi ni Evo sa akin.
" huh?, bakit?" takot
kong tanong.
"Ayaw kong madamay ka, just
always remember Francis mahal na mahal kita" sabi niya. mabilis niya akong
hinalikan sa labi, medyo napatulala ako. Naaalala ko ang halik na yun. naputol
ako sa aking pag iisip ng marinig ang sigaw niya.
"Jump francis jump!"
sigaw niya.
"Evo please, I cant leave you
now" umiiyak na ako, takot akong iwan siya.
"gawin mo nalang francis
please?" umiiyak narin siya.
"go!" sigaw niyang muli,
wala akong nagawa kundi ang tumalon.
nagpagulong gulong ako sa damuhan,
nagtamo ako ng mga galus at sugat sa katawan.
Nakita kong tuloy tuloy sa mataas
na bahagi ng highway ang kotse ni Evo, hanggang sa nahulog ito sa malalim na
bahagi ng cliff. parang slow motion ang lahat hanggang sa sumabog ito.
"No!!!!!... Evo!!!"
sigaw ko, dahil sa nangyari ay bigla kong naramdaman ang pagkirot ng ulo ko
hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
Itutuloy....