Mga Kabuuang Pageview

Huwebes, Oktubre 9, 2014

A Love In An Island Chapter 24














                                                                                                                                  
















I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.







                                     
                                                    A Love In An Island



                                                   By: Jenysis Aposaga

And I want to express my heartfelt gratitude to Tito Vern for giving me a new Laptop all the way from California. And for making me feel like his own son. To Tito Vern I really appreciate all you did to me.



Chapter 24

Nagising ako sa isang kubo malapit sa dalampasigan, Naramdaman ko parin ang pananakit ng aking katawan at sobrang sakit ng aking ulo. Tumingin ako sa paligid, babangon na sana ako ng marinig ko si Evo.

"Wag ka muna bumangon, mahina ka pa kailangan mo ng sapat na lakas" Inapuhap niya ang noo ko at leeg.

"Mainit ka pa" nag-aalala niyang tugon. Tinanggal ko ang kamay niyang nasa leeg ko pa.

"Wag mo na akong intindihin kaya ko ang sarili ko" seryoso kong sagot. Nagpumilit akong bumangon ngunit natumba ako na agad naman niyang nasalo.

"Kaya pala ah?" nakangiti niyang sabi.

"You are not funny" Sagot ko. umayos ako ng aking tayo. naramdaman kong nagrereklamo na ang tiyan ko dahil sa gutom.

"I know you are hungry. naglakad lakad ako kanina, ito oh may buko at saging, pagtiyagaan muna natin" inabot niya sa ang mga pagkaing dala niya. mataray ko naman itong inabot.

"hindi pa ba naaayos ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa eh..ngayon ko lang kasi yun nasubukang dalhin sa malayong lugar" paliwanag niya.

"Ano ba kasi ang pumasok sa kukute mo at hinayaan mo silang umalis habang wala ako?" singhal ko dito.

"A..eh..gusto kasi kitang masolo Francis" Nahihiya niyang sagot.

"For what?..Don't you ever knew you brought me into trouble?..I'm in hell rigth now." galit kong singhal sa kanya.

"I'm sorry franz, hindi naman ito yung gusto kong mangyari eh"

"Eh ano ba talaga ang gusto mong mangyari?" giit ko.

"Ang makausap ka. I want to fix things up"

"Fixing things?..umaasa ka parin ba ah?..are you still hoping that there would still be an "US". Evo may girlfriend ka, she's not only your girlfriend. She's my bestfriend too. ayaw kong saktan ang damdamin niya at sirain ang pagkakaibigan namin."

"Mahalaga pa ba yun sa nararamdaman natin?" matamalay niyang sagot. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Alam kong nalulungkot at nahihirapan si Evo sa mga ipinapakita ko, ngunit kailangan kong maging matatag at hindi bumigay sa mga nararamdaman ko.

Matapos naming kumain ay agad nitong tinungo ang dagat para maligo. napaka kisig paring tignan ni Evo, inaamin ko na mahal ko parin siya hanggang ngayon ngunit hindi ko kayang makipagsabayan kay Bianca.

Kinuha ko ang ang cellphone ko para ng tulong ngunit naubusan na ito ng baterya. Napansin kong mukhang hindi nag-aalala si Evo sa sitwasyon namin. Pinilit kong bumaba sa kubo at naglakad, nagbabakasakali na may makikita akong taga roon at mahingan ko ng tulong.

"Saan ka?" tanong niya ng mapansin niyang naglalakad ako palayo.

""Maghahanap ako ng tulong!. kung ikaw wala kang balak bumalik ng manila ako meron" galit kong sagot dito. Tumigil siya sa kanyang paglilibang at dali daling sinundan ako.

"Wag mong sabing tangkahin eh, naghanap na ako kanina pero wala akong napala" pangungubinse niya sa akin.

"Wag mo akong gawing tanga!. wala tayo sa isla para hindi makahanap ng mahihingan ng tulong. Evo may mga trabaho akong dapat tapusin dun kaya please lang?' nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng gubat.

"papasukin mo ang gubat mag-isa? di mo ba batid na mag-gagabi na?" pananakot niya sa akin.

"Then what?" singhal ko dito. nagpatuloy ako sa aking paglalakad hanggang inaakyat ko na ang matarik na bahagi ng gubat, madilim na sa mga oras na iyon at nagsimula ng umulan ng malakas.

Bago ako maka punta sa pinakamataas na bahagi ng lugar na iyon, kailangan kong kumapit sa isang naka usling sanga para hilahin ko ang aking sarili pataas. Ngunit sa hindi ko inaasahang pangyayari ay natanggal ang sanga, maagap kong nilipat ang pagkakapit ko sa gahiblang damo.

Alam kong mataas ang bahaging babagsakan ko kung  sakaling bibitaw ako sa aking pagkakakapit. Sana nagpapigil na lamang ako kay Evo, naiinis din naman kasi ako sa kanya dahil hindi man lamang niya ako sinundan. nanganagwit na ang mga kamay at braso ko, gusto ko ng bumitaw. pinikit ko na lamang ang aking mga mata at sa katulad ng lagi kong ginagawa ay hihintayin ang aking kapalaran.

Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang boses ni Evo, Sinisigaw niya ang pangalan ko.

"Francis!..nasaan ka?!!!" paulit ulit niya iyong sinisigaw.

"E..evo! evo tulungan mo ko dito!"

"Nasan ka?" mabilis niyang sagot. Hindi niya ako madaling makita dahil sa madilim na ang paligid.

"Dito!..dito ako! sundan mo ang boses ko..di ko rin alam kung nasaan ka" naiiyak kong sagot.

"Wait!, alam ko na kung nasan ka"

Naririnig ko na ang mga kaloskus ng mga yapak niya mula sa mga dahong nadadaanan niya. Unting-unti nalang at bibitaw na ako, hindi ko na kaya pang tagalan ang pagkakakapit. Ngunit nahawakan ako kaagad ni Evo bago paman ako nakapagbitaw.

Hinila niya ako palapit sa kanya, ngunit siya naman itong nadulas at hindi na namin pa napaghandaan ang sumunod na nangyari, tuloy-tuloy itong nahulog pababa, halos mag-unahan ang dugo ko pababa sa kumakabog kong dibdib sa takot at pag-alala sa ano mang mangyari sa pagbagsak ng taong mahal ko.

"Evo!!!" napasigaw ako. Dahan-dahan akaong bumaba papunta sa kung saan nahulog si Evo, Hindi ko alam kung saan nangagaling ang lakas at tapang ko mula sa mga oras na iyon. Sigaw ako ng sigaw kung nasaan siya ngunit wala akong marinig, natatakot akong baka natuluyan na siya. Umiiyak akong paikot-ikot, nakagapang sa mga damo umaasang mahahawakan ko siya ngunit bigo ako.

Mga ilang oras din akong nasa ganoong sitwasyon ng may marinig akong umuungol. Sinundan ko ang tinig na iyon hanggang sa nadatnan ko si Evo na nakasalampak sa malaking sanga at namimilipit sa sakit. Agad ko siyang  niyakap.

"Evo?.are you okey?" umiiyak kong tanong. Hindi siya makasagot tanging ungol lamang ang naririnig ko sa kanya, napapaiyak ako sa nakikita ko sa kanya. Napayakap ako ng mahigpit kay Evo, gusto kong kahit papaano'y mabigyan siya ng init mula sa aking katawan at maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Ilang minuto din kami sa ganoong sitwasyon ng pinilit ko siyang ibangon, inilalayan ko siya palabas ng gubat pabalik sa kubo malapit sa dalampasigan.

Inihiga ko siya sa kubo, Hinubad ko ang T-shirt ko at hinugasan sa dagat. pinunasan ko ang katawan niya na nababalot ng putik pati na rin ang ilang sugat niya sa katawan. Kinaumagahan ay namimilipit parin sa sakit si Evo sa mga sugat na natamo niya, buti nga lang at puro galos lamang ito ngunit alam kong mahapdi ito.Muli kong pinunasan ang katawan niya para hindi kumapit ang dumi, hindi ko alam kung bakit ko ginagawa iyon basta na lamang kumikilos ang sarili ko para alagaan siya.

"Salamat" bulong niya sa akin.

"Wag kang magpasalamat, kasalanan ko rin naman kasi" mahinaon kong sagot. napangiti siya.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" nakataas ang kilay ko habang tinatanong siya.

"Wala, may maganda din palang naidulot ang pagkahulog ko kagabi. Ang sarap palang inaalagaan ka" mas lumapad ang pagkakangiti niya. Namula ako sa sinabi niya kaya kailangan kong umakting na naiirita, tinigil ko ang pagpunas sa kanya saka dahan-dahang pinisil ang bahagi kung saan siya may sugat.

"Ahh!" napasigaw siya sa sakit, inaamin kong mahina lang ang pagpisil ko pero di ko inaasahang ganun kasakit ang mararamdaman niya. namimilipit siya sa sakit, kinabahan ako kaya wala akong nagawa kundi yakapin siya ng mahigpit. nabigla ako ng yakapin niya rin ako ng mahigpit at halikan ang aking labi, matagal, mapusok at para siyang uhaw na uhaw sa sensansyong mahalikan ang aking labi. huli na ng mahimasmasan ako, tinulak ko siya ng bahagya.

"I love you, and I miss this badly" naluluha siya habang sinasabi iyon sa akin. Alam kong seryoso siya sa mga katagang namutawi sa kanyang labi.

"Evo?" tanging pangalan niya na lamang ang nasabi ko, nanginginig ako. Kahit hindi ko aminin alam ko na alam niya na mahal ko parin siya.

"Handa akong ipaglaban ang nararamdaman ko sayo, hindi ko na kaya pang pigilan ang nararamdaman ko sayo, ayaw ko ng mawala ka sa buhay ko Francis. mahal kita mahal na mahal" muli niya akong kinulong sa kanyang dibdib.

"Natatakot ako Evo" umiiyak narin ako, tumutulo ang mga naguunahang luha ko sa kanyang dibdib.

"Magtiwala ka sa akin, kahit anong mangyari wag mong ialis sa isip at puso mo na kailanman hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo" sagot niya saka hinalikan ang ulo ko.

"Baho mo na!" hirit niya. napatawa ako sa banat niya.

"Kainis!.. yun na yun eh?..maganda na sana ang takbo ng pag-uusap eh?..panira ka talaga ng moment!" natatawa kong sabi.

Nagtagal pa kami ng ilang araw sa lugar na iyon, kapwa kami walang balak umalis at lasapin ang panahong kami lang dalawa tulad nung nasa isla pa kami. Mabilis ding gumaling ang sugat ni Evo kaya nakakasabay ko siya sa paliligo sa dagat, para kaming mga batang naghaharutan sa gilid ng dalampasigan. Natuto kaming manghuli ng isda, manguha ng mga prutas at saging na makikita lamang sa lugar.

"Sana dito nalang tayo hanggang sa pagtanda" sabi niya sa akin habang naka-upo kami sa buhangin at nakaabang sa paglubog ng araw na nilalamon na ng karagatan. nakadagdag sa ganda ng tanawin ang pagmamahalan naming dalawa.

"Sana nga mahal ko" sagot ko sa kanya. Muli niya akong siniil ng halik hanggang sa nauwi sa mainit na pakikipagtalik.

Kinabukasan maaga kaming nagising na dalawa, nanguha kami ng mga tuyong dahong ng niyog para gawing bubung sa kubo na nasira na. Ngunit magtatanghali na ng mapansin naming may tunog ng sasakyan ang papalapit sa kinaroroonan namin.

"Evo? what's that?" tanong ko sa kanya. hinawakan niya ang kamay ko hinila ako papasok sa gubat upang magtago. Nagmasid kami, nakita namin ang dalawang patrol car, bumaba ang mga sakay nito. Unang nakita ko si Bianca kasunod si Darcie. Bumaba din ang mga sakay sa ikalawang patrol car sina Mommy, Kuya at Kevin.

"Evo?, we need to go back to reality" bumitiw ako sa pagkakahawak niya sa akin, dahan-dahan akong tumayo para magpakita ngunit pinigilan niya ako.

"Wait!.." sabi niya.

"Promise me francis we need to figth this?..Kaya kong ipagpalit ang kung ano ang meron ako para sayo" despirado niyang tugon, namumuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mata. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kundi ang yapusin siya ng mahigpit at halikan ang mga labi niya. Sabay kaming naglakad papunta sa mga taong naghahanap sa amin.

Mabilis siyang nilapitan ni Bianca at niyakap, Ganun din ako na mabilis niyakap nila Mommy. Wala ang atensyon ko sa kanila kundi sa kung saan si Evo na abala sa pakikipagusap kay Bianca, alam kong wala din ang atensyon nito sa kausap kundi sa akin din. Halata ko kasi na lihim itong napapasulyap sa akin at hindi nakikinig sa kausap.

"I miss you" nahimasmasan lamang ako ng marinig ko iyon.-si Kevin.

"Thank you. akala ko sa baguio ka?" balik tanong ko sa kanya na para bang nakikipag-usap lang ako ng kaswal.

"I file an emergency leave as soon as I heard na nawawala ka" seryoso niyang sagot. Naawa ako kay Kevin ngunit sa mga oras na ito ay hindi ko siya kayang punan dahil kahit ako man ay nahihirapan sa sitwasyon namin ni Evo. Wala sa kahit isa sa kanila ang atensyon ko kundi sa lalaking mahal ko.

"Hindi ka na sana nag-abala pa Kevin, but then salamat sa pag-alala" hinawakan ko ang kamay niya saka pinisil ito yun lamang ang kaya kong gawin. napansin kong nakita ni Evo ang ginwa kong iyon kay Kevin.
Hindi narin namin nagawang makapag-usap at magpaalam dahil sa mga taong nakapalibot sa amin. Nasa kabilang sasakyan siya kasama si Bianca. Ako naman ay kasama sila Mommy,Kuya, Darcie at Kevin. Marami silang tinatanong sa akin ngunit isang tanong isang sagot lang ako kaya minabuti nalang nilang manahimik at bigyan ako ng sapat na panahon para makapagpahinga.

Esinekrito pala nila ang paghahanap sa amin sa publiko, minabuti nilang palabasin na nasa ibang bansa ako at ganun si Evo para hindi mabahiran ng anomang hakahaka ang ulit naming pagkawala. Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumanhik sa aking kwarto para maligo. Umupo na muna ako sa kama at parang baliw na nakatulala, si Evo ang laman ng isipan ko at isinisigaw ng puso ko sa mga oras na iyon. naputol lamang iyon ng may kumatok sa pinto.

"Kumain ka muna, nagluto si tita ng mga paborito mo"-si Kevin.

"Salamat, pakilagay nalang muna diyan sa study table" matamlay kong sabi, hindi ko man lang isinaalang-alang si Kevin, gusto kong maging fair sa kanya but hindi yun ang nasa isip at puso ko ngayon. hindi ko kayang makipag-plastikan sa taong walang ginawa kundi ang mahalin ako.

"Kainin mo ito para bumalik yung lakas mo ah?, sige uuwi na muna ako para makapagpahinga ka" tumalikod na siya para lumabas.

"Kevin?" dagliang tawag ko sa kanya. huminto siya, alam kong umiiyak ito sa pagyugyog ng kanyang balikat kahit nakatalikod ito. nagpunas muna ito bago lumingon sa akin.

"Salamat" sabi ko. bumakas sa labi niya ang pilit na ngiti bago tuluyang lumabas ng kwarto. 

Hindi ko halos maintindihan ang sarili ngunit namimis ko na si Evo, parang bumalik lang kasi yung mga panahong nagkahiwalay kami sa isla. Ilang araw muna akong nagpahinga at hindi pumasok sa trabaho. nakakulong lamang ako sa bahay, wala akong ibang inaabangan kundi kung baka nagtext o di kaya tatawag si Evo ngunit wala akong napala sa isang linggong paghihintay. Halos wala na akong balita sa nangyayari sa kompanya at sa mga buhay-buhay ng mga kaibigan ko, masyado akong na preoccupied sa damdamin ko kay Evo. Maging si Kevin ay nasasaktan ko sa hindi ko sinasadyang dahilan. Umaasa ako na mas lalong gagawa ng paraan si Evo para magkita kami at makausap ako dahil sa mga binitawan niyang pangako ngunit parang wala akong naramdamang katuparan doon.

"Best, ready ka na ba?" si Darcie na tumawag sa akin sa skype. Niyaya niya akong dumalo sa isang party, Anonymous ang nakasulat sa invitation card na natanggap niya at gaganapin sa isang sikat na hotel kaya hindi naman kami natakot na baka sindikato ang may pakana. siguro nga lang may nakakaibang tema lang ang party na iyon kaya ganun ang naka sulat sa invitation card.

"Ok ready na ako, maghihintay nalang ako sayo dito ok?" sagot ko. nag-ayos ako ng aking sarili at sinout yung mga damit ko na gawa ng Alejandro's Secret. Hindi naman ako naghintay ng matagal at dumating si Darcie sa Bahay.

Mabilis kaming nakarating sa venue, halatang kilala ng may ari ng party si Darcie at ako dahil nakalagay na sa isang reserved table ang aming mga pangalan na kasali sa mga VIP's na dadalo. huli na ng malaman namin ni Darcie na isang Engagement party ang salo-salong iyon, napansin kong naroon din si Alyson kasama ang pamilya nito nakapagtataka lang dahil parang family reunion lang sila sa dami nila. Nagsimula na nga ang party, nagtaka ako at ang Daddy ni Evo ang nagsimula ng party.

"I, in behalf of my Son. I would like to thank you all for coming, ngayong gabi ay hudyat hindi lamang sa pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan kundi ang pagiging isa ng aming mga pamilya"  Nanlamig ako sa aking narinig, para akong natutunaw at sinisilaban sa mga dapat ko pang malaman, Napansin kong nakatingin sa akin si Alyson at nakangiting aso ito.

"hindi ko na papatagalin pa ang pagpapakilala sa soon to be couple, My son John Evo Thompson at ang aking soon to be daughter in law Bianca" Lumabas sa likod ng stage ang dalawa at nakahawak kamay pa. Ni hindi ko na marinig pa ang sigabong ng palakpakan, para akong nabingi sa mga nalaman ko. gusto kong maglaho, gusto kong hilingin na sana wala nalang ako sa lugar na iyon. Gusto na sanang dumaloy ng aking luha pero kailangan kong magpakatatag dahil magmukha akong kahiya-hiya sa lahat pag ginawa ko iyon. Napansin kong nakita ako ni Evo mula sa kanyang kinatatayuan, yumuko na lamang ako. Mas lalo kasi akong masasaktan pag nakikita ko siya, naiisip ko lang ang mga ginawa niya sa akin at paglalaro niya sa damdamin ko, palabas nga lang ba talaga ang nangyari sa amin pero bakit hindi ko naramdamang palabas iyon?, ang liit ng tingin ko sa sarili ko sa mga oras na iyon. Isang bakla akong umasa sa isang masayang pag-ibig at makakatagpo ng isang lalaking iibig sa akin katulad ni Evo.

Sinadya ba talaga nilang gawing Anonymous ang invitation card para magmukha akong kaawa-awa sa lahat kung sakaling nasa party na ako?. ang sama-sama niya kung ganun. Abala na sa pagkain ang lahat ng magpaalam ako kay Darcie na pupunta ng comfort room, napansin kong papalapit sa pwesto namin ang dalawa kaya mas binilisan ko ang paglakad para makaiwas.

Matagal ako sa C.R nagtago ako sa isang cubicle at doon binuhos ang sakit na nararamdaman ko. Napansin kong may pumasok.

"Franz?..nandiyan ka ba?" -si Evo.

"Umalis kana!..layuan mo na ako hayup ka" sagot ko, hindi parin ako nagbubukas ng pinto.

"Kausapin mo naman ako oh?, magpapaliwanag ako" binuksan ko ang pinto saka sinampal siya. Hindi siya umilag, tinanggap niya ang lahat ng sampal ko.

"Kulang pa yan..hayup ka!" nanggagalaiti kong sabi.

"Hindi mo manlang sinabi sakin?..para ano to?..para pagmukhain akong kaawa-awa habang ipinapakilala sa boung mundo na ang taong mahal ko na akala ko mahal din ako ay ikakasal na?" Napaluhod ako sa sakit na naramdaman ko, sinikap niyang itayo ako ulit ngunit winaksi ko ang kamay niya.

"I'm sorry Franz, mahal kita ngunit..." nagpigil siya, alam kong umiiyak narin ito.

"ngunit ano?..mas mahal mo si Bianca?" singhal ko sa kanya.

"Oo, dahil babae ako! at dinadala ko ngayon ang magiging anak namin" sagot ni Bianca na ngayon ay papasok narin sa C.R, sinundan niya kami doon.

"Matagal ko ng alam na mahal mo si Evo, My Bestfriend?..no, it's my beastfriend!.. sayang mahalaga ka naman sana sa akin dahil sa mga pinagsamahan natin ngunit traidor ka!" singhal niya sa akin.

"Bianca please?..nag-usap na tayo diba?" pakiusap ni Evo.

"Oo, we've talked but kasama ba ito?"

"Bianca hindi ko sinasadya, wala akong balak agawin siya sayo.."

"Wala?!!! nagawa mo na!! traidor!!" sigaw ni Bianca, hindi ko na nagawa pang taposin ang sasabihin ko sana.

"Umalis kana dito!, layas! bago pa malaman ng boung mundo ang baho mo! alis!!"

Nakikiusap ang mga mata ni Evo sa akin ng papalabas na ako, tuloy-tuloy akong lumabas ng C.R ng hindi man lamang nakatingin sa kahit sino sa kanila. Hinabol ako ni Darcie ngunit mabilis akong nakalabas ng hotel, Magkahalong sakit at pagkabigo ang nasa puso ko.

Dumaan ako sa isang bar na hindi kalayuan sa hotel, kailangan kong magpakalasing. Galit ako kay Evo at awang-awa sa sarili ko dahil sa sinapit ng relasyon naming ni Bianca. Parang juice lang ang pag-inom ko ng alak, sunod-sunod iyon na para bang wala ng bukas.

“Sir?, excuse me po. Magsasara nap o kami” ginising ako ng waiter, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Sinubukan kong tumayo para lumabas ngunit bigo ako natumba ako sa sahig.

“Sir?..parang hindi nap o ninyo kaya may kasama po ba kayo?” tanong ng Waiter.

“Ako na ang bahala sa kanya” boses ng isang lalaki. Tinulungan akong makatayo ng waiter at inalalayan palapit sa lalaki. Gusto kong malaman kung sino siya ngunit masyado ng mabigat ang mga talukap ng aking dalawang mata. tuloy-tuloy ang pagdilim ng aking paningin hanggang sa mawalan ako ng ulirat.

Nahimasmasan ako ng may malamig na bagay ang dumadampi sa mukha ko, minulat ko ang aking mata. Si Evo. Pinupunasan niya ako ng telang binalot niya ng yelo.

“What am I doing here?” gulat ko sabi.

“Dito ka sa Condo ko, lasing ka alam ko. I was uneasy to just let you go outside alone. Ayaw kong mapahamak ka Francis” sagot niya. Bumangon ako ako at itinulak siya.

“Pwede ba?, stop acting as if you care!.. hanggang kalian mo ako sasaktan ah?!!! Hayup ka! Pinagmumukha mo ako tanga Evo. Nasaan na yung mga pangako mo?, akala ko paninindigan mo ako?..” Sigaw ko sa kanya.

“Francis let me explain..”

“Let you explain? For what? For another lies? Evo naghintay ako ng text o tawag mo, But I waited for nothing. And you know what it hurts me the most?.. Seeing you engaged with my bestfriend. Sa harap ko mismo, pinagmukha mo akong kaawa-awa Evo, Alam mong mangyayari yun but you never warned me!!” napapahagulgol ako sa iyak habang sinasabi ang lahat ng dapat kong sabihin sa kanya.

“I’m sorry” mahina niyang tugon. Lumapit ito sa akin para yakapin ako ngunit lumayo ako sa kanya.

“Stay away from me from now own! Don’t you ever dare hurting me again!” huli kong sinabi saka lumabas ng condo niya.

Mabilis akong nakarating sa Condo ko dahil tinawagan ko ang driver ko na sunduin ako, hindi ko na rin kasi kaya pang magdrive.

Masakit ang ulo ko ng magising ako kinaumagahan, marami ang nainum ko gusto ko sanang lumimot ngunit heto na naman nararamdaman ko na naman ang sakit. Kailangan kong puntahan si Bianca, I want to explain my side. Ayaw kong tuluyan niya akong kamuhian. Naligo ako, nag-ayos para puntahan siya sa bahay nila.

Nang dumating ako sa bahay nila ay wala siya doon, sinabi sa akin ng katulong nila na nasa opisina siya ng Daddy niya. Dumiritso ako sa opisina ng Daddy niya. Nasa 20th floor ang opisina ayon sa receptionist. Kakatok na sana ako ng marinig ko mula sa labas ng pinto ng opisina ang pamilyar na boses.

Si Kevin.

Diniin ko lalo sa pinto ang taenga ko para mapakinggan lalo ang pinag-uusapan nila. Alam kong hindi ako likas na usisero pero malakas ang kutob kong may hindi tama sa mga nangyayari.

“Ang pagbubuntis lamang ni Bianca ang partisipasyon ko dito, kaya labas ako sa anumang mangyari” bulalas ni Kevin.

“Kung may plano kayong pabagsakin ang Alejandro’s Secret nasa inyo na iyon ni Alyson. Basta pangako niyong wag niyo lang sasaktan si Francis!” matigas na tinuran ni Kevin.

“We knew that Kevin, what we want you to do is just keep your mouth shut na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ni Bianca, kailangan nating matali si Evo gamit ang batang yan. Sayang ang mamanahin niya kung sakaling magiging Thompson siya” sagot ng babae, pamilyar ang boses niya ngunit hindi ko maalala kung sino.

“Ate Alyson natanggap mo naba yung email ko sayo kahapon?. Yun yung bagong design ng Alejandro’s Secret. Nakuha ko iyon sa files ni Darcie” Si Bianca.

“Well that’s good Bianca, just continue acting that you’re a good friend to them, tingnan natin kung hanggang saan ang aabutin ng A.S dito bansa” Nanginginig ako sa mga natuklasan ko. Wala kaming kaalam-alam na nakikipagsalamuha kami sa mga ahas. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin iyon ni Kevin para lang sa pagmamahal niya sa akin. Hindi ko rin lubos maisip na magkadugo ang taong kinamumuhian ko at ang taong tinuri kong tunay na kaibigan. Kailangan kong masabi it okay Evo bago paman mahuli ang lahat. Aatras na sana ako para tunguhin ang elevator ngunit hindi ko akalaing nasa likod ko ang Ama ni Bianca.

“Oh, Alex? You’re here. C’mon inside” yaya niya sa akin. Pipihitin na sana niya ang doorknob ngunit pinigilan ko siya, hindi nila dapat malaman na narinig ko sila.

“No tito, it’s ok. Dadaan sana ako dito but may importante pala akong lakad ngayon maybe next time nalang po. I have to go Tito” paalam ko saka dali-daling tinungo ang Elevator. Nanginginig ako habang nasa loob ng kotse ko. Sinusubukan kong tawagan si Evo ngunit hindi ko siya makontak. Naka-ilang subok na ako bago pa tumunog ang celphone niya.

“Franz, napatawag ka?” masigla niyang sagot.

“Evo we need to talk!” seryoso kong sabi.

“About what?”

“The child, hindi mo anak ang batang nasa sinapupunan ni Bianca Evo”

“Franz?..You’re just being paranoid ok?” hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

“papunta ako sa bahay mo, doon tayo mag-usap para maniwala ka” binabaan ko na agad siya ng celphone.

Pagdating ko sa bahay ni Evo ay inaasahan ko ng madilim na dahil hindi narin doon nakatira ang Daddy niya. Sa labas ko nalang ng gate ginarahe ang kotse ko. Pumasok ako sa loob, Binuksan ko lahat ng ilaw sa sala ng bahay. Magdadalawang oras na ngunit wala parin si Evo. Umakyat ako sa kwarto ni Evo, Humiga na muna ako sa kama niya. Hindi ko namalayang nakatulog ako.

Nagising ako ng may marinig akong kalabog sa ibaba ng bahay. Lumabas ako ng kwarto, tiningnan ko kung nandiyan naba si Evo.

“Evo? Ikaw ba yan?” sigaw ko, may naririnig akong kaluskos ngunit hindi ito sinasagot ang tawag ko. Bumaba ako sa sala. May narinig akong ingay sa kusina.

“Evo?” tawag ko ulit. Nanlaki ang dalawang mata ko ng Makita ko ang dalawang lalaking lumabas sa kusina, naka bonnet ang mga ito kaya hindi ko sila mamukhaan. May dalang patalim ang dalawa kaya kinabahan ako. Mabilis akong tumakbo sa itaas ngunit naabutan ako ng isa sa kanila sa hagdan. Hinila niya ako palapit sa kanya saka pinagsusuntok sa mukha. Halos mawalan ako ng ulirat sa sakit. Pinagtutulungan nila akong bugbuging dalawa, halos gumapang ako sa sakit.

“Tigilan niyo siya!.. putang ina niyo!!” galit na sigaw ni Evo. Halos liparin niya ang dalawa sag alit niya. Iniwan ako ng dalawa at saka hinarap si Evo, nakipagbuno ito sa dalawa. Alam kong kaya sila ni Evo ngunit hindi ko inaasahang may isa pang lalaking pumasok, may bitbit itong batuta. Walang kasinglakas niya itong hinampas sa likod ni Evo dahilan para matumba ito sa sahig. Gumapang ako palapit sa kanya.

“E..evo?” naiiyak kong sambit sa pangalan niya.

“Ililigtas kita dito mahal ko” mahina niyang sabi habang hinahawakan siya ng dalawang lalaki, samantalang yung lalaking nakahawak ng batuta ang nakahawak sa akin. Itinaas ng nakahawak sa akin ang ulo ko.

“Please wag niyong gawin yan nagmamakaawa ako” pakiusap ni Evo.

“Pasensya na pare pero sumusunod lang kami sa utos” sagot niya. Pinikit ko na lamang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagpalo sa ulo ko ngunit hindi ko na nararamdaman ang sakit. Wala akong marinig, nakikita ko ang pagsigaw ni Evo lumuluha itong nakatingin sa akin, pilit niyang inaabot ang kamay ko. Nagpupumiglas siya para iligtas ako ngunit wala siyang magawa.

Itutuloy………..




Miyerkules, Hulyo 23, 2014

A Love In An Island chapter 23



I humbly apologize if meron man akong mga kamalian or typographical errors sa aking bagong akda or may mga wrong grammars din minsan, paumanhin po intindihin niyo nalang po ako hehehe. please don't hesitate to leave your comments after reading the story and if you have suggestions and correction feel free to message me(jenysis.aposaga90@gmail.com)

open din po ako sa constractive criticism atleast ma-aware niyo po ako if may mga mali ako. salamat po.


DISCLAIMER: This story is work of fiction. any resemblance to any person, place, or written works are purely coincedental. the author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rigths are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.


                                       
                                                    A Love In An Island



                                                                   By: Jenysis Aposaga


Chapter 23

Kinahapunan maaga akong umuwi, nasa Elevator ako at naghihintay para bumaba sa basement kong nasaan naka~park ang kotse ko.

"Pwede ba kitang makausap?"lumingon ako~si Evo.

"May dapat ba tayong pag~usapan?" mataray kong tanong.

"Kayo na ba ni Kevin?"

"The hell you care!" singhal ko saka tumalikod eksakto namang bumukas ang elevator kaya mabilis akong humakbang papasok. Nabigla ako ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko ng mahigpit.

"I care because I love you!" galit niyang sagot. pinilit kong tanggalin ang kamay nya ngunit mahigpït ang pagkakahawak niya.

"Evo nasasaktan ako please?"

"Sagutin mo muna ako..mahal mo pa ba ako?"

"bitawan mo ako!..nasasaktan ako" muli kong pakiusap, hindi ko pinansin ang tanong niya.

"BITAWAN MO SIYA!!!!" boses na galing sa kabilang elevator na kabubukas lang. napatigil ako, nakita ko ang galit na si Kevin.

Sinugod niya si Evo ng suntok, na out of balance si Evo kaya napasubsob ito sa sahig. babangon sana para gumanti si Evo ngunit naunahan na naman siya ng tadyak ni Kevin. Medyo nawala ako sa sarili, natauhan lamang ako ng makita ko na puno ng dugo ang mukha ni Evo. parang kinurot ang puso ko ng makita ang taong mahal ko na nasasaktan. patuloy siyang pinagtatakdyakan ni Kevin kaya parang wala ako sa sarîli kong tinulak siya palayo kay Evo. Umupo ako at ipitanong sa mga hita ko ang ulo ni Evo.

"Evo I'm sorry..are you ok?" nag~aalala kong tanong. hindi ito makasagot agad dahil namimilipit ito sa sakit.Hindi ko namalayan na pinagtitinginan na kami ng ibang mga ka~officemate namin.

"I'm sorry francis hindi ko sinasadya" si Kevin.

"Iwanan mo na muna kami Kevin please?!!!" galit kong tinuran, parang aso naman itong sumunod. Nagpakuha ako ng cotton at betadine at nilagyan ang mga sugat ni Evo.

"Anong nangyari?!!!OMG!! honey are you Ok?" bulalas ni Bianca. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nito, umupo ito sa tabi ko at inilipat ang ulo ni Evo sa mga hita nito.

"Let me take good care of my BOYFRIEND, friend" wika ni Bianca. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya at sa paraan ng pag diin niya ng salitang "boyfriend".

Umalis ako, nakita kong nakatitig sa akin si Evo na para bang ayaw niyang umalis ako. Ngunit wala akong karapatan sa kanya, may nobya siya at higit na may pakialam sa kanya.

Tuloy~tuloy ako sa Elevator na hindi lumilingon, ni hindi ako nagpaalam sa kanila. Ganito pala pagmahal mo ng totoo ang isagn tao kasi kahit anong kondisyon mo sa isip at puso mo na matatag ka na, may mga pagkakataon parin na masasaktan ka.

Umiiyak akong magisa sa loob ng elevator, pagdating ko sa basement kung nasaan naka park ang kotse ko ay may biglang humablot sa braso ko.~si kevin.

"I'm sorry best di ko sinasadya"

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at ginawa mo iyon"

"I'm so sorry"

"Wag mo na muna akong kausapin"
sagot ko dito, tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko.tumalikod ako sa kanya para tumungo sa aking kotse .

"Mahal mo pa ba siya?.."

Napatigil ako sa aking paglalakad ng marinig ang tanong niya. Nagbuntong hininga ako bago humarap sa kanya.

"Kung sasabihin kung Oo?!...anong sasabihin mo?...Na ang tanga~tanga ko?..nagpapakamartyr ako?..Kevin hirap na hirap na akong labanan ang letsing nararamdaman kong ito...pagod na pagod na ako" umiiyak kong sagot dito.

Napaluhod ako sa sahig sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Naramdaman kong basta nalang bumuhos ang emosyong nagpapahirap sa akin na matagal ng nagtatago sa kaibuturan ng aking puso.Naramdaman kong yumakap mula sa aking likod si Kevin. pinahiran niya ng kanyang kamay ang mga luhang dumadaloy sa gilid ng aking mata.

"Sssh....tama na. nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nahihirapan ka" mas lalong humigpit ang pagkakayapkap niya sa akin.

"Bakit ang bait mo parin sa akin?..."
umiiyak kong tanong kay Kevin, hinawi niya ang bukok kong nakatakip sa mukha ko. Hinawakan niya ang magkabilang bahagi ng aking pisngi.

"Dahil mahal kita francis. Mahal na mahal"

Nakita ko yung sensiridad sa mga mata niya, ngunit paano ko siya mapagbibigyan sa pag~ibig na gusto niya kung si Evo ang laman nitong puso ko.

"Kevin.."

"Ssshh?...I know mahal mo parin siya and though it hurts I'm willing to wait" Hinatid ako niya ako sa condo ko. kinabukasan tumawag ako sa opisina, nagpaalam ako na magbabakasyon muna. Kailangan ko ng panahon para mag~isip at hanapin ang sarili ko.


Wala akong balak na pumunta o magbakasyon sa malalayong lugar. Umuwi ako sa bahay gusto ko ng mahabang panahon para makasama sila.

Naging masigasig naman si Kevin sa pagdalaw sa akin halos araw~araw sa bahay. Si Darcie naman ay nakakausap ko lang sa Skype.

"Anak?...nasa labas na ang sasakyan ni Kevin naghihintay sayo." si Mommy.

"Teka lang Mom, aayusin ko muna tong bohok ko"

"Son, I know you still love Evo. And I'm not in the rigth position anymore to chose the "which is which" optïon. but why can't you give Kevin a chance?..he was, and still, he is always been good to you I can tell how much he loves you" Mahabang salaysay ni Mommy.

"Gustong gusto ko pong pagbigyan sï Kevin Mom. but you know, I dont want to promise him somethïng which in the end I'm not sure if I could still hold with that promise. As of now, I want to enjoy the moment of being in his company"

Gusto kong kalimutan yung nararamdaman ko para kay Evo, kailangan kong mag~enjoy para maiwasan yung lungkot sa tuwing naiisip ko si Evo. Alam kong si Kevin ang makakagawa nun, siya ang kailangan ko para madaling makalimutan si Evo. Hindi naman siguro ako unfair dahil kailan man hindi ako nangako kay Kevin kaya wala dapat siyang isumbat na ginawa ko lang siyang panakip butas.

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Kevin.
hinintay na muna niya akong masarado ang pintuan ng kotse at makaupo ako ng maayos bago nagsalita, nakangiti lang ito sa akin.

"Medyo. pero O.k lang sulit naman dahil makakasama naman kita"sagot nito sa akin.

Dinala ako ni Kevin sa isang mamahaling restaurant. Napakaganda ng lugar dahil damang~dama mo ang katahimikan doon.

Umorder siya ng mamahaling wine pagkatapos naming kumain. Unang tikim ko palang sa wine ay masyado akong nasarapan sa lasa nito, Alam kong the next time around na gigimik ako ay may paboritong inumin na akong oorderin.

We've talked a lot of things, we shared every experienced we had while we were far from each other. Nalaman kong isang PMA cadet sï Kevin, siyay kasulukuyang  nasa huling taon ng kanyang training doon. Nabigyan pala sila ng dalawang buwan na bakasyon at tatlong linggo nalang ay babalik na ito sa baguio.

Maraming beses pang naulit ang date naming iyon ni Kevin. Gusto kong pagbigyan siya sa gusto niyang mangyari ngunit natatakot akong hindi ko kayang pangatawanan ito hanggang sa huli, masasaktan ko lang siya. Mahalaga si Kevin sa akin at ayaw kong mawala siya sa buhay ko.

"Wala ba talaga akong pag~asa sayo?" tanong niya sa akin habang kumakain kami.

"Kevin, for now gusto kong i~enjoy muna yung moment na ito. masaya tayo, walang iniisip. mahal kita kevin pero sa ngayon hindi ko alam kung hanggang saan ang pagmamahal ko sayo"

"Maghihintay parin ako sayo. kahit saan man ako dalhin nito. ganun kita kamahal francis" Ngumiti ako sa kanya. hinaplos ko yung kamay niyang nakapatong sa mesa.

Siguro nga kung hindi lang dumating sa buhay namin si Evo noon masaya sana kaming nagsasama ngayon ni Kevin.

Sinulit namin yung mga natitirang araw sa pamamasyal na magkasama, gusto kong turuan ang puso kong mahalin si Kevin kahit imposible.

Hindi ko man siya sinagot sa gusto niya ngunit sa mga kilos at galaw niya, Sa mga ipinapakita nya sa akin daig pa namin ang bagong kasal.

Natatawa ako sa mukha ni Kevin sa huling araw ng kanyang bakasyon. Daig pa kasi niya ang namatayan, nasa dalampasigan kami at nagmamasid sa papalubog ng araw.

"Wag ka ngang ganyan, para kang temang eh!" sabi ko sa kanya.

"Nag~aalala lang kasi ako" matamlay niyang sagot.

"bakit ka naman nag~aalala?"

"Nag~aalala ako na baka makalimutan mo na naman ako, na baka magkakabalikan kayo ni Evo"

"Kevin. hindi, hindi kita makakalimutan. At sa takot mong baka magkabalikan kami ni Evo?..malabo yun kasintahan niya ang bestfriend ko. I just can't destroy our friendship just because of one man. tulad mo natatakot akong ibahin yung label ng relasyon nating bilang magkaibigan dahil sa gusto mo ako. ayaw ko lang kasi na dumating yung araw na masasaktan khta at masira ang atïng pagkakaibigan"

"I understand you. maghihintay ako hanggang sa bukas ka nang magmahal muli sa iba" Niyakap ako ni Kevin. ayaw kong saktan siya kaya maingat ako sa mga desisyong gagawin ko.

Kinabukasan hinatid ko si Kevin sa airport, napakalungkot niya. Sana sa kanya nalang umibig ang puso ko, ngunit sa ngayon kaibigan lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya.

Balik opisina narin ako kinabukasan, sinalubong agad ako ng mga naiwan kong trabaho at ng mga pagtatalak ni Darcie.

"Ang haba ng buhok mo friend!, akalain mo yun pinag~aagawan ka ng dalawang nagagwapuhang hunks." ~si Darcie.

"Hindi ba nagduda yung mga ka~opisina natin tungkoĺ doon?" tanong ko.

"Hindi ko alam friend, wala naman akong naririnig tungkol doon"

"Kumusta si Bianca?.." tanong ko uli sa kanya.

"Si Bianca ba talaga o si Evo?"

"You heard me rigth?.." tinaasan ko siya ng kilay.

"jowk!...hehehe. ayon problimado sa love life, paano naman kasi malamig na daw ang pakikitungo ni Evo sa kanya..Alam mo ba friend?..nagbanta siya na aalamin kung sino ang kinahuhumalingan ng boyfriend niya"

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Darcie, hindi ko alam pero nagi~guilty ako sa sitwasyon nila ngayon.

"Maiba pala ako friend, may out of town pictorial tayo sa batangas sa makalawa.."

"Kasali ba ako sa pictorial?"

"Aba naman syempre...hindi makokompleto ang ads and commercial ng A.S kung walang ALEX"

"Sino ang makakasama ko?"

"Hot seat?..ang daming tanong..ofcourse no other than but John Evo Thompson..country's acclaimed boyish hearthrob"

Hindi ko mapigilang hindi mag~alala dahil muli na naman kaming magkakasama ni Evo.


Nag-alaala din ako para  kay bianca, paano pagnalaman niya na nakarelasyon ko noon ang boyfriend niya?, magagalit kaya ito sa akin?. magbabago kaya ang pagtingin nito sa akin.

Naging busy ako sa unang araw ng aking trabaho mula ng magbakasyon ako, naipon kasi lahat ng mga reports.

pagkatapos kung maayos lahat ng mga dapat kong kompletohin sa aking report ay nagmadali akong umuwi. Nasa harap na sana ako ng elevator ng madatnan ako ni Darcie.

"Wait!..ngayon nga lang tayo nagkasama uuwi ka kaagad?, gimik muna tayo friend"

"I'm tired eh!"

"Ok..don't you ever talk to me for the rest of your pathetic life"

"Heto naman! yot so harsh, sige na nga. tara may alam akong pweding matambayan"

"Talaga friend?..thank you!" umiba ang aura ng mukha ni Darcie mula sa galit~galitan niyang reaksyon kanina.

Hinintay ko siyang kunin ang gamit niya sa opisina bago kami sabay bumaba. nasa lobby kami ng building ng makasalubong namïn si Bianca.

"Friend?..it's good dahil kompleto tayo"~si Darcie.

"Timing yata ang pagpasyal ko. I need to unwhine, litseng pag~ibig naman kasi ito nakakastress" sabi ni Bianca, saka tumingin sa akin. Nginitian ko siya. kailangan kong magpanggap na walang tensyon sa aming dalawa.

"Hi frans..pansin ko lang ah mukhang nagbago ka mula ng umuwi tayo dito?" tanong sa akin ni Bianca.

"A..e..hindi ah, medyo stressful lang kasi ang mga responsibilidad na ibinigay sa amin dito, unlike noong nasa states pa ako." pagdadahilan ko.

"Well, maybe sa akin ka lang ganyan?" mulïng tanong niya. Parang nabulunan ako ng marinig iyon sa kanya, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin.

"So?, are we just going to talk here the whole time or we'll keep goin'"~si Darcie. Aĺam kong sinadya niyang putulin ang usapan para maĺigtas ako sa mga banat ni Bianca.

Dinala ko sila doon sa restaurant na pinagdalhan sa akin ni Kevin. Hindi naman ako nabigo dahil nagustohan nila pareho ang lugar na iyon.

Umorder ako ng wine pagkatapos naming kumain, yung katulad sa wine na inorder ni Kevin ang nirequest ko, alam kong yun ang magiging paborito ko.

Naging masaya naman ang pag~uusap naming magkakaibigan, ngunit hindi kontento sa wine na inorder ko si Bianca tinawag nito ang waiter at umorder ng inuming malakas makatama. Pinigilan siya nï Darcie pero hindi ito nagpatinag, tumahimik na lamang ako.

Nakailang lagok din ito bago tinamaan ng pagkalasing.

"Ang tanga tanga ko nuh?....bakit kasi lage nalang niya akong sinasaktan" umiïyak na atungal ni Bianca, alam kong si Evo ang tinutukoy niya.

"Pagsubok lang yan friend" sabi ni Darcie.

"Nahihirapan na kasi ako, nararamdaman kong may iba siyang mahal. Malilintikan sa akin kung sino man ang taong mahal niya."

Nakaramdam ako ng pagkabahala ng marinig ang mga sinabi ni Bianca.

Hindi ko inaasahan na magwawala ito sa loob ng restaurant. Pinauna ko si Darcie na lumabas ng establisimentong iyon para gabayan si Bianca, nagpaiwan ako para bayaran ang bill namin.

Naiwan nga ako sa hotel, papalabas na sana ako ng mahagip ng mata ko si Alyson na nag mamadaling sumakay sa elevator. May kutob akong may tinatago si Alyson, medyo curious ako kaya palihim ko siyang sinundan. Nasa 10th floor ng hotel ang punta ni, alam kong may malalaman akong ikakasama ng pangalan niya. Kulang pa para sa akin kahihiyang natanggap niya noong fashion week. Syempre hindi ko kailangang magmanman lang, kailangan ko ng ebidensiya. binuksan ko ang celphone ko, Huminto siya sa harap ng isang kwarto. Hindi na ako nagulat sa sumunod na nangyari, binuksan ng isang lalaki ang pinto. Nagyakapan sila at naghalikan sa labas, sapul sa camera ng celphone ko lahat ng kaganapan bago nila maisarado ang pintuan.

Nagmamadali akong umalis sa lugar na iyon, Sa ngayon maigaganti ko na rin ang sarili ko sa kababuyang ginawa sa akin noon ni Alyson. Pagdating ko sa Condominium ay agad kong inupload gamit ang isang Dummy account sa internet ang boung video. Nilagyan ko ng caption ang naturang video “Ang Kalandian ng Anghel na si Alyson”.

Tiyak na pagkakaguluhan ng madla ang bahong itinatago ni Alyson bukas, palihim akong napangiti sa aking natuklasan. Kinaumagahan hindi ko na binuksan pa ang T.V o mag surf sa internet para kumustahin ang lagay ng Video na aking inapload. Hahayaan ko sila ang makatuklas noon at pagpeyistahan ng boung bansa. Masaya akong pumasok sa opisina, napakalaki ng mga ngiting bumungad sa aking mga labi.

“Handa ka na ba?” si Darcie.

“Handa?. Saan?” kumunot ang aking noo.

“Friend?..di ka ba nasabihan na may out of town pictorial kayo ni Evo?”

“Ha?..No!..why don’t you tell me last night?” naiinis kong sagot, hindi pa naman ako nakapaghanda ng mga sariling belongings ko. Aware ako na may out of town pictorial kami ni Evo but hindi ko alam na gagawin iyon the soonest as possible ng company.

Umupo nalang muna ako sa aking table at humigop ng kapeng hiningi ko sa aking secretary. Abala naman si Darcie sa pakikipagusap sa telepono para ayusin ang mga kailanganin ko sa set. Nang matapos ito sa kausap niya ay lumapit ito sa akin.

“Ok, tumawag na ako sa ibang staff natin. I told them na dumaan sa grocery store at bumili ng mga kailanganin mo doon. I gave them the list na lagging mong dala sa bag mo. And because of that you don’t have the excuse para umuwi pa ng condo mo. I don’t want any delay sa shoot na ito. You know naman ako at ikaw palage ang nakakatikim ng galit ng mga boss natin”.

“Ok, wala na akong magagawa pa. Halika ka na sa sasakyan at makapaglakbay na tayo”pang-iinis ko kay Darcie. Huminga na lamang ito ng malalim bago sumunod sa akin.

Isang malaking Van ang sinakyan namin, halatang personalized ang interior nito. May maliit na kama sa loob kung saan Malaya akong makatulog habang nasa byahe kami. At yun nga ang nangyari, natulog ako. Alam kong napakalayo ng lugar na aming pupuntahan kasi sa haba ba naman ng tulog ko ay nasa byahe parin kami.

Pagdating naming sa set ay mabilis lang din naming nakapagtayo ng mga tent ang mga crew at maiset ang mga lights para sa pictorial. Napansin kong wala pa pala si Evo, mag-iinit na sana ang ulo ko ngunit may isang naka motorsiklo ang dumating naka black leather jacket ito at naka black helmet. Dahan dahan niyang tinanggal ang helmet niya-si Evo nga. Napakagwapo niya sa dating niyang iyon ang astig tingnan.

“Sorry to keep you waiting” sabi niya saka ngiti sa aming lahat.

“Guys give Evo a fast retouch then ibigay sa kanya ang costume niya” sigaw ni Darcie sa mga crew namin.
Naging maayos naman ang takbo ng Pictorial, medyo nagkakailangan kami ni Evo ni hindi ko siya kinikibo sa set. Matapos ng lahat ng dapat i-shoot sa amin ay naglakad-lakad ako sa paligid. Malayo sa kabihasnan ang lugar na iyon, wala kang halos makitang tao sa paligid kaya Malaya kaming nakakagalaw na walang mga usesero sa paligid.

Medyo nalibang ako sa aking pagmumunimuni, hindi ko namalayang ang tagal ko na palang wala sa aming tent. Nagmamadali akong naglakad pabalik. Nagulat ako ng madatnan ang lugar kung saan kami nag set-up ng tent na wala ng kahit sino man doon. Natakot at naiinis ako sa mga oras na iyon. Pagnagkataong nakalimutan nilang hindi ako kasama pabalik ay maglalakad ako sa direksyong hindi ko alam kung saan patungo. Wala akong kahit ano na dala sa aking katawan kundi ang sarili ko lang.

“Sa akin ka na sumakay” isang boses ang aking narinig mula sa aking likuran. Lumingon ako.-si Evo.

“Hinayaan mo silang iwanan ako dito” naiinis kong sabi sa kanya.

“No. I don’t even know you’re still here!” sagot niya na parang walang pakialam sa inis ko.

“Sinungaling!” sigaw ko.

“sinadya mo ito noh?” dagdag ko. Nginitian lang naman niya ako saka pinaandar ang kanyang motor.

“I don’t owe you any explanation. Kung ayaw mong sumakay sa akin, bahala ka” malumanay niyang sagot sa akin. Hindi ako sumagot, tuloy-tuloy siya sa pagpapatakbo ng kanyang motor ni hindi man lamang ito nagpaalam. Kumukulo ang dugo ko sa mga oras na iyon sa kanya. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko na rin halos maklaro ang papalayong imahe ni Evo. Para akong baliw na nag-iisang naglalakad sa daan na wala man lamang katao tao.

Madilim na ang paligid at parang nagbabadya pang umulan, nagsimula narin akong matakot dahil hindi ko alam ang gagawin. Hindi ako makapaniwalang nakaya akong iwanan ni Evo sa ganung sitwasyun. Nag dasal akong hindi sana umulan ngunit parang nakikiisa ang langit sa kamalasan ko ngayon. Umulan ng pagkalakas lakas na sinabayan pa ng nakakabinging kulog at kidlat. Nanginginig ako sa lamig at takot habang nakaupo sa ilalim ng malaking puno. Umiiyak ako.

Nagulat ako ng may biglang naglagay ng jacket sa palibot ng aking basang katawan, napaigtad ako sa takot sa akalang kung sino man iyon, tatakbo n asana ako ngunit niyakap ako nito.

“Bitawan mo ako, parang awa mo na!..bitawan mo ako please” sigaw ko.

“Francis, No,no, si Evo ito I’m sorry!” ng marinig ko ang boses niya’y nahagulgol ako sa iyak. Lumuhod ako para maibsan ang emosyong nasa dibdib ko.

“I’m sorry..ligtas ka na nandito na ako” muli siyang nagsalita habang nakayakap parin sa akin.

“Bakit mo ginagawa ito?” umiiyak parin ako.

“Dahil gusto kitang masolo!, I still love you. Noon, ngayon at kalianman.” Sagot niya na nakapagpatunganga sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit, yakap na kung saan ramdam ko ang pagmamahal niya.

“Handa na akong panindigan ka, whatever it takes” dagdag niya.

“Wag mo ng guluhin ang buhay ko” seryoso kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang mga kamay niyang nakabalot sa aking katawan. Tahimik itong tumayo at tinungo ang kanyang motorsiklo nakailang beses itong nagtry na paandarin ang sasakyan nito ngunit pumapalya parin ito. Ilang oras na siyang kumakasa sa pagpapaandar ngunit lagi siyang bigo.

Apat na oras din ang lumipas hanggang napagod ito. Humiga ako sa ilalim ng malaking puno sanhi ng antok at pagod kahit na binabayo parin kami ng malakas na ulan.Ni hindi ko rin namalayan na nakatulog ako, magmamadaling araw na ng magising ako sa taas ng aking lagnat. Nanginginig ako at hirap huminga.

“Are you ok?” si Evo, lumapit ito sa akin. Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking noo.

“God!, ang taas ng lagnat mo” Binuhat niya ako hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin hanggang sa nawalan ako ng malay.

Itutuloy………..